” Isang gabi, tatlong lalake ”

“Sabi nila, kapag ang babae ay may asawang masipag, tahimik, at hindi ka binubuhatan ng kamay, dapat na akong makuntento. Pero yan totoo, nais ko lang din po share kuya jay ang aking kuwento, ilang taon na din ang lumipas, hindi ko sinasabi na gayahin ninyo ako., mali ang mga ginawa ko at nagsisi ako, nais ko lang malaman ninyo at kahit paano, kapulutan ng aral,

Itago mo na lang ako sa pangalan Sheikina, at sa loob ng pitong taon naming pagsasama ni Hakim, unti-unti akong kinakain ng pagkabagot.” Boring kumbaga,
Mabait si Hakim, Pero ang kabaitan niya ay parang sirang plaka, paulit-ulit, walang kulay, walang excitement. Gigising kami, kakain, papasok, uuwi. Gabi-gabi, tatalikuran niya ako para matulog dahil pagod siya sa trabaho. Mahal ko siya, pero hindi sapat ang ‘mahal’ lang para punan ang gutom ko sa atensyon.
Kaya naman, bumuo ako ng sarili kong mundo.

Tuwing umaga, magpapaalam ako kay Hakim na kunwari ay magko-commute lang. Pero pagliko ko sa kanto, nandoon na ang makintab na sasakyan ni Eric. Si Eric ang boyfriend ko ang lalaking nagbibigay sa akin ng mga haplos na hindi ko na nararamdaman sa asawa ko. Sa loob ng sasakyan niya, bago ako bumaba sa tapat ng opisina, doon ko nararamdaman na buhay ako. Ang bawat halik niya ay parang paghihimagsik sa boring na buhay ko sa piling ni Hakim.

“Mag-ingat ka sa loob, ha? Susunduin kita mamaya,” bulong ni Eric bago ko isara ang pinto ng kotse.
Pagpasok ko naman sa loob ng building, ibang klase na naman . Akala niyo ba empleyado lang ako r? Hindi. Paborito ako ng Boss namin. Isang tawag lang niya sa intercom, kailangang pumasok ako sa opisina niya.
“Sheikina, hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiyaga ka sa isang hamak na technician,” sabi ng Boss ko isang hapon habang nilalaro ang buhok ko. “Kaya kong ibigay ang lahat. Promosyon, out-of-town trips, alahas. Basta manatili ka lang na ganito sa akin.”

Ngumingiti lang ako. Gusto ko ang kapangyarihan. Gusto ko ang pakiramdam na kaya kong paikutin sa mga daliri ko ang tatlong lalaki. Si Hakim para sa seguridad at pangalan, si Eric para sa pagnanasa, at si Boss para sa karangyaan at ambisyon.
Minsan, kapag nakaupo ako sa tapat ng hapag-kainan kasama si Hakim, at nakikita ko siyang tahimik na kumakain ng inihanda kong hapunan, dinalaw ako ng kaba. Paano kung malaman niya? Paano kung mag-krus ang landas ni Eric at ng Boss ko?
Pero mabilis ding nawawala ang takot na ‘yun. Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng lamesa at binabasa ang sabay na notification mula kay Eric at kay Boss.
“I can’t wait for tomorrow,” sabi ni Eric. “May bonus ka sa payroll mo, Sheikina,” sabi naman ni Boss.

Isang hapon, biglang niyanig ang mundo ko. Ang akala kong perpektong pagmamanipula, muntik nang gumuho sa isang pagkakamali.
Alas-singko ng hapon, katatapos lang ng meeting namin. Ipinatawag ako ni Boss sa opisina niya. Seryoso ang mukha niya, pero alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na iyon.

“Sheikina, may out-of-town conference tayo sa Tagaytay sa tomorrow Isasama kita. Isang kwarto na lang ang kinuha ko para hindi na magastos,” sabi niya sabay kindat. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit sa labi niya.
Eksaktong sandaling iyon, nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Si Eric. Siguradong nasa baba na siya at naghihintay na sunduin ako. “Boss, sandali lang, may tumatawag,” paalam ko habang pilit na ngumingiti.

Paglabas ko ng pinto, sinagot ko ang tawag ni Eric. “Bakit?” bulong ko.
“Sheikina, nasaan ka na? May nakakita sa akin dito sa tapat ng building niyo. Yung kapitbahay niyo sa dasma,! Nakita niya akong naghihintay sa’yo. Tinanong niya kung driver mo ba ako!” halatang kabado ang boses ni Eric.
Nanigas ako. “Anong sabi mo?”

“Sabi ko kaibigan mo lang ako. Pero Sheikina, baka makarating kay Hakim! Kailangan na nating umalis dito!”
Nagmamadali akong bumaba. Pero bago pa ako makarating sa elevator, nakita ko si Boss na lumabas din ng opisina niya. “Sheikina, wait! Nakalimutan mo yung envelope mo.”

Sa kamalasan, pagbukas ng pinto ng elevator sa lobby, nanlaki ang mga mata ko. Nakatayo doon si Hakim. May dalang bulaklak at nakangiti.
“Surprise, Mahal! Anniversary natin bukas, kaya may surprise ako sayo, diba Sabi ko susunduin kita para mag-dinner tayo sa labas,” sabi ni Hakim na puno ng pagmamahal ang boses.

Napatigil ako sa gitna ng lobby. Sa likuran ko, nandoon ang Boss ko na hawak ang envelope at may pahiwatig na ngiti. Sa labas ng glass door, nakikita ko ang sasakyan ni Eric na bumubusina na dahil sa inip. At sa harap ko, ang asawa kong walang kamalay-malay na niloloko ko na siya nang matagal na panahon.
“S-sino siya, Sheikina?” tanong ni Hakim nang mapansin ang Boss ko na nasa likuran ko.

Tiningnan ako ni Boss mula ulo hanggang paa, tapos tumingin kay Hakim. “So, ikaw pala ang asawa. Nice to meet you. Masyadong masipag ang asawa mo, Minsan, inaabot kami ng gabi sa ‘trabaho’ dito sa office,” sabi ni Boss na may diin sa salitang trabaho.

After magsalita ni boss, Mabilis akong himila ni Hakim palabas. “Tara na, Mahal! Gutom na ako!”
Pero paglabas namin, eksaktong dumaan sa harap namin ang sasakyan ni Eric. Huminto ito at ibinaba ang bintana. “Sheikina! Ano na? Akala ko ba” napatigil si Eric nang makita si Hakim na nakaakbay sa akin.

Tumingin si Hakim kay Eric, . “Sino siya, Sheikina? Siya ba yung sinasabi ng kapitbahay natin na laging sumusundo sa’yo?”
Kumaba ang dibdib ko. Ito na yata ang katapusan ng ko. Tatlong lalaki, isang lobby, at isang malaking kasinungalingan.

“Ah… Eric? Siya yung… yung kinuha kong Grab! Oo, Grab driver siya, Mahal! Lagi ko siyang nabo-book kaya naging suki ko na!” palusot ko, kahit alam kong hindi kapanipaniwala.

Tinitigan ako ni Hakim nang matagal. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang duda sa mga mata niya. “Grab? Pero bakit kilala ka niya sa pangalan? At bakit parang galit siya?”

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin sa akin si Eric na parang sasabog na sa selos. Nakatingin si Hakim na naghihintay ng paliwanag. At sa likod namin, nandoon ang Boss ko na pinapanood ang bawat galaw ko na parang nanonood ng sine.
Grabe ang kaba ko, Kuya Jay, pero mabilis talaga ang takbo ng utak ko pagdating sa palusot.

“Mahal, sige na,
na tayo! Suki ko ‘yan si Eric, mabait ‘yan at siguradong mabilis tayong makakarating sa ise-celebrate-an natin,” sabi ko kay Hakim habang itinutulak ko siya pasakay sa sasakyan ni Eric.

Napilitan si Hakim. Si Eric naman, halos manigas sa manibela. Nagkatinginan kami sa rearview mirror yung tingin na nagsasabing, “Umayos ka kung ayaw mong mapahamak tayong dalawa.”

Pero hindi ko alam, ang Boss ko, hindi pala basta-basta susuko. Sumakay din siya sa kanyang luxury car at palihim kaming sinundan. Ang hindi alam ng dalawa, may surprise celebration pala si Hakim sa isang sikat na hotel sa Tagaytay. At ang mas malala? Doon din ang booking ni Boss para sa aming dalawa
Pagdating namin sa hotel lobby, para akong nasa gitna ng isang pelikula na malapit nang maging trahedya.

“Mahal, check-in lang ako. May kinuha akong suite para sa anniversary natin,” sabi ni Hakim na sobrang proud.

Habang naglalakad si Hakim sa front desk, biglang pumasok si Boss sa lobby. Nanlaki ang mata ko. Lumapit siya sa akin habang nakatalikod si Hakim.
“Sheikina, what a coincidence? Dito rin pala ang ‘meeting’ natin? I already checked in at Room 402. I’ll wait for you there in 30 minutes,” bulong ni Boss sabay abot ng isang keycard sa kamay ko bago siya mabilis na lumayo.
Hindi pa ako nakakahinga, biglang lumapit si Eric mula sa parking lot. Hiningal siya at hinila ako sa isang tabi.

“Sheikina, hindi ako papayag na mag-celebrate kayo ng asawa mo dito habang nandito ako. Nag-book din ako ng room. Room 305. Kapag hindi ka pumunta doon mamayang gabi, ilalaglag kita kay Hakim. Bahala ka,” banta ni Eric.
Naiwan akong nakatayo sa lobby, tulala habang hawak ang
Ang susi ni Hakim (Suite 501) ang obligasyon ko bilang asawa.
Ang keycard ni Boss (Room 402) –ang alas ko para sa promosyon at pera.
Ang banta ni Eric (Room 305) ang lihim na pagnanasa na pwedeng sumira sa akin.
“Mahal, okay na! Room 501 tayo. Tara na?” yaya ni Hakim na bitbit na ang mga gamit namin.

Pagpasok namin sa elevator, tumigil ito sa 3rd floor. Bumukas ang pinto at nakatayo doon si eric, pero nakatalikod, Tapos tumigil ulit sa 4th floor, at doon naman nakatayo si Boss, na parang chine-check kung susunod ako sa usapan.
Si Hakim, nakatingin lang sa numero ang elevator, walang kamalay-malay. “Parang ang raming tao dito sa hotel na sabi pa ni hakim

Nag usap lang kami ni hakim at kuwentuhan, hindi nagtagal
naka Tulog na si Hakim dahil sa pagod at sa wine na pinainom ko sa kanya. Ito na ang pagkakataon ko. Pero saan ako pupunta? Kay Boss sa 402 o kay Eric sa 305? O baka mas mabuting manatili na lang ako dito sa 501 bago pa mag-krus ang landas ng tatlong ito sa hallway

Grabe ang kaba ko, Kuya Jay, pero dahil sanay na ako sa ganitong laro, nakuha ko pang mag-isip ng palusot habang mahimbing na natutulog si Hakim. Nag-iwan ako ng note sa tabi niya: “Mahal, baba lang ako sa lobby, nakalimutan ko yung charger ko sa sasakyan ni Eric (yung Grab driver) kanina, tinawagan ko siya at ibabalik daw niya. Don’t worry, balik ako agad.”
Una kong pinuntahan ang Room 402. Halos liparin ko ang hagdanan para lang makarating kay Boss.

“You’re late, Sheikina,” bungad ni Boss, pero hindi na siya nakapagsalita pa nang simulan ko na siyang pa amuhin,. Alam ko kung paano siya paikutin. Doon, mabilis kaming “nakatapos,.” Kahit pagod na ako, kailangan ko pang kumilos. Sa isip ko, para ito sa promosyon, para ito sa pera. Matapos ang mabilisang engkwentro, nag-ayos ako ng buhok at bumaba naman sa Room 305.

Naghihintay si Eric, galit na galit. “Akala ko ba hindi ka na darating? Ano, inuna mo pa yung asawa mo?”
“Ssshhh! Eric, alam mo namang para sa atin din ito, ‘di ba? Para hindi siya magduda,” pagsisinungaling ko. Muli, ibinigay ko ang sarili ko kay Eric para lang mapatahimik ang pagseselos niya. “Nakarapos” din kami, at sa puntong ito, halos gumuho na ang tuhod ko sa sobrang pagod. Dalawang lalaki sa loob ng isang oras, habang ang asawa ko ay nasa kabilang floor lang.

Alas-tres na ng madaling araw nang lumabas ako sa kwarto ni Eric. Haggard ang itsura ko, gulo-gulo ang damit, at ramdam ko ang lagkit sa katawan. Pagpasok ko sa Suite 501, nagulat ako dahil gising na si Hakim at nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang note na iniwan ko.

“Sheikina? Bakit ngayon ka lang? Bakit ganyan ang itsura mo? At bakit parang… parang pawis na pawis ka?” tanong ni Hakim, puno ng pag-aalala at simula ng hinala.
Mabilis akong sumandal sa pinto at huminga nang malalim. “Mahal… pasensya na. Kasi naman yung driver na si Eric, ang tagal dumating! Tapos nung dumating siya, nai-lock niya pala yung susi sa loob ng kotse niya. Nagpatulong pa kami sa security ng hotel para mabuksan yung sasakyan niya at makuha yung charger ko.”
Isang oras para sa charger?” pagtataka ni Hakim.

“Oo, Mahal! At alam mo ba, sobrang init sa parking lot, tapos nataranta pa ako kasi baka magising ka at hanapin mo ako. Kaya heto, pagod na pagod ako sa pagtakbo pabalik dito. Pasensya na kung nag-alala ka, anniversary natin, na-stress pa ako,” sabi ko sabay yakap sa kanya nang mahigpit para hindi niya makita ang guilt sa mukha ko.

Naramdaman ko ang pagluwag ng paghinga ni Hakim. “Ganon ba? Akala ko kung ano na. Halika na, magpahinga ka na. Masyado ka talagang perfectionist, pati charger hindi mo mapalampas.”

Habang nakahiga ako sa tabi ni Hakim, rinig ko ang tibok ng puso ko. Nakalusot ako. Pero habang nakapikit ako, biglang nag-vibrate ang phone ko sa ilalim ng unan. Isang message mula kay Boss at isang message mula kay Eric.
Boss: “Good job tonight. See you on Monday for your promotion papers.” Eric: “I want more. Kita tayo bukas bago kayo umuwi.”
Napabuntong-hininga ako. Napagod ako ngayong gabi, pero mukhang hindi pa tapos ang trabaho ko.

Kahit halos bumibigay na ang tuhod ko sa sobrang pagod, tiningnan ko si Hakim. Nakita ko ang pagmamahal sa mga mata niya, at bilang asawa, alam kong kailangan kong bumawi. Kahit pagod na ang katawan ko, ginamitan ko siya ng lahat ng “moves” na alam ko. Ginawa kong espesyal ang gabing iyon para sa aming anniversary. All-out ako, kahit ang totoo ay iniisip ko na lang na kailangang maging kumbinsido siya na siya lang ang lalaki sa buhay ko.

Matapos ang aming sandali, nakatulog si Hakim na may ngiti sa mga labi. Alas singko na ng madaling araw. Akala ko, makakaidlip na rin ako. Pero pagpatak ng 5:30, naramdaman ko ang vibrate ng phone ko.
“Dito pa ako sa parking. 10 minutes lang, Sheikina. Isang huling ’round’ bago kayo umalis. Kung hindi ka bababa, aakyat ako diyan at kakatok sa Room 501. Alam kong gising ka.”

Napamura ako sa isip ko. Si Eric, kapag nanggigigil ito, wala nang kinatatakutan. Natakot ako na baka seryosohin niya ang pag-akyat dito at mag-eskandalo. Dahan-dahan akong bumangon. Ni hindi na ako nakapag-shower, nagsuot lang ako ng robe at palihim na lumabas ng suite.

Pagdating ko sa madilim na sulok ng parking lot, nandoon ang sasakyan ni Eric. Agad niya akong hinila papasok.
“Sira ka ba? Paano kung magising si Hakim?” singhal ko sa kanya, pero hindi siya nakikinig.

“Sampung minuto lang, sabi ko sa’yo,” bulong niya habang nilalapa ako.
Habang nasa gitna kami ng mabilisang engkwentro sa loob ng sasakyan, biglang nagliwanag ang paligid namin. Isang malakas na headlight ng sasakyan ang tumama sa salamin ni Eric.

“Sino ‘yan?!” tanong ni Eric na natigilan.
Sumilip ako nang bahagya sa bintana at halos himatayin ako sa nakita ko. Ang luxury car ni Boss. Nakahinto ito sa tapat namin, at nakita ko si Boss na nakaupo sa driver’s seat, nakatitig sa sasakyan ni Eric, naisip ko agad, na baka alam nya na nandoon ako. Nakita niya akong bumaba ng elevator kanina.
Hindi pa doon natatapos ang kaba ko. Sa di-kalayuan, nakita ko ang guard ng hotel na papalapit sa sasakyan namin, kasama ang isang lalaking naka-t-shirt lang at tsinelas na parang kararating lang sa parking lot para maghanap walang iba Si Hakim.

Kuya jay Nasa gitna ako ng tatlong apoy:
Si Eric na ayaw akong bitawan sa loob ng sasakyan.
Si Boss na nanonood sa labas at mukhang may balak akong i-blackmail.
Si Hakim na papalapit na sa pwesto namin, kasama ang security guard.
“Diyos ko, katapusan ko na ba ito?” ang tanging nasabi ko sa sarili ko habang mabilis na nag-aayos ng robe sa loob ng madilim na kotse

Buti na lang at hindi lang pera ang meron si Boss, kundi mabilis ding gumana ang utak sa oras ng gipit. Alam niya na kapag sumabog ang iskandalo ko, damay ang reputasyon niya at malalaman din ng asawa niya ang tungkol sa amin.
Mabilis niyang ibinaba ang bintana ng kotse niya at tinawag ang security guard bago pa man makalapit si Hakim.

“Guard! ‘Yung kotseng ‘yan, nakaharang sa dadaanan ko. Paalisin mo na ‘yan ngayon din!” utos ni Boss na may awtoridad.

Dahil VIP si Boss sa hotel, agad na sumunod ang isang guard at inutusan din ang guard na kasama ni hakim, Pinatunog ng guard ang pito at pinataktak ang bintana ni Eric. “Boss, bawal mag-park dito, nakaharang kayo! Alis na, bilis!”
Si Eric, bagama’t nabitin at inis, ay walang nagawa kundi humarurot paalis habang nakayuko ako sa dashboard para hindi makita ni Hakim. Sa ganoong paraan, nakalayo ang sasakyan ni Eric bago pa man ito malapitan ng asawa ko.
Habang hini-hostage ni Boss ang atensyon ni Hakim at ng guard sa pamamagitan ng pagrereklamo tungkol sa “maling parking,” mabilis akong lumabas sa kabilang pinto ng kotse ni Eric bago pa ito tuluyang makalayo, at tumakbo ako papasok sa side entrance ng lobby.

Halos himatayin ako sa kaba habang naghihintay bumukas ang elevator. Pagdating ko sa 5th floor, mabilis akong pumasok sa suite at humiga, nagkunwaring tulog na tulog at hinihingal pa.

Ilang minuto lang, bumukas ang pinto. Pumasok si Hakim, bagsak ang balikat at mukhang naguluhan.

“Mahal? Gising ka na pala?” paos na tanong ko, kunwari ay naalimpungatan lang. “Nasaan ka galing? Akala ko ba magkatabi tayo?”

Napakamot sa ulo si Hakim. “Nagising ako, wala ka sa tabi ko. Hinanap kita sa baba, na abala lang ako dahil May nakita akong kotse doon na kahina-hinala pero pinaalis ng isang VIP guest. Sabi naman ng guard, wala naman daw nakita doon na tao,
“Sus, Mahal! Pumunta lang ako sa banyo, tapos uminom ng tubig. Baka masyado ka lang nananaginip kaya kung ano-ano ang nakikita mo sa baba,” palusot ko sabay hila sa kanya para muling humiga. “Halika na, matulog na tayo. Maaga pa tayo bibiyahe pauwi.”

Niyakap ako ni Hakim nang mahigpit. “Pasensya na, Mahal. Siguro sobrang pagod ko lang talaga kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Salamat sa gabing ito, ha? Sobrang saya ko.”

Habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Hakim, nakatingin ako sa kisame ng hotel room. Ligtas na naman ako. Pero alam ko, pagbalik namin sa Maynila, maghihintay ang tawag ni Boss para sa promosyon ko, at ang text ni Eric para sa susunod naming pagkikita.

Nakalusot ako ngayon, pero hanggang kailan ko kaya kayang pagsabayin ang tatlong mundong ito nang hindi ako tuluyang nalulunod sa sarili kong mga kasinungalingan?

Ang takot na naramdaman ko sa hotel ay hindi basta-basta nawala. Simula noong gabing iyon, para akong laging hinahabol ng sarili kong anino. Pero mas matindi ang takot na dumating makalipas ang apat na linggo.

Isang umaga, pagbangon ko pa lang, parang umikot ang buong kwarto. Kumaripas ako ng takbo sa banyo at doon isinuka ang lahat ng kinain ko kagabi.
“Mahal? Okay ka lang ba?” tanong ni Hakim habang hinahaplos ang likod ko. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. “Ilang araw ka nang ganyan, ah. Nahihilo, nagsusuka… Sheikina, baka ito na ‘yung hinihintay natin.”

Ngumiti si Hakim nang malapad yung ngiting punong-puno ng pag-asa. “Magpa-check-up na tayo mamaya. Baka buntis ka na.”
Nanginig ang buong katawan ko. Hindi dahil sa tuwa, kundi dahil sa matinding kalituhan. Kung buntis man ako, kaninong binhi ito? Kay Hakim ba na asawa ko? Kay Eric na laging mapusok? O kay Boss na kumuha rin sa akin noong gabing iyon?
Doon ko napagtanto na kailangan ko nang tapusin ito,

Lunes, pumasok ako sa opisina na may plano. Una kong hinarap si Boss. Pagpasok ko sa opisina niya, inilapag niya ang promotion papers ko.
“Congratulations, Sheikina. Bukod sa promotion, may bonus ka pa,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko. “Boss… kailangan nating tumigil. Nagdududa na ang asawa ko. At isa pa, masama ang pakiramdam ko. Balak ko nang mag-file ng indefinite leave o baka mag-resign na muna para mag-focus sa pamilya ko.”

Nanlaki ang mata ni Boss. “Ano? Pagkatapos ng lahat?”
“Boss, kung ayaw mong malaman ng asawa mo ang nangyari sa atin, hayaan mo na akong umalis nang tahimik. Salamat sa lahat,” banta ko sa kanya. Alam kong tikom ang bibig niya dahil mas malaki ang mawawala sa kanya.
Sumunod ay si Eric. Naghihintay siya sa parking lot gaya ng dati. Sumakay ako pero hindi ako nagpakita ng lambing.

“Eric, tapos na tayo,” diretso kong sabi.
“Anong tapos? Sheikina, huwag mo akong biruin ng ganyan!” galit niyang sagot.
“Buntis ako, Eric. At sigurado akong kay Hakim ito. Ayaw kong lumaki ang anak ko sa gulo. Huwag mo na akong susunduin, huwag mo na akong tatawagan. Kung hindi, ipapa-blotter kita sa pangungulit sa akin,” pananakot ko. sabi ko pa, hindi mo kilala si hakim, marami syang kilala tao, Nakita ko ang takot sa mukha niya, pagkasabi ko, pero bago pa siya makapagsalita, bumaba na ako ng sasakyan.
Pagdating ng hapon, dinala ako ni Hakim sa clinic. Habang naghihintay ng resulta, hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko, anumang oras ay guguho ang langit sa akin.

“Congratulations, Mr. and Mrs.. You are six weeks pregnant,” sabi ng doktor.
Niyakap ako ni Hakim nang sobrang higpit. Umiiyak siya sa tuwa. “Salamat, Sheikina! Salamat! Ito na ang pinakamagandang regalo mo sa akin!”
Habang nakayakap ako sa kanya, pumatak ang luha ko. Sa loob-loob ko, tinatanong ko ang tadhana: Ito na ba ang paraan mo para pagbayarin ako? Ang bata sa sinapupunan ko ang magiging simbolo ng kapatawaran ni Hakim o ang mitsa ng pagkawasak namin. Pero sa ngayon, pinili kong ibaon ang lahat ng sikreto ko. Iniwan ko ang trabaho, blinock ko si Eric, at nagpakalayo-layo kami ni Hakim para magsimula ng bagong buhay sa probinsya.

Ang katahimikan ay naging kakampi ko, pero tuwing titingin ako sa salamin, alam ko ang totoo. Dadalhin ko ang lihim na ito hanggang sa huling hininga ko, para lang mapanatili ang kaligayahan ng lalaking tanging nagmahal sa akin nang totoo.
Lumipas ang pitong buwan. Malayo na kami sa ingay ng Maynila, malayo sa mapanuring mata ng aking dating Boss, at malayo sa mapusok na paghahabol ni Eric. Nanirahan kami ni Hakim sa isang tahimik na bayan sa mindanao, kung saan tanging huni ng mga ibon at alon ng dagat ang naririnig ko tuwing umaga.
Dito, nakita ko ang ibang mukha ng asawa ko. Si Hakim na dating “boring” sa paningin ko ay naging sandigan ko. Siya ang matiyagang nagmamasahe ng mga binti ko kapag namamanas ako, siya ang gumigising ng madaling araw para lang ipagluto ako ng kung anong mapaglilihian ko. Sa bawat haplos niya sa lumalaki kong tiyan, unt-unting nadudurog ang puso ko.

Isang gabi, habang nakaupo kami sa balkonahe at pinapanood ang bilog na buwan, hinawakan ni Hakim ang kamay ko.

“Sheikina, alam kong nahirapan ka sa pag-adjust dito. Alam kong marami kang isinuko, ang career mo, ang mga kaibigan mo sa Manila,” malambing niyang sabi. “Pero pangako ko sa’yo, hinding-hindi ko hahayaang pagsisihan mo ang pagpili sa pamilya natin. Ikaw at ang baby natin ang tanging kayamanan ko.”

Tiningnan ko ang mga mata ni Hakim. Doon ko nakita ang katapatan na hinding-hindi maibibigay ni Eric o ng Boss ko. Doon ko napagtanto na ang hinahanap kong “excitement” noon. Ang pag-ibig ni Hakim sapat para gabayan ako sa dilim.
Pagkalipas ng dalawang buwan, isinilang ko ang isang malusog na sanggol na lalaki. Pinangalanan namin siyang Gabriel.

Nang unang beses na kargahin ni Hakim si Gabriel, kitang-kita ko ang pagkakahawig ng kanilang mga mata. Isang himala? Marahil. O baka isang pagkakataon na ibinigay ng langit para ituwid ang aking landas. Doon ko napagtanto na kahit gaano kagulo ang nakaraan ko, ang bata sa aming bisig ay isang bagong simula.

Isang araw, habang nililinis ko ang aking lumang bag, nakita ko ang aking lumang cellphone ang cellphone na naglalaman ng lahat ng ebidensya ng aking panloloko. Matagal ko itong tinitigan. Maaari ko itong buksan para silipin kung may mensahe pa ba si Eric o si Boss. Pero imbes na buksan, naglakad ako patungo siga ng mga tuyong dahon

Inihagis ko ang cellphone sa gitna ng apoy,.
Hindi ko man mabubura ang katotohanan ng aking nakaraan, pinili kong maging mabuting ina kay Gabriel at tapat na asawa kay Hakim sa bawat segundong darating. Ang katahimikan ko ay hindi na isang “parusa” kundi isang “proteksyon” para sa kaisa-isang pamilyang nagturo sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng sapat.

Sa ngayon kuya jay, dito na kami sa Mindanao, may sarili ng shop si hakim na pinagtutulungan namin na palaguin buhat sa perang nakuha ko sa company at kay boss,