Dumating na si Christopher De Leon sa huling lamay ng kanyang yumaong asawa na si Nora Aunor, at ang madamdaming tagpo ng kanilang muling pagsasama ay pumukaw sa puso ng lahat ng nakasaksi.

Sa sandaling dumating si Christopher, agad siyang sinalubong ng mga anak nila ni Nora. Hindi napigilan ng pamilya ang pagdaloy ng mga luha habang mahigpit silang nagyakapan. Ang eksenang ito ay nagdala ng matinding lungkot sa lahat ng dumalo, at marami ang napaiyak sa nakaaantig na muling pagsasama ng pamilya sa gitna ng matinding pagdadalamhati.

Tahimik ngunit puno ng emosyon si Christopher habang nilalapitan niya ang kabaong ng dating asawa. Kitang-kita ang labis na kalungkutan sa mukha ng batikang aktor habang marahan niyang hinaplos ang larawan ni Nora. Ilang minuto rin siyang nanatiling tahimik, tila inaalala ang masasayang sandaling pinagsaluhan nilang dalawa.

Matapos ito, nagbigay ng maikling pahayag si Christopher na labis na umantig sa puso ng marami. Aniya, “Mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi kailanman mawawala ang alaala niya sa puso namin ng aming mga anak.” Pinasalamatan din niya ang lahat ng nagbigay ng suporta at pagmamahal sa kanilang pamilya sa panahong ito ng matinding pagsubok.

Ang pagdating ni Christopher sa lamay ay hindi lamang nagbigay ng emosyonal na sandali, kundi nagpatunay rin ng malalim at walang hanggang pagmamahal na namamagitan sa kanila ni Nora, kahit sa huling hantungan.

Christopher de Leon emosyonal sa burol ni Nora Aunor, nakasama mga anak

  Christopher de Leon emosyonal sa pagdalaw sa burol ni Nora Aunor

Christopher de Leon, Nora Aunor

 

NAKASAMA ni Christopher de Leon ang lahat ng kanyang mga anak nang bisitahin niya ang burol ng yumaong dating misis na si Nora Aunor.

Sa Instagram, ibinandera ng Metro Manila Film Festival (MMFF) spokesperson and publicist na si Noel Ferrer ang ilang emosyonal na eksena kung saan maluha-luhang niyakap ng batikang aktor ang ilang kapwa-artista, pati ang mga anak na sina Ian at Lotlot de Leon.

May video clip din na makikitang sinamahan ni Ian ang kanyang ama, habang nakatayo si Christopher sa kabaong ni Ate Guy.

“OUR DRAMA KING CHRISTOPHER DE LEON PAID HIS RESPECTS TO FORMER WIFE, NATIONAL ARTIST & SUPERSTAR NORA AUNOR,” sey sa caption.

by Taboola
Sponsored Links

You May Like

Giao dịch vàng CFDs với sàn môi giới tin cậyTruy cập sàn giao dich đạt giải thưởng sử dụng nền tảng MT4/MT5IC Markets

Giao dịch vàng CFDs với mức chênh lệch giá thấp nhấtGiao dịch cùng IC Market | Mở ngay tài khoản hôm nayIC Markets

Un électricien révèle : 1 astuce simple pour réduire votre facture d’électricité jusqu’à 90 %ActuEnergie

 

Kung matatandaan, noong January 1975 nang ikinasal sila Nora at Christopher sa isang civil ceremony.

Nagkaroon sila ng isang anak na si Ian, habang adopted naman sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Nagkaroon ng renewal of vows ang dating mag-asawa noong 1976, pero sila ay naghiwalay after 20 years.

Hindi naman nagtagal nang ikasal si Christopher kay Sandy Andolong noong 2001.

Samantala, ngayong araw, April 21, ang huling lamay ng National Artist na nasa Heritage Park sa Taguig City.

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang state funeral ni Ate Guy ay gaganapin bukas, April 22, bago ihatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa parehong araw.

Ang legendary actress ay binawian ng buhay sa edad 71 noong April 16 dahil sa acute respiratory failure matapos operahan.