𝗔𝘆𝗮𝘄 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗶 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮. Dalawang oras na akong nasa biyahe, nakasandal sa bintana ng lumang patrol na sumundo sa akin. Puro palayan, halos walang tao. At sa bawat minutong lumalayo kami sa siyudad, pakiramdam ko lumalayo rin ako sa bigat ng mga buwan na nakalipas. Ilang linggo rin akong naghihintay ng assignment order. Kinuha ko ulit sa bulsa ang sulat, nilaro-laro sa kamay, at muling sumilip sa unang linya: “To: PO2 Mercedita Gomez, assigned to…” Hindi ko na binasa ang kasunod. Sa isip ko, sapat na ‘yon para mangarap. Siguro dito, mas tahimik. Walang habulan sa gilid ng eskinita. Walang lasing na mag-aaway sa kalsada alas tres ng umaga. Baka dito, ang pinaka-abala lang ay barangay tanod na nagtatanong kung nasaan ang pusang nawala. Napangiti ako. Mas kaya ko ‘to. Kaya kong sumabak sa first duty kahit kakadating lang sa lugar. Bukas na ako babawi ng pahinga. Biglang bumagal ang sasakyan, lumiko sa mas makitid na kalsada, hanggang sa huminto sa harap ng mababang gusali na may lumang karatulang “MUNICIPAL POLICE STATION.” Bumukas ang pinto, at sinalubong ako ng mainit na hangin at amoy ng tuyong damo. Dalawang unipormadong pulis ang naghihintay sa harap. Ang isa, halatang hepe – puti na ang buhok, malumanay ang tingin. “Welcome, Gomez,” sabi niya, sabay abot ng kamay. “Ako si Chief Ramirez. Swerte ka at dito ka na-assign. Tahimik na bayan. Halos walang krimen.” Ngumiti ako. “Salamat po, sir. Excited na rin po akong magsimula.” Iniwan ako ni hepe sa mas batang officer, si Sarmiento. Siya na raw ang magto-tour sa akin. Nag bilin na din na dalawang araw siya mawawala at kami na daw muna bahala. Sinamahan ako ni Sarmiento papasok. Simple lang ang lugar. Reception, maliit na opisina, tapos diretso sa mga selda. Dalawa lang ang kulungan. Isang, bakante. Yung isa, may nakaupong matandang preso. Puti ang buhok, kulubot ang mukha, at sa unang tingin pa lang, halata na – bulag ang isang mata. Tahimik lang, halos hindi gumagalaw. Pero nang makalapit kami, bigla siyang nagsalita. Mababa ang boses, parang dumaan sa basag na radyo: “Hindi ka na makakauwi, Pancha..” Natigilan ako. Napakapit sa gilid ng barandilya. Pancha? “Tumahimik ka!” singhal ni Sarmiento. “Hindi Pancha pangalan niya!” Ngumisi lang ang matanda. Nanatiling nakaupo, yumuko at tila bumalik sa katahimikan. Nagpatuloy si Sarmiento sa pagpapaliwanag tungkol sa precinto, pero lutang na ako. Pagbalik namin sa reception, saka lang ako natauhan. “Okay ka lang, ma’am?” tanong niya. “Oo, ayos lang.” sabi ko. “Wag mong pansinin ‘yon. First time ko lang siyang narinig magsalita. Baka ngayon lang ulit nakakita ng babae”..Umiiling siya, habang nakangiti. “Anyway, kailangan kong mag-ronda sa Lahug at Nibaliw. Nandito na ulit ako bago mag alas nuebe. Kaya mo naman dito?” – tanong ni Sarmiento. Nilingon ko ang orasan, 6:45PM. Tumango ako. “Oo naman. Hindi naman ako baguhan sa trabaho. Bago lang sa lugar.” Nang umalis siya, parang biglang lumuwag ang paligid. Pero hindi ang dibdib ko. Paano nalaman nitong matanda ang bansag sa akin ni lola? Hindi naman kami taga dito. At halos dalawang dekada na din wala si lola. Si lolo Pancho – mas nauna pa. Kaya nga daw Pancha ang tawag ni lola sa akin ay para daw akong maliit na babaeng Pancho – ang yumao niyang asawa. Imposibleng malaman yun rito. Hindi ko na napigilan – bumalik ako sa selda. “Bakit mo ako tinawag na Pancha?” tanong ko, halos pabulong. Ngumiti siya, sirang mga ngipin. “Lahat kayo napapanaginipan ko”. sagot niya. Tinitigan ko lang siya para iparamdam na hindi ako nakikipag biruan, pero bakit parang ako ang natinag nang biglang nawala ang mga ngiti niya. Biglang naging seryoso ang itsura pati ang boses – “Pag nawala ako dito, susunduin ka nila. Wag mong pagbubuksan ang kakatok” BLAAAG. Binilisan ko ang lakad pabalik sa reception. Si Sarmiento. Natabig lang ang tumbler at nakangiting humingi ng pasensiya.
Huminga ako nang malalim. “Kalma lang, Gomez,” bulong ko sa sarili. Pinilit kong itaboy ang kaba habang nililigpit ang mga papel sa mesa. Pero kahit anong pilit kong ituon ang isip ko sa trabaho, bumabalik-balik sa pandinig ko ang paos na boses ng matanda:
“Pag nawala ako dito, susunduin ka nila. Wag mong pagbubuksan ang kakatok…”
Ang Unang Gabi
Lumipas ang mga oras nang walang kakaibang nangyari. Nag-log ako sa record book, nagkape, at paminsan-minsan sumisilip sa selda. Naroon pa rin ang matanda, nakaupo, nakayuko. Tila tulog, pero ramdam kong gising siya.
Bandang 9:30 PM, dumating si Sarmiento. Bitbit ang flashlight, pawisan, pero nakangiti. “Tahimik lang sa ronda. Wala kang problema rito, ma’am.”
Tumango lang ako. Ayokong ikwento ang narinig ko sa preso. Baka isipin niyang pinaglalaruan ako ng imahinasyon.
Ang Pangyayaring Hindi Dapat Mangyari
Kinabukasan, balik duty ulit ako. Pagsilip ko sa selda, nanlumo ako: wala na ang matanda.
Tinawag ko agad si Sarmiento. “Nasaan ang preso dito kahapon?”
Nagkibit-balikat siya. “Ma’am… wala nang matandang preso rito. Kanina pa ako nakatingin sa logbook, dalawang linggo nang walang nakaditine.”
Nanlamig ang batok ko. “Pero nakita ko siya kagabi!”
“Siguro napagod ka lang,” sagot niya, pilit na nagbibiro. “Welcome to the province, Gomez.”
Pero hindi ako natawa.
Ang Kakatok
Ilang gabi ang lumipas. Tila normal ang lahat. Hanggang isang gabi, habang ako’y mag-isa sa istasyon, tumahimik ang paligid. Ang wall clock ay huminto sa 11:11.
Maya-maya, TOK. TOK. TOK.
May kumakatok sa pintuan ng selda — sa selda kung saan ko nakita ang matanda.
Nanginginig ang kamay ko. Naalala ko ang huling babala:
“Pag nawala ako dito, susunduin ka nila. Wag mong pagbubuksan ang kakatok.”
“Walang tao diyan…” bulong ko, pilit na nilalabanan ang sarili kong takot. Pero unti-unting lumakas ang katok.
TOK! TOK! TOK!
Kasabay nito’y may malamig na hangin na dumampi sa batok ko, kahit sarado lahat ng bintana.
Ang Pagpapasya
Inabot ko ang susi. Nanginginig. Kung bubuksan ko, malalaman ko ang totoo. Kung hindi, baka manatili akong tanong nang tanong habang buhay.
Sa dulo ng koridor, parang may anino ng tao sa loob ng selda, nakatayo at nakatingin direkta sa akin.
Pero biglang tumunog ang radyo sa mesa. Boses ni Chief Ramirez:
“Gomez, huwag mong bubuksan ang selda. Ulitin ko — huwag mong bubuksan. Papunta na kami.”
Natigilan ako. Hindi ko pa nga nai-report ang nangyayari, pero parang alam na nila.
Ang Katotohanan
Pagdating ng hepe kasama si Sarmiento at dalawang pulis, agad nilang tinakpan ng puting kumot ang selda. Wala akong nakitang tao, wala ring bakas ng presensya.
“Chief… ano ‘to? Sino yung matandang preso?!” halos pasigaw kong tanong.
Nagkatinginan sila ni Sarmiento, at sa wakas, hepe Ramirez ang nagsalita:
“Dalawampung taon na mula nang mamatay dito si Tatang Ernesto — dating barangay tanod. Siya ang unang preso rito. Na-blind sa isang raid, at namatay sa kulungan. Simula noon, may mga bagong pulis na nagsasabing nakikita siya, naririnig… lalo na kapag babae ang naka-duty.”
Nanlaki ang mata ko. “Pero bakit niya ako tinawag na Pancha?”
Umiling si Ramirez. “Iyan ang hindi namin alam. Pero lahat ng sinasabihan niya… laging may kinalaman sa isang panganib na darating. Sa kasamaang palad, karamihan sa kanila… hindi na nakabalik.”
Ang Huling Babala
Tumahimik ang lahat. Hanggang bigla na lang bumagsak ang radyo sa mesa, kahit walang humawak.
Mula sa static, narinig ko ulit ang basag na tinig:
“Pancha… huwag mong pagbubuksan ang pinto kapag kumatok sila. Malapit na…”
Napakapit ako kay Sarmiento. Sa labas, biglang may sunod-sunod na katok sa mismong pintuan ng istasyon. Malalim. Mabigat. At sabay-sabay.
TOK! TOK! TOK!
👉 At doon nagtapos ang unang gabi ng totoong assignment ko.
Hindi ko alam kung babangon pa ako bukas, o kung kaya kong hindi buksan ang pintuan.
Ang malinaw lang: hindi ko na kayang pakawalan si Tatang, dahil siya lang ang nagsasabi ng totoo.
News
Put aside all work in the countryside to look after my grandchild, drove all day to get there, just stepped through the door and was looked down upon by my in-laws. /dn
Put aside all work in the countryside to look after my grandchild, drove all day to get there, just stepped…
My husband often stayed out all night and didn’t come home. I secretly followed him by driving for more than 100km and finally had to painfully see him hugging a girl 15 years younger than me. I didn’t bother to fight him but arrogantly drove straight home. And then exactly 2 months later, I burst out laughing when I heard news about her… /dn
My husband often stayed out all night and didn’t come home. I secretly followed him by driving for more than…
Seeing my son staying up late every night during puberty, I peeked through the crack in the door and was shocked by the scene before my eyes. /dn
Seeing my son staying up late every night during puberty, I peeked through the crack in the door and was…
The father sold the land and brought money to his son, but unexpectedly his son’s words made him leave quietly. /dn
The father sold the land and brought money to his son, but unexpectedly his son’s words made him leave quietly….
WICKED MOTHER-IN-LAW MEETS HER MATCH /dn
WICKED MOTHER-IN-LAW MEETS HER MATCH EPISODE 1 Obiora got married to Bukola in a private traditional marriage ceremony, which was…
“Dad, She Set You Up” — My Son Saved Me from My Wife’s Evil Plan In 6 Words /dn
“Dad, She Set You Up” — My Son Saved Me from My Wife’s Evil Plan In 6 Words What should…
End of content
No more pages to load