Ako si Joy. Bukas na sana ang kasal namin ni Marco. Nakaayos na ang lahat, ang simbahan, ang gown ko, pati ang singsing na buong yabang niyang isinukat sa daliri ko ilang buwan na ang nakalipas.

Isang araw bago ang kasal, ngumiti pa siya sa akin.

“Magmo-mall lang ako saglit,” sabi niya. “Bibili lang ako ng kulang.”

Tumango ako. Wala akong hinala.

Pero lumipas ang umaga. Tanghali at hapon, hindi na siya umuwi.

Paulit-ulit kong tinatawagan ang cellphone niya, walang sagot. Ang kaba sa dibdib ko ay unti-unting napalitan ng takot. Pumunta ako sa mall. Wala siya roon, tinawagan ko ang mga kaibigan niya. Wala ring nakakita. Kinagabihan, nag-umpisa na ang bulungan.

“Baka umatras?” “Baka may iba?” “Baka may nangyaring masama?”

Araw ng kasal namin, wala si Marco. Ako ang babaeng naka-gown pero walang lalaking hihintayin sa altar. Nag-file kami ng missing person report. Sinuyod ang ospital, presinto, at mga lugar na madalas niyang puntahan. Walang bakas at parang nilamon siya ng lupa.

Sa bawat gabing lumilipas, ako ang umiiyak. Ako ang naaawa sa sarili. Ako ang kawawang iniwan sa araw ng kasal. Hanggang sa dumating ang pulis isang gabi.

May nakita raw silang CCTV footage sa likod ng bahay namin, isang camera na nakalimutang sirain. Doon nagsimulang mabasag ang katahimikan. At ako biglang hindi mapakali, pinagpawisan habang nauutal. Sa video, kitang-kita si Marco at ako.

Isang gabi bago ang kasal, nahuli ko siyang may kasamang ibang babae sa loob ng bahay namin. Hinintay ko lang na umalis ang babae. Narinig ang sigawan at ang iyak ko. Ang pagtanggi niya. At sa gitna ng galit at sakit, natulak ko siya. Bumagsak siya mula sa ikatlong palapag.

Tahimik ang sumunod na eksena. Walang sigaw at walang galaw.

Sa takot, hindi ako humingi ng tulong. Sa halip, hinila ko ang katawan niya papunta sa likod ng bahay. Inilibing ko siya roon, sa lupang dati naming tinataniman ng halaman.

Sinira ko ang lahat ng CCTV sa loob at harap ng bahay. Sinigurado kong walang makakakita.

Pero nakalimutan ko ang isa. Ang CCTV mismo sa likod-bahay. Ngayon, hindi na ako ang babaeng iniwan sa altar. Ako na ang babaeng nagkubli sa likod ng lungkot para takasan ang kasalanan.

At sa araw na dapat sana’y nagsimula ang habang-buhay namin, Doon pala nagsimula ang kulungan ko.