Marso 2015. Sa isang inuupahang apartment sa Pasig, nakaupo si Gina Alvarez 29. Sa malamig na sahig. Yakap ang isang lumang bag na may lamang isang bungkos ng pera na nagkakahalaga ng PH5,000. Sa kwarto naroon ang kanyang walong taong gulang na anak na kani-kanina lamang ay nakikinig sa sigaw ng kanyang ama at pagmamakaawa ng kanyang ina.

Ang padre de pamilya si Renato Alvarez 39 anyos ay umuwing galit na galit. Pagkatapos ng ilang minutong pagmumura at panghahamak kay Gina ay nag-iwan ito ng pera at umalis. Sinabing hindi na muling babalik at sasama na sa ibang babae dahil sa pagiging walang silbi ni Gina. Si Gina ay isang simpleng probinsyana mula sa Visayas.

High school graduate, tahimik, may malambot na pagkatao at sanay na umasa sa asawa sa lahat ng bagay. Mula ng manganak siya kay Mika, walong taong gulang, hindi na siya pinayagang magtrabaho ni Renato. Sa bahay lang walang sariling pera, walang alam sa pag-asikaso ng papeles at walang lakas ng loob na humarap sa ibang tao kung hindi kasama si Renato.

[Musika] Isang linggo bago ang gabing yon, umuwi si Renatong masama ang timpla. Wala siyang paliwanag. Kinuha lang ang ilan sa kanyang mga damit at umalis. Naiwan si Gina na tulala habang sinasara nito ang pinto. Naglakad siya kinabukasan papuntang opisina ni Vanessa. Ang dala lakas ng loob na makiusap. Si Vanessa 34 ang bulung-bulungang kabit ng kanyang asawa.

Isang real property agent. na matagal na sa industriya. Hinarap niya si Gina ang araw na yon. Ngunit imbes na pakinggan ay nagmaldita lamang ito. Sinabihan siyang wala siyang karapatan na siya’y walang ambag sa yaman ni Renato. Palibasa ay mas bata si Gina at walang lakas ng loob para lumaban kaya hindi siya nakasagot.

Ramdam niya ang matinding hiya at takot na baka lalo lang lumala ang sitwasyon. Kinagabihan, tahimik niyang tinapik ang anak na si Mika na natutulog. Pilit na ngumiti kahit nanginginig ang loob. Wala siyang ibang ginawa kundi umasa na isang araw babalik si Renato. Ngunit sa paglipas ng mga linggo, unti-unting naging malinaw na hindi na iyon mangyayari.

Lumipas ang ilang buwan mula ng iwan sila ni Renato. Lumipat si Gina at ang anak sa mas murang apartment sa Mandaluyong. Masikip, mainit at may amoy ng luma sa halumigmig mula sa sira-sirang dingding. Ginamit niya ang perang iniwan ng asawa bilang puhunan sa maliit na tindahan sa tapat ng gusali. Hindi naging madali ang bawat araw.

Wala siyang alam sa pamamalakad ng negosyo at madalas inuuna ng mga kapitbahay ang utang kaya bayad. Sa tuwing nauubos ang paninda, matagal bago siya muling makapag-supply dahil wala ng pondo, wala rin siyang lakas ng loob na lumapit sa barangay o korte. Sa tuwing naiisip niyang magsumbong, bumabalik sa isip ang mga salitang binitiwan ni Vanessa at ang tingin ng mga tao na parang siya ang may kasalanan kung bakit siya iniwan.

Ayaw din niyang umuwi sa probinsya sa Leyte. Lumaki siya. sa isang lugar na napakahirap mamuhay kung kaya takot siyang danasin ng kanyang anak ang buhay na tulad ng dinanas niya. Samantala, nabalitaan niya mula sa dating kakilala ang marang buhay nina Renato at Vanessa. May litrato ang dalawa sa social media.

Naglalakbay sa ibang bansa, nagpo-post sa bagong bahay nila sa Tagaytay at bumibili ng mga ari-arian. Habang siya at si Mika umaasa lang sa maliit na kita ng tindahan. Minsan ay kanin at tuyo lang ang nasa hapag. Pumapasok pa rin si Mika sa paaralan pero may mga araw na wala siyang baon. Kapag nakikita ni Gina ang anak na tahimik lang sa gilid ng klase habang ang iba ay may bagong gamit, masarap na pagkain at kumpletong pamilya ay mas lalo siyang pinanghihinaan ng loob.

Isang araw habang sinusundo ni Gina ang kanyang anak sa eskwela ay nakilala nito si Ctherine Rodriguez, ina ng kaklase ni Mika. Habang naghihintay ay nakwento ni Gina ang kanyang problema at ang naging karanasan sa kanyang asawa. Sinabi nito ang hirap ng kanyang kalooban at ang mga pagsubok sa pagpapalaki ng mag-isa sa kanilang anak na wala namang kasalanan.

Si Katherine ay matyagang nakinig sa mga hinaing ng kapwa niya magulang. Hindi alam ni Gina na ang asawa ni Ctherine ay isang kilalang abogado sa lungsod. At sa unang pagkakataon may nagsabi sa kanya na may batas na pumoprotekta sa kanya bilang legal na asawa at sa karapatan ng anak nila sa yaman ni Renato. Noon pa man ay alam na ni Gina ang mga ito ngunit wala siyang lakas ng loob at sapat na kakayahan para lumaban.

Ngunit ngayon ay nagkaroon siya ng bagong kumpyansa. Nang linggo ring yon, sinamahan siya ni Ctherine sa law firm kung saan nagtatrabaho ang kanyang asawa. Doon, unang beses na nakaupo si Gina sa harap ng mesa na puno ng makapal na folders at dokumento. Tahimik siya habang nakikinig. Hindi alam kung saan magsisimula.

Ipinaliwanag ng abogado ang tungkol sa conjugal property na anoang naipundar habang kasal ay pag-aari ng mag-asawa sa pantay na hati kahit wala siyang sariling kita. Kasama rito ang mga bahay, lupa, sasakyan at bank accounts na hawak na Renato. Lahat ng yon ay may bahagi siya at ang kanilang anak. Unang beses din niyang nahawakan ang ilang dokumento kabilang na ang ilang property titles na kinuha ng abogado mula sa public records.

May nakalistang tatlong lupa. Isang bahay sa Cavite, isang condo sa BGC, dalawang sasakyan at iba pang ari-arian sa pangalan ni Renato. Habang binabasa yon, unti-unting naging malinaw sa kanya na hindi lang siya iniwan kundi tinanggalan din ng karapatan sa yaman na para rin naman sa anak nila. Ramdam niya ang bigat sa dibdib pero kasabay nito ay isang bahagyang lakas na hindi niya naramdaman noon.

Nagsimulang ihanda ng abogado ang mga dokumento para sa claim for conjugal property at enforcement of child support. Kailangan nilang tipunin ang lahat ng ebidensya, mga resibo, litrato at testimonya mula sa mga taong nakakaalam ng sitwasyon. Hawak ang ballpen. Nanginginig ang kamay ni Gina habang nilalagdaan ang mga papeles.

Hindi siya sanay sa ganitong mga proseso. Pero sa pagkakataong ito wala na siyang balak umatras. Ito ang unang hakbang para harapin ang takot na matagal niyang tinakasan at ang taong nangako sa kanya sa harap ng altar ngunit ipinagpalit siya sa ibang babae. Pagkalipas ng dalawang linggo, dumating ang summons kay Renato. Agad itong naging usap-usapan sa pamilya at mga kaibigan niya.

Sa halip na maayos na pag-usapan, sinalubong ito ng galit ni Vanessa. Kahit pa hindi siya legal na asawa. Nagpadala ito ng mga mensahe kay Gina, mga pananakot at pagbabanta para lamang iatras nito ang reklamo. Ngunit hindi na nagpatinag si Gina. Sa payo ng abogado, inipon ang lahat ng mensahe ni Vanessa bilang karagdagang ebidensya para sa kaso.

Itinakda ng korte ang paghaharap ng dalawang panig para dinggin ang reklamo at magbigay ng hatol. Agosto 2016. Sa unang pagharap sa korte, naroon si Renato. Malamig ang tingin. Walang bakas. ng dating pagtingin kay Gina. Mag-isa lamang ito at hindi kasama si Vanessa. Marahil ay pinayuhan ang kanyang abogado para hindi makadagdag sa komplikasyon ng kaso.

Sa korte umapila si Renato na ibasura ang kaso. Idinadahilan na hindi nagtatrabaho si Gina at wala itong naitulong sa mga naipundar. Ngunit malinaw ang depensa ng abogado ni Gina. Hindi kailangang magtrabaho para magkaroon ng karapatan sa conjugal property. Sapat na ang pagiging katuwang sa pamilya at tahanan.

Isa-isang hinarap ng abogado ang mga ebidensya. Marriage certificate ang testimonya ni Gina na si Renato mismo ang nag-utos sa kanya na huwag magtrabaho at maging full time sa pag-aasikaso sa kanilang anak at tirahan. at testimonya ng ilang mga inimbitahang testigo para patunayan ang pakikiapid ni Renato. Tahimik lang si Gina pero sa unang pagkakataon, natuto siyang tumingin ng diretso at magsalita ng malinaw.

Hindi na siya umiiwas sa mata ng asawa. Sa bawat sagot niya sa tanong ng hukom, ramdam niyang unti-unti niyang nababawi ang dignidad na tinanggal sa kanya. Hindi man makadalo si Vanessa ngunit patuloy itong nagpaparating ng galit sa labas ng korte. Sa loob naman ng silid, malinaw na nakikita ng hukom ang pattern.

Lahat ng naipundar ay binili habang kasal sila. Kaya walang dudang conjugal property ang mga iyon. Sa puntong iyon, nagdesisyon si Gina na kahit gaano pa kahaba ang laban, hindi na siya tatalikod. Kahit anong pananakot ang ibato ng kampo ng asawa sa loob at labas ng korte ay hindi siya nagpatinag. Habang tumatagal ang paglilitis, mas lumilinaw ang mga ebidensya laban kay Renato.

Sa tulong ng mga subpina, nakuha ng abogado ang mga financial documents at bank statements na nagpapakita kung paano ginamit ni Renato ang pera ng mag-asawa para sa mga luho at biyahe kasama si Vanessa. May mga resibo ng hotel sa ibang bansa, airline tickets para sa dalawa at pagbili ng mamahaling alahas na hindi kailan man napunta kay Gina.

Nakakuha rin ng mga larawan ang korte na lalong nagpatibay sa reklamo. Bukod dito, ipinakita rin sa korte ang mga titulo ng ari-arian. Tatlong lupa, bahay sa Cavite, condo sa BGC at bahay sa Tagaytay kung saan niya itinitira si Vanessa. Lahat ay binili habang kasal sila kaya malinaw na kalahati ay pag-aari ni Gina.

Sa bawat presentasyon ng ebidensya, lalong sumisikip ang panga ni Renato. Ipinasamon din ito sa isa sa mga sesyon at ang dating matapang nait ngayon ay tila nawalan ng dila sa harap ng husgado. Matapos ang ilang buwan ng pagdinig, naglabas ng pasya ang korte. May karapatan si Gina sa 50% ng lahat ng ari-arian at sa buwanang sustento para kay Mika hanggang makapagtapos ito ng kolehiyo.

Inutusan din si Renato na ilipat sa pangalan ni Gina ang bahagi ng mga titulo at bank account na nakalaan para sa kanya. Paglabas ng desisyon, mahigpit na niyakap ni Gina si Ctherine at nagpasalamat sa kanyang abogado. Hindi pa man tapos ang lahat, ramdam niyang unti-unti na siyang bumabalik sa sarili. Sa unang pagkakataon mula ng siya’y iwan, naramdaman niya ang bagong pag-asa para sa kanilang mag-ina.

Milyon-milyon ang natanggap ni Gina mula sa kanyang conjugal share. Sa payo ng abogado at ni Ctherine, hindi niya ito ginastos ng basta-basta. Bumili siya ng isang lote sa Mandaluyong at pinatayuan ng dalawang palapag na apartment na paupahan. Ang natitirang halaga ay inilagay niya sa bangko para sa karagdagang gastusin sa pag-aaral ni Mika at para sa maliit na negosyo.

Hindi lang ‘yon. Sa tulong ng parehong abogado, naisampa rin ang kasong concubinage laban kay Renato at Vanessa. Itinakda ng korte ang limang taong pagkakakulong kay Renato na agad naman niyang napiyansahan. Samantala, pinatawan ng destiero si Vanessa na nag-utos na huwag lumapit sa loob ng isang partikular na distansya kay Gina at Mika.

Pagkatapos ng ilang buwang paghaharap sa korte ay sinubukan ni Renato na mag-apela at humiling ng annullment. Ngunit hindi ito pinayagan dahil sa pagtanggi ni Gina. Malinaw na idiniin ang korte na kasal pa rin sila at bawal sa kanya ang makipagrelasyon sa ibang babae dahil kung hindi ay dadamputin ito at ang kanyang kinakasama.

Tuluyan ng bumagsak ang imah nina Renato at Vanessa. Matapos ang hatol sa conjugal property, ibinenta ni Renato ang ilan sa mga ari-arian para mabayaran ang ilang pagkakautang sa buwis at ang kabuang sustento kay Mika. Naapektuhan din ang kanyang reputasyon dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Unti-unting lumayo ang mga dati nitong mga kaibigan at kliyente.

Si Vanessa matapos patawan ng destiero ay lumipat sa probinsya ng kanyang mga magulang para umiwas sa iskandalo. Bagam’t may mga bulung-bulungan na patuloy pa rin ang kanilang pag-uusap ngunit patago dahil sa ipinataw na desisyon ng korte. Inakala ni Gina noong una na wala siyang kakayahang lumaban.

Ngunit sa huli, hindi lakas ng sigaw o galit ang nagpalo sa kanya kundi ang papel na matagal ng nakatago sa kanyang aparador. Ang marriage certificate, ang katotohanang kasal pa rin sila at ang batas na pumapanig sa kanya bilang legal na asawa