Maagang gumigising si Jomar araw-araw. Isa siyang helper sa taler ng kanyang chewin sa bahay ng San Rafael. Kahit maliit ang kita, masipag siyang magtrabaho at hindi kailan man nagrereklamo. Marami ang humahahanga sa kanyang kasipagan. Pero sa mata ng ilan isa lamang siyang basura ng lipunan lalo na ng mga mayayaman.
Isa na nga rito ang pamilyang Valerio na nakatira sa malaking mansyon sa tuktok ng Borol. Si Mikaela Valerio, ang kaisa-isa nilang anak ay kilala sa kanilang bayan hindi lamang dahil sa angking kagandahan kung hindi dahil din sa yaman ng kanilang angkan. Maputi, matangkad at edukada. Para siyang prinsesa sa mata ng karamihan.
Ngunit sa mata ni Jomar, isa lamang siyang simpleng dalagang hindi niya maabot ngunit minamahal niya ng palihim. Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pagtulong. Nasaraan ng kotse si Mikaela sa gitna ng daan at si Jomar ang tumulong kahit hindi siya kilala ng dalaga. Doon nagsimula ang kanilang mga palihim na pag-uusap.
Minsan tinatambayan niya ang parke tuwing hapon at si Mikaela ay palihim rin siyang sinusundan. Sa simpleng pakikipagkwentuhan, naging kaibigan niya ito. Sa mataang dalaga, si Jomar ay hindi ordinaryo, matalino, may prinsipyo at may pangarap sa buhay. Ngunit hindi alam ng ama ni Mikaela ang mga nangyari. Mahigpit si Ginoong Roberto Valerio, isang negosyanteng mayabang at mapangmata.
Para sa kanya, ang karalitaan ay kapintasan. At sa kanyang pananaw ay dapat magkapantay ang estado ng dalawang taong nagkakagustuhan. Si Jomar para sa kanya ay isang walang silbi, walang kwenta at isang basura lamang. Isang araw, naglakas loob si Yomar na magpadala ng sulat kay Mikaela. Sinabi niya ang kanyang damdamin.
Maikli lamang ang liham. Hindi ko man kayang ibigay ang mga bituin pero kaya kong tumabi sayo habang pinagmamasda natin ang langit. Matapos basahin ni Mikaela ang sulat, napangiti siya. Ngunit ang liham na iyon ay nakita ng isang kasambahay at ipinasa kay Ginoong Valerio. Kinabukasan habang nasa palengke si Jomar para mamili ng piyesa ng sasakyan, hinarang siya ng isang mamahaling SUV.
Bumaba si Gino Valerio kasama ang ilang mga kaibigan at sa harap ng maraming tao ay hinarap si Jomar. Ikaw ba si Jomar Cruz? Tanong niya ng may malalim na boses. Opo, ako po yon. Sagot ni Jomar na may pagkalang. Layuan mo ang anak ko saka lamang basura. Wala kang mararating sa buhay. Akala mo ba ay may halaga ka sa mga katulad naming may pangalan? Nanahimik si Yomar.
Ramdam niya ang panghuhusga ng mga tao sa paligid. Ang mga mata nilang puno ng panlalait. Napalunok siya pero hindi siya nagpakita ng kahinaan. Pasensya na po kung naistorbo ko po ang inyong mundo. Mahinang sagot niya bago siya tumalikod. Donya ipinangakong hindi siya mananatiling ganito. Lalaban siya hindi para kay Mikaela kung hindi para patunayan na hindi kailan man hadlang ang kahirapan sa tagumpay.
Lumipas ang ilang araw mula ng hiyain si Jomar sa harap ng publiko. Sa tuwing naiisip niya ang mga salitang binitawan ni Ginoong Valerio ay parang tinutusok ang puso niya. Ngunit imbes na malugmok, ginamit niya itong lakas para bumangon. Hindi siya nagpakita kay Mela kahit pa gusto niya.
Ayaw niyang madamay ito sa kahiyang naranasan niya. Samantala, si Mikaela ay labis na nasaktan sa ginawa ng kanyang ama. Pilik niyang pinagtanggol si Jomar. Ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi ka para sa kanya, Mikaela. Siya’y isang mahirap lang. Walang pinag-aralan at walang kinabukasan. Hindi mo ba naisip kung gaano kahiyang makitang kasama mo siya? Sigaw ni Ginoong Valerio habang tumatalsik pa ang laway sa galit.
Hindi mo siya kilala pa ba? Sagot ng dalaga. Masikit pa siya sa mga kaibigang ipinapakilala mo sa akin. Sinampal siya ng ama. Habang ako ang nagpapakain sa’yo. Ako ang masusunod. Tandaan mo ito. Kung pipilitin mong piliin ang lalaking iyon, itatakwil kita. Dahil sa banta, napilitan si Mikaela na itigil na ang ugnayan nila ni Jomar.
Hindi na siya nagpakita pa sa barke. Hindi na siya sumagot sa sulat. At kahit na gustong-gusto niyang magpaliwanag, pinigilan siya ng takot at pati na rin ang pagmamahal sa pamilyang bumuhay sa kanya. Si Jomar naman sa kanyang pag-iisa ay unti-unting natutong tanggapin ang katotohanan. Hindi siya galit kay Mikaela.
Galit siya sa sistemang ginagawang sukatan ng yaman para sukatin ang pagkatao. Sinimulan niyang tipunin ang kaunting ipon. Nagbenta ng lumang motorsiklo at nagsimulang magplano. Hindi niya alam kung saan siya patungo pero alam niyang kailangan niyang umalis. Hindi ko pwedeng hayaang dito lang matatapos ang kwento ko.
” bulong niya sa sarili habang nakatanaw sa palubog na araw. Nagpaalam siya sa kanyang chuin. “Tido, magpapakalayo po muna ako. Kailangan ko pong hanapin kung saan ako magiging higit pa sa tingin nila sa akin.” Napatingin ang matanda sa kanya at tumango. “Tama ka iho. Marami pang makikita sa labas ng San Rafael. Pero huwag mong kakalimutan kung sino ka ha.
At huwag na huwag mong hahayaan na ang kahirapan ang magdikty mo Jomar. May kinabukasan ka. Huwag mong intindihin ang sinasabi ng iba. Bitbit ang ilang gamit, daang piso at kabooan ng loob. Sumakay si Yomar ng bus patungong Maynila. Doon wala siyang kakilala, walang kasiguraduhan pero punong-puno ng pag-asa. Bago siya tuluyang makatulog sa bus, isinulat niya sa isang papelang mga salitang ayaw niya ng marinig muli.
Wala kang mararating. Sa ilalim nito, isinulat niya, papatunayin kong mali ka. Sa Maynila doon magsisimula ang tunay na laban. At sa bawat hakbang, dala-dala ni Jomar ang sugat ng kahapon na unti-unting magiging sandata ng kanyang bukas. Mainit ang simoy ng hangin sa Maynila. Mabigat sa alikabok at usok. Sa unang gabi ni Jomar sa lungsod, natulog siya sa isang bangkong kahoy malapit sa palengke.
Bitbit lamang niya ang maliit na baga, ilang pirasong damit at kapirasong pag-asa. Walang kakilala, walang matutuluyan pero buo ang kanyang loob. Kinabukasan, naganap siya ng trabaho. Halos isang linggo siyang palipat-lipat ng lugar. Pumasok sa mga construction site, car wash at tindahan. Tinanggihan siya sa marami dahil wala siyang diploma, dahil walang karanasan o dahil matuong isang itsura. Pero hindi siya sumuko.
Sa wakas, isang may edad na lalaki ang nagngangalang Mang Revo ang tumanggap sa kanya bilang assistant sa isang maliit na auto repair shop doon sa may Tondo. Walang malaking sweldo pero may libreng matutulugan sa bodega. Sa loob ng ilang buwan, naging masipag na tauhan si Jomar. Mabilis siyang matuto mula sa pagkukumponi ng makina hanggang sa pamamalakad ng tindahan.
Nakita ni Mang Rebo ang potensyal niya. Bata, may kinabukasan ka. Ayaw mo bang mag-aral ng automotive habang nagtatrabaho ka sa akin? Alok ng matanda. Gusto ko po sana kaso wala pa po akong ipon. Sagot ni Jomar. Huwag ka ng mag-alala eh. Sagot ko na yan. Basta pangako mong hindi mo sasayangin ha. Hindi makapaniwala si Jomar.
Noon lang may taong naniwala sa kanyang kakayahan. Mula noon, pinagsabay na niya ang pagtatrabaho sa araw at pag-aaral sa gabi. Pagod ang kanyang katawan, puyat ang kanyang mata pero masigla ang kanyang puso. Sa bawat test paper na natatanggap niya na may markang mataas, nararamdaman niya ang kaunting tagumpay. Isang hakbang palapit sa pangarap.
Lumipas ang dalawang taon. Naging topy student si Yomar sa vocational school. Nakakuha siya ng NC2 certificate at sa tulong ng mga koneksyon ni Mang Revo, nakapasok siya bilang junior mechanic sa isang kilalang service center. Doon siya unang kumita ng mas malaki. Nakabili siya ng lumang motor, nakapagpadala ng kaunting pera sa Chuhinid at unti-unting nakaipon.
Pero hindi lamang yon ang hangad ni Jomar. May mas malaking layunin siyang isinusulong. Ang patunayan na mali ang lahat ng nagsabi sa kanyang wala siyang mararating sa buhay. Kaya habang nagtatrabaho ay nag-aral pa siya ng nag-aral. Nag-aaral din siya sa pampublikong kolehiyo. Pinagkasya niya ang oras, tiniis ang gutom at sinakripisyo ang luho.
Walang araw na hindi niya naaalala ang mga mata ni Ginoong Valerio. Mata ng isang taong mapanghusga, mapanghamak at parang walang puso. At sa bawat paalalang ito, lalong tumitibay ang kanyang determinasyon. Darating ang araw, bulong niya sa sarili na hindi na nila ako titignan bilang mababang tao. Hindi na siya umaasa na muling makikita si Mikaela.
Pero kung sakali mang magkita sila, gusto niyang makita siya nitong ibang-iba na. Hindi bilang isang Yomar na Help sa Talyera, kung hindi bilang Jomar na matagumpay sa sariling paraan. At sa bawat araw na dumaraan, unti-unting nabubuo ang bagong bersyon ni Yomar. Hindi na siya alipin ng panguhusga kung hindi haligi na ng sariling tagumpay.
Tatlong taon na ang lumipas mula ng iwan ni Jomar ang San Rafael. Sa paningin ng mga tao roon, siya ay matagal ng nalimot. Pero sa lungsod, dahan-dahang lumilitaw ang pangalan ni Enger Jomar Cruz, isang dating helper na ngayon ay may-ari na ng lumalagong Auto and Logistics Company. Nagsimula itong makapag-ipon siya mula sa pagiging mekanic.
Bumili siya ng lumang sasakyang pamasada at ginamit ito para sa delivery service. Unti-unti dumami ang kanyang mga kliyente. Nakakuha siya ng mga kontrata mula sa maliliit na negosyo. Mula sa isang truck ay naging tatlo na ito hanggang sa makabuo siya ng Cruech Transport Services. isang rehistradong negosyo sa tulong ng kanyang kasipagan at talino sa pamamalakad, nakuha niya ang tiwala ng maraming kumpanya.
Isa sa mga naging malapit niyang kasama ay si Lena, isang dating waitest na naging secretary niya. Si Lena ang kasama niyang nagbibilang ng kita. Nag-aayos ng mga permit at nagbibigay ng mga mkahe para sa pagpapalago ng kanyang negosyo. Matalino ito, masipag at higit sa lahat, hindi nanghuhusga kahit kailan.
Engineer Jomar, may alok po na investment ang isang pribadong kumpanya. Gusto raw nilang makipag-partner. Sabi ni Lena isang hapon habang nakaupo sila sa maliit pa nila noong opisina. Pag-aralan natin pero ayaw kong madaliin. Ayoko ng mga taong tumitingin lamang sa pera pero hindi marunong rumespeto sa pinanggalingan ng iba. Sagot ni Jomar.
Kahit lumalago ang negosyo, hindi lumaki ang ulo niya. Hindi siya bumili ng mamahaling kotse. Hindi nagpagawa ng malaking bahay. Ang unang pinuntahan niya ng makaipon siya ng sapat ay ang probinsya upang ayusin ang bahay ng kanyang at bigyan ito ng maayos na pamumuhay. Ito na kasi ang tumayong magulang niya noon pa man.
Ito na ang nagpalaki sa kanya mula ng mawala ang kanyang mga magulang. Maraming salamat sa’yo Jomar. Salamat sa pagtulong sa akin. Walang ano man po yun tito. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo. Kung hindi rin po dahil sa inyo, eh baka hanggang ngayon po ay hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Maraming salamat po sa inyo, tito.
Nagbigay rin po kayo ng suporta sa akin nung nasa Maynila pa po ako. Naku, hindi ako ang dahilan niyan, Jomar. Ikaw yon. Ang lahat ng hirap mo, ikaw ang nagtanim. Sagot ng matanda habang naiiyak sa tuwa. Samantala, sa Maynila, patuloy na lumalaki ang pangalan ni Jomar. Isa siya sa mga itinampok sa isang local business magazine bilang top 30 under 30 entrepreneurs.
Nakita ng marami ang kanyang kwento mula sa pagiging helper hanggang sa pagiging engineer at negosyante. Malaking pasasalamat rin niya sa taong tumulong sa kanya at pinaaral siya habang nagtatrabaho. Kahit abala si Jomar, may bahagi pa rin sa puso niya na minsan ay napapaisip siya. Kamusta na kaya si Mikaela? Hindi dahil sa umaasa siya kung hindi dahil parte ito ng kanyang pinanggalingan.
Hindi niya nakalimutan ang panlalait ng ama nito na siyang nagsilbing apoy at nagtulak sa kanya sa tagumpay. Hanggang isang araw, habang naghahanap ang kumpanya ng bagong kliyente, may lumapit sa kanilang opisina. Isang malapit ng maluging kumpanyang nangangailangan ng logistic support. Nang basahin ni Jomar ang pangalan ng kliyente laki ang kanyang mga mata.
Valerio Group of Companies. Napangiti siya hindi ng pagyayabang kung hindi ng pagtanggap na dumarating talaga ang panahon ng pagbabalik. Hindi inaasa ni Jomar na darating ang araw na ang pamilyang nagpapahiya sa kanya ay kakailanganin ng tulong. lalo na ang Valerio Group of Companies, ang kumpanyang pag-aari ng lalaking minsang dumura sa kanyang pagkatao.
Sir Jomar, tumawag po ang isang representative ng Valerio Group. Naghahanap po sila ng matibay na logistic partner para sa panibagong produkto po nila. Pwede raw po ba silang makipag-meeting ngayong linggo? Tanong ni Lena habang hawak ang tablet. Tahimik lamang si Jomar sa unang saglit. Tinitigan niya ang pangalan sa screen.
Valerio, kakaibang damdamin ng dumaloy sa kanyang katawan. Hindi galit, hindi rin tuwa kung hindi isang uri ng katahimikang nanggagaling sa tagumpay na hindi kailangang ipagsigawan. “Sige, set mo ang meeting. Gusto ko silang makausap ng harapan,” tugon niya. Dumating ang araw ng pulong. Suot ni Jomar ang simpleng itim na polo at maayos na slocks.
Malinis, propal nagyayabang. Sa conference room ng Cruech Main Office, pumasok ang mga kinatawan ng Valerio Group at sa kanilang likuran, tahimik na pumasok si Mikaela Valerio. Ngayon ay isa ring opisyal ng kumpanya ng kanyang ama. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi makapagsalita si Mikaela.
Halos hindi siya makakilos sa pagkabigla. Si Jomar ang binatang minsan niyang minahal. Ngunit napilitang layuan. Ngayon ay nakaupo sa harap nila bilang isang CEO ng kumpanyang balak nilang pagkuhanan ng serbisyo. Engineer Cruz. Bati ng isa sa mga kasama ni Mikaela. Kami po ay humihingi ng tulong. Kailangan po namin ng realistics partner.
At base sa background niyo, kayo po ang may pinakamalinis na performance record sa buong Metro Manila. Tahimik lamang si Jomar habang naglalahad ang mga kinatawan. Pero ang paningin niya ay hindi nawawala kay Migaela na tila hindi makatingin ng diretso. Nang siya na ang nagsalita may nao niyang sinabi, “Maraming salamat po sa tiwala.
Ngunit bago tayo tumuloy sa negosyo, ayos ko lamang pong itanong, “Bakit po akong pinili niyo?” Sasagot na sana ang kinatawan pero si Mikaela ang unang nagsalita. “Dahil ikaw ang pinakamagaling, Jomar. At dahil alam naming ikaw lang ang makakatulong sa amin ngayon.” Napatingin sa kanya si Jomar. Tahimik pa rin.
Wala na ang iting pala kaibigan na dati ibinibigay niya sa dalaga. Ngunit hindi rin ito galit. Isa itong iting puno ng pananabik na makabawi hindi sa kanila kung hindi sa sarili. Hindi ako galit, Mikaela. Mayinang sabi niya. Pero hindi ko rin kailangan ng paliwanag. Pagkatapos ng meeting, lumapit si Mikaela kay Jomar habang palabas na ang kasama nila.
Shamar, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang? Tumingin si Jomar sa kanya at pagkatapos ng ilang segundo ay tumango. Naglakad silang dalawa papalabas ng building. Tahimik hanggang sa magsalita si Mikaela halos pabulong. Patawad. Hindi kita ipinaglaban noon. Natakot ako at hanggang ngayon ay dinadala ko ‘yon. Nahihiya ako sayo Jomar.
Wala ka namang kailangang ikahiya. Sagot ni Jomar. Pareho tayong biktima ng mga paniniwala ng matatanda. Pero tignan mo tayo ngayon. Tayo na ang gumagawa sa sarili nating desisyon. Matapos ang pulong at ang kanilang pag-uusap, hindi kaagad nakauwi si Yomar. Tumungo siya sa isang lumang parke malapit sa kanyang opisina doon sa ilalim ng mga punong akasya kung saan minsan tumigil ang kanyang mundo nang sabihin ni Ginoang Valerio na hindi siya karapat-dapat.
Habang nakaupo sa bangko, bumalik sa kanyang isipan ng lahat ang pang-aalipusta, ang mga pagod na gabi sa ilalim ng truck at ang pagtulog sa bangketa. Ang mga araw na halos wala siyang makain. Sa lahat ng iyon, isang pangalan ang paulit-ulit na sumisigaw sa loob niya. Valerio. Kinabukasan, inaniayaan siya ng Valero group sa mismong headquarters nila para sa pirmahan ng kontrata.
Hindi niya ito tinanggihan. Isang bahagi ng kanyang nais na humarap sa taong nagsabing wala siyang mararating. Pagkarating niya sa gusali, sinalubong siya ni Mikaela. Iba na ang aura ng dalaga. Masinog, mas tahimik at mas mapagpakumbaba. Si Papa ay nasa taas. Hinihintay ka na. Anya.
Pagpasok sa opisina ng presidente, nanigas si Ginoong Valerio nang makita itong si Yomar. Tumayo siya mula sa kanyang upuan ngunit hindi makapagsalita kaagad. Si Jomar ay nakatayo na ngayon sa harapan niya taas noo at naglay ang isang tagumpay na hindi kayang itang. Ikaw pala ang Jar Cruz na sinasabi ng mga tao.
Ari ni Ginoong Valerio at pilit na ng humingiti. Oo. Ako nga po. Yung binatang minsang pinagsabihang walang mararating. Sagot ni Jomar. Diretso at may paninindigan. Tahimik ang silita. Hindi ko ito inaasahan. Dagdag pa ni Ginoang Valerio. Pasensya ka na sa mga sabi ko noon iyo. Hindi ko naisip na ikaw pala ang magiging katuwang ng kumpanya ko. Pasensya ka na.
Inaalala ko lang talaga ang kinabukasan ng aking anak. Mula sa isang sulok, napatingin si Mikaela sa ama. Ngayon niya lang ito nakitang nagsisisi. Samantala, si Jomar ay nanatiling kalbado. Hindi ko po kayo sinisisi. Sa totoo lang, nagpapasalamat po ako. Kung hindi dahil sa mga sinabi niyo, baka hindi ko po nakita ang aking tunay na potensyal.
Napayo ko si Ginoong Valerio. Hindi alam kung matutuwa o mahihiya. Ngunit kung papayag po kayo, dugtong ni Jomar. Gusto ko pong linawin ang mga kondisyon ng kontrata. Hindi ako ang humihingi ng pabor. Kayo po ang lumapit sa akin. Kaya kung magkakaroon tayo ng kasunduan, ito ay magiging patas.
Walang palakasan, walang pamumura ng pagkatao. Napakagat labi si Ginoong Palero. Noon lang siya napagsabihan ng ganon at lalo na ng isang lalaking minsang inabi niya. Tumango naman ang matanda. Tama ka iho at siguro panahon na rin para itama ko ang mga maling paniniwala ko. Sa unang pagkakataon ay nagkamay silang dalawa. Walang galit, walang yabang at walang paghihiganti.
Isa lamang itong tahimik na pagtanggap na minsan ang akala mong wala sa buhay ay siya palang magiging daan sa iyong pagbangon. At sa labas ng opisina, nakatingin si Mikaela bahagyang nakangiti habang ang kanyang mga matay naglalaman ng parehong tuwa at panghihinayang. Lumipas ang ilang buwan mula ng magsimula ang kontrata ng Crusch at Valerio Group.
Sa bawat biyahe, sa bawat dokumentong napipirmahan, paulit-ulit na napapatunayan ni Jomar ang kausayan ng kanyang kumpanya. Mabilis lumaki ang negosyo at lalo pang umangat ang pangalan ni Jomar sa industriya. Ngunit hindi lamang ang tagumpay ang dumarating pati ang katotohanan. Sa likod ng mga ngiti ni Mikaela at ng kanyang ama.
Ramdam ni Jomar ang tila mabigat na hininga ng nakaraan. Hanggang isang gabi sa isang formal dinner ng kanilang mga kumpanya. Lumapit muli si Mikaela kay Jomar. Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ng dalaga habang may magkahalong kaba at pag-asang naglalaro sa kanyang mga mata. Tahimik na tumango si Jomar. Naglakad sila palayo sa ingay ng mga bisita papunta sa isang maliit na hardin sa loob ng venue.
“Charomar!” panimula ni Mikaela. Wala na akong dahilan para magpaligoy-ligoy. Gusto ko lang aminin na hanggang ngayon humaanga pa rin ako sayo at totoo pa rin ang nararamdaman ko. Hindi kaagad nakapagsalita si Jomar. Tinignan niya ang dalaga. Maganda pa rin ito. Marunong makisama ngunit may bitbit na panibagong anyo ng kababaang loob.
Salamat sa pagiging totoo. Sagot ni Jomar. Pero Mikaela, hindi na ako yung Jomar na iniwan mo non at hindi na rin ikaw ang babaeng kailangan kong patunayan ang sarili sa kanya. Namutla si Mikaela ngunit hindi siya umiyak. Marail handanda na rin siya sa sagot. Hindi ako nagbabalik para humingi ng pangalawang pagkakataon.
Dugtong niya. Pero sana kahit papaano mapadawad mo ako. Napabuntong hininga si Jomar. Matagal na kitang pinatawad Mikaela. Lahat ng sakit ginamit kong hakbang para umakyat. Kaya nga ako narito ngayon eh. Tahimik silang tumingin sa mga bituin. Sa katahimikang iyon, tanggap nila pareho na may mga bagay na hindi na maibabalik pa ngunit kailangang pasalamatan dahil iyon ang nagtulak sa pagbabago.
Sa mga sumunod na linggo, patuloy ang pagsikat ni Jomar. Nakakuha siya ng international investors at pinalawak pa ang Cruisech sa Visayas at Mindanao. Samantala, si Ginoong Valerio naman dahil sa mga maling desisyon sa negosyo, unti-unting nawalan ng kapangyarihan sa kumpanya. Ipinasa niya ang pamumuno kay Mikaela na siyang mas mahinaon at patas.
Isang araw habang nakatayo si Jomar sa harap ng bagong Tayong Cruch headquarters, tinawagan siya ni Lena. Sir, may matandang lalaki po sa labi. Gusto raw po kayong makausap. Mukhang kaprinsya niyo po. Pagbaba niya sa labi, dadatnan niya si Mang Iso, ang matandang tindero sa palengke ng San Rafael. Jomar, anak ng Diyos, ang layo na ng narating mo ah. Yumakapagad ang matanda.
Ang buong baryo hangang-hanga sayo pero yung mga nangapi sayo noon abay ngayon parang nalulunod sa sariling kahihian. Napangiti si Jomar. Hindi na po importante yun mga Isko ang mahalaga ay napatunayan kung kahit sinong apihin pwedeng magtagumpay basta’t hindi susuko. At sa kanyang likuran sa mataas na gusaling may pangalang Crusetech, nakasabit ang larawan ng isang binatang minsang tinawanan.
Ngayon ay ginagalang ng lahat. Hindi nabago kay Jomar ang makakita ng mga dating nanghamak sa kanya na ngayon ay napapatingin sa kanya na may halong paggalang at hiya. Ngunit sa lahat ng ito, pinili niyang manahimik para na rin sa kanyang sarili. Ang tagumpay ay hindi dapat isinisigaw kung hindi ipinapakita sa kilos at prinsipyo.
Makalipas ang ilang buwan, inimbitahan si Yomar na maging guest speaker sa isang business forum sa San Rafael. Ang mismong bayan kung saan siya unang pinahiya. Ayaw niya sanang tanggapin ngunit napaisip siya baka ito na ang tamang panahon hindi para maghiganti kung hindi para magbigay ng inspirasyon. Pagdating niya sa venue, sinalubong siya ng mga estudyanteng sabik na sabik sa kanyang kwento.
Sa likod ng hall, naroon si Ginoong Valerio at Mikaela. Nakikinig, tahimik at hindi inaasa ang mapapansin ni Jomar. Pero sa halip na magtalumpati ng mga galit o yabang, pinili ni Jomar ang ibang landas. Tumayo siya sa harap ng entablado, ngumiti at nagsimula. Ang buhay ay parang kalsada. Minsan mabato, minsan madulas, minsan paakyat at minsan naman ay pababa.
Pero ano man ang kondisyon ng daan, ang mahalaga ay marunong kang humawak ng manibela. Pagkatapos ng event ay maraming lumapit sa kanya. Ang ilan ay humingi ng payo. Ang iba naman ay humingi ng tawad. At bago siya makaalis, isang matandang babae ang lumapit. Si Aling Trin dating ng baryo na isa rin sa mga tumatawa sa kanya noon.
Tsaka Mara Anya habang nanginginig ang boses. Patawarin mo sana kami. Ikaw minsan ay hindi ka namin pinaniwalaan. Pinisil ni Yomar ang kamay ng matanda. Wala pong masamang tinapay. Ang nakaraan ay hindi ko na po mababago pero ang kinabukasan lahat tayo ay may pagkakataong itama ito. Samantala si Mikaela na noon ay nakatalaw lamang sa malayo ay lumapit.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na makita kang ganito. Mahina niyang sabi. Pero proud ako sayo Jomar. Hindi bilang dating manliligaw kung hindi bilang isang huwaran. Umiti si Jomar. Salamat Mikaela ha. Sana hindi lang akong magbago ng kwentong ‘to. Sana pati pa. Lalo na yung mga kagaya kong dating tinapak-tapakan. Muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
Hindi bilang magkasintahan kung hindi bilang dalawang taong sabay na tumanda sa magkaibang direksyon pero parehong may aral na natutunan. Sa kanyang pagbabalik sa Maynila, nagpatuloy ang paglago ng Crusch. Ngunit kahit siya na ang CEO ng isa sa pinakamabilis na umunlad na logistics company, nanatili pa rin siyang simple, nakatira pa rin sa iisang apartment, kumakain sa karenderya at walang bodyguard.
Isang gabi habang nakaupo siya sa kanyang opisina, tinanong siya ni Lena, “Sir, kung may babalikan kang bahagi ng buhay mo, anong parte po yon?” Tumingin si Jomar sa malayo at sumagot. Yung panahong sinabihan akong walang mararating. Dahil doon, natutunan kong hindi ang opinyon ng iba ang magdidikt ng kapalaran ko kung hindi ang paniniwala ko sa sarili.
At sa katahimikan ng gabing iyon, isang binatang minsang ipinahiya ay tahimik na nagtapos ng sariling laban. Hindi sa pamamagitan ng paghihiganti kung hindi sa pamamagitan ng tagumpay na may dangal. Makalipas pa ang ilang taon. Naging isa si Jomar Cruz sa pinakarespetadong negosyante sa bansa.
Hindi lamang dahil sa kanyang yaman o sa dami ng kanyang empleyado kung hindi sa tahimik ngunit matatag niyang pamumuno. Sa tuwing may magsasalita patungkol sa mga mula sa hirap tungo sa taas, pangalan niya ang una nilang binabanggit. Sa bawat proyekto ng CRTech, may bahid ng pagkakawanggawa. scholarship para sa mga batang lansangan, libreng training para sa mga out of school youth at tulong sa maliliit na negosyante.
Para kay Jomar, ito ang kanyang paniningil sa mundo. Hindi upang gumanti kung hindi upang itama ang mga sistema. Isang araw, habang tumadalaw si isang outreach sa San Rapael, lumapit ang isang batang lalaki, marungis may tsinelas na halos butas na. Sir, totoo po bang minsan eh sinabihan kayong walang mararating? Ngumiti si Jomar at tumako.
Oo, totoo yun. Ano pong ginawa niyo para patunayan na mali sila? Hindi ko pinatunayang mali sila. Pinatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Ang batang yon ay umalis na may bitbit na inspirasyon at si Jomar ay muling napatingin sa langit. Sa puso niya wala na ang galit, wala na ang sakit. Tanging pasasalamat lamang sa bawat taong nagduda sa kanyang kakayahan dahil kung hindi dahil sa kanila hindi niya mararating ang rurok nito.
Hindi niya mararating ang rurok na ito. At sa huli, natutunan niya na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa palakpakan ng mga tao kung hindi sa katahimikang hatid ng paninindikan at paniniwala sa sarili at paghingi ng tulong sa Diyos. sapagkat ang Diyos lamang ang siyang makapagbibigay ng lakas sa bawat isa sa atin.
Siyang makapagbibigay ng inspirasyon at siyang makapagbibigay ng kadalinuhan at karunungan sa ating mga nilanais sa buhay. Dito na po nagtatapos ang ating maigsing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo. Sa kwentong ito ay napakarami nating mapupulot na aral. Kayo mga kabarangay, anong aral ang napulot niyo sa ating kwento sa araw na ito? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan.
I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli.
Thank you so much and peace out
News
“Papatayin ka ng Groom mo Mamaya!” Bulong ng Batang Palaboy sa Bride Pero pagkatapos…/hi
Mainit ang sikat ng araw nang muling dumungaw si Alona sa bintana ng kanilang barong-barong sa gilid ng reeles ng…
AKALA’Y SI PBBM ANG BINABANGGA, HULI NA ANG LAHAT NANG MALAMANG MALING PADER PALA?!/hi
Buksan natin ang tanong. Paano lalabanan ng PDP laban si pangunong Bongbong Marcos Jr. kung ang kalaban nila ay hindi…
MULA SA RILES PATUNGO SA TAGUMPAY: Ang Mahirap na Waitress na Nagligtas sa Buhay ng Bilyonaryo at Nagbago ng Tadhana ng Marami/hi
Sa gilid ng riles sa Caloocan, kung saan ang ingay ng tren ang gumigising sa bawat pamilya, namulat si Lira…
Kumuha ang pamilya ko ng isang 20-taong-gulang na babaeng estudyante para magtrabaho bilang oras-oras na katulong, na karamihan ay inaalagaan ang kanyang 75-taong-gulang na ama. Maya-maya, lumaki ang kanyang tiyan na parang pitong buwang buntis. Dahil sa kahina-hinala, agad akong nagpakabit ng kamera at natuklasan ang nakapandidiring katotohanan./hi
Kumuha ang pamilya ko ng isang 20-taong-gulang na babaeng estudyante para magtrabaho bilang isang hourly katulong, karamihan ay nag-aalaga sa…
Pulis abusado, sinipa ang tindera—di niya alam ina pala ng kinatatakutang heneral ng AFP!/hi
Pulis Abusado, Sinipa ang Tindera—Di Niya Alam Ina Pala ng Kinatatakutang Heneral ng AFP! Prologo Sa isang matao at masiglang…
Binatang Di Nakapagtapos, Wala Daw Mararating sa Buhay Sabi ng mga Kaanak – Nagulat Sila Nang Tawagin/hi
Prologo Sa isang maliit na bayan sa hilagang Luzon, may isang binatang nagngangalang Marco. Sa edad na labing-walo, siya ay…
End of content
No more pages to load






