Ricky Davao, pumanaw kapiling ang kanyang pamilya
Jackie Lou Blanco, inasikaso ang burol ni Ricky Davao bago mag-taping.

Jackie Lou Blanco on husband Ricky Davao’s death: “Iba pa rin when it finally happened. Please pray for our family, especially my kids. And to Ricky, thank you for making us, your family, feel loved.”
PHOTO/S: Jerry Olea / GMA Network
Malungkot na balita ang ating natanggap noong Mayo 1, 2025, Huwebes, Labor Day: pumanaw na ang magaling at mabait na aktor na si Ricky Davao.
Ang bilis!
Nakasama pa siya ng talent kong si Iza Calzado sa script reading ng seryeng Severino with Dennis Trillo and Dolly de Leon.
At siyempre, I get updates from my talent Jackie Lou Blanco, misis ni Ricky.
May taping si Jackie Lou ngayong Biyernes, Mayo 2, para sa guest role niya sa Totoy Bato ng Viva at TV5.
After niyang asikasuhin ang funeral arrangements para kay Ricky sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City ay tutuloy siya sa taping sa Antipolo.
JACKIE LOU AND FAMILY HOLDING ON
Parang history repeats itself para kay Jackie Lou and her children Ara, Rikki Mae, and Kenneth.
But she is holding on together with her kids na nagkasunud-sunod ang pagsubok.
Nauna rito ang pagpanaw ng ina ni Jackie na si Pilita Corrales before Holy Week.
Pahayag ni Jackie sa PEP Troika: “Everyone, all of us, were in Ricky’s house when it happened.
“From the hospital, Ricky was brought back home for palliative care.
“This has solidified our family and strengthened everyone and even those whom Ricky loved.
“Iba pa rin when it finally happened. Please pray for our family, especially my kids.
“And to Ricky, thank you for making us, your family, feel loved.”

Jackie Lou Blanco and Ricky Davao co-starred in GMA-7’s I Can See You: AlterNate in 2022.
Photo/s: GMA Network
GORGY RULA
Ang bilis kumalat ng malungkot na balitang ito.
Noong nakaratay pa si Ricky Davao sa ospital, napag-uusapan na ito ng malalapit niyang kaibigan at nababahala ang lahat.
Ayaw kasi talaga ni Ricky ng napapabalita at pinag-uusapan kaya tahimik lang hanggang sa kanyang pagpanaw.
Nag-alok pa raw noon si Richard Merk na magpa-concert para mag-raise ng funds para sa hospitalization ni Ricky, pero tumanggi raw ang pamilya ng aktor.
Ayaw raw kasi nilang gawing isyu pa ito.
Nagkasunud-sunod pa ang pagpanaw nina Pilita Corrales, Nora Aunor, at Hajji Alejandro, kaya ipinapanalangin ng lahat na sana wala nang sumunod.
Pero nangyari nga itong kay Ricky.
Dahil dito, nagsa-suggest ang iba na magpamisa para sa ating industriya na nagluluksa sa magkakasunod na pagpanaw ng mga mahal nating artista.
Marami tayong magagandang alaala kay Ricky kaya ang dami talagang apektado nang nakumpirmang pumanaw na siya.
Ang karamihan ay nagulat dahil hindi nila alam na may malubhang karamdaman pala si Ricky.

Ricky Davao (second from left, standing) with members of the entertainment press including PEP Troika’s Noel Ferrer, Jerry Olea, and Gorgy Rula.
Photo/s: Noel Ferrer

Ricky Davao (second from right) with veteran entertainment columnists (from left) Allan Diones, Noel Ferrer, Jerry Olea, and Mell Navarro
Photo/s: Noel Ferrer
JERRY OLEA
The last time na nakita at nakausap ko ang kaibigang Ricky Davao ay sa mediacon ng original Filipino musical na Silver Lining Redux noong Oktubre 15, 2024, sa Red Rhino, Greenfield District, Mandaluyong City.
Ang dami naming napagkuwentuhan noon—mula sa mga panahong nag-umpisa siya sa teatro hanggang pumalaot sa TV at pelikula.

Ricky Davao during the presscon of Silver Lining Redux on October 15, 2024.
Photo/s: Jerry Olea
Line producer siya ng Silver Lining Redux, at binanggit niyang may planong isapelikula ang nasabing musical in the future.
Akala ko nga noon ay magdidirek na siya ng pelikula, pero ayun at bumalik siya muli sa entablado.
“Waiting lang ako ng magandang material. Sana, at saka the right producer who will trust me,” sabi ni Ricky.
Kung gawing pelikula iyong Silver Lining musical, gusto ba niyang siya ang magdirek?
“Kaya naman. Pero kung artista rin ako, di ba? Ang hirap kasi medyo mahal din ang musical, e,” tugon ni Ricky.
“Di ba? Mahal din ang music, di ba? Although ito ang may-ari, yung producer na, di ba, kung siya ang magpo-produce. Sa kanya yung music.
“Mahal yun, e! Mahal pero kakayanin. Kakayanin. Kasi, you get people to ano, yung mga session musician. Siyempre gagandahan mo iyon, di ba?
“Tapos may recording. We cannot shoot it naman as live, di ba? So, ire-record mo yan. Maproseso.
“Kasi pag-aaralan mo, ire-record mo. Pero habang ire-record mo, dapat ang recording is para ka nang umaarte rin dun sa eksena. So, mahabang proseso yun.”
Hindi nakapag-perform si Ricky sa press and gala night noong Nobyembre 9 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.
Ang nag-perform ay ang alternate niyang si Jamie Wilson.
Nakapag-guest pa si Ricky at ilang Silver Lining Redux co-stars niya sa Family Feud na ipinalabas noong Nobyembre 15 sa GMA-7.

Ricky Davao (right) with Family Feud host Dingdong Dantes
Photo/s: GMA Network
Noong Disyembre 15, sa Konsyerto sa Palasyo para sa Pelikulang Pilipino na ginanap sa Kalayaan Grounds ng Malacañang, nabalitaan nating malubha na ang sakit ni Ricky.
Sa mediacon ng Fatherland noong Marso 25, 2025, sa Manila Hotel, may mga nangumusta kay Ara Davao sa kalagayan ng kanyang ama.
“He’s okay naman,” matipid na sagot ni Ara.
Paano niya sinusuportahan ang ama?
Tugon ni Ara, “He had to have a procedure done last year, like, may tinanggal lang. But then he’s just recovering and resting.”
Noong Abril 18, Biyernes Santo, sa wake ni Nora Aunor, nasabi ni Richard Merk na malubha na talaga ang lagay nina Hajji Alejandro at Ricky.
Abril 21 pumanaw si Hajji, at yumao naman si Ricky nitong Mayo 1.
News
Bilyonaryo Dinala ang Kanyang Nobya sa Bahay, Hanggang sa Nakita Niya ang Kanyang Ex na Naglalakad sa Pedestrian na may Dalawang Kambal/th
Inaayos ni Alejandro Cruz ang kanyang kurbatang may awtomatikong galaw at bahagyang tumingin sa repleksyon ng kanyang Rolex sa madilim…
Anim na buwan pagkatapos ng diborsyo, bigla akong tinawagan ng aking dating asawa para imbitahan ako sa kanyang kasal. Miraragit ko siyang sinagot nang kalmado: —Kakapanganak ko lang. Hindi ako pupunta kahit saan./th
Anim na buwan pagkatapos ng diborsyo, bigla akong tinawagan ng aking dating asawa para imbitahan ako sa kanyang kasal. Miraragit…
Nang marinig ng aking manugang ang sinabi ng doktor na tatlong araw na lamang ang itinatagal ng buhay ko, hinawakan niya ang kamay ko na may pekeng luha at bumulong: “Sa wakas. Mapupunta na sa amin ang pera mo.” Ngumiti siya na parang nanalo na siya. Pagkaalis niya sa silid, agad kong isinagawa ang planong matagal ko nang inihahanda./th
Maingat na isinara ng doktor ang pinto at nagsalita nang mahina, para bang kayang pagaanin ng katahimikan ang hatol: ayon…
NATIGILAN ANG BILYONARYO NANG MAKITA ANG SUOT NA KWINTAS NG KATULONG/th
NATIGILAN ANG BILYONARYO NANG MAKITA ANG SUOT NA KWINTAS NG KATULONG NA NAGSESERBISYO SA KANYA — ANAK PALA NIYA ITO…
Nabuntis ako noong Grade 10 pa lang ako. Tiningnan ako ng aking mga magulang nang malamig at sinabing, “Ikaw ang nagdala ng kahihiyan sa pamilyang ito. Simula ngayon, hindi na kami ang anak namin.”/th
Nabuntis ako noong Grade 10 ako. Nang makita ko ang dalawang linya, natakot ako nang husto kaya nanginig ako at…
Natutulog pa rin ang manugang sa bahay ng kanyang asawa hanggang alas-onse ng umaga. Ang kanyang biyenan ay kumuha ng tungkod, handang parusahan siya—ngunit ang nakita niya sa kama ay nag-iwan sa kanya ng lubos na pagkabigla…/th
Pagkatapos ng kasal, pagod na pagod si Mrs. Reyes sa paglilinis ng bahay at kalaunan ay nakatulog. Samantala, matagal nang…
End of content
No more pages to load






