
Sa isang liblib na baryo sa probinsya, may magkakapatid na sina Soling ang panganay. Salawa, Rosa Tina ang magkapatid na babae at ang bunso na si Kran. Limang magkakapatid na lumaki ng walang magulang. Bata pa lamang sila’y iniwan na sila ng kanilang ama’t ina dahil sa isang aksidente na kumitil sa buhay ng dalawa.
Mula noon sa kanilang malaking angkan na lang sila umaasa. May mga tiyo, tiya, pinsan, lolo’t lola. Sa simula akala nila ay tutulungan sila. Ngunit hindi nila alam na ang mga dapat kumupkop sa kanila ay isa palang magiging dahilan. ng kanilang kalbaryo. Isang hapon, tinipon ng kanilang mga tiyo’tya ang limang bata.
Mga palamunin kayo! Sigaw ng isa nilang tiyahin na si Tiya Bilen. Simula ng mamatay ang mga magulang ninyo, kami na ang nagpapakain sa inyo. Pero hanggang kailan? Wala naman kayong silbi. Tahimik lang si Soleng dahil bilang panganay siya ang nagtatanggol sa kanyang mga kapatid. Mahigpit na ang hawak si Christian na no’y umiiyak.
Tiya, magtatrabaho po ako. Maghahanap po ako ng paraan. Nanginginig na wika ni Soling. Ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi na kailangang magpaliwanag. Ngayon din lumayas kayo rito. Hindi kayo kasama sa mamanahe namin. Angkan namin ito. Pero wala na kayong karapatan. Umuwi kayo sa kung saan man. At sa isang iglap, itinaboy sila.
Ang mga pinsan nila ay nagtatawanan. Ang ilan pa nagtutulak sa kanila palabas ng bakuran. Bitbit lamang ang ilang lumang damit at kaunting bigas na tinago ni Rosa sa supot. Dahil doon ay umalis silang magkakapatid. Sa tabi ng daan, umupo sila sa lilim ng puno. Doon ay humagulgol si Christian. Ate Soleng, saan na tayo pupunta? Wala na tayong bahay.
Pinahid ni Soling ang luwiy bunso. Bunso, hindi tayo pababayaan ng Diyos. May plano siya para sa atin. Magtiwala ka lang. Tahimik naman itong si Sunny pero sumasama ang loob. Kung ganun pala ang tingin nila sa atin, balang araw mapapatunayin natin na hindi tayo palamunin. Tumango naman si Rosa kay Sunny. Oo kuya. Hindi habang buhay ganito.
At mula roon naglakad sila hanggang marating nila ang isang lumang kubo sa dulo ng bukirin. Dati itong tinitirhan ng kanilang lolo pero iniwan na at halos giba ng dingding. Doon muna sila nanuluyan. Isang gabi halos wala na silang makain. Ang kaunting bigas ay niluto ni Tina bilang lugaw. At kahit sabaw lang pinagsaluhan nilang lima.
Ngunit hindi sapat, umiiyak na naman itong si Christian. Ate, gutom pa ako. Kahit gutom din, ibinigay ni Soling ang bahagi ng kanya. Sayo na bunso, basta’t busog ka. Masaya na ako. Nagdasal silang magkakapatid bago matulog. At sa gabing iyon, nanalangin si Soling. Panginoon, hindi po kami susuko. Gusto lang po namin ang pagkakataon na makapagsimula.
Tulungan niya po kaming bumangon,” dasal niya.” Kinabukasan, maagang nagising si Sunny. Naglakad siya palibot upang maghanap ng pwedeng makain. Habang nag-iikot, napansin niya ang isang langgam na may dalang momo ng tinapay. isang langgam pero ang tiyaga niya ha. Bulong ni Sanili. Sa alip na umalis, sinundan niya ang langgam.
Dumaan ito sa ilalim ng mga damo. Patawid ng maliit na batuhan hanggang sa makarating sa isang lumang pader na yari sa bato. Doon may maliit na butas kung saan pumapasok ang mga langgam. Laking gulat na yan ang makita na hindi lang isa kundi libo-libong langgam ang dumaraan doon. Lahat may dalang butil ng bigas, palay o mumunting pagkain.
Tinawag niya agad ng mga kapatid. Ate, Rosa, Tina, bunso, halikayo rito. Tingnan niyo ito. Lumapit silang lahat at namangha. Ang dami nilang dala. Sabi ni Rosa. At saan nanggaling lahat ng iyan? Tanong naman ni Tina. Sinundan pa nila ang ibang langgam at napagtanto nilang lahat ay nagmumula sa isang lumang bodega na natatakpan ng mga dam’t kahoy.
Pinagtulungan nilang buksan at pasukin ang bodega. Mabigat ang pintuan pero nakayanan nila at sa loob n laki ang mga mata nila. Mga sako ng palay ang naroon. Lumang-luma pero marami pa ring magagamit. Diyos ko, bulong ni Soling. Ito ang iniwan ni lolo. Hindi ito alam ng mga tiyo at tiya. Dahil doon ay tuwang-tuwa si Sunny.
Kung lilinisin natin ito, pwede nating ipagbili ang mga palay. Gawin nating puhunan,” sabi ni Sanny. Nagkaisa silang magkakapatid. Araw-araw nagsikap sila. Nilinis ang paligid, inayos ang bubong ng bodega at maingat na inipon ng mga palay na maaari pang maibenta. Nang makabenta sila ng ilang sako ay nagkaroon sila ng kaunting pera.
Hindi sila nagtapon. Sa halip, ginamit nila ito upang bumili ng panindang bigas at magbukas ng maliit na tindahan sa baryo. Mabilis kumalat ang balita. Ang sipag ng mga batang yon sabi ng mga tao, “Bakit ang ang kanka nila pinalayas sila eh sila pang masipag.” Dagdag pa ng isa. Natuwa ang mga mamimili at mas lalo pa silang sinuportahan.
Unti-unti lumaki ang kita ng magkakapatid. Ngunit hindi natuwa ang kanilang mga tiyo’t tiya. Ano? Yumayaman na sila. Galit na tanong ni tiya benen. Hindi pwede yan. Dapat tayo lang may mga negosyo rito,” dagdag ni Tito Lando. Magsasabwata na sana sila para sirain ang negosyo ng magkakapatid pero hindi nila magawa sapagkat nakilala nasa buong baryo ang kabutihan at sipag nila Soling at S.
Mahal sila ng tao at pinagkakatiwalaan. Isang gabi nagtipon na magkakapatid. Mga kapatid,” ka ni Soling. Malayo pang lalakbayin natin. Pero tandaan ninyo, ang lahat ng ito’y nagsimula sa isang langgam. Maliit man siya pero nagturo sa atin ng sipag at tiyaga. Kaya kahit lumaki ang negosyo natin, huwag nating kalimutan kung saan tayo nanggaling.
Sabi ni Soleng. Tumango naman silang lahat. Promise ate hindi tayo magbabago. Sagot ni Christian habang nakangiti. At sa gabing iyon alam nilang nagsisimula pa lang ang kanilang kwento. Ang paglalakbay mula sa kahirapan patungo sa tagumpay. Samantala, sa kabilang banda naman, lumipas ang ilang buwan mula ng madiskubre na magkakapatid ang lumang bodega ng palay.
Sa kanilang sipag at tiyaga, napalago nila ang maliit na tindahan ng bigas. At kahit bata pa si Christian, tuwang-tuwa itong tumutulong magbilang ng barya. Pero sa kabila ng unti-unting pag-asenso, hindi pa rin madali ang kanilang pinagdadaanan. Maraming pagsubok ang dumating at doon nasusukat ang tibay ng kanilang pagkakapatid.
Isang gabi, bumos ang malakas na ulan. hangin na parang bagyo ang dumapo sa kanilang baryo. “Kuya Sny! Ate Soleng! Tumutulo na po ang bubong.” sigaw ni Tina habang niyayakap ang kanilang bunso. Mabilis na kumilos si San at Rosa para takpan ng tarapal ang butas habang si Soling ay nagdasal na sanay huwag matangay ng ulan ang kanilang mga pananim.
Kinabukasan, halos hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Bahagyang bumaha at maraming panim ang natabunan ng putik. Marami ring sako ng palay ang nabasa. Diyos ko, ito na nga bang katapusan ng puhunan natin? Bulong ni Rosa na halos maiyak na. Ngunit lumapit si Soling at hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid.
Huwag kang susuko Rosa. Kung paano tayo nakahanap ng bodega dahil sa isang langgam. Tiyak may plano pa rin ng Diyos. Hindi tayo bibitawan. Habang naglilinis, muli na namang napansin ni San ang mga langgam. Kahit may baha at putik hindi sila tumitigil sa pagdadala ng pagkain. Mga kapatid! Wika niya. Tingnan ninyo.
Kahit binahan ang pugad nila, hindi sila tumitigil. Kung kaya nilang bumangon, kaya rin natin. Sabi ni Sanny. Napalod si Tina at ngumiti kahit pagod. Kuya, tama ka. Hindi tayo pwedeng tumigil. Sabi ni Tina. Kaya naman nagtulungan sila. Inayos ang mga natirang sako. Pinatuyo ang mga nabasa at nagsimula muli sa maliit na puhunan.
Sa tulong ng kabutihang loob ng mga kapitbahay ay nakabangon ulit ang magkakapatid. May nag-abot ng tarpal para sa bubong. May nagbigay ng mga kahoy para sa tindahan at may nag-alok ng libreng utang para madagdagan ng paninda. Ang bait nila sa atin. Sabi ni Rosa habang umiiyak sa tuwa dahil mabait din tayo sa kanila. tugo naman ni Soling.
Ang kabutian ay bumabalik pag mabait tayo. Dugtong pa ni Soleng. Dahil doon ay unti-unting nakilala ang kanilang tindahan hindi lamang sa baryo kundi pati sa kalapit na bayan. Dumami ang suki at dahil mura at tapat sila sa timbang, pinagkakatiwalaan sila ng mga tao. Ngunit hindi pa din masaya ang kanilang mga tiyo, tiya.
Ako makapaniwala ang mga batang iyon yumama na. Galit na sigaw ni Tito Landonila. Dapat sa atin lahat yan hindi sa kanila. Dagdag ni Tiya Ben. Nagplano silang sirain ang negosyo na magkakapatid. May pagkakataon pang sinubukan nilang ipakalat ang tsismis na nanggugulang sina Soling. Yung mga bigas nila may halo raw na bato. Bulong ng isang kasabwat.
Ngunit hindi nagtagumpay ang kanilang paninira dahil ang mga tao mismo ang nagtanggol. Hindi totoo yan. Ilang beses na kaming bumili kina Soling. Tapat sila. Sabi ng isang suki. Kung may halong bato, bakit dito kami bumabalik? Dagdag ng isa pa. Napahiya ang kanilang mga kamag-anak. Ngunit sa halip na tumigil, lalo silang nagalit.
Isang gabi, nag-usap ang magkakapatid. Mga kapatid, uwi ka ni Sanny. Hindi na sapat ang maliit na tindahan natin. Dumadami ng bumibili. at kulang ng bigas na hawak natin. Ano ang plano mo kuya Sny? Tanong ni Tina. Magpatayo tayo ng sariling rice meal para hindi na tayo umaasa sa ibang supplier.
Tayo mismong magproseso ng palay. Natahimik sila. Malaking pera ang kailangan nila. Pero biglang nagsalita si Soleng. Kung may tiwala tayo sa isa’t isa at kung kaya ng langgam mag-ipon, kaya rin natin. Magsisimula tayo sa maliit at ipon lang ng ipon. Sabi ni Soling. Mula noon, doble silang magkakapatid. Si Sunny ang nag-asikaso ng pagbili ng palay sa mga magsasaka.
Si Rosa at Tina ang nagbabantay sa tindahan. Si Soling ang namahala sa lahat ng kita. At si Christian kahit bata pa’y tumutulong sa pag-aayos ng mga paninda, hindi sila gumasto sa luho. Lahat ng kita inipon. Walang bagong damit, walang bagong gamit at puro sakripisyo. Balang araw kristian. wika ni Soling sa bunso.
Magkakaroon din tayo ng maayos na bahay hindi habang buhay ganito. Ngumitay naman ang bunsong si Christian sa kanya. Ate, okay lang po basta magkasama tayo. Masaya na ako. Sabi ni Christian. Makalipas ang ilang taon, natupad nila ang kanilang pangarap. Nakapagpatayo sila ng maliit na rice meal at mula noon hindi na sila basta nagtitinda lang ng bigas. Sila na mismo ang nagpoproseso.
Grabe ang layo na ng narating natin. Tuwang-tuwa na sabi ni Rosa. Totoo nga ang sabi ni ate. Huwag titigil hangga’t may pag-asa. Dagdag pa ni Tina. Dahil dito lalo pang dumami ang nagtitiwala sa kanila. Dumagsa ang mga magsasaka para sa kanilang serbisyo at mas lumaki ang kanilang kita. [Musika] Isang araw, nagulat sila ng bumisita ang kanilang mga kamag-anak na minsang nagpalaya sa kanila.
Hindi na kasing asenso ng dati ang kanilang mga negosyo at marami sa kanila ang naghihirap. “Mga pamangkin,” wika ni Tito Lando. Patawarin niyo kami. Nagkamali kami noon. Pinalayas namin kayo pero hito kayo umasenso. Nagtitinginan ng magkakapatid. May karapatan silang magtanim ng galit. Ngunit naalala nila ang araw na nakita nila ang langgam na kahit maliit hindi nagtatanim ng sama ng loob.
Bagkos ay nagtutulungan. Ngamiti si soling. Hindi kami nagtanim ng galit dito pero sana matutunan niyo rin ang natutunan namin. Ang sipag, tiyaga at kabutihan. Huwag niyo na pong ulitin sa ibang ginawa ninyo sa amin. Napayuko ang kanilang mga kamag-anak at simula noon hindi na sila nanggulo pa. Ngunit hindi doon natapos ang lahat.
Habang lumalaki ang negosyo nila, nagsimulang mapansin sila ng malalaking negosyante mula sa siyudad. Mga bata, gusto naming bilhin ng negosyo ninyo. Sabi ng isang mayamang negosyante. Ngunit tumanggi si Sunny. Hindi ito basta negosyo para sa amin. Ito ang bunga ng lahat ng hirap at sakripisyo namin. Hindi namin ito ipagbibili.
Sabi ni Sanny dahil doon ay nagalit ang negosyante at sinubukan silang tapatan ng mas murang presyo ng bigas. Bumaba ang kita ng magkakapatid. Paano na ate? Tanong ni Rosa. Kung titigil tayo, talo tayo. Pero kung lalaban tayo, baka mas malakas pa tayo kaysa akala natin. Tugon ni Soleng. Lumipas pa ang ilang taon ang negosyong sinimula nila mula sa lumang bodega ay hindi na lamang basta tindahan ng bigas.
May sarili na silang rice meal, delivery truck at maging mga tauhan na tumutulong sa kanila. Ngunit kasabay ng pag-unlad ay ang pagdating ng mas mabibigat na pagsubok. Mula sa lungsod, dumating ang isang kilalang negosyante ng bigas na si Don Ramon Velasco. May-ari siya ng pinakamalaking rice corporation sa rehiyon.
At nang makita niyang dumarami ang parokano nina Soling, agad siyang kumilos. Hindi ako papayag na maagawan ng kita ng mga batang Ian, Anya. Nagbaba siya ng presyo ng bigas. Mas mababa pa kaysa puhunan ng magkakapatid. Mabilis na lumipat ang ilang mamayili sa mas murang bigas ni Don Ramon. Isang gabi, muling nagtipon ng magkakapatid.
Ate, kung ganito palagi, malulugi tayo. Wika ni Sanny habang hawak ang talaan ng kanilang kita. Bumaba ng halos kalahati ang cells natin ngayong buwan. Dagdag ni Rosa na halatang kinakabahan. Tahimik lang si Soling. Alam niyang hindi ito ordinaryong hamon pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Mga kapatid, wika niya.
Naalala niyo ba kung paano tayo nagsimula? Isang langgam lang ang nagpakita sa atin ng landas at ngayon hindi tayo pwedeng sumuko. Hindi pera ang laban natin kundi tiwala ng tao. Kung may tiwala sila sa atin, babalik sila. Muli nilang inaalala ang aral ng langgam, sipag, tiyaga at kabutihan. Kaya nagpasya silang bumalik sa mga magsasaka, bumili ng direkta sa kanila at bigyan ng mas patas na presyo.
Kung bibili natin ng mas mataas ang palay nila, mas tutulungan natin sila. Mas babalik sila sa atin, sabi ni Sanny. At iyon ang ginawa nila. Imbes na makipagbaratan, binayaran nila ng tama at sobra pa ang mga magsasaka. Dahil dito, bumalik ang tiwala ng mga tao sa kanila. Hindi mura ang bigas nila pero sigurado ka na malinis at galing sa tamang proseso. Sabi ng isang suki.
At higit sa lahat, tumutulong sila sa mga magsasaka. Dagdag pa ng isa. Dahil doon ay unti-unting bumalik ang mga mamimili. Hindi dahil sa presyo kundi dahil sa tiwala at malasakit. Galit na galit naman itong si Non Ramon. Hindi sila dapat nananalo. Mas malaki ang kapital ko. Hindi ako matatalo ng mga probinsyanong ito.
Galit na wika ni Don Ramon. Dahil sa inis, nagsimula si Don Ramon ng maraming laban. Nagpakalat siya ng chismis na ang bigas ni Nasoling’ay peke na may halo umanong plastic. Dumating ang mga aoridad upang imbestigahan. Ate, paano na ‘to? Baka ipasara tayo. Takot na sabi ni Tina. Walang dapat ikatakot kung wala tayong kasalanan.
Matatag na sagot ni Soling. At nang siasatin ang kanilang bodega at rice meal, lumabas na malinis at maayos ang kanilang proseso. Sa halip na mapasara ay lalo pang tumaas ang kanilang kredibilidad. Dahil sa pagkabigo ay nalugi si Don Ramon. Naiwan siyang walang pera at halos wala ng empleyado. Sa huli siya mismo ang lumapit sa magkakapatid.
Patawarin niyo ako. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Hindi ko kinaya ang katapatan ninyo. Anya habang nakayuko. Nagtingi na naman ang magkakapatid. Pwede nilang ipagdiwang ang pagkatalo ng kanilang kalaban pero naalala nila ang kanilang prinsipyo. Don Ramon, uwi ka ni Sunny. Hindi namin kaaway ang kahit sinong negosyante.
Pero sana natutunan niyo na hindi lahat ng laban ay pera lang ang puhunan. Ang tiwala ng tao pa din ang pinakamahalaga. Sabi ni Sunny. Dahil sa kanilang kabutihan, mas lalo pang lumago ang negosyo ng magkakapatid. Hindi lamang bigas ang hawak nila kundi pati mga grocery items, pids para sa hayop at kalaunan ay isang kooperatiba para sa mga magsasaka.
Naging kilala sila hindi lamang sa kanilang baryo kundi sa buong rehiyon at tinawag silang ang mga anak ng langgam sapagkat ang kanilang kasipagan at pagkakaisa ay tulad di umano ng mga langgam. [Musika] Sa wakas ay nakapagpatayo sila ng malaking bahay hindi para ipagyabang kundi para magsilbing tahanan ng lahat ng nangangailangan.
Ate tingnan mo may sariling kwarto na ako. Tuwang-tuwang sigaw ni Christian. Bunso, sabi ko sayo noon darating ang araw na magkakaroon tayo ng maayos na bahay. Sagot ni Soling habang pinupunasan ang luha. Hindi rin nakalimot ang magkakapatid sa kanilang pinagmulan. Tuwing may mahirap na pamilya sa baryo, tinutulungan nila ito tulad ng bigas, pagkain at trabaho.
Isang araw muli nilang nakita ang kanilang mga tiyo-tiya. Matatanda na ang mga ito at halatang hirap na sa buhay. Pamangkin, patawarin niyo kami. Mali kami noon. Dapat kami ang nag-alaga sa inyo.” Umiiyak na sabi ni tiya benin. Lumapit si Soling at niyakap ang kanyang tiya. “Wala na pong sama ng loob tiya. Ang pamilya kahit nagkasakitan, iisa pa rin tayo.
Tutulungan po namin kayo.” Lalong humanga ang buong baryo sa kanila. Hindi lamang sila yumaman kundi naging haligi ng kabutihan. Isang gabi, nagtipon silang magkakapatid sa kanilang bakuran. Pinagmamasda nila ang mga langgam na nagdadala pa rin ng momo ng pagkain. Kung hindi dahil sa langgam na iyon noon, baka hindi na tinatagpuan ang bodega ni lolo. Bulong ni Sanny.
Oo, tugo naman ni Rosa. Pero higit pa doon, tinuro sa atin na langgam kung paano maging matyaga at magtulungan. Ngumiti naman si soling. Ang tagumpay natin hindi dahil lang sa pera. Nandito tayo dahil nagmahal tayo sa isa’t isa. Hindi tayo sumuko at naniwala tayo sa Diyos. Ang langgam naging paalala na kahit maliit kayang gumawa ng malaking pagbabago.
Sa kabilang banda naman, lumipas ang maraming taon. Lumawak pa ang kanilang negosyo ngunit hindi sila nagbago kahit kailan. Nanatili silang mapagpakumbaba, mapagmahal sa isa’t isa at laging handang tumulong sa iba. At sa bawat pagkakataon, tuwing may batang lalapit sa kanila at magtatanong kung paano sila yumaman, isa lang ang sagot ni Soling.
Dahil sa isang langgam, tinuruan kami nitong maging masipag, matyaga at huwag sumuko. At higit sa lahat, dahil naniwala kami na walang imposible basta magkasama. at may tiwala sa Diyos. I ang palagi niyang sinasambit tuwing may magtatanong sa kanila kung paano sila umasenso. Kayo, ano pong masasabi niyo sa ating kwento ngayon at kung anong mga aral po ang mga natutunan ninyo? Maaari niyo po bang i-comment doon sa baba doun sa comment section para muli ko pong mabasa? So once again inuulit ko pong muli, ako po si Tamokski TV.
Kita-kita po tayong muli mga susunod pa nating maraming mga video. Thank you and God bless you all. Peace out
News
OFW NILAIT SA AIRPLANE NG MGA KAPWA PASAHERO, PERO GULAT SILA SA PAG-ANNOUNCE NG PILOT!/th
Kabanata 1: Gate D5 Sa Gate D5 ng Abu Dhabi International Airport, 10 ng umaga, nagsimula ang kwento ni Marilou…
HULI sa Aktu! Mga Pulis na Nangikil, GINULPI ng isang PRO PESYONAL! /th
PART 1 Kabanata 1: Sa Ilalim ng Init Tanghaling tapat. Ang araw ay nakabitin sa itaas, nagpapakulo ng aspalto sa…
Pinalayas ng Ampon na Anak ang Kanyang Ina sa Bahay… Nang Hindi Nalaman na Nagtatago Siya ng Nakakagulat na Lihim na Nagsisisi sa Kanya…/th
Ang Anak na Ampon na Pinalayas ang Ina… Nang Hindi Alam ang Lihim na Magpapabago ng Buhay Niya Kumalat agad…
Nang magsimula ang cremation, binuksan niya ang kabaong para sa isang huling paalam – pagkatapos ay nakita ang paggalaw ng tiyan ng kanyang yumaong asawa. Pinigilan niya ang lahat. Tinawag ang mga doktor at pulis, at ang katotohanan ay nag-iwan ng tahimik na bulwagan./th
Nang magsimula ang cremation, binuksan niya ang kabaong para sa isang huling paalam – pagkatapos ay nakita ang paggalaw ng…
“PWEDE PO BA AKONG TUMUGTOG NG PIANO KAPALIT NG PAGKAIN?” — ANG GABI NA TUMUGTOG ANG ISANG GUTOM NA BATANG BABAE NG PIANO NA IKINAGULAT NG MGA MAYAYAMAN/th
Malamig ang hangin nang gabing iyon sa Vienna, Austria—ang lungsod na kilala sa musika at mga kompositor. Sa tapat ng…
Mula sa Pangalawang Pangulo hanggang sa Alkalde: Ang Matatag na Pagbabalik ni Leni Robredo sa Lungsod ng Naga at ang Kanyang Di Matitinag na Laban para sa Katapatan at Serbisyong Bayan/th
Mula sa Pangalawang Pangulo hanggang sa Alkalde: Ang Matatag na Pagbabalik ni Leni Robredo sa Lungsod ng Naga at ang…
End of content
No more pages to load






