Lea, bangon na anak. Mahuli ka na sa klase. Maamo ang boses ni Alma habang marahang hinahaplos ang buhok ng anak niya. Amoy kape at pritong tuyo ang maliit na bahay nila sa gilid ng palengke. Hinaluan ng maingay na sigawan ang tinderang naglalako sa labas. Iyon ang mundo ni Leya. Maingay na sikip pero puno ng yakap at niti ng kanyang ina at ama.
Ma, 5 minutes pa. Ungol ni Leya sabay talukbong ng manipis na kumot. 5 minutes karan. Magiging isang oras na naman yan. Natatawang singit ng ama niyang si Mario mula sa may pintuan. Suot na ang kupas na jacket na lagi niyang ginagamit sa pagmamaneho ng jeep. Napaupo si Leya sabay kamot sa ulo.
Good morning pupa. Bati niya. Sabay lapit para humalik sa pisngi ng ama. Good morning anak. Tara. Sabay na tayong kumain. May kanin pa kagabi tapos may tuyo at kamatis. Paborito mo, sabi ni Alma. Pilit na ginagawang masaya ang boses kahit may bahid na ng pagod ang mukha. Mabilis ang takbo ng umaga nila, si Mario ay nagmamadaling sumakay sa jeep bago sumikip ang kalsada.
Si Alma naman ay mag-aayos ng paninda sa palengke. Mga gulay na isinu-supply ni Mang Tonyo mula sa probinsya. Si Leya bitbit ang lumang backpack ay lalakad papuntang eskwelahan. Nakayuko pero laging mayiti kapag nakikita ang kaibigan niyang si Joan sa fanto. “Lea, sabay na tayo.” sigaw ni Joan. Kumhaway habang tumatakbo. “Jo, tignan mo ‘to. ” bulong miya sabay hawak sa papel. “Naka-perfect ako sa quiz sa math. Baka sakaling ipagyabang ni Ma sa palengke mamaya.” Uy, congrats. Proud naman si Tita Almaan, for sure. At totoo nga tuwing may mataas na marka si Lea, lagi itong ipinapa-skill ni Alma sa pader gamit ang lumang masking tape.
Ito ang kayamanan natin. Madalas sabihin ni Alma, hindi ko man maipili ka ng mamahaling gamit, pero hangga’t kaya kong igapang ang pag-aaral mo, gagawin ko. Pero isang gabi, napansin ni Lea na hindi na ganoon kabilis kumilos ang ina. Pinagpawisan ito ng malamig kahit hindi naman mainit ang panahon.
Habang nagwawalis si Alma, bigla itong napahawak sa dibdib at naupo. “Ma, okay ka lang?” Halos pasigaw na tanong ni Lea. Agad lumapit. “Pagod lang siguro, anak.” Pilit na ngiti ni Alma. “Hayaan mo na, bukas okay na.” Nang gabing iyon hindi makatulog si Lea. Naririnig niya ang pabulong na usapan ng mga magulang niya sa sala.
Mar, hindi na normal to. Ilang araw na akong hinihingal kahit konting galaw lang. Mahinang sabi ni Alma. Magpatingin na tayo sa health center bukas. Sagot ni Mario halatang nag-aalala. Huwag mong isipin ang gastos. Bahala na basta gumaling ka. Pero hindi kinaya ng health center ang kalagayan ni Alma.
Kailangan daw itong dalhin sa ospital para sa mas kumpletong tests. Doon nagsimulang maubos ang kaunting naon ni Mario. Isinangla niya ang lumang singsing. Sinuyo si Mang Tonyo para pautangin pa sila. Si Leya ilang beses na nahuli sa klase dahil sa pagbabantay sa ina. Leya anak, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Bulong ni Alma habang nakakabit ang swero sa kamay niya. Kapag wala na si Ma, dapat kaya mo ang sarili mo. Ma, huwag ka ng ganyan. Nanginginig ang boses ni Leya. Pilit tumatawa. Hindi ka mawawala. Aayusin ka ni Lord. ‘ Ba sabi mo matibay ka. Ngumiti si Alma pero may luha sa gilid ng mata niya.
Matibay ako kasi nandiyan ka. Pero kapag may panahon, pakinggan mo rin si papa mo. Minsan matigas ang ulo non pero mabuti siyang tao. Ilang linggo lang ang lumipas at isang umaga pagbukas ni Mario ng pinto sa ospital, sinalubong sila ng malamig na katahimikan. Nawala na si Alma. Umiyak si Lia na parang mawawasak ang dibdib.
Yakap-yakap ang malamig na katawan ng ina. Si Mario napaupo sa sahig na katitig lang sa kawalan. Pa, anong gagawin natin ngayon? Mahinang tanong ni Lia sa burol. Ilang gabi pagkatapos. Hindi agad sumagot si Mario. Amoy kandila at kape ang buong kapilya. Puno ng bulaklak. Pero para kay Lia, parang wala siyang naaamoy.
Wala siyang naririnig. Ang tanging tunog ay ang pag-iyak ng sarili niyang puso. “Hindi ko alam anak.” bulong ni Mario sa wakas. Pero susubukan kong kayanin para sa’yo. Pagkaraan ng libing, biglang nag-iba ang kilos ni Mario. Kung dati kahit pagod sa biyahe ay nakikipagbiruan pa ito kay Leya, ngayon madalas na lang itong tahimik.
Nakatitig sa bote ng alak na binigay ng kabarkadang si Ruben. “Pre, hindi ka pwedeng ganyan lagi.” Sabi ni Ruben isang gabi. “Maaga kang nasisiraan ng ulo niyan. Alam mo may kakilala akong babae. Mabait, responsable. Pwede mo siyang mailala para may tutulong sao sa bahay. May mag-aasikaso sa anak mo. Hindi ko pa kaya pre. Sagot ni Mario.
Pero halatan may pag-aalinlangan. Kakamatay lang ni Alma. Eh hindi naman kita pinipilit magpakasal agad. Sagot ni Ruben. Kilala-kilala ko si Veronica. Marunong sa bahay, marunong mag-ipon. Baka sakaling gumaan ang buhay niyo lalo na’taga pa ang anak mo. Kailangan ng babaeng gagabay diyan. Una nilang nakilala si Veronica sa palengke.
Naka-blouse ito na medyo pormal, maayos ang makeup at may dalang supot ng prutas. Ikaw si Lea no? Malumanay na tanong ni Veronica. Sabay abot ng mansanas. Ang ganda-ganda mo pala. Ang swerte ni Mario sa’yo. Nahihiyang ngumiti si Lea. Salamat po. Pasensya ka na sa tatay mo ha. patuloy ni Veronica sabay tingin kay Mario na parang may lambing.
Nalulungkot lang talaga pero nandito ako ngayon. Handang tumulong kung papayag kayo. Sa umpisa, parang may liwanag na ibinabalik si Veronica sa bahay nila. Tinutulungan niyang maglinis. Minsan siya na ang nagluluto. May dala pa siyang ulam galing sa pinapasukan niyang maliit na grocery. Si Leya, bagam’t may konting kaba ay nagsimulang maalw sa bagong presensya.
Anak, okay lang ba sayo si Tita Veronica? Tanong ni Mario isang gabi habang sabay na naghuhugas ng plato. Maayos naman po siya pa, tugon ni Leya. Mabait naman pero hindi pa ba masyadong maaga? Napabuntong hininga si Mario. Oo nga. Pero ayokong ikaw ang mahirapan sa gawaing bahay, sa pag-aaral, sa lahat. Kailangan natin ng tulong.
Hindi kita kayang bantayan mag-isa. Baka baka kapag may kasama tayo, gumaan ang buhay na to. Makalipas ang ilang buwan, sinurpresa ni Mario si Leya. Anak, magpapakasal na kami ni Veronica. Parang sandaling tumigil ang mundo ni Leya. Nakatitig siya sa ama hindi makapagsalita. Sa sulok ng bahay, nakaupo si Veronica.
Nakaayos ang buhok, nakangiti pero tila may kung anong lamig sa mga mata. Ayokong ipilit sao mabilis na dugtong ni Mario pero naniniwala akong makakabuti ito sa atin. Ayoko ng mag-isa ka lang kapag wala ako. Kailangan mo ng nanay. Tiningnan ni Leya si Veronica. Nakangiti ito. Pero sa likod ngiting iyon may kutob siyang hindi niya maipaliwanag.
Kung sa tingin mo po makakabuti sa atin. Mahina yangang sagot. Pilit pinipigilan ng luha. Susubukan ko pong tanggapin. Lumapit si Veronica at marahang hinawakan ang kamay ni Lea. Salamat Lea. Hindi mo alam kung gaano ko na-appreciate yan. Pangako, aalagaan kita na parang tunay kong anak.
Sa gabing iyon, nakatingala si Lea sa kisame habang nakahiga. Tahimik ang bahay pero sa loob niya parang may nagbabadyang bagyo. Wala na si Alma. Papasok na si Veronica bilang bagong asawa ng ama niya. bagong nanay daw niya. Hindi alam ni Leya na sa pagsikat ng araw sa susunod na buwan, magsisimula ang mga sugat na hindi nakikita ng mata.
Ayon sa pagpapasya ng isang madrastang hindi talaga noon kabait tulad ng ipinapakita niya sa simula, kinabukasan matapos ang simpleng kasal nina Mario at Veronica, parang ordinaryong umaga lang ang sumalubong kay Leya. Amoy kape pa rin sa kusina. May pritong itlog sa mesa at may bagong kurtinang kulay crem na ikinabit ni Veronica kagabi.
Pero sa ilalim ng mga bagong ayos sa bahay, may kakaibang lamig na umukilkil sa loob ni Lea. Leya, gumising ka na. Marami tayong aayusin. Malakas na tawag ni Veronica mula sa sala. Napabangon si Lia. Nagmamadaling nagbihis at dumiretso sa kusina. Nasaupo na si Mario nakatungo sa taasan ng kape. Habang si Veronica naman ay nakapamewang, nakatingin sa mga plato.
“Good morning po.” Maingat na bati ni Lia. Ngumiti si Veronica pero hindi na kasing lambing ng mga nakaraang buwan. “Good morning, Lia.” O siya. After mong kumain, ikaw na sa lahat ng plato. Walis dito sa sala. Tsaka plansa ng uniporme ng papa mo. “May papasok tayong bisita mamaya.”
“Bisita po?” tanong ni Lia sabay upo sa tabi ng ama. Oo, sa ni Mario. Pilit na nakangiti. Pamangkin ni Veronica. Dito na raw muna titira habang nag-aaral sa CP. Mabait ‘yun. Masaya kang may magiging kasama sa kwarto. Hindi na nagsalita si Lia. Tahimik siyang kumain ng kanin at itlog. Pinakikiramdaman ang bawat kilos ni Veronica.
Napansin niya tuwing sisipating siya nito, parang may sinusukat. Parang tinitingnan kung saan siya pwedeng utusan, saan siya pwedeng maliitin. Pagsapit ng tanghali, dumating ang pamangkin ni Veronica. Naka-slim jeans, puting rubber shoes at branded na backpack. “Tita, sigaw ng dalaga sabay yakap kay Veronica.
Grabe ang init dito sa inyo pero at least may wifi ‘ ba?” “Oo naman Celine.” Natatawang sagot ni Veronica. “Dito ka muna sa amin habang nag-aaral ka.” O pala si Leya, anak ni Mario. Tumingin si Celine kay Leya mula ulo hanggang paa para bang sinusuri kung saan ito nagmula. Hay! Matabang na bat niya.
Ikaw yung scholars ganon? Ah hindi naman po. Nahihiyang tugon ni Leya. Public school lang ako. Still scholar pa rin yan sa buhay. Sabat ni Mario. Pilit na masaya ang tono. Mumisi si Veronica. Oh siya, Celine, pumasok ka na sa kwarto. Lea, ikaw na bahala sa mga gamit niya ha. Ilipat mo na rin yung ilan mong gamit para may space siya sa cabinet.
Mas marami kasi siyang damit. Baka hindi kasya. Parang tinusok ng karayom ang dibdib ni Lea sa narinig. Pero tumango lang siya. Opo. Sa mga sumunod na araw, naging malinaw ang bagong role ni Lea sa bahay. Siya ang tagalaba, tagaplantsa. Tagalinis, tagaluto. Siel naman laging may hawak na cellphone, nakahiga sa kama nanonood ng mga vlog at drama series.
Lea, pakidala naman ang tubig dito. Sigaw ni si Ling isang hapon habang nanonood sa phone. Naglalabas si Leya sa harap ng bahay. Nagkikiskis ng mga unipore. Palad na namumula sa sabon at tubig. Narinig niyang humalakhak si Veronica mula sa loob. Lea, mas malakas na tawag ni Veronica.
Ano ba ang bagal mo? Bisita mo yan dito ha. Huwag mong pinaghihintayan. Bitbit ang timba ng tubig. Pumasok si Lea sa loob. Basang-basa ang laylayan ng palda. Pasensya na po. Naglalaba kasi ako. Hindi dahilan yan. Singhal ni Veronica. Mag-adjust ka. Ikaw ang dapat maglingkod sa bisita. Napayo si Leya at iniabot ang baso kay Celn.
Thanks, malamig na sagot ng pamangkin. Maya-maya kinuhanan pa siya ng litrato. Tita, tingnan mo o. Para akong may personal assistant. Natawa si Veronica. Ay naku, si Lin. Sanay naman si Lea sa gawaing bahay. Diyan siya magaling sa harap ni Mario. Iba ang maskarang suot ni Veronica. Kapag pauwi na ang asawa galing biyahe, mabilis niyang aayusin ang buhok, magtitimpla ng kape at maglalagay ng ulam sa mesa.
“Hon, pagod ka na siguro.” Malambing na sabi ni Veronica isang gabi. “Huwag ka ng maganala sa bahay. Ako na bahala, Tay Lea. Ako ang kakausap. Ako ang magtuturo sa kanya. Magpahinga ka na lang.” “Salamat, Veronica.” Tanging sagot ni Mario. “Nakapikit ang mga mata sa sobrang pagod.” Kung huwag mo lang sana siyang masyadong pagalitan kapag may pagkukulang. Bata pa ‘yun.
Syempre naman mabilis na sagot ni Veronica. Sabay tingin kay Leya na nag-aayos ng pinggan. Disiplina lang ang kailangan. Pero sa paglipas ng mga linggo, lumalala ang disiplina na sinasabi niya. Kapag may konting talsik ng sabaw sa mesa, may kasunod na sampal sa kamay ni Leya. May nalaktaw gusot sa plantsadong damit. May kurot sa braso.
Natutong manahimik si Leya. lunukin ang sakit at mag-ayos na lang lalo. Sa eskwela, ramdam din ang bigat. Habang naglalakad siya papuntang classroom, nakataas ang kwelyo ng uniporme niya para takpan ang mapulang marka sa leeg na dulot ng pagkakabig ni Veronica kaninang umaga.
“Uy, Lea, bulong ni Joan sabay hablot sa braso niya.” “Ano ‘yan?” Mabilis na binawi ni Leya ang braso. “Wala to Jo. Nadulas lang ako kagabi sa kusina. Napakunot ang noon ni Joanna. Sigurado ka kasi napapansin ko ilang araw ka ng may pasa kahit si ma’am ni Risa napatingin sayo kanina. Sa klase habang nagsusulat sa pisara, palihim na tumingin si Ma’am Nisa kay Lea.
Nakakapit ang kamay ng dalaga sa notebook. Para bang takot na magkamali. Lia, tawag ng guro matapos ang klase. Pwede ka bang mag-stay sandali? Lumapit si Leya, hawak ang gamit. Opo, ma’am. Napansin ko lang madalas kang pagod, minsan antok, minsan tulala. May problema ba sa bahay? mahinahong tanong ni Ma’am Nerisa.
Mabilis na umiling si Leya. Wala po, ma’am. Marami lang po talagang gawain. Nakakatulong po ako sa bahay. Tumitig ang guro sa kanya. Bakas ang pag-aalala. Kapag may kailangan ka, Lea, pwede kang lumapit sa akin. Hindi mo kailangang sarilinin lahat. Naintindihan mo? Tumango lang si Leya. Nakaniti pero malamlam ang mga mata.
Opo, ma’am. Salamat po. Pag-uwi niya, nadatnan niya si Veronica na nakaupo sa sofa. Nagbibilang ng pera. May mga resibo ng kuryente at tubig sa mesa, pati buklet ng bote-bote sa salon. “Leah, hali ka nga rito.” utos ni Veronica. Lumapit siya po. Yung ipon mo sa Alcansia nasaan? Diretso ang tanong nito.
Yung sa baon ko po nasa ilalim ng kama ko po. Tita este ma dalhin mo rito. Ngayon na. Mabilis na kinuha ni Leya ang maliit na plastic na alkansiya na hugis baboy. Doon niya inilalagay ang tira-tirang barya sa baon o tip sa karenderyang pinapasukan niya. Tuwing Sabado. Umupo siya sa harap ni Veronica. Hawak ang alcansya. Kailangan natin yan.
pambayad sa kuryente. Paliwanag ni Veronica na parang walang puwang para tool. Ang mahal na ng bill. Kung gusto mong may ilaw tayo, dapat lahat nag-aambag. Pero iniipon ko po ‘to para sa project namin sa school. Ma, mahina niyang sabi. May hinihingi po kasing bayad. Project. Singhal ni Veronica. Ano bang mas mahalaga? Project mo o kuryente? Gusto mo bang sa dilim tayo kumain? Tsaka hindi mo naman pera yan.
Dito yan galing sa bahay na to. Natural lang na ibalik mo. Hindi na nakakibo si Leaan ngan basagin ni Veronica ang alkansiya gamitam sandok. Kumalat ang mga barya at ilang gusot na papel. Isa-isa itong sinimot ni Veronica. Inilagay sa pouch na may tatak ng isang mamahaling salon sa bayan. Salamat ha.
Malamig na sabi nito. At least marunong kang tumulong. Next time sa akin mo na lang diretso ibigay para hindi na tayo nag-aaksaya ng plastic. Habang sinisilip ni Leya ang nalalabing barya sa sahig. Pis parang pakiramdam niya pati pangarap niya unti-unting binabasag sa harap niya. Sa gabing iyon. Habang humihilik si Mario sa kabilang kwarto, nag-uusap ang tawanang nina Veronica at Celine tungkol sa bagong rebond at manicure na ipapagawa nila sa Sabado.
Tahimik lang si Leya sa sulok, naglalaba ng damit habang lumalangoy sa isip niyang tanong na hindi niya kayang bigkasin. Ganito na ba talaga ang magiging buhay ko mula ngayon? Mula ng mabasag ang maliit niyang alkansiya sa harap ni Veronica, parang araw-araw ay may kaunting piraso ng pag-asa ni Lea na kasama ring nadudurog.
Pero kahit ganon, tuloy pa rin ang takbo ng buhay. Gumigising siya ng mas maaga para makapaglaba. Naghahanda ng almusal at saka tatakbo papasok sa eskwela. Sa pagitan ng pagod at luha, hinahanap niya ang kahit munting sulok kung saan siya makahinga. Isang hapon, matapos ang remedial class sa math, nagpaalam si Joana na mauna na ito dahil susunduin daw ng kuya niya.
“Lea, sabay ka na sa amin.” Alok ni Joana. “Idadaan ka ni kuya sa inyo para hindi ka na maglakad mag-isa.” Umiling si Lea. Pilit na nakangiti. Hod na Jo. Dadaan pa kasi ako sa karenderya ni Aling Vangi. Maghuhugas pa ako ng plato. Kailangan ko ng extra para sa project natin. Napatingin si Joana sa mga mata niya. Parang gusto pang muntano pero sa huli ay tumango na lang.
Sige Testda pag may problema ka ha. Oo alam ko. Putol ni Leya. Sabay ngiti. Lalapit ako. Ingat kajadyo. Pagkatapos maghugas ng isang damakmak na plato at kaldero sa karinderya, binigyan siya ni Aling Vang supot na may dalawang pirasong pandesal at kaunting ginisang gulay na hindi na naubos ng mga customer.
Oh Lea, dalhin mo na yan, sabi ni Aling Vangy. Pang-ulam niyo bukas. Alam kong mahirap lang kayo. Sabihin mo kay Mario siyang mahiyang humingi. Paggipit. Salamat po, Aling Vangi. Taos pusong tugon ni Leya. Sabay yuko. Habang naglalakad siya pauwi, dumidilim na ang langit. Ang mga poste ng ilaw sa kanto ay nagsisimula ng magbukas isa-isa.
Sa ilalim ng isang poste sa may sulok, napansin niya ang isang pigurang nakaupo sa gilid ng bangketa. Nakatalukbong ng lumang jacket. Nakababa ang ulo. May ilang beses na rin niyang nasisilayan ang lalaking iyon. Pero ngayon lang niya ito nadaan ng ganito kalapit. Marumi ang pantalon, pudpod ang tsinelas, at may maliit na karton sa tabi na walang sulat.
Walang nakasulat na tulong o gutom po ako. Wala. Tahimik lang ito roon. Parang aninom na kalimutan ng mundo. Napakagatlabi si Leya. Naalala niya ang mga gabing halos wala silang ulam dati. Pero pinipilit ni Alma na magkasya ang konting sabaw sa kanila. Kinapa niya ang supot na hawak. Kuya, maingat niyang tawag.
Hindi sigurado kung tama ba ang tawag niya rito. Gabi na po. Kumain na po ba kayo? Dahan-dahan itinaas ng lalaki ang ulo niya. Maliwanag ang mata nito sa kabila ng dungi sa mukha. Mga matang parang sanay tumingin at umunawa. Hindi lang manghingi. Medyo tugon nito. May bahagyang ngisi. May kaunting tinapay kanina.
Pero baka hanggang doon na lang ‘yon. Nalunok ni Leya ang kaba. Iniangat niya ang supot. May extra po akong pandesal at gulay. Binigay lang ni Aling Vangi. Kukunin ni papa ‘yung iba pero siguro pwede naman pong hati tayo. Saglit na tumahimik ang lalaki. Tinitigan siya. Sigurado ka? Hindi ba ikaw ang mas nangangailangan yan? Umiling si Leya.
Sanay po kaming magtiis. At least kayo po huwag niyo pong tiisin masyado. Napatawa ito ng mahina. Ang tanda ko na kuya patawag mo sa akin. Pero sige tatanggapin ko. Salamat. Lepo pakilala niya sabay abot ng supot. Santino sagot ng lalaki sabay abot sa pagkain. Pwede ka bang kumupo sandali? Hindi naman kita tatangayin. Pangako.
Nag-aalan man pero sapat para maramdaman ang lamig ng semento at hangin. Araw-araw ka bang dito? Tanong niya. Hindi naman araw-araw. Sagot ni Santino habang dahan-dahang kinakain ang pandesal. Para bang bawat kagat ay mahalaga. Pero madalas dito kasi tahimik. Kahit maingay ang mga jeep, at least hindi maay ang tao sa akin.
Lahat busy sa buhay nila. May pamilya po kayo? Usisa ni Leya sa kaagad kinabahan. Ay sorry po kung ayaw niyo pong sagutin. Ayos lang. Putol ni Santino. Mayroon. Malayo sila sa akin ngayon sa probinsya. May mga inaasikaso pa ako rito sa Maynila kaya heto kung saan-saan muna natutulog.
Hindi niya alam kung bakit. Pero sa boses ni Santino, may kakaibang kapanatagan si Lea. Hindi ito katulad ng ibang lasing o palamurang nakikita niya sa kanto. Maayos magsalita, malalim mag-isip. Parang may laman bawat salita. Ikaw? Balik tanong ni Santino. Hindi pa ako nakakita ng dalagitang galing eskwelahan na naglalakad pauwi ng ganitong oras.
May dalang supot ng ulam tapos mag-aalok pa sa isang mukhang pulubi. Napangiti si Lea kahit pagod. Sanay po ako. Tsaka mas okay ng pagod sa pag-aaral at gawaing bahay. Kesa ewan. kesa wala ng ginagawa sa buhay. Marami kang ginagawa? Tanong nito. Opo. Bahay, eskuwela, karinderya.
Minsan nag-aasikaso pa kay si Lyn ‘yung pamangkin ng madrasta ko. Tuloy-tuloy niyang sabi bago niya naalala na hindi niya dapat masyadong pinapakialaman ang usaping bahay. Ay sorry po nadaldal na ako. Hindi ako nagrereklamo. Nakangiting sagot ni Santino. Mas gusto kong makinig kaysa sa tumunganga lang sa poste. Madrasta ha? Hindi ba dapat sa pelikula lang yang malulupit na madrasta? Napatawa si Lean ng mapait.
Sana nga sa pelikula lang pero minsan mas creative pa ang tadhana kaysa sa scriptwriter. Tumigil si Santino saka tumingin sa kanya ng mataman. Ang bigat nung bitaw mo non ah. Ibig sabihin mabigat na rin ang dinadala mo. Hindi agad sumagot si Lea. Tinitigan niya ang mga dumadaang jeep.
Ang mga ilaw nito na parang kumikislap sa kalsada. Sa di kalayuan, may dumaan na itim na SUV. Tinted ang bintana. Sandaling bumagal sa harap nila bago muling umarangkada. Hindi iyon napansin ni Leya pero saglit na soso ang mukha ni Santino bago muling binalin ang tingin sa kanya. Okay lang yan dagdag ni Santino.
Hindi mo naman kailangang ikwento lahat sa akin. Estranghero lang ako. Pero minsan mas madaling magsabi sa estranghero. Mahina niyang sabi. Kasi wala silang alam sa’yo. Wala silang aasahang perfect ka. Nagkatinginan silang dalawa. At sa sandaling iyon parang may tahimik na kasunduan na nabuo.
Pwede siyang magsalita, pwede siyang makinig. Walang huhusga. Sa mga sumunod na araw, naging parte na ng ruta ni Lea ang poste kung saan laging nakaupo si Santino. Kapag galing sa karenderya, laging may kaunting tira na dinadala niya. Isang pirasong lumpia, kaunting kanin, extrang sabaw. Lea, hindi ka napapagod?” tanong ni Santino isang gabing mahamog habang pinagmamastan siyang humihigop ng libreng sabaw na ibinigay din ni Aling Vanghi sa kanya.
“Bata ka pa pero parang dalawang tao ang buhay na dinadala mo.” Apat na sagot ni Lea. Pero kapag sumungo ako, ano pang mangyayari sa amin ni papa? Wala nang mapara bumuhat sa amin. Tapos si Natigilan siya. Ayaw ng banggitin ang pangalan ni Veronica. Si Madrasta, hulang tanong ni Santino. Napabuntong hininga si Lea.
Oo, sa harap ni papa mabait siya. Pero pag kami na lang, parang lahat ng mali kasalanan ko. Lahat ng gastos kasalanan ko. Kahit ipon ko, kasalanan ko pa ring mayroon ako. Alam ng papa mo? Maingat na tanong ni Santino. Hindi umiling si Lea. Ayokong masira ang utak niya sa problema.
Pagod na nga sa biyahe. Bibigyan ko pa ng sakit ng ulo. Saka naniniwala pa rin siya kay Veronica. Natatakot akong pumagsumbong ako. Baka isipin niyang nagre-rebelde lang ako. Totoo rin. Sagot ni Santino. Nakatingin sa lupa. Pero tandaan mo Lea, hindi kasalanan ang magsabi ng totoo. Hindi kasalanan ang protektahan ng sarili mo. Tama po kayo.
Sagot niya. Pero halatang hindi pa ganoon katatag ang loob. Sa bawat gabing ganoon ang usapan nila, mas nakilala ni Lea si Santino hindi sa pamamagitan ng mga detalye ng buhay nito dahil madalas iwas ito sa tuwirang tanong kundi sa paraan ng pag-iisip niya. Marunong itong magbasa ng sitwasyon. Nagbabanggit ng mga salitang hindi niya inaasahang manggagaling sa isang lalaking natutulog sa kalsada.
Minsan nagtanong si Lea, “Kuya Santino, nag-aral po ba kayo dati?” Saglit itong natahimik. bago ngumiti. Oo, medyo. Napatingin siya sa langit. Nag-aral ng buhay. Hindi seryoso po, giit ni Lea. Parang iba kayo magsalita kumpara sa mga taong nakikita ko dito. Parang parang hindi pulube, tuloy ni Santino.
May bahagyang biro. Siguro pero minsan kailangan mong magmukhang wala para marinig mo kung paano turingan ang mga walang-wala. Hindi naunawaan agad ni Lea ang lalim ng sinabi niya. Pero tumatak ito sa isip niya. Isa lang siyang dalagitang sinusubukang mabuhay sa gitna ng pang-aapi at heto nakahanap siya ng isang kakaibang kausap sa pinakaunang lugar na iniiwasan ng mga tao.
Sa kanto, sa ilalim ng poste, katabi ng taong buong akala ng lahat ay wala ng halaga. At sa bawat gabing binibisita niya si Santino, hindi niya alam na may ilang matang nagmamasid mula sa loob ng mga madidilim na bintanang tinted ng mamahaling sasakyan. Mga matang matagal ng naghihintay sa tamang oras para lumapit at kumpirmahin kung tama ang nakita nila sa simpleng dalagang pumipili pa ring magbahagi sa isang walang-wala.
Mula nang makahanap si Lea ng kausap sa kanto, naging kaunting ginhawa si Santino sa araw-araw niyang paghihirap. Pero sa loob ng bahay, parang palala ng palala ang unos. Lalo na nang mapansin ni Veronica na kahit pagod na pagod na si Lea sa gawaing bahay, meron pa rin itong lakas ng loob na umuwi ng may ngiti sa labi.
Isang gabi, huli na nang makauwi si Lea galing Karinderya at sa maikling usapan nila ni Santino. Pagpasok pa lang niya sa gate, sinalubong siya ng malamig na boses. Anong oras na ‘to, Lea? Si Veronica iyon nakatayo sa may pintuan. Nakapamewang habang si Celine ay nakaupo sa supha.
Nakataas ang paa at abala sa cellphone. Pasensya na po ma. Hingal na sabi ni Lea. Nag-overtime po sa karenderya. Ang daming customer. Karinderya o kung sino-sino sa kanto. Madiin na putol ni Veronica. Huwag mo akong ginagawanga. Napatigil si Lea. Napigilan sa kinatatayuan. po ‘yung lal
News
Sa tuwing umuuwi siya, nakikita niya ang kanyang asawa na nagmamadaling nagtatago ng tuwalya. Dahil sa kahina-hinala, nagpakabit siya ng kamera at natuklasan ang isang nakakagulat na katotohanan na labis niyang ikinalungkot./hi
Sa tuwing umuuwi siya, nakikita niya ang kanyang asawa na nagmamadaling nagtatago ng tuwalya. Dahil sa kahina-hinala, natuklasan niya ang…
Pumayag siyang pakasalan ang isang 50-taong-gulang na lalaki dahil sa kayamanan nito… Pagkatapos ng gabi ng kasal, nagulat ang dalagang taga-probinsya nang makita ang dalawang ‘espesyal na regalo’ na ibinigay sa kanya ng kanyang asawa at gusto na lang niyang tumakas…/hi
Pumayag siyang pakasalan ang isang 50-taong-gulang na lalaki dahil sa kanyang kayamanan… Pagkatapos ng gabi ng kasal, nagulat ang dalagang…
Halos isang taon na akong nakatira sa pamilya ng aking asawa, at may napansin akong kakaiba: napakaraming kakaibang bagay sa bahay na ito, at ang pinakakakaiba sa lahat ay…/hi
Halos isang taon na akong kasal nang makaramdam ako ng kakaibang kakaiba: napakaraming kakaiba sa bahay na ito, at ang…
BINIGYAN NG VLOGGER NG BARYA ANG PULUBI PARA SA “CONTENT,” PERO PINAHIYA SIYA NANG ILABAS NITO ANG BUNDLE-BUNDLE NA PERA AT SABIHING: “IYO NA ‘YAN, MUKHANG MAS KAILANGAN MO”/hi
BINIGYAN NG VLOGGER NG BARYA ANG PULUBI PARA SA “CONTENT,” PERO PINAHIYA SIYA NANG ILABAS NITO ANG BUNDLE-BUNDLE NA PERA…
TUMAKAS ANG DALAGA SA BINTANA PARA MAKIPAG-DATE NANG HINDI ALAM NG PARENTS NIYA, PERO GUSTO NIYANG HIMATAYIN NANG ANG NA-BOOK NIYANG DRIVER SA APP AY ANG SARILI NIYANG TATAY/hi
TUMAKAS ANG DALAGA SA BINTANA PARA MAKIPAG-DATE NANG HINDI ALAM NG PARENTS NIYA, PERO GUSTO NIYANG HIMATAYIN NANG ANG NA-BOOK…
BOSS, NANLAMIG SA NAKITA, UNANG GABI KASAMA ANG KATULONG NA PINAKASALAN “AKALA KO TATLO NA ANAK MO/hi
Sa isang malawak na mansyon sa Alabang, namamasukan si Maya. Bente-singko anyos, simple, masipag, at tahimik. Siya ang paboritong katulong…
End of content
No more pages to load






