Maingay ang buong klase tuwing uwian ngunit ang tinig ni Lorin ang palaging nangingibabaw. Kilala siya bilang pinakamaporma. Laging may dalang mamahaling gamit o iyon ang iniisip ng kanyang mga kaklase? Suot niya ang lumang bag na pinalamutian ng pekeng tatak pero sinasabi niyang iyon ay imported mula sa abroad.

Padala raw ng kanyang tita na nasa America. Walang may lakas ng loob na kumweston dahil sa bilis at yabang ng kanyang pananalita. Tila ba totoo ang lahat. Sa kanilang lugar, si Lorin ay kilala ring mayabang. Kapag umuuwi siya mula sa eskwela, palagi siyang nagpapababa sa harap ng malaking mansyon ng mga Gonzaga. Doon niya pinalalabas na siya raw ay nakatira roon.

Pero ang totoo, likod lamang ng mansyon ang kanyang tirahan. isang masikip at marupok na barong-barong na halos hindi kayang protektahan sila sa ulan. Doon kasama niya ang kanyang inang si Aling Melba na araw-araw ay naglalabada sa iba’t ibang mga bahay upang may pambili lamang sila ng kanilang makakain. Pero para kay Lorin, hindi mahalaga ang katotohanan.

Ang mahalaga ay kung papaano siyang nakikita ng iba. Alam niyo ba tatlong kotse na ang binili ni daddy mula nang dumating siya galing Singapore. Pagmamalaki niya minsang nag-uusap ang mga kaklase patungkol sa kanilang pamilya. Napatingin ang ilan, humanga at may mga nanahimik lang ngunit hindi lahat ay naniniwala.

Lalo na si Jenny, ang kaklaseng laging mapanuri at si Grace na madalas niyang nilalait dahil laging simple lamang ang gamit at luma ang unipore. “Talaga, Lorin?” sa ni Grace. Mahina ang boses ngunit may halong duda. “Of course,” sagot naman ni Lorine na may matamis na tawa. “Hindi katulad ng iba diyan.

Kahit isang matinong tsinelas walang maipakita. Namula si Grace at napayuko. Ang iba namang kaklase ay natahimik. Halatang hindi komportable sa sinabi ni Lin. Ngunit kaya ng daddy, walang naglakas ng loob na sumagot pa. Ganito siya. Mapangmata, mapanglait at handang ipahiya ang iba para lamang maitaas ang kanyang sarili.

Bilang dagdag na patunay ng kanyang kasinungalingan, nakipagsabuatan siya minsan sa caretaker ng mansyon si Aling Lilet. “Aling Lilet, sabihin mo naman sa mga kaklase ko na dito talaga ako nakatira.” Pagsusumamo niya nang minsan dinala niya roon ang dalawa niyang kaklase. Nag-aalangan si Aling Lilet ngunit dahil naawa siya sa bata hindi na siya tumanggi pa.

Oo, dito nga siya nakatira. Pamangkin siya ng may-ari. Mahina at alanganing sagot ni Aling Lilet. Nakangiti si Lorin habang nakatingin sa mga kaklase niyang halos mapanganganga sa ganda ng mansyon. Sa oras na yon, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamahalagang tao sa mundo. Ngunit sa bawat kasinungalingang binibitawan niya, lalong lumalalim ang kanyang hukay.

Hindi niya alam na sa likod ng kanyang mga pagyayabang may mga matang mapanuri na hindi niya alam na nagmamasid lamang sa kanya. Sa ngayon ay sila rey ang reyna ng klase, ang dalagang mapangmata at mapagkunwari. Daang ikahiya ang sariling dugo at pawis. Basta’t makamit lamang ang ilusyon ng karangyaang kanyang pinapangarap.

Maagang gumigising si Melba araw-araw. Habang tulog pa si Lorin, bitbit na niya ang malaking bayong na puno ng labahi ng iba’t ibang kapitbahay. Ang mga kamay niya ay magaspang na dahil sa sabon at sa init ng araw. Ngunit hindi niya iniinda ang sakit at pagod para kay Melba. Ang mahalaga ay may mailaman siya sa tiyan ng kanyang anak at mayangbaon nito at pamasahe sa eskwela.

Ngunit kung gaano siya kasipag, ganoon naman ikinakailal ni Lorin ang kanyang ina. Para sa dalaga, nakakahiya ang magulang na isang labandera. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase ko kung malalaman nila na ang nanay koy naglalabada lang? Bulong niya minsan sa sarili habang pinagmamasdan ng kanyang nanay na pawis na pawis sa paglalaba.

Isang hapon pagkatapos ng klase, sabay-sabay na umuwi ang ilang estudyante kasama si Lorin. Nakita nila si Melva sa kanto. Pawisan. Pitbit ang malaking batsa ng labada at nakasumbrero para sa proteksyon sa araw. Masayang kumaway si Melva nang makita ang anak. “Lorrain! Anak!” masiglang tawag ni Melba.

Ngunit si Lorin naman ay biglang nanigas. Ang mga kasama niya sina Jenny at Chris at ilang mga kaklase ay napatigil din at nagtanong, “Nanay mo ba ‘yan?” Mabilis na umiwas na lamang si Lorin at bigla siyang umil. “Hindi no, hindi ko siya kilala.” Mabilis niyang sagot sabay tawa ng pilit. “Baka ibang tao lang ‘yan.” Kitang-kita ni Melba ang pag-iwas ng anak.

Ang kanyang mga mata ay napuno ng lungkot. Hindi na siya lumapit bagkos ay tahimik na lamang na tumalikod habang mabigat ang hakbang. Tangay ang sakit na para bang tinusok ang kanyang puso. Samantala, sa loob-loob ni Lorin, kinakabahan siya pero pinilit niyang magpakita ng matatag na anyo. Ayaw niyang masira ang imaheng pinaghirapan niyang buin sa mga kaklase.

Ang imahe ng isang anak mayaman. May bahay na malapalasyong mansyon. Inang may negosyong malaki at marami pang iba. Kinagabihan, umuwi si Lorin sa barong-barong nila. Tahimik si Melba abala sa pagluluto ng kanin na tuyo. Nay gutom na ako, Anya. Parang walang nangyari. Ngunit hindi na nakapagsalita pa si Melba. Pinagmasdan lamang niya ang anak.

Pilit na ikinukubli ang sakit na dinadala. Habang kumakain, nagsalita si Aling Melban ng marahan. Anak, sana huwag mong ikahiya kung ano tayo. Hindi masama ang maging mahirap, anak. Masama lang kung magpapanggap ka ng hindi totoo. Ngunit mabilis siyang pinutol ni Lorin. Nay, hindi niyo naintindihan. Kapag nalaman nila ang totoo, pagtatawanan lang nila ako.

Ayokong maging katulad ni Trce na laging inaapi at minamalit dahil mahirap. Ayokong pagtawanan. Tumahik si Aling Melba. Sa kanyang puso, alam niyang lumalayo ang anak sa katotohanan. Ngunit bilang ina, ang tanging magagawa lamang niya ay pagdasal na balang araw makita ni Loryn na ang yaman at dangal. ay hindi nasusukat sa pamamagitan ng pera o mansyon kung hindi sa mabuting puso at marangal na pamumuhay.

At habang ang gabing iyon ay bumabalot sa maliit nilang barong-baro, hindi alam ni Lorrain na sa bawat araw na lumilipas, papalapit na siya sa isang pagbagsak na hindi niya inaasahan kailan man. isang pagbagsak na magtuturo sa kanya ng aral na hindi niya malilimutan. Baagang pumasok si Lorine sa klase suot ang bagong headband na binili niya sa ukay-ukay.

Pero syempre iba ang kanyang kwento roon. Galing ito sa Dubai. Bigay ng pinsan ko. Mahal ‘to no? Limited edition kasi. pagmamalaki niya habang pinagmamasda ng mga kaklase, napapahiling si Grace na tahimik lamang at abala sa pagbabasa ng lumang libro. Ngunit bago pa siya makapagsalita, nilapitan siya ni Lorin.

“Oy, Grace, kailan ka makakabili ng bago? Nakakahiya ka naman. Luma na ung gamit mo. Baka isipin ang iba eh kawawa ka.” Hindi na lang kumibo si Grace. Sanay na siya sa mga panlalait ni L. Pero ramdam niya ang bigat ng bawat salita. Ang ilan namang kaklase, halata ang pagkadismaya. Pero wala pa ring naglalakas loob na kontrahin ang pangmamata ni Lorin.

Samantala, napansin ni Jenny na kilala sa pagiging mapanuri ang kakaibang asal nitong si Loring. Hindi siya kaagad nagsalita. Ngunit may pumasok sa kanyang isip. Bakit kaya parang pawang kwento lamang ang mga sinasabi niya? Dumating ang isang araw na nagkaroon ng group project, kailangan nilang gumawa ng presentasyon patungkol sa pamilya.

“Sabahin na lang natin gawin,” suwestion ni Grace sabay tingin kay Jenny ngunit mabilis na sumabat si Lorin. “Hindi, samansya na lamang namin. Maluwag doon. May malaking sala, may aircon pa, mas komportable kayong lahat doon.” Nagkatinginan ng mga kaklase. Sabay-sabay na napanganga. Ang ilan ay sabik na makita ang bahay na tinutukoy ni Lorin lalo na at ilang ulit niya na itong pinagyayabang.

Kinagabihan, halos hindi makatulog si Lorin. Alam niyang delikado ang sitwasyon. Baka mabunyag ang kanyang sikreto kinausap niya si Aling Lilet, ang caretaker ng mansyon. “Aling Lilet, tulungan niyo naman po ako. May mga kaklase po kasi akong pupunta dito. Sabihin niyo na lang po na ako po pamangkin ni Mrs. Gonzaga.

Please po, Aling Lilit. Kahit ngayon lang po.” Nag-alinlangan si Aling Lilit. Larin, hindi tama ang ginagawa mo. Kapag nalaman ng mga magulang mo ‘to, lalo na ng mga gonzaga ay lagot ka. Ngunit dahil naawa siya sa dalaga, pumayag na rin. Pero sige na nga. Pero sana huli na ‘to ha. Hindi na mauulit pa.

Dumating ang araw ng Group Project. Nang makita ng mga kaklase ang mansyon, halos mapanganganga ang mga ito sa laki at ganda. Grabe Lorin, ang yaman niyo pala talaga. Bulalas ng isa. Nakangiting tinanggap ni Lorin ng papuri. Sabi ko naman sa inyo ‘ ba welcome kayo sa bahay namin. Habang sila’y nagtatrabaho, lumapit si Aling Lilet at nagbitaw ng alanganing salita.

Oh mga bata, maput’t dumalaw kayo sa bahay ng pamangkin ko. >> Napakunot ang noon ni Jenny. Tila may kakaiba siyang napansin. Matapos ang araw na yon, mas lalo pang tumaas ang kumpyansa ni Lorin. Sa tingin niya, wala ng makakahuli sa kanyang pagpapanggap. Ngunit hindi niya alam, nagsisimula ng magduda si Jenny.

At sa kanyang puso, alam niyang merroong kulang. May mga bagay na hindi nagtatagpi-tagpi sa kwento ni Lorin. At sa bawat yabang na binibitawan ni Lorin, unti-unti na ring nabobuo ang mga tanong na magbubunyag ng kanyang tunay na pagkatao. Hindi maalis sa isipan ni Jenny ang sinabi ni Aling Lilet nong nagpunta sila sa mansyon.

pamangkin ko Anya. Ngunit bakit tila alanganin ng tono at bakit tuwing uwian napapansin niyang hindi naman talaga pumapasok si Lorin sa loob ng mansyon. Dumating ang isang hapon na minabuti ni Jenny na sundan si Lorin ng paligim. Nakapila silang lahat papalabas ng eskwela at gaya ng nakasanayan, huminto si Lorin sa tapat ng malaking gate ng mansyon.

Pumara siya ng tricycle ngunit imbes na pumasok sa loob naglakad ito palibot sa gilid. Nagkubli si Jenny at dahan-dahang sumunod sa likod ng mataas na padera. Isang makipot na iskinita ang kanyang nadaan. Amoyistero, halong usok at basura at mga barong-barong na dikit-dikit. At doon nakita niya si Lor na pumasok sa isang marupok na bahay na gawa lamang sa kahoy at yero.

Halos hindi makapaniwala si Jenny sa kanyang nakita. Lumabas si Aling Melba. Pawisan at bitpitang basang labada. Anak, kumain ka na muna ha. May niluto akong lugaw. Malambing ang boses ng ina, ngunit halatang pagod na pagod. Si Lorin nakaupo at nakasimangot. Naisin ko na sa inyo na huwag kayong lalapit sa akin kapag nasa labas ako.

Nakakahiya po Nay. Doon ay tuluyang napatunayan ni Kenny ang hinala niya na matagal na. Hindi pala totoo ang lahat ng ipinagyayabang ni Lorin. Hindi ito anak mayaman. Hindi ito nakatira sa mansyon. Isa lamang itong dalagang mahirap na nagpupumilit na maging iba kaya sa tunay niyang pagkatao. Kinabukasan sa eskwela, hindi na nakapagpigil pa si Jen habang resess, nagtipon ang ilang mga kaklase.

“May sasabihin ako sa inyo patungkol kay Lorin.” Panimula niya. “Ano ‘yun?” tanong ng isa. “Hindi talaga siya nakatira sa mansyon. Nakita ko kahapon nakatira siya sa barong-barong sa likod ng mansyon. Ang nanay niya ay labandera. Napasinghap ang kanyang mga kaklase. Hindi kaagad sila naniwala. Ngunit halata sa mukha ni Jenny ang kaseryosuhan.

Hindi ako nagsisinungaling. Dagdag pa niya. Nakita ko mismo, mismo sa dalawang mata ko. Mabilis na kumalat ang balita sa buong klase. Ang ilan ay nagbulung-bulungan. Ang iba naman ay nagtawanan. at may ilang ring na habag ngunit isa lamang ang sigurado. Nagsimula ng mabasag ang ilusyon na matagal ng itinayo ni Lorin.

Kinahapunan, napansin ni Lorin ang mga titig ng kanyang mga kaklase. May mga nakangisi, may mga nag-uusap-usap habang nakatingin sa kanya. “Bakit ba?” irritadong tanong niya. ngunit walang sumagot ni isa. Ramdam niyang merong kakaiba. Hindi niya alam na kumakalat na pala ang katotohanan. At sa likod ng kanyang takot, isang tanong ang bumabagabag sa kanyang isip.

Hanggang kailan ko pa maitatago ito? Habang naglalakad siya pauwi, ramdam niyang mabigat ang kanyang bawat takbang. Ang dating pakiramdam niya ay siya ang pinakamataas. Ngayon ay para bang may malaking anino ng kahian na unti-unting lumalamon sa kanya. Hindi pa niya alam na sa mga susunod na araw tuluyan ng malalantad ang lahat sa paraang hindi niya matatakasan.

Isang linggo matapos kumalat ang kismis na ibinanyag ni Jenny, nagsimula ng maging mailap ang mga kaklase kay Lorin. Tuwing pumapasok siya sa silid aralan, ramdam niya ang mga matang nakatingin. Ang mga bulungan at tawa napilit na itinatago. Hindi niya alam kung gaano kalawak ang usap-usapan. Pero sa bawat araw, mas lalong dumarami ang mga duda.

Oy Lorin, biro ng isa. Kailan mo ulit kami iimbitahan sa mansyon mo? Napatigil siya. Napilitang umiti. Soon busy lang si mommy sa negosyo niya. Ngunit sa loob-loob niya ay talaga namang kabado na siya. Hanggang isang araw, dumating ang pagkakataong kinakatakutan niya. Nagplano ang klase na gawin ng group project sa bahay niya.

Hindi na siya tinanong kung pwede. Basta’t lahat ay nagdesisyon doon sila pumunta. Hindi na siya nakatangki. Ayaw niyang mapahiya ng direkta pumayag siya. Umaasang papayag ulit si Aling Lilat sa kanyang gagawin para lamang maisalba ang kanyang sitwasyon. Ngunit sa araw mismo ng pagpunta, hindi siya nakapaghanda.

Hindi niya nasabihan si Aling Lilet at hindi niya alam na sabay-sabay na pala siyang susundan ng buong grupo. Pagdating nila sa mansyon, abot tenga pa ang ngiti ni Lorin. “Pasok kayo!” wika niya kahit hindi pa nabubuksan ng gate. Ngunit laking gulat niya nang hindi sumipot si Aling Lilet. Hindi ito lumabas. Ilang minuto silang naghintay sa labas at nagsimulang magtanong ang mga kaklase.

Akala ko ba dito ka nakatira? Usisa ni Jenny habang nakataas ang kilay. Hindi makasagot si Lorin. Pinagpapawisan siya. Pilit na nag-iisip ng dahilan. Ah ah kasi wala si mama baka nasa loob lang. >> Ngunit bago pa siya makapagpalusot, dumaan si Melba. Pawisan at bitbit ang mga labahin. Anak, bakit nandito ka? Dapat nasa bahay ka na. Sabi nito.

Halos matunaw si Lorin sa kinatatayuan niya. Nagulat ang mga kaklase niya lalo na nang makita nilang lumapit si Alen Melva at marahang hinawakan ng kamay ng dalaga. “Uuwi na tayo anak. Magluluto pa ako ng hapunan eh. Napapagod na ako. Tahimik lamang ang lahat. Pagkatapos may narinig silang nagbiro. Yan ba ang nanay mo? Hindi ba’t sabi mo business woman siya? Bakit may hawak na labada? Natawa ang ilan habang ang iba ay nagkatinginan.

Halatang nahabag ngunit para kay Loren parang gumuho ang buong mundo. Nahuli siya hindi sa lihim na usapan kung hindi sa mismong harap ng mga kaklase na dati niyang nilalait-lait. “Hindi, hindi totoo ‘!” nanginginig niyang bulong ngunit wala ng nakinig. “Alam ko na.” Sabi ni Jenny. “Kaya pala lagi kang nagpapababa dito. Hindi ka talaga nakatira sa mansyon.

Nagsimula na ang bulung-bulungan. Ang ilan ay nagtawanan, ang iba ay umilim. At si Grace na dati laging biktima ng kanyang panlalait, tahimik lamang na naglakad papalayo. Hindi niya kayang tignan si Lorin hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa awa. Si Loriny naman halos hindi na makagalaw. Gusto niyang tumakbo.

Gusto niyang magtago. Ngunit saan siya pupunta kung mismong katotohanan na ang humahabol sa kanya. Sa gabing iyon, umuwi siyang luhaan. Halos walang lakas ang katawan. Wala na siyang mukha pang maipapakita kinabukasan. At sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niya ang bigat ng kahiang siya mismo ang nagdala sa kanyang sarili.

Kinabukasan, pumasok pa rin si Lorin sa klase ngunit ibang-iba na ang kanyang pakiramdam. Kung dati ay siya ang sentro ng atensyon, ngayon wala na niisang bumabati sa kanya. Ang dating masigla at puno ng ingay na silid ay tila naging malamig at puno ng bulungan. Sian yung nagyayabang na anak daw ng mayaman ko no.

Rinig niyang bulong ng ilan. Pero isang squatter pala talaga nakatira. Sabat ng isa pa na may halong tawa. Para bang bawat titig ng mga kaklase niya ay matalim na kutsilyo na tumatagos sa kanyang puso. Hindi siya makatingin ng diretso. Ang dating reyna ng klase ngayon ay parang wala ng halaga. Umupo siya sa kanyang arm chair at tinignan ng paligid.

Si Grace na dati niyang nilalait ay nakangiting nakikipag-usap sa mga kaklase. Si Jenny bagaman hindi tumatawa ay seryosong nakatingin sa kanya. Wala na siyang kakampi. Wala na ang ilusyon ng karanyaan na dati niyang pinagmamalaki. Nang tawagin siya ng guro para mag-report, halos hindi siya makapagsalita. Nanginginig ang boses niya at naramdaman ng lahat ang bigat ng hiya na bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon.

Pagkatapos ng klase, isa-isa ng nagsialisan ang kanyang mga kaklase at iniwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Pagkauwi, sinalubong siya ni Aling Melba na nag-aayos ng mga pinatuyong labada. “Anak, kumain ka na. May tinola akong niluto para sa’yo.” Ngunit imbes na ngumiti, napahagulgol na lamang si Lorine at yumakap sa kanyang ina.

“Nay, nay, sorry. Sorry po talaga.” iyak niya. Nagulas si Aling Melba ngunit nihakap niya ang kanyang anak. “Bakit ka nagso-sorry anak?” “Dahil Dil ikinahiya po kita. Dahil nagpanggap po akong anak ng mayaman. Ngayon lahat ng kaklase ko tumatawa sa akin. Ayoko nanay. Ang sakit-sakit po. Hinaplos ni Aling Melba ang buhok ni Lorin.

Anak, kahit kailan hindi ako magagalit sa’yo. Pero sana matutunan mo na hindi mo kailangang magpanggap para lamang mahalin ka ng ibang tao. Hindi kasalanan ang pagiging mahirap anak. Ang kasalanan ay kapag nagkunwari ka na hindi ikaw. Lalong napahagulgol sila Rin. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang tunay siyang nagkamali. Nakita niya ang mga sugat sa kamay ng kanyang ina, ang pawis na bumabalot sa mukha nito at ang pagod na katawan na walang ibang inisip kung hindi ang kapakanan niya.

At doon doon niya naisip at napagtanto, “Bakit ko ba siya ikinahiya? Bakit ako nagpanggap?” Sa mga sumunod na araw, halos ayaw niya ng pumasok. Kapag nasa eskwela, iniiwasan siya ng kanyang mga kaklase. Walang gustong makipag-group sa kanya kahit sa canteen, madalas siyang kumakain na mag-isa.

Para bang mayroon siyang sakit na nakakahawa. Ang mga nilalahit niya noon tulad nina Grace at ng iba pa, ngayon ay siya na ang tumitingin sa kanya na may halong awa at panunumbat. Isang araw, nilapitan siya ni Grace. Alam mo, Loren, hindi ako galit sao pero sana matutunan mo na hindi lahat ay nadadaan sa pagyabang. Mas masarap kung tatanggapin ka ng tao dahil sa kung sino ka.

Hindi sa kung ano ang merroon ka. Tumango lamang si Lorin, luhaan. Wala siyang masabi dahil alam niyang tama ito. At doon nagsimulang pumasok sa kanyang isipan ng tanong. Paano nga ba ako makakabangon mula rito? Makalipas ang ilang linggo ng pananahimik at panghutya, natutunan ni Lorin ang manatiling tahimik sa klase.

Kung dati ay siya ang pinakamalakas tumawa, pinakamaingay at pinakapuno ng kwento patungkol sa mga ari-arian, ngayon ay halos hindi na siya umiimik. Noong una, akala ng lahat ay nagpapaikot lamang siya. Ngunit nang tumagal, napansin nila na unti-unti na siyang nagbabago. Isang araw, kinausap siya ng gropa tungkol sa nalalapit na outreach program ng kanilang klase.

Larin, kailangan natin ang volunteer na tutulong na magturo sa mga bata sa isang maliit na komunidad. Gusto mo bang sumali? Natigilan siya kung dati tatanggi siya dahil hindi siya sanay na makihalubilo sa mga kapwa mahirap. Ngunit sa pagkakataong iyon, ngumiti siya at tumango. Opo ma’am, sasali po ako. Sa outreach, kasama niya sina Grace at Jenny habang nagtuturo sila ng simpleng pagbasa at pagsulat sa mga batang Maralita.

Nakita ni Loryn ang sarili sa kanila. Nakita niya kung papaano ang mga mata ng mga bata ay kumikislap kahit sa simpleng atensyon at pagtuturo lamang. At doon niya naramdaman ang kakaibang saya. Isang kasiya ang hindi niya pa naranasan kahit kailan sa kanyang pagpapanggap. Sa unang pagkakataon, hindi niya na kailangang magsinungaling para mapansin.

Hindi niya kailangang magpanggap na mayaman para maging espesyal. Natutunan niyang ang tunay na halaga ng tao ay hindi nakikita sa damit, bahay o gamit kung hindi ito ay nakikita sa puso at sa kilos. Pag-uwi niya, dadatnan niya ang kanyang ina na pagod na pagod galing sa paglalaba. Dinalahan niya ito ng pagkain mula sa outreach.

Nayipasensya na po ulit sa lahat ng kahihi na itinulot ko po sa inyo. Pero pangako po, mula ngayon babawi na po ako. Mag-aaral po ako ng mabuti. Hindi para ipagyabang. Kung hindi para balang araw, matulungan ko po kayo. Napaluwa si Aling Melba at nihakap ang kanyang anak. Yan ang pinakamasarap na marinig anak.

Hindi ka kailangang maging mayaman para mahalin. Anak kita at sapat na yon at minamahal kita anak. Mula noon, naging mas masipag si Lain sa pag-aaral. Hindi man kaagad nawala ang pananaw sa kanya ng iba pero unti-unti nilang nakita ang pagbabago niya. Natutunan niyang ngumiti at bumati ng totoo. Tumulong sa kapwa at higit sa lahat ay magpakumbaba.

Isang araw, nilapitan siya ni Chrace. Alam mo, Lorin, nagulat ako. Hindi ko inakala na kaya mong magbago. Ipagpatuloy mo yan. Mas maganda kang tao kapag totoo ka. Ngumiti si Lorin. Salamat Krisa at pasensya na sa lahat ng masasakit na nasabi ko noon. Tinanggap ni Grace ang kanyang paghingi ng tawad at doon ay nagsimulang unti-unti siyang muling tinanggap ng kanyang mga kaklase.

Hindi naging madali ang lahat ngunit natutunan ni Lorin ang pinakamahalagang aral sa buhay. Hindi masama ang mangarap at maging ambisyosa ngunit huwag kailan man ipapagawa ‘yun sa pamamagitan ng kasinungalingan at pangmamaliit sa iba. Sa huli, hindi ang mansyon ng ibang tao ang nagbigay sa kanya ng halaga kung hindi ang maliit nilang barong-barong na puno ng pagmamahal ng kanyang ina at ang sariling sipag at pagbabago na pinili niyang yakapin.

At mula sa araw na iyon, ipinangako ni Lain sa kanyang sarili na hindi niya na muli pang ikakahiya ang kanilang kahirapan dahil sa likod ng lahat ng hirap at kapintasan. Natutunan niyang doon pala nagmumula ang kanyang tunay na lakas. Lumipas ang mga taon, nagtapos si Lorin ng kolehiyo hindi bilang pinakamayaman sa klase, kung hindi bilang isa sa pinakamasipag at pinakamatatag na estudyante.

Sa tulong ng mga scholarship at ilang mga part-time jobs, nakapagtapos siya ng may dangal. Ang mga dating kaklase niya na saksi sa kanyang pagbagsak. ay naging saksi rin sa kanyang muling pagbangon. Naging guro siya hindi dahil sa pera kung hindi dahil nais niyang ipasa ang aral na natutunan niya. Tuwing nakatayo siya sa harap ng klase, nakikita niya ang kanyang sarili sa mga estudyanteng nahihiya sa kanilang pinagmulan.

Sa bawat kwento niya patungkol sa katapatan at pagpapakumba, alam niyang nakakaabot siya hindi lamang sa isip kung hindi pati na rin sa puso ng mga nakikinig. Samantala, ang kanyang ina na si Aling Melba bagaman matanda na at mahina ay mases sa pagbabago ng anak. Hindi ako nagkamali ng ipinaglaban kita anak.

Wika nito habang magkasama silang kumakain. Ngayon hindi na ako natatakot na iwan kang mag-isa dahil alam kong kaya mo n tumayo sa sarili mong mga paaanak. At si Lorine na dating ikinahiya ang pagiging mahirap ay natutong ipagmalaki ang kanyang pinagmulan. Hindi niya naikinuble pa ang kanilang barong-barong na bahay na minsan itinuring na sumba dahil doon siya tumibay, doon siya natutong mangarap at doon siya natutong huwag maliitin ang sarili at pati na rin ang kanyang kapwa.

Sa kwentong ito, marami tayong mapupulot na aral. Ang tunay na halaga ng tao ay hindi nakikita sa kanyang yaman o tirahan kung hindi sa kanyang puso at gawa. Ang kahirapan ay hindi dapat ikahiya. Ito ay hagdan tungo sa mataas na pangarap kung saan sasamahan ang sipag, tiyaga at katapatan. Ang pagpapanggap at kayabangan ay pansamantalang aliw lamang.

Ngunit ang katotohanan at kabutihan ay nagbibigay ng pangmatagalang respeto at pagmamahal. Sa huli, naging halimbawa si Laurin sa kanilang lugar na minsan ang pinakamalaking pagbagsak ay siyang nagiging daan upang matutunan ng tao ang pinakamahalagang aral sa buhay. Mas mabuting maging totoo at payak kaysa magpanggap at mabuhay sa kasinungalingan.

[Musika] Dito na po nagtatapos ang ating mixing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo mga kabarangay at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral. Kayo po, anong masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito.

Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng pakita ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli.

Thank you so much and peace out