๐—”๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ถ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐˜€ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป

First week ko bilang bagong empleyado sa isang rural bank dito sa probinsya. Tahimik ang opisina, luma ang sahig na kahoy, at amoy pa ang makapal na alikabok tuwing hinahawi mo ang mga folder. Normal na araw lang dapat iyonโ€”hanggang sa may ipinasuyo sa akin na bulto ng papeles na kailangan ilagay sa lumang vault.

Ang vault ay hindi katulad ng nakikita sa pelikula na high-tech, fingerprint, at kung anu-ano pa. Dito, makapal lang na bakal ang pinto at malaking bilog na handle. Walang sensor, walang camera.

Pagkapasok ko, inilapag ko lang yung mga papeles sa isang shelf. Narinig ko ang kalabogโ€”at doon ko naramdaman na sumara ang pinto. Agad kong hinila, pero may narinig ulit akong tunog – click. Kung hindi ako nataranta at tinulak na lang ang pinto, sana ay nakalabas pa ako.

Sinubukan kong i-check ang cellphone ko. Walang signal, parang sinadya. Sumigaw ako, kumatok, baka sakaling may makarinig. Pero makapal ang pader. Ang sumasagot lang ay echo ng boses ko. Napansin ko din ang oras, ilang minuto na rin sigurong lumabas ang mga kasama ko dahil nag aayos na rin sila nung ako ay utusan.

Sigaw, katok, at ikot sa loob, baka sakaling may signal sa isang bahagi. Silip ulit sa phone, isa’t kalahating oras na rin pala akong nandito. Ang sama ng loob ko kay Mam dahil sa last minute utos nya, na trap ako ngayon sa loob. Nanghihina na ako.

Gumalaw ang handle. Bumukas ang pinto at isang matikas na lalaking naka-barong ang sumilip. Parang executive ang dating. โ€œIngat ka sa susunod,โ€ sabi niya, kalmado lang. Nagpasalamat ako at naglakad palabas, tumango lang siya at nakatingin lang.

Paglabas ko, nagulat ang guwardiya na di pa pala ako nakauwi. Tambay muna sa tabi ng motor, naisipan kong alukin ihatid pauwi yung tumulong sa akin na mukang may ari ng banko. Pero ilang minuto na walang lumabas. Binalewala ko, baka may ibang exit na di ko pa alam at doon siya dumaan, mukha din namang de kotse ito kaya hindi rin sasabay sa akin – naisip kong dalhan na lang ng meryenda bukas.

Kinabukasan, nagkaroon kami ng formal na tour na bahagi ng orientation. Pinakita ang conference room na puno ng lumang litrato – mga director ng bangko. Habang isa-isang ipinapaliwanag ng branch manager kung sino-sino sila, nanlaki ang mata ko.

Doon, sa isang larawan na may petsang 1957, nakatayo ang lalaking nagligtas sa akin. Parehong barong, parehong tindig, parehong naka pomadang buhok.

Ang Katotohanan sa Litrato

Nanlaki ang mata ko, nanlamig ang buong katawan. Hindi ako puwedeng magkamali: iyon ang mukha ng taong nagbukas ng vault at nagsalba sa akin kagabi.

โ€œSiya po si Don Ramon Alvarez,โ€ sabi ng branch manager, nakangiting nagpatuloy, โ€œisa sa mga co-founder ng bangko. Pumanaw siyaโ€ฆ noong 1962.โ€

Parang huminto ang mundo ko sa narinig. 1962? Paanong maililigtas niya ako kung matagal na siyang patay?


Ang mga Bulong ng mga Matatanda

Pagkatapos ng tour, hindi ako mapakali. Nilapitan ko si Mang Toring, ang pinakamatandang utility sa opisina. Mahina ang boses niya nang tanungin ko:
โ€œManongโ€ฆ totoo bang si Don Ramon ay namatay na noong 1962?โ€

Tumango siya. โ€œNa-lock din siya sa vault. Walang nakarinig. Kinabukasan na lang natagpuanโ€ฆ pero huli na.โ€

Nanindig ang balahibo ko.

โ€œPero may kwento,โ€ dagdag ni Mang Toring, nakatingin sa malayo. โ€œNa mula noon, tuwing may na-trap sa vault, may lalaking naka-barong na biglang lilitaw at magbubukas ng pinto. Sabi nila, siya si Don Ramonโ€ฆ binabantayan niya ang bangko, at ayaw niyang maranasan ng iba ang sinapit niya.โ€


Ang Pagsasara

Habang pauwi ako, paulit-ulit sa isip ko ang malamig ngunit maamong mukha ng taong nagligtas sa akin. Ang mga mata niyang tila may lungkot, at ang tinig niyang kalmado: โ€œIngat ka sa susunod.โ€

Naisip ko, baka iyon ang paraan niya ng pagsisiguro na may kwento pa rin siyang maiiwan, na kahit wala na siya, hindi siya tuluyang nawala.

Mula noon, tuwing dadaanan ko ang vault, lihim akong bumubulong:
โ€œSalamat po, Don Ramon.โ€

At sa bawat katahimikan ng lumang bangko, pakiramdam koโ€™y may matang nakamasid โ€“ hindi para manakot, kundi para magbantay.