“Tara po, Nay. Pasok tayo sa loob,” mahinahong yaya ni Marco.
“Naku, bawal ako d’yan, Sir. Naka-tsinelas lang ako. Saka magagalit ang amo ko—pinaghihintay niya ako sa labas.”
Biglang tumigas ang mukha ni Marco.
“Sino ang nagpahintay sa inyo sa initan?”
“Si Ma’am Stella po… nasa loob.”
Hinawakan ni Marco ang braso ni Nanay Loring.
“Halika po, Nay. Sa restaurant ko, ikaw ang Reyna.”
Pumasok sila sa loob. Napatingin ang lahat—mga waiter, staff, at customers—nang makita nilang ang boss nila mismo ang umaalalay sa isang matandang katulong.
Dinala ni Marco si Nanay Loring sa VIP Room, isang glass room sa gitna ng restaurant na kitang-kita ng lahat.
Pinaupo niya ito sa pinakamalambot na upuan.
“Waiter!” sigaw ni Marco. “Special steak, lobster, at iced tea para kay Nanay. On the house. Ako mismo ang magluluto.”
Mula sa mesa niya, namutla si Ma’am Stella.
Ang katulong niya… nasa VIP Room?!
Tumayo siya at sumugod.
“Excuse me! Anong nangyayari dito? Yaya! Bakit ka pumasok? Sinabi ko sa labas ka lang!”
Humarap si Marco kay Stella, malamig at matalim ang tingin.
“Ma’am, kilala niyo po ba siya?”
“Oo! Katulong ko ’yan! Nakakahiya siya sa customers!”
“Ma’am,” malakas at malinaw ang boses ni Marco, “ang babaeng ’yan ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon. Noong gutom ako at walang-wala, siya ang nagpakain sa akin.”
Natahimik ang buong restaurant.
“Dito sa Casa D’Oro,” dugtong ni Marco, “walang puwang ang mga matapobre. Ang VIP Room ay para sa mga taong may ginintuang puso. Si Nanay Loring, karapat-dapat dito.”
Tiningnan niya si Stella mula ulo hanggang paa.
“Kahit marami kang pera, hindi ka qualified sa mesa na ’to.”
Bumaling siya kay Nanay Loring.
“Nay, kain lang po kayo. Pagkatapos, ihahatid ko kayo sa probinsya. Bibigyan ko kayo ng puhunan para hindi na kayo magpa-alila sa mga taong hindi marunong rumespeto.”
Napahagulgol si Nanay Loring habang dahan-dahang hinihiwa ang steak.
Si Ma’am Stella naman, pulang-pula sa hiya. Hindi niya natapos ang pagkain. Nagmamadali siyang nagbayad at lumabas—at sa pagkakataong iyon, siya ang naiwan sa labas, habang ang dating minamaliit niyang katulong ay tinatratong parang pamilya sa loob.
Makalipas ang 5 araw
Bumalik si Nanay Loring sa probinsya—hindi na bilang kasambahay, kundi bilang may-ari ng maliit na karinderya na tinawag na “Kay Nanay”.
Araw-araw, may libreng pagkain para sa mga batang gutom.
Sa dingding, may litrato ng isang batang marungis at isang matandang babaeng nakangiti.
At tuwing may nagtatanong kung bakit siya tumutulong kahit mahirap ang buhay, iisa lang ang sagot ni Nanay Loring:
“Dahil minsan, may pinakain akong bata… at binago niya ang kapalaran ko.”
News
Sa kalaliman ng madaling-araw, nagising ako at narinig kong kausap ng asawa ko ang kanyang kabit sa telepono: —Huwag kang mag-alala, bukas bababa na siya sa impiyerno. Ang mansyon na may 7,500 metro kuwadrado at ang life insurance na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar ay mapapasaiyo…/th
Nagsimula akong manginig habang, sa katahimikan, agad akong kumilos noong gabing iyon mismo… Nagising ako sa kalagitnaan ng madaling-araw, balisa…
Habang sinusukat ko ang aking sapatos sa kasal, narinig ko ang mahinang bulong ng aking biyenan:/th
Habang sinusukat ko ang aking sapatos sa kasal, narinig ko ang mahinang bulong ng aking biyenan:“Sigurado ka bang wala siyang…
Isang milyonaryo ang bumisita sa puntod ng kanyang asawa at nakatagpo ng isang batang nakahandusay mag-isa… ang kanyang natuklasan ay kakila-kilabot/th
May kakaiba noong umagang iyon. Nararamdaman iyon ni Alejandro Ferrer sa sandaling tumawid siya sa mga tarangkahan ng Panteón San…
Ang mga bilanggo sa isang piitan na may pinakamataas na seguridad ay sunod-sunod na nabuntis: ang nakuhanan ng mga kamera ay gumulat sa lahat/th
Isa ang nagsimula. Sumunod ang isa pa. At pagkatapos, isa pang muli. Sa Federal Women’s Center La Ribera, isang piitang…
Ang anak ng isang milyonaryo ay inilibing nang buhay, ngunit may alam ang kasambahay na hindi alam ng iba…/th
Hindi kailanman nawawala sa mga kamay ni María ang amoy ng disinfectant. Kahit ilang beses pa niyang kuskusin ang balat…
Isang batang lansangan ang winasak ang kabaong ng anak ng isang milyonaryo. “Ilabas ninyo siya, hindi pa siya patay!” sigaw niya./th
Ang tunog ng unang suntok sa kahoy ng kabaong ay umalingawngaw sa loob ng simbahan na parang kulog. Nakatayo lamang…
End of content
No more pages to load






