Ian de Leon reveals cause of death of Nora Aunor
Ian: “Kami ng mommy ko, kami ng mga kapatid ko, open book kami sa isa’t isa.”

Ian de Leon (left) on complex family dynamics with mother Nora Aunor (right): “Buong buhay namin, di naging madali… Kami ng mommy ko, kami ng mga kapatid ko, open book kami sa isa’t isa. Di namin pinili magtago ng sama ng loob, di namin pinili magtago ng galit sa isa’t isa… Pero we see to it na bago kami mag-usap ulit, yung puso namin ay kunektado uli sa isa’t isa.”
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras / @noravillamayor67 Instagram
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025.
“Technically and clinically speaking, the cause of death was acute respiratory failure,” diretsong saad ni Ian sa panayam ni Vicky Morales sa 24 Oras, Biyernes, Abril 18, 2025.
Ang acute respiratory failure, ayon sa mcgill.ca, ay tumutukoy sa kawalan ng abilidad ng lungs para magdala ng sufficient oxygen sa dugo at sa systemic organs.
Liban dito ay hindi na nagdetalye pa si Ian tungkol sa pagkaka-confine ni Nora sa The Medical City sa Pasig City.
Noong Abril 16, una nang sinabi ni Ian sa presscon na sumailalim sa isang operasyon ang kanyang ina.
Pagkatapos ng operasyon ay nahirapan daw si Nora sa paghinga, at mula roon ay hindi na gumanda ang kondisyon ng multi-awarded actress.
“And that’s why they had to do another procedure after that,” maiksing dagdag ni Ian.
NORA AUNOR LAST MOMENTS
Noong Abril 16, sa nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakapiling ng magkakapatid na sina Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth si Nora noong mismong oras na binawian ito ng buhay. Ang hindi lang nakahabol sa ina ay si Kiko.
Umabot ng “at least four attempts” ang duktor ni Nora para i-revive ang aktres, at may pagkakataong pinagpapahinga pa ang katawan niya bago muling ni-revive.
Sinasabing walang malay na noon si Nora, at hindi na nagkamalay pa.
Bumulong na lang ang mga anak ni Nora ng kanilang panghuling mensahe sa ina, sa paniniwalang maririnig pa ito ng aktres.
Bukod sa apat na anak ni Nora, kasama rin noong mga oras na iyon ang misis ni Ian, misis ni Kenneth, at ang tatay-tatayan ng mga anak ni Nora na si National Artist Ricky Lee.
IAN DE LEON LAST EXCHANGE WITH NORA AUNOR
Sa pagpapatuloy ng panayam ni Vicky sa 24 Oras, kinumpirma ni Ian na kasama niya ang mga kapatid noong araw na pumanaw si Nora.
Hindi raw nila ito iniwan hanggang sa huling sandali.
Ibinahagi rin ni Ian na bago ma-ospital si Nora ay nagkapalitan pa sila ng mensahe via chat.
May himig na pamamaalam sa takbo ng mensahe ni Nora, ayon kay Ian.
“Pinakahuli niyang message sa akin, ‘Anak, pakihalik mo ako sa mga apo ko. Sabihin mo sa kanila mahal na mahal ko sila.’
“Sabi ko, ‘Ma, wag ka naman ganyan magsalita. Mag-outing pa tayo. Mag-birthday ka pa. Mag-bonding pa tayo.’
“Yun ang huling chat namin, huling usap namin.
“Nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya kamahal ng mga apo niya… Pinagdadasal siya.”
IAN DE LEON ON FAMILY ISSUES
Hindi itinago ni Ian na masalimuot ang personal na buhay ni Nora at may mga pagkakataong dumadaan ang kanilang pamilya sa mga di pagkakaunawaan.
Dagdag kuwento ni Ian kay Mariz Umali sa 24 Oras: “Buong buhay namin, di naging madali.
“Ang buhay ng tao ay di madali. Maraming pagsubok. Hindi po iba ang aming ina.
“Bawat isa sa atin may mga pinagdadaanan. Minsan may konting di pagkakaintindihan.
“Pero sa halip ng lahat, ang importante, bumalik ang loob sa Diyos, matuto magpatawad, matuto magmahal ng totoo, matutong umunawa sa kapwa kahit sila yung nag-aagrabyado sa atin.”
Patuloy ni Ian, “Kasi maraming tao sa paligid natin na di nakakaintindi sa kung anong naging buhay naming personal kasama ang aming ina.
“Pero natuto kaming magpatawad. Iyan ang pinapakita sa amin ng aming ina.
“Natuto kaming magmahal nang lubos, magbigay, kasi yun din ang ginawang example sa amin ng aming ina.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Wala na raw maibibigay na mensahe si Ian para sa namayapang ina.
“Kami ng mommy ko, kami ng mga kapatid ko, open book kami sa isa’t isa,” paliwanag ni Ian.
“Di namin pinili magtago ng sama ng loob, di namin pinili magtago ng galit sa isa’t isa.
“Yes, normal po, nagkakaroon ng pagkakataon na di nagkakaunawaan. Bawat isa sa atin siguro naranasan na iyan sa kanya-kanya nating pamilya.
“Pero we see to it na bago kami mag-usap ulit, yung puso namin ay kunektado uli sa isa’t isa. Siyempre ang Panginoon ang ginagawa naming example.”
IAN DE LEON ON NORA AUNOR’S FAITH IN GOD
May maibabahagi pa ba si Ian tungkol kay Nora na di alam ng publiko, tanong ni Mariz Umali.
Sagot ni Ian, “Naging public property siya up until the very end.
“Ang nais lang niya minsan mangyari, nung nabubuhay pa po siya, ay makasama yung kami lang. Walang ibang tao. Kaming mga anak, mga apo niya.
“Pero minsan next to impossible yun. You would understand.”
Para kay Ian, pinakamagandang legacy sa kanya ng ina ang pananalig sa Diyos.
“But she would always remind us to not let go of our good Lord. Kahit anong masasama naririnig namin sa ibang tao, mga di sumasang-ayon sa amin.
“Sabi niya sa amin, ‘Patawarin niyo sila. Intindihin niyo sila. Always remember, Anak, ang trato sa iyo ng ibang tao, ay hindi di mo kaugalian yun. Yun ay reflection lang ng kanilang pagkatao.
“‘Kung ikaw magiging apektado ka sa sinasabi sa iyo ng mga tao, ibig sabihin, sila ang may kontrol sa iyo, hindi ikaw. Ikaw dapat magkontrol sa buhay mo, sa emosyon mo, di ibang tao, di ibang sitwasyon.’”
Optimistic si Ian sa kabila ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Nora.
“That’s why we found peace in this moment because we know that our good Lord is with us right now, healing us, giving us strength, wisdom, and knowledge.
“It’s not a loss, but a gain in our Father’s heavenly kingdom. So, we should celebrate her life.”
News
NAGPAALAM ANG ASAWA KO NA PUPUNTA SA “BUSINESS TRIP” PERO NANG DUMALAW AKO SA MGA BIYENAN KO, HALOS HIMATAYIN AKO SA NAKITA KONG MGA LAMPIN NG SANGGOL NA NAKASAMPAY — AKALA KO AY MAY ANAK SIYA SA IBA, PERO ANG KATOTOHANAN AY DUMUROG SA PUSO KO/th
Doon, tumigil ang mundo ko. Nakasampay sa tali—mga lampin ng sanggol. Mabilis na tumakbo ang isip ko.“Bakit may baby dito?…
Habang namimili kami, biglang mahigpit na hinawakan ng walong taong gulang kong anak ang kamay ko. “Mama, bilisan mo… sa banyo,” bulong niya. Sa loob ng cubicle, ibinaba niya ang boses. “Huwag kang gumalaw. Tumingin ka.”/th
Yumuko ako… at naparalisa ako sa nakita ko.Hindi ako sumigaw. Hindi ako umiyak. Nag-isip ako nang mabilis. Kumilos ako.Tatlong oras…
“Walang tigil ang iyak ng aking sanggol at inakala kong stress lang iyon… hanggang sa iangat ko ang kumot sa kuna at natuklasan ang isang pagtataksil na sumira sa aming pamilya.”/th
Akala ko alam ko kung ano ang stress. Hanggang sa pumasok ako sa bahay noong hapong iyon at narinig ko…
Pumunta ako sa ospital upang alagaan ang aking asawa na may bali sa buto. Habang siya’y mahimbing na natutulog, palihim na nag-abot ng isang papel ang punong nars sa aking kamay at marahang bumulong: “Huwag ka nang bumalik. Suriin mo ang kamera…”/th
Isang maulang hapon ako nagtungo sa ospital upang alagaan ang aking asawa na si Daniel Miller, na nabalian ng binti…
“ANG NANAY KO AY NASA LOOB NG BASURAHAN!”: ANG NAKAKADUROG-PUSONG IYAK NG ISANG BATA AT ANG KAKILAKILABOT NA LIHIM SA LIKOD NG KALAWATING KANDADO/th
ANG TINIG SA LOOB NG KALAWATING BASURAHAN Sa gitna ng mataong plaza ng Hai Phong, isang bata ang umiiyak nang…
ANG LUMANG KUMOT SA GABI NG BAGONG TAON/th
Kabanata 1: Ang Kalupitan sa Ilalim ng Ginintuang Bubong Ang ulan sa gabi ng ika-28 ng Bagong Taon ay parang…
End of content
No more pages to load






