Lumaki si Andreo sa isang maliit na baryo sa gilid ng bayan ng Sta Isabela. Isang lugar kung saan karaniwan ng nakikipagsapalaran ang mga tao para lang maitawid ang bawat araw. Tahimik at tila nakakulong sa isang mundong walang gaanong oportunidad. Nakaturo kay Andreo ang lahat ng pasaning nakaukit sa kanyang kahirapan.

Mula pagkabata, nasanay na siyang hindi pansinin ng mga tao kung minsan ay iniiwasan pa dahil sa kanyang marungis na hitsura. Kulang sa makakain, kulang sa damit, kulang sa halos lahat. Ang kanyang nanay na si Felly ay may mahinang pangangatawan. Kalimitang humahandusay ito sa banig tuwing sasakit ang katawan dahil sa matagal na nitong karamdaman.

Ang kanyang tatay naman na si Bto ay isang magsasaka. na sumusweldo lamang ng paunti-unti kapag may nahahakot na gulay o palay na maaari nilang ibenta sa bayan. Ganoon pa man, lumaki si Andreo ng may malaking puso at may matayog na pangarap. Gustong-gusto niyang magkaroon ng pagkakataon na makaahon sa kahirapan at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

Mahiyain si Andreo marahil dahil na rin sa pananaw ng iba sa kanya. Kaya kung may mapansin man siyang kakulangan sa sarili, mas pinipili niyang manahimik at magkumahog na lamang sa mga gawain sa bahay. Kung wala siyang pasok, tumutulong siya sa bukid, nag-aan ng mga gulay o tumutulong magdilig sa mga palay.

Kung weekdays naman at may klase, pasimple siyang dumadaan sa mga eskinita para lang makarating sa eskwelahan ng hindi napapansin ng ibang bata. Madalas siyang tuksuhin dahil sa kanyang maruruming damit at laging may punit na tsinelas. Kung minsan ang kanyang mga kapwa mag-aaral ay sisigaw ng Andreo, magsabon ka naman minsan.

O ‘ kaya’y uy, baka pwedeng lumayo-layo ka sa amin. Ang baho mo. Hinahayaan lang niya. Sabi nga niya sa sarili, mas maigi ng mapahiya. Basta nakapapasok ako sa eskwela, mas matututo ako at balang araw baka makahanap ako ng paraan para umasenso. Isang araw, nakilala niya ang unang guro na talaga namang nagbigay inspirasyon sa kanya. Ito ay si Ginoong Danilo Cabrera, isang matandang guro sa elementarya na masigasig at punong-puno ng malasakit sa mga estudyante.

Nakita ni Ginoong Cabrera na kahit dugyot si Andreo, napakainteresado naman nito sa pag-aaral. Palaging nakikinig ng mabuti at kahit walang gaanong gamit o libro, nakikita ni Ginoong Cabrera na masayang nagsusulat si Andreo sa lumang kwaderno na naipasa lamang ng kapatid. Dahil dito, binigay ni Ginoong Cabrera kay Andreo ang ilang luma niyang libro mula sa nakaraang batch ng mga estudyanteng naka-graduate na.

At mula noon, naging masikap pa si Andreo. Bagam’t madalas ay tampulan pa rin siya ng tukso. Hindi siya nagpapaapekto. Natutunan niyang mahalin ang pagbabasa at pagsusulat. Natutunan niyang mas magtiwala sa kanyang kakayahan kahit walang sumusuporta sa kanya. Malaki ang impluwensya ni Ginoong Cabrera kay Andreo.

Kaya nang pumanaw ito dahil sa katandaan, hindi nalimutan ni Andreo ang mga aral na iniwan nito. Huwag kang mapagod sa pangangarap at pagsisikap. Ito ang linya na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ng bata. Subalit habang lumalaki siya at pumapasok sa mas mataas na antas ng pag-aaral, doon niya nakilala si Ma’am Herminia Roque, isa sa mga gurong makapangyarihan ang dating sa sekundarya ng Santa Isabela High School.

Kilala si Ma’am Herminia bilang mahigpit, maarte at mayabang. Hindi niya gusto ang mga estudyanteng hindi nakakasabay sa mataas niyang pamantayan lalo na’tin niya ay wala itong maiaambag sa reputasyon ng paaralan. Si Ma’am Hermenia ay may katungkulan din sa pagpili ng mga estudyanteng isasali sa mga patimpalak at palagi niyang sinisiguro na ang mga mapipiling estudyante ay iyong magpapatingkad sa kanyang pangalan bilang tagasanay o advisor.

Nagsimula ang lahat ng magsimulang mag-aral si Andreo sa sekundarya. Napansin agad ni ma’am Herminia ang pangit at punit-punit na uniporme ni Andreo. Ang madalas niyang pawisang noo at ang putik na nakadikit pa sa laylayan ng kanyang pantalon dahil dumadaan siya sa bukid bago pumasok. Dahil dito, madalas na punahin ni Ma’am Herminia ang kanyang hitsura.

Andreo, may salamin ka ba sa bahay? Bakit ganyan ka kadumi? O kaya’y hindi ka ba tinuturuan ng nanay mong maging presentable man lang? Hindi niya alam ang sitwasyon ni Andreo at mukhang wala rin siyang intensyong alamin. Para sa kanya, ang pinagkaiba lang ng tao ay mayaman o mahirap.

At kapag mahirap ka, wala siyang nakikitang saysay sa iyong kakayahan. Sa kabila ng lahat ng ito, si Andreo ay nananatiling tahimik at matiisin. Nasanay na siya na ganyan ang trato ng mga tao sa kanya. Ngunit malalim sa kanyang puso ay may namumuo pa ring hinanakit. Hindi naman siya umaasa ng labis na pag-intindi mula sa iba pero sana man lang ay maintindihan ng mga tao na ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya.

Nais niyang ipakita na hindi hadlang ang kanyang kahirapan para makakuha ng magandang edukasyon. Ito ang dahilan kung bakit lalong umiigting ang kanyang pagsisikap sa pag-aaral. Mapapansin mo sa kanyang mga marka na bagam’t hindi ito perpekto, malapit lagi sa pinakamataas. Lalo siyang naiintriga ni Ma’am Hermenia.

Parang ang dugyot mo pero mataas ang nakukuha mong marka sa pagsusulit. Siguro may pinagkokopyahan ka lang. Madalas sabihin ni ma’am Herminia. Halos mawalan na siya ng pag-asa na makuha ang loob ng gurong ito. Kaya tahimik na lang niyang tinatanggap ang lahat ng pang-iinsulto. Kung minsan pinagsasabihan ni Andreo ang kanyang sarili na tiisin na lang.

At kung minsan na may napapaluha siya kapag naaalala ang kanyang mga magulang na hirap na hirap maghanap buhay, nais niyang maging matagumpay para makabili ng gamot sa ina at mapahinga na rin ang kanyang ama. Ang kaunting oras na natitira sa gabi, inilalaan niya sa pagbabasa ng mga lumang libro, pagsulat ng mga maiikling kwento o kaya’y pag-e-ensayo ng isang talento na noon pa man ay inililihim niya sa karamihan ang kahusayan niya sa pag-aw.

Isang gabi habang inaalo ang ina na masama ang pakiramdam, kumanta si Andreo. Kahit mahina, narinig ni Felly ang alindog ng boses ng anak at nasabi niyang, “Napakalambing naman ng boses mo, anak. Sana marinig ito ng mas marami pang tao.” Ngumiti lamang si Andreo. Alam niyang wala siyang magarang kasuotan o social status para magkaroon ng pagkakataong makapag-perform sa harap ng madla.

Ngunit kahit paano tila mas lumalakas ang loob niya tuwing pinupuri ng ina ang kanyang talento. Dumating ang araw na kailangan nilang pumili ng mga estudyanteng magpe-perform sa darating na foundation day ng Santa Isabela High School. Sa kasawi ang palad, si Ma’am Herminia ang head organizer. Pagsapit ng hapon, pinatawag niya ang lahat ng gustong mag-audition sa kanyang silid aralan.

Nag-uunahan ang mga estudyanteng may magaganda at mamahaling damit, dala ang kanilang mga propentong mahal din ang halaga. Si Andreo, nakatayo sa pinakasulok, simpleng nakikinig sa mga pumipila para ipakita ang kanilang kakayahan. Mayroong magaling sumayaw, mayroong magaling tumula, mayroong mahusay kumanta at may isa pang mahusay tumugtog ng gitara.

Nang matapos lahat, tinanong ni Ma’am Herminia, “May humahabol pa bang gustong magpakita ng talent?” Wala namang gustong magsalita. Tahimik na si Andreo dahil hindi rin niya alam kung papayagan siyang mag-perform at alam niyang si Ma’am Herminia ang pinakahuling taong makaka-appreciate sa kanya.

Kaya laking gulat niya ng makita siyang nakatingin ang ibang estudyante at parang inaasahang tatayo siya. May ilang nakabubulungang Uy, si Andreo kaya wala naman sigurong talent yan. Oo nga. Baka naman magmukha lang tayong katawa-tawa. Pero may isang kaklase si Andreo na naniniwala sa kanya. Si Marcela.

Nakita kasi ni Marcela si Andreo noon na kumakanta ng hindi sinasadya. Kahit hindi buo ang pagkakarinig niya, nagustuhan niya ang tinig nito. Kaya sa kanyang pagkatulala, bigla siyang tinulak ni Marcela papunta sa harapan. “Subukan mo lang,” sabi ni Marcela. At dahil nahihiya at wala ng magawa, naglakad si Andreo patungo sa sentro ng silid.

Nakita siya ni Ma’am Hermenia. “Hoy, Andreo, anong ikakanta mo?” Hindi pa rin makatingin ng diretso si Andreo. Tahimik. Ikaw na yata ang pinakadugyot na estudyante dito tapos may bala ka palang kumanta. Sige nga para matapos na bilisan mo. Hindi maipinta ang mukha ng iba pang estudyante. May nagbubulung-bulungan, may tumatawa at merong ilan na naaawa.

Sapat na ang ilang sandali para maghanda si Andreo. Huminga siya ng malalim. Kaya niyang kumanta ngunit alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihin si Ma’am Herminia na magkaroon siya ng puwang sa programang iyon. Subalit nais niyang labanan ang hiya at mabigyan ng pagkakataon ang sarili. Nagsimula siyang kumanta pero hindi pa man natatapos ang isang linya, biglang nagsalita si ma’am Herminia. Tama na. Walang dating.

Napakaluma ng kanta mo. Hindi bagay sa theme ng foundation day. Huwag ka ng umasa, Andreo. Wala kang makukuha sa ganyang boses at sa ganyang maruming hitsura. Halos maiyak si Andreo sa hiya at sama ng loob. Hindi niya alam na humanga sana si Marcela sa unang linya pa lang. Pero dahil pinutol ni Ma’am Herminia ang kanta, hindi na narinig ng iba ang buong awit.

Napailing lang si Andreo at dahan-dahang lumabas ng silid dala ang pangakong hindi na lang siya aasa pa. Lumipas ang ilang linggo. Naging abala ang lahat sa paghahanda para sa foundation day. Naiiwan si Andreo sa loob ng silid, nagbabasa o kaya’y naglilinis dahil ang ibang kaklase ay nagsusukatan na ng damit pang-perform o nagsasanay ng kanilang numero.

Ang ibang bahagi ng high school ay halos puno ng dekorasyon at musika mula sa mga nagpa-practice ng sayaw at kanta. Kung tutuusin, malayo sa isipan ni Andreo ang sumali. Hindi naman niya ginusto ang spotlight at kahit may pangarap siyang makilala, tila alam niyang hindi iyon posible sa kasalukuyang sitwasyon. Dumating ang araw ng Foundation Day.

Napuno ang malawak na covered court ng maraming tao, mga guro, magulang, bisita at estudyante mula sa iba’t ibang antas. Naghahanda na rin si ma’am Herminia suot ang kanyang mamahaling blouse at nakahakbang sa entablado na parang pagmamay-ari niya ang buong okasyon. Isa-isa niyang ipinakikilala ang mga estudyanteng magtatanghal.

May mga sayaw, may mga tula at may kumanta rin ng mga sikat na awitin. Malakas ang palakpakan ng mga manonood. Palibhasay magagaling at magagara ang kasuotan ng mga nag-perform. Samantala, si Andreo ay nasa pinakahuling hanay, nakaupo lamang at nakamasid. Iniiwasan niyang makarinig na naman ng panlalait kaya piniling manatiling tahimik.

Sa kalagitnaan ng programa, biglang may ilang estudyanteng presenter ang hindi nakarating dahil umano sa bigla ang pagkakasakit. Ang isa rito ay nakatakdang kumanta. Nataranta si Ma’am Hermenia dahil baka raw maging butas pa ito upang maging katawa-tawa ang buong event at masira ang reputasyon niya sa pamunuan ng paaralan at mga panauhin.

Nagkalituhan. Kinakailangang may sumalo ng performance upang hindi tumigil ang programa. Walang gustong mag-volunteer dahil hindi naman handa ang sino man. May isang estudyante na gusto sanang sumubok pero wala siyang dalang minus one o kahit anong background music na bagay sa programa.

Nabubulabog na ang lahat lalo na si Ma’am Herminia. Maya-maya ay lumapit si Marcela at bumulong kay Andreo. Bakit hindi mo subukan? Alam kong kaya mo. Narinig na kitang kumanta. Agad namang tumanggi si Andreo. Hindi ako handa. Wala akong masyadong alam na kanta na babagay sa programang ito. Wala rin akong damit pang-perform. Mabilis naturan niya.

Pero si Marcela ay hindi tumigil. Kung hindi ikaw, sino pa? Nasaan na yung iba? Ayaw nila. Walang mag-volunteer. Lahat takot mapahiya. Ikaw hindi ka naman takot mapahiya. ‘Di ba? Araw-araw kang binabatikos pero nalalampasan mo. Samahan mo na ng lakas ng loob. Nakita ni Marcela na walang makakapigil sa programang ito na masira kung walang hahakbang upang sagipin ang performance.

Kinaladkad niya si Andreo palapit kay Ma’am Herminia na bigla ang guro. Ano na naman ito? Inis na tanong ni Ma’am Herminia. Ma’am, si Andreo po ay handa yata. Mabilis na sumabat si Andreo. Hindi po ako handa, ma’am. Ano ba talaga? Baka ginugulo mo lang ako. Kung wala kang kaya, umalis ka diyan. Pabulalas na sigaw ni Ma’am Herminia.

Napatingin si Andreo kay Marcela. Nakita niyang may ningning sa mga mata nito. Isang paniniwala na baka may maisalba siya sa pangyayaring ito. Nakita rin ni Andreo ang takot at pagkadismaya sa mukha ni Ma’am Hermenia at naramdaman niya na ito na ang pagkakataon. Ma’am, ako na po ang kakanta. Kahit anong kanta na po kaya kong subukan.

Halatang nagulat si Ma’am Hermenia pero dahil desperado, pinahintulutan niya ito. Sige, huwag mo lang akong ipapahiya, Andreo. Wala pang limang minuto, umakyat sa stage si Andreo. Nandun pa rin ang ilang dekorasyon at naiwan mula sa nakaraang performance. Nagtawanan ang mga estudyante lalo na ang mga nanga-aasar kay Andreo. May ibang sumipol pa at nagsabing baka mabaho ang mikropono pag ginamit ni Andreo.

Narinig ito ni Andreo ngunit pinilit niyang huminga ng malalim. Kinuha niya ang mikropono at napansin niyang nanginginig ang kanyang mga kamay. Inisip niya si Ina at ang pumanaw na si Ginoong Cabrera at ang pangarap niyang makaahon sa kahirapan. Isang malalim na hinga pa at nagsimulang umawit si Andreo, Akapela dahil walang handang minus one o anumang tugtog.

Ang unang linya ay halos pabulong pa pero lumakas ito ng lumakas sa bawat segundo. May kakaibang timbre ang boses ni Andreo. Mababa sa umpisa at tumataas ng walang pag-aalinlangan. Hindi ito pang karaniwang naririnig sa mga talent show. May malalim na emosyon, may hinaing, may pag-asang nakabalot sa bawat salitang kanyang binigtas. Nagulat ang mga nakikinig.

Ang mga dating nagtatawanan biglang tumahimik. Ang guro na si Ma’am Hermenia na kanina ay halos sirain na ang programa sa galit ay napako ang tingin kay Andreo. Hindi makapaniwala sa napakalinis, napakatamis at napakatinding boses na naririnig mula sa estudyanteng buong akala niya ay wala ng pag-asa.

Parang pinagsama-samang saya at lungkot na kinukumpos ni Andreo sa kanyang tinig. Nang matapos ang kanta tila limang segundo ang lumipas na walang nakagalaw. Parang tumigil ang oras hanggang sa biglang sumabog ang napakalakas na palakpakan mula sa lahat. May ilang napatayo pa sa upuan sa sobrang gulat at paghanga. Si Ma’am Herminia ay nakatulala hindi malaman ang gagawin.

Lahat ay nakaramdam ng kilabot ng pagtayo ng balahibo sa galing ni Andreo. Walang nakapagsalita ng ilang sandali. Pagkatapos ay lumapit si Marcela kay Andreo at niyakap ito ng mahigpit. Tumutulo ang luha. Si Andreo hindi alam ang gagawin. Nakatingin lamang sa audience na parang hindi makapaniwala sa nangyari.

Doon nagsimulang magkagulo ang mga manonood. Iba’t ibang reaksyon. May nagkukumahog na magtanong sino ang nagturo sa kanya? Bakit ngayon lang siya lumabas? Sigurado akong may napakalaking potensyal ang batang ito. Uminit ang mga bulungan at nagtawanan sila. Pero sa ibang paraan na hindi na pang-iinsulto kundi paghanga at pagkamangha.

Para kay Andreo, ito ang unang pagkakataong nakaramdam siya. Natanggap siya. Bigla niyang naalala ang ina at ang dating guro at wala siyang ibang nais kundi makatakbo pauwi at sabihang, “Nagustuhan nila ang kanta ko.” Pero nandun si Ma’am Herminia. Bumaba ng stage at biglang lumapit kay Andreo. Iniangat ng guro ang mikropono at inutusan itong kumanta pang muli. “Sige nga, isa pang kanta.

Hindi ako makapaniwala.” wika ng guro. Kaya naman sa kalagitnaan ng entablado, sa harap ng lahat, kumantapang muli si Andreo. Hindi man niya personal na gusto ang pumaimbabaw sa eksenang ito, nagsimula na siyang sumunod sa utos ng guro. At muli, pinatunayan ni Andreo na hindi gawa-gawa ang kalibre ng kanyang talento.

Pagkatapos ng pangalawang kanta, halos hindi tumigil ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Dito na nagsimulang magbago ang ihip ng hangin. Hindi kaagad nakaimik si Ma’am Herminia pero nakita ni Andreo ang kakaibang sinag sa mga mata nito. Parang may ideya na agad itong nabubuo. Hindi dahil sa natutuwa siya kay Andreo ng lubos kundi marahil nakita niyang may potensyal ang bata na dalhin siya sa mas mataas na reputasyon bilang isang discoverer ng talent.

Andreo, magsadya ka sa akin bukas. May pag-uusapan tayo. Mahigpit pero may bahid ng pag-asa ang boses ni Ma’am Herminia. Napatingin si Andreo kay Marcela. Huminga ng malalim at napangiti. Hindi pa rin siya makapaniwala na mula sa kanto ng entablado kung saan sinasadya niyang maging invisible. Bigla siyang napalagay sa gitna ng lahat at pinapalakpakan.

Nang matapos ang foundation day, kumalat sa buong paaralan ang balitang may napakahusay kumanta na estudyante. Ang iba’y agad nakapagbulung-bulungan. Hindi ko akalain yung dugyutin pala na yon. Oo nga. Nakaka-shock. Tinalo pa niya yung mga bumirit doon. May mga lumapit na estudyante kay Andreo para humingi ng paumanhin dahil dati ay nilait-lait siya.

May ilan na pumuri at humingi ng tip kung paano kumanta ng ganoon kaganda. At ang nakakagulat, marami rin ang nag-aya na maging kaibigan siya. Sa unang pagkakataon, si Andreo na dating tampulan ng pangungutya ay nakararanas ng atensyon at respeto. Nais man niyang magduda, nararamdaman niya na buo ang paghanga ng mga kaeskwela.

Hindi naman biglang nawala ang mga mapanglait. May ilan pa ring nagtatanong. Maswerte lang siguro siya o baka sintonado yan kapag hindi sa stage. Pero mas nakararami na ang nakakita ng kanyang tunay na galing. Pag-uwi ni Andreo sa bahay, dala niya ang saya at mataas na enerhiya. Niyakap niya ang inang si Felly at sinalaysay ang nangyari.

Nay, kinabahan ako. Akala ko babatuhin ako ng kamatis pero pinapalakpakan nila ako. Halos maluha-luha si Felly habang sinasabi, “Anak, ito na ang simula ng pagbabago. Sana maging maganda ang mga susunod.” Ngunit alam din ni Felly na kasama ng pagbabagong ito ang takot na baka gamitin lamang ng mga tao ang talento ni Andreo para sa sariling interes.

Kinalaunan. Pinaalala niya sa anak na ingatan mo ang puso mo. Lagi mong tandaan kung bakit ka kumakanta para sa sarili mo, para sa pamilya mo at hindi para sa sinumang tao na may ibang motibo. Kinabukasan, maagang pumasok si Andreo upang sundin ang utos ni Ma’am Herminia. Nakabihis pa rin siya ng luma at maruming uniporme dahil wala naman silang pambili ng bago.

Pagpasok sa faculty room, naroon ang guro halatang may matinding excitement. Andreo, handa ka bang sumali sa mga kompetisyon? Nakita kong may potensyal ka. Kaya ka naming ihahanda basta sumunod ka sa mga patakaran ko. Hindi alam ni Andreo kung ano ang isasagot pero malinaw na oportunidad ito.

Kung tutuusin, ito ang maaaring maging paraan para makamit niya ang pangarap na makatulong sa pamilya. Opo, ma’am. Sagot niya. Susubukan ko po. Ngumiti si ma’am Herminia subalit may pagkaplastic ang dating. Mabuti. Maghanda ka. Itatapat ka namin sa singing contest na gaganapin sa kabilang bayan. Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita sa lahat ng pangailangan mo. Basta huwag mo akong ipapahiya.

Naiintindihan mo? Tumango si Andreo. Sa isip-isip niya, mas mahalaga ang matulungan niya ang pamilya kaysa ano pa man. Dito nagsimula ang masinsinang pag-e-ensayo ni Andreo sa ilalim ng pagsubaybay ni Ma’am Hermenia. Ipinasusulat sa kanya ang liriko ng kanta. Pinapag-aralan ang tamang pagbigkas at inuulit-ulit ang bawat linya hanggang sa pinakasukdulan ng tono.

Si Andreo, bagamat’t hirap ay kinaya ang lahat ng pagod at pagsisikap. Sa bawat araw ng ensayo, lumalalim ang tiwala niya sa sarili. Pero naroon din ang matinding presyon lalo na’tam Herminia ay hindi talaga naglalabas ng papuri kundi banta. Kapag nasira mo ang reputasyon ko, ikaw ang kawawa. Madalas sabihin nito. Sa kabila niyan, naroon si Marcela at ang ilan pang bago niyang kaibigan na patuloy na nagbibigay ng moral support.

Kayang-kaya mo yan, Andreo. Annie Marcela. Ikaw pa ba? Noong sumapit ang paligsahan sa kabilang bayan, pumasok sila sa isang malaking auditorium na nagsisilbing venue. Nakita ni Andreo ang ibang kalahok. Magagara ang pananamit. Halatang galing sa mas mayayamang pamilya. May dalang makeup artist, may dalang props.

Samantalang siya, bitbit lamang ang lumang bag at nakasuot ng kasuotang hiniram ni Marcela. Nakaramdam siya ng kaunting hiya. Ngunit nagpaalala si Marcela na, “Hindi damit ang labanan dito. Boses mo ang kailangan nila.” Tahimik ngunit puno ng determinasyon si Andreo. Unang pagkakataon niyang magkaroon ng malaking audience at alam niyang mahalaga ito kay Ma’am Herminia.

iniisip niya, “Para kay nanay, para kay tatay, kakayanin ko.” Nang tawagin na ang pangalan ni Andreo, tumayo siya at dahan-dahang pumunta sa gitna ng entablado. Tahimik ang mga manonood dahil marahil iniisip nilang sino itong mukhang pipitsuging kalahok. Wala siyang karingal-ringal, walang choreography, walang backup dancers pero nandoon ang boses na ipinadala niya mula sa puso.

Nagsimula siyang umawit at muling lumabas ang kakaibang timbre na unang bumulaga sa Santa Isabela High School Foundation Day. Nagsimula sa banayad, lumakas at lumalim saka umakyat sa matataas na nota na ipinakita ang buong sukat ng emosyon na maaari niyang ilaan. Nagsimulang pumalakpak at humiyaw ang mga tao kahit hindi pa tapos ang kanyang kanta.

Narinig ni Andreo ang mga sigawan ng woo at galing. Mas lalo siyang na-inspire na ibuhos ang lahat. Pagkatapos ng performance, parang nawalang parang bula ang takot niya. Bahagya siyang yumukod at muling narinig ang malakas na palakpakan. Samantala, si ma’am Herminia na nakaupo sa unahan ay nakangiti ng todo. Warring nakasisiguro na siya sa tagumpay.

Hindi nga nagkamali ang hinala nito. Nagwagi si Andreo bilang first place. Talo pa ang mga kakompetensyang magagarbo ang kasuotan. Hindi makapaniwala ang mga ibang guro, lalong-lalo na si Andreo mismo. Lumapit sa entablado ang host at in-interview siya. Sino nag-train sa iyo? Tanong ng host. Lumingon si Andreo kay Ma’am Herminia na nakatayo’t proud na proud at bahagyang ngumiti.

Guro ko po si Ma’am Herminia Roque. Nagsigawan ang mga tagasuporta nila at narinig din ni Andreo ang ibang tanong. Anak, wala ka bang manager? Ilang taon ka na? Ilang taon ka ng kumakanta? Hindi alam ni Andreo kung ano ang sasabihin bago sa kanya ang ganitong kasikatan. Ngunit sa kabila nito nakaalalay si Marcela.

Sinesenyasan siyang sumagot ng payak kaya tumugon na lang siya. Wala po. Ngayon lang po ako sumali sa ganyang kompetisyon. Mula roon, dumaluyong ang interes kay Andreo. Nakilala siya sa school bilang wonder singer. Ang bata na may dugyot na hitsura noon. Pero nagpakita ng pambihirang talento. Biglang nabago ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase at ibang guro.

Marami ang lumalapit para batiin siya. Ang dati niyang maduming upuan ay nililinis na ng iba bilang tulong. Ang mga dating umiinsulto ay nagtatangkang makipagkaibigan. May ilang kaeskwela pa na siyang nagyaya ng grupo na para bang malaki ang respeto nila sa kanya. Hindi man masabi ni Andreo, nakakaramdam siya ng kakaibang tuwa at pagkabigla.

Minsan nga ay napapaisip siya, totoo ba ito o baka pang samantala lang? Dahil sa panalo niya, inanyayahan pa si Andreo sa iba pang kompetisyon sa kalapit na mga bayan. Karamihan ay may dalang papremyong cash. Si Ma’am Herminia ang nagsisilbing coach at manager na rin. Kung minsan halos araw-araw siyang pinapa-practice, pinatutugtog ng iba’t ibang minus one at pinapabiling umakto sa stage ng mas may presence at confidence.

Pero habang lumalalim ang pagsabak ni Andreo sa iba’t ibang patimpalak, napapansin niya na si Ma’am Herminia ay unti-unting nagiging mas mahigpit, mas mapangata at mas mapaghanap. Andreo, bakit hindi mo abutin ang nota na iyon ng mas maayos? Kaya mo yan, palaging sinasabi. Kapag hindi niya na perpekto, sinasabihan siya ng wala kang utang na loob.

Sino ang kumukuha ng pondo para makasali ka dito? Sino ang nagtitiwala sa iyo? Sa bawat salitang iyon, kumikirot ang kalooban ni Andreo dahil parang dinidikdik siya at alam niyang hindi naman para sa kanyang kapakanan ng lubusan kundi para sa reputasyon ni Ma’am Herminia. Gayunman, nagtitiis siya dahil kahit papaano kumikita siya ng kaunting premyo.

Kapag may napanalunan siya, kaagad niyang dinadala ang bahagi ng pera sa kanyang ina para ipambili ng gamot o dagdag sa panggastos ng pamilya. Hindi naiwasan ni Andreo na makaramdam ng guilt na para bang nabibili nila ang kanyang talento. Ngunit naalala niya ang sinabi ng ina, “Hindi masama kung ibebenta mo ang talento mo sa tamang paraan. Nagsisikap ka naman.

Huwag mo lang kalimutang may sarili kang boses, may sarili kang dignidad. Subalit napagtanto rin niyang hindi madali ang sitwasyon. Walang ibang guro o tao na may kakayahang suportahan siya sa mga kompetisyon. Si Ma’am Herminia lang at ayaw niyang masayang ang pagkakataon. Kaya nagpatuloy ang ganitong setup. Nanalo pa siya ng ilang paligsahan, nakalikom ng pera at nakilala sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Nakakatawag pansin na rin siya sa ilang tagalungsod na nag-aalok ng mas malaking oportunidad. Sa paglipas ng mga buwan, nagsimula ring magbago ang trato ng komunidad kay Andreo. Ang mga dati ay nandidiri sa kanya dahil sa kanyang maruruming damit. Ngayon ay parang hindi na nila nakikita kung marungis man siya o hindi.

“Uy, si Andreo yan, ang galing kumanta niyan.” bulong ng ilang tao kapag dumadaan siya. Nagbigay ito ng kaunting pag-angat ng kanyang kumpyansa subalit hindi niya nakalimutan ang kanyang pinagmulan. Patuloy pa rin siyang bumababa sa bukid para tumulong sa Ama kapag walang kompetisyon at nagsisikap pa rin siyang itago ang katotohanang hindi naman nagbago ang kanilang kahirapan.

Minsan lumalapit siya kay Marcela at nagsasabing, “Hindi ko pa rin maalis ang takot na baka isang araw wala na ulit silang pakialam sa akin.” Sasagutin siya ni Marcela. “Hindi naman dapat depende sa kanila ang kaligayahan mo. Ipakita mo lang kung sino ka. Maging mabuti ka. Sila ang mag-a-adjust.

” Isang gabi, dumating si Ma’am Herminia sa bahay ni Andreo kasama ang ilang opisyal ng paaralan. Kinagulat ito ng buong pamilya kasi hindi naman madalas na pumupunta ang mga guro sa kinalalagyan nilang barong-barong. Magandang gabi po! bati ni Andreo sa mga bisita. Magandang gabi, Andreo. Napagpasyahan naming isali ka sa isang malaking kompetisyon sa lungsod.

Ito ay regional level. Mas malaking premyo, mas malaking exposure, pagmamalaki ni Ma’am Herminia. Marami ring scouts doon na baka makapansin sa iyo pero kailangan mong sumailalim sa mas masugid na training. Aalis ka ng bayan ng ilang linggo para maghanda. Nabigla si Andreo. Hindi niya inasahan na aabot siya sa ganitong level.

Naisip niya si I ina, si tatay at kung sino ang tutulong sa kanila sa bukid at sa pangaraw-araw na gawain. Ngunit kitang-kita niya sa mga mata ni na kayang-kaya namin anak. Ito na ang pagkakataon mo. Hindi naman kumontra si tatay bagkos tinangon nito ang ulo na warring sangayon. Kaya sumang-ayon si Andreo sa plano. Kinabukasan, bumyahe sila patungong lungsod.

Sa lungsod, halos manganib ang loob ni Andreo sa lawak at kagandahan ng mga gusali at ilaw. Hindi ito tulad ng baryo na tahimik at simple. Naroon ang ingay ng mga sasakyan. ang mga taong aligaga at ang mga tindahang makukulay. Itinira siya ni ma’am Herminia sa isang maliit na dormitoryo malapit sa training venue. Wala siyang kamag-anak doon kaya malaki ang pasasalamat niyang kasama niya ang ilang kakilala mula sa paaralan.

Subalit karamihan ay mas nakatutok sa kani-kanilang agenda. Kaya si Andreo, kapag tapos na ang ensayo ay babalik sa dorm. Magluluto ng simpleng hapunan. Kung may pambili ng gamit at maghahanda para sa kinabukasan, ang training ay matindi. May vocal coach, may nagsasanay sa kanya tungkol sa stage presence. May nag-aayos ng repertoire.

Nandoon si Ma’am Herminia bilang taga Masid at paminsan-minsabat kung paano dapat ayusin ang kilos ni Andreo para mas malinis. Hindi man masama ang intensyon ni Ma’am Herminia tungkol sa pagtatanghal, dama pa rin ni Andreo na parang trophies lamang siya, isang asset at hindi talaga ginagamitan ng tunay na pagmamalasakit.

Subalit nagtiis pa rin siya. Tini niya ang pagod, puyat at matinding pangungulila sa pamilya. Kailan man hindi niya ginustong sumuko lalo na’t malapit na ang malaking kompetisyon. Dumating ang araw ng regional singing competition. Malaking entablado and grande ang mga ilaw at maraming tao. Nandoon ang mga kinatawan ng iba’t ibang probinsya.

Lahat ay bihis na bihis. May iba pang kalahok na boses ay kahanga-hanga rin kaya nakaramdam si Andreo ng kaba. “Huwag kang kabahan,” bulong ni Ma’am Hermenia. Kailangan nating manalo. Bago pa man siya umakyat sa stage, tumawag siya sa ina. “Ne! Kinakabahan ako.” Sabi niya, “Huwag kang matakot, anak. Ipara mo lang sa Diyos.

Ginawa mo na lahat ng kaya mo. Hindi ba’t masarap kumanta pag iniisip mo kami?” Maluha-luhang sumagot si Andreo ng oo. Nang tawagin na ang pangalan niya, ramdam ni Andreo na parang napakabagal ng oras. Tumunog ang musika at nagsimula siyang kantahin ang inihandang awitin na sumasalamin sa matinding emosyon ng pangarap, paghihirap at pag-asa.

Kahit siguro hindi maintindihan ng lahat ang lyrics, mararamdaman nila ang damdaming ibinubuhos ni Andreo, ang pagnanais na lumipad mula sa kahirapan, ang pag-asang may katapusan ang lahat ng paghihirap at ang karapatang magkaroon ng dignidad anumang estado sa buhay. Hindi pa tapos ang kanta ay humiyaw na ang ilang tao sa audience.

Tanda ng pagkamangha. Nang matapos halos sumabog ang hiyawan. Kitang-kita sa gilid ng entablado si Ma’am Hermenia na nakatawa. Taas noo pinagmamalaki ang bata niya. Hindi na naman makapaniwala si Andreo sa reaksyon ng mga manonood. Napatulala na lamang siya at napilitan siyang ngumiti sa lahat ng pumapalakpak.

Ilang oras ang lumipas inihayag na ang resulta. Naging dikit daw ang labanan. Subalit tinanghal si Andreo bilang kampeon. Umarkila ng props at special effects ang ibang kalahok. Pero si Andreo, boses lang niya at simpleng damit ang pumukaw sa puso ng mga horado. Pinagkaguluhan siya ng media. May ilang nag-interview.

Sino ang nag-discover sao? Gusto mo bang makapasok sa industriya? Halos sabay-sabay ang katanungan. Napaatras si Andreo. Hindi sanay sa ganoong atensyon. Mabilis namang sumingit si Ma’am Hermenia. Ako po ang kanyang guro at manager. Maaari niyong i-coordinate sa akin ang lahat ng detalye tungkol sa kanya. Hindi maitatanggi na umani ng papuri si Ma’am Herminia dahil sa pagtuklas umano niya kay Andreo.

Sa isip-isip ng guro, o na ang malaking break niya bilang tagahubog ng mga talento. Sa kabilang dako, nakaramdam din si Andreo ng kiliti at pag-asa. Baka dito na magsimula ang pag-alwan ng buhay nila. Ganun pa man, palaisipan pa rin sa kanya ang tunay na motibo ni Ma’am Herminia. Sa pag-uwi nila sa probinsya, sinalubong si Andreo ng buong pusong kasiyahan.

Maraming sumigaw ng congratulations at idol. May mga kamag-anak na dumayo sa bahay nila para batiin ang pamilya. Nakita ni Andreo ang saya sa mukha ng ina. Halos mapaiyak. Anak, napakagaling mo. Pinagmamalaki ka namin. Sabi ni Felly. Niyakap niya ng mahigpit ang ina. Kahit masaya, sa loob-loob ni Andreo ay may pagnanais na tumigil na sa pagsali.

Sapat na marahil, gusto niyang mag-focus na sa pag-aaral at matulungan ang Ama sa bukid. Subalit panibagong oportunidad na naman ang kumatok. May nagtawag kay Andreo para mag-audition sa isang malaking talent show sa telebisyon. Wala itong kaugnayan sa paaralan ngunit narating na ng organizer ang balita tungkol sa kakaibang boses ni Andreo.

Si Ma’am Herminia pa rin ang kinontact para maging tulay. Natural. Excited si Ma’am Herminia. Andreo, kailangan mong sumali. Ito na ang pinakaaasam nating pagkakataon. Hindi alam ni Andreo kung ano ang desisyong nararapat. Binalitan niya ito kay Ina. Maluha-luha ito. Anak, kung gusto mo, go lang. Ito ay malaking break. Pero tandaan mo, huwag kang magpapaalipin.

Nasa sa iyo ang desisyon. Naiisip ni Andreo ang maraming bagay. Ang pera para pambili ng gamot ni Ina ang pagkakaton na magkaroon sila ng mas maayos na bahay at ang posibleng scholarship na kasama ng kasikatan. Sige po Nay susubukan ko para sa inyo. Sinuportahan din siya ni tatay na patingin si Andreo kay Marcela na nandoon.

Ipapakita mo na naman sa mundo ang husay mo. Sabi nito. Tiwala lang. Hindi na nagdalawang isip si Andreo. Umalis siyang muli kasama si Ma’am Herminia papunta sa siyudad kung saan gaganapin ang audition. Magulo at punong-puno ng tao ang audition venue. May ilang nakapila na yata ng napakahaba. Ang iba’y galing pa sa ibang probinsya dala ang kanilang pangarap na marinig at makita sa telebisyon.

Madalas bigo ang marami pero patuloy pa rin ang pag-asang baka sila ang mapalad. Kasama sa pagsubok ang paglahok sa screening kung saan pipiliin kung sino ang lulusot sa prelims. Doon pa lang nakita ni Andreo kung gaano karaming tao ang nagsisikap makamit ang tagumpay na kagaya ng sa kanya. Nang tawagin ang pangalan ni Andreo, pumasok siya sa isang silid na may tatlong hurado.

Agad siyang pinakanta ng isang akapela. At tulad ng dati, pinag-ibon ni Andreo ang lahat ng emosyon at puso sa pagkanta. Agad lumabas ang maganda at makapangyarihan niyang boses. Hindi na nakapagtaka na makuha niya ang yes mula sa tatlong hurado. You’re going to the next round, sigaw ng host. Lumundag ang puso ni Andreo sa tuwa at narinig niya si Ma’am Herminia sa likod.

Tila nagchi-cheer. Sigurado akong pasado ka, Anito. Muli siyang sumalang sa ilang proseso hanggang maisalang sa telebisyon kasama ang iba pang nakapasa. Kinaumagahan, lumabas sa mga balita at social media ang pangalan ni Andrew. Sino itong batang lalaki na galing daw sa probinsya may kakaibang boses na nagpaluha sa mga hurado? May bagong star sa pagsabak sa talent show.

Ganito ang mga headline. Biglang sumikat si Andreo. May mga tagahanga na nagkukumahog na i-follow siya sa social media. Hindi siya makapaniwala na kaya palang umabot sa ganoon kalawak ang impluwensya ng kanyang pagkanta. Sa unang pagkakataon, nakatanggap siya ng mga papuri mula sa mga estranghero, pati na rin sa mga lokal na reporters. Idol, nakaka-inspire ka.

Pakikanta naman ng sample diyan. Sobrang overwhelming para kay Andreo. Habang lumalapit ang semifinals, lalo pang tumitindi ang atensyon. Sinusundo sila ng production team para i-house sila sa isang lugar kasama ng iba pang contestants at binabantayan sila ng mga camera para sa behind the scenes.

Dito naranasan ni Andreo ang bagong mundo. May stylist, may vocal coach na nag-aayos ng kanyang lineup at may manager na nag-aasikaso ng schedules. Ngunit kasabay nito naging mas mahirap ang buhay. madalas puyat, madalas pagod at lagi siyang napapalibutan ng iba’t ibang tao na hindi niya alam kung sino ang totoo at sino ang ginagamit lang siya.

Isang gabi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Ina. Andreo, kamusta ka na diyan anak? Ingat ka lagi. Huwag masyadong magpakapagod. Ramdam niya ang pangungulila ng ina. Ne, konting tiis po. Parang malaking oportunidad ito. Kapag nag-champion po ako, malaki-laki ang premyo at baka makabili tayo ng gamot at lupa para na magtrabaho ng husto si tatay. Tuwang-tuwa si Ina.

Sana nga anak, pagdasal natin yan. Sa gilid ng linya narinig ni Andreo na umuubo na naman ang ina. Hindi niya napigilang maiyak. Nay, alagaan ninyo ang sarili ninyo ha. Oo, anak, basta galingan mo diyan. Pagkaputol ng tawag, napakasakit sa kalooban ni Andreo na hindi niya personal na maalagaan ang ina. Ngunit kinukumbinse niya ang sarili na mas kailangan niyang gawin ito para sa mas magandang bukas.

Dumating ang semifinals. Nag-perform si Andreo ng isang awiting pinagmulan ng kanyang inspirasyon. ang kantang iniaalay niya sa kanyang ina. Tumagos ito sa puso ng mga manonood at kahit ang mga hurado ay tila naiiyak. Napakatindi ng emosyon mo Andreo. Hindi mo lang pinapakita ang galing ng boses kundi napapaiyak mo kami.

Wika ng isang hurado. Muling nakatanggap si Andreo ng standing ovation. Nag-lock ang kanyang posisyon sa finals. Lalong sumiklab ang kasikatan ni Andreo. Nag-aalok na ang ibang producers na kunin siya para sa mga TV guesting. May ilan ding showbiz personality ang gustong makatrabaho siya.

Subalit mahigpit ang kontrata ng talent show, lahat ay dadaan sa approval ng production. At syempre si ma’am Herminia at ang school ay nakikisakay din sa kasikatan ni Andreo. Napanood pa sa lokal na balita na ipinagmamalaki ng Santa Isabela High School si Andreo bilang pride ng paaralan. Maraming guro at kamag-anak ni Andreo ang masaya.

Lahat ay nagdiriwang maliban sa mismong bata na nakararamdam ng matinding presyon at lungkot. Bago ang finals, bumisita si Andreo sa baryo. Gusto niyang makita si Ina. Pagdating niya, nakita niyang lalong humina si Felly. Maputla na ang mukha pero nginitian pa rin siya. Anak, mukhang pumapayat ka o. Pagod na pagod ka na ba? Kaunti lang po, Nay.

Kailangan kong manalo. Anak, wala kang dapat patunayan kung hindi para sa sarili mo. Ayaw kong nakikita kang gipit sa stress. Napaluha si Andreo. Ney, konting tiis na lang. Pagkatapos nito, magpapahinga na rin ako. Mas gusto kong mag-aral at bigyan kayo ng maayos na buhay. Hindi ko ito gagawin kung hindi dahil sa pangangailangan natin.

Hinaplos ni Felly ang mukha ni Andreo. Mahal na mahal kita anak kaya huwag mong hayaang masira ka ng industriyang ito. Kakanta ka dahil gusto mong umawit. Kakanta ka para sa pangarap mo. Tumulo ang luha ni Andreo. Opo, Nay. Nang gabing iyon, lumapit siya kay tatay. Tahimik silang nag-usap sa labas ng barong-barong. Anak, mag-ingat ka. Mahirap ang mundo ng lungsod.

Tandaan mo, hindi lahat ng tao ay may mabuting intensyon. Huwag mo ring pababayaan ang pag-aaral mo. ‘Yan ang susi sa pang matagalang tagumpay.” wika ng kanyang ama. Opo, tay gagawin ko po ang lahat. Niyakap niya ang ama at napadama niya ang kanyang pasasalamat. Lumipas ang ilang araw, bumalik na si Andreo sa siyudad para sa huling yugto ng kompetisyon. Finals na.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat. Apat silang maglalaban. Kanya-kanyang kakayahan ang ipapakita at hindi biro ang kanilang mga ipinamalas. Lahat silang apat ay halos tinatawag ng singing prodigies. Sa araw ng finals, ipinakita ang video packages ng mga buhay nila. Lumabas ang footage ni Andreo na nakatira sa isang maliit na baryo.

Tumutulong sa bukid at inaalagaan ang inang may sakit. Maraming manonood ang naantig. Nakita din sa video si Ma’am Herminia na nagsasabing, “Isa lang ang masasabi ko. Napakaswerte ko na nadiskubre ko si Andreo. Siyangya naman siya sa akin kasi hindi siya magsa-shine kung wala ako.” May ilang nakapanood nito ang medyo napakunot noo sapagkat parang tinatabunan ni Ma’am Herminia ang tunay na effort ni Andreo.

Pero tinanggap na lang ni Andreo. Ayaw niyang gumawa ng issue. Nag-perform na ang una, pangalawa, pangatlong kalahok. Lahat ay napakahuhusay. Naramdaman ni Andreo ang kaba dahil baka hindi niya mapantayan o malampasan ang kanilang galing. Nang tawagin na siya, huminga siya ng malalim.

Inalala ang mukha ng ina at inalay ang buong puso sa kanyang kanta. Walang nakapaghanda sa matinding emosyon at husay na pinakawalan ni Andreo. Iba ang dating ngayon. Pinagsama ang lahat ng aral, practice at nararamdamang pangarap. Bukod sa napakalinaw at malinis na boses, ramdam ng audience ang katotohanan at lalim ng pagkatao ni Andreo.

Nagpatingkad ito sa kanyang performance kaya’t nang matapos ay hindi na nakapagtaka na tumayo lahat ng hurado. Ramdam niya ang init ng palakpak at hiyawan. Sa sandaling iyon, alam niyang wala na siyang ibang mahihiling kundi tinupad na niya ang pangako sa sarili na ibigay ang lahat. Pag-upo ng mga hurado, maluha-luha ang isa. Ikaw ay isang hias.

Hindi pang karaniwan ang binibigay mo sa entablado. Pakiramdam ko nasa puso ko pa rin ang kanta mo. Tanging maraming salamat po lang ang nasabi ni Andreo. Dumating na ang pinakamahalagang bahagi, ang pag-ansyo ng grand champion. Itinaas ang tensyon. Ang mga ilaw ay kumikisap. May background music na nakapagpapakabog ng dibdib.

Ang grand champion natin para sa taong ito ay si Kumakabog ang puso ni Andreo. Naramdaman niyang hawak ni Ma’am Herminia ang kanyang balikat. Parang ayaw bitawan. Andreo Santos. Biglang nag-iyakan ang mga fans. Nagsigawan ang lahat. Pumasok ang confetti sabay abot ng tropeo at flower bquet kay Andreo.

Dali-daling lumapit ang host at tinanong siya, “Andreo, anong pakiramdam mo ngayon?” Hindi nakapagsalita si Andreo. Tumulo ang kanyang luha. Naramdaman niyang parang lahat ng paghihirap, gutom, pangungutya at pagsisikap ay nabalewala sa tagumpay na iyon. niyakap niya ang tropeyo at narinig niya ang sigaw ng pangalan niya sa lahat ng sulok ng studio.

Pagkabalik sa backstage, sumugod ang media, sabay-sabay ang interview. Si Andreo, litong-lito hindi alam kung sino ang kakausapin. Naroon din si Ma’am Herminia. Nakangiti halos inaangkin na ang mikropono. Yes, I discovered him and I shaped him to be who he is now. At iba’t iba pang papuri sa sarili. Mabilis na umakyat si Andreo sa isang sulok, hinanap ang cellphone niya at tinawagan si Ina, “Nay, champion po ako.

” Tumutulo ang luha ni Andreo sa saya. Narinig niya ang paghagulgol ng ina sa kabila ng linya. Anak, napakasaya ko para sa iyo. Napakalaking biyaya nito. Pagod man at halos walang tulog, pakiramdam ni Andreo ay lahat ng hirap ay nawalan ng saysay dahil sa panalong ito. Pinangako niya sa sarili na pag-uwi. Dadalhin niya ang magandang balita at ang premyo sa kanyang mga magulang.

Lumipas ang ilang linggo, lumantad na ang kasikatan ni Andreo sa buong bansa. Nakakatanggap siya ng mga imbitasyon para sa iba’t ibang programa. guestings at sponsors. Si Ma’am Herminia ang humaharap sa mga negosyasyon. May ilang interesadong bigyan ng kontrata si Andreo, recording label, endorsements at iba pa. Dito na nagsimulang maging komplikado ang lahat.

Gusto ni Andreo, simple lang, kakanta kung kailan niya gusto, mag-aaral at tumutulong sa pamilya. Pero ang nakikita ni Ma’am Herminia ay napakalawak na oportunidad para siya ay sumikat bilang manager ng isang superstar. Andreo, maraming nagsasabing kunin ka nila. Sabi ko, kailangan muna nilang magbayad ng malaki kasi star material ka na.

Kwento nito habang hawak ang telepono at inaayos ang schedule. Naguguluhan si Andreo. Wala siyang alam tungkol sa legalities at kontrata. Nais niyang kumanta. Oo, pero hindi para sa palagian at hindi para masakal ng showbez. Ma’am, pwede ho bang magpahinga muna ako? Gusto kong tapusin ang exams ko sa school. Pakiusap niya. Andreo naman, sayang ang momentum.

Kailangan nating samantalahin ito. Sagot ni Ma’am Hermenia. Nagsimula ang tensyon sa pagitan nila. Gusto ni Andreo na tumigil muna o kahit bawasan ang commitments. Ngunit ayaw pumayag ni Ma’am Herminia. Andreo, makinig ka. Ginagamit na ng school ang pangalan mo. Pinagmalaki kita sa lahat. Huwag mo akong ipapahiya.

Hindi alam ni Andreo kung sino ang kakausapin. Wala ang ina sa tabi niya at minsan lang makausap dahil sa mahinang signal sa baryo. Si Marcela naman nananatili sa probinsya at bihira siyang mabisita. Kaya pinagtiisan niyang sundin si Ma’am Hermenia. Lumabas siya sa ilang TV programs, kumanta sa iba’t ibang event, kahit pagod, kahit masama ang pakiramdam.

Dito niya unti-unting napagtantong hindi pala madali ang buhay ng sikat. May ilang intriga pa na lumalabas katulad ng totoo bang hindi siya yung kumakanta? Baka lipsink lang? Totoo bang binili ni Andreo ang boto ng Hurado? Ganoon kaliit ang tingin ng iba. Hindi madaling lunukin ang masasakit na salita lalo na’t kilala niya ang sarili at alam niyang iniuuwi niya sa pamilya ang bawat sentimo na natatanggap niya.

Isang araw tuluyan ng napagod si Andreo. May matinding lagnat siya at halos hindi makatayo. Hindi pa rin tumigil ang schedule na iginuhit ni Ma’am Hermenia. May event na kailangang kantahan. Sinubukang lumapit ni Andreo sa guro. Ma’am, nilalagnat po ako. Parang hindi ko kaya Anya. Habang namumutla. Imbes na alalahanin siya, sinigawan siya ni Ma’am Herminia. Ikaw lang.

Sino magpe-perform doon? Huwag kang maarte. Minahal ka na ng audience. Kailangan ka nila. Doon na nagtapos ang pasensya ni Andreo. Ma’am, hindi po ba importante rin ang kalusugan ko? Wala na po akong pahinga. Wala na po akong oras para sa pamilya ko. At higit sa lahat, gusto ko rin pong mag-aaral. Hindi naman po kayo ang laging nakakatanggap ng pressure sa stage.

Sumigaw ng malakas si Ma’am Herminia. Huwag mo akong sagutin ng ganyan, Andreo. Kung wala ako, wala kang narating. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May pagkaawa sa mukha ni Andreo. May galit sa mukha ni Ma’am Hermenia. Alam nilang parehong may punto. Ngunit sa sandaling iyon, mas nanaig ang kamalditahan ng guro. Lumayas ka kung ayaw mo ng sumunod.

Hindi akalain ni Andreo na sasabihin iyon ni ma’am Herminia na para bang wala siyang anumang halaga bilang tao. Lumabas si Andreo sa kwartong iyon na umiiyak. Hindi niya alam kung saan pupunta. Subalit naisip niya mas mabuting umuwi na ako sa amin. Doon ako mabubuhay ng may katahimikan. Kaya’t agad siyang sumakay ng bus pauwi sa baryo, dala ang kaunting ipon at ilang damit.

Pagkarating doon, inabutan niyang mas lalo pang humina si Ina. Dali-dali siyang nagpakonsulta sa doktor. Nabayaran naman niya ito mula sa premyo pero kailangan daw ng mas matagal na gamutan. Nais ni Andreo na ilipat sa mas malaking ospital. Nakita niya ang kapirasong ipon na meron siya at alam niyang hindi iyon sasapat kung magtatagal ang pag-ospital ni Ina.

Hindi niya maiwasang maiyak at mapaisip. Ano pang gagawin ko? Kailangan ko ba talagang bumalik sa pagkanta para kumita? Ilang araw siyang nanatili sa baryo. Inaalagaan ang ina. May panakanakang dumadating na text si Ma’am Herminia. Minsan ay puro paninisi. Minsan ay pakiusap. Andreo, bumalik ka na. Kailangan ka namin para sa nalalapit na event.

Hindi sumagot si Andreo. Hindi siya handa. Hanggang sa isang gabi, dumating sina Marcela at ang tatay ni Andreo. Mukhang nag-aalala. May dumating na mga taga lungsod. Gustong kausapin ka. Saad ni tatay. Lumabas si Andreo. Nakita niya ang dalawang representante mula sa isang malaking music label. Hello Andreo. Sorry to bother you.

We heard your story and we want to offer you a formal recording contract full benefits. Narinig namin ang reklamo mo tungkol sa manager mo. We’re open to working directly with you. Baka gusto mong ituloy ang career mo in a better environment. We are legit. We can help you manage your finances and will support your education.

paliwanag ng isa. Hindi makapaniwala si Andreo na totoo ang mga pangako. Maraming nangyayaring scam at takot siyang magkamali uli. Kailangan ko pong pag-isipan ito. Sagot niya ng mahina. We understand. Take your time but we’ll need an answer soon. We heard about your mother’s condition. We can also help provide medical assistance kung pipirma ka sa amin.

Gulong-gulo ang isip ni Andreo. Naalala niya ang ginawang paggamit sa kanya ni Ma’am Herminia. Natatakot siyang baka ibang klase lang din ito ng panggagamit. Sa kabilang banda, sinasabi ng label na susuportahan siya sa edukasyon at pagpapagamot sa ina. Ito na ba ang katuparan ng pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya? Kinausap niya si Ina.

Ney, kailangan ko pong magdesisyon. Kung tatanggihan ko ito, mapipilitan akong maghanap ng ibang pagkakakitaan. Baka ilang taon ang lumipas bago ako makaipon para sa operasyon ninyo. Kung tatanggapin ko naman, baka naman maulit lang ang nangyari kay Ma’am Herminia. Inubo si Ina pero nagpakatatag at hinawakan ang kamay ni Andreo.

Anak, ikaw ang nakakaalam kung handa ka pang sumubok. Wala tayong madali ang paraan. para makamit ang tagumpay. Kung nakikita mong may buti ang alok nila, subukan mo. Pero ingat ka. Pag-aralan mong mabuti ang kontrata. Tama ang ina. Kailangan niyang basahin at unawain ang nakasulat kahit pa hindi siya eksperto sa legalities.

Dito pumasok si Marcela. Andreo, may kakilala ang tito ko na abogado sa bayan. Baka pwede natin siyang lapitan para basahin yung kontrata. Umoo si Andreo. Kinabukasan, pina-check nila ang kontrata. Napag-alamang maayos naman ang mga kondisyon. Meron silang guaranteed na magbabayad para sa edukasyon ni Andreo. May health insurance para kay Ina at may porsyentong mapupunta sa savings ni Andreo.

Taliwas ito sa nakaraan niyang kasunduan kay Ma’am Herminia na wala namang nakapirma at oral lamang. Malinaw rin sa kontrata na may limitasyon ang oras ng trabaho ni Andreo para makapag-focus pa rin siya sa pag-aaral. Napangiti ang abogado. Mukhang ayos ito, Andreo. Basta maging tapat ka lang at protektahan mo ang sarili mo.

Nagpasalamat si Andreo at Marcela. Bago pumirma, hinarap muna ni Andreo si Ma’am Herminia. Nalaman kasi ng guro ang tungkol sa label. Nag-text ito at sinabing magkita tayo. Pagkikita nila, unang binungad ni Ma’am Herminia ay pang-aakusang trador ka. Hindi mo ako maloloko. Ang dami kong nagawa para sa’yo.

Tapos makikipagkontrata ka sa ibang tao. Masakit sa loob ni Andreo dahil kaya naman niyang hindi pumunta pero gusto pa rin niyang ipaliwanag ang panig niya. Ma’am, utang ko sa inyo ang pagsali ko sa mga unang contest at nagpapasalamat ako roon. Pero dumating din ako sa punto na halos nasakripisyo na ang kalusugan ko at pag-aaral ko para sa ambisyon ninyo.

Halatang naiinis si Ma’am Hermenia. Wala ka sanang mararating kung hindi dahil sa akin. Huwag mo akong sumbatan. Hindi na nakipagtalo si Andreo. Maraming salamat po ma’am. Pero magpapaalam na po ako. Pipirma po ako sa ibang recording company na mas may malasakit sa akin. Tumulo ang luha ni Andreo. Kung tutuusin, naging bahagi rin ng kanyang tagumpay si Ma’am Herminia.

Pero napagod na siyang sumunod sa kagustuhan nito. “Bahala ka!” sigaw ni Ma’am Hermenia. “Huwag mo ng balaking bumalik pa sa eskwela namin. Sisiraan kita roon.” May takot mang sumilay sa puso niya. Tinibayan ni Andreo ang loob. Wala po akong balak makipag-away. Basta po iyun ang desisyon ko. Sana po maintindihan ninyo.

Nilisan ni Andreo ang silid na may mabigat na pakiramdam ngunit alam niyang kinakailangan niya itong gawin. Sa huli, tinanggap ni Andreo ang kontrata. Nakipag-ugnayan siya sa label at inihatid ng mga ito sa siyudad kasama si Marcela na kusang sumama para may kasama siya. Nag-umpisa na ang panibagong kabanatan ng kanyang buhay.

Nagkaroon siya ng vocal training pero hindi kasing stressful tulad nung kay Ma’am Herminia. May oras pa rin siya sa pag-aaral dahil nag-enroll siya sa isang online high school program sinusuportahan ng label. Ang ina naman ay dinala sa mas maayos na ospital at kahit matagal ang gamutan na siguro nilang may budget at may tamang pag-aalaga.

Bumalik naman si tatay sa bukid. Mas magaan na rin ang pakiramdam dahil hindi na siya nag-iisa sa pagbabayad ng gastusin. Sa paglipas ng mga buwan, nakapag-record si Andreo ng ilang kanta. Nakakaipon siya ng sapat para unti-unting makapagpatayo ng mas matatag na bahay para sa pamilya. Naituloy rin niya ang pag-aaral at sa wakas, naka-graduate siya ng high school na may magandang marka.

Ang label ay tumupad naman sa pangako nilang bigyan siya ng scholarship sa kolehiyo. Kaya habang pumapasok si Andreo sa kolehiyo, kumakanta pa rin siya. Pero hindi na sa pilitan kundi may tamang balanse, tinutupad niya ang pangako kay Ina hahayaang maging hadlang sa edukasyon ang kanyang pagkanta. Habang lumalaki pa ang pangalan ni Andreo, naging maganda ang pamumuhay ng pamilya niya.

Naiayos na ang kalusugan ni Ina bagam’t kailangang ipagpatuloy ang maintenance. Nakabili na rin sila ng konting lupain para pagtaniman kung saan hindi na kailangan gumastos ng malaking renta. Minsan tinatanong ni Andreo ang sarili kung hindi ba siya nananaginip. Ang dating dugyot, tampulan ng tukso at halos walang gustong lumapit ay naging isang kinikilala at iginagalang na mga awit.

May mga fans na lumalapit upang ipakita ang kanilang pagsuporta at may mga bata na sumasakay sa kanyang kwento bilang inspirasyon. Kapag may nagpapakuha ng litrato o humihingi ng autograph, hindi niya magawang tanggihan. Naiisip niya ang mga taong katulad niya noon, walang tiwala sa sarili at galing sa hirap.

Kung kaya ko, kaya niyo rin. Lagi niyang sinasabi. Naging normal na bahagi ng buhay ni Andreo ang pagkanta. Kahit hindi na siya madalas sumali sa mga patimpalak, iniimbitahan siya sa mga konsyerto, charity events at iba pang pagdiriwang. Lahat ng ito ay ginawa niyang balanse sa pag-aaral. sa kolehiyo.

Kumuha siya ng kursong may kinalaman sa negosyo. Sabi niya kasi ayokong habang buhay na umaasa lamang sa pagkanta. Gusto kong matutong magpatakbo ng sariling negosyo para mas makatulong sa pamilya at sa ibang tao. Habang malapit ng magtapos, inialay niya ang kanyang thesis sa pag-unlad ng mga magsasaka sa probinsya. Iniisip pa rin ang hirap na dinanas ng kanyang ama.

At dumating ang oras na sumapit siya sa pinakahuling taon sa kolehiyo. Kakaunti na lang at isa ng ganap na graduate si Andreo. Isang buwan bago ang kanyang graduation, may dumating na sulat mula sa Santa Isabela High School ang dating paaralan na pinagmulan ni Andreo. Nakasaad dito na inaanyayahan si Andreo bilang panauhing tagapagsalita at panauhing pandangal sa kanilang foundation day.

Hindi niya alam kung bahagi dito si Ma’am Herminia o kung andoon pa ba ito. Pero naalala niya ang pangyayari noon, ang unang beses na napahiya siya sa stage at kung paano siya tinulungan ng pagkakataon para iangat ang kanyang sarili. Naisip niya siguro panahon na upang bumalik at ibahagi naman ang kanyang kwento bilang inspirasyon sa mga estudyanteng mahihirap o tinutukso.

Sumang-ayon siya sa imbitasyon. Pagdating ng araw ng foundation day, bumalik si Andreo sa lumang eskwelahan. Halos walang pinagbago ang estruktura pero mas malaki na ang stage, mas makulay na ang mga dekorasyon. Nakasuot si Andreo ng simple ngunit maayos na damit. Hinahandaan niya ang talumpati. Pagsapit niya sa silid ng mga guro kung saan siya dapat hintayin, nakasalubong niya ang ilang taong dati ay nanlait sa kanya.

Ngayon, nakangiti at binabati siya. Ay si Sir Andreo ba ito? Wow! Sikat na sikat na kayo. Wala ng sama ng loob si Andreo. Ngumiti lang siya. Natanawan niya si Marcela sa malayo. Isa na rin itong guro ngayon sa eskwelahan. Marcela, kumusta ka? Bumeso si Andreo at nagkumustahan sila. Nabalitaan niyang si Marcela ay kumuha ng kursong edukasyon at bumalik sa Sta upang magturo at makatulong.

May isa pa akong balita. Bulong ni Marcela. Andito pa rin si Ma’am Hermenia. Hindi na siya advisor kundi ordinaryong guro na lang dahil napag-alaman ng pamunuan ang ilang reklamo tungkol sa hindi makataong pagma-manage niya noon sa mga estudyante. May mga nagreklamo ring magulang.

Bahagyang nalungkot si Andreo pero inisip niya, “Sana okay naman siya.” Hiniling kay Andreo na umawit muli sa stage bilang bahagi ng pagdiriwang. Pumayag naman si Andreo. Inaalay ang kanyang numero para sa mga bata at manonood. Bago siya umawit, ibinigay niya ang kanyang talumpati. Kinuwento niya ang kanyang pinagdaanan, ang hirap, ang pangungutya at ang pagpapasalamat na kahit papaano ay binigyan siya ng pagkakataon ng paaralan.

Hindi ko makakalimutan na unang beses kong tumayo sa stage na ito. Ako’y napahiya, tinawag na dugyot. Pero hindi ito naging hadlang para iangat ko ang aking sarili. Kaya sa lahat ng estudyante, hindi baling madapa basta bumangon. Huwag kayong mawalan ng pag-asa kahit gaano kahirap ang buhay. Nagpalakpakan ang mga tao at may ilan pang kumukuha ng video.

Pagkatapos inwit ni Andreo ang kanta. na minsan niyang kinanta nung una siyang tumuntong sa stage. Pero ngayon mas buo, mas matapang at mas malaya. Sa isang gilid, natanaw niya si Ma’am Herminia nakaupo tila nahihiya o natatakot lumapit. Natapos ang awit, nagsipalakpakan ang lahat. Dahan-dahang tumayo si Ma’am Herminia at nilapitan si Andreo.

Wala ng bakas ng dating kayabangan. Mukhang naaawa ito sa sarili dahil siguro pakiramdam niya ay siya ang kontrabida sa buhay ni Andreo. Pagharap sa kanya, nagsalita si Ma’am Herminia. Andreo, anak, papasensya ka na kung hindi nakapagsalita ng buo ang guro. Yumuko ito parang nahihiya at nagi-gilty. Nadama ni Andreo ang sinceridad. Ma’am, wala po yon.

Naging parte kayo ng paglalakbay ko. Salamat pa rin po sa lahat. Tanging nasabi ni Ma’am Herminia ay patawad Andreo. Hindi ko alam na na mali pala ang naging paraan ko. Napangiti si Andreo. Ma’am pwede po tayong magsimula muli. Salamat at nandito pa rin kayo. Niyakap ni Andreo ang guro. Bagay na hindi inaasahan ng karamihan.

Dumaloy ang luha ni Ma’am Herminia. Isang tagpong nagpapaalala na kahit may kasalanan siya noon, handa siyang humingi ng tawad at si Andreo ay handang magpatawad. Hindi nagtagal nakuha ni Andreo ang atensyon ng lahat bilang isang huwaran ng kababa ang loob at pagsisikap. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang kahirapan, hindi sagabal ang pangungutya at hindi kailangang maging mapaghiganti sa mga taong lumait at nangapi sa kanya noon.

Dinala niya sa kanyang puso ang aral na kung talagang para sa’yo ang isang biyaya, matutupad ito basta ilaan mo ang tamang determinasyon at pananampalataya. Sa mga sumunod na taon, nakapagtapos si Andreo ng kolehiyo na itinataguyod pa rin ng kanyang musikang karera. Hindi lamang siya nakilala bilang singer kundi bilang isang tagapagtagod ng edukasyon.

Nagtayo siya ng munting programa sa baryo kung saan binibigyan niya ng scholarship ang mga kabataang nagnanais umangat mula sa kahirapan lalo na yung may talento ngunit walang kakayahan. Tinawag niya itong ang dugyot noon Pandangal ngayon Foundation bilang pag-alala sa naramdaman niyang diskriminasyon noon. Sa kanyang mga talumpati, lagi niyang sinasabi, “Ako man ay dugyot noon pero nagbunga ang sakripisyo.

Huwag ninyong ismulin ang mga batang marurumi ang damit at walang magagarang gamit. Malay ninyo, sila pa ang susunod na mamangha sa inyo. Habang nagpapatuloy ang buhay, mas naging tahimik at mas makabuluhan ang araw-araw ni Andreo. Nagkaroon siya ng higit na panahon para sa pamilya na babantayan ng ina na ngayo’y mas maayos na ang kalusugan.

Kung may oras, dumadalaw pa rin siya sa bukid kasama si tatay. Nagpapatuloy din ang relasyon nila ni Marcela na ngayon ay isa sa pinakamalapit niyang kaibigan at marahil ay higit pa. Hindi naman sila nagmadaling itawid ito sa romansa sapagkat marami pa silang gustong gawin sa buhay. Subalit nagkakaintindihan sila at tahimik na umaalalay sa isa’t isa.

Nakapag-usap pa sila minsan. Andreo, tingnan mo kung gaano na tayo kalayo mula sa araw na pinilit kitang umawit sa silid ni Ma’am Herminya. Tatawa si Andreo. Kung wala ka roon, hindi ko alam kung hanggang saan ako kakayanin ng hiya ko. Nagpasalamat siya na may isang Marcela na nagtiwala sa kanya.

Dumating pa ang iba’t ibang tagumpay. Meron pang mga album na lumabas. May mga award at kahit sa ibang bansa ay naimbitahan na ring kumanta si Andreo. Ngunit sa lahat ng ito, laging dala ni Andreo ang aral na huwag lumaki ang ulo. Ayaw niyang maulit sa kanya ang naging ugali ni Ma’am Herminia. Sa halip, natuto siyang maging mapagkumbaba, mapagpasensya at mapagbigay.

Kapag nakikita niya ang mga batang sumasalubong sa kanya, naglalaan siya ng oras upang makipagkwentuhan o magbigay ng payo. Kung meron mang batang inaapi dahil sa kahirapan, mas lalong pinapalakas niya ang loob na tumayo ka lang diyan. Hindi sukatan ng tao ang damit o sapatos o kung anong brand ng gamit.

Ang sukatan ay kung gaano kalaki ang puso mo at kung anong kaya mong ibahagi sa mundo. Sa paglipas pa ng maraming taon, nakilala si Andreo bilang ang umawit mula sa bukid, isang bansagpapahiwatig kung saan nanggaling ang kanyang talento. Mula sa nakaugat na hirap, sa matabang lupa ng bukid kung saan siya unang natuto ng pagsisikap at pagtitiis.

Ang kanyang buhay ay naging halimbawa sa maraming kabataan. At naging patunay na kahit sino basta may sipag at tiyaga ay may kakayahang abutin ang mga pangarap. Hindi man naging madali ang daan at hindi man laging maganda ang naging karanasan, nakagawa siya ng paraan upang gawing lakas ang mga balakid. At kung babalikan natin ang eksenang iyon noon, ang sigaw ni ma’am Herminia. Halika nga rito, Andreo.

Tumayo ka sa gitna nang makita ng lahat kung gaano ka kadungis. Si Andreo man ay hindi raw makakalimot pero para sa kanya iyon ay bahagi lamang ng kasaysayan. Kung hindi nangyari iyon baka hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanyang boses na marinig at baka hindi niya nakita ang apoy sa puso niyang kantahin ang kanyang nararamdaman.

Sa huli, ang panghiya ni Ma’am Hermenia ay siyang naging mitsa ng kanyang pagsabog bilang isang totoong mangaawit at nagbago hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang pananaw ng buong komunidad sa kakayahan ng isang mahirap at dugyot na bata. Ngayon may mga bagong guro na dumarating sa Santa Isabela High School at isinasalaysay nila ang kwento ni Andreo bilang inspirasyon.

Dati may isang bata ritong laging marumi ang damit. Laging inaape. Ngunit nang bigyan siya ng mikropono at pagkakataong ipakita ang talento, nag-iba ang kalakaran. Napangiti na lang si Andreo nang minsan ay narinig niya itong ikinukwento ni Marcela sa mga estudyante. May isang bata nga roon na namumukhaan niya ang sarili. Mahiyain, may punit ang uniporme at marahil pinaglalaruan ng kapwa niya.

Lumapit ito kay Andreo, dala ang isang papel at humihingi ng autograph. Sir Andreo, pwede ba? Nakita ni Andreo ang nangingilid na luha ng bata na wari nakikita sa kanya ang sariling pangarap. Agad niyang nilagdaan ang papel kasabay ng sulat na ipagpatuloy mo ang pangarap mo. Ikaw ang susunod na magpapaw sa mundo.

At sa kabila ng lahat nanatiling bukas ang puso ni Andreo para sa kapwa. Mas marami pa siyang tinulungang mga batang tulad niya na walang magarbong gamit, walang pera at pinagtatawanan. Nakipagtulungan siya sa lokal na pamahalaan para makapagtayo ng music workshop para sa mga interesadong kabataan. Naniniwala siyang hindi lang pagkanta ang dapat ipagkaloob kundi pati ang pagpapatibay ng loob at paghubog ng tiwala sa sarili.

Kasama ng iba pang mga tagasuporta, pinasigla nila ang komunidad sa pamamagitan ng mga outreach, scholarship at training. At iyan ang naging katuparan ng panaginip ni Andreo na mabigyan ng pag-asa ang iba pang dugyot na bata. Sa huli, hindi na mahalaga kay Andreo kung tatagal pa ang kanyang kasikatan. Alam niyang ang bawat pag-aw alay niya sa Diyos, sa pamilya at sa mga tao.

Natuto siyang maging masaya sa simple at payapang pamumuhay. Kung lumalapit man ang tagumpay, tinatanggap niya ito ng may pagpapakumbaba. sapagkat mula sa kanyang naranasan, alam niya kung gaano kabilis magbago ang tingin ng mundo. Ngunit nananatiling hindi nabubura sa kanyang isipan ang ekspresyon ng mga tao sa unang pag-aw niya sa gitna ng stage.

Ang pagkagulat, ang paghanga at ang pagkamangha na kayang gawin ng isang dugyot na bata. At marahil iyon ang patuloy na magpapaalala sa kanya na magiging matibay ang sinumang naniniwala sa sariling kakayahan. At walang imposible kung ipaglalaban mo ang pangarap na alam mong makapagpapabuti ng iyong buhay at ng buhay ng mga taong mahalaga sa iyo na hindi mahalaga kung saan ka nanggaling, kung sino ang mga magulang mo, anong kasuotan mo o ilang beses ka pa hinusgahan.

Mahalaga ay kung paano mo haharapin ang bawat hampas ng tadhana at gagamitin ito bilang inspirasyon para tumayo sa gitna ng entablado ng buhay sa kabila ng lahat at sabihing narito ako handang ipakita sa mundo kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin. At iyan ang kwento ni Andreo, ang dugyot na bata na tinawag sa gitna ng entablado para ipahiya ngunit siyang nagpabilib sa lahat.

at nagbago ng tuluyan ang takbo ng kanyang buhay. Naging masaya ang katapusan hindi dahil sa kasikatan lamang kundi dahil natutunan niyang gamitin ang kanyang biyaya upang makatulong sa iba. At nang hindi na muling may mapahiya pang tulad niya noon, bagkos madiskubre ang makinang natalento at pusong taglay ng bawat bata. Mahirap man o mayaman