CCTV na ibinahagi si Ivan Cesarong Kilyo ang nasabing ex-boyfriend ng model and viva max artist na si Gina Lima. Ibinahagi sa kanyang Facebook at ilang oras lamang itong nakakalipas matapos. Ang nasabi ngang balita na nakakalungkot na pumanaw na rin ang itong si Ronkill dahil sa pagpaslang sa kanyang sarili.
Ibinahagi ni Ronquillya ang caption at ang video kung saan ang CCTV ng pagpasok nila ng kanyang ex-girlfriend na si Gina Lima at makikita na walang katotohanan ang mga pinagbibibintang sa kanya ng mga kaibigan ni Gina. Sabi ni Ivan Cesarong Kilyo, “O na pala yung huling pahinga natin. Baby, dapat sinabi mo mahal na mahal kita.
Sinerman mo pa ako nang hindi ko binati ang papa at panay kang sabi sa papa mo na nami-miss mo na siya ngayon. Baby, susunod ako sao diyan kung asan ka man.” Ang nasabi nga pong isang video kung saan umiiyak ito ay ang time na dinala niya ang ex-girlfriend na si G na lima sa ospital. Umiiyak siya at sinasabing huwag mo akong iwan.
Mahal na mahal kita. Yan ang nasabi nga pong ibinahagi ni Ivan bago nito kitlin ang sarili niyang buhay. Sa video din na ibinahagi nitong si Ivan Cesar Ronquilyo. Sinabi niya kay Kevin Tan ang mensahe na ito na ipinost ang kanyang mga kalmot at pasang mukha. Kay Kevin Tan Yang. Maraming salamat sa ginawa mo sa mukha justice na rin.
Bahala sa’yo at maraming salamat sa pagkalat ng maling impormasyon. Narito pa ang naging impormasyon nitong si Valentine Rosales. Ania Hoy Ivan Cesarong Killo. Kahit mag-deactivate ka pa ng Facebook mo, hindi ako papayag na walang hustisya sa pagpanaw niyang si Gina Lima. blankka, mas matangkad ka pa sa akin. Tapos yung bugbugin mong babae na wala pa sa kalahati ng laki mo, binugbog mo siya ng malala tapos iniwan mo lang ng nakahandusay sa kwarto.
Namatay ang kaibigan ko. Gawa ng internal bleeding. 6 hours ng patay bago sinugod sa ospital. Napakahayop mo. Mga ah babayad ka or magbabayad ka sa kulungan. ‘Yan po ang mga nasabing pagbibintang dito kay Ronquilyo at ibinahagi na nga niya ang nasabing video na maayos silang pumasok at pulis na mismo ang nagsabi na ang dahilan ng pagpanaw ay narito po at ibinahagi ng ilang netizen.
Overdose sa droga sa bugbog, sinira niyo image ni kuya Ivan. Eh hindi niyo alam totoong story. Binugbog niyo pa siya sa kotse eh si Gina pumunta sa place ng ex-boyfriend niya na si Ivan after mag-take ng blank. Tapos inaaya si Ivan mag-drop o take ng drugs. Eh hindi pumayag si Ivan kaya nag-take ng sleeping pill si Gina which is gawain ng mga blank.
Kasi kapag nagte-take ka ah gigising buong diwa mo ik. Kasi dami kong kilalang black at gawain nila ‘yan. Sabi sa ospital, cardiorespiratory distress cause of death which is common sa nangyari sa mga black kagaya ni daera at ni Gina. Parehong friend ni Valentine na namatay sa overdose. Napatunayan na rin na inosente si Kuya Ivan.
pulis mismo ang nagsasabi na kasuhan ng mga adik na friend ni Gina na nangbugbog at nagpakalat ng fake news. Kaya naman o ang sigaw ng mga netic Valentine Rosales on Nanes. Chika mo bading ka talaga pala post haha. Kaya naman yan. So ayan po ang naging panawagan nila. Ang advice pa ng isa. Dami ng namatay na lagi kang involved I think you should change na how you approach people. Magbago ka na.
Be careful on your words and what you post in social media. Images are all credit to the rightful owners.
Pinupuntirya ng netizens ang social media personality na si Valentine Rosales matapos pumanaw ang dating jowa ni VMX actress Gina Lima na si Ivan Cesar Ronquillo.
Kabilang ngayon si Valentine sa listahan ng trending topics sa social media platform na X (dating Twitter).
Matatandaang ayon sa ulat ng TV Patrol noong Nobyembre 18, napansin umano ni Ivan na tila hindi na humihinga si Gina noong magkasama sila sa isang condominum unit sa Quezon City noong Nobyembre 16.
Kaya dinala niya ang dating nobya sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival pagdating doon.
Dahil dito, lumutang ang mga espekulasyon na si Ivan ang nasa likod ng nasabing insidente. Isa sa mga nagkomento rito ay si Valentine.
“Hoy!!!! Ivan Cezar Ronquillo kahit mag Deativate ka pa ng Facebook mo! Hindi ako papayag na walang hustisya sa Pagkamatay niya Gina Lima! Hayop ka mas matangkad kapa sakin tapos yung bubogbogin mo Babae na wala pa sa kalahati ng laki mo?” saad ni Valentine sa kaniyang Facebook post, as is published.
Ngunit batay sa autopsy report ng Quezon City Police Department (QCPD) Forensic Unit, hindi namatay si Gina sa mga pasang nakita sa hita nito.
“Autopsy findings: Presence of non-fatal external injuries; Presence of heart congestion, congested and edematous lungs,” sabi sa ulat
Nitong Miyerkules, Nobyembre 19, napabalita naman ang tungkol sa pagkamatay ni Ivan, na batay sa mga lumalabas na espekulasyon, ay nagkitil ng sariling buhay dahil umano sa nangyari kay Gina.
Batay naman sa autopsy report na inilabas ng QCPD tungkol sa pagkamatay ng aktres, napagbuntunan ng mga netizen si Valentine dahil daw sa umano’y “fake news” sa post niya laban kay Ivan
Batay naman sa huling post ni Ivan, lalong lumutang ang mga espekulasyon tungkol sa ginawa ni Ivan sa kaniyang sarili.Nakapag-post pa si Ivan ng mensahe kay Gina sa kaniyang Facebook post bago siya tuluyang mamaalam. Aniya, “hayaan mo susunod ako sayo.”
Bagama’t humingi na si Valentine ng pasensya at nagpaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Ivan, iginiit niyang isa lang din siyang biktima ng maling impormasyon.
Napatanong din siya kung bakit siya ang kailangang sisihin sa umano’y ginawa ni Ivan sa kaniyang sarili.
Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 19, as is published, “[Goodmorning, kakagising ko lang and yes, I heard the tragic news, I feel sorry and my deepest condolences go out to both the family of the bereaved to my Bebe Ivan and baby Gina. Unang una sa lahat bat ako ang sinisisi ninyo sa pag Su*c*de niya? eh tulad niyo! biktima din ako ng mis-Information dahil kay Kevin Tan ko lang din nalaman na kako binugbog daw ni Ivan si Gina, Which as a friend ang initial reaction ko is galit at poot kaya nag posts ako regarding the information I received.”
“Ngayon kayong mga nag share at nakichismis kaya nag Viral yun ay ang may kasalanan dahil di naman yun kakalat at magiging ingay kung wala din naman naniwala at hindi din niyo shinare ang post kong yun. Tulad niyo ay isa rin akong biktima! Sa tingin niyo kanino ko nalaman yung mga details tulad ng cause of death? oras? at hospital? edi sa mutual friends din namin. Which is hindi ko na idadamay dahil hindi ako tulad niyo na nag hahanap ng sisisihin. tignan niyo nga! humingi ang ABS CBN at GMA news sakin ng mga information.”
“But Since wala pang official reports and autopsy findings hindi ako nag bigay ng statement ko kasi nga hindi naman sakin nangaling ang news na yan at pinaka huli sa lahat Bakit hindi na kita mahanap dito sa FB Kevin Tan?”
“Just A Reminder for everyone: Please be kind, you don’t know how much your words and actions can affect someone, emotionally, mentally and physically. Stop negativity.”
Samantala, narito naman ang ilang hanash ng netizens:
“gusto ko na makulong ang mga sangkot sa flood control corruption pero kung mauunang makulong si valentine rosales okay lang din naman sakin”
“ang sad ng nangyari kina Gina Lima and Ivan Cezar Ronquillo, i hope they find their peace na. Pero ang takeaway ko sa issue na to ay si Valentine Rosales ay isang menace sa society at kailangan maging accountable sa mga pinopost nya!!!”
“Shutangina ka Valentine Rosales bat ka pa kasi nagkaroon ng platform, napaka problematic mo and now you caused a death resulting from the false information you have spread. Tapos gagamitin mo yang mental health card mo, ulol, deserve mo yan dapat sayo talaga makulong.”
“People like Valentine Rosales should go to jail.”
“Valentine Rosales, may special reservation ka na sa impyerno.”
“TANGINA MO, VALENTINE ROSALES.”
“valentine rosales once again being involved in someone’s death chi we need to lock his ugly ass up atp”
“ang sad ng nangyari kina Gina Lima and Ivan Cezar Ronquillo, i hope they find their peace na. Pero ang takeaway ko sa issue na to ay si Valentine Rosales ay isang cloutchaser sa society at kailangan nya maging accountable sa mga pinopost nya”
“Bukod sa bashing, si Valentine Rosales ang isa sa nagtrigger para gawin nya yan. Si Valentine lagi na lang involve kapag may namamatay.”
“tangina ni Valentine Rosales dahil sa pagpapakalat ng fake news may buhay na nawala dapat talaga dyan sa baklang tilapia na ‘yan kinukulong eh”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas ang kapulisan na autopsy report hinggil sa pagkamatay ni Ivan
News
Sa edad na 30, napilitan akong magpakasal dahil sa takot na tumanda, ipinikit ko ang aking mga mata at pinakasalan ang aking matalik na kaibigan, para lamang mabigla sa gabi ng aking kasal nang makita ko *iyon* sa katawan ng aking asawa…/hi
May dalawang “kwento” tungkol sa buhay ko na alam na alam ng lahat sa kapitbahayan na ito: Ang isa ay…
Ang sikreto sa likod ng siwang ng pinto/hi
Ako si Ha. Sa loob ng dalawang taon simula nang lumipat ako sa pamilya ng aking asawa, lagi kong ipinagmamalaki…
Tuwing gabi, umaalis ng bahay ang aking asawa para pumunta sa bahay ng kanyang dating asawa para “alagaan ang kanilang may sakit na anak.” Palihim ko siyang sinundan at laking gulat ko nang makita siyang buong pagmamahal na nag-aalaga sa… kanyang dating asawa, na nakabaluktot sa kama. Pero hindi lang iyon…/hi
Nagsimula ang mga Abnormalidad Isang taon na akong kasal. Nakatira kami sa isang maliit na apartment sa Distrito ng Binh…
TUMANGGI AKONG BAYARAN ANG HONEYMOON NG ATE KO MATAPOS NIYA AKONG IPINAHIYA SA HARAP NG LAHAT/hi
TUMANGGI AKONG BAYARAN ANG HONEYMOON NG ATE KO MATAPOS NIYA AKONG IPINAHIYA SA HARAP NG LAHATSimula pagkabata, ako lagi ang…
ISANG MATANDANG BABAE NA GUTAY-GUTAY ANG DAMIT ANG PUMASOK SA MAMAHALING RESTAURANT — AT ANG GINAWA NG HEAD CHEF AY NAGPATIGIL SA BUONG SILID/hi
ISANG MATANDANG BABAE NA GUTAY-GUTAY ANG DAMIT ANG PUMASOK SA MAMAHALING RESTAURANT — AT ANG GINAWA NG HEAD CHEF AY…
HINDI LANG TULOGAN ANG MURANG MOTEL NA ITO — ANG SEKRETONG PAGBABAGONG BUHAY NG MGA NANGANGAILANGAN AY NAGSISIMULA SA ROOM 12/hi
HINDI LANG TULOGAN ANG MURANG MOTEL NA ITO — ANG SEKRETONG PAGBABAGONG BUHAY NG MGA NANGANGAILANGAN AY NAGSISIMULA SA ROOM…
End of content
No more pages to load






