Miyerkules ng umaga. Tahimik ang Grade 5 Section A habang nagtuturo ng Math si Ms. Castillo, ang pinaka-istriktong guro sa paaralan.

Habang nagsusulat siya ng Fractions sa pisara, napansin niya ang mga estudyante sa likod na hindi mapakali at tingin nang tingin sa bintana.

“Class! Eyes on the board!” sigaw ni Ms. Castillo.

Lumingon siya sa bintana para tignan kung ano ang nakaka-distract sa mga bata.

Nakita niya ang isang batang lalaki, mga 10 taong gulang.

Ang suot nito ay lumang sando na punit-punit.

Ang kanyang shorts ay gawa sa kako ng harina.

At ang kanyang buong katawan—mula paa, binti, braso, hanggang mukha—ay tadtad ng itim na putik.

Mukha itong kalabaw na bagong ahon sa lubluban.

Galit na lumapit si Ms. Castillo sa bintana.

“HOY BATA!” sigaw ni Ms. Castillo.

Nagulat ang bata. Nanginginig ito sa takot.

“Anong ginagawa mo diyan?! Kanina ka pa silip nang silip! Ang baho at ang dumi-dumi mo! Dinidistract mo ang klase ko!” bulyaw ng guro.
“Umalis ka nga diyan! Doon ka sa bukid maglaro, huwag dito sa paaralan!”

Sa sobrang takot ng bata, dali-dali itong tumakbo palayo.

Pero sa pagmamadali niya, nabitawan niya ang hawak niyang bagay. Nahulog ito sa paso sa labas ng bintana.

Isang Notebook.

Lumabas si Ms. Castillo para itapon sana ang notebook sa basurahan. Akala niya ay basura lang ito o drawing book ng batang hamog.

Pinulot niya ito. Ang notebook ay luma na, galing sa recycled na mga papel na tinahi lang gamit ang sinulid.

Binuksan ni Ms. Castillo ang notebook.

Nanlaki ang mata niya.

Wala itong drawing ng robot o kalokohan.

Sa unang pahina: ENGLISH – Subject Verb Agreement.

Sa pangalawang pahina: SCIENCE – Parts of the Plant.

Sa pangatlong pahina: MATH – Fractions and Decimals.

Ang sulat ay medyo pangit dahil pudpod na ang lapis na gamit, pero KUMPLETO ang notes.

Lahat ng isinulat ni Ms. Castillo sa pisara mula noong Lunes… nakasulat din sa notebook ng bata.
Pati ang mga examples na binibigay niya orally, naka-jot down din.

Nanghina si Ms. Castillo. Natahimik ang buong klase na nakasilip din sa notebook.

Bumalik ang bata. Dahan-dahan. Nanginginig.

“M-Ma’am…” maiyak-iyak na sabi ng bata.
“Akin na po ‘yan… Huwag niyo po itapon… ‘Yan lang po ang notebook ko…”

Lumapit si Ms. Castillo sa bata. Hindi na siya nandidiri sa putik.

“Iho… anong pangalan mo? Bakit… bakit ka may notes? Hindi ka naman enrolled dito?”

Yumuko ang bata. Pinunasan ang sipon gamit ang maputik na braso.

“Ako po si Karding, Ma’am. Hindi po ako ma-enroll nila Nanay kasi wala kaming pera pambili ng uniform at sapatos.
Kailangan ko pong tumulong kay Tatay sa pag-aararo sa bukid sa likod ng school.”

Tumingin si Karding sa bintana.

“Pero gusto ko po talagang matuto, Ma’am. Kaya tuwing break time po namin sa pagtatanim, tumatakbo ako dito sa bintana niyo.
Nakikinig po ako at kinokopya ko yung nasa pisara.
Pasensya na po kung madumi ako… putik lang po ‘yan, pero malinis po ang intensyon ko.”

Tumulo ang luha ni Ms. Castillo.

Napaluha rin ang mga estudyante sa loob.
Sila na kumpleto sa gamit, naka-aircon, at naka-uniporme, madalas ay tinatamad makinig.

Pero heto ang isang batang “lubog sa putik,” na ninanakaw ang bawat sandali para lang matuto.

Lumuhod si Ms. Castillo at niyakap si Karding.
Bumaon ang putik sa malinis na uniporme ng guro, pero wala siyang pakialam.

“Sorry, Karding…” iyak ng guro.
“Sorry kung pinalayas kita… Napakasipag mong bata.”

Hinila ni Ms. Castillo si Karding papasok sa classroom.

“Class, may bago kayong kaklase.”

Pinaupo niya si Karding sa pinaka-harap.

“Simula ngayon, Karding, hindi ka na sa bintana sisilip.
Dito ka na uupo.
Sagot ko na ang uniform mo.
Sagot ko na ang gamit mo.
Sagot ko na ang tanghalian mo.”

Nagpalakpakan ang mga kaklase.
Binigyan nila si Karding ng papel, lapis, at baon.

Sa araw na iyon, natutunan ng buong klase na ang edukasyon ay hindi nasusukat sa kintab ng sapatos o linis ng damit.

Ang tunay na estudyante ay yung handang dumihan ang kamay sa hirap, makuha lang ang gintong kaalaman.