Sa dulo ng looban sa barangay Santa Lucia, nakatirik ang isang lumang barong-barong nayari sa pinagtagpagping yero, plywood at mga kahoy na halos mabulok na. Doon nakatira ang mag-asawang sinamang Luis at Aling Nida kasama ang kanilang alagang aso na si Dado. Bagam’t may anak silang si Rico na isang OFW sa Qatar, hindi mo akakalain na may kamag-anak silang nasa ibang bansa kung titignan mo lamang ang anyon ng kanilang tahanan.

Aba, Anita si Rico ba. Sarkastikong tanong ni Aling Ly habang naghuhugas ng mga plato sa harap ng kanilang bahay. Oo naman, Let Ly. Sagot ni Aling Nida. Pinipilit ng humiti. Madalas namang tumatawag at nagpapadala ang anak namin. Napakunot noo si Belma na no’y nagkukumpuni ng mga sampay. Eh bakit sa barong-barong pa rin kayo hanggang ngayon nakatira? Ilang taon na yang anak mo sa abroad? Hindi ba? Pero parang wala ka pa ring pambili ng desenteng dingding.

Naku eh baka naman pinapadalan lang pero pinangsusugal naman. Sabat pa ni Cora. Sabay tawa ng malakas na para bang may naisip na kalokohan. Napatahimik na lamang si Aling Nita. Ayaw niyang makipagsagutan. Alam niya ang totoo at yun ang mas mahalaga. Sa loob-loob niya, “Makakatikim rin kayo ng kahihian balang araw.

” Bumalik siya sa loob ng bahay at inilabas ang isang lumang lata ng gatas. Maingat niyang binuksan iyon gamit ang susi at dahan-dahang pinilang ang laman. Mga perang papel na pinapadala ni Rico kada buwan. Lahat ng iyon ay maingat niyang tiniklop at itinago. Sa kabila ng gutom, init at panlalait ng mga kapitbahay, hindi nila ito ginagastos.

Iniipon nila ito para sa kanilang anak. Sa kabilang dako naman, si Mang Luis ay pauwi galing palengke. Bitbit ang ilang tirang kulay na hindi nabenta. Mayupo siya’t sumasakit ang likod pero tinitiis lamang niya. Pagkarating sa bahay, sinalubong siya ng asawa. Luis, may pinadala na naman si Rico. Php,000. Pero sabi ko sa kanya, huwag na muna.

Eh kaso ang kulit ng anak mo at nagpadala pa rin. Napakabait talaga ng anak natin, Mahal. Mabuti talaga ang anak natin. Sana lang eh huwag mahirapan sa trabaho. Napakainit doon sa desyerto. Sagot ng matanda. Habang hinihimas ang likod, habang kumakain ng lugaw na may asin, nakikinig sila sa kaluskos sa labas. Mga kapitbahay na nagkekwentuhan at naghahalakhakan.

Nakita mo ba si Nita kanina? Abay, magarang sumagot pero ang bahay nila ay parang tambakan ng basura. Sambit ni Aling Lie. Naku, pinabayaan na ni Rico ‘yan. Masamang anak talaga ang batang ‘yon. Singit naman ni Aling Belma. Naku, ang sabihin niyo ay may babae lang yun sa Qatar. Bulong naman ni Aling Cora. Hindi na lamang sila kumibo.

Si Aling Nida habang pinupunasan ng likod ng asawang may ubo ay mahinang nagsalita. Walang halaga ang ganda ng bahay. Kung malayo naman ang anak ko. Gusto ko lang siyang makauwi at makasama habang buhay pa kami. Muling tinignan ni Aling Nida ang litrato ni Rico na naka-display sa altar. Naka-hard hat, pawisan pero mayingiti sa mga labi.

Tahimik na pumatak ang luha niya. Ang hindi alam ng mga tao, araw-araw silang nagdarasal na dumating ang araw na hindi na kailangang umalis pa ng kanilang anak. Sa gitna ng init ng desyerto sa Qatar, nakatayo si Rico sa ibabaw ng bakal na platform. Suot ang makapal na welding mask at safety gear.

Halos hindi na siya makagalaw sa bigat ng kanyang kasuotan ngunit sanay na siya. Anim na taon na siyang nagtatrabaho sa oil company bilang senior welder. Marami na ang umuwi sa Pilipinas na may bahay, kotse at pati na rin negosyo. Pero siya tila wala pa ring nagbago sa kanilang tirahan. Pare, pauwi ka na ba sa susunod na buwan? Tanong ni Jomar.

Kapwa niyang Pinoy na welder din. Hindi ko pa alam pre. Nakakainis nga eh. Ang tagal ko na dito pero yung bahay namin parang hindi man lamang ginagalaw.” Sagot ni Rico habang pinupunasan ng pawis batok. Pag-uwi niya sa Barx, binuksan niya ang cellphone at binasa ang mensahe ng kanyang ina. “Anak, maraming salamat sa padala mo ha.

Huwag ka na munang mag-alala sa bahay. Mag-ingat ka palagi ha.” Napangiwi si Rico. Mag-alala sa bahay eh halos wasak na ‘yun. bulalas niya. Sa galit, sinimulan niyang i-type ang reply ngunit binura rin ito. Pinili niyang tumahik na lamang. Pero ang sama ng kanyang loob ay lumalalim na. Nag-scroll siya sa Facebook at nakita niya ang post ni Lety sa isang close group ng barangay.

May anak sa abroad pero hindi man lamang kayang ipaayos ang bahay nila. Kawawang mga magulang baka pinabayaan na. Dumagungdong ang dibdib ni Rico. Kilala niya ang nag-post na iyon. Ito ang kapitbahay nila. Ano to? Pinag-uusapan ako sa barangay namin. Wala na ngang naitulong. Nakakasira pa. Dahil sa galit, tinawagan niya si Aling Nita.

Nay, singal niya kaagad. Anong ginagawa niyo sa mga pinapadala ko? Bakit pati kapitbahay natin pinagsasasabi na wala akong pakialam sa inyo? Anak. Kumalma ka lang. Kalma. Alim na taon na akong nagpapadala, Nay. Ganyan pa rin ang itsura ng bahay natin. Ni Plywood ay walang bago. Tahimik lamang sa kabilang linya.

Nay, kung ipinangsusugal niyo lang po ang pinapadala ko, sabihin niyo na. Nautal na si Aling Nida. Anak, hindi ganun yon. Pero bago pa siya makapagsalita ay pinutol na ni Rico ang tawag. Lumabas si Rico ng barx pilit na iniiwasan ng luhang gustong tumulo. Anong silbi ng lahat ng sakripisyo ko kung ganito lang rin ang uuwian ko.

Kinagabihan, binisita niya online si Myen ang minsang naging nobe niya sa Pilipinas. May panibagong sakit na hatid ito. Rico, naririnig ko lang diyan sa barangay niyo. Sabi ng mga tao, pinapabayaan mo raw ang mga magulang mo. Napakamot siya sa ulo. Nanginginig ang boses. Pati ba naman ikaw ay maniniwala sa kanila? Hindi ko alam. Parang hindi na ikaw to.

Dahan-dahang pumikit si Rico. Nagsimulang mapuno ng duda at galit ang puso niya. Naisip niyang baka totoo ang mga kismis. Baka nga hindi na siya kilala ng sarili niyang pamilya. Gabing-gabi na. Ngunit gising pa rin si Aling Nita. Nakaupo siya sa kahoy na bangko sa tabi ng kanilang maliit na altara. Tangan ng Rosario.

Habang tahimik na nag nagtarasal. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang kanyang pisng hindi dahil sa init kung hindi dahil sa luwang hindi niya kayang pigilan. Sa kabilang bahagi ng maliit nilang bahay, umuubos si Mang Luis habang nakahiga sa banig. Wala silang pera para sa doktor at mas lalong wala para sa gamot.

Pero sa kabila ng masamang pakiramdam, pilit pa rin niyang kinakausap ang asawa. [Musika] “Nida, okay ka lang ba?” mahina niyang tanong. “Ao naman, mahal. Ayos lang ako. Iniisip ko lang ang anak natin. Miss na miss ko na siya. Sana ay makasama na natin siya. Nipiso ay wala akong ginagastos sa mga pinapadala niya. Hindi niya alam na iniipon natin ang mga perang pinapadala niya. Para rin naman sa kanya yon.

Para hindi na siya umalis ng bansa at makasama na natin siya. Konti na lang mahal at makakasama na natin ang anak natin. Napatingin siya sa kaho na nakatago sa ilalim ng lumang aparador. Doon niya inilalagay ang lahat ng perang ipinapadala ni Rico. Kasama na rin ang lata ng gatas na ginawa nilang taguan ng pera. Mula sa unang taon nito sa Qatar hanggang sa pinakahuli lahat ay inipon nila. Pati mga resibo, passok.

at mga papel ng plano nilang lupa. Ang hindi alam ni Rico ay may plano silang magtayo ng welding shop para sa kanya. Plano nilang ipundar ang pera na yon upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na ito muling umalis pa. Isang tahimik na sakripisyo o at gutom sila sa ngayon para sa panatag na bukas ng kanilang anak.

kahit papaano may pinagkukuhaan naman sila ng pera sapagkat kahit papaano ay nakakapagtinda naman sila ng mga gulay pero ganoon pa man ay may mga pagkakataon pa rin talagang kinakapo silang mag-asawa. “Naku, eh wala na pala tayong ulam, Luis. Bukas ay lugaw na lang muna ang kainin natin.

May kaunting asin pa naman dito.” Sabi ni Nita. Okay lang yun mahal. Basta’t matuloy ang plano natin Nida ha. Basta’t makauwi si Rico nang hindi na kailangang lumayo pa. Kinabukasan, habang binubuhat ni Mang Luis ang kanyang karito ng gulay na hindi gaanong sariwa, sumalubong sa kanya ang isang grupo ng mga chismosang nakaupo sa ilalim ng puno.

Aba tingnan niyo si Luis oh. Eh ang lakas pa rin magtulak ng kariton kahit na may anak na nasa abroad. Kantw ni Lie. Eh baka naman kasi nagpapanggap lang ang mga yan na may anak sila sa abroad para ma-excuse sa kahirapan. Sabat naman ni Cora. Alam mo ba si May daw ay iniwan na si Rico. Sabi niya ay walang kwentang anak.

Dagdag pa ni Belma. Narinig ni Mang Luis ang lahat. Ngunit gaya ng nakasanayan, pinili na lamang niyang tumungo at magpatuloy sa pagtulak. [Musika] Sa bawat hakbang, ramdam niya ang sakit ng katawan pero mas masakit ang panlalait. Alam niyang may dahilan ang lahat ng paghihirap nila. Pagkauwi niya, sinalubong siya ni Aling Nida ng hindi kahit pagod na pagod na rin.

Luis, dadagdagan na ulit ang ipon natin. Halos kulang-kulang limang milyon na. Napaupo si Mang Luis at napaluha. Sa dami ng hirap, gutom at kahian, darating din pala ang araw ng tagumpay. Basta huwag mo munang sabihin kay Rico ha. Ayokong umasang uuwi siya habang kulang pa ang plano. Kapag buon na ito, saka na natin siya susurpresahin. Tumango si Mang Luis.

pinilit na ngumiti sa gitna ng kanyang pag-ubo. Ang hindi nila alam, sa kabilang dako ng mundo, ang kanilang anak na si Rico ay unti-unti ng pinapalitan ng galit ang kanyang pagmamahal. Makalipas ang ilang araw, hindi na makatiis pa si Rico. Sa dami ng naririnig at nababasa niyang kismis mula sa Facebook group ng kanilang barangay, tila paunti-unti ng nabubuo sa isip niya ang ideya na pinaglalaruan lang siya ng sariling pamilya.

“Pat,000 kada buwan tapos ganyan pa rin ang bahay.” Bulong niya habang nakatitik sa litrato ng kanilang tahanan na isinend ng pinsan niyang si Joel. Pre, hindi ko alam kung bakit ganyan pa rin ang bahay niyo. Eh kami isang taon lang sa Taiwan may tricycle na tapos ikaw 6 years na eh parang kubo pa rin ang bahay niyo tapos pinagtagpi-tagping yero pa.

Napahampas sa kama si Rico. Sinadya ba to ng magulang ko? Kung hindi nila kayang ayusin ang bahay eh sana sinabi na nila baka naman pinagsusugal lang nila o kung kani-kanino lamang ipinapamigay. Dahil sa bukso ng kanyang damdamin, nakapagdesisyon na si Rico. Uuwi siya ng hindi nagpapaalam. Gusto niyang makita ang katotohanan sa sarili niyang mga mata.

Tumawag siya sa HR ng kanyang kumpanya para mag-file ng emergency laba. “Sir Rico, sure ka po ba? Hindi pa tapos ang kontrata mo?” tanong ng HR manager. “Basta may personal akong dahilan. Uuwi ako. Ayoko ng tumanggap ng kasinungalingan kahit kanino. Mariing sagot niya. Habang nag-aayos ng mga gamit, tinawagan siya ni Mayen. Rico, uuwi ka raw.

Narinig ko si tita mo. Oo. Kailangan kong malaman kung saan napupunta ang lahat ng sakripisyo ko. Kung niloloko ba ako ng sarili kong magulang. Sigurado ka na ba diyan? Baka naman nadadala ka lang ng emosyon mo. Baka naman meron silang dahilan. Mily, anim na taon na akong kumakain sa desyerto. Wala akong nararamdamang pagmamahal pabalik. Ayoko ng masaktan.

Kinabukasan ay sumakay na siya ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Sa loob ng eroplano, dala niya ang halo-halong emosyon. Galit, lungkot at pagkatismaya. Sa kanyang bulsa, hawak niya ang lumang litrato ng kanilang bahay na parang kinitil ng panahon at kapayaan. Paglapag niya sa naiya, hindi niya ipinagbigay alam sa kanyang mga magulang ang kanyang pagdating.

Gusto niyang surpresahin ang mga ito mahuli sa akto depende sa kung anong madadnan niya. Pagkarating sa barangay, agad siyang sinalubong ng pamilyar ng mga mukha at mga hindi nawala sa panlalait. “Oy, si Rico! Ay totoo palang buhay pa.” Sabi ni Lady habang nagtatawanan at nakapalibot ang mga chismosa. Naku, baka susugurin na ang nanay at tatay niya.

Saan na raw napunta ang milyon-milyong padala ha? Sabi naman ni Cora sabay tawa. Nag-init ang tenga ni Rico. Hindi niya na lamang pinansin at tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa kanilang bahay. Paglapit niya, natanaw niya ang lumang barong-barong. Parehong-pareho pa rin noong umalis siya. Pero merro siyang napansing kakaiba.

Sa gilid ng bahay may mga nakaimbak na semento, yero at bakal. May maliit na sulok na puno ng papel, blueprint ng bahay, lista ng mga materyales at pangalan ng architect. Napakunot ang kanyang noo. Anong ibig sabihin nito? Tanong niya sa kanyang sarili. Tahimik na pumasok si Rico sa lumang bahay. Walang nagbago sa loob.

Pareho pa rin ang luma at bitak-bitak na sa Ang ginupit na lumang kurtina na isinabit sa bintana at ang kawayang mesa na pilit pang kinukumpon. Naramdaman niya ang bigat ng tanawin hindi dahil sa itsura ng bahay kung hindi dahil sa mga tanong na bumabagabag sa isipan niya. Anak halos pabulong na tanong ni Aling Nida mula sa pintuan ng kusina n laki ang mga mata ni Rico.

Nay tumakbo si Aling Nita at niyakap ang kanyang anak. Anak bakit hindi ka man lang nagsabi? Umuwi ka na pala anak. Magkahalo-halo ang emosyong sabi ng kanyang ina. Samantala hindi naman gumantin ng yakap si Rico kahit pagustuhin niya. Bakit hindi niyo po sinabi ang totoo, Nay? Akala ko tuloy ipinangsusugal niyo lang ang perang pinapadala ko.

Nagkatinginan sila ni Mang Luis na ngayon lumalapit habang inubo. Anak, hindi mo pa alam ang lahat? Pagpasensyahan mo na kami. Mahinang tugon ng Ama. Eh anong paliwanag niyo sa mga gamit sa labas? Yung mga semento, bakal at pati plano? Bakit ni minsan ay hindi niyo ako sinabihan patungkol doon? Nagpaupo si Aling Nita sabay kuha ng isang kahon mula sa ilalim ng aparador.

Isa-isa niyang inilabas ang laman nito. Mga resibo ng perang ipinadala ni Rico, savings account niya na mahigit apat na milyon. Blueprint ng bagong bahay at proposal para sa welding shop. Naroon din ng mga box na naglalaman ng ilang mga pera na nagkakahalaga ng halos isang milyon. Nag-ipon kami anak. Bawat perang ipinapadala mo ay hindi namin ginagastos ni piso.

Nagtatrabaho kami ng tatay mo para may pangkain kami sa araw-araw. Tinitiis namin kung ano lang ang aming makayanan para sa pag-uwi mo ang lahat ng iyong anak. Para hindi ka na bumalik pa sa ibang bansa at hindi mo na kailanganing magtrabaho roon. Mas mahalaga ka sa amin, anak. Gusto ka lang naming makasama pa habang kami ay narito pa.

Ang lahat ng ito anak ay para sa’yo sapagkat ikaw ang naghirap sa lahat ng ito. Deserve mo ito anak at proud na proud kami ng tatay mo say’yo. Maluwalo ang sambit ni Aling Nida habang ang kanyang asawa naman na si Mang Luis ay nasa gilid lamang at nakayuko. Hindi makatingin ng diretso sa kanilang anak. Dahil doon ay hindi kaagad nakapagsalita sa Rico.

Ang lahat ng kanyang galit ay napalitan ng pagkagulat at unti-unting nadurog ang kanyang puso sa harap ng mga sakripisyong hindi niya nakita noon. Pero dapat ay sinabi niyo pa rin sa akin, Nayitay, nag-iipon na rin naman po ako sa ibang bansa. Ang ipinapadala ko po ay para rin naman po talaga sa inyo ‘yon.

Bakit hindi niyo po sa akin sinabi? Bakit hinayaan niyo akong maniwala na pinapabayaan niyo ang bahay na sinasahing niyo ang perang pinapadala ko? Lumapit na nga si Mang Luis at naupo sa tapat niya. Anak, gusto naming tapusin muna ang lahat bago ka pa umuwi. Ayaw naming umasa ka. Gusto namin sa pagbabalik mo ay may bahay ka ng matitirahan.

May negosyo ka pa. Ayaw ka na naming pabalikin pa sa ibang bansa. Tumalima si Rico habang umiiyak. Unti-unting lumuhod sa harapan ng kanyang mga magulang at humagulgol. Pasensya na po. Pasensya na po kung pinagdadahan ko kayo. Napaniwala po ako ng mga kapitbahay. Nadala po ako ng sama ng loob. Umupo si Aling Nida sa tabi niya at inaploss ang kanyang buhok.

Anak, wala kaming galit sa’yo at naiintindihan ka namin. Mali rin naman kami sa ginawa namin sapagkat hindi namin ipinaalam sa’yo. Pasensya na anak ha. Ang mahalaga ay nandito ka na. Ngunit sa labas ng bahay may ilang mga mata ang palihim na nakamasid. Ang mga chismosang nagpakalat ng kwento na ngayon ay unti-unti ng naiintindihan ang katotohanan.

Kinabukasan, nagising si Rico sa amoy ng nilulutong lugaw ni Aling Nita. Simpleng almusal pero dama niya ang pagmamahal sa bawat halong luya’t asin. Nang bumaba siya mula sa kanyang kwarto, sinalubong siya ng ititi ng kanyang ama. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, sabay-sabay silang tatlong kumain sa isang hapag.

“Hindi ko na ulit hayaang mawala ito, Naytay.” Mahina ngunit po ang boses ni Rico habang tinititigan ang kanyang mga magulang. Matapos ang almusal, lumabas si Rico para maglakad-lakad sa paligid ng barangay. Ngunit sa halip na mainit na pagtanggap, malamig ang mga tingin sa kanya. Napansin niya rin ang bulung-bulungan ang ilang mga kababaihan sa tindahan ni Aling Marites.

Ayun si Rico oh. Ay baka binungaan ang mga magulang kagabi. Baka binawi na ang lahat ng padala. Sabi ng isa, “Eh sino ba kasi ang hindi magagalit kung parang bahay ng posa ang tirahan nila? Sa dami ng badala, dapat mansyon na yan. Hindi ba?” Sabi naman ng isa pang kismosa. Napahinto si Rico.

Ngayon ay malinaw na sa kanya. Ang mga kapitbahay hindi lang basta chismosa kung hindi mapanira pa. Sila talaga ang dahilan ng kanyang pagduda. Sila ang nagtulak sa kanya ng magalit sa sariling mga magulang. Nang bumalik siya sa bahay, agad niyang kinausap si Mang Luis at Aling Nita. Nay, tay, hindi lang po kayo ang dapat kong tanungin.

Marami pa pong kailangang magpaliwanag sa akin. Sobra na ang paninira ng mga tao sa paligid natin. Lumipas ang ilang araw sa tulong ng ipon at plano ng kanyang mga magulang. Sinimulan na ni Rico ang pagpapatayo ng bagong bahay. Mismong siya ang nag-aasikaso ng mga materyales at karpintero. Nagsimula na rin siyang magtanong-tanong para sa magiging welding shop niya.

Isang hapon, habang nasa barangay hall para kumuha ng business permit, lumapit sa kanya si Kapitan Sonya. Rico, anak, pasensya ka na ha. Naririnig ko ang mga sabi-sabi sa barangay. Kung gusto mo isombong mo na sila sa opisina may batas laban sa paninirang puri. Ngumiti si Rico. Kapitana, hindi lang basta sabi-sabi ang ginawa nila.

May mga screenshot po ako ng mga post at may mga audio recording pa po ako sa mga paninirang ginawa nila sa pamilya namin. Napakulot lang doon ni kapitana. Eh kung ganon pwedeng-pwede nating sampaan ng reklamo ang mga ‘yan nang magtanda na ang mga ‘yan. Hindi na ito basta chismis. Lifel na ito at cyber bullying na ang tawag diyan.

Pag-uwi ni Rico, niya ang mga ebidensya. Isa-isa niyang kinontak ang ilang mga kaibigan na abogado at ipinasa ang mga screenshot ng mga post nila Lie, Cora at pati na rin Belma pawang mga mapanirang salita at mayroon pa niyang pangalan. Doon nga nagsimula ang lahat. Makaraan ng dalawang linggo, nakatanggap ng supina ang tatlong babae.

Nang malaman ang buong barangay, gulat na gulat ang lahat. Ang mga dating maingay gayom na ang bibig. Lalo na ng mabalitaan sa buong barangay na nahaharap sila sa kasong Gravest Lander by Dida at online deformation. Isang linggo matapos makatanggap ng supina sina Ledy, Cora at Belma, tila na tameme ang buong barangay.

Ang dati nilang masisiglang kismisan sa kanto ay naging tila sementeryo. Walang salita, puro iwasan ng tingin. Sa unang pagdinig ng barangay hall, halos hindi makatingin sa mata ni Rico ang tatlo. Kasama niya ang kanyang abogado, si Attorney Camacho na ipinaliwanag ang bigat ng kasong isinampa. Hindi po simpleng kismis ang ginawa niyo.

Ipinakalat niyo sa social media, sa group chats at pati na rin sa personal na usapan na walang kwenta ang mga magulang ng kliyente ko na sinasayang ang kanyang ipinapadala abroad. Lahat yon walang pasihan at ngayon ay may ebidensya na kami. Napayuko si Aling Ledy. Hindi naman po namin inakalang ganito ang magiging resulta eh.

Akala namin ay kwentuhan lang. Ang kwentuhan ay na hindi totoo. na sinasadya para sirain ang dangal ng isang tao ay hindi isang kwentuhan lang. Paninira po ‘yan. Matigas na sabi ng abogado. Tumahimik ang haul. Maya-maya si Cora ang nagsalita. Nanginginig ang boses. Pasensya na Rico. Hindi namin alam na ganito pala ang totoo.

Hindi namin alam na iniipon pala ng mga magulang mo ang lahat ng ipinapadala mo. Eh akala kasi namin ay pinapabayaan ka nila. Tumingin si Rico sa kanilang tatlo pero hindi nagalit ang nasa kanyang mga mata kung hindi awa. Huli na ang lahat para sa akala. Ilang buwan akong napuno ng galit sa nanay at tatay ko dahil sa mga sinasabi niyo.

Halos hindi na ako makatulog kakaisip kung niloloko ba ako ng sarili kong pamilya. Hindi ko maibabalik ang mga panahong yon. Pero ang dapat ay matuto kayo. Humagulgol si Belma. Patawad Rico. Mangyari na ang dapat ng mangyari. Handa kaming harapin ng kaso kung yun ang nararapat. Pagkatapos ng pagdinig, lumapit si kapitana Sonya kay Rico.

Anak, kung sakaling gusto mong iurong ang kaso, nasa sayo yun ha. Pero kung gusto mong panagutin sila para hindi naulitin pa, ay susuportahan kita. Nag-isip si Rico buong gabi. Kinausap niya ang kanyang mga magulang. Inay, Itay, kung kayo po ang tatanungin, gusto niyo po bang ituloy pa ang kaso? Tahimik lamang si Aling Nita.

Anak, kung mapapatawad mo ay gawin mo. Pero kung sa tingin mo ay kailangan nila ng leksyon ay ituloy mo. Basta’t huwag mong hayaan na sirain ng iba ang pagkatao mo ng hindi lumalaban. Kinabukasan ay bumalik si Rico sa barangay hall. Hindi ko na po itutuloy ang kaso pero may isang kondisyon. Napatingin ang tatlong babae sa kanya.

Umaasang may pag-asa pa. Gusto kong humarap kayo sa harap ng barangay. Humingi kayo ng tawad sa nanay at tatay ko sa harap ng mga taong pinaniwala ng kwento niyo. Napalunok si Aling Ledy. Si Aling Cora at Belma naman ay napaluha. Tumango silang tatlo at dumating ang araw ng paghaharap. Isang simpleng programa sa barangay covered court.

Sa harap ng buong komunidad, tumayo ang tatlong chismosa at isaisang humingi ng tawad kay Aling Nida at Mang Luis. Patawad po sa lahat, sa lahat ng paninira, sa panghuhusga at sa kasinunghalingan. Kami po ay lubos na nagsisisi. Makalipas ang ilang linggo mula ng humarap ang tatlong tismosa sa buong barangay upang humingi ng tawad.

Nagbago ang ihip ng hangin sa komunidad. Mula sa isang tahimik na pamilya na madals laitin, naging simbolo ng sakripisyo at dangal sina Mang Luis at Aling Nida at pati na rin ang kanilang anak na si Rico. Ang bahay na dati barong-barong ngayon ay halos tapos na ang konstruksyon. May sementadong sahigna, bagong bubong at mayroong maayos na banyo at kusina.

Sa labas ng kanilang bahay, kitang-kita ang bagong tayong maliit na welding shop, ang LNR Steelworks at katabi noon ang sari-sari store na ipinatayo ni Rico para sa kanyang mga magulang. Samantala, ang LNR Steelworks ay pangalan mula sa initial nila Luis at Rico. Anak, ikaw na muna ang bahala sa negosyo ha. Sabi ni Mang Luis habang hawak ang basang panyo at nakangiting pinagmamasdan ang anak nitong abala sa paglalagay ng signage sa tindahan.

Hindi na ako aalis pa. Ito na po yon. Tapos na po ang sakripisyo. Panahon naman ang pagbahawi. Sagot ni Rico. Sa pagbubukas ng welding shop, inimbitahan ni Rico ang buong barangay. Merroong malaking salo-salo. Hindi bilang selebrasyon para ipagyabang tagumpay. Kung hindi bilang pasasalamat sa ilang naniwala sa kanila kahit noon sila’y pinagdududahan.

Hindi tumalo ang tatlo marahil dala pa rin ang hiya. Ngunit pinadalhan sila ni Rico ng tig-iisang takeout meal na may kalakip na sulat. Salamat sa leksyon. Dahil sa inyo, natutunan kong tibagin ng tiwala, salita at galit. Wala na po akong galit sa inyo pero sana hindi na kayo makapanirapan ng iba pang tao. Naging tahimik nga ang buhay sa barangay pagkatapos ng lahat ng iyon.

Unti-unti ng natuto ang mga tao na hindi lahat ng naririnig ay totoo at hindi lahat ng nakikita ay sapat na batayan para manghusga. Ipina-check up ni Rico ang kanyang mga magulang at ipinagamot na nga niya si Mang Luis. Kaya naman naging mas masigla ang araw-araw nina Mang Luis at Aling Nita. Sa tuwing makikita silang magkakasama sa tindahan ni Rico, tila pinapatibay ng bawat ngiti nila ang mensahe na hindi lahat ng sakripisyo ay kailangang ipagsigawan.

Ang tunay na pagmamahal ay tahimik pero ito ay totoo. Minsan ay lumapit si kapitana Sonya kay Rico habang namimili ng yero Rico anak eh saludo talaga kami sayo. Hindi mo lang naitayo ang bahay mo. Naituyo mo rin ang respeto sa pamilya mo at sa sarili mo. Ngumiti si Rico. Kapitana, hindi po ako ang dapat na hangaan. Ang dapat pong tularan ay yung mga kagaya nila nanay at tatay.

mga magulang na tahimik na nagsasakripisyo para sa kanilang anak kahit walang kapalit at ang napalapay maling akala. Lumipas pa ang mga buwan hindi na muling bumalik pa sa abroad sa Rico. Naging matagumpay ang welding shop nila at naging mabenta rin ang kanilang sari-sari store. At sa mga araw na dumaraan, kahit pasimpleng hapunan lamang ang nasa mesa, sabay-sabay silang tatlo.

Sina Rico, Aling Nida at Mang Luis. na sila’y masayang kumakain, ktento at poho at mayroong simpleng buhay. Tunay nga na sa bawat barangay ay may kwento ng sakripisyo na hindi nabibigyan ng pansin. Ang tahimik na paghihirap ng magulang, ang maling akala ng anak at ang mapanghusgang mata ng lipunan. Ngunit sa huli, ang katotohanan ay laging lulutang at ang tunay na sukli sa kabutihan ay hindi palaging palakpakan.

Kung hindi kapayapaan ng konsensya at katahimikan ng pusong walang bahid ng galit. Dito na po nagtatapos ang ating maigsing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo. Kayo mga kbarangay, anong masasabi niyo sa ating kwento at anong aral ang inyong napulot? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng ‘yan.

I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli.

Thank you so much and peace out