Gretchen tinawanan umano ang nanghingi ng tulong, binatikos nina Jobert, Chaps

“GRETA, gusto ko lang magtanong. Hindi ito ginagawa ng isang normal na tao sa kanyang normal na sitwasyon. Kayo ba’y mga bangag, kayo ba ay nakainom dito?” ito ang diretsong tanong ni Jobert Sucaldito sa dating aktres na si Gretchen Barretto.
Sa “Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon” o OOTD vlog nina Jobert at Direk Chaps Manansala ay ipinapanood nila sa kanilang viewers ang video ni Gretchen na tawa ng tawa kasama ang dalawang kaibigan.
Ang nasabing vlog ay in-upload sa YouTube channel nina Jobert at Direk Chaps kaninang madaling araw, July 26.
Sa pagpapatuloy ni Jobert, “Why act this way, pare-pareho kayong tatlo and nobody stopped you. Sa kanilang tatlo wala man lang nagsabi, ‘uy ‘wag nating pagtawanan.”
by Taboola
Promoted Links
You May Like
Đây có thể là thời điểm tốt nhất để giao dịch vàng trong 5 năm quaIC Markets
Vilma Santos appeals for calm after Batangas council tensionBatangas Governor Vilma Santos-Recto appealed for calm after a heated debate in the Sangguniang PanlalawiganInquirer.net
Sabi naman ni Direk Chaps, “Kung mapanood ito ng nagsulat (nagpadala ng sulat) ay malulungkot na hirap na hirap ang estado tapos pagtatawanan mo ‘yung simpleng hiling pero para doon sa humingi ay maaring that’s a chance for a lifetime.”
Ang nasabing video ay matagal na raw nangyari at ipinadala ito sa OOTD hosts na binabasa ang kaibigan ni Greta mula sa netizen na nanghihingi ng tulong para pambili ng gatas para sa biyenan nitong maysakit bilang regalo on Mother’s Day.
Sabi pa ni Jobert, “Hindi ko matanggap kung ano ang napanood ko, let us know your feelings mga kaibigan, let’s watch this.”
“May chest lymphoma po and soon for chemo po, and sana mabasa ninyo po ang request ko lang po sana since Mother’s Day ay Ensure milk for my mother-in-law. She’s 73 years old at mag-isa lang po siya,” tumatawang binasa ng kaibigan ni Gretchen na hindi namin kilala.
Tanong ng isang kaibigan, “Well, what’s wrong with her mom? What’s wrong?”
Nagtapos ang video.
“Ensure?” sabi ni Direk Chaps.
Inayunan ni Jobert, “Ensure milk tapos pinagtatawanan ang isang matanda na nanghihingi ng tulong dahil nagki-chemo or what.”
“Laughtrip sila ng mga oras na ‘yun no?” sambit ni Direk Chaps.
“Gretchen Barretto, totoo ba ito Greta?” tanong ni Jobert na napahawak pa sa kanyang mukha.
“Well, I was checking baka splice lang?” sey pa ni Direk Chaps.
Pero katwiran ni Jobert ay tuloy-tuloy ang video, “Kahit sabihin pang na-splice ito coming from mahabang video pero itong particular thing na ito na nagtatawanan silang tatlo na magkakaibigan na para bang it just only a funny thing?”
“For a Mother’s Day celebration?’ sabi naman ni Direk Chaps.
“Mother’s Day celebration na may nanghihingi sa iyo ng tulong para mabigyan mo lang ng pambili ng Ensure milk para sa kanyang nanay na maysakit tapos tawa kayo ng tawa na parang it was the funniest thing in the world?” naiinis na sabi ni Jobert.
Dagdag pa, “Ako kasi kaibigan ko si Gretchen, eh. Kumbaga I know her. Hindi ko akalain na ganito siya, I know that she’s brutally frank at tsaka wala siyang pakialam kung tawagin siyang kabit or what kasi na-explain naman na iyon lately, pero in this video dito ako parang sinaksak ako ng sampung beses na may nanghingi lang ng tulong pinagtawanan ninyo, what’s funny about it Gretchen!”
Say ni Direk Chaps, “Hindi natin pwedeng invalidate ang other side of Gretchen, hindi natin puwedeng i-judge because of this video ang kabuuang pagkatao niya sabi mo nga ‘Nay (Jobert) nalungkot ka upon watching and seeing that kind of incident.”
“I think these people, you owe them apologies, sincere apologies kahit hindi mo na i-announce siguro in your heart para mapatawad ka ng Diyos, humingi ka ng tawad sa Diyos. Pasalamat ka nga binigyan ka ng blessings ni Lord and ang blessing na ito ay pwede mong i-pay forward,” payo ni Jobert kay Gretchen.
Naalala pa ni Jobert na nu’ng pandemya ay namahagi si Gretchen ng food pack sa halos lahat na reporters kaya naman abot-abot ang pasalamat naming lahat sa kanya.
“I hope you’re sincere (sa mga ipinamigay na fodd packs),” saad ni Jobert.
News
A 70-year-old man has been living alone for 50 years and his rule is that women are not allowed in his house. I entered in the middle of the night and was stunned by the view inside.
The 70-year-old man had been living alone for 50 years and had made it a rule that women were not…
Isang 82-taong-gulang na babae ang nagdeposito ng pera nang 14 na beses sa isang linggo. Naghinala ang mga kawani ng bangko at tumawag sa pulisya. Nang bumukas ang pinto, nagulat ang lahat at nagsimulang umiyak nang mapait.
Isang 82-taong-gulang na babae ang nagdedeposito ng pera ng 14 na beses sa isang linggo, naghinala ang mga kawani ng…
“Maaari ka bang magpanggap na asawa ko para sa araw na ito?” bulong ng babaeng kasamahan sa security guard ng gusali, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala dahil may isang kamag-anak na dumating nang hindi inaasahan… At ang wakas…
“Pwede ka bang maging asawa ko?” Just for today?” bulong ng babaeng kasamahan sa security guard ng gusali, napuno ng…
Ang aking asawa ay nagtrabaho nang husto mula umaga hanggang tanghali, pag-aalaga ng mga bata at pagluluto ng masasarap na pagkain para sa kanyang asawa upang tanggapin ang mga bisita. Ngunit nang dumating ang kanyang mga kaibigan, ipinakilala niya ang kanyang asawa bilang bagong katulong mula sa kanayunan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at may ginawa ako na nakakahiya sa kanya.
Nai-post sa pamamagitan ng Ang aking asawa ay nagtrabaho nang husto mula umaga hanggang tanghali, pag-aalaga ng mga bata at…
Kasama ng ama ang kanyang anak na babae ngunit hindi na bumalik. Pagkatapos ay natagpuan ng isang mangangaso ang kanyang camera. Pagkatapos ay nabunyag ang lihim.
Isang ama ang nangingisda kasama ang kanyang anak na babae, ngunit hindi na bumalik, pagkatapos ay natagpuan ng isang mangangaso…
Sa Edad na 52, Nakatanggap Ako ng Pera. Ipapahayag Ko Na Sana… Pero Narinig Ko ang Aking Anak at Ang Aking Manugang na Pinag-uusapan Kung Paano Ako Itataboy.
NANG MAG-52 ANYOS AKO, TILA BINIGYAN AKO NG PANGALAWANG PAGKAKATAON NG BUHAY: NAKATANGGAP AKO NG MALAKING HALAGA NG PERA. MASAYA…
End of content
No more pages to load