Mayo 2015 sa isang madilim na kalsada ng Nueva Ecija, natagpuan ang katawan ni Renz Mendoza. 26 anyos, dinata at nagtatrabaho bilang technician. Natagpuan siyang duguan may tama sa dibdib at puno ng galos. Ilang metro ang layo. Nakahandusay rin ang kanyang motorsiklo. Nakatagilid sa mabatong bahagi ng daan.
Nung una inakala ng mga dumaraan na isa itong pangkaraniwang kaso ng Hold up. Naisugod pa si Ren sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival. Kinabukasan sa simbahan ng Faithful Light Ministries kung saan dumadalo rin si Ren ay nagdaos ng misa sa harap ng pulpito. Si Pastor Elias Ramirez, 42 taong gulang, nakasuot ng puting Amerikana at may hawak na bibliya.
Taimtim itong nananalangin para sa pamilya ng binata. Ang mga miyembro ng kongregasyon ay nakayuko at nagdarasal. na mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Ren. Si Pastor Elias Ramirez ay matagal ng kilala sa kanilang bayan bilang haligi ng simbahan. Taong 2005 nang dumating ito sa lugar at nagsilbing pinuno ng simbahan, siya ay kasal kay Maricel Ramirez.
39 anyos at may dalawang anak na parehong nasa elementarya. Siya ang tinitingalang leader na laging nakikita sa mga outreach prayer meetings at pagtulong sa mga nangangailangan. Sa bawat misa, nakatayo siya sa pulpito na tila walang bahid ng kasalanan. Ngunit sa likod ng imaheng ito may itinatagong lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao.
Ngunit sa likod ng imaheng ito may tinatagong lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao. Dalawang taon bago ang pagkamatay ni Ren, nagsimula ang hindi inaasahang ugnayan sa pagitan niya at ng isang miyembro ng simbahan. Si Diana Baltazar, isang 22 anyos na dalaga at miembro ng mga awit. Si Diana ay lumaki sa hirap.
Iniwan ng ama noong siya’y bata pa. Lumaki siya sa pangangalaga ng ina na tindera lamang sa palengke. Naging madalas ang pagpunta niya sa simbahan at naging aktibo ito roon. Doon siya unang napansin ni Pastor Elias. Sa una ay nakatanggap si Diana ng mga simpleng tulong at higit sa lahat ay ang seguridad sa mga bagong tagpong kaibigan.
Ngunit kasabay ng kabutihang iyon ay nagkaroon ng mas malalim na ugnayan. Sa bawat pag-uwi ni Diana mula choir practice, laging may alok si Elias ng hatid. Sa bawat suliranin, siya ang unang tinatakbuhan ng dalaga. Hanggang sa isang gabi nang iuwi siya ng pastor matapos ang practice, doon na nagsimula ang mas malalim na koneksyon ng kanilang buhay.
Sa mata ng iba, parang mag-ama lamang sila, isang banal na lider na tumutulong sa batang miyembro ng simbahan. Ngunit ang katotohanan, sa dilim ng mga gabi, sila’y nagsimulang pumasok sa bawal na pagsasama. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang kanilang relasyon. Ang bawat lihim na pagkikita sa loob at labas ng bahay sambahan, ang mga text message na puno ng pagnanasa at pangako ay nagpatibay ng koneksyon na hindi pwedeng ilantad.
Alam ni Diana na mali. Alam niyang masisira niya ang tiwala ng asawa at mga anak ni Elias. at pati ang tiwala ng buong simbahan. Ngunit sa bawat pagbibigay ng atensyon sa bawat yakap at pangakong hindi siya iiwan, mas lalo siyang natali sa sitwasyong hindi niya alam kung paano tatakasan. Sa labas nananatiling banal ang imahe ni Pastor Elias.
Ngunit sa loob ng kanyang puso, isa na siyang alipin ng sariling pagnanasa. Sa gitna ng lihim na relasyon ni Diana at ng pastor, dumating sa eksena si Ren Mendoza. Isang 26 anyos na technician mula rin sa Nueva Ecija. Tahimik at masinop sa trabaho. Madalas siyang tawagin ang simbahan kapag may problema sa sound system o projector doing may misre practice.
Doon niya unang nakilala si Diana. Sa umpisa ay simpleng pakikipag-usap lamang. Pagtatanong kung maayos na ba ang tunog ng sound system o pagtatanong ng mga simpleng bagay. Ngunit unti-unti lumalalim ang kanilang pag-uusap. Napansin ni Diana na kay Rens merroong tunay na malasakit na walang halong panlilin lang.
Ang kanyang mga kilos ay simple. hindi mapanghimas at tila walang ibang nais kundi makilala siya ng mas mabuti. Nang magsimulang magparamdam si Ren ng intensyon na manligaw, nagdulot ito ng pagkalito kay Diana. Naisip niyang marahil ito na ang pagkakataon para makawala sa hawa ng lihim na relasyon kay Elas. Ngunit kasabay ng pag-asa ay dumating ang panganib.
Hindi nakaligtas sa mata ni Pastor Elias ang bagong ngiti ni Diana. Ang kakaibang saya sa tuwing kaharap si Ren. Naging mapanghimas siya. Nagtatanong kung saan galing at kung sino ang kasama. Sa mga gabi, nagpapadala siya ng mga text na puno ng selos at pagbabanta. paulit-ulit na paalala na huwag kang magtatangkang ipagpalit ako.
Si Diana bagaman ay takot ay nagsimulang mangarap ng malaya at payapang buhay. Isang buhay na wala sa ilalim ng anino ng pastor. Ngunit sa isip niyas hindi siya maaaring basta na lamang iwan. Para sa kanya ang dalaga ay pag-aari na niya at sino man ang lumapit ay ituturing niyang kaaway. Isang gabi ng Mayo 2015, matapos maghatid ni Ren kay Diana mula sa ensayo ng cho umuwi siyang sakay ng kanyang motor.
Binagtas ang isang madilim na kalsada. Tahimik ang paligid, tanging ingay ng makina at hampas ng hangin ang maririnig. Ngunit sa di kalayuan, isang sasakyan ang nakaparada sa gilid ng daan. Tila nag-aabang. Nang bumagal si Ren sa kurbada, bigla siyang hinarang ni Pastor Elias. Ang anyo ng pastor ay malayo sa nakasanayang imahe ng banal na tagapayo.
Ang kanyang mga kilay ay halos magsalubong. Ang dibdib ay mabilis ang paghinga at ang mga kamay ay mahigpit na nakapulupot ang isang patalim. Nagkaroon ng mainit na pagtatalo. Kinweston ng pastor kung bakit hindi siya lumalayo kay Diana. Pilit namang ipinaliwanag ni Ren na wala siyang ginagawang masama na tanging respeto at pag-ibig lamang ang kanyang pakay.
Hindi malinaw kay Ren kung anong masama sa pakikipaglapit sa dalaga. Makalipas lamang ang ilang sandali ay tinulak ni alias si Ren at bumagsak ang binata sa gilid ng kalsada. Bumangon ito at tinangkang iwasan ang pastor ngunit huli na. Isang matulis na bagay ang tumama sa kanyang tagiliran. Napasubsob si Ren sa lupa.
Habol ang hininga. Wala siyang kalaban-laban. Si Elias hingal at nanginginig. Nakatingin sa kanyang mga kamay. Walang anino ng pagsisisi. Tanging kaba at takot na siya ay mabubunyag. Iniwan niya si Ren sa madilim na daan at mabilis na umalis. nagtatago sa likod ng katahimikan ng gabi. Pag-uwi, nagbihis, nagdasal kasama ang kanyang pamilya at kinabukasan ay isa siya sa mga unang tumayo sa pulpito ng simbahan.
Nag-aalok ng panalangin para sa pamilya ni Ren. Ngunit ang kanyang lihim ay hindi tuluyang naitago. Sa mismong oras ng krimen, isang tricycle driver ang nakasalubong niya. Nakita ang anyo niyang pawis na pawis, hawak ang tila, patalim at nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse. Isang saksi na sa tamang oras ay magbubunyag ng katotohanan.
Pagkalipas ng ilang araw mula ng matagpuan ang katawan ni Ren, hindi matanggap ng kanyang pamilya ang sinasabing simpleng kaso ng hold up. Wala kasing nawalang gamit sa kanya. Nandon pa rin ang wallet, cellphone at maging ang kanyang motorsiklo ay ilang metro lang ang layo. Kaya’t agad silang lumapit sa pulisya para igiit na hindi ito ordinaryong krimen.
Sa pagsisimula ng imbestigasyon, lumabas ang pangalan ni Pastor Elias. Isang testigo ang lumapit. ang tricycle driver na nakakita sa kanya noong mismong gabi ng insidente. Ayon sa kanya, ilang minuto bago natagpuan ang katawan, nadaanan niya ang pastor sa madilim na kalsada. Pawis na pawis at tila kabado.
May bitbit na bagay nakahawig ng patalim. Bagaman una’y nag-alinlangan, naglakas loob siyang magbigay ng pahayag ng malaman ang tungkol sa nangyari kay Ren. Kasabay nito, lumutang sa imbestigasyon ang mga text messages mula kay Elias para kay Diana. Mga mensaheng puno ng pagbabanta, pagseselos at galit laban kay Ren. Kung hindi kalalayo sa kanya, may mangyayaring masama.
Isa sa mga linyang nakalap ng mga imbestigador. Ang ebidensyang ito ang nagsimulang magbuklod ng mga piraso ng katotohanan. Sa pakikipagtulungan ni Diana ay unti-unting naging malinaw ang lahat. Sa una natatakot siyang mabunyag ang lihim na relasyon. Ngunit sa ilalim ng presyon ng konsensya at pangako ng hustisya para kay Ren, nagdesisyon siyang ilantad ang lahat.
Sa kanyang salaysay, ibinunyag niya ang dalawang taong palihim na relasyon nila ng pastor. Kung paano siya inalok ng suporta, pinangakuan ng magandang buhay at kalaunan ay ginamit ang impluwensya para itali siya sa isang bawal na pagsasama. Nang dumating si Ren at nagbigay ng tunay na atensyon at respeto, doon nagsimulang maging marahas ang ugali ni Elyas.
Habang sinusuri ng pulisya ang mga ebidensya, unti-unting nabuo ang larawan. Isang respetadong pinuno ng simbahan na nabalot ng lihim na immoralidad at sa huli isang krimen ng selos at kasakiman. Ang mga miyembro na minsang humanga sa kanya ay nagsimulang magtanong at ang maskara ng kabanalan ay nagsimulang mabasag.
Sa harap ng mga ebidensya ay inaresto ang pastor na naging malaking eskandalo sa lugar. Marso 2016, nagsimula ang paglilitis laban kay Pastor Elias Ramirez. Sa loob ng malamig na korte sa kabanatuan, nagtipon ang mga saksi, pamilya at ilang miyembro ng simbahan. Para sa karamihan, hindi pa rin madaling paniwalaan na ang taong kanilang itinuring na haligi ng pananampalataya ay siya ring akusado.
Isa-isa, iniharap ang mga ebidensya. ang salaysay ng tricycle driver na nakakita sa kanya sa mismong lugar ng Grimen. Ang mga text messages na naglalaman ng pagbabanta laban kay Ren at higit sa lahat ang testimonya ni Diana Baltazar. Sa oras na iyon, bumagsak ang imahe ni Pastor Elliat. Sa harap ng kanyang pamilya at kongregasyon, nasira ang maskara ng kabanalan.
Nang iproklama ng hukom ang hatol na guilty tila nagdilim ang buong silid, ang sentensya, reklusyon perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo. Umiiyak ang kanyang asawang si Maricel. Mahigpit na yakap ang kanilang dalawang anak na walang muwang sa bigat ng kasalanan ng kanilang ama. Tinakwil siya ng simbahan.
Mabilis na naglabas ng pahayag ang mga natitirang leader na tinatanggal na siya sa posisyon at hindi na kailan man maituturing na pastor ng kongregasyon. Samantala, si Diana dala ng kahihiyan at bigat ng ala-ala ay nagpasang lumayo sa lugar matapos ang paglilitis. Sa araw ng hatol, ang dating mataas na pinuno ng faithful light ministries ay isa na lamang bilanggo.
Hubad sa dangal, wasak ang pamilya at iniwan ng mga taong dati niyang pinamumunuan. Sa loob ng kulungan, nagsimulang maramdaman ni Pastor Elias ang bigat ng kanyang nagawang kasalanan. Sa mga unang buwan, pilit niyang hinanap ang dating buhay. Nangaral sa loob ng piitan, ngunit wala ng gustong makinig. Ang kanyang mga salita ay wala ng bigat.
Ang kanyang dasal ay hindi na nakakapagtagod ng ibang tao kundi siya na lamang ang naniniwala sa kanyang sarili. Samantala, ang kanyang pamilya ay unti-unting naghilo mula sa sugat. Si Maricel sa kabila ng matinding kahihiyan at galit ay pinili lumipat ng lugar kasama ang dalawang anak. Sa bagong bayan, sinikap niyang bumangon, naghanap ng trabaho at sinuportahan ang mga bata.
Para sa kanya yon ang tanging paraan upang iligtas ang mga bata mula sa mabigat na anino ng nakaraan. Ang simbahan na minsang pinamunuan ni Elias ay hindi rin nakaligtas sa sugat ng eskandalo. Maraming miyembro ang umalis ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti ring muling itinayo ang Faithful Light Ministries sa ilalim ng bagong pamumuno.
Gayunman, nananatiling bakas sa kanilang kasaysayan ang nangyaring eskandalo. Ang kasong ito ay nagpapatunay na kahit sino ay nagkakasala at walang totoong nakakakilala sa atin kundi ang ating mga sarili at ang Diyos sa itaas. Hindi lahat ng pastor o lider ng simbahan ay katulad ni Elias. Karamihan ay totoong naglilingkod, nananalangin at umaakay sa mga tao sa tamang landas.
Ngunit isang katotohanan ang hindi maikukubli. May mga taong katulad ni Elliat na iba ang ipinapakita sa panlabas at iba rin ang ginagawa sa tuwing walang ibang nakakakita. Naway magsilbing aral sa atin ang kasong ito na manatiling totoo sa ating mga sarili upang maiwasan ang mga ganitong uri ng trahedya at hindi magsisi sa huli
News
“Ikaw ang Magnanakaw!” Sigaw ng Amo Niya. Pero Nang Makita Siya ng Hukom, Bumaba Ito at Niyakap ang Akusado/th
Ang tunog ng posas na isinasara sa pulso ni Mary Jane ay parang kulog sa loob ng mansyon. Click. Malamig….
“Amoy Fishball Ka Lang,” Sabi ng Pulis Bago Siya Binugbog. Hindi Nila Alam, ang Anak ng Vendor ay Parating na para Maningil/th
Nagyeyelo ang hangin sa Queens, New York. Alas-onse ng gabi. Ang singaw mula sa maliit na food cart ni Mang…
“Pinalayas ako ng asawa ko sa bahay noong mismong araw na inilibing namin ang kanyang bulag na ina. Sinigawan niya ako: ‘Umalis ka na! Katulong ka lang naman ng nanay ko.’ Pinagtawanan niya ang kahirapan ko habang kayakap ang kanyang kabit, ngunit wala siyang alam sa sikretong itinago ng matandang babae sa lumang dyaket nito. Isang sikreto na babago sa buhay ko at wawasak sa buhay niya magpakailanman.”/th
ANG LUMANG KOTSE AT ANG TESTAMENTO NG PUSO Sa isang sinaunang mansyon na tinatawag na Villarrosa, may dalawang babaeng naiwan…
Namatay ang Asawa, Nagdiwang ang Asawa at ang Kerida sa Itim—Hanggang Sabihin ng Doktor: Buhay Pa ang “Boss”!/th
Tatlong taon ng kasal—tatlong taon na wala siyang natanggap kundi gawain sa bahay at walang tigil na panunumbat, paminsan-minsan lamang…
Sa edad na 36, pinakasalan ko ang isang babaeng pulubi na kalaunan ay nagkaanak kami ng dalawa — hanggang sa isang araw, dumating ang tatlong mamahaling sasakyan at ibinunyag ang kanyang tunay na pagkatao, ikinagulat ng buong nayon/th
Nang ako’y mag-36 taong gulang, madalas akong pag-usapan ng mga kapitbahay:“Sa edad na ‘yan, hindi pa rin kasal? Mukhang habambuhay…
Masaya siyang umuwi matapos akong ipagkanulo… hanggang sa makita niya ang iniwan ko sa mesa na tuluyang gumiba sa kanya/th
Huwebes ng gabi iyon nang marinig ko ang marahang pag-ikot ng susi sa pinto. Nanatili akong hindi gumagalaw, nakaupo sa…
End of content
No more pages to load







