𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗶𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝘁𝗼𝗯 𝗸𝗼.

Sanay na ako sa routine tuwing umaga. Rosary sa chapel, ilang estudyanteng late sa klase, at mga batang nakangisi habang nagtatago ng cellphone na parang sikreto. Normal na eksena sa aming school.

Habang nag-iikot ako sa corridor, narinig ko ang tilian mula sa silid. Napabilis ang lakad ko, baka may nahulog o nag aaway. Pagbukas ko ng pinto, nakahawak sila sa dibdib, takot na takot. May nakita daw “itim na anino” sa gilid ng bintana. Lumapit ako kaagad, pinakita sa kanila – isang payong lang na naiwan ng janitor. Napailing ako. Bata nga naman, ang bilis matakot. Nito kasing nagdaang mga araw, may mga di maipaliwanag na nangyayari – biglaang nosebleed sa gitna ng klase, may nahimatay habang nagrorosaryo – kaya kahit simpleng anino, kinikilabutan na agad ang mga bata.

Pagdating ng hapon, bago magsara ang gate, may mga dalagita akong nadaanan sa likod ng science lab. May bilog sa sahig, may markings, may flashlight mula sa cellphone. Nakakunot-noo ako. “Ano ‘yan?” tanong ko. Halatang nagulat sila, sabay tawa. “Sister, challenge lang po sa TikTok! Cute lang, wala lang.”

Pinilit kong ngumiti, pero ramdam ko ang lamig sa hangin. “Umuwi na kayo. Baka hinahanap na kayo, kanina pa kayo na dismiss”. Umalis sila na nagbibiruan pa rin.

Nilapitan ko yung mga marka na nilalaro ng mga bata, parang sinaunang script. Hindi iyon basta doodle. May pattern na pamilyar, parang nabasa ko na sa lumang aklat na tinago sa library vault. Sigil ito.

Hinanap ko sa library pero di ko na makita ang libro. Kumonsulta na din ako kay mother superior at ibang mga guro:

“Mga bata lang ‘yan, Sister Elvira,” tugon ni mother. “Wag mo nang masyado dibdibin. Ganyan talaga ngayon, mga trending challenges at mga ginagaya sa nakikita online. Basta wag tayo magsawa gabayan sila sa pagdarasal at pagturo ng tama”

Pag bisita ng kapatid ko sa kumbento, hiniram ko ang cellphone at tinanong ang tungkol sa mga challenges ng mga kabataan, pinakita ito sa akin at agad kong nakilala ang isa, si Althea. Isa sa mga students namin sa school na kamakailan ay dinala sa clinic. Napansin ko din na ang ginagawa ng mga bata sa video ay hawig sa mga lumang ritual, hindi ito basta laro lang.

Kinabukasan, inagahan ko pumunta sa school. Halos wala pang tao at magisa ko pa lang dito sa guidance office. May nakita akong isang guro pero nakita kong busy ito sa pag prepare ng lessons. Naisip kong mamaya ko na lang babanggitin ang nakita kong videos online pag kumpleto na sila kasama si mother superior.

Pumunta na muna ako sa chapel, lumuhod at nagdasal. Nagulat ako nang may humawak bigla sa balikat ko:

“Sister” sabi niya.

Si Althea, nakangiti pero kakaiba.

Ipagpatuloy ang kwento

“Althea…” mahina kong sabi. “Bakit nandito ka pa? Maaga pa ah.”

Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiti ng isang batang inosente. Ang mga mata niya — dilat na dilat, parang may nakikita siyang iba. “Sister, hindi lang po laro. Tinatawag nila ako kagabi… at sinagot ko sila.”

Nanlalamig ang mga kamay ko. Tumayo ako, akmang hahawakan siya sa balikat pero bigla siyang umatras. Sa sahig ng chapel, doon ko nakita: mga marka na pareho ng nakita ko kahapon sa likod ng science lab. At ang pinakamasakit sa mata — parang nagliliwanag ang mga ito kahit walang ilaw.

“Althea! Tama na ’to!” sigaw ko.
Ngunit tumawa lang siya. Mababa, hindi bagay sa kanyang edad. “Hindi mo na sila mapipigilan, Sister. Nagsimula na.”

Sa mismong altar, umihip ang malamig na hangin. Ang krus na nakasabit ay bahagyang gumalaw, kahit sarado ang lahat ng pinto at bintana. Ang mga kandila na hindi pa naiilawan, biglang sindi isa-isa. At bawat apoy ay kulay itim na parang usok ng kandila.

Nanlumo ako, pinilit lumapit kay Althea. “Anak, magdasal ka. Sumama ka sa akin.”
Ngunit nanigas siya, at sa tinig na hindi na kanya kundi parang daan-daang bulong sabay-sabay, sinabi niya:

“Hindi laro ang sinimulan nila, Sister Elvira. At ikaw — ikaw ang unang makakakita sa pagbabalik namin.”

Napasigaw ako at nagdasal ng malakas, hawak ang rosaryong nasa bulsa. Pumikit ako’t halos mapunit ang lalamunan sa pagbibigkas ng bawat “Ama Namin.”

At nang idilat ko ang mata ko — wala na si Althea sa harap ko. Wala na rin ang mga marka. Tahimik ang buong chapel.

Pero sa sahig, sa mismong pwesto kung saan siya nakatayo, may iniwan siyang gamit: cellphone. Naka-on. At sa screen — nakalivestream ang lahat ng nangyari.

At libo-libo na ang nanonood.


Iminungkahing kahindik-hindik na headline

“𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗟𝗮𝗿𝗼 𝗦𝗮 𝗧𝗶𝗸𝗧𝗼𝗸: 𝗔𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗴𝗶𝗹 𝗦𝗮 𝗟𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹”