TANGHALING TAPAT SA IKA-30 PALAPAG NG IMPERIAL TOWER.
Nagpa-panic si Carlo. Kakatanggap lang niya ng text: nasa lobby na raw ang Nanay niya galing Bicol!
Ang problema: Ang alam ng Nanay niya ay Branch Manager siya. Pero ang totoo, siya ang Head Janitor. Nagsinungaling siya noon para hindi mag-alala ang magulang niya at para maging proud ang mga ito sa kanya.
“Patay! Anong gagawin ko?!” bulong ni Carlo habang hawak ang mop.

Dahil Lunch Break, wala ang boss niyang si Sir Alexander at ang mga empleyado. Nasa canteen silang lahat.
Mabilis pa sa kidlat, itinago ni Carlo ang mop at timba sa CR. Kinuha niya ang nakasabit na Amerikana (Coat) ni Sir Alexander sa rack. Isinuot niya ito kahit medyo maluwag.
Umupo siya sa malaking Swivel Chair ng CEO. Naglatag siya ng mga folders para magmukhang busy.

Pagbukas ng pinto, pumasok ang security guard kasama ang isang matandang babae na may bitbit na bayong.
“Anak!” bati ni Nanay Celing.
“Nay!” tayo ni Carlo. “B-Buti napadalaw kayo? H-Hindi kayo nagsabi?”
“Surprise sana anak,” ngiti ng matanda habang nililibot ang tingin sa magarang opisina. Aircon, carpeted, at may view ng city skyline. “Napakaganda pala ng opisina mo. Manager na manager ang dating mo!”

Pinagpapawisan ng malapot si Carlo sa loob ng coat. “Opo Nay… upo po kayo.”
Habang nag-uusap sila, hawak ni Nanay Celing ang kamay ni Carlo.
“Anak…” naluluhang sabi ng matanda. “Salamat ha? Kung hindi dahil sa ipinapadala mong pera buwan-buwan, patay na sana ang Tatay mo ngayon. Dahil sa’yo, naoperahan siya. At hindi na kami nagdidildil ng asin. Ang swerte ng kumpanyang ‘to sa’yo.”

Naiyak si Carlo. Gusto niyang aminin na galing ang perang ‘yun sa paglilinis ng kubeta at pagwawalis ng sahig, hindi sa pagma-manage.

Biglang bumukas ang pinto.
CLICK.
Nanigas si Carlo.
Pumasok si Sir Alexander. Ang tunay na CEO. Naka-polo barong.
Nagkatinginan si Carlo at si Sir Alexander.
Puti na ang mukha ni Carlo. “Tapos na ako. Sisante na ako. Mapapahiya pa ako kay Nanay.”

Tumayo si Carlo, akmang magpapaliwanag at tatanggapin ang parusa.
Pero napatingin si Sir Alexander kay Nanay Celing, tapos kay Carlo, at narinig niya ang huling sinabi ng matanda tungkol sa operasyon ng Tatay.
Nakita ng CEO ang takot at hiya sa mata ng janitor niya.

Imbes na sumigaw, ngumiti si Sir Alexander.
Lumapit siya sa gilid kung saan nakatago ang walis tambo at basahan. Kinuha niya ito.
“Good afternoon po, Sir Carlo,” bati ni Sir Alexander habang yumuyuko. “May bisita po pala kayo.”

Nalaglag ang panga ni Carlo.
Tumingin si Nanay Celing kay Sir Alexander. “Ay, iho. Sino ka?”
“Ako po si Alex, Nay,” magalang na sagot ng CEO. “Messenger at Utusan po ako ni Sir Carlo dito sa opisina.”

Nakahinga nang maluwag si Carlo, pero nanginginig pa rin.
“Ganoon ba?” tuwang sabi ni Nanay. “Mabait ba ‘yang Boss Carlo mo?”
“Naku Nay, sobra po,” sagot ni Sir Alexander habang kunwaring pinupunasan ang mesa. “Siya po ang pinakamasipag na tao dito. Lahat po kami, saludo sa kanya. Wala po kaming sweldo kung wala si Sir Carlo.”
“Talaga?” proud na proud na sabi ni Nanay.

“Sir Carlo,” tawag ni Sir Alexander sa janitor niya. “Ipagtitimpla ko po ba kayo ng kape ng Mommy niyo?”
“Ah… eh… sige, Alex. Salamat,” nautal na sagot ni Carlo.

Lumabas si Sir Alexander at bumalik na may dalang mamahaling kape at biscuits. Ipinagsilbi niya ito sa mag-ina na parang waiter.

Pagka-alis ni Nanay Celing, naiwan si Carlo at Sir Alexander sa opisina.
Agad na hinubad ni Carlo ang coat at lumuhod.
“Sir! Sorry po! Sorry po talaga! Huwag niyo po akong ipakulong! Ginawa ko lang po ‘yun para kay Nanay!”

Itinayo siya ni Sir Alexander.
“Tumayo ka diyan, Carlo. Hindi kita sisissantehin.”
“P-Po? Pero nagpanggap po ako…”
Tinapik ni Sir Alexander ang balikat niya. “Kanina, nung narinig ko ang Nanay mo… narealize ko na mas malaki pa ang achievement mo kaysa sa akin. Ako, manager nga, pero hindi ko man lang nadalaw ang parents ko bago sila namatay dahil sa sobrang busy ko.”

Tumingin ang Boss sa mata ng Janitor.
“Yung perang pinapadala mo, dugo’t pawis mo ‘yun. Karapat-dapat kang tawaging ‘Sir’ ng kahit sino. From now on, Carlo, promoted ka na bilang Head ng Maintenance Department. At may dagdag na sweldo ‘yan.”

“Sir…” napahagulgol si Carlo.

“Pero sa ngayon,” biro ni Sir Alexander habang inaabot ang mop, “Linisin mo muna ‘yung tinapon mong kape. Messenger lang ako kanina, hindi ako janitor.”

Nagtawanan silang dalawa. Sa araw na iyon, napatunayan na ang respeto ay hindi nakukuha sa suot na Amerikana, kundi sa pagmamahal sa pamilya.