Richard Merck naging masamang impluwensiya kay Nora; Noranians walang humpay ang pakikiramay
Richard Merck
Marami ang nagulat sa kuwentong nagpakasal pala noon sina Nora Aunor at Richard Merck.
Ilang taon nang nakaraan ay nakalkal na ito ng PEP at nalamang dalawang beses nagpakasal ang superstar sa Las Vegas, Navada.
Nadiskubre ito sa Marriage Inquiry System of Clark County ng Las Vegas, Navada.
Nagpakasal si Nora kay Richard Merck noong July 7, 1988 at noong May 22, 2000 ay nagpakasal din siya sa dati niyang manager na si Norie Sayo.
Hindi natin alam kung ano ang nasa isip noon ni Ate Guy nang yayain niyang pakasal sila ni Richard Merck.
Pero aminado naman ang singer/composer na minahal niya noon ang Superstar. Puppy love nga raw niya si Ate Guy, noong 10 years old pa lang siya, at 12 pa lang daw noon ang Superstar.
“Mula bata, e. Puppy love ko siya, e.
“Nung bata ako, I was 10, she was 12. Two years ang tanda niya sa akin. So, she’s turning 72 sana this May 21. Ako, I’m turning 70 sa October. So, ayaw ko na siyang istorbohin,” pagtatapat ni Richard Merck na medyo naguluhan ako dahil nagtitinda pa lang yata ng tubig sa tren si Nora nung 12 years old pa lang siya.
Tatlong taon lang ang kanilang relasyon na kung saan malaki naman ang naitulong ni Richard sa singing career ng Superstar dahil sa masusing pag-coach sa kanya, sa singing engagements niya.
Nalulong sa drugs si Richard at naging masamang impluwensya siya sa aktres.
‘Yun din ang dahilan kung bakit iniwasan na siya nung nagkaroon sila ng relasyon ni Maricel Soriano.
Pagkatapos niya kay Maricel, na kung saan ay tinanggal siyang co-host sa show ng Diamond star, naging sila naman ni Nora.
Siya raw talaga ang magulo nung araw na ‘yun, kaya dumistansya na siya sa Superstar. “Iyon ang pinakaano, e, tingin ko na nagawa kong pagkukulang – na umalis akong walang paalam.
“At never ko na siyang… hindi na ako nakipagkita kahit kailan. Ngayon lang ulit. Ako na lang ang nakakakita,” malungkot na pahayag ni Richard.
Umiiyak daw siyang nakatayo sa harapan ng kabaong ni Nora.
“I apologized so much to her. Talagang, ‘forgive me if I’ve hurt you in the past. Kasi I left her without saying goodbye. And I moved out of the house.
“I stayed in the house of Butch Danz for two months.
“And then Butch told me, I have a monsignor uncle in Fairview. Good Shepherd Church. Baka gusto mong tumira doon.
“I said, ‘yes.’ Two years ako doon. Two years ako doon sa church. That stopped everything,” dagdag niyang pahayag.
Natutuwa si Richard kapag nakikita pa niya sa social media ang kuha noon ng mga kanta ni Nora na in-arrange niya.
Hinding-hindi niya makalimutan ang kantang What Now My Love na kinanta ni Ate Guy sa Star Awards na siyang nag-arrange at binago niya ang interpretation nito sa pagkanta.
If ever, ang iaalay raw niyang kanta ay ang I Will ng The Beatles na, “Who knows how long I’ve loved you? You know I love you still. Will I wait a lonely lifetime? If you want me to, I will.”
Samantala, dagsa ang fans sa Heritage Memorial Park nang binuksan na ito sa publiko noong Sabado mula ala una hanggang 4 ng hapon.
Pasado alas-kuwatro ng hapon ay marami pa ring naiwang fans, kaya lumabas na sina Lotlot De Leon at Matet para magpasalamat na talaga namang hindi nawala ang pagmamahal sa namayapang Superstar.
Nagkaroon sila ng tribute para kay Nora, at kinantahan nilang lahat si Nora ng Superstar ng Buhay Ko na pinasikat dati ng grupong Cinderella.
May ilang avid fans na nagsalita, pati ang dating teacher ni Nora ay nandun din.
Wala na si Ate Guy, pero naglabas at buhay na buhay pa rin ang Noranians.
Kahit karamihan sa movie industry ay interesado pa rin kay Ate Guy.
Kaya ‘yung matagal nang binabalak na isapelikula ang life story ni Nora, gusto pa rin daw nila itong ituloy.
Pinag-uusapan daw uli ito nina direk Joel Lamangan at Ricky Lee – ang bubuuing pelikula tungkol sa National Artist for Film and Broadcast Arts.
Dapat ay pagmimitingan na raw nila ‘yun kasama si Ate Guy, pero hindi raw natuloy ang meeting.
“Pero itutuloy namin ‘yun,” bulalas ni direk Joel.
“Dalawa ‘yun… phase 1, phase 2. Mula dun sa pagiging tindera ng tubig sa tren hanggang sa pagsali niya sa Tawag ng Tanghalan, hanggang sa naging champion, hanggang sa naging artista, ‘yun ‘yung phase one.
“Mula nung naging artista siya hanggang sa ngayon, ‘yun ‘yung phase 2,” pakli ni direk Joel Lamangan.
Para kay direk Joel, dapat maalala ng sambayanang Pilipino ang pagiging mabuting tao na artista ng masang Pilipino.
“Dapat alalahanin si Ate Guy, isang mabuting artista, mahusay na artista.
“Ang pinakamahalaga, isang mabuting tao na artista ng masa.
“Siya talaga ang nagrerepresenta sa interes ng ordinaryong manonood ng ordinaryong Pilipino. Dun natin dapat alalahanin si Ate Guy,” sabi ni direk Joel Lamangan.
News
Separated from My Biological Parents for Over 10 Years, I Was Overjoyed When I Finally Returned—But That Joy Lasted Only a Few Days/th
1. The ReturnMy name is Linh, and I just turned 20 this year. For ten years, I lived with an…
The maid’s son saw something strange about the millionaire’s daughter that made the funeral stop immediately…/th
The maid’s son saw something strange about the millionaire’s daughter that made the funeral stop immediately… They dressed her in…
Three years after our childless marriage, my mother-in-law brought my husband’s pregnant mistress home to be taken care of, and that’s when I decided to destroy the family./th
The first crack in my marriage appeared the day my mother-in-law, Margaret, walked into our modest two-story home in Ohio…
“Daughter-in-law attacks mother-in-law like a wild beast after this incident…”/th
The day the house fell silent, the sun was still shining over the jacarandas. I remember the purple petals sticking…
The CEO Gave a Scholarship to a Poor Girl, but Her True Identity Left Him Stunned…/th
Anh Dũng, 42, was the CEO of a renowned real estate corporation. Successful, wealthy, and known for being rational and…
On the wedding day, just as the groom’s family arrived to fetch the bride, the groom’s mother suddenly collapsed to the ground and the groom’s pants were soaked with sweat when he saw the bride coming down the stairs. My God, how could this be happening…/th
After a few months of dating, both families quickly began discussing marriage. On the wedding day, just as the groom’s…
End of content
No more pages to load