
Sa isang malawak na mansyon sa Forbes Park ay nakatira si Don Simon Villa Fuerte, isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa. Wala sa agrikultura hanggang sa real estate, hawak niya ang malalaking kumpanya. Kilala siya sa pagiging matalino, strikto at walang sinasanto sa negosyo. Ngunit higit sa lahat, ipinagmamalaki niya ang kanyang mga anak na pinaniniwalaan niyang tagapagmana ng kanyang imperyo.
Si Samuelang Panganay, isang matigas na abogado na palaging laman ng mga business conference. Si David naman ay pangalawa. isang financial expert na kilala sa loob at labas ng bansa. Si Paul, siya ang pangatlo. Kilalang isang negosyanteng mahusay makipag-deal sa mga foreign investors. At si Princess ang kaisa-isang anak na babae.
Kilala bilang fashion icon at business woman. Sa harap ng lipunan. Sila ang perpektong pamilya. Ngunit may isa pang anak si Don Simon na bihira niyang banggitin. At ito ay walang iba kung hindi si Melvin, ang kanyang bunsong anak. Sa paningin ng pamilya, isa itong kahihian, bagsak sa eskwela, laging kasama ang mga barkada at walang direksyon ang buhay.
Palaging sinasabi ni Don Simon, “Ikaw ang pinakamahinang kokote sa lahat ng anak ko. Wala kang mararating, Melvin.” Sa kabila nito, hindi alintana ni Melvin ang mga panlalait. Madalas siyang makitang nakikipaglaro ng basketball sa mga batang kalye. Kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Tiano, isang simpleng mekaniko.
Hindi siya seryoso sa negosyo o sa paaralan. Ngunit may kakaiba siyang malasakit sa mga tao sa paligid niya. Laging nakangiti at handang tumulong. Isang gabi habang nagdiriwang ang pamilya ng tagumpay ng isang bagong proyekto, napansin ni Don Simon ang kanyang bunsong anak na nakaupo lamang sa isang sulok kasama ang kanilang katulong na si Aling Mercy.
Ang kasambahay na matagal ng nag-aalaga sa kanila. Habang abala ang apat na anak sa pakikipag-usap patungkol sa pera at negosyo, si Melvin naman ay abala sa pagtulong kay Aling Mercy na magligpit ng mga plato. Sa isip ni Don Simon, isa lamang itong patunay na mahina ang kanyang bunsong anak. Hindi marunong makihalubilo sa mga taong may pangalan at mas gusto pang makisama sa mga dukha.
Ngunit sa loob-loob naman ni Aling Mercy, may hinahangaan siyang lihim. Kung alam lang ng doon na mas mabuti pa si Melvin kaysa sa lahat ng magkakapatid na yan, bulong niya sa sarili. Lumipas ang mga araw. Biglang bumagsak ang kalusugan ni Don Simon. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin. Manghina ang katawan at ilang beses siyang naospital.
Ang buong pamilya ay nagulat lalo na ang apat na anak na abala sa kaniga nilang mga negosyo. Sa umpisa, ipinapakita nila ang kanilang mga malasaki. Pero habang tumatagal, naging bihira na ang kanilang pagbisita sa kanilang ama. Isang gabi habang nakahiga si Don Ton Simon sa kanyang silid, napaisip siya, “Kung ako ay mawawala, sino sa aking mga anak ang tunay na magmamala saakit?” At dito nagsimula ang plano.
Isang lihim na pagsubok na susukat sa puso ng bawat anak. Hindi pera, hindi rin talino kung hindi simpleng tanong. Sino ang maghahalaga sa akin? At unti-unti na ngang nagbago ang mundo ni Don Simon Vill Fuerte nang magsimulang dumaing ang kanyang katawan. Sa umpisa’y simpleng pagod lamang. Iniisip niyang bunga ito ng matagal na oras sa trabaho at pulong.
Ngunit habang lumilipas ang mga linggo, mas lumalala ang kanyang nararamdaman. Nahih siya at madalas hingalin. May mga gabing halos hindi siya makatulog dahil sa matinding sakit ng kanyang dibdib. Pinilit niyang itago ito sa publiko dahil ayaw niyang makita ng mga tao na mahina siya. Pero sa loob ng kanilang mansyon, ramdam na ramdam ni Aling Mercy ang pagbagsak ng kanyang amo.
“Tany man, magpatingin na po kayo sa doktor.” Pakiusap nito isang umaga habang inihahayin ng almusal. “Wala to Mercy. Kaya ko pa naman. Hindi pwedeng malaman ang mga anak ko na nanghihina ako. Baka isipin nilang tapos na ako. Malamig na tugo ni Don Simon kahit ramdam na ramdam ang sakit. Ngunit isang gabi sa gitna ng isang business meeting, bigla na lamang siyang bumagsak.
Nagdulot ito ng pagkatarantas sa lahat at agad siyang dinala sa ospital. Dito ay tuluyan na ngang nakumpirma ng doktor. Si Don Simon ay may seryosong karamdaman sa puso. Pagbalik sa mansyon, nagtipon ang lahat ng kanyang mga anak. Doon, unang nasilayan ni Melvin ang kanyang ama na nakaratay sa kama. Payat, maputla at tila ba nawala na ang dating tigas ng isang makapangyarihang tao.
Mga anak ko, kailangan ko kayo. Mahina nitong sabi. Saglit na nagkatinginan sina Samuel, David, Paul at Princess. May halong kaba sa kanilang mukha. Ngunit sa isip nila, mas iniisip nila ang negosyo at kung papaano nilang hahatiin ang mga gawain habang mahina pa ang kanilang Ama. Si Samuel, ang unang nagsalita.
Papa, huwag po kayong mag-alala. Kami ang bahala sa kumpanya. Kailangan niyo po munang magpahinga. Kami na ang tatayo para sa inyo. Sa unang tingin, tila may malasakit ang kanyang anak. Ngunit sa puso ni Don Simon, daman niyang mayroong kulang. Hindi niya naramdaman ang tunay na pagkalinga. Para bang ang iniisip ng kanyang mga anak ay negosyo lamang at hindi ang kanyang nararamdaman.
Habang ang apat ay abala sa pagpaplano kung papaanong hahawakan ang mga kumpanya. Napansin ni Don Simon ang isang pikurang tahimik lamang sa sulok. Si Melvin. Hindi ito nagsasalita. Nakaupo lamang. Nakayuko. Ngunit maya-maya tumayo siya at lumapit. Papa, gusto niyo po bang turuan ko kayo ng bagong posisyon para po hindi sumakit ang likod niyo habang nakahiga? Tanong ni Melvin.
Simpleng alok ng tulong. Nagulat si Don Simon. Maliit na bagay lamang iyon. Ngunit doon niya naramdaman ang isang kakaibang init. Hindi patungkol sa pera, hindi patungkol sa negosyo, kung hindi patungkol sa simpleng malasakin. Lumipas ang mga araw, lalong lumala ang kondisyon ni Don Simon. Unti-unti na rin niyang nakikita ang unti-unting pagkawala ng atensyon sa kanya ng kanyang apat na mga anak.
Sa umpisa, araw-araw ang mga itong bumibisita. Ngunit nang tumagal, mas naging abala sila sa kani-kanilang mga interes. Si Samuel ay lagi na lamang nasa korte. Si David naman ay nasa board meetings. Si Paul ay nasa mga business strips. At si Princess abala sa mga social events. At sa bawat pagdaan ng oras, mas lalo silang nawawala sa tabi ng kanilang ama.
Ngunit isang tao ang hindi kumalas. Ito ay si Melvin. Tahimik man pero laging naroon. Hindi nagrereklamo. Hindi humihingi ng kahit na ano. Simpleng anak na minamaliit ngunit siya lamang ang kumakalinga. At sa mga sandaling iyon, nagsimulang umusbong ang isang plano sa isip ni Don Simon. isang lihim na pagsubok na maglalantad ng tunay na pagkataon ng kanyang mga anak.
Makalipas ang ilang linggo lalong nanghina si Don Simon. Sa bawat araw na lumilipas, ramdam niya ang paglayo ng kanyang mga anak maliban na lamang sa isa. At ito’y si Melvin. Habang nakahiga sa kama, nakatingin siya sa kisame at napapaisip, “Paano ko ngayon ako mawala. Sino ba talaga ang maaasahan ko? Isang gabi, pinatawag niya si Aling Mercy sa kanyang silipin.
Tahimik itong pumasok dala ang isang tasa ng mainit na gatas para sa kanyang amo. “Mercy,” mahina niyang wika. Matagal mo ng nakikita ang mga anak ko, hindi ba? Alam kong kilala mo na sila. Ano sa tingin mo? Sino ang tunay na may malasakit sa akin? Saglit na natigilan si Aling Mercy. Tumingin siya kay Don Simon at mahina ang tinig na sumagot.
Dan hindi ko po ugali na magsalita laban sa inyong mga anak. Pero kung ako po ang tatanungin, ibang-iba po si Melin o at madalas niyo po siyang sabihan na mahina ang kokote pero siya lamang po ang merroong tunay na puso. Napaisip si Don Simon doon niya tuluyang binuo ang kanyang plano. Kinabukasan, ipinatawag niya ang lahat ng anak.
Nagtipon sina Samuel, David, Paul, Princess at syempre si Melvin sa malaking sala ng kanilang mansyon. Mahina pa ang tinig ni Don Simon, ngunit matalim pa rin ang kanyang mga mata. Mga anak, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako tatagal. Alam kong kaya niyo ng patakbuhin ang ating kumpanya. Pero sana lang mga anak eh habang ako’y nabubuhay pa, huwag niyo akong iiwan.
” Nagkatinginan ang magkakapatid. Nagulat sila. “Papa, ano po bang ibig niyong sabihin?” tanong ni Samuel. “Hindi na umimik pa si Don Simon. Pero sa isip niya, magpapanggap siyang mas lalong lumalala ang kanyang kalagayan. Hindi siya lalabas ng silid, hindi magpupunta sa ospital at hindi magpapaalaga sa mga nurse.
Titignan niya kung sino ang mananatili sa tabi niya. Kung sino ang magpapakita ng malasakit at kung sino man iyon sa kanyang mga anak ay iyon ang kanyang pagkakatiwalaan. At ang lahat ng ito ay inilihim lang niya sa kanyang sarili. Tahimik lang ang lahat ng mga sandaling iyon. Pero sa loob-loob ng kanilang isipan, iba-iba ang kanilang naiisip sapagkat iba-iba ang kanilang mga motibo.
Si Samuel ay kaagad na nag-isip ng plano. Kung ako’y magpapakita ng kaunting malasakit sa kanya, baka sa akin niya ipamana ang mga negosyo niya. Baka ‘yun ang ibig niyang sabihin. Si David naman mabilis namang nagkalkula. Kailangan ko lang magpakitang tao kay Papa. Hindi ako pwedeng mahuli. Si Paul naman napabuntong hininga.
Sayang ang dami kong business trip pero kailangan ko pang magpakitang gilas dito kay Papa para lamang hindi ako mawalan ng mana. Habang si Princess naman ay inikot ang buhok sa daliri. Nakaka-stress naman ‘to pero baka kailangan kong alagaan itong si papa. Hay naku, sayang ang beauty ko kung magiging tagapag-alaga lang ako.
Samantala, si Melvin naman ay nakayuko lang. Hindi makapaniwala sa narinig. Wala sa isip niya ang kung ano mang kanyang mamanahin, ang inaalala niya ang kalagayan ng Ama. Awang-awa siya rito. Hindi siya sanay na makitang nanghihina ang kanyang ama na matigas, matapang at seryosong tao. Kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili, naalagaan niya ang kanyang ama hanggang sa bumuti ang kalagayan nito.
[Musika] Doon nga ay nagsimula na ang pagsubok ni Don Simon habang walang kaalam-alamang mga anak. Linggo-linggo tila ba mas lumalala pa ang kalagayan ni Don Simon. Sinasadya niyang ipakita na mas mahina na siya, mas hirap huminga at mas nanghihina ang katawan. Lahat ng anak ay dumadalaw. Pero habang lumilipas ang mga araw ay nag-iiba ang sitwasyon.
Gusto na lamang nilang dalhin sa ospital ang kanilang ama para doon ay matignan ng maayos at magbigay ng mga nurses pati na rin personal na doktor para naman mas maalagaan ito ng mainam. Pero ayaw na ayaw ni Don Simon. Gusto lang niyang nasa loob siya ng bahay habang nagpapahinga sa kanyang kwarto. Bagay na ayaw naman ng mga anak niya pero wala silang magawa.
Kaya naman napipilitan pa silang dumalaw dito para lamang ipakita na sila ay may pakialam at may pagmamalasakit sa kanilang Ama. Kahit ang totoo ay parang pabigat lamang sa kanila ngayon. Itong si Don Simon. Si Samuel sa umpisa ay laging nasa tabi ng ama. Pero nang tumagal na, puro telepono at tawag patungkol sa korte.
Si David ay madalas dalhin ang laptop at doon nagtatrabaho. Halos hindi na kinakausap ang Ama. Si Paul naman ay pabalik-balik na lang. Minsan ay wala pa habang si Princess dumadalaw. Pero saglit lang dahil laging meroong party o event. Pero si Melvin siya ay laging naroon. Siya ang nag-aabot ng tubig.
Siya ang nag-aayos ng unan. At siya ang naglalagay ng kumot kapag nilalamig ang ama. Siya rin ang nagpapakain dito. Madalas niyang ipagluto ang kanyang ama ng pagkain na may mainit na sabaw para naman kahit papaano ay makakain ito ng maayos. Sa bawat simpleng gawaing iyon, nakikita ng Don ang malaking kaibahan ng kanyang mga anak dito sa kanyang bunsong anak na si Melvin.
At habang patuloy ang kanyang palihim na pagsubok, mas lumalalim ang kanyang pagdududa sa apat at mas lumilinaw ang isang katotohanan. Ang tanging anak niya minamaliit niya noon ay siya ring anak na hindi niya kailan man pinahalagahan. Pero ito pa ang madalas na nasa tabi niya. nagmamalasakit, nag-aalaga at nagpaparamdam ng pagmamahal.
Noong una, sabik ang lahat na magpakitang tao. Pero habang tumatagal, unti-unti ng nagiging bihira ang kanilang pagbisita. Ang mga dahilan, mga meeting, hearing, social gathering at iba pa. Tila ba mas mahalaga pa ang mga ito kaysa sa sarili nilang Ama? Isang hapon ay dumating si Samuel dala ang ilang dokumento.
Umupo siya sa tabi ng kama at nagsimulang magsalita. Papa, ito ang mga kontratang kailangan niyong lagdaan para sa seguridad ng kumpanya habang kayo’y mahina pa. Tumingin si Don Simon sa kanya. Maputla ang ngunit matalimang mga mata. Samuel, anak, hindi mo man lang ako tinanong kung kamusta ako. Napakamot ng ulo si Samuel.
Ah, kamusta po kayo, Papa? Sabay balik muli sa mga papeles. Walang init, walang tunay na malasakit. Pawang pagpapanggap lamang. Kinabukasan, si David naman ang dumating. Ngunit habang nakaupo sa gilid ng kama ng kanyang ama, abala ito sa laptop, tumatawag, nag-i-email at nagkakalkulan ng milyon-milyong halaga. Papa, huwag kayong mag-alala.
Ginagawa ko ito para sa inyo. Lahat ng investments natin maayos. Kaya wala kayong dapat na ikabahala. Ngunit sa isip ni Don Simon, tila hindi yan patungkol sa kanya bilang ama kung hindi patungkol sa negosyo, sa pera at mga numero. Dumating din si Paul ngunit halatang alanganin. Papa, pasensya na po ha.
May flight kasi ako bukas papuntang Singapore pero dumaan lang ako para kamustahin kayo. Sandali lang siyang tumigil at agad ring umalis. Ang pagbisita parang pormalidad lamang. Para bang nagpapakita na present sila at hindi sila absent sa sitwasyon. Habang si Princess naman ay nagdala pa ng mga kaibigan isang araw, nagpa-picture sa silid ng ama at pagkatapos ay umalis din kaagad.
Papa, kailangan kong dumalo sa isang event. Huwag kayong mag-alala. I’ll post prayer for you online. Sabay halik sa pisngi nito. Ngunit ramdam ni Don Simon, hindi totoo ang lahat ng iyon. Puro pagpapakita lamang pero walang laman. Samantala, si Melvin walang sinasabi, walang ipinagyayabang. Ang tanging nasa isip lamang niya ay alagaan ang kanyang ama hanggang sa ito ay tuluyang gumaling.
Tahimik lang siyang palagi na naroon. Siya ang naghahanda ng pagkain ng kanyang ama. Siya ang nagbabantay sa gabi kapag hindi makatulog ang matanda. Kapag nilalagnat, siya ang nagpupunas ng pimpo. Kapag mahina ito, siya ang naghaabot ng kamay. Isang gabi habang nagbabantay si Melvin, hindi na nakatiis pa si Don Simon.
Melvin, anak, bakit mo ito ginagawa? Wala ka namang mapapala. Alam mo naman na hindi ikaw ang inaasahan kong magmana. Ngumiti lamang si Melvin kahit may luha sa gilid ng kanyang mga mata at kahit nasasaktan ang kanyang puso. Papa, hindi ko naman po iniisip ang mana. Kayo po ang tatay ko. Kahit ilang beses niyo po akong sabihan ng mahina.
Kahit ilang beses niyo po akong tawaging walang kwenta at kahit ilang beses niyo po akong sabihang walang silbi, kayo pa rin po ang ama ko. Kung hindi ako, sino pa po ang mag-aalaga sa inyo, Papa? Wala po akong pakialam sa mga mana. Ang gusto ko lang po, Papa, ay alagaan ko po kayo. Sapagkat wala na po si mama.
Kayo na lamang po ang pamilya ko. Ikaw na lang po ang magulang ko. Napatigil si Don Simon. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang bigat ng kanyang mga pagkukulang sa kanyang bunsong anak. Ang bunso niyang palaging minamaliit. Palagi niyang sinasabihan na walang kwenta. Mahina ang kokote pero ito pa pala ang may pusong hindi matitinag at mag-aalaga sa kanya.
Pero sa kabilang banda, hindi natutuwa ang apat na magkakapatid. Habang abala sila sa kanilang mundo, napapansin nilang si Melvin ang laging kasama ng kanilang ama. Mas nagiging malapit na si Melvin kay Papa, kesa sa atin. Sabi ni Princess. Hindi pwede to. Dagdag naman ni David. Kung hindi natin kayang bantayan, baka siya pa ang makakuha ng loob ni papa.
Nagsisimula na nga silang maghinala at dito ay nagsisilang ng bagong tensyon. Hindi lang laban sa ama kung hindi laban sa bunso nilang lagi nilang tinutuliksa. Habang patuloy ang mga linggong lumilipas, mas napapansin nina Samuel, David, Paul at Princess ang kakaibang paglalapit ni Don Simon sa kanilang bunsong kapatid.
Isang gabi, nagtipon ang apat sa isang mamahaling restaurant. Nagsimula ang kanilang usapan sa tila normal na negosyo. Ngunit unti-unti itong napunta kay Melvin. Hindi ako mapalagay. Bunga din Samuel habang nakasandal sa upuan. Parang sobra ang atensyon ni tatay kay Melvin nitong mga nakaraang buwan. Umiling si David.
Alam ko lagi siyang nasa tabi ni papa. Samantalang tayo abala sa kumpanya baka isipin ni papa na mas mahalaga siya kaysa sa atin. Si Paul naman na ako na tangno at pagkatapos ay sumapat. Hindi pwede to. Ilang beses ng sinabi ni Papa na mahina ang kokote ni Melvin pero kung patuloy siyang makakakuha ng simpatya baka siya pa ang magmana ng lahat ng pag-aari natin.
Nagtaas ng kilay si Princess habang iniikot ang wine glass. Seryoso kayo si Melvin? Ang batang walang direksyon. Kung mangyayari man ‘yon, malaking kahian para sa ating pamilya. Tahimik silang lahat sandali. Ngunit sa loob ng kanilang puso, nagsimula na ang takot at ang selos. Samantala, sa mansyon, magkahawak ang kamay nina Melvin at ng kanyang papa.
Tinutulungan niya itong bumangon mula sa higaan. Papa, gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa garden para naman makalangha po kayo ng sariwang hangin? Ngumiti si Don Simon. At sa kabila ng kanyang panghihina, sumang-ayon siya. Habang sila ay nasa Hardin, dama niya ang init ng araw at ang malamig na hangin.
Tumingin siya sa kanyang bunsong anak. Melvin, anak, matagal na kitang minamaliit. Hindi ko nakita ang tunay mong halaga. Pero ngayon ay nakikita ko na. Patawad sa lahat, anak. Napayuko si Melvin. Pilit na itinatago ang luha. Papa, kahit hindi niyo po ako pinapansin noon, okay lang po. Ang importante po ay kasama ko kayo. Narinig iyon ni Aling Mercy na tahimik lamang na nagwawali sa gilid ng garden.
Napangiti siya. Alam niyang may kakaibang nangyari sa puso nitong Simon. Subalit hindi ito nakaligtas sa paningin ng apat na magkakapatid. Sa tuwing dumadalaw sila, palaging naroon si Melvin. Lagi siyang nasa tabi ng kanilang ama. At sa bawat tingin ni Don Simon kay Melvin, tila mai init na hindi nila naramdaman noon.
Isang araw, hindi na nakatiis pa si Samuel. Pagkatapos ng kanilang pagbisita, hinarap niya ang bunso sa may hallway ng mansyon. Bunso, huwag mong isipin na dahil ikaw ang palaging kasama ni papa ay may karapatan ka na sama. Tandaan mo, mahina ka. Wala kang alam sa pagnenegosyo. Hindi ikaw ang nararapat. Napayuko si Melvin ngunit hindi siya sumagot.
Hindi dahil sa takot siya kung hindi dahil ayaw niyang makipagtalo. Ngunit lalo namang nagalit si Paul. Yan ang problema sayo bunso eh. Wala kang ambisyon. Kung sakaling ikaw ang mapili ni Papa, sisirain mo lang ang lahat ng pinaghirapan namin. Nagkatinginan silang magkakapatid at unti-unti nagkaroon ng katahimikan. Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay may mabigat na banda.
Isang binhi ng galit ang magsisimulang umusmong. Samantala, habang pinagmamasda ni Don Simon ang lahat ng ito mula sa bintana ng kanyang silid, mas lalong lumilinaw sa kanya ang katotohanan. “Ito na nga, ito na ang tunay na kulay ng aking mga anak.” At sa kanyang puso, nagsimula ng mabuo ang matinding desisyon. Isang desisyong babago sa kapalaran nilang lahat.
Lumipas ang mga araw at mas naging lantad ang pagpapabayaan ng apat na magkakapatid. Dumadalaw pa rin naman sila ngunit halata na halatang wala ng malasakit. Puro pormalidad na lamang. Para bang tungkulin na kailangang gampanan? Hindi sa pamamagitan ng pagmamahal. Hindi pagmamahal na dapat ay kusang ibinibigay.
Samantala, si Melvin hindi alintana ang pagod. Minsan halos buong gabi siyang nagbabantay. Kapag hinihingal ang ama, siya ang tumatawag kay Aling Mercy para sa gamot. Kapag nanghihina ito, siya ang naglalagay ng unan sa likod at nagdadala ng tubig. Sa simpleng mga bagay na yon, naramdaman ni Don Simon ang tunay na pagmamahal.
isang bagay na hindi niya nakita sa kanyang apat na mga anak na palagi niyang ipinagmamalaki noon. Isang gabi habang nakahiga sa kama, pinatawag niya si Attorney Villanueva. Ang matagal na nilang tagapayo. Tahimik na pumasok ang abogado, dala ang ilang mga dokumento. “Don Simon, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” Mahina ngunit malinaw ang boses ni Don Simon.
Attorney, oras na siguro. Gusto kong baguhin ang aking testamento. Nagulat ang abogado. Sigurado po ba kayo, Don Simon? Malaki po ang epekto nito. Alam kong inaasahan nito ng apat ninyong mga anak. Pinutol siya ni Don Simon. Alam ko pero ngayon nakita ko na kung sino talaga ang may puso. Hindi kay Samuel.
Hindi kay David, hindi kay Paul at lalong hindi kay Princess. Ang lahat ng yaman ko ay ipapamala ko sa aking bunsong anak na si Melvin. Tahimik ang abogado. Ramdam niyang mabigat ang desisyong iyon. Ngunit nakita niya rin ang katatagan sa mga mata ni Don Simon. Kung ‘yan po ang pasya niyo, Don Simon, ako po’y susunod lamang. Sinimulan niyang ayusin ang mga papeles at doon ay tuluyang nilagdaan ni Don Simon ang kanyang lihim na desisyon.
Habang isinasagawa ang lahat ng ito, walang kaalam-alam ang apat na magkakapatid. Abala sila sa kani-kanilang mga buhay. Iniisip na sila ang tiyak na magmamana ng lahat. Ngunit may isang taong nakakahalata. Si Aling Mercy. Nakita niya ang mga papeles at nakaramdam siya ng kakaibang kapa. Hindi dahil sa mali ang ginawa ni Don Simon.
Kung hindi dahil alam niyang kapag dumating ang oras ng pagbubunyag, tiyak na lalabas ang galit ng apat na anak laban kay Melvin. Samantala, si Melvin ay patuloy lamang sa kanyang simpleng gawain. Wala siyang kaalam-alam sa liim na desisyon ng Ama. Para sa kanya, sapat naang makita niyang si Don Simon na nakangiti kahit pa ito’y nanghihina.
Sapat ang marinig ang simplen salamat anak mula sa taong minsang nagduda sa kanya. Ngunit isang gabi habang nag-uusap sila ng kanyang matalik na kaibigan na si Chano, ibinuhos ni Melvin ang kanyang damdamin. Chao, sa totoo lang, minsan iniisip ko. Tama ba ‘to? Lahat ng kapatid ko ay galit sa akin.
Hindi nila alam kung bakit lagi ako ang kasama ni papa. Parang ako pa ang nagiging sagabal sa kanila. Tinapik siya ni Chano sa balikat. Pre, huwag mong isipin yun. Ang totoo, ikaw lang ang anak na may malasakit sa iyong papa. Kung galit sila, hayaan mo na sila. Kailangan ng suporta ng iyong papa.
Kailangan niya ng anak na magmamal saakit sa kanya habang siya ay nasa ganoong sitwasyon at kalagayan. Basta’t gawin mo lang kung ano ang tama at totoo. Napangiti si Melvin ngunit sa loob niya ramdam niyang may paparating na unos. Sa silid ng kanyang ama, muling napapikit si Don Simon, hawak ang kanyang dibdib. Habang nararamdaman niyang lumalapit ang kanyang katapusan, mas tumitibay ang kanyang pasya.
Kung sino ang nagmahal ng totoo, siya ang karapat-dapat. At yon ay ang anak kong si Melvin. Dumating ang araw na pinakahihintay at pinakinatatakutan. Sa malaking sala ng mansyon, nagtipon ang lahat ng anak ni Don Simon. Naroon si Samuel, David, Paul at Princess at syempre si Melvin. Kasama si Aling Mercy na tahimik lamang sa suloko.
Pumasok si Attorney Villanueva. Dala ang makapal na sobre. Malinaw na may mabigat siyang sasabihin. Mga anak ni Don Simon panimula ng abogado. Ipinarating sa akin ng inyong ama ang kanyang huling habilin. Ngayon nararapat na itong ihag sa inyong lahat. Nagkatinginan ang magkakapatid. Halata ang kumpyansa sa mukha ng apat.
Tila sigurado sila na sila ang tatanggap ng lahat ng yaman at mga ari-arian. Ngunit bago magsalita muli ang abogado ay lumabas si Don Simon mula sa kanyang kwarto. Nakasandal sa kanyang tungkod. Mahina angunit matatag. Tumayo siya sa gitna ng sala at doon nagsimula ang kanyang mabigat na pahayag. Mga anak ko, wika niya.
Sa matagal na panahon, ipinagmamalaki ko kayo. Ang inyong talino, ang inyong galing sa negosyo, ang inyong tagumpay. Ngunit sa panahon ng aking panghihina, doon ko nalaman at nakita ang katotohanan. Tahimik ang lahat tila ba huminto ang oras. Nakita ko kung sino sa inyo ang tunay na nagmamahal at kung sino ang mas inuuna ang kanyang sarili.
Samuel, David, Paul, Princess. Hindi ko itinatanggi ang inyong kakayahan. Pero sa mga panahong ako’y naghihirap, iniwan niyo ako at ang kasa-kasama ko lamang ay si Melvin. Nabigla ang lahat agad na nagsalita si Manuel. Papa, mali po yun. Busy lang po kami sa negosyo at para sa inyo rin yon. Sinundan pa ni David. Oo nga papa.
Hindi ibig sabihin na wala kami palagi ay hindi na namin kayo mahal. Sumabat naman si Paul. Hindi pwedeng siya lang ang pipiliin niyo, Papa. Wala siyang alam sa negosyo. At si Princess halos mapasigaw. Papa, masisira ang pangalan natin kung kay Melbin niyo ipapamana ang lahat. Ngunit sa bawat pagtutol nila, nanatiling tahimik si Don Simon.
Hawak ang kanyang tungkod. Matalimang tingin. Tama na. Hindi ako bulag. Ang lahat ng ari-arian ko, lahat ng kumpanya at lahat ng kayamanan ay pinagkakalob ko sa aking bunsong anak na si Melvin. Parang bombang sumabog ang pahayag na yon. Napatayo ang apat. Galit na galit at hindi makapaniwala. Hindi totoo ‘yan at hindi maaari.
sigaw ni Princess. Papa, nagkamali kayo. Dagdag pa ni David. Ngunit itinaas ni Attorney Villanueva ang mga dokumento. Ito ang bagong testamento. Nilagdaan mismo ng inyong ama. Legal at pinal na. Pero hindi nangangahulugan non na wala talaga kayong makukuhang mana. Anak pa rin kayo at may karapatan pa rin kayo sa mga ari-arian ng inyong Ama.
Ang pagkakaiba nga lang ay mas malaki ang parte ng inyong kapatid na si Melvin kaya sa inyong matatanggap. Tahimik lamang si Melvin. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata. “Papa, bakit po ako?” mahina niyang tanong. Lumapit si Don Simon at sa unang pagkakataon hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ng kanyang bunso.
Dahil ikaw, Melvin, ikaw ang nagpakita ng tunay na pagmamahal sa akin. Hindi sa kayamanan, hindi negosyo. Kung hindi puso, ikaw lang ang hindi nangiwan. Ikaw lang ang hindi nagpabaya sa aking anak. At doon bumagsak ang lahat ng galit at inggit ng magkakapatid. Ang mga anak na noon ay ipinagmamalaki. Ngayon ay nakatayo, luhaan, galit at piko.
Samantalang ang anak na minamaliit bilang mahinang kokote, siya palang tunay na kayamanan ni Don Simon. Lumipas ang ilang buwan matapos ang pagbubunyag ni Don Simon sa mansyon na dati puno ng ingay at pag-aaway. Ngayon ay namamayani ang kapayapaan. Si Melby na minsang itinuring na may mahinang kokote, tamad at walang pangarap sa buhay. Ngayon ay nakatayo bilang bagong tagapagmana ng mga ari-arian at kumpanya ng kanilang pamilya.
Ngunit sa halip na magpakalunod sa karangyaan, iba ang naging landas niya. Unang-una niyang inalala si Tiano ang matalik na kaibigan niyang mula sa hirap. Pinapasok niya ito bilang katuwang sa negosyo hindi dahil sa magaling sa numero kung hindi dahil sa tapat at maaasahan. Si Aling Marcy naman matagal ng nag-aalaga at dumadamay sa kanya noong siya’y binabaliwala ay itinuring niyang parang tunay na ina.
Binigyan niya ito ng sariling bahay at sapat na kabuhayan upang hindi na muling magdusa. Samantala, ang kanyang mga kapatid na sina Samuel, David, Paul at Princess ay dumaan sa matinding pagsubok. Tinanggal sila sa posisyon sa kumpanya dahil sa kanilang pagrerebelde sa kanilang ama. Sa una nagalit sila, nagreklamo at pinilit na labanan ang desisyon ng kanilang ama ngunit malinaw ang mga dokumento.
Wala silang karapatan sa mas malaking pamana sa kanila. Sa kalaunan, unti-unti nilang natutunan ang leksyon. Naganap sila ngayon ng sariling paraan para bumangon. Hindi gamit ang yaman ng Ama kung hindi gamit ang kanilang sariling pawis. Para bang binalik sila sa simula upang doon nila maramdaman ang hirap at halaga ng sakripisyo? Si Don Simon bagam’t mahina na ang katawan ay muling sumigla.
Sa tuwing nakikita niya si Melvin na maingat na pinapatakbo ang negosyo at sabay na tumutulong sa mga mahihirap, alam niyang tama ang kanyang naging desisyon. Hindi kayamanan ang tunay na pamana. Madalas niyang wika. Kung hindi ang aral na ang pagmamahal at katapatan ay higit na mahalaga kaysa sa talino o galing. Mula sa pagiging bunsong anak na minamaliit, si Melvin Villa Fuerte ay naging simbolo ng tunay na tagapagmana hindi lamang sa pamamagitan ng yaman kung hindi ng pusong may malasakit.
At sa wakas, napatunayan niya sa lahat na minsang tinawag na mahina. Ngunit sa bandang huli, siya pala ang pinakamatibay. Di kalaunan ay nagkaayos-ayos rin naman ang magkakapatid. Natutunang magsumikap ng kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan at ginamit rin nila ng tama ang kahit papaano ipamanang binigay sa kanila ng kanilang ama.
Na-realize nga nila sa kanilang mga sarili na sila ay naging makasarili at ang tanging iniisip lamang ay ang kanilang sariling kapakanan. Bagay na napagtanto nilang hindi pala maganda at hindi tama. Unti-unti napatawad nila ang kanilang ama at naintindihan nila ito. Napatawad rin naman sila ng kanilang ama. Bagay na ikinasaya ng buong pamilya.
At ang isa pang ikinagulat nila, ang sobrang pamanang ibinigay ng ama kay Melvin ay binahagi rin niya sa kanyang mga kapatid. Pantay-pantay, walang lamangan at wala ng halong inggit. Sino nga bang mag-aakala na ang binatang dating minamalit laging nasa sulok lamang ng kanilang bahay na para bang walang pangarap sa buhay? Ngayon, isa ng tagapamahala ng kanilang mas lumalago pang negosyo.
Binatang dating hindi kinabibiliban ngayon ay talaga namang hinahangaan. At ito ang kwento ng buhay ni Melvin. Dito na po nagtatapos ang ating maigsing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo mga kabarangay at sana po ay kinapulutan niyo ng maraming aral. Ano po ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman po sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng ‘yan.
News
TH-Nagbenta ng Lupa ang Biyenan sa Halagang 4 Bilyong VND, Binahaginan ang Anak na Lalaki ng 2 Bilyon at Anak na Babae ng 1.9 Bilyon. Hindi Inasahan, Sinigawan Siya ng Manugang na Babae: “Kapag Hindi Mo Ibinigay ang Buong 4 Bilyon, sa Kulungan ng Baboy Ka Tumira!”
Nakuhanan ng Camera ang Emosyonal na Sandali ng Hayop na Nagligtas sa Kanyang Amo Ang hangin sa loob ng marangyang…
TH-UPDATE 29-Taong-Gulang na Pinay sa Amerika, Nasawi sa Brutal na Krimen — Nasilo sa Pangakong Pera, Nauwi sa Trahedya
Isang masayang pangarap ang nagtulak sa kanya palabas ng bansa—ngunit isang bangungot ang sumalubong sa dulo ng landas. Ito ang…
TH-Napatay ang Aking Asawa, Hatinggabi Nang Marinig Ko ang Walang Tigil na Katok sa Pinto, ‘Labis Akong Nagulantang’ Nang May Isang Lalaking…
Ang maluwang na silid-tulugan ay napakalamig kaya’t dinig ko ang bawat ihip ng hangin na dumadaan sa siwang ng bintana….
TH- Sa Sahod na 50 Milyon, Walang Maibigay sa Asawa; Nang Magkasakit ang Anak, Sabi Niya: “Ikaw ang Nagluwal, Ikaw ang Mag-alaga”
Walang “Hourglass Figure,” Pero Ang Mga Plus-Size Models ay Nakakaakit Pa Rin Alas-onse na ng gabi. Nanginginig ako sa malamig…
TH-Nang kumatok ang kapitbahay ko sa pinto ko bandang alas-5 ng umaga at dali-daling sinabing, “Huwag kang pumasok sa trabaho ngayon. Magtiwala ka lang sa akin,” nalito ako at medyo natakot. Bakit niya ako bibigyan ng ganoong babala? Pagdating ng tanghali, lumabas ang nakagugulat na katotohanan sa likod ng kanyang mga salita, at binago nito ang lahat.
Nang kumatok ang kapitbahay ko sa pinto ko bandang alas-5 ng umaga at dali-daling sinabing, “Huwag kang pumasok sa trabaho…
TH-Ang aking asawa ay ang bunso. Mayroon siyang isang nakatatandang kapatid na babae – si Ate Hanh – na nag-asawa sa malayo. Sa loob ng mahigit sampung taon, tuwing Tet lang siya umuuwi.
Ako ay dalawampu’t anim na taong gulang nang maging manugang sa bahay ng aking asawa. Ang bahay ay nasa probinsya,…
End of content
No more pages to load






