It was a tearful moment for Christopher de Leon as he visited the wake of his ex-wife, the late Nora Aunor, as well as reunited with their children.
De Leon had a grim expression on his face as he shared tearful hugs with his colleagues before embracing his children Ian and Lotlot at the Heritage Park in Taguig, as seen in a clip shared by the Metro Manila Film Festival (MMFF) spokesperson and publicist Noel Ferrer on his Instagram page on Saturday, April 19.
The clip also showed the screen veteran, who was joined by Ian, looking at Aunor’s coffin.
Aunor and de Leon tied the knot in a civil ceremony in January 1975, where they had one biological child, Ian. They also adopted four children, namely, Lotlot, Matet, Kiko and Kenneth. They renewed their vows in 1976, but their marriage was dissolved 20 years later. De Leon eventually went on to marry Sandy Andolong in 2001.
The National Artist’s wake is held at the Heritage Park in Taguig City, from April 17 to 21, with the public allowed to witness Aunor for the last time on April 19 and 20.
The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) announced that a state funeral will be held for Aunor on Tuesday, April 22, and her internment will be held on the same day.
Aunor, who died at the age of 71 on April 16, will be laid to rest at the Libingan ng mga Bayani.
Nora Aunor reflects on failed marriage to Christopher de Leon
“Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”

Muling bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina last Wednesday, September 7, 2011.
At muli ay na-interview namin ang bida ng drama series na si Nora Aunor.
Nasa Taal, Batangas sina Nora at co-actors, with Direk Mario O’Hara and staff, mula August 22 hanggang September 2.
Nasa Bosoboso, Antipolo City sila noong September 5.
Nag-shoot din ang cast and crew sa Salve Regina General Hospital sa Marikina City buong araw at hanggang past midnight noong September 8.
Maaga ang call time ni Ate Guy (nickname ni Nora) kaya mas maaga siyang nakauwi, bago naghatinggabi.
Mga eksena nila nina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang karamihang kinunan.
Pero mayroon ding mga eksena sina Nora at ang anak niyang si Ian de Leon, na nadatnan ng PEP bandang hapon na nakikipagkulitan sa kanyang mommy.
Before dinner break ay nauna naming in-interview si Ian, with Ate Guy na may ibang kausap, in the same room.
Pero puro rin tungkol kina Nora at Christopher de Leon, Ian’s dad, ang binabanggit ng huli.
At one point, natutuwang na-mention ni Nora na crush ng anak niyang si Ian, noong bata pa ito, si Lorna Tolentino.
Nabanggit kasi sa usapan na lilipat na sa TV5 si Lorna.
“Napakabata pa niya [Ian] noon, pero may crush na,” natutuwang pagbabalik-tanaw ng Superstar.
Isip-isip din daw niya noon, “Yung anak ko, ibang artista ang gusto!”
Pero panay naman ang “bawi” ni Ian sa kanyang mommy.
Like, ipaparinig talaga kay Ate Guy, “Kay Mommy ako. Loyalista ako, e!” Or, “I’m proud of both my parents…’”
Tungkol sa pagiging “makulit” like his dad, sabi naman ni Ian, “Hindi ako nagtataka kung saan ko nakukuha yung mga kakulitan ko… Si Mommy, ayan, mahal na mahal ko!”
At tumawa nang malakas ang anak ni Guy.
Natatawa na lang si Nora, who was pleased with Ian’s words.
Christopher de Leon, Lotlot de Leon, at John Rendez sa burol ni Nora Aunor | PEP Hot Story
“Alam ko yun. Di na kailangang sabihin yun. Nararamdaman naman, e.”
NORA AUNOR ON CHRISTOPHER DE LEON
Sa SNNI taping sa Bosoboso, Antipolo City, the previous day, September 5, marami namang eksenang kinunan kina Nora at Christopher.
Magkatuwang uli ang mga unit directors and technical staff nina Mario O’Hara at Jon Red that day.
Napaka-professional nina Nora and Boyet. Gamay na gamay nila ang dapat gawin sa set,
Sa personal na aspeto, nabanggit din ni Nora na maski naghiwalay sila noon, nanatiling maganda ang kanilang friendship.
“Malaki ang sakripisyo niyan sa akin,” banggit ni Ate Guy, in the presence of Ian.
“Kasalanan ko rin, e. Aminado ako. Kung hindi naging matigas ang ulo ko noon, hindi sana kami naghiwalay.”
Pero nangingiti si Nora kapag may naaalala during those years na separated na raw sila ni Boyet, pero, “Nagde-date pa rin kami!”
Ang kuwento ni Guy: “Idini-date niya ako, kahit hiwalay na kami.
“Ikinukuwento niya sa akin yung mga nililigawan niya, at sinasabi ko rin yung mga nanliligaw noon sa akin.”
NORA AUNOR, HAPPY WITH TV5
Samantala, sa maganda at maayos na pagtrato sa kanya ng TV5 ay walang dahilan para hindi maging masaya si Nora.
Very vocal nga siya sa pagsasabi nito, each time na may nakakausap na taga-media, tulad ng PEP.
“Ibang klase silang mag-alaga,” banggit ni Nora, na lalong natutuwa kapag may inihahanda sa kanyang special dishes, tulad ng Bicol express at ginataang santol, na paborito talaga niya.
NORA AUNOR’S FIRST BOLD ROLE
Ano pa ang gusto niyang roles na gampanan?
“As usual, bold!” wika ni Ate Guy sa kanyang nakagawiang pagbibiro.
“Pero hindi niyo alam, ako ang unang-unang nag-bold—sa Banaue!”
Ang Banaue (1975) ay ang klasikong pelikula ng National Artist for Film na si Gerry de Leon. Ito ang unang pagtatambal nina Nora at Christopher.
“Buhok ko lang ang nakatakip [sa dibdib]. Ako ang unang nag-bold!” biro pa ni Ate Guy, referring to her costume in the epic masterpiece about the legend of the world-famous Banaue Rice Terraces in Ifugao.
YUL SERVO AND OTHER GUESTS
Bukod sa press na nag-i-interview, may mga male celebrities din mula sa TV5 ang bumisita sa set ng Sa Ngalan ng Ina para sandaling makausap si Nora Aunor.
Nakita namin si Manila Councilor Yul Servo, na nakapareha ni Ate Guy sa pelikulang Naglalayag (2004).
Kasamang bumisita ni Yul ang co-star niya sa Bangis, ang young actor na si Rodjun Cruz.
Early evening nang dumating sina Yul at Rodjun.
“Ate Guy, magpupugay daw sa iyo,” sabi ni Ms. Jo-Ann Banaga, supervising producer ng Sa Ngalan ng Ina at Bangis.
Tuwang-tuwa si Ate Guy pagkakita kay Yul. Ipinakilala nito sa kanya si Rodjun at sandali silang nagkumustahan, nag-picture-picture.
Fun fact: si Rodjun ay pamangkin ni Tirso Cruz III, na dating ka-love team at karelasyon ni Nora.
Sabi ni Nora about Yul, “Naku, naniningkit pa rin ang mga mata niya. Bilib talaga ako roon, mahusay na artista. At napakabait na bata.”
Sa pelikula, lumilitaw na si Yul ang pinakahuling naging leading man, so far, ni Nora.
“Nakakatuwa naman. Sabi niya, ‘Ate Guy, nakatatlong awards ako doon…’ Mahusay talaga siya,’” banggit din ni Nora.
Samantala, among the Sa Ngalan ng Ina cast members, binanggit ni Nora na sina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang pinaka-promising at nag-i-standout sa mga baguhang nakakaeksena niya.
“Magagaling at masisipag, mga disiplinado,” sabi ni Nora.
News
PINALAKI KO ANG AKING ANAK-ANAKAN MULA NOONG 3 TAONG GULANG PA LAMANG SIYA. SA KANYANG KASAL, DINIS-INVITE NIYA AKO PARA IBIGAY ANG PWESTO KO SA KANYANG ‘BIOLOGICAL MOTHER’ NA NAG-ABANDONA SA KANYA. KINUHA KO ANG REGALO KO SA KANYA: ANG SUSI NG KANYANG BAHAY/th
Ang Presyo ng Dugo: Isang Aral ng Dignidad Sinasabi sa ating kultura na “ang dugo ay laging tumatawag.” Pinanghawakan ko…
Isang bilyonaryo ang umuwi at natagpuan ang kanyang itim na katulong na natutulog sa sahig kasama ang kanyang 1-taong-gulang na kambal na anak — at ang nakakagulat na katapusan…/th
Si Ethan Blackwood ay dating may kontrol. Sa edad na tatlumpu’t walo, siya ay isang bilyonaryong mamumuhunan na kilala sa…
Ang hardin ng hotel ay nagbago mula sa pagiging “mala-engkanto” tungo sa isang “crime scene” sa mabagal na paraan…/th
Ang mga puting rosas ay gumagapang sa arko na tila ba sinusubukang magtago. Ang mga kristal na baso ay nagtatagisan…
Dinala niya ang kanyang kalaguyo sa isang 5-star hotel — ngunit nabigla siya nang pumasok ang kanyang asawa bilang BAGONG may-ari./th
Kumikinang ang marmol na sahig ng Belmont Reforma Hotel sa ilalim ng mga kristal na chandelier habang iniabot ni Tomás Briones ang kanyang…
“Habang sinusubukan akong wasakin ng asawa ko at ipinagdiriwang iyon ng kanyang kerida, dumating ang aking ama. At iyon ay hindi isang pagsagip—iyon ang simula ng kanyang paghuhukom.”/th
Ako si Claire Whitman, at ang gabing tuluyang nagwakas ang aking kasal ay nagsimula sa mga sigawan at nagtapos sa isang…
Pagkatapos ng pagkahulog sa hagdan, nagpanggap na walang malay ang amo—ang ginawa ng yaya pagkatapos ay nagpaiyak sa kanya/th
Noong gabing bumagsak si Víctor Almeida sa marmol na hagdan, naniniwala pa rin siyang kontrolado niya ang lahat. Ilang minuto bago iyon,…
End of content
No more pages to load






