Tahimik ang umaga sa baryo ng San Sebastian. Maliban na lamang sa kalansing ng side car ni Mang Bird na binabayo ng alon ng hangin habang minamaneho niya ito sa makipot na daan. Si Mang Bert 52 taong gulang. Isang amang pilit na kinakaya ang bigat ng mundo. Mula ng bawian ng buhay ang kanyang asawa dahil sa isang aksidente tatlong taon na ang nakakalipas.
Noon, may katulong siya sa pag-aalaga ng mga bata. May kasama siyang ngumingiti sa hirap. Pero ngayon, mag-isa na lamang siyang nagsusumikap. Mapapansin sa mukha ni Mang Bert ang malalim na bakas ng pagod. May mga linyang parang guhit ng bawat araw na siya’y lumalaban para mabuhay. Ngunit sa kabila nito, may lambing sa kanyang mga mata.
Tuwing nakikita niya ang kanyang mga anak, si Alyana, si na taong gulang at si Louis pitong taong gulang. Pareho ang nasa elementary niya. magkapatid na sabik matuto. Kulang sa gamit sa eskwela pero puno ng pangarap. Si Alyana ay mas advance ang pag-iisip. Tahimik siyang bata hindi pala salita. Lagi lamang nakamasid. Ramdam niya ang bawat pagod ng kanyang ama.
Kahit bata pa, marunong na siyang tumulong. nag-aayos ng kanilang munting bahay, nagluluto ng kanin kapag gabi at nag-aalaga kay Louis. Sa murang edad ay natutunan na niyang maging matataga. Samantala, si Louis ay mas masiyahin, madaling mapagod at mabilis magreklamo kapag gutom. Madalas siyang magtanong kung may ulam na o kung may pera pa ba sila.
Pero mahal na mahal niya ang kanyang ate at ang kanyang ama. Ang pamamasada ng side car ang pangunahing hanap buuhay ni Mang Bert. Sa isang araw ng biyahe minsan ayo ang kanyang nauuwi. Apat na raan naman kapag sinwerte. Ngunit sa baryong iyon bihira ang pasahero lalo na kapag hindi araw ng palengke o kapag umuulan.
Ang kinikita niya ay pinagkakasya niya para sa bigas at ulam. Ulam na madalas ay sardinas o instant noodles at baon ng mga bata na kung minsan ay nagsa-p o b lang. Gabi-gabi bago matulog, tinitignan ni Alyana ang kanyang notebook na halos maubos na ang pahina at pati na rin ang lapis niyang halos kasing ikli ang kanyang hintuturo.
Sabay nilang naririnig ni Louis ang pag-ubo ng ama sa labas habang nililinis nito ang side car. At sa bawat gabing iyon, nararamdaman nila ang bigat ng pagsisikap ni Mang Bert. Isang umaga habang nag-aalmusal sila, tinapay na may kaunting palaman at mainit na tubig na parang kape, “Napagpasya ni Mang Bert ang isang bagay.
” “Mga anak,” mahina niyang sabi. “Pupunta tayo sa fiesta sa kabilang bayan.” Namilog ang mga mata ni Louis. Piyesta po tay may pagkain po doon. Gumiti si Alyana kahit alam niyang kapo sila. Papa, hindi po ba magastos? Umiling si Mang Bert. Nandoon ang pinsan kong si Solidad. May kaya sila sa buhay. Baka sakaling makalibre tayo ng pagkain ngayon.
Kahit isang araw lang na busog kayo anak. Hindi man sinabi pero ramdam ni Alyana ang pag-aalala ng Ama. Ngunit ramdam niya rin ang pagnanais nitong mapasaya sila kaya’t ngumiti siya. Sige po tay, excited na po kami. At bago sila lumabas ng bahay, tumingala si Mang Bert sa langit. Nagdasal ng tahimik. Kahit minsan lang, Panginoon, saan na po ay maging masaya ang mga anak ko ngayon.
Hindi niya alam na ang pag-asang iyon ang siyang magiging simula ng isang masakit ngunit makabulu ang kabanata sa kanilang buhay. Ang araw na magtutulak sa kanyang mga anak tungo sa matinding pangarap. Masigla ang paligid ng tumapak sa karatig pay Mang Bert at pati na rin ang mga bata. May bandaritas sa bawat poste.
Maingay ang tugtog mula sa plaza at amoy na amoy ang mga inadobong manok, menudo at pansit mula sa bahay-bahay. Palibha sa araw ng piyesta tila masarap ang hangin lalo na para kay Louis na matagal ng hindi nakakakain ng espyal na ulam. Day, ang bango po. Nakakagutom po. Halos mapalunok si Louis. Habang hawak ang laylayan ng damit ng kanyang ama.
Habang naglalakad, halataas na damit nila ang pagkakaiba nila sa karamihan ng mga nasa piyesta. Si Alyana ay nakaunat na palda at lumang blouse na hiniram lang sa kapitbahay. Si Louis naman ay naka t-shirt na may butas sa tagiliran at si Mang Bert ay nakasapatos na may punit sa gilid. Ngunit kahit ganoon, umaasa silang tatanggapin sila ni Aling Solidad nang mayroong respeto at pagmamahal lalo na’to’y kanilang kamag-anak.
Pagdating sa malaking bahay na kulay beige na may malawak na gate, agad nilang narinig ang tawanan at pingganang nagsasalpukan sa loob. Sa dami ng sasakyang nakaparada sa labas, SUV, van at kotseng bago, halata ang yaman ng pamilya ni Solidad. Nag-dorbell si Mang Bert sa gate. Lumabas ang kasambahay at sandaling tinitigan sila mula ulo hanggang sa paa bago tumalikod para tawagin si Solidad.
Mula sa malayo, nakita nilang abala ito sa pagtanggap ng mga bisita. Maya-maya a’y tinignan sila nito at kumaway ng sandali lang habang kausap ang isang babaeng nakamamahaling alahas. Napangiti si Mang Bert. Kahit sandali lang, ramdam niyang napansin sila. Pinaupo sila sa gilid ng veranda sa pinakamaliit na bangkong kahoy.
Lumipas ang s minuto, 20 hanggang sa tatl minuto. Papa, bulong ni Alyana habang pinagmamasdan ng mga taong dumarating. Bakit po ‘yung bagong dating pinapapasok na po kaagad? Pero tayo po hindi. >> Hindi kaagad nakainimig si Mang Bert. Pinilit niyang ngumiti. Marami kasing tao, anak. May nasikaso lang.
Tay, tumutunog na po yung tiyan ko. Reklamo ni Louis habang hawak ang tiyan. Magsasalita pa lamang si Mang Bert para sagutin ang kanyang anak nang lumapit ang isa sa mga kasambahay. Pasensya na po. Sabi po ni Ma’am Solidad naubusan na raw po ng pagkain. Pantay na lang daw po ulit. Napayuko si Alyana. Nakagat niya ang labi niya para hindi maiyak.
Si Louis naman ay nagreklamo, “Eh, tay, bakit sila may pagkain pa at ang dami pong handa sa mesa?” Tumingin si Mang Bert sa loob. Nakita niyang walang katapusang trace ang pagkain na inilalabas para sa mga bisitang mayayaman. Naroon sa soledad, tuwang-tuwa, hawak ang basong mamahalin. Hindi man lamang muli lumingon sa kanila. Doon niya naramdaman ang kirot.
Hindi dahil gutom siya kung hindi dahil nakikita niya ang pagkalito at sakit sa mga mata ng kanyang mga anak. Tumayo siya at hinawakan ang kamay nila. Tara mga anak, umuwi na lang tayo. Pero tay, hindi pa po tayo kumakain. Mahinang sabi ni Louis. Nilunok ni Mang Bert ang bigat sa kanyang lalamunan. Pasensya na ha.
Maraming bisita ang tiyahin niyo. Hindi niya tayo maasikaso. Alam ni Alyana na hindi yun ang totoong dahilan. Alam niyang hindi sila gusto roon. Hindi sila welcome at sa sandaling iyon nangako siya sa kanyang sarili. Hindi na kami babalik sa lugar na hindi kami tinatanggap. Hindi na ako papayag na makita ang papa kong nahihiya.
Mag-aaral akong mabuti at aangat kami. Habang papaalis sila, nangilid ang luha ni Mang Bert. Hindi dahil sa gutom, kung hindi dahil sa hiya at sakit. Tahimik ang biyahe pauwi. Wala na isang salita ang maririnig kong hindi ang mahinang ugong ng side car at ang paminsang-minsang hitbi ni Louis na pinipilit itago.
Si Mang Bert ay nakatingin sa daan. pinupunasan ang kanyang mga matang nagbabantanang pumatak at pati na rin ang kanyang pawis. Nilakasan na lamang niya ang kanyang loob hindi para sa sarili kung hindi para sa dalawang batang umaasa lamang sa kanya. Pagdating nila sa bahay, agad silang nagbihis.
Naghain si Mang Bert ng natitirang biskuit at isang delatang sardinas para naman kahit papaano ay mapawi ang gutom ng mga bata. Pasensya na mga anak ha. mahinang sabi niya habang iniinit ang sardinas. Sobrang dami lang siguro ng taho kanina kaya hindi tayo naasikaso. Nakayuko si Louis habang sinusubo ang piraso ng tinapay. Tay, masakit po ang tiyan ko.
Ramdam ni Mang Bert ang kirot sa kanyang dibdib. Nilingon niya si Alyana na nakalapat lang ang tingin sa pinggan. Tahimik parang may malalim na iniisip. Alyana, anak, kumain ka na muna. Lambing ni Mang Bert. Ngunit hindi tumugon ang bata. Tumingin lamang ito sa kanyang ama. Sa mga kamay nitong may kalyo, sa pawis na hindi natutuyo sa noo at saiting pilit na itinatago ang pagod at hiha.
“Tay!” simulang sabi ni Alyana. Mahina ang boses ngunit puno ng bigat. “Hindi po totoo yung sinasabi nila. Hindi po talaga sila naubusan ng pagkain.” Napatingin si Mang Bert sa anak. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. Ang totoo po hindi po nila tayo gusto doon. Dagdag ni Alyana halos [musika] pabulong. Kasi mahirap lang po tayo.
Hindi nakapagsalita si Mang Bert. Umupo siya. Pilit na pinipigilan ng luhang gustong bumagsak. Lumapit si Alyana at hinawakan ng magaspang na kamay ng ama. Tay, hindi ko po makakalimutan ang nangyaring ‘yon. Hindi ko po makakalimutan yung gutom ni Louis. Yung nahiya ka at yung parang wala tayong halaga roon.
Nalaglag ang tingin ni Bert. Anak, pasensya ka na ha. Hindi ko kayo napasaya. Umiling si Aliana. Hindi niyo po kasalanan, tay. Wala po kayong kasalanan. Hindi po kayo dapat na mahiya at hindi po dapat kayo humingi ng tawad. Mas mabuti pa po kayong tao kaysa sa kanila. At doon unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ni Mang Bert.
Tay, patuloy ni Alyana. Pangako po, mag-aaral po akong mabuti. Gagawin ko po ang lahat para hindi na natin maranasan yon. Gagawin ko po ang lahat para hindi na po kayo magmakaawa ng kahit na ano sa kahit kanino. Hindi po tayo mananatiling ganito lamang habang buhay. Tumango si Mang Bert hindi makapagsalita dahil sa kanyang emosyon.
Palang araw, Tay. Mariing sabi ni Alyana. Ako po ang mag-aangat sa atin. Sa gabing iyon, pagkatapos kumain ng kapirasong sardinas at tinapay, sinindihan na ni Mang Bert ang lumang lampara at binantayan ng dalawa habang natutulog. Tinitigan niya ang payat na katawan ng mga bata. Ang mukha nilang walang malay sa bigat ng buhay.
At sa murang edad ni Alyana, naitanim na ang binhi ng pagbabago. Bining hindi lalago sa lupa ng yaman kung hindi sa lupa ng sakit, hiya at pangarap. Hindi niya alam kung gaano katagal pero alam niyang darating ang araw na hindi na sila titignan ng mababa ng kahit na sino. Dahil ang pangako niya ay hindi basta salita lamang.
Ito ang kanyang magiging sandata laban sa kanilang kahirapan. Lumipas ang mga taon na puno ng pagod, puyat at tahimik na pag-iyak sa gabi. Ngunit kasabay nito ay ang unti-unting pag-usad ng pangarap na sinimulan ni Alyana noong araw ng biyesta. Ang araw na tinuring silang walang halaga. ‘Yun ang sugat na unti-unting naging lakas.
Sa high school naging honor student si Aliana. Kahit luma ang kanyang sapatos, kahit mahiyain, kahit madalas ay naghihintay lang ng libreng modules dahil wala silang pera, ipinakita niyang hindi kayang hadlangan ng kahirapan ang kanyang determinasyon at pagsisikap. Madalas siyang nag-aaral sa ilalim ng ilaw ng poste kapag wala ng langis ang lamparan nila.
Samantalang si Louis ay lumaki ring masipag. Minsan ay tumutulong kay Mang Bert na maglinis ng side car o maghatid ng pasahero. At si Mang Bert, siya ang haligi na hindi bumibitaw. Tatlong trabaho ang sabay-sabay niyang pinasok. Pamamasada, pag-aayos ng sirang upuan ng ilang kapitbahay at paminsan-minsan naipagtulong sa construction kapag may bakanteng oras.
Ang katawan niya’y lumamlam sa lakas ngunit ang puso niyang para sa mga anak ay hindi kailan man ang hina. Dumating ang panahon na magkokole na si Alyana. Wala silang pera ngunit hindi yun naging hadlang. Kumuha siya ng scholarship exam at pinalad siyang makapasa. Buong tuition ay paid na. Hindi napigilan ni Mang Bert ang maluha noong araw na yon.
Tay, libre na po ang tuition ko. Balita ni Alyana habang hawak ang papel. Parang napawi ang ilang taong bigat sa balikat ni Bert. Salamat po, Panginoon. Ang tanging nasambit niya bago niya niyakap ang kanyang anaka. Sa kolehiyo kumuha si Alyana ng accountancy. Kurso na alam niyang magbibigay daan sa mas magandang buhay.
Ngunit hindi madali. Madalas siyang kulang sa pagkain. Minsan ay isang pirasong tinapay lang sa buong araw. Tumutulong siya bilang student assistant upang kumita ng maliit na allowance. Paminsan-minsan ay nanghiram siya ng libro dahil hindi kayang bumili. Kapag tinatamaan siya ng pagod, naaalala niya ang veranda ng bahay ni Solidad, ang gutom na kanyang kapatid na si Louis at ang pilit na ngiti ng kanyang ama.
At dahil doon ay agad na bumabalik ang kanyang lakas. Samantala, sa paglipas pa ng ilang taon, si Louis ay nakapasok rin bilang engineering. Hindi man buong scholarship, nakakuha naman siya ng partial grant. Pinagkakasya nila ang natitirang bayarin sa tulong ng maliit na kita ng Ama, ng paminsan-minsang rocket at ng tiyaga ni Alyana na magturo ng accounting sa mas mababang batch para magkaroon ng extra na panggastos.
Sa tuwing umuuwi si Alyana galing klase, lagi niyang nakikita si Mang Bert pagod, pawis na pawis at halos hindi na maitaas ang balikat ngunit laging merong. Anak, okay lang ako basta’t makita ko kayong nag-aaral ng mabuti. Isang gabi, nadatnan ni Alyana ang ama na nakatulog sa upuan. Hawak pa ang maliit na lata ng langis na pang-maintenance ng sideec.
Napaiyak siya. Sa tahimik ng kwarto, tanging pangako niya ang umaalingawngaw. Tay, hindi po masasayang ang paghihirap niyo. At tunay ng hindi ito nasayang sapagkat si Alyana ay nakapagtapos na ng kolehio. Dumating ang pinakamahalagang araw sa buhay niya. Ito ay ang board exam. Ilang buwan halos walang tulog.
Gabing-gabi na akong umuwi at napakaaga kong bumangon. Naging kaibigan niya ang makapal na libro, ang kape at ang lampang matagal ng kinakalawang ngunit nagbibigay pa rin ng liwanag. “Anak, kaya mo y!” sabi ni Mang Bert habang iniabot ang baon nitong tubig. “Nagdarasal ako palagi para sao ngumiti si Alyana.
Tay, para po ito sa atin. Sa huling sandali bago siya pumasok sa examination room, pumikit siya at inalala ang lahat. Ang veranda sa fiesta, ang gutom na kapatid at ang luha ng kanyang ama. Ang pangakong binitawan niya noon at ang lahat ng sakit ay naging gasolina ng kanyang tapang. Lumipas ang ilang linggo. Dumating ang araw ng resulta.
Nanginginig ang kamay ni Alyana habang binubuksan ng website sa cellphone. Nakahawak si Louis sa balikat niya habang si Mang Bert ay tahimik lang sa gilid. Pinipigilang kabahan. Pag-scroll nila pababa, napatakip sa bibig Alyana. “Tay, Louis!” nanginginig niyang sabi. Top Ncher po ako. Parang hindi kaagad nakagalaw si Mang Bert.
Nakatitig lamang siya sa kanyang anak na parang hindi makapaniwala. Maya-maya a bumuhos ang kanyang luha. Anak, top ka. At bago pa niya mapikilan, niyakap niya ng mahigpit si Alyana tila ayaw niya ng bitawan. Si Louis naman ay tumalon sa tuwa. Ate, ang galing-galing mo. Sabi ko naman sa’yo eh. Kinabukasan, nagsimula ng magpaulan ng job offers ang iba’t ibang kumpanya.
May mga nag-alok ng mataas na sweldo. May iba namang nag-alok ng housing benefits. Ngunit hindi pera ang unang sumagay sa isip ni Alyana kung hindi kung papaano niya kaagad matutulungan ang kanyang ama. “Anak!” Sabi ni Mang Bertong araw na pumarma si Alyana ng kontrata sa isang kilalang kumpanya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Ngumiti si Alyana.
Puno ng pagmamahal ang mga mata. Tay, kayo po ang dahilan kung bakit ako tumayo mula sa lahat ng kahian. Ito po, para po ito sa inyo. At doon nagsimula ang pagbabago sa buhay ng pamilya. Sa unang sweldo ni Alyana, agad niyang dinala si Mang Bert at Louis sa isang Bupet restaurant. ‘Yung matagal ng pangarap ni Mang Bert ngunit hindi niya kayang puntahan kahit minsan.
Pag-upo nila sa mesa, hindi makapaniwala si Mang Bert. Ang mga ilaw, ang malamig na hangin at ang mayayamang pagkaing na kahain. Parang ibang mundo ito para sa kanila. “Ate, ang dami pong pagkain.” Sabi ni Louis habang hindi maalis ang tingin sa Trace. Tay, sabi ni Alyana habang hawak ang kamay ng ama.
Ito po ang araw na gusto kong makita kayong masaya, hindi nahihiya at hindi inapi. At higit sa lahat, hindi po itinataboy. At sa unang pagkakataon, matapos ang maraming taon, kumain si Mang Bert ng walang iniisip. Hindi niya kailangang magtipid. Hindi niya kailangang umuwi kaagad para magtrabaho. N gabing iyon, busog ang kanyang tiyan at pati na rin ang kanyang puso.
Pagkatapos ng dalawang taon, nakapagtapos na rin si Louis bilang engineer at kaya ng pangako niya, “Tay, ako naman po ihatid ko kayo kahit saan.” Unti-unti nilang narating ang mga pangarap na dati’y suntok sa buwan lang. Isang pamilyang sabay-sabay na umaangat mula sa hirap. dala ang sugat pero mas matatag kaya daddy.
Habang patuloy na umaangat ang buhay nina Alyana, Mang Bert at Louis, unti-unti namang kumakalat sa buong bayan ng balitang top Nature si Aliana at engineer na si Louis. Lahat ay humaha sa kanila maliban na lamang sa isang grupo ng tao ang kanilang mga kamag-anak na dating nanghamak sa kanila. Isang hapon habang naglalakad si Mang Bert sa palengke para mamili ng gulay, merroong biglang bumulong sa kanyang likod.
Uy ba si Bertun? Ba dati sobrang hirap niyan nagsa-side car lang. Pero ngayon daw top notcher ang anak. Swerte rin minsan ng hampaslupang ‘to eh no. Napahinto si Mang Bert. Ramdam niya ang hapdi ng lumang sugat. Pero bago pa siya makatalikod, may lumapit sa kanya. Sa soledad, ang pinsang hindi tumanggap sa kanila sa bahay nito.
Ang pinsang madalas magmalinis sa ibang tao pero palaging nangmamaliit sa kanya. “Pert!” bati nito na may sobrang plastic na ngiti. “Uy, congratulations ha.” Narinig namin ang patungkol kay Alyana at Louis. Nakakatuwa naman. Ngumiti si Mang Bert pero kita sa mga mata niya ang pag-iingat. Salamat ha. Ay sandali. Sabat ni Lannie habang nakahawak sa bewang niya.
Baka naman pwede kayong bumisita sa amin kahit minsan lang. Gusto ka raw makita ng mga pamangkin mo. Dati kasi ‘ ba parang nahihiya ka sa amin. Sa salitang nahiya ka, pumintig ang dibdib ni Mang Bert. Kilalang-kilala niya ang tono nito. Hindi pagbabati kung hindi paalala ng kahihi na ipinaramdam nila noon. Pero bago pa siya makasagot, may tumawag mula sa gilid.
“Tay!” Napalingon sila. Si Alyana nakasuot ng malinis na office attire. May hawak na echobag na may lamang pinamili. “Oh, Alyana, ikaw na ba ‘yan? Ang ganda mo na talaga ngayon. Ang linis mo ng tignan.” Sabi ni Solitad habang biglang nag-iba ang tono. Iba talaga agag nag-aaral no? Gumiti si Alyana ngunit hindi yumuko. Hindi tulad ng daddy.
“Hello po.” Magalang ngunit merong tikas. Nagkipit balikat si Solidad at tumawa ng pilid. “Alam mo baka naman may hiring sa kumpanya niyo.” Yung anak ko kasi nag-resign na sa trabaho niya. Malay mo matulungan mo kami. Ay at saka nga pala yung isang pinsan mo baka pwedeng pag-apply na rin.
At doon naintindihan ni Alyana. Hindi lumalapit ang mga ito dahil sila ay pamilya. Hindi lumalapit ang mga ito dahil sa pagmamahal. Lumalapit sila dahil umaangat na sina Alyana at gusto nilang makisawsaw sa tagumpay. Bigla silang nagkaroon ng mga kamag-anak. Pero noong walang-wala sila ay hindi sila nito pinapansin. “Tay!” sabi ni Alyana habang mahigpit ang hawak sa kamay ng kanyang ama.
“Halika na po, umalis na po tayo. Baka maliate pa po tayo sa appointment.” Tumalikod na si Alyana pero humabol itong suolidad. “Ay Alyana, huwag kang maging maarte ha.” Nakakalimutan mo na ba? Pamilya tayo.” Huminto si Alyana. Dahan-dahan siyang lumingon at sa unang pagkakataon, narinig ng buong palengke ang boses niya.
Hindi galit, hindi rin paos kung hindi matatag. Ang pamilya ay nagpapalakasan, hindi naghihilaan pababa. Noon tinatawanan niyo lang kami. Hindi niyo kami tinatanggap sa inyo. Pero ngayong nakaahon na kami, ngayon kayo lalapit. Pasensya na po pero hindi ko yun utang at wala po akong pananagutan sa inyo. Tahimik ang lahat at sa unang pagkakataon sa Solidad ang mapagmataas na kanyang tiyahin ay hindi nakapagsalita.
Pag-uwi nila, tahimik lang si Mang Bert habang naglalakad. Maya-maya ngumiti siya. Aliana, anak, natutuwa ako sayo dahil ang tapang mo. Ngumiti ang dalaga. Tay, hindi na po tayo ang dati nilang inaapak-apakan at ina Sabay silang napangiti at pagkatapos ay sabay na silang umuwi. Mas magaanang pakiramdam dahil minsan ang tunay na tagumpay ay hindi ang yumaman kung hindi ang humarap sa nakaraan ng taas ang noo.
Lumipas ang ilang buwan matapos ang insidente sa palengke habang lalong umaangat ang buhay nina Alyana at Mang Bert. pati na rin ang kanyang kapatid na si Louis. Unti-unti namang lumilitaw ang tunay na sitwasyon ng mga kamag-anak na minsan nangak sa kanila. Isang gabi habang sabay-sabay kumakain sina Alyana, Louis at Mangert may kumatok sa kanilang bahay.
Hindi sanay ang pamilya na may bisita sa gabi. Kahit nagkatinginan sila. Pagbukas ni Mang Bert ng pinto, bumungad na naman sa soledad. Hindi nakaayos. Namumugto ang mga mata at halatang bagong iyak. “Bert, pwede ka bang makausap?” sambit nito. Halos pabulong. Tumango si Mang Bert kahit may halong pagtataka. Pumasok si Solidad. Kasama niya ang dalawa niyang kapatid na mapagmataas rin noon.
Pero ngayon, nakatungo sila pare-pareho mga batang nahuli sa kasalanan. Ano pong maipaglilingkod namin? Malamig na tanong ni Alyana. Mayahon pero ramdam ang pika sa tono. Nagkatinginan ng tatlo bago nagsimulang magsalita ang isa sa kanyang mga chayin. Alyana Bert, hindi kami narito para manghingi ng trabaho.
[musika] Hindi rin pera. Narito kami dahil kailangan naming magpakatotoo. Tahimik ang bahay. Tanging ang maririnig ay ang mahinang pag-iyak ni Solidad. Bumagsak ang negosyo namin. Patuloy ng kanyang yung inipon namin noon nawala lahat dahil sa isang investment scam. Nagkapaon-paon kami sa utang. Ngayon ay pare-pareho kaming sinisingil.
Sumabat naman ang isa hindi makahinga sa higbi. Nagkamali kami. Napakayabang namin noon. Tinatawanan namin ng mahihirap. Pati na rin kayo. Inakala namin hindi kayo aenso kahit kailan. Ikinakahiya namin kayo bilang kamag-anak. Kaya hindi namin kayo pinapapasok kapag merong handaan. Pero sa bandang huli, kami pa pala ang babagsak.
Hindi kumibos si Mang Bert. Ang dating mahiya ay na lalaking palaging yumuyuko ay nakatingin ngayon ng diretso, kalmado at hindi nangingi. “Naintindihan ko ang sitwasyon niyo.” Sabi niya, “Pero bakit kayo lumapit sa amin? Dahil ba umaasa kayo na kami ay tutulong sa inyo?” Umiling si Solidad. “Hindi.
Lumapit kami para humingi ng tawad. Hindi namin hinihintay na tulungan niyo kami. Gusto lang namin alisin ang bigat na matagal na naming dala-dala. Maya-maya ay nagsalita si Alyana. Noon, kahit anong gawin namin, mali sa paningin niyo. Hindi niyo kami pinapansin at hindi niyo kami tinuturing na kamag-anak. Ngayon heto kayo humihingi ng tawad at kahit na mahirap tanggapin para sa akin naintindihan ko.
Tumingin siya kay Mangertumango ng marahan. Ang patawad ay ibinibigay pero ang tiwala ay pinaghihirapan. Patuloy ni Alyana. Hindi namin kayo ipagtatabuyan pero hindi rin namin pwedeng ibalik ang daddy. Hindi na kami babalik sa lugar kung saan kami ina tahimik ang tatlo at isa-isang tumango. Pag-alis ng kanilang mga kamag-anak, napapuntong hininga si Mang Bert.
Anak, kung noong araw ay nangyari yon, baka lumuhod pa ako para tulungan sila. Pero ngayon alam kong hindi ko na kailangang patunayan ang sarili ko. Hindi na natin sila kailangan sa ating mga buhay. Nakatayo tayo ng wala sila. Ngayong nakaangat tayo, saka sila lumalapit sa atin. Hindi tama anak.
Kaya’t hayaan na lang natin sila. Ipanalangin na lang natin na magiging maayos ang kanilang buhay at sana ay may matutunan silang aral sa kanilang pinagdaraan. Ngumiti si Alyana. May halong onting lungkot at ginhawa. Tay, minsan ang buhay marunong gumanti. Hindi natin kailangang magiganti. At sa unang pagkakataon, naunawaan nilang pamilya na ang pag-angat ay hindi patungkol sa paghihiganti kung hindi patungkol sa paglayo sa sakit at pagpili ng kapayapaan.
Makalipas ang ilang taon, tuluyan na ngang dumating ang pinakamalaking pagbabago sa kanilang pamilya. Si Louis ay isa na ngayong ganap na engineer. Halos hindi makapaniwala si Mang Bert ang dalawang anak niya na minsay nakaupo lamang sa gilid ng veranda, nagugutom at hindi pinapansin, ngayon ay parehong propesyonal na at matagumpay.
Isang araw habang sabay-sabay silang kumakain sa bagong bahay na binili ni Alyana sa Australia, isang bahay na dati ay pangarap lamang sa papel at panaginip. Napatitik si Mang Bert sa dalawang anak. Tahimik siya, nakangiti pero may nagliliparang ala-ala sa isipan niya. “Tay, okay lang po ba kayo?” tanong ni Louis habang iniabot ang baso ng tubig.
“Oo, anak!” mahina niyang sagot. Iniisip ko lang kung gaano kabilis nagbago ang buhay natin. At muli niyang naalala ang araw na naghintay sila sa veranda ni Aling Solidad. Ang gutom. ang hiya, ang pagmamaliit at ang sakit na nagdulot sa kanya ng halos mawalan ng pag-asa. Ngunit higit na matindi ang kirot ng maalala niya ang mga mata ng kanyang mga anak noon.
Nagkugutom, naghihintay at nagtitiis. “Hindi ko makakalimutan ‘yun, dagdag niya. ‘Yung araw na yon ang nagturo sa akin hindi ko kayang iparamdam ulit sa inyo ang ganoong sakit. At mga anak, natupad niyo ang lahat ng pangarap na hindi ko kayang abutin para sa inyo. Proud na proud ako sa inyo. Ngumiti si Loui at lumapit sa ama upang yakapin nito.
Tay, hindi po kami aabot dito kung hindi po dahil sa inyo. Kaya kami nagsikap dahil ayaw naming masayang ang lahat ng sakripisyo niyo. Sa gitna ng kanilang masayang buhay, kumalat ang balita patungkol kay Aling Solidad. Hindi ito bumuti. Hindi pamilya o kaibigan ang nasa tabi niya. Na-stroke ito at nakaupo lamang sa wheelchair. Nakatitig sa kawalan.
Ang dating malakas mang hamak ngayon ay nakabukod, tahimik at kinalimutan ang mga taong una niyang tinulungan. Isang gabi, napansin ni Alyana na tila malungkot si Mang Bert habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Naka-display sa screen ang larawan ni Solidad na nakita niya sa social media. Puno ng lungkot at pangungulila.
“Tay,” maingat na sabi ni Alyana, “Kung gusto niyo pong dalawin si Chang.” Umiling si Bert. “Hindi ko siya kinamuman, anak. Pero minsan ang pagbangon natin ay hindi nangangahulugang babalik tayo sa lugar kung saan tayo sinaktan. Tumango si Alyana. Tama po kayo, tay. Sa mga sumunod na taon, lalong lumago ang buhay nilang tatlo.
Nakapagpatayo sila ng bahay sa Pilipinas, nakapag-ipon at nakapagbigay ng negosyo sa ilang kababayan, lumawak ang kanilang kabutihan. hindi lamang ang kanilang tagumpay. At dito nila natutunan ang pinakamahalagang aral. Ang kahirapan ay hindi sumpa. Ngunit ang pang-api ay tunay na nakakasira hindi sa katawan kung hindi sa puso.
At sa bawat pagdapa may pagkakataong tumindig. Sa bawat sakit ay merroong aral. At sa bawat pangmamaliit, may biyayang naghihintay sa dulo. Hindi man nila nakamit ang hustisya mula sa bibig ng taong nangak, nakuha naman nila ang hustisya sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagbangon. At ito ang kwento ng magamang minsang hindi tinanggap sa marang bahay.
Kumukulo ang tiyan sa gutom at ikinakahiya. Ngunit ngayon’y nasa tuktok na sila ng tagumpay. mapayapa, masaya at higit sa lahat ay marangal. Sino nga bang mag-aakala na ang dating pamilyang mahirap ngayon ay masagana na sa buhay? Dito na po nagtatapos ang ating kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral.
Kayo mga kabarangay, ano po ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito. Paki-like and share na rin po ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba.
At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng pakita ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli. Thank you so much and peace out
News
AKALA’Y SI PBBM ANG BINABANGGA, HULI NA ANG LAHAT NANG MALAMANG MALING PADER PALA?!/hi
Buksan natin ang tanong. Paano lalabanan ng PDP laban si pangunong Bongbong Marcos Jr. kung ang kalaban nila ay hindi…
MULA SA RILES PATUNGO SA TAGUMPAY: Ang Mahirap na Waitress na Nagligtas sa Buhay ng Bilyonaryo at Nagbago ng Tadhana ng Marami/hi
Sa gilid ng riles sa Caloocan, kung saan ang ingay ng tren ang gumigising sa bawat pamilya, namulat si Lira…
Kumuha ang pamilya ko ng isang 20-taong-gulang na babaeng estudyante para magtrabaho bilang oras-oras na katulong, na karamihan ay inaalagaan ang kanyang 75-taong-gulang na ama. Maya-maya, lumaki ang kanyang tiyan na parang pitong buwang buntis. Dahil sa kahina-hinala, agad akong nagpakabit ng kamera at natuklasan ang nakapandidiring katotohanan./hi
Kumuha ang pamilya ko ng isang 20-taong-gulang na babaeng estudyante para magtrabaho bilang isang hourly katulong, karamihan ay nag-aalaga sa…
Pulis abusado, sinipa ang tindera—di niya alam ina pala ng kinatatakutang heneral ng AFP!/hi
Pulis Abusado, Sinipa ang Tindera—Di Niya Alam Ina Pala ng Kinatatakutang Heneral ng AFP! Prologo Sa isang matao at masiglang…
Binatang Di Nakapagtapos, Wala Daw Mararating sa Buhay Sabi ng mga Kaanak – Nagulat Sila Nang Tawagin/hi
Prologo Sa isang maliit na bayan sa hilagang Luzon, may isang binatang nagngangalang Marco. Sa edad na labing-walo, siya ay…
Mahirap na Binata Tanggal sa Trabaho Matapos Tulungan ang Buntis na Na-Stranded sa Daan Pero…/hi
Sa isang liblib na baryo [musika] sa gilid ng bundok, nakatira si Ramon, isang binatang 23 taong gulang, [musika] payat,…
End of content
No more pages to load






