Pahan na Fatima, “Hindi na nakakabuti sayo ang pag-iyak.” Sabi ni Tita Josie sa kanya. Mabilis na pinunasan ni Fatima ang mga mata niya matapos matulala sa ilaw na nasa gilid ng kabaong ng papa niya. Muli siyang tumayo at tiningnan ang ama na wala ng buhay. Hanggang sa sandaling yon hindi niya pa rin matanggap na wala na ang kanyang ama.

Hindi pa rin po ako makapaniwala na wala na siya. Sobrang biglaan po ang lahat, tita. Garalgalang boses na sabi nito. Niyakap na lamang siya ng kanyang tita. Kahit paano gumaan ang loob niya. Ilang sandali pa, dumating na ang nanay niyang si Elsa. Hindi sila gaanong close nito.

Pero nang niyakap siya ng sariling ina, bahagyang nawala ang takot niya. Naramdaman niya ang pagmamahal at pagdamay nito. Anak, sumama ka na sa akin. Doon ka na. Pumayag naman ang asawa ko na doon ka sa amin. Saad ni Elsa sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Ayaw niya roon pero wala naman siyang pagpipilian. 16 years old pa lang siya at hindi niya rin alam kung saan lalapit.

Kung makikipisan siya sa kanyang tita, alam niyang magiging pabigat lang siya. Kaya nang araw na dinala si Fatima sa mama niya sa bahay ng asawa nito, alam niyang magbabago na ang takbo ng kanyang buhay. Medyo may kaya ang asawa ni Elsa na si Tito Nelson. May isa siyang step sister na mas bata sa kanya at maarte.

Nakilala niya rin ang half brother niya na si Lee. Ilang buwan pa lang siya roon. Hindi niya na talaga makasundo ang mga ito. Pati ang stepfather niya, maraming sinasabi tungkol sa kanya. Wala siyang peace of mind. Palagi na lang siya ang mali. Palaging siya na lang ang napupuna. Lumipas ang mga taon na naging gano kalungkot ang kanyang buhay.

Kung hindi lang sana namatay si Papa, hindi sana ako mag-isa ngayon. Umiiyak niyang sabi habang nasa loob ng kwarto. Maya-maya ay pumasok na ang kanyang ina. Anak, sorry ka naman nilang tanggapin pero ikaw din naman kasi nilalayo mo ang loob mo sa kanila. Pinunasan ni Fatima ang mga luha. Mama, huwag mo n is sa akin.

Magiging open man ako sa kanila, alam kong ayaw ng pamilya mo sa akin. Matagal ko ng alam yon. Noon pa man, si papa lang palagi ang nandiyan para sa akin. Napabuntong hininga ang kanyang ina. Parang malalim ang pinag-iisipan nito. Maya-maya ay muli itong nagsalita. Malapit ka ng mag-college, maghahanap ka na ng school mo.

Mas mabuti siguro kung tumira ka sa isang apartment. May sarili akong pera dahil sa negosyo ko. Ihahanap na lang kita ng sarili mong place. Pero huwag kang mag-alala, susuportahan pa rin kita. Hindi na siya nagsalita. Mas gusto niya pa nga ‘yon. Ayaw niya sa bahay na parang pinipilit lang na mahalin siya. Nagpapasalamat siya kay Elsa na susuportahan siya nito.

Pero kapag kaya niya na, hindi na siya aasa sa mama niya para hindi na ito maabala pa. Makalipas ng isang buwan, naghanap na siya ng university na pwede niyang pasukan. Approved naman yun kay Elsa kaya doon na siyang mag-aaral. Si Fatima na rin mismo ang naghanap ng apartment na matutuluyan niya. Anak, sigurado ka ba rito? Ang pangit sa adang ina.

Napabuntong hininga si Fatima. Ako na po ang bahalang magpaganda nito. Bigyan niyo na lang po ako ng budget. Ako na rin po ang mamimili ng mga gamit ko. Huminga ng malalim ang kanyang ina. Oh siya. Sige ikaw na ang bahala. Mag-send ako ng pera para sa mga kailangan mo rito. Kapag nag-aaral ka na, magpapadala rin ako ng pera para sa allowance mo kada buwan.

Sa tuation fee mo naman, ako na ang bahala. Ako na ang magdediretso sa bank account ng school ninyo. Sa mga sumunod na araw, naging abala na nga siya sa pagpapaganda ng apartment. Bumili na rin siya ng mga kailangan niya. Nang matapos, napangiti siya ng bahagya. Mag-isa na lang ako rito. Mahina niyang sabi at umupo na sa single sofa.

Pero at least hindi ko na kailangang makisama sa pamilya ni mama. Mas malaya ako kahit paano dito. Pasalamat na lang at nagsusustento pa sa akin si mama. Kinabukasan, napag-isipan ni Fatima na bisitahin ang puntod ng papa niya. Kapag magulo ang kanyang isip, doon lang siya madalas nakatambay. Malapit lang sa gate ng sementeryo ang puntod ng papa niya kaya hindi siya natatakot.

Papa, mamumuhay na ako ng mag-isa. Hinayaan na ako ni mama. Pero nakakalungkot pa rin kasi wala ka. Ayoko mag-isa. Gusto ko na may kasama ako at magmahal sa akin, Papa. Mahina niyang sabi. Napasubsob na lang siya sa kanyang mga tuhod. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha. Ilang taon na ang lumipas pero miss na miss niya na ang kanyang ama.

Natigilan lang siya nang makarinig ng pag-iyak ng aso. Napatayo si Fatima at tiningnan ng paligid. H nasan na yon? Naglakad-lakad siya hanggang sa nakita niya sa sulok na maraming bubog ang isang puppy. Hindi niya na alam kung ano ang kulay nito dahil mukhang naligo na sa putik. Hay! Anong nangyari sa’yo? Halika! Pagkausap niya sa aso.

Nanginginig itong naglakad papalapit sa kanya. Nahabag ang kanyang puso dahil parang pilay na itong maglakad. Parang sobrang daming pinagdaanan. Kawawa ka naman. Nasan ang mama dog mo? Sinong nag-iwan sao rito?” tanong ni Fatima sa Poppy. Mabilis niyang kinuha ang extra t-shirt sa bag niya. Gamit yon, marahan niyang pinulot ang Poppy.

Hindi pa siya kailan man nagkaroon ng aso pero malapit ang loob niya sa mga hayop. Bukod doon, mukhang mabait naman ang puppy na nakuha niya. Marahan niya itong pinunasan gamit ang damit. Medyo may amoy ito at mabaho. Pero hindi naging maarte si Fatima. Kinuha niya rin ang minian at ginawa niyang parang blower para matuyo ang mga balahibo nito.

Doon niya na-realize na kulay coffee mate ito. Mm. Ito palang kulay mo? Nakangiting. Sabi ni Fatima, “Dadalhin kita sa bahay ha. Aalagaan na lang kita. Ako na lang kasing mag-isa. Sama ka sa akin para hindi ka mag-isa at hindi na rin ako mag-isa. Kaya umalis si Fatima na dala ang tuta na yon. Pagkarating sa bahay, pinaliguan niya agad ito sa banyo.

Ayan, mabango ka na. Kaunting tiis na lang. Pasensya na, nanginginig ka pa oh. Nang matapos niya itong paliguan, ginamitan niya na ito ng totoong blower. Napangiti siya habang nakikita na ang kapal ng balahibo nito. Gayun pa man, medyo nalungkot ng makitang may maliliit itong mga sugat. Mabuti na lang may betad ka dito. Gagamutin natin ang sugat mo ha.

Sana gumaling ka. Hindi ako vet pero gagawin ko ang makakaya ko. Malumanay na sabi ni Fatima na para bang tao na sumasagot ang tuta na kinupkop niya. Tiningnan niya ang bibig nito. Hmm. Wala ka pang ngipin, hindi ka pa kumakain, ibig sabihin milk lang ang pwede sa’yo.” Nang matapos gamutin, pumunta naman siya sa kusina para magtimpla ng gatas nito.

Nilagay niya sa maliit na bowl at nang makabalik, agad na pinainom ang puffy. Sa paglasa pa lang ng gatas, halatang gutom na gutom na ito. “Kawa ka naman. Gutom ka pa? Sige, drink ka lang ng milk mo.” Mahinang sabi ni Fatima. Nang matapos na itong uminom, naghanap siya ng kaho na pwede nitong tulugan.

Mahirap na at baka tumai pa sa kung saan. Mahihirapan siyang hanapin at linisin. Nang mailagay niya na sa kahon, napangiti siya at siya naman ang nag-asikaso para matulog na. Good night. Tulog na tayo. Sabi ni Fatima pagkapatay ng ilaw. Simula ng araw na yon, naging bahagi na ng buhay niya ang tuta na yon.

Binigyan niya na rin ito ng pangalan. Marami siyang binigay na pangalan pero para sa isang tawag lang ito, lumilingon at tumutugon. Nag-search ako. Golden retriever ka pala. Hm. Choco, gusto mo ng choco? Binuhat niya ang puppy at medyo kinulit. Bakit mo gusto ng Choco? Eh color brown ka. Hm. Tinahulan siya ni Choco na bumaba sa kama.

Medyo malaki na ito kaya natatawa siya kapag nagpapakawala na ito ng maliliit na tahol. Sa apartment na yon hindi na siya nag-iisa dahil palaging nasa tabi niya na ang asong si Choco. Habang lumalaki, natuturuan niya na ito ng maayos para siyang naging instant mommy na may baby. Walang alam sa pagte-train ng aso si Fatima. Pero namamanghahan na lang talaga siya kay Choko na mabilis matuto.

Marunong na itong umihi at tumai sa banyo. Kapag sa kama. Alam nitong nagagalit siya at nahihirapang maglinis. Kapag pinapatahimik niya, tumatahimik agad. Noong una, napakapihikan sa pagkain. Palaging nag-iinarte. Parang bata na ayaw ng gulay. Ang gulay nakaka-healthy sa dog na katulad mo, Choco. Huwag ka ng mag-inarte diyan.

Tingnan mo si mommy. May gulay din ng ulam. Eat ka na. Mahal ang gulay ngayon. Huwag mong sayangin ‘yan. Lahat ng budget ko sa’yo inaagaw ko na lang sa allowance ko kaya be thankful panunumbat niya sa aso niyang maarte. Nagsimula na siyang kumain pero si Choco ay ayaw pa rin talaga.

May mga gusto kasi ito ng mga pagkain pero ayaw niya naman na mamimili ito. Gusto niya rin na kumain ito ng kung ano ang kinakain niya. Bahala ka. Sige umiyak ka pa diyan. Wala akong pakialam. Sino nang hina kapag hindi kumain? Nagsusungit niyang sabi. Maya-maya ay kumain na rin naman si Choco. Napangiti na lang siya. Para talagang tao ang alaga niyang aso.

Kapag may nakikita siyang ibang aso, hindi niya mapigilang ikumpara si Choco. Doon niya na-realize na iba-iba talaga ang ugaling ng mga aso. Parang tao lang. “Papasok na ako sa school ha.” Sabi niya sa kanyang aso, “Behave ka lang dito, Choco. Nag-iwan ako ng maraming pagkain sa kainan mo. Magpakabait ka ha habang nasa school ako. Titingnan kita sa CCTV mamaya.

” Dinilaan lang ni Choco ang kamay niya at sinubsob ang ulo sa may bewang ni Fatima. Mahina siyang tumawa. Masaya siyang nasanay niya na ang aso na maiwan mag-isa sa bahay. Noong una, napilitan siyang mag-take ng online classes muna. Pero pagtaal, naintindihan na yun ni Choco. Sa tuwing umaalis siya, matyaga na itong naghihintay kung saan niya iniwan.

“Bye, Choco, I love you.” sabi ni Fatima. at hinalikan sa noo ang kanyang aso. Lumabas na siya at nilakang pinto. Pasakay na siya sa joy ride nang makita niyang nakasilip pala sa bintana si Choco. Mahina siyang tumawa at kumaway dito. Tumahol na naman ang aso niya. Isang gabi, nakayuko si Fatima sa kanyang laptop habang sinisikap tapusin ang assignments.

Namumugto na ang mga mata niya. Wala na siyang tulog at pahinga ng ilang araw. Sa kabila ng kakulangan sa pera at oras, alam niyang kailangan niyang matapos yon para hindi mahuli sa klase. “Choco, baka pwede mo naman akong tulungan.” Malumanay niyang sabi sa kanyang aso na nakahiga sa tabi niya.

Nilapit ni Choco ang ulo sa tuhod niya na para bang naiintindihan nito ang hirap niya. Ipinikit nito ang mga mata at bigla ay nakaramdam si Fatima ng kakaibang ginhawa. Alam mo Choco, minsan parang napakabigat ng buhay. Sambit niya habang hinihimas ang balahibo ng kanyang alagang aso. Wala akong ibang kasama dito sa apartment.

Si mama halos hindi na ako pinupuntahan dito. Nagpapadala na lang talaga siya ng allowance sa akin. May sarili na rin naman kasi siyang pamilya. Naiintindihan ko naman siya pero nakakaramdam talaga ako ng lungkot minsan. Tahimik lang si Choco pero yun ang pinakakomportableng bagay sa kanya. Hindi siya hinuhusgahan. Hindi nagtatanong ng kung bakit.

Hindi nagmamadali. Parang sinasabi lang nito na okay lang ang lahat dahil naroon naman ito para sa kanya. Minsan kapag natatapos ang araw at pagod na siya sa klase, nakaupo siya sa sahig at nakayakap si Choco sa kanyang mga binti. Hindi kailan man siya iniwan ng kanyang aso. Kung siya ay umiiyak dahil sa mabigat na gawain o dahil mayang nangyari sa school, palaging may dumidikit sa kanya.

Hindi siya iniiwan ni Choco. Ngunit hindi lamang sa mga malungkot na oras na nakakatulong si Choco. Kapag nakakuha siya ng mataas na marka o natapos ang isang mahirap na project sa school, umaapaw ang saya niya. At si Choco ay parang nakikihalakhak din sa kanya. Tumatalon sa paligid, naglalaro at nagpapaligaya sa kanya. Happy birthday, Choco.

Nakangiting sabi ni Fatima habang inaayos ang birthday hat nito. Wow, ang daming handa ni Choco. Kinantahan niya ito ng happy birthday. Titig na titig lang si Choco sa kanya kaya mahina siyang tumawa. Marahil sa mata ng iba, simpleng aso lamang ito. Pero sa kanya, si Choco ay mas mahalaga kaysa sa marami pang tao. Mahal na mahal niya ito at parang pamilya niya na.

Kaya kung may darating mang ibang tao sa kanyang buhay, gusto niyang mahalin din si Choco katulad ng pagmamahal niya rito. Isang hapon, napadaan siya sa bookstore para bumili ng mga gamit na kailangan niya. Medyo pagod pa siya sa sunod-sunod na klase kaya gusto niya ng umuwi ng maaga. Habang naglalakad siya palabas ng mall, napalingon siya ng marinig ang boses ng isang lalaki sa likuran.

“Miss, excuse me.” Nahulog yata ‘. Pagharap niya, may isang matangkad na lalaki ang nakatayo. Nakasuot ito ng polo at may ID na nakalawit. May hawak itong maliit na planner na alam niyang sa kanya. Medyo kinabahan siya na nalaglag niya ‘yon. Mahilig pa naman siyang magsingit ng pera doon. Ah oo akin yan. Thank you po. Sabi niya at bahagyang nahiya sa binata.

Ngumiti ang lalaki ng malambing at inabot ang kamay. I’m Meldon. Nagulat si Fatima. Hindi siya sanay na may lalaking bastang lumalapit at nagpapakilala. Pero may kung anong magaan sa itsura at boses ni Meldon. Hindi siya nakakatakot. Hindi naman ito mukhang agresibo. Para bang simple lang ang lahat sa binata.

Fatima. Mahina niyang sagot at tinanggap ang kamay ni Meldon. Madalas ka bang pumunta dito? Tanong ni Meldon na parang matagal na silang magkakilala. Minsan lang bumili ako ng book na kailangan ko for school. Saka minsan kapag gusto kong ilabas ang asa ko, dinadala ko siya rito. Tumaas ang mga kilay ni Meldon.

M kaya pala dog lover ka pala. Mahilig ka rin magbasa? Ah yes, dog lover nga. Sagot niya at medyo natawa. Hindi ako mahilig magbasa pero kailangan kasi para sa course ko tumawa rin si Meldon. Napangiti si Fatima. Hindi niya inasahan na kakausapin siya ng isang tulad nito na mukhang presentable, maayos kumilos at tila may tiwala sa sarili na hindi nakakailang.

Nagmamadali ka ba? Baka gusto mo ng milk tea, coffee, or any drink. Libre ko. Mahinang sabi ni Meldon. Natigilan siya. Hindi siya sanay tumanggap ng bigla ang imbitasyon. Pero mabait ang tono ni Meldon at hindi mapilit. Tumingin si Fatima sa oras. Wala naman siyang klase. Uuwi na lang naman siya. Naghihintay si Choco.

Pero alam niyang hindi naman yun maiinip. Marami pa rin siyang pagkaing iniwan. Marahan siyang tumango. Ah sure. Pero sandali lang ha. Kailangan ko pang umuwi para kay Choco. Choco? Tumawa naman siya. Hung aso ko. Mmm. Yes, the dog. Ako rin dog lover ako. Lumaki ako na nag-aalaga ang parents ko ng aso. Kaya may hilig din ako.

May kung anong kumislot sa dibdib ni Fatima. Gusto niya ng taong may malasakit sa mga aso. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng pag-asa na kung tipo siya ni Meldon baka mas lumalim pa ang ginagawa nilang pag-uusap ng sandaling yon. Sa coffee shop. Umupo sila sa maliit na mesa sa sulok.

Maaliwalas ang lugar, medyo tahimik at may simpleng tugtog sa background. “21 ka pa lang?” tanong ni Meldon habang hinihintay ang order. Tumango naman siya. “Mmm, ikaw?” “H?” Napataas ang tingin ni Fatima. Ah ang laki ng gap natin. Nakakahiya ba? Biro ni Meldon. Eh hindi naman. Sagot niya sabay tawa. Nagulat lang ako.

Siguro medyo nagulat lang sa ganito na biglaang may nakilala ako na kasi ang edad mo. Mmm. Mas maganda nga to. sabi ni Meldon at nakatingin sa kanya ng diretso. At least mas mature ako. Mas kaya kitang i-guide sa buhay. Mas marami na akong alam. May kaunting init sa pisngi ni Fatima. Hindi niya alam kung bakit. Pero alam niya pa lang na sa tingin ni Meldon, type agad siya nito.

Para bang ipinaparamdam nito na safe itong kausap. Pagdating ng drinks nila agad siya ngumiti. Thank you po ha. Ano ka ba? Maliit na bagay. Inilapit ni Meldon ang straw sa kanya. Nag-usap sila tungkol sa mga paboritong libro sa trabaho ni Meldon bilang team leader sa isang BPO sa Taguig at sa kolehiyo ni Fatima. Mukhang busy ka sa buhay mo ah.

Pansin ni Meldon. Ah oo medyo school work si Choco pa. Napangiti si Meldon. Gusto kong makilala yung aso mo minsan napanga si Fatty sandali talaga. Of course kung mahalaga siya sa’yo, dapat mahalaga rin siya sa taong papasok sa buhay mo. Hindi ba? Napayuko si Fatima. Bahagya siyang napangiti kasi ang totoo ‘yun ang gusto niya sa lalaki.

Gusto niya ng lalaking aalamin at sasakyan ang interest niya sa buhay. Simula ng araw na yon, naging tuloy-tuloy ang pag-uusap nila ni Meldon. Nagpalitan sila ng account at numbers. Kapag pareho silang may free time, lumalabas sila para mag-date. Hinahatid sundo pa siya nito kapag noon. Hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Fatima bago pa sa kanya ang lahat ng yon.

Pero nasa edad na naman siya at alam niya na rin naman ang dapat na gawin sa hindi. Nasabi niya na rin yon sa mama niya at wala namang kaso rito. Huwag lang daw siyang magpapabuntis at tapusin muna ang pag-aaral. Isang umaga habang nakahiga si Fatima sahig at pinapainom si Choco ng tubig, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone.

Nag-text pala si Meldon. “Pwede ba kitang dalawin later? Gusto ko ng makilala si Choco.” Napabilis ang tibok ng puso niya. Hindi mapigilan ni Fatima ang pagngiti. Karamihan ng lalaki ayaw talaga sa pets. Pero si Meldon palaging pinapakita na interesado talaga ito. Kinahapunan, dumating si Meldon na may dalang maliit na dog treats.

“Oh my gosh, para kay Choco ba yan?” tanong ni Fatima na agad na-touch dahil sa dala nito. “Syempre,” sagot naman ng binata at ngumiti. First time ko siyang mami-meet. Pagpasok ni Meldon, agad tumayo si Choco at mabilis na tumahol. Agad niya naman itong sinaway. Tumigil ang aso niya at sumampa sa sofa. Ganun naman talaga ang aso niya kapag may ibang tao.

Gayun pa man, alam niyang magwa-warm up lang ito sa binata. “Hay, Choco.” Mahinaahong sabi ni Meldon. “Friend ako.” Inabot nito ang treat. Maingat na inamoy ni Choco pero umatras ang aso niya at pumunta sa kanyang tabi. Mahina na lang siyang tumawa. “Sorry, maarte kasi talaga yang si Choco. Hayaan mo magiging close mo rin siya.

” saad ni Fatima habang hinahaplos ang balahibo nito. Nag-usap sila tungkol sa iba’t ibang topic. Kahit paano ay nae-enjoy niya ang company nito. Habang naghahanda ng meryenda, nasa likod niya lang si Meldon at kinakausap siya. May inaabot siyang baso na patingkayad si Fatima at muntik na siyang mawalan ng balanse nang hawakan ni Meldon ang balakang niya wala namang problema doon.

Hindi lang siguro siya sanay hawakan ng ganon. Nang lumingon siya rito, hindi alam ni Fatima na sobrang lapit pala nila. Nagtama tuloy ang mga mukha nila. Napasinghap siya nang tumama ang mga labi ni Meldon sa gilid ng kanyang labi. Nakita yun ni Choco at malakas na tinahulan si Meldon. Doon pa lang nahimasmasan si Fatima.

Bahagya siyang umupo at inabot ang kanyang aso. Kay Choco niya tinuon ang atensyon dahil nahihiya siya sa nangyari. Fatima, sabi ni Meldon at huminga ng malalim. Hmm. Gusto ko ligawan. in time pero hindi ako nagmamadali. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita at unang kita ko pa lang sa’yo kaya walang hiya talaga akong nag-first move.

” Hindi nakapagsalita si Fatima. Sa buong buhay niya, wala pang lalaki ang nagsabi ng ganon. Pero sa kalooban niya, may munting tuwa siyang naramdaman. Sa mga sumunod na linggo, naging mas madalas ang pag-uusap nila. Kapag break ni Fatima sa school, si Meldon ang unang tumatawag. Tinatanong kung kumain na siya, kung anong oras matatapos ang klase niya o mga random na tanong.

At tuwing weekend, dumadalaw si Meldon dala ang paboritong treats ni Choco. Minsan nagluluto ito ng pasta para kay Fatima habang si Choco ay nakahilata sa tabi nila. Minsan ay natatawa na lang siya sa aso niya. Kapag bumibisita si Meldon, hindi siya nito nilulubayan hanggang banyo ay sumasama talaga sa kanya. “Gusto mo ba ng spicy?” tanong ni Meldon habang hinahalo ang sauce.

“Kaunti lang, Meldon, hindi ako mahilig sa maanghang.” Napatingin si Meldon kay Choco. “May personality ang dog mo. Hindi kalubayan. Mukhang nagseselo sa akin. Ayaw na nakadikit ka sa akin.” Mahina siyang tumawa. Hindi naman siguro. Anak ko ‘to eh. Para na siyang tao. Simula ng mawala ang papa ko, pakiramdam ko mag-iisa na lang ako sa buhay.

May sarili na rin kasing pamilya si mama. Kaya nang dumating si Choco sa buhay ko, alam kong hindi ako nag-iisa. Naging pamilya ko na siya. Isang gabi, nag-text si Meldon. Gusto kitang ilabas. Sunduin kita bukas 4:00 p.m. Okay lang. Natigilan si Fatima. Napatingin siya kay Choco. Nasa park sila ngayon. Nilabas niya ang aso niya para makakita naman ng ibang lugar.

Sinama niya na rin sa pagjo-jogging. Gusto niya sanang maging choco day lang ‘yon. Ilang beses na kasi siyang naging busy. Pero ayaw niya namang tanggihan si Meldon. Kinabukasan nang sunduin siya ni Meldon, agad siyang napangiti. May bulaklak pa itong dala para sa kanya. Para sa’yo? Ang ganda naman. bulong ni Fatima. Salamat sa flowers.

Nag-effort ka pa talaga. Pero si Choco ay humarang sa pinto at nakatitig kay Meldon. Mahina na lang siyang tumawa. Hindi na talaga mawawala sa eksena si Choco. Para bang naging literal na bantay niya ang kanyang aso. Dinala siya nito sa isang restaurant sa BGC. Kumain sila doon at nag-usap tungkol sa maraming bagay.

Naglakad-lakad din sila sa labas kaya medyo naging komportable siya. Ang ganda dito, sabi ni Fatima at nakatingala sa mga fairy lights. Matamis na ng umiti si Meldon. Mas maganda dahil kasama kita. Bahagya siyang natawa. Ang corny ha. Pareho na lang silang natawa ni Meldon. Mas matanda ito pero nakuha pa talagang maging corny.

Napailing na lang siya. Hindi alam ni Fatima kung paano sasagot sa panliligaw nito. Hindi siya sanay na tratuhin bilang mahalaga. Sa buong buhay niya, si Choco lang ang laging nagparamdam ng ganoon simula ng mawala ang papa niya. Ngayon, may ibang tao na gustong pumasok sa kanyang buhay. May taong nag-aalok na palawakin ang mundo niya.

Pagkatapos ng date, hinatid siya ni Meldon pauwi. Pagbukas niya ng pinto, tumakbo agad si Choco at tumalon sa kanya, “Hi, baby, miss mo ako?” Pagkatapos ay tumingin si Choco kay Meldon na parang sinusuri kung safe ba talaga ang lalaki. Lumapit si Meldon at hinaplos si Choco. “Salamat ah.” bulog ni Meldon.

“Pinahiram mo si Fatima mo sa akin kahit ilang oras lang.” Mahinang tumawa si Fatima. Tumah lang naman ng mahina si Choco. Pag-alis ni Meldon, napaupo si Fatima sa sofa at niyakap ang kanyang aso. Choco, sa tingin mo okay ba siya? Tumingin si Choco sa kanya at inilapag ang ulo sa kanyang hita. Napangiti na lang siya. Baka naman pwede na.

Baka okay lang na mayroong ibang tao na magmamahal sa kanya. Pero kahit naman abala siya sa pakikipaglapit kay Meldon, hindi niya pa rin pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Malapit na siyang makatapos. Isang taon na lang, makaka-graduate na siya sa college. Kaya talagang gagawin niya pa rin ang kanyang best. Pero kahit anong pagod o stress, may isang bagay na hindi magbabago.

Nakahiga si Choco palagi sa tabi niya. Minsan sa sobrang antok niya habang nagsusulat, babagsak ang ulo niya sa mesa. At bago pa siya tuluyang makatulog ng masakit ang leeg, ipo-poke ni Choco ang braso niya. “Aray, Choco.! Minsan ay naalalang sabi ni Fatima habang tumatawa kahit puyat.” “Inaantok na ako eh.” Ngunit ang sagot lang ni Choco ay ang paglapit at pagdila sa pisngi niya.

Pumupunta ito sa kama at parang hinahali siya na humiga muna. Napangiti siya rito. Ang sweet mo talaga. Sige, tutulog na muna ako. Ngunit may mga gabi rin na umiiyak si Fatima habang nag-aaral. Hindi dahil mahirap ang lesson, kundi dahil medyo nahihirapan na siya. Nalugi kasi ang negosyo ng kanyang ina kaya kaunti na lang ang pinapadala nitong allowance.

Kulang pa nga kaya naghahanap siya ng sideline kahit papaano. Nahihiya naman siyang manghingi ito sa asawa para lang may maipadala sa kanya. Kaya siya na lang ang nag-adjust at nagtitipid. Minsan wala siyang pambili ng pagkain. Minsan pinagagalitan siya ng kanyang ina kapag may sinasabi siyang babayaran. Minsan naramdaman niyang hindi siya sapat sa kahit anong ginagawa niya.

At sa mga gabing yon hindi salita ang solusyon kundi ang malamig na ilong ni Choco na idinidiin sa kanyang kamay. Basta nasa tabi niyang aso niya, lumalakas ang loob ni Fatima. “Thank you, Choco,” bulong niya habang pinupunasan ang mga luha. “Hindi ko kaya ‘to kung wala ka. Mabuti na lang at nandito ka.

Gumagaan palagi ang loob ko kahit abala. Maraming hapon din na inilalabas niya pa rin si Choco. Kapag Sabado ng umaga at libre ang kanyang schedule, hinahawakan niya ang lumang le nito at tumatakbo si Choco papunta sa kanya. Excited na excited na kasi dahil alam nito na lalabas na. Hala wait. Tawag niya habang sinusuot ang harness ni Choco.

Huwag kang mangaaway ng ibang dogdon ha. Behave ka lang. Baka mahirapan si mommy. Ang laki-laki mo kaya huwag kang makikipag-away at huwag mangaabala ng ibang tao. Okay? Titig na titig sa kanya si Choco na para bang bata na inuunawa ang mga sinasabi niya. Pagdating sa parke, tumatakbo si Choco sa damuhan habang si Fatima ay nakaupo sa bench.

Pinapanood niya itong parang batang malaya sa lahat ng problema. Kahit naman pakawalan niya ito, hindi gaanong pasaway ang aso niya. Bukod doon, free na gumalaw ang mga hayop sa park na yon basta maghanap lang ng kanya-kanyang spot. Pero maya-maya ay sinundan niya na dahil tumata na naman ang alaga niya. Bilang responsableng for parent, nagdadala siya ng panlinis para malinis at maitapon ‘yon.

May disiplina ang aso niya. Kapag nasa labas, umiihi at tumatai ito. Pero kapag nasa closed space katulad ng bahay o sa kotse, umiiyak ito at hindi mapakali. Kapag ganon, alam niyang kailangan na nito ng lugar na pwedeng ihian o mapagdumihan. Matalino si Choco kaya ang daling turuan. Ang saya mo no? Natatawa siyang napapailing. Kapag nakakalabas ka.

Ang hyper hyper mo. Pero may mga pagkakataon na nag-aaway sila ni Choco lalo na kapag inhit ito. Ayaw niya kasi itong palabasin kapag ganon. Baka makipag-away pa kapag may natipuhang female dog. Baka magalit din ang fair parent. Kaya nag-iingat na lang siya. Wala siyang alam masyado sa mga aso noong una kaya hindi niya napakapon si Choco habang bata pa lang.

Mas inuna niya rin kasi ang turok nito para sa rabis. Ayaw mong kumain? Inaaway mo na ako? Sige diyan ka sa sofa matulog. Huwag kang tatabi sa akin ha. Ungot ka ng unal babae para sa’yo. Babaero ka. Kunwari ay galit na sabi ni Fatima dito. Kapag ganon talagang tumataka si Choco. Lagi na lang siyang nag-aalala. Yun pala ay may pinuntahan ng babae.

Nag-aalala siya kapag mga ganong pagkakataon. Baka kasi ay makakuha ito ng dog found o kaya ay makakuha ng ravy sa ibang aso kapag nakikipag-away. Kaya kahit ayaw niya, tinatali na lang niya muna kapag inhit ang aso niya. Na-stress ako sayo ha. Malakas niyang hinampas ang lamesa. Layas ka ng layas. Mommy mo ako. Nag-aalala ako say’yo.

Ngayon tinali kita hindi dahil hindi kita love. Tinatali kita dahil pasaway kang fair baby. Kapag lumabas ka pa, papaluin na kita sa pwet. Umiyak-iyak pa si Choco. Naawa siya pero kailangan niyang gawin yon para matuto ito. Subalit kahit may mga ups and downs sila ni Choco, naging matibay na pundasyon yon ng kanilang koneksyon.

Para lang silang mag-ina na away bati. At kahit anong mangyari at kahit ilang beses pang magpasaway ang kanyang alaga, mahal na mahal niya pa rin ito. “Cho!” sabi niya habang pinipisil ang tenga nito. “Alam mo ba, mas marami pa akong natutunan sa’yo kaysa sa ibang tao.” Tumahol ito ng mahina na para bang naiintindihan niya ang sagot nito.

“Mah, oo nga!” sabi ni Fatima sabay tawa. “Ikaw ang nagturo sa akin ng pasensya. Humahaba ang pasensya ko kasi araw-araw ka na lang pasaway. Si Choco ang palagi niyang kausap sa lahat ng bagay. Lahat ng sikreto niya alam na alam ng kanyang alaga. Wala naman kasi siyang ibang mapagkwentuhan. Wala siyang gaanong kaibigan kaya si Choco lang ang kasangga niya sa buhay.

Habang nakahiga si Cho at kumikindat-kindat sa kanya, napailing si Fatima. Alam mo, Choco, naguguluhan ako tungkol kay Meldon. Sa tingin mo okay kaya na sagutin ko siya? Hindi na sila madalas nag-uusap na Meldon. Pero kapag parehong may free time, ginagamit nila ang oras na yon para sa kanilang dalawa. Okay siya, Choco.

Sabi niya gentle siya sa akin. Mabait siya sa ating dalawa. Sana kapag sinagot ko siya maging okay kami no. Kaya naman nang sumunod nilang pagkikita ni Meldon, sinagot niya na ito agad. Nakita niya ang tuwa sa mukha ng binata. Nahiya tuloy si Fatima sa reaksyon nito. Pero alam niyang hindi niya na dapat maramdaman pa ‘yon. Lalo na at simula ng araw na yon tuluyan niya ng pinapasok sa buhay niya si Meldon.

Isang araw, habang nagpapa-prince si Fatima para sa kailangan niya sa school, sinaman niya na ang aso niyang si Choco. Dinamitan niya pa nga ng maayos para maipasyal niya sa mall na pet friendly. Abala ito sa paglalaro sa playground na para sa mga pet nang bigla itong tumahol ng malakas.

Choco! Agad siyang lumapit para pakalmahin ito. Tiningnan niya ang direksyon na tinatahulan nito. Maraming tao lang naman ang nandoon. Bahagya siyang nagtaka. Hindi tumatahol ng ganoon kalakas si Choco kahit na nasa lugar sila na sobrang dami ng tao. Choco, behave. Uuwi na tayo. Mahina niyang sabi rito. Bakit nagiging bad dog ka? Hm.

Anong sabi ko? Bawal na maging bad kapag lumalabas tayo. Kasi hindi ka na hahayaan ni mommy na lumabas. Gusto mo ‘yun? Doon ka na lang sa bahay habang buhay. Hm. Tumigil sa pagtahol si Choco. Umungot na lang ito ng paulit-ulit at parang hindi mapakali. Naisip niya na baka inhit na naman ito. Kaya bago pa magkaroon ng problema, inuwi niya na ang kanyang aso.

Nang makauwi sila, kumalma na naman si Choco. Napabuntong hininga na lang siya. May mga pagkakataon talaga na mahirap alamin ang gusto ng kanyang alaga. Kung nakakapagsalita lang si Choco, pakiramdam niya ay marami na itong nasabi sa kanya. Isang gabi, napag-usapan nila ni Meldon na pupunta ito sa apartment niya. Ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita.

Tahol ang unang sumalubong kay Fatima nang buksan niya ang pinto ng apartment. Choco! Mahinaho niyang sawang hinahaplos ang ulo ng aso. Si Meldon lang naman ang bisita ko ngunit hindi tumigil ang aso. Paikot-ikot ito sa paan ni Meldon na kapapasok lang. Nakataas ang balahibo sa batok at tila may kinikimkim na kaba sa bawat ungol.

Uy, galit yata sa akin. Pabirong sabi ni Meldon habang inilalapag ang dala nitong paper bag sa lamesa. Hindi naman ako ganito tinitingnan niyan dati ah. Hindi ko rin alam. Sagot ni Fatima at bahagyang nahiya. Hindi siya ganyan nitong mga nakaraang araw. Nagtataka na nga ako eh. Nagiging bugnutin this past few days.

Yumuko siya at muling hinaplo si Choco. Behave ha. Okay lang yan. Unti-unting humupa ang tahol. Umupo si Meldon sa sofa at sumunod si Fatima. Pinatay niya na ang ilaw sa may bintana at binuksan ng TV. Movie date lang ang napag-usapan nila. Pareho silang may free time at mas pinili nilang manatili sa apartment kaysa ang makipagsiksikan sa labas.

Habang tumatakbo ang opening credits, may katahimikan na komportable sana kung hindi dahil sa bahagy kaba na bumabalot kay Fatima. Umupo siya ng may kaunting distansya. Yakap ang isang unan. Si Meldo naman dahan-dahang lumapit. Relax ka lang. Bulong nito at marahang ngumiti. Inakbayan siya nito at hinalikan sa sentido.

Miss na kita. Ilang araw din tayong naging busy sa kanya-kanya nating trabaho. Miss din kita. Tugo naman ni Fatima. Hinayaan niya ang halik nito sa noo sa pisngi. Paulit-ulit nitong ginawa yon. Hindi niya na lang tinutulan dahil gusto niya rin naman. Ngunit nang ang mga halik ay humahaba, naging mas madalas at ang kamay ni Meldon ay tila masyado ng naglalakbay.

May kumislot na pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Meldon. Mahina niyang tawag at inilayo ang mukha. Sandali lang, wala na akong maintindihan sa movie. Tumaas ang mga kilay ng kanyang boyfriend. Aha. Normal lang naman ang ginagawa ko. Girlfriend kita. Manood na lang tayo ng movie. Hindi ako sanay sa alam punga na ganito.

Um ano lang medyo mabilis. Ngumiti siya ng pilit. One month pa lang tayo ‘ ba? Tumango si Meldon at huminga ng malalim. Oo naman. Nabigla ba kita? Sorry. Ngunit ilang sandali pa habang tumatawa sila sa eksena sa pelikula, bumalik ang mga haplos nito. Magaan sa una tapos ay bahagyang dididiin. Para bang may pinupukaw itong init sa kanya.

Nararamdaman ni Fatima ang sarili niyang katawan na tila nagigising sa bawat dampi at mas lalo siyang nalilito. Gusto niya si Meldon. Mahal niya ito pero may maliit na tinig sa loob niya na nagsasabing hindi pa. Teka. Sabi ni Fatima at biglang tumayo. Magtitimpla muna ako ng juice. Sure sagot ni Meldon at sinundan siya ng tingin.

Um, ako na lang ang mag-pose. Sa kusina huminga siya ng malalim. Pinakalma ang sarili at nag-isip ng maayos. Hindi naman niya minamasama ang pagiging intimate ni Meldon pero hindi rin masama ang maghintay. lalo pa at naiilang pa siya sa ganoong gawain. Pagbalik niya sa sala habang may hawak na baso, hindi niya napansing nakausli ang paa ng maliit na lamesa.

Muntik na tuloy siyang madapa. Sa isang iglap, kumalat ang malamig na juice sa kanyang manipis na damit. Sinubukan niya pa kasing ibalanse yon kaya sa kanya na natapon. Ay napasigaw si Fatima. Agad tumayo si Meldon. Okay ka lang? Kinuha nito ang tissue at tinulungan siyang punasan ng damit. Sa simulay’y inosente ang kilos nito. Ngunit habang tumatagal, nagbago ang bigat ng mga kamay ng kanyang boyfriend at ang tagal ng bawat halos.

Meldon! Mahina niyang sabi. Ngunit sa sandaling yon nagtagpo na ang kanilang mga labi. At bago niya pa maunawaan ang lahat, inatras na siya ni Meldon patungo sa kanyang silid. Narinig niya ang mahinang kalabog ng pinto ng maisara. Maliit ang kwarto niya pero parang mas lalo yung lumiit sa nararamdaman niya.

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Fatima nang marinig niyang hinubad ni Meldo ng jacket, ang belt at ang damit nito. “Wait!” sabi ni Fatima habang nanginginig ang boses at inilayo ang kanyang mukha. Sandali lang, ngunit naputol ang mga salita niya nang inupo nito sa gilid ng kama. Ginagabayan siya ng kamay ni Meldon na para bang inaasahan nito na magpapaubayan na lang siya.

Mahal niya si Meldon ngunit ang pakiramdam na bumabalot sa kanya ay hindi puro saya. May pagduda, takot at pakiramdam na parang may mali sa lahat ng ‘yon. Sa labas biglang tumahol si Choco. Isang tahol na sinundan ng isa pa. Malakas, mapilit at may kasamang kalmot sa pinto. Doon na tuluyang nagising si Fatima mula sa init na pinaramdam sa kanya ni Meldon.

Napasinghap siya ng muling halikan ng kanyang boyfriend. Meldon, wait. Please. Tinulak niya ito ng mahina. Nang hindi pa rin ito umatras, mas malakas na ang tulak niya. Hindi pa ako handa. Mahal kita pero hindi pa ako handa sa ganito. I’m sorry. Na-distract siya sa pagtahol at pagkalmot ni Choco sa kanyang pinto kaya kinuha niya ang pagkakataon para tumayo at buksan ng pinto.

Sumalubong agad sa kanya ang kanyang alaga. Napabuntong hininga si Meldon. Tumalikod sandali at saka umupo sa gilid ng kama. “Sorry, nadala lang ako.” Inayos ni Fatima ang kanyang damit. Hindi siya makatingin ng diretso sa kanyang boyfriend kaya kay Choco na lang siya tumingin. Nakatingin ang aso niya kay Meldon na parang bantay.

Okay na sabi ni Fatima at pinapakalma ang sarili. Salamat sa pag-intindi. Tahimik ang sandaling sumunod pagkatapos na muling magbihis si Meldon. Bumalik sila sa sala ng walang imik hanggang sa matapos ang pelikula na halos hindi na nila pinansin. Nang umuwi ang kanyang boyfriend, alam niyang masama ang loob nito.

Pero batid niya ang halaga ng kanyang sariling paninindigan. At hindi niya babaliin yon dahil lamang nagmahal siya. Makalipas ng ilang araw, naging maayos naman ulit sila ni Meldon. Nang matapos ang Sem, inaya pa siya nito na magbakasyon kahit paano at masayang-masaya siya na isasama siya ni Meldon sa Tagaytay.

Mas lalo pa siyang natuwa nang pinayagan nitong isama niya si Choco. Maagang nagising si Fatima kinabukasan. Nasa tabi niya si Choco at nakayakap na parang malaking unan. Napangiti si Fatima at hinimas ang ulo ng aso. “Baby, gigising na tayo. Pupunta tayong Tagaytay.” bulong niya rito. Sumagot si Choco ng isang mahabang hikab bago naupo.

Parang alam nito kung kailan may lakad. Paglingon ni Fatima sa mesa, nakita niyang halos wala ng laman ang drawer kung saan nakalagay ang diapers ni Choco. Isa na lang ang natira. Ay mahina niyang sabi. Naku paano ‘to? Ito na lang pala ang diaper mo. Saglit na kaba ang lumipat sa dibdib niya. Kung hindi siya bibili bago sila umalis baka magkaproblema sila.

Pero kailangan pa niyang dumaan sa shop. Wala namang bukas ng ganoong oras. Napakagatlabi si Fatima. Isa na lang ang diaper ni Choco. Pero okay lang siguro. Hindi naman siya umiihi at tumata sa kotse kahit may diaper siya. Bibili na lang din ako sa madadaanan namin. Maya-maya ay bumangon na sila at nag-asikaso. Ready na sila ng mag-text ang kanyang boyfriend na on the way na ito.

Pagkatapos niyang mag-ayos, inihanda niya ang bag ni Choco. Ilang araw sila sa Tagaytay kaya masaya siyang isama ang aso niya. Ayaw niya namang iwan si Choco sa apartment na ilang araw siyang mawawala. Wala rin siyang problema sa gastos dahil boyfriend niya naman ang gagastos para sa kanila. Sa bag, naglagay siya ng water bottle na sobrang lamig.

Treats, laruan, leish, toothbrush, wipes at ang iisang natitirang diaper. Habang inaayos niya, humarap siya kay Choco at ngumiti ng pilit. “Thoco, behave ka ha. Alam kong behave ka naman palagi sa biyahe. Nakangiti niyang sabi. Sumagot si Choco sa pamamagitan ng pagdila sa kanyang kamay. Nang dumating na ang dark gray sedan ni Meldon, pinasakay na siya nito.

Tahimik muna silang dalawa habang binabaybay ang SLEX. Si Choco ay nasa likuran nakadikit sa bintana at masayang nakatanaw sa mga dumaraang sasakyan. Mabuti na lamang at hindi ito katulad ng ibang aso na stress kapag bumabyahe. Excited siya? Sabi ni Meldon at napatingin sa rearview mirror. Ganyan talaga siya kapag may lakad kami.

Sagot ni Fatima at medyo nakahinga ng maluwag. Thank you ha love. Ang tagal ko ng gustong pumunta ulit ng Tagaytay. Para sao love. Sagot ni Meldon habang nakangiti. Saka gusto kong makita mo yung view ng Taal habang umiinom ng mainit na kape. Napatingin si Fatima sa labas. Ang lungkot-lungkot minsan ng buhay niya.

Pero sa mga ganong sandali, sa magandang tanawin at simpleng gestures ng binata, napapaisip siya na baka naman may magandang patutunguhan sila. Nang makarating na sila sa Tagaytay, dumaan sila sa isang cafe doon. May mga meal naman kaya doon na rin sila nag-branch. Pagkatapos kumain, inabala naman niya ang kanyang aso sa labas.

Nakita niyang puno ng ihi ang diaper nito kaya hindi na komportable. Nagtagal muna sila roon para hintayin itong tumae pero wala naman kaya naisip niyang baka mamaya pa ito mag-release. Nang makasakay ulit sila sa sasakyan papunta sa hotel, napalingon si Meldon kay Choco. “Bakit mo inalis ang diaper niya?” “Ah, puno na kasi wala na siyang diaper. Hindi ako nakabili.

” Bahagyang kumunot ang noon ni Meldol. “Aha. Eh baka mamaya eh umihi siya diyan.” Umiling naman si Fatima. Hindi hindi umiihi si Choco sa closed space. Ilang beses ko na siyang naisakay sa sasakyan noon na walang diaper. Saka kapag gusto niya namang mag-release, umuungot lang siya sa akin at alam ko na agad. Doon na natin ihinto ang sasakyan.

May duda pa sa mga mata ni Meldon. Pero tumango na lang din kalaunan. Malamig ang hangin habang patuloy ang biyahe sa likod. Nakahiga si Choco. Nakalapat ang ulo sa upuan at paminsan-minsang bumabangon para tumingin sa bintana. Napangiti si Fatima habang pinagmamasdan ng aso. Good boy, baby.

Minsan-minsan ay tinitingnan ni Meldon sa rearview mirror si Choco. Sure ka na hindi iihi yan ah. Umiling naman agad si Fatima. Nakangiti si Meldon. Pero pansin ni Fatima na medyo umigting ang panga nito. Parang pagod at parang iritado. Hindi niya alam kung dahil sa biyahe o sa lamig pero ramdam niya na may bigat sa pagitan nilang dalawa.

Kapag may nadaanan tayong vet shop, huminto muna tayo para makabili ako. Huminga siya ng malalim at tumingin kay Choco. Behave lang tayo, baby ha. Parang sumagot si Choco ng tahimik na ung pero ilang minuto lang ang lumipas doon na nagsimula ang hindi inaasahan. Nag-uunat ng paa at umiikot-ikot. Hindi pa nakakalingon si Fatima nang bigla niyang marinig ang tunog ng pagsirit.

At sa isang iglap mainit na likidong kumalat sa upuan. Huwag! Napasigaw si Fatima at agad na tinakpan ng bibig. Choco. Mabilis na hinihinto ni Meldo ng sasakyan. Ano ‘yan? Sabi mo hindi iihi ‘ ba? Dahil yun naman ang alam niya. Kung naiihi man ang kanyang aso, pinipigilan nito yon at umuungot sa kanya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong umihiroon. Love, love him. Sorry.

Naiihi si Choco. Dinukot agad ni Fatima ang wipes at agad-agad na tinatakpan ng basa. Nanginginig ang mga kamay niya pero hindi pa tapos ang lahat. Ilang segundo lang biglang may mabahong amoy na mabilis kumalat. Napamulagat si Fatima. No, no, Choco, please. At gitna ng pag-aayos niya ng wipes, nakita niyang tumain na si Choco.

Fatima, hyaw ni Meldon. Uy, ano ba ‘to? Parang tumigil ang mundo niya sa isang iglap. Hindi makagalaw si Fatima. Hindi makapagsalita at hindi makahinga. Biglang ipinarada ni Meldon ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Labas muna tayo. Nanginginig ang boses ni Fatima. Love, wait lang. Nililinis ko na. Pagpreno nito.

Halos tumalsik si Fatima sa dashboard. Meldon. Padabog na bumaba ang kanyang boyfriend. Binuksan nito lahat ng pinto ng sasakyan para lumabas ang amoy. Paglingon niya, nakatitig si Meldon sa kanya na parang may nagawa siyang kemen. Puno ng pagkadismaya, pagkamuhi at pandidi ang mukha ng binata. “Fatima, ano ba ‘yan?” Ramdam niya ang pagbitak ng puso niya.

Nanginginig ang mga kamay niya habang naglilinis. Kinuha niya na rin ang pabango niya at halos isaboy na ‘yun sa upuan para lamang mawala ang amoy na ginawa ng alaga niya. I’m sorry, Meldon. Please. Hindi ko naman sinasadya. Promise. Ang alam ko talaga, hindi siya nagre-release sa bahay o sa kotse. Kapag nakakaramdam siya, umuungot siya sa akin at hindi agad mapakali.

Kapag hindi napagbigyan, nagtitiis lang. Hindi ko alam kung bakit hindi siya agad nagparamdam sa akin. Sorry talaga kung hindi mo sinasadya. Aso mo tapos hindi mo alam. Putol ni Meldon. Sabi ni kanina ko pang pinag-aalala yan. Alam mo namang biyahe tayo. Sana nagbaon ka ng sandamakmak na diaper. Pinayagan na nga kitang isama ang aso mo tapos ganito paang gagawin niyo sa kotse ko.

Bahagyang nanginig ang katawan niya. ‘Yan ang unang beses na sinigawan naman siya nito. Hindi siya sanay na galit si Meldon. Alam niya na mas mahaba ang pasensya nito kaysa sa kanya. Pero mukhang nagkamali yata si Fatima. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung paano sasabihing nagkulang siya. Pero hindi niya naman ginusto ang nangyari.

Ang baho. Reklamo pa nito. Ang baho talaga. Ano? Tutuloy pa ba natin ‘tong bakasyon na ‘to? Nakaka-bad trip na. Gusto ko na lang umuwi. Ilabas mo na nga yung aso mo sa sasakyan ko at baka dumihan na naman. Inilabas niya si Choco at inilagay ang leash nito para hindi makatakbo sa kalsada. Pinilit ni Fatima na linisin ang upuan gamit ang wipes, alcohol at tissue.

Lahat ng kaya niya para lang mawala ang amoy. Nanginginig pa rin siya. naiiyak at hindi makatingin kay Meldon. Nasasaktan siya sa mga sinabi nito tungkol kay Choco. Pero hindi niya naman madepensahan dahil may pagkakamali nga naman ang kanyang aso. Sorry, sorry talaga. Paulit-ulit niyang sabi na para bang sirang plaka.

Habang pinupunasan niya, tumatangis na ang mga luha ni Fatima. Hindi niya napapansin sa dami ng ginagawa niya. Meldon! Bulong ni Fatima habang pinupunasan ng isa pang wipes. Please, huwag ka ng magalit. Sorry, alam ko yung pagkukulang ko.” Masamang bumaling sa kanya ang binata. “Tumahik ka muna. Mas lalo lang ako naiinis.

Ang mabuti pa, umuwi na lang tayo. Nawala na ako ng gana. Ayoko nuloy ang trip na ‘to. Maghanap tayo ng bibilhan ng diaper ng alaga mo at baka dumihan na naman ang sasakyan ko.” Nakakabwiset. Pagbalik nila sa kalsada, walang imix si Meldon. Nakababa rin ang mga bintana. Naka-off ang aircon para hindi makulob ang amoy.

Tiningnan siya ni Choco sa likod. Nang nagkatinginan sila, parang naluluha ang mga mata nito. Hindi naman siya galit. Ao ito at kahit tinuruan niya pa hindi yun mapipigilan ni Choco. Hinimas niya na lang ang balahibo nito. Nang tingnan niya si Meldon, mukhang bugnutin pa rin ito. Nagulat siya kanina dahil parang bigla itong nawalan ng malasakit sa aso niya.

Naiintindihan niya naman at valid ang nararamdaman nito. Pero nakakagulat lang na ganun pala maubos ang pasensya ng kanyang boyfriend. Fatima, tawag sa kanya ni Meldon. Kailangan mong magbigay ng 5,000 sa akin. Natigilan si Fatima. Ha? Pampa-detailing. Tingnan mo ang ginawa ng aso mo. Sira ang upuan ko. Gagamitin ko ong sasakyan ko bukas sa ibang bagay.

Nakakahiya sa mga sasakay dito. Saad ng binata na may bahid ng Inis. Parang nabingi si Fatima. Love, wala akong 5,000. Allowance ko na lang meron ako for whole month. Eh yung pambayad mo sa tuation mo. Nanlaki ang mata ni Fatima. Love, hindi pwede. Please, hindi ko pwedeng galawin yon. Wala pa akong kinikita sa mga sideline ko.

Isa pa, sakto lang ang binibigay sa akin ni mama. Hindi ko pwedeng galawin yon. Problema mo na yon. Malamig na sabi ni Meldon. Basta kailangan ko ng 5,000. Huwag mo akong paasahin. Aso mo naman ang may kasalanan nito. At doon unti-unting luminaw kay Fatima na talagang wala itong amor sa kanyang aso. Parang ipinakita lamang para makuha siya.

Alam naman ni Meldon kung gaano kahalaga sa kanya si Choco noong mga panahon na siya’y nag-iisa. Kaya ngayong ito ang pinag-aawayan nila. Pakiramdam niya ay ginamit lamang nito ang aso niya para makuha ang loob niya. Pagbalik nila sa Maynila, halos walang imikan ang naganap sa loob ng sasakyan. Nakatitig lang si Fatima sa bintana at pinipigilang umiyak.

Sa isip niya, paulit-ulit ang eksenang nangyari kanina. Kasabay noon ang tunog ng boses niya na paulit-ulit na humihingi ng tawad. Pagdating nila sa tapat ng apartment, hindi man lang siya tinulungan ni Meldon sa mga gamit niya. Meldon, pasensya na ulit ha. Mahina niyang sabi nang pinalalabas na si Choco. Pero hindi tumingin si Meldon.

Ayos lang. Bayaran mo yung hinihingi ko para sa kotse ko. May kung anong kumirot sa dibdib ni Fatima. Sige, gagawan ko ng paraan. Tumangoon na lang si Meldon at sumakay muli sa sasakyan nito. Umalis ito nang hindi man lang siya tinitingnan. Pagdating sa loob, agad naupo si Fatima sa sahig kasama si Choco.

Nilagay niya ang kamay sa balahibo nito at marahang hinahaplos ang ulo. “Choco, bakit ganito?” bulong niya habang naluluha. “Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o sadyang mali lang talaga.” Isiniksik ni Choco ang ulo sa dibdib niya. Hindi ko alam, Choco. Bulong niya muli. Hindi ko alam kung kung bakit ganun siya.

Simula noon, palagi ng pinapaalala sa kanya ni Meldon ang bayad niya. Palagi na lang nagte-text sa kanya. Sa tuwing magkikita sila, yun na lang palagi ang pinapaalala. Pinatak ko ang damage at kailangan i-detail, linisin at alisin ang amoy. Hindi biro ‘yun. Hindi nakakatawa. Sa ad ng kanyang boyfriend. Kailangan ko na bago mag-Friday. Hindi na siya nakapagsalita.

Ginagawa naman ni Fatima ng paraan pero masyado talaga siyang pine-pressure ng binata. Kaya kahit na alam niyang kasalanan naman ng kanyang aso, hindi niya rin mapigilang mainis. Kaya sa mga araw na lumipas, pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang gagawin. Balak na niyang makipaghiwalay. Kapag nakaipon na siya ng pambayad dito, ayaw niya na sa binata.

Choco, bulong ni Fatima. Tingin mo ako ba ang mali? Nag-angat si Choco ng ulo. Dahan-dahang lumapit sa kanya at humiga sa kanyang hita. Napangiti si Fatima ng mahina pero may luha sa gilid ng mata. Kahit kailan kahit masama ang araw ko, nandiyan ka. Hindi ka nagagalit. Hindi ka nagrereklamo. Syempre paano ka magrereklamo? Ao ka eh.

iniisip niya na parang ang babaw naman niya kung makikipaghiwalay siya sa ganoong dahilan pero mahalaga sa kanya si Choco. Hindi niya kailangan ng isang tao na itatrato ng ganoon ang aso niya at ang guilt na kanyang nararamdaman mukhang maling damdamin na na nasa kanya. Isang araw, pumunta siya sa ospital para bisitahin ang kanyang mama naisugod kagabi.

Nanatili siya roon ng ilang oras at kinumusta ito. Mabuti na lang at okay na ang pakiramdam. Hindi rin naman siya masyadong kailangan doon dahil nandoon ang asawa ni Elsa. Kaya ilang sandali lang ay umalis na siya. Habang pababa, nagulat siya ng dumaan sa hallway si Meldon. May kasama itong buntis na babae. Mukhang nag-aaway pa ang dalawa.

Hoy! Ano, ikaw pa ang may ganang maging mainit ang ulo diyan. Asawa mo ako at buntis ako. Ayusin mo naman ang pag-alalay sa akin. Pasalamat ka nga wala kang inaambag sa tuwing nanganganak ako. Wala ka rin namang nilalabas na pera sa pagpapalaki ng mga anak natin.” Reklamo ng kasama nito kay Meldon. Natigilan si Fatima sa paghakbang.

Mabuti na lamang at hindi siya nakita ng mga ito. Ewan niya ba pero puro inis na lang ang nararamdaman niya. Parang nakalimutan niya na minsan niya itong nagustuhan at minahal at mas lalo siyang nainis na malamang may asawa na pala si Meldon. Ginawa pa talaga siyang kabit. Mabuti na lang at hindi niya isinuko ang sarili dito.

Nang makauwi si Fatima, galit na galit talaga siya. Pinagde-delete niya ang lahat ng pictures at videos nila sa kanyang laptop at cellphone. Si Choco nakatingin sa kanya at mukhang naiintindihan agad ang kanyang mood. Hay, malakas niyang sabi. Ang lalaking yon manloloko siya. Ang sama na nga ng ugali. Ginawa pa akong kabit.

Mabuti na lang inian mo ang kotse niya. Mukha siyang tae. Choko. Ginawa niya akong kabit nang may mangyari sa amin. Mabuti na lang at tumahol-tahol ka. Bakit ko ba siya pinatulan? Pero habang nagmamaktol siya roon, napagmasdan niya si Choco. Doon niya napagtanto na blessing and disguise ang ginawa ng kanyang aso.

Para bang alam nito na niloloko lang siya ni Meldon. Kaya ginawa nito ang lahat para ingatan siya. Napakagatlabi si Fatima at inabot si Choco. “Thank you, baby. Pinoprotektahan mo ba si Mommy? Thank you.” Hinalikan niya ito sa ulo. Pasalamat na lang talaga siya na may choko siyang nagbabantay sa kanya. Hindi ito tao pero pakiramdam niya ay binabantayan siya nito ng mabuti.

Hindi niya napigilang mapaiyak. Doon niya na-realize na posible pala talaga siyang mahalin kahit isang hayop lang si Choco. Pinag-isipan niyang mabuti kung babayaran niya ba si Meldon. Iniisip niya na huwag na. Marami rin naman kasi itong kasalanan sa kanya. Gayun pa man, ayaw niya rin na may masabi pa ito. Kaya nang magkita sila, sinabihan niya ito na magbabayad siya.

Dala mo na naman yang aso mo. Naiiritang sabi ni Meldon. Napatingin siya kay Choco. Ano naman? Sinabay ko na sa pagkikita natin para mailabas ko ang anak ko. Huwag kang mag-alala. Hindi mo na naman siya makikita. Ngumisi ang boyfriend niyang sira ulo. Ano? Iiwan mo na lang sa bahay. Kung ako sayo, ipaampon mo na lang ‘yan.

Dagdag lang sa gastos mo. Wala ka namang napapala. Nag-aakaya ka. Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang isinampal niya ng malakas sa pisngi nito ang 5,000. Sa sobrang gulat, hindi na nakakilos si Meldon. Nahulog tuloy ang pera sahig. ‘Yan ang bayad ko, malamig niyang sabi rito. Galit na galit naman ang binata. Ang bastos mo ah.

Ano bang problema mo? Ang aso mo may kasalanan tapos ikaw pa ang ganyan. Ikaw may atraso sa atin. Ikaw? Bulalas niya rito. Hindi si Choco at hindi ako. Pasalamat ka nga na binayaran pa kita. Akala mo ba hindi ko malalaman ang mga pinagagawa mo? Ano? Ginawa mo akong kabit mo? Ano? Katawan ko lang ang habol mo sa akin.

Mabuti na lang talaga. Hindi ako bumigay sao agad. Wala kang kwentang lalaki. Nagsisisi ako na pinatulan kita. Namula sa hiya si Meldon. Hindi siguro nito inasahan na mahuhuli niya sa kalokohan pero galit pa rin ito at hinawakan ng mahigpit ang braso niya. Pero mabilis namang napabitiw ng galit na tumahol si Choco at muntik na itong sugurin.

“Cho! Sh, saway ni Fatima bago masamang tumingin kay Meldon.” “Huwag ka ng babalik sa amin kahit kailan. Ayokong makita pagmumukha mo. Mag-break na tayo. Pagkatapos non, umalis na sila ni Choco. Labis ang pagtakbo nila. At nang mapagod, malakas na tumawa si Fatima. Hindi tumatawa ang alaga niya pero alam niya ang saya nito.

Napailing na lang si Fatima. Hindi siya ang klase ng tao na nakikipag-away. Pero ‘yun ang unang beses na masarap sa pakiramdam na makaganti. Unti-unti muling binuon ni Fatima ang kaniyang buhay. Bumalik siya sa dating routine noong wala pa sa buhay niya si Meldon. Mas binuhos niya ang sarili sa kanyang pag-aaral.

Mas naging masinop at determinado sa pagtapos ng thesis na matagal na niya ng ipinagpapaliban. Kasabay ng pag-aaral, tinanggap niya ang isang part-time na trabaho. Nagtatrabaho siya sa isang cafe na pet friendly. Kaya kahit may work, nadadala niya roon si Choco dahil may station talaga roon para sa mga pet.

Yun kasi ang concept ng coffee shop. Hindi madali ang magtrabaho habang nag-aaral. May mga araw na pagod siya, puyat at halos gusto ng sumuko. Ngunit sa bawat sweldong natatanggap niya, nararamdaman niya ang kakaibang saya. Sa gitna ng lahat ng yon, nanatiling kasama niya si Choco. Sa tuwing uuwi siya ng pagod at mabigat ang loob, naroon ang aso niya.

Masayang sumasalubong. Kumakawag ang buntot at tila laging handang makinig kahit wala itong sinasabi. Sa mga sandaling nag-iisa siya, si Choco ang nagsisilbing tahimik niyang sandalan. Sa simpleng presensya nito, natutunan ni Fatima ang kahalagahan ng pagmamahal na walang hinihing kapalit. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting bumabalik ang tiwala niya sa sarili. “Good morning, sleepy head.

Bulong ni Fatima sa kanyang aso habang tinatalian ang buhok. Tumahol si Choco ng mahina at nag-inat saka lumapit sa kanya. Oo na. Sasama ka mamaya. Sandali lang. Ngumiti siya habang hinahaplos ang ulo ng aso. Last year na natin’to ha. Kaunting tiis na lang. makaka-graduate din ang mommy.

Parang naiintindihan ni Choco. Umupo ito at pinanood siyang maghanda. Habang naglalakad si Fatima papunta sa cafe dala ang maliit na backpack at lish ni Choco. Ramdam niya ang kakaibang gaan sa kalooban niya. Kahit na nahihirapan siya araw-araw, masaya naman siya dahil parang malaya pa rin ang pakiramdam. Nang makarating sa cafe, dinala niya na si Choco sa station. ng mga pet.

Kasundo na naman nito ang ibang aso kaya okay na. Tinali niya na rin muna dahil baka biglang makatakbo papunta sa labas. Mahirap na at hindi niya ito mahahabol kapag naka-duty. Good morning, Fatima. Bati ng kanyang supervisor. Good morning po, sagot niya habang nagtatali ng apron. Habang nag-aayos ng coffee beans, may pumasok na lalaki.

Naka-light jacket ito. May dalang backpack at may hawak na leash. May kasamang aspin na may bahagyang pilay sa isang paa. Napatingin si Fatima sa aso nito at agad na naawa. “Good morning,” sabi ng lalaki sa kanya. “Good morning po.” “Anong nangyari kay baby?” tanong ni Fatima. “Ano po pala ang order niyo?” Mmm. Nahulog sa hagdan.

Ang likot kasi black coffee lang. Sagot naman ng binata. And okay lang ba na dito ang aso ko? Dito ko sana balak mag-work. Ngumiti si Fatima. Yes po. Pet friendly po kami dito sa coffee shop. Napatingin ng lalaki sa Aspin. Narinig mo yun Luna? Pwede ka dito. Napangiti si Fatima ng hindi namamalayan. Habang ginagawa niya ang order naramdaman niyang lumapit si Choco sa gilid ng counter.

Abot naman kasi ng tali nito ang counter. Napatingin si Choco at tahimik na nakatingin sa bagong dating. Oh, sabi ng lalaki. Ang laki ng pet mo. Golden retriever siya. Ang gentle niya rin. Sagot ni Fatima. Lumuhod ang lalaki sa harap ni Choco ng dahan-dahan. Okay lang bang hawakan? Okay lang naman. Sagot ni Fatima.

Halatang marunong kumuha ng loob ang binatang customer nila. Napangiti siya ng makitang komportable na si Choco rito. Ang bait niya sabi ng lalaki at matamis na ngumiti sa kanya. By the way, I’m August. Fatima sagot niya naman. And that’s Choco. Mabait talaga yan. Kaya lang suplado. Lagi nga kaming magkaaway niyan eh.

Simula noon, naging regular na customer nila si August. Laging umaga, may dalang aso at laging mahinahon na ngiti. Sa mga maliliit nilang pag-uusap, hindi niya na namamalayan na nakikilala na nila ang isa’t isa. “Okay lang ba?” tanong ni August isang umaga at napansin ang kanyang eyebags. Oo naman, sagot ni Fatima.

Final weeks na kasi kaya todo review na ako. Isang hapon tapos ng shift ni Fatima. Nakaupo siya sa labas ng shop. Nakahiga naman sa tabi niya si Choco. Biglang may dalawang kape na inilapag sa mesa. Libre sabi ni August at umupo sa tapat niya. Reward for surviving the week. Nagulat naman siya. Hindi naman kailangan. Ngumiti si August.

Okay lang choice ko na ilibra ka. Tanggapin mo na. Mahina siyang tumawa. Sige salamat. Tahimik lang silang dalawa sandali habang pinapanood ang mga taong dumadaan. Si Luna at Choko ay magkatabi at parehong tahimik. Silang dalawa ni August, nagkakatinginan sila at pareho na lang na natatawa kahit walang pinag-uusapan. Hmm.

Siya nga pala, kapag bakasyon mo gusto mong sumama sa amin ni Luna. Pupunta kami sa beach, isama mo si Choco. Nakangiting sambit ni August. Napatingin siya kay Choco bago bumalik ang paningin sa binata. Baka wala pa akong pera non eh. Pwedeng next time na lang. Ngumuso naman si August. Ako na. Sagot ko na lahat. Sumama ka na please.

Ang boring kapag kaming dalawa lang ni Luna. Saka nabanggit mo hindi mo pa siya nadadala sa beach ‘ ba. Nahihiya si Fatima pero pumayag na rin talaga siya. May tiwala naman siya kay August. Hindi ito nanliligaw. naging magkaibigan lang sila. Pero ramdam ni Fatima na may nabubuo ng parehong damdamin sa pagitan nila. Lumipas pa ang mga buwan.

Sa wakas ay tuluyan na siyang naka-graduate. Masaya naman ang mama niya para sa kanya. Nang mag-celebrate na libre na lang siya nito sa isang restaurant at sapat na yun sa kanya. Akala niya ay wala ng celebration pero may hinanda pa pala sa kanya si August kinabukasan. Nakakagulat ka ang effort mo na gumawa ka pa ng ganitong surprise para sa akin.

Hindi naman kailangan. Nakangiting sabi ni Fatima habang tinitingnan ang ginawa nitong declaration sa loob ng kanyang apartment. Matamis siyang nginitian ni August. Wala eh. Dapat special para sa special na tao para sa akin. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Parang walang paglagyan ang saya sa kanyang puso.

Nang marahang magtama ang mga labi nila, walang naramdamang kaba si Fatima. Parang kalmado lang ang kanyang pakiramdam. Ligtigta siya kay August. Ibang-iba sa naramdaman niya noon kay Meldon. Nang maghiwalay ang mga mukha nila, pareho silang natawa. Gusto ko pa sanang manligaw. Sorry hindi ko na napigilan. Mahinang sabi ni August. Napakagatlabi naman si Fatima.

Huwag na. Ligawan mo na lang ako habang tayo. Parang niligawan mo na rin naman ako sa mga efforts mo, August. Pagkatapos non, naging sila na ngang dalawa. Masaya si Fatima na naging boyfriend si August. Nagiging intimate sila sa isa’t isa pero marunong gumalang ng boundaries ang binata. Kaya nang magbakasyon sila sa Batangas talagang wala siyang takot na naramdaman.

Choco, anghi mo naman. Naunahan ka na ni Luna sa paglangoy. Malakas na singhal ni August habang naglalangoy sila sa dagat kasama ang mga alaga nila. Malakas ding tumawa si Fatima. Yun ang first time ni Choco na mag-swimming. Kaya talagang na-excite siya ng sobra. Sa bawat pupuntahan nila ni August sa bawat date palaging hindi mawawala sina Luna at Choco.

Sa gitna ng lahat ng yon nagtrabaho na rin naman si Fatima sa isang company. Hatid sundo pa siya ni August. Pagkatapos ng isang taon, nag-decide sila na mag-leave in setup. Pero kahit gann, magkahiwalay pa rin sila ng kwarto. Pareho kasi nilang pinahahalagahan ang personal space ng isa’t isa. Bukod doon, talagang nirerespeto ni August ang gusto niya na kasal muna bago niya isuko ang sarili.

August! Malakas na sigaw ni Fatima habang nagto-toothbrush. Akala ko tinali mo muna si Luna. Wala na. Nagdikit na sila. Pareho na lang silang natulala sa mga fair baby nila na parehong inhit. Hindi pa sila handang magkaroon ng puppy pero mukhang hindi na talaga mapipigilan. Naging pabaya si August.

Sa ilang taon nilang pinagsasama sina Luna at Choco, kailan man ay hindi sila nasalisihan. “Wala na. Magiging lola ka na.” natatawang sabi ni August habang hinahalikan siya sa tenga. Paano tayo, Fatima? Kailan kaya tayo magiging inhit? Nanlaki ang mga mata ni Fatima at agad na kinurot ang braso ng kanyang boyfriend.

Tawang-tawa tuloy ito at patuloy siyang inasara. Kunwari ay bubuhatin siya at dadalhin sa kwarto nito. Napailing na lang din si Fatima habang tumatawa. Dahil nabuntis na nga si Luna yon at may dalawang puppy na sila na maraming features na nakuha kay Choco. Apat na ang mga aso nila at nag-decide sila na hanggang doon na lang.

Pinakapon na nila si Choco para huwag ng magpadami. Sa mga lumipas na taon naging ganoon ang buhay ni Fatima. Masaya na siya sa kung anong mayroon siya pero masasaya siya sa bagong yugto ng buhay nila ni August. Hoy bubbles, blossom, ano ba yung pinag-aawayan niyo? Nagtatakang tanong ni Fatima at kinuha ang kinakagat-kagat ng mga ito.

Nakuha niya ang kahon ng isang singsing na marami ng laway. Napasinghap si Fatima ng makita ang isang singsing sa loob. Nang tiningnan niya may nakaukit na initials ng kanyang pangalan. “Teka, para saakin ba ‘to?” Gulat niyang tanong at napatayo. Saktong nagmamadaling bumaba si August. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang hawak niya na ang singsing.

Para tuloy batang nagmaktol ang kanyang boyfriend dahil nasira na ang diskarte. Natatawang sinuot ni Fatima ang singsing. “Magpo-propose ka pala. Ang ganda naman ng singsing. Ngumuso ang kanyang boyfriend at napapadyak. Fatima naman eh. May surprise ako. Bukas pa sana yan. Ano ba? Hindi pa ako lumuluhod sa harap mo. Napalakhak siya at niyakap ito.

Eh ‘di kung may surprise ka ituloy mo na lang siguro. Magpapanggap na lang ako. Kunwari ko alam. Umungol ang kanyang boyfriend at niyakap na lang siya. Ewan ko sa’yo. Basag trip ka. Gawin na lang natin yung announcement na ikakasal na tayo. Wow naman. May pa-engagement party na para bang may magme-merge na companies. Humagalpak siya ng tawa.

Ayaw niya namang sirain ang moment nito. Gusto niyang ma-surprise din si August. Pero ano bang magagawa niya kung nakita na niya yon? Makalipas ang dalawang buwan, nag-asikaso na nga sila para sa kanilang kasal. Gusto niya ng simple lang pero hindi kaya dahil malaki ang pamilya ni August. Marami itong mga pinsan na dadalo.

Syempre hindi rin mawawala ang mga f baby nila na dahilan kung bakit sila naging malapit sa isa’t isa. Wow! Ang ganda naman ng mga suot ng mga baby namin.” Nakangiting sabi ni Fatima nang pumasok sa room ang mga alaga nilang sina Choco, Luna, Bubbles at Blossom. Hinalikan niya isa-isa ang mga ito. Maglalakad kayo mamaya papuntang altar.

Okay? Ikakasal ng mommy at daddy ninyo. Pagkatapos ng mga paghahanda, lumabas na sila. Isang garden wedding yon at mahaba ang nilakad niya. Nang makita niya sa dulo si August, matamis siyang napangiti. Napag-usapan nilang walang iiyak. Pero nang makita niya si Augos na umiyak, napaiyak na rin siya. Nang makarating sa altar, natawat tuloy ang mga bisita nang maghampasan silang dalawa.

Sabi mo walang iiyak. Nakakainis. Natatawang sabi ni Fatima. Humalakhak si August. Sorry ang ganda mo eh. Palapit pa sa akin. Sinong hindi maiyak? Pagkatapos ng kasal na yon, mas naging makabuluhan ang lahat sa buhay ni Fatima. Naging masaya silang dalawa ni August kasama ang mga fair babies nila. Pero sa bawat paglipas ng panahon, naisip niyang tumatanda na rin naman ang mga alaga nila. Lalong-lalo na si Choco.

Kapag pinagmamasdan ko si Choco, parang hindi ko kayang tanggapin na hanggang 7 to 8 years lang ang itatagal niya. Sobrang madudurog ako kapag nawala siya. Mahinang sabi ni Fatima habang nakahiga sila sa kama ng asawa niya. Hinalikan nito ang kanyang sentido. Wala tayong magagawa.

Ang mahalaga nabigyan natin sila ng masayang mga ala-ala. Naalagaan natin sila. Minsan iniisip ko rin ‘yan bakit kailangang maikli lang ang buhay nila. Pero naisip ko rin na mapupunta naman sila sa magandang lugar na baka bibigyan sila ng maikling buhay lang dito sa mundo kasi hindi nila deserve na manatili ng matagal dito. Huminga ng malalim si Fatima.

Kaya habang may panahon pa ang mga alaga nila, palagi niyang sinusulit. nakikipagkulitan siya palagi sa mga ito. Sa gitna ng lahat ng ‘yon, nagbabalak na siyang magbuntis. ‘Yun nga lang, nahirapan sila pareho ni August. Dalawang beses na siyang nakunan at ayaw niya ng subukan pa. Napo-frustrate si Fatima dahil sa kanilang dalawa.

Alam niyang siya ang may mali. “Mahal!” tawag ni August at hinalikan ng noon niya. “Alam kong nalulungkot ka. Alam kong hindi mo matanggap ang mga bagay na nangyayari sa atin pero sana huwag kang mawalan ng pag-asa. Umaasa pa rin ako. Yung dalawang baby natin baka hindi lang talaga siya para sa atin. Napapikit si Fatima nang tumulo ang kanyang mga luha.

Sorry wala akong pakinabang. Hindi mabuhat sa tiyan ko ang mga baby natin. Sh, pinunasan ng asawa niya ang kanyang mga luha. Huwag mong sabihin ‘yan. Wala namang may gusto ng mga nangyari. Ingat na ingat naman tayo. Isa pa, kahit na hindi ibinigay sa atin ang mga baby natin, alam ko that you will be the best mother na magkakaroon sila.

Sa mga free babies pa nga lang natin, labis ka ng mag-alaga. Paano pa kaya kapag nagkaroon na tayo ng mismong anak? Kaya huwag kang sumuko maririnig din ng Diyos ang mga panalangin natin. Ipagkakaloob sa atin ang hinahangad natin kasi alam niya na kaya nating maging mabuting magulang para sa ating magiging mga anak. Tinanggap ni Fatima ang yakap ng kanyang asawa.

Sa mga salitang iyon, natuto siyang umasang muli. Natuto siyang manalangin at humiling ulit ng bagong pag-asa. Pagkauwi, sinalubong sila ng mga alaga nila. Habang nagpapahinga, hindi siya nilubayan ni Choco. Para bang ramdam nito ang bigat ng nararamdaman niya? Idinidikit nito palagi ang ulo sa kanyang kamay o hindi kaya’y sumisiksik sa dibdib niya? Nang ipatong nito ang isang paa sa kanyang tiyan, hindi napigilang umiyak ni Fatima.

Oo, Choco. Wala na ulit ang baby ko kaya sad na naman ang mommy. Garalgalang boses na sabi ni Fatima. Umungot si Choco at tiningnan ang kanyang mukha. Nakita niyang parang nangingislap ang mga mata nito. Oh bakit parang maiiyak ka rin? Nararamdaman mo ang nararamdam mo ng mommy? Malambing niyang tanong at hinaplos ang ulo nito.

Huwag kang mag-alala Choco. Magiging maayos din ako. Malungkot lang talaga ako ngayon. Sa mga lumipas na buwan, pinilit ni Fatima na maging okay. Hindi rin naman siya nahirapan dahil palagi siyang pinapasaya ng kanyang asawa. Nandoon din ang mga alaga nilang aso para libangin siya. ‘Yun nga lang habang tumatagal namumuo na naman ang takot niya para kay Choco.

Ilang beses na kasi nila itong nadala sa vet para sa sakit nito. Madalas na kasing mag-seure at madalas ng hingalin. Dala na rin ang katandaan ni Choco. Pero isang araw, unti-unti na talagang nanghina si Choco. Diniretso na sila ng vet na baka hindi na ito umabot hanggang bukas. Kaya yun at magnamag na silang gising ni August. Pareho na silang naiiyak dahil kahit nang hihina na pinipilit pa rin ni Choco na magmulat at tumayo para makalapit sa kanya.

Choco, I love you. Garalgalang boses na sabi ni Fatima. Huminga ng malalim si August. May nabasa ako dati na ang mga aso raw hindi sila takot mamatay. Mas takot daw sila na maiwan ang amo nila. Ang taong nag-alaga sa kanila. Gusto nilang bago sila mawala malaman nilang okay ka.

Na kahit wala siya eh magiging okay ka pa rin. Mas lalong umiyak si Fatima. Mahirap sa kanyang tanggapin na mawawala na ang paborito niyang alaga. Ito ang naging kasama niya noong panahon na malungkot na malungkot siya. Dahil kay Choco, nagkaroon ng kulay ang buhay niya at nagkaroon siya ng pamilya. Nang mawala ang kanyang ama, ito ang naging comfort niya habang nag-iisa.

Tiningnan niya si Choco na hindi maalis ang tingin sa kanya. Siguro ay ayaw pa nitong mawala dahil nakikita siyang umiiyak. Kaya pinilit niyang umiti. Pinilit niyang ipakita na okay siya. Kumuha siya ng chocolate at isinubo kay Choco. Yehey! Makakain mo ng bawal sa’yo. Yan ang baon mo. Happy ka na ba, anak? Malakas na umungot si Choco at nangingislap ang mga mata.

Hinaplos ni Fatima ang ulo ni Choco at hinalikan. Okay na ako anak. Salamat sa pagsama sa akin. Naging masaya ako nung panahong nag-iisa ako. Magpahinga ka na, baby. Promise magiging okay ang mommy. Kahit nawala ka na, palagi kang nasa puso ko. Pinakiramdaman ni Fatima ang paghinga ni Choco.

Nang unti-unti itong pumikit at tuluyang hindi na humihinga, doon na siya malakas na napahagulgol. Mahigpit na lang siyang niyakap ni August. Wala na ang una niyang baby. Iniwan na siya ni Choco. Pero kahit nawala na ito sa puso’t isip niya, mananatili ang mga ala-ala ng kanyang alaga. Paulit-ulit niyang babalikan ang ala-ala na nakita niya ito noon sa sementeryo na nilinis at inalagaan niya sa maraming taon.

Nilibing ng asawa niya sa likod ng bahay si Choco. Nagpagawa rin siya ng lapida para naman mabalikan niya. Makalipas ng ilang linggo, pinilit niyang mag-move on. Pinapasaya niya na lang ang sarili sa mga pictures at videos nila ni Choco. Inalagaan niya rin ng maayos sina Blossom at Bubbles dahil may dugo ang mga ito ni Choco.

“Congratulations, your three weeks pregnant.” Saad ng doktor nang magpa-checkup sila. Hinawakan ni August ang kanyang kamay. Alam nitong kinakabahan siya dahil baka makunan na naman. Pero palaging ipinapadama ni August na wala siyang dapat ikatakot. Sa buong journey ng pagbubuntis niya, palagi niyang ipinapanalangin sa Diyos na sana’y maging okay ang baby sa katawan niya at hindi niya alam kung isang himala ba.

Pero hindi siya nagkaroon ng problema sa pagbubuntis. Hindi nagkaroon ng komplikasyon at naipanganak niya ng normal delivery. “Ang pogi naman ng batang ito.” Ang pogi ni Bobby. Nakangiting sabi ng mama niya habang karga ang anak nila ni August. Napangiti si Fatima. Simula ng dumating sa buhay nila si Bobby, sinikap nila ni August na mapalaki ng maayos ang anak nila.

Habang lumalaki, naging malapit din ito sa mga aso. Anong sabi ko? Ang bata dapat kumakain ng gulay? Sir ni Fatima sa anak niya. One week nating ulam ang mga gulay. Kapag hindi ka kumain, bahala ka. Magugutom ka. Kainin mo kung anong hinain ko. Sao umungot si Bobby at sinubsub ang ulo sa kanyang kamay. Mommy. Hindi niya ito pinansin.

Tumayo na tuloy sa upuan. yumakap sa kanya at sumubsob sa dibdib ni Fatima, “Mommy, huwag ka ng galit. Kumain ka ng gulay para hindi ako magalit.” Pero habang nakayakap ang kanyang anak, may naalala siya sa mga kilos nito at ugali. Ganoon din kalambing ang aso niyang si Choco noon. Gayun pa man, kahit na anong mangyari, parehong nasa puso niya si Naach Choco at Bobby.

Parehong dumating ang mga ito sa buhay ni Fatima. sa panahong nalulungkot at kailangan niya ng kasama.