FIRST READ ON PEP: Did Nora Aunor get married twice in Las Vegas?
…first to Richard Merk and then to Norie Sayo.

According to the Marriage Inquiry System of Clark County, Las Vegas, Nevada, a certain Nora C. Villamayor—or more popularly known as Nora Aunor—was married twice. The first time was on July 7, 1988, to Richard James Merk, and the second time was on May 22, 2000, to Norie Sayo.
PHOTO/S: File
Sa pamamagitan ng kanyang confidante at manager na si Norie Sayo, tumanggi ang Superstar na si Nora Aunor na magbigay ng pahayag tungkol sa pagpapakasal niya ng dalawang beses sa Las Vegas, Nevada.

Ang record ng kasal nina Mark Lapid at Yuri Park sa Marriage Inquiry System ng Clark County sa Las Vegas ang nagbigay sa writer na ito ng idea para i-research ang ibang showbiz personalites na nagpakasal sa nabanggit na lugar.
Nakita rin sa Marriage Inquiry System ang mga records ng kasal nina Vilma Santos at Edu Manzano noong July 19, 1980; Gabby Concepcion at Jenny Syquia noong June 17, 1993; Phillip Salvador at Emma Ledesma noong November 15, 2003; Dorothy Jones (the late Nida Blanca) at Roger Laurence Strunk ,na dalawang beses din nagpakasal noong 1979 at 1981.
NORA AUNOR’S MARRIAGE RECORDS
Sumunod na inilagay sa search box ng inquiry system ang pangalan na Nora Villamayor, Nora’s real name, at lumabas sa laptop screen ang record ng kasal nila ni Richard James Merk noong July 7, 1988.
Si Richard ay ang kilalang jazz singer na nag-artista rin noon. Anak siya ni Annie Brazil at kapatid ng dating artista na si Rachel Ann Wolfe.
Well-publicized noon ang relasyon nina Nora at Richard.
Ang ikalawang beses na pagpapakasal ni Nora ay sa isang kapwa babae.
Nakalagay sa record ng Clark County na muli siyang ikinasal noong May 22, 2000, kay Norie Sayo, na very open sa kanyang pagiging lesbian.
Nagtanong kami sa isang lawyer kung valid ang kasal nina Nora at Norie dahil pareho silang babae, pero “hindi” ang sagot sa amin.
Sa Nevada kasi, hindi pa legal ang same-sex marriage, hindi gaya sa ibang states sa U.S., gaya ng Massachusetts.
Hindi rin sinagot ni Norie ang isyu nang subukan ng Showbiz Central staff na kunin ang kanyang panig.
Sa text message na ipinadala ni Norie, sinabi nitong walang plano si Nora na magbigay ng anumang pahayag.
Dahil sinabi ng lawyer na hindi valid ang kasal nina Norie at Nora, gusto naman naming malaman kung nakapag-file ng divorce si Richard Merk bago sila nagpakasal ng kanyang misis na si Ronnie Tapia.
Na-divorce din ba ni Nora si Richard bago niya pinakasalan si Norie?
Kasalukuyang nasa Amerika si Norie at siya ang in charge sa singing career doon ni Nora.
Musical arranger at director si Norie. Siya raw ang naging karamay ni Nora noong mga panahong marami itong problema.
Ang paglabas ng record ng kasal nina Nora at Norie ay pruweba na hindi si Desiree del Valle ang unang Filipina actress na nagpakasal sa kapwa babae.
News
“Pirma mo na,” sabi ni Minh, sa tuyong tinig. “Kapag napirmahan mo na, bibigyan kita ng kaunting pera para sa gamutan mo. Pagkatapos, ituturing na tapos na ang lahat ng utang sa pagitan natin.”/th
“Pirma mo na,” sabi ni Minh, sa tuyong tinig. “Kapag napirmahan mo na, bibigyan kita ng kaunting pera para sa…
Kakagraduate ko lang sa Economics, kaya umupa muna ako ng lumang kwarto na 500K/buwan/th
1. – Ang Kwarto na 500K Kakagraduate ko lang ng kolehiyo, wala pang trabaho, at sapat lang ang pera ko…
Ako ay isang 44 taong gulang na doktor na nagpagamot sa isang 52 taong gulang na lalaki. Isang pangungusap mula sa pasyente ang naging dahilan ng isang pag-ibig na walang inaasahan./th
Ako ay isang 44 taong gulang na doktor na nagpagamot sa isang 52 taong gulang na lalaki. Isang pangungusap mula…
ANG BIYENAN NA NAGPANGGAP NA NASA COMA MATAPOS ANG ISANG AKSIDENTE? MAY IBINULONG SA AKIN ANG AKING APO NA NAKAPATIGIL SA AKIN/th
Ako si Lành at katatapos ko lang mag-animnapung taong gulang. Sa totoo lang, wala na akong ibang hinahangad sa…
“Sa kasal ko, niyakap ako ng kapatid kong babae at bumulong: ‘Itulak mo ang cake… ngayon.’ Ilang segundo lang, hinila niya ako palayo, sumisitsit: ‘Tumakbo ka. Wala kang ideya kung ano ang plano niya sa’yo ngayong gabi.’”/th
“Sa kasal ko, niyakap ako ng kapatid kong babae at bumulong: ‘Itulak mo ang cake… ngayon.’ Ilang segundo lang, hinila…
Habang “nag-e-enjoy” ako kasama ang kabit sa hotel, bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa kaibigan—na-ospital daw ang asawa ko, kailangan operahan agad…/th
Habang “nag-e-enjoy” ako kasama ang kabit sa hotel, bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa kaibigan—na-ospital daw ang asawa ko,…
End of content
No more pages to load






