Isang gabi ng Biyernes, kumikislap ang mga ilaw sa labas ng “Casa De Luna,” ang pinakamahal na Italian Restaurant sa Makati. Bumaba mula sa isang Mercedes Benz si Clarissa, suot ang kanyang designer dress at mamahaling alahas. Kaarawan ng kanyang limang-taong gulang na anak na si Thirdy, at hinihintay na lang nila ang kanyang asawang si Paolo na nagpa-park ng kotse.

Habang nakatayo sa entrance, naamoy ni Clarissa ang isang masangsang na amoy. Parang basurang naburudol.

Lumingon siya at nakita ang isang matandang lalaki. Gusgusin, gulanit ang damit, walang tsinelas, at itim na itim ang mga kuko. Bitbit nito ang isang maruming plastic bag na kulay asul. Akmang papasok ito sa restaurant.

“Hoy! Manong!” sigaw ni Clarissa, sabay takip ng ilong gamit ang panyo. “Saan ka pupunta?! Bawal ang pulubi dito! Ang baho-baho mo! Nakakasira ka ng appetite ng mga customers!”

Tumigil ang matanda. Tila wala ito sa sarili. Malabo ang tingin nito at nanginginig ang mga kamay.

“Bibili… bibili lang…” bulong ng matanda sa paos na boses.

“Anong bibili?! Wala kang pambayad dito!” bulyaw ni Clarissa. “Guard! Guard! Bakit niyo pinapalapit ang taong ’to? Paalisin niyo nga! Baka may sakit pa ’yan at mahawa ang anak ko!”

Hinawakan ng Security Guard ang braso ng matanda para kaladkarin palayo. “Pasensya na Ma’am. Tay, alis na sabi eh!”

Nanlaban nang mahina ang matanda. “Sandali… may hinahanap ako… yung bata…”

Sa gitna ng komosyon, dumating si Paolo kasama si Thirdy. Nakita ni Paolo ang gulo. Nakita niya ang asawa niyang galit na galit at ang guwardiyang hinihila ang isang marungis na pulubi.

Lumapit si Paolo para awatin sana ang guwardiya, pero natigilan siya nang makita niya ang mukha ng pulubi sa ilalim ng ilaw ng poste. Nakita niya ang pamilyar na peklat sa noo nito at ang nunal sa pisngi.

Bumagsak ang susi ng kotse mula sa kamay ni Paolo.

“T-Tay?” garalgal na tawag ni Paolo.

Napatingin si Clarissa sa asawa. “Hon? Kilala mo ang squatter na ’yan?”

Hindi sumagot si Paolo. Sa halip, tumakbo ito palapit sa pulubi. Hinawi niya ang guwardiya. Walang diring niyakap ni Paolo ang matandang amoy-basura. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit, parang bata na takot na takot bumitaw.

“Tay! Diyos ko! Tatay!” hagulgol ni Paolo. Ang kanyang designer suit ay nadumihan ng putik at grasa, pero wala siyang pakialam.

Natulala si Clarissa. “Paolo! Ano ba?! Tatay mo ’yan?! Eh di ba sabi mo nasa probinsya siya?”

“Matagal na siyang nawawala, Clarissa!” sigaw ni Paolo habang umiiyak. “Limang taon na kaming naghahanap! Na-stroke siya noon at lumabas ng bahay, hindi na nakabalik! May Alzheimer’s siya!”

Page: SAY – Story Around You | Original story.

Tinitigan ni Paolo ang ama. “Tay… ako ’to… si Pao-pao…”

Tumingin ang matanda kay Paolo. Blangko ang mata nito. Hindi nito kilala ang sariling anak dahil sa amnesia.

“Pao… Pao?” bulong ng matanda, pilit na inaalala. Pero umiling ito. “Hindi kita kilala…”

Pero napadako ang tingin ng matanda sa batang si Thirdy na nakahawak sa laylayan ng damit ni Clarissa. Biglang nagliwanag ang mata ng pulubi.

“Ang bata…” ngiti ng matanda, labas ang bungi. “Ang bata sa panaginip ko…”

Nanginginig na binuksan ng matanda ang kanyang bitbit na maruming asul na plastic bag.

Ibinuhos niya ang laman nito sa sementadong sahig.

KLING! KLING! KLING!

Nagkalat ang daan-daang barya. Piso. Singko. Sampu. Tig-babeinte singko sentimos.

Ito ay mga baryang may halong dumi, langis, at pawis.

Sa gitna ng mga barya, may isang maliit at mumurahing laruang kotse—kulay pula, gawa sa plastik, yung nabibili sa bangketa.

“Araw-araw… namamalimos ako…” kwento ng matanda, habang pinupulot ang laruan. “Kasi gabi-gabi… nananaginip ako. May batang umiiyak. Apo ko daw. Gusto ko siyang bigyan ng regalo… pero wala akong pera. Kaya nag-ipon ako. Barya-barya. Hindi ako kumakain ng tanghalian para makaipon.”

Inabot ng matanda ang laruan kay Thirdy.

“Para sa’yo… Happy Birthday, apo… kahit hindi kita kilala… mahal kita.”

Doon naibagsak ni Clarissa ang kanyang clutch bag. Napaluhod siya sa semento.

Ang taong pinandirian niya, ang taong tinawag niyang mabaho at salot, ay ang kanyang biyenan. At ang “basura” na bitbit nito ay ang pinakadalisay na yaman sa mundo—ang sakripisyo ng isang lolo na kahit ninakaw na ng sakit ang kanyang alaala, hindi nakuha ng sakit ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Ang puso niya ay nakakaalala kahit ang utak niya ay nakalimot na.

“Tay… sorry…” iyak ni Clarissa, humahagulgol habang hinahawakan ang maruming kamay ng matanda. “Patawarin niyo po ako… ang sama-sama ko…”

Tinanggap ni Thirdy ang laruan at niyakap ang Lolo niya.
“Thank you po, Lolo. Ang bango niyo po… amoy love.”

Sa gabing iyon, hindi na tumuloy sa Casa De Luna ang pamilya. Umuwi sila sa bahay, pinaliguan ang matanda, binihisan, at pinakain ng pinakamasarap na handa.

Nahanap na ang nawawalang ama. At nahanap din ni Clarissa ang nawawala niyang pagpapakumbaba. Narealize niya na sa buhay, hindi lahat ng kumikinang ay ginto, at hindi lahat ng mabaho ay basura. Minsan, ang pinakamahalagang bagay ay nakabalot sa maruming plastic bag at binayaran ng mga baryang puno ng luha at pagmamahal.