Bilasis, Pangasinan. Taong 2,000 saktong 4:00 pasado ng hapon. Nang umalingawngaw ang tatlong malalakas na putok ng baril, tumama ang bala sa katawan ni Kagawad Alfonso Makaraeg habang nakasakay sa kanyang Honda Civic. Kasama niya noon ang anak na lalaki na sa kabutihang palad ay hindi nadamay sa pamamaril.

Mabilis ng umarangkada ang mga riding in tandem na suspect. iniwan ang naghihingalong kagawad at takot sa kalsadang datiit tahimik tuwing hapon. At sa maniwala kayo’t hindi mga kaibigan, ang suspect o siyang mastermind ng tangkang pagpatay sa makagawad ay isang pastor. At ito nga ang kwento ng pagtataksil at paghihiganti.

Base ito sa true to life story mga kaibigan ko. Kaya pakinggan niyo ng maigi. Hindi na lang natin babanggitin ang pangalan ng relihiyon. Baka may ma-offend kasi tayo. Umpisahan natin sa ganito. Ang pastor na ito ay si Nelo Ragasa. Sa unang tingin, si Nelo ay huwarang tao. Maayos, manamit, palangiti, laging maaga sa kapilya at palakaibigan sa buong komunidad.

Kapag umaga siya ang unang babati sa mga tindera ng palengke, sa mga bata sa kanto, at sa mga matatandang nagsisimba. “Magandang umaga po. Pagpalain kayo ng Panginoon.” Iyan ang madalas niyang sambit pero ang hindi alam ng karamihan tuwing gumagabi, iba na ang anyo ni Pastor Nelo. May lihim siyang buhay na halos walang makapaniwala.

Pagkatapos ng sermon sa hapon, tuloy siya sa mga bahay aliwan sa kabilang bayan. Doon kilala siya hindi bilang pastor kundi bilang George ang screen name na ginagamit niya para maitago ang kaniyang pagkakakilanlan sa ilalim ng mga ilaw na kulay pula at bughaw. Nakakalimutan niya ang pagiging lingkod ng Diyos. Palaging may nakaupo sa kanyang tabi.

Mga GR, mga babaeng naaakit sa kanyang malalambing na salita at bigating porma. Pero sa totoo lang, kung wala naman talagang ibang trabaho o negosyo ang ganitong propesyon, alam nating ang ginagastos nila ay mula rin lamang sa mga donasyon ng mga tao sa simbahan o kapily pinaglilingkuran nila. Alam niyo rin yan mga kaibigan.

Kaya sa makatuwid, pera ng mga miyembro ng relihiyon nila ang ginagasta niya. Ang moralidad na itinuturo niya sa pulpito, siya mismo ang bumabali sa dilim. Natutong siyang makipagsabwatan sa mga taong may koneksyon, pulis, negosyante at ilang lokal na opisyal. Lahat ay ginagamitan niya ng parehong charm at banal na pananalita.

Ginawa niyang negosyo ang pananampalataya at ginamit ang kapilya bilang harang sa mga maduduming transaksyon. Pero noong mangyari ang pamamaril, marami ang hindi makapaniwala na si Pastor Nelo ang mastermind sa gumawa noon sa kagawad. Lalo na ang mga debotang matanda habang umiiyak sa harap ng kapilya. Ngunit sa mga nakakakilala sa kanya bilang George, hindi na ito kataka-taka.

Si kagawad Alfonso Makaraig naman 42’t taong gulang ay kilala sa kanilang baryo sa Velasis bilang isang mabait at matulunging opisyal. Isa siya sa mga kagawad na hindi lang nakaupo sa opisina. Madalas ay makikita mo siyang nag-aasikaso ng mga proyekto sa kalsada, nakikipag-usap sa mga residente at tumutulong sa mga kabataan tuwing may barangay activity.

Marami ang humahanga sa kanya dahil kahit simpleng tao lamang may respeto at malasakit siya sa mga kababaryo kasama niyang nakatira sa kanilang bahay sa gilid ng kalsada ang kanyang asawang si Emelda. 2 na taong gulang na dating tindera sa palengke. Maganda si Imelda, maputi, maamong mukha at may ngiting kayang magpawala ng pagod sa sinoang titingin.

Bata pa ito kumpara kay kagawad. May laingaw taon ang agwat nila sa edad. Maraming nagulat noon nang ikasal sila. Pero sinasabi ng iba, swerte si kagawad. Nakabingwit ng batang maganda at masunuring asawa. Sa kanilang tatlong anak, isa ay nasa high school na, isa’y nasa elementarya at ang bunso ay apat na taong gulang pa lamang.

Sa paningin ng mga tao, masaya at buo ang kanilang pamilya. Pero nagbago ang lahat noong nakaakay si Emelda sa kapilya ni pastor ayon sa mga kapitbahay isang linggo ng umaga nang unang makadalo si Emelda sa kapilyang pinamumunuan ni Pastor Nelo. Inimbitahan lamang siya ng kaibigang deboto ngunit mula noon ay madalas na siyang makita doon.

Una ay tahimik lang nakaupo sa likod. Pero habang tumatagal, nagiging mas malapit siya kay Pastor Nelo. Laging siya ang nag-aayos ng bulaklak sa harapan ng altar. Siya ang tumutulong sa mga aktibidad ng kapilya at kadalasan siya rin ang sinasabing kanang kamay ng pastor sa mga gawain. Masipag talaga yang si Emelda wika ng isa sa mga kababaihang miyembro ng kapilya.

Lagi siyang kasama ni pastor kahit gabi na. Ngunit sa mata ng ilan kakaiba na ang pagiging malapit nilang dalawa. Madalas silang nakikitang nag-uusap ng pabulong pagkatapos ng sermon. At minsan pa ng may nakapagsabi na nakita raw silang magkasabay umuwi sakay ng motorsiklo ni pastor.

Sa mga sumunod na linggo, lalo pang lumalim ang lihim na relasyon nina Emelda at Pastor Nelo. Madalas silang magtagpo sa kapilya tuwing hapon. Pero may mga pagkakataon ding bigla na lang silang naglalaho matapos ang sermon. Sa umpisa, akala ng mga miyembro’y may gawain lang silang pinaplano para sa relihiyon. Pero isang gabi habang nag-iinuman sa tapat ng tindahan, may isang lalaking nagbukas ng kwento kay Kagawad Alfonso.

Kagawad, huwag kang magagalit ha. Ano ‘yon? tugon naman ni Kagawad. Nakita ko kasi yung kotse ni pastor kahapon sa may highway ng kabilang bayan nakaparada sa labas ng isang motel at yung kasama niya parang si Imelda mo. Sandaling natahimik si kagawad parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang ulo. “Sigurado ka ba diyan?” mariing tanong niya.

“Oo, kagawad.” Naka-plate pa yung sasakyan niya at sila mismo ang lumabas. Magkasabay. Si Imelda nakayakap pa sa braso ng pastor. Kinabukasan, hindi siya mapakali. Si Kagawad iniisip niya ang sinabi ng isa niyang kabarangay hanggang sa magkita sila muli ng lalaki. Ngunit may kasama na itong isang tricycle driver na di umanoy siyang naghatid kay Emelda sa kabilang bayan.

Mga bandang 7:00 ng gabi iyon sa paradahan ng tricycle sa bagsakan. May lumapit noon sa isang namamasada. isang babae na parang namumukhaan nga ng driver dahil dati itong nagtitinda sa palengke. At iyon ay walang iba kundi si Imelda. Ang asawa ni Kagawad. Ipinahayag ng driver na siya nga ang naghatid sa babae. Bagaman hindi pa siya sigurado kung si Emelda nga iyon dahil tagai ibang baryo siya.

Ngunit nang sabihin ng driver ang suot ng babae pati na ang pagkakalarawan sa kanya at idinagdag pang may sumundo o sumalubong dito na isang lalaki sa kabilang bayan. Doon natuluyang nabuo sa isipan ni Kagawad ang katotohanan. Nangangaliwa ang kanyang asawa at ang masaklap. Sa isang pastor pa ito nakikiapid. Nang malaman ito ni kagawad Alfonso, nagsimulang magbago ang ihip ng hangin sa kanilang tahanan.

madalas na ang kanilang pagtatalo. Madalas din siyang mapatingin sa kapilya. Tuwing gabi. Lalo na kapag hindi pa umuuwi si Emelda. Mabait si Kagawad dahil sa kabila ng kanyang mga nalaman ay hindi pa rin niya hiniwalayan si Emelda. Para bang isa siyang martir. Baka pinili na lamang niyang manatiling buo ang pamilya sa kabila ng lahat, o marahil ay dahil mahal na mahal pa rin niya ang kanyang asawa.

Ngunit ang mga dating mabubuting salita ni Pastor Nelo ay unti-unti ng nagiging mapait sa tenga ni Kagawad parang bulong ng demonyo. Sa tuwing makikita niya ang asawa niyang abala sa simbahan, may tanong na paulit-ulit na bumubulong sa kanyang isipan. Diyos pa ba ang pinaglilingkuran nila o laman na? Alam noon ni kagawad na iniiputan na siya sa ulo ni Imelda kasama ang pastor kagaya nga sa kanta banal na aso santong kabayo.

Alam na ng mga kalalakihan sa baryo kung sino talaga si Pastor Nelo. Kaya nga ang mga nauuto lang nito na umanib sa relihiyon nila ay kadalasan mga kabataan, mga dalaga at mga matatanda. Dahil sa mga hinala at balitang kumakalat tungkol sa ginagawang kababuyan ng kanyang asawa at ng pastor, madalas ng umuwi si kagawad ng lasing. Kapag hindi naman lasing, may kasama itong mga taong may kinalaman sa pulitika.

Si Emelda sa kabilang banda ay lalong lumayo sa kanya. Sa tuwing magkikita sila, puro sumbatan at sisihan ang nagiging usapan. Ayon sa mga nakakarinig na kapitbahay, tuwing sila’y nagsisigawan, ganito raw ang mga palitan nila ng salita. “Kung alam ko lang na ganito pala ang buhay sa feeling mo, sana hindi na ako pumayag noon.

” Minsan ay nasabi ni Imelda sa gitna ng away nila. “At kung hindi mo ako niloloko, hindi rin ganito ang nangyari sa atin.” sigaw ni Alfonso habang ibinabagsak ang bote sa sahig. Simula noon, para na silang dalawang estrangherong naninirahan sa iisang bubong. Hindi napag-ibig ang nag-uugnay sa kanila kundi ang mga anak. Silang tatlo lamang ang dahilan kung bakit patuloy silang nagsasama.

Sa labas maayos pa rin ang imah ni Kagawad. Pero sa loob ng bahay, sobrang galit at panghihinayang ang umiiral. Sa mga sumunod na linggo, naging mas madalas pa ang pagkikita ni Imelda at ng kanilang pastor na uwi na ito sa isang seryosong relasyon na bawal sa paningin ng Diyos at ng tao.

Nagkikita sila sa mga tagong lugar sa likod ng kapilya at minsan pa nga ay sa mismong opisina ni Pastor Nelo. Kaya naman si kagawad nang tuluyan ng mapuno ay sinugod ang kapilya. Lasing siya ng gabing iyon at dahil sa sobrang galit ay nagwala siya sa harap ng kapilya. Nawalan siya ng kontrol sa sarili dahil sa mga nangyayari. Naglabasan noon ang mga tao sa mga kalapit na bahay ng kapilya at inawat siya ng mga tanod.

Ngunit hindi lumabas ng gate si pastor. Nakangiti pa ito habang pinapanood ang nagwawalang si Kagawad. Sari-saring maaanghang na salita ang binitiwan ni Kagawad dahil sa pagpupuyos ng galit. mga mura at kung anu-anong paratang laban kay Pastor Nelo. Hanggang sa kalaunan ay naawat din siya at umuwi matapos maibuhos ang kanyang galit.

Kinaumagahan, sa pagkausap naman ng kapitan kay Kagawad sa nangyaring nganggulo ay humingi rin siya ng dispensa sa mga naistorbong mga tao sa malapit sa kapilya. Pero hindi kay Pastor Nelo. Ngunit sa gabi ding iyon, sa likod ng mga ngiti ni Pastor ay may binabalak na pala itong masama. Isang brutal na plano. Parang may sa demonyo ang pastor na ito dahil hindi siya nakuntento sa pinaggagawa nila sa kama ng asawa ni Kagawad sa pakikiapid ng babae.

At ito ang naging usapan daw nila ni Imelda na kalaunan ay isiniwalat din ni Imelda sa mga kapatid ni Kagawad. Hindi tayo magiging malaya hangga’t nandiyan si Alfonso.” wika ni Pastor habang dahan-dahang humihigop ng brandy. Pero asawa ko siya, pastor. Hindi ko naman siya kayang putol nito. Minsan kailangan mong isakripisyo ang isa para mabuhay ka ng totoo.

Hahayaan mo bang habang buhay kang nakakulong sa lalaking yon? Walang naging sagot si Imelda sa mga sinabi ng pastor. Pero makaraan ang mga linggo ay nakipagkita si pastor sa dalawang lalaking kilala sa bayan bilang mga dating bodyguard ng isang pulitiko, mga taong may alam sa maruruming trabaho.

At dumating nga ang araw ng ikaw ng Oktubre, taong 2,000 4:00 pasado ng hapon. Kagagaling lang ni kagawad sa munisipyo kasama ang kaniyang bunsong anak. Sakay sila ng kaniyang Honda Civic at pabalik na sa kanilang bahay sa tumbod. Habang binabaybay nila ang kalsada, may dalawang lalaking nakasakay sa itim na motorsiklo na nakabuntot sa kanila mula pa sa kanto sa isang iglap.

Tatlong putok ang sunod-sunod na umalingawngaw. Bumulwak ang dugo sa dibdib ni kagawad. At ang sasakyan ay sumalpok sa gilid ng kalsada. Umiyak ang batang sakay niya, nanginginig at sumisigaw. Mabilis na tumakas ang mga riding in tandem. Habang ang mga residente ay nagsipulasan palabas ng kanilang mga bahay.

Isang saksi ang nakakita sa dalawang lalaki. Parehong nakahelmet at isa sa kanila ay may maliit na cru nakasabit sa leeg. Matapos ang pamamaril, nagsisigawan ang mga tao sa kalsada. Mabilis na lumapit ang ilang residente sa sasakiyang tumigil sa gilid ng daan sa loob duguan si kagawad Alfonso nakasubsob sa manibela habang ang kanyang bunsong anak ay patuloy na umiiyak.

Tulong si kagawad. Binaril si kagawad. Sigaw ng isang lalaki habang tinatanggal ang seat belt at binubuhat palabas ang katawan ni Alfonso. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital sa bayan habang umaandar ang tricycle na sinasakyan nila. Halos mawalan na ng malay si kagawad. Mahina na ang pulso, nangingitim ang labi at patuloy ang pag-agos ng dugo sa dibdib.

Huwag kang pipikit, kagawad. Konti na lang. Sigaw ng tumutulong lalaki. Ang bata na may yakap-yakap ang braso ng ama umiiyak. Sa loob ng emergency room, agad siyang inasikaso ng mga doktor. Halos isang oras na resusitation paulit-ulit ang sigaw ng clear clear habang dinidiin sa dibdib ang defibrillator.

Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, isang bagay ang tila hindi maipaliwanag ng lahat. Bumalik ang tibok ng puso ni Kagawad. Parang himala. “Nabuhay siya!” sabi ng nurse tila hindi makapaniwala. Ngunit kapalit ng himalang iyon may kaparusahan naman sa kanyang katawan. Napuruhan ng bala ang kanyang gulugod dahilan upang hindi na siya makalakad kailan man.

Makalipas ang ilang linggo, pinauwi na siya sa kanilang bahay. Sakay ng wheelchair tahimik at tila ba bitbit ang bigat ng buong mundo. Ang dating matigas at respetadong kagawad ay ngayo’y nakaupo na lamang sa labas ng kanilang bahay. Pinagmamasdan ng mga dumaraan. Ngunit mas matindi ang naging sugat sa pamilya.

ang mga anak niya lalo na ang panganay ay nagbago ang tingin sa kanilang ina hindi man direktang sinabi alam ng mga bata na may kinalaman si Emelda sa nangyari naririnig nila ang mga bulungan ng kapitbahay siya daw at si pastor may relasyon daw kaya ayan binaril si kagawad dahil gusto raw ni pastor na sila na ang magsama ng kanilang ina minsan habang pinapaliguan ng panganay si kagawad mahina nitong sinabing Tay, totoo ba? Si nanay ba ang dahilan kung bakit ka binaril? Tahimik lang si kagawad. Walang sagot.

Tanging paglingon lang ng kanyang mga mata kay Imelda na nakatayo sa may pinto nanginginig sa takot at pagkakasala. Nagbago na ang ihip ng hangin sa bahay ng mga makaraig. Hindi na maramdaman ni Emelda ang pagmamahal ng mga anak niya. Laging malamig ang pakikitungo, walang yakap, walang nanay, kumain ka na. Minsan pa nga narinig ng mga kapitbahay ang pag-aaway ng mag-ina nagsisigawan.

Wala ng respeto ang anak sa ina. Minumura na siya nito. Sinasabihang malandi masahol pa sa pukpok. Wala namang magawa noon ang tatay nila dahil sa lump na ito. Habang lumilipas ang mga araw, tila lalo pang bumigat ang presensya ni Emelda sa loob ng compound ng pamilya Makaraig. Kahit walang direktang paratang, alam ng lahat kung sino ang may kinalaman sa sinapit ni Kagawad Alfonso.

Hindi man nagsasampan ng kaso ang pamilya, malinaw sa kanila ang utak ng pamamaril ay walang iba kundi si Pastor Nelo Ragasa. Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, wala namang ibang itinuturong suspect kundi si Pastor Nelo. Alam ng mga pulis ang totoo pero sa batas hindi sapat ang mga bulungan o hinala. Kailangan nila ng pormal na reklamo, ebidensya at mga testigo bago sila makagalaw.

At sa pagkakataong iyon, pinili ng pamilya makaraeg na manahimik. Walang sinumang nagsampa ng kaso laban kay Pastor Nelo. Isa sa mga imbestigador pa nga ang nagsabi, kahit pa may idea kami kung sino ang may kagagawan hangga’t walang complainant nakatali ang kamay namin. Bukod pa roon, walang gustong magbigay ng pahayag.

Takot ang mga residente at may ilan ding nagsasabing mong may koneksyon si pastor sa ilang opisyal sa bayan. Dahil dito tuluyan ng napako ang kaso. Sa totoo lang hindi dahil walang alam ang mga aoridad kundi dahil walang naglakas loob na ituloy sa korte sa probinsya karaniwan na ang ganitong mga pangyayari.

Kung minsan mas pinipiling ilibing na lang ang galit kaysa humarap sa mahabang proseso ng hustisya. Ngunit mas pinili ng mga makaraig na sila mismo ang lulutas ng problema. Naging malamig at matalim ang tinginan ng mga kamag-anak sa tuwing makikita si Emelda. Wala ng gustong kumausap sa kanya at kahit ang mga manugang at pamangkin ng mga makaraig ay umiiwas na rin.

Hanggang sa isang gabi sa gitna ng katahimikan dumating ang panganay na kapatid ni kagawad si Romulo Makaraeg galing pa ng Canada. Kasunod nito ang dalawa pang kapatid na lalaki at isang babae. Lahat sila ay dumating halos sa bahay dala ang bigat ng galit at hiya. Pagpasok nila sa compound, tahimik lang si Emelda sa gilid ng bahay. Hindi siya makatingin.

Si Romulo matikas at matapang ay tumayo sa tapat niya. Kung hindi dahil sa kalandian mo, hindi sana ganito ang kapatid namin. Madiin niyang sabi. Pinalaki naming may dangal si Alfonso. Pero anong ginawa mo? Pinahiya mo kami sa buong barangay. Walang nasabi si Emelda. Tumulo na lang ang kanyang mga luha habang nakatungo.

Lumayas ka na rito. Dagdag pa ni Romolo. Hindi ka na makaraig. At kung mahal mo pa ang buhay mo, huwag ka ng babalik dito. Mula noon, si Imelda ay napilitang umalis. Bitbit lamang ang ilang piraso ng damit at mga larawan ng mga anak. Umalis siyang umiiyak habang tahimik na pinagmamasdan ni Kagawad sa bintana.

Hindi man ito nagsalita. Ramdam niya ang bigat ng galit at panghihinayang sa dibdib. Ngunit ang hindi alam ni Pastor Nelo, nagsimula ng gumalaw ang mga makaraeg. Hindi man sila naghabla. Iba ang paraan ng paghihiganti ng kanilang pamilya. Mayaman ang lahi ng mga makaraeg. Apat sa magkakapatid ni Kagawad ay nasa Canada at may kanya-kanyang negosyo.

At kung pera lang ang pag-uusapan, hindi ito magiging problema. Hindi na kailangang dumaan sa korte. Sabi ni Romulo habang nagkakape sa teras. Ang hustisya minsan hindi mo nakukuha sa loob ng husgado kundi sa kalsada. Kilala ang mga makarayig bilang respetado. Ngunit kapag ginulo mo ang isa sa kanila iyon lalo na’t pamilya hindi sila marunong magpatawad.

Ilang linggo matapos mapalayas si Imelda. Bumalik na rin ang mga kapatid ni Alfonso sa abroad. Matapos ang isang buwan, tahimik na nagpadala ng pondo si Romulo mula Canada. Isang sobre na may lamang larawan ni Pastor Nelo at mga detalye ng kanyang pang-araw-araw na galaw. Hanggang sa isang umaga sa baryo nila Kagawad.

Maliwanag ang araw at kalmado ang paligid sa tapat ng maliit na kapilya ni Pastor Nelo Ragazasa. Katatapos lang ng maagang dasal ng ilang miyembro. At gaya ng nakasanayan, bandang 8:00 ay lumabas si pastor mula sa loob. Maayos ang suot. long sleeves na puti at bitbit ang maliit na bag na karaniwang laman ay bibliya at mga dokumento.

Tahimik siyang lumakad papunta sa kanyang kotse isang lumang kulay po si Danan na madalas niyang gamitin sa mga pangaral sa karatig bayan. Habang papasok siya sa sasakyan, may dalawang binatilyong nakasumbrero ang nakatambay sa gilid ng daan sa mismong bukana ng bakuran ng kapilya. Pormal ang tindig ng dalawa, parang mga ordinaryong kabataan lang na naghihintay ng masasakyan. Napansin sila ni pastor.

Saglit siyang napangiti sabay busina tanda ng pagbati. Magandang umaga mga iho. Sigaw pa niya mula sa loob ng kotse habang binubuksan ang makina. Ngunit hindi pa man umaandar ang sasakyan. Isang malakas na putok ang biglang bumasag sa katahimikan. Pumutok ang unang bala. tumago sa harapang salamin ng kotse at tumama sa pagitan ng mga mata ni Pastor Nelo.

‘Yun ang point of entry ayon sa ulat ng mga pulis, sa unang putok pa lang patay na siya ngunit dumaan pa ang dalawang sunod-sunod na putok. Ayon sa mga nakasaksi, matapos ang unang putok ay naglakad ang isa sa dalawang binatilyo. Lumapit ito sa gilid ng driver’s seat, binuksan ng pinto at walang alinlangan na pinutukan pa ng dalawang beses si pastor.

Isa sa dibdib at isa sa sentido. Sainga ng mga nakakita. Sinigurado talaga ng mga pumatay na hindi na mabubuhay pa ang pastor. Ang katawan ni Pastor Nelo ay napayuko sa manibela, duguan at halos hindi na makilala ang mukha. Pagkaraan ng ilang segundo, isang itim na kotse ang huminto sa tapat ng kapilya. Mabilis na sumakay ang dalawang bumaril at sa isang iglap, umarangkada ito palayo.

Tinangay ang katahimikan ng umaga. Naiwan sa kalsada ang duguang sasakyan ni pastor, ang mga bubog na kumalat at ang mga taong nagsisigawan mula sa kabilang kalsada. Ilang minuto pa, dumating ang mga pulis. Pinagkakaguluhan ng lugar, kinukuhanan ng larawan ng katawan at sinisiyasat ang mga basyo ng bala.

Isa sa mga imbestigador ang napailing sabay sabi. Dalawang tama sa ulo, isa sa katawan. Sigurado gusto talaga nilang iligpit to. Sa bahay ng mga makaraeg, nabalitaan na rin ang pagkamatay ng pastor ngunit wala silang imik. Parang hindi nila pinansin ang balita. Nag-imbestiga naman ang mga pulis ngunit kinalaunan ay nanlamig at hindi na muling pinag-usapan pa ang kaso.

Dahil sa mismong baryo ng mga makaraig kung saan namatay si pastor. Walang gustong magsalita o magsumbong. Alam naman kasi ng mga taga Baryo kung sino ang nagpatumba dito. Pero dahil na rin siguro sa respeto nila sa pamilya ni Kagawad, mas pinili nilang manahimik hanggang sa ngayon ay itinuturing na unsolved case ang pagkamatay ni Pastor Nelo o kung tawagin ng mga kalalakihan sa baryo. Pastor Maniol.

At ganoon din naman ang kaso ni Kagawad Alfonso. Unsolved din mga kaibigan. Nagpatuloy sa tahimik na pamumuhay ang pamilyang makaraeg. Ang mga bata ay pinag-aral ng kanilang mga tito at tita dahil hindi na makapaghanap buhay si Kagawad. At ang huling balita tungkol kay Imelda. Bumalik na lamang siya sa mga magulang niya dala ang mabigat na pagsisisi sa mga kabalbalang ginawa niya na siya ring tuluyang sumira sa kanilang mga buhay.