John Rendez, kasama ni Nora Aunor nang ma-confine ito sa ospital
John Rendez, lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Nora Aunor.
John Rendez, longtime friend ng National Artist na si Nora Aunor, sinasabing umuwi ng Angeles City, Pampanga. Pero kasama siya sa ospital nang ma-confine si Nora. Matapos ng pitong araw, binawian ng buhay ang legendary actress-singer, Abril 16, 2025.
PHOTO/S: John Rendez Facebook / PEP File
Ang reaksyon ng rapper-actor na si John Rendez sa pagpanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts at multi-awarded actress Nora Aunor ang nais malaman ng publiko.
Si John ang isa sa mga pinakamalapit kay Nora, dahil mahigit sa tatlong dekada na ang kanilang pagkakaibigan. Siya ang kasama ng superstar noong ito’y nasa U.S. at ngayong siya ay nasa Pilipinas.
Noong Martes Santos, Abril 15, kasama si John sa mga dumamay sa Superstar sa The Medical City.
Nang bawian nang buhay si Nora noong Miyerkules Santo ng gabi, April 16, sinabi ni John sa Facebook Live nito na sana ay mamatay na rin siya.
Ang pag-uwi ni John sa Angeles City, Pampanga, ang latest na balitang nakarating sa Cabinet Files.
Nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na, noong mismong oras na pumanaw si Nora noong gabi ng Miyerkules Santo, ang tanging nasa loob ng hospital room ay ang mga anak niyang sina Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth. Ang wala lang doon at nasa Bataan pa ay ang anak na si Kiko.
Nasa hospital room din ang misis ni Ian, misis ni Kenneth, at National Artist Ricky Lee, na hindi lang basta malapit na kaibigan at katrabaho ni Nora kundi tatay-tatayan na rin ng mga anak ni Nora.
Wala sa loob ng hospital room si John noong mismong oras na binawian ng buhay ang Superstar.
JOHN RENDEZ ACCEPTS NORA AUNOR’S AWARD IN JAPAN
Sa kabilang banda, ang huling public appearance ni John ay nang dumalo siya sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA), na ginanap noong Abril 10, 2025.
Si John ang tumanggap ng parangal na World Class Global Icon of Philippine Cinema 2025 para kay Nora.
Ang official Facebook page na may account name na “Nora Aunor National Artist” ang nagbahagi ng larawan ng pagdalo ni John sa gabi ng parangal ng WCEJA.
On behalf of Nora Aunor, John Rendez accepts World Class Global Icon of Philippine Cinema trophy for the National Artist.
Photo/s: Nora Aunor National Artist Facebook
Dumaan sa maraming pagsubok ang pagkakaibigan nina Nora at John, pero tila nalampasan nila lahat ito.
At hanggang sa huling sandali ng buhay ng premyadong aktres, nanatili silang magkasama.
NORA AUNOR ON JOHN RENDEZ
Halos dalawang taon na ang nakararaan nang magbigay ng mensahe si Nora tungkol kay John.
Sa ulat ng PEP Troika noong Mayo 21, 2023, ang mahalin si John ng kanyang mga anak ang pakiusap ni Nora nang magdiwang ito ng ika-70 na taon ng kaarawan.
Ito ang bahagi ng pahayag ni Nora sa pagdiriwang ng kanyang 70th birthday noong Mayo 20, 2023 sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.
“Si John, alam niyo kung ano yung nangyari sa kanya. Huwag na natin palalakihin kung ano ang mga sinasabi ng ibang tao.
“Ang isipin natin, ang nanay niyo, hindi iniwanan ng tao nang ilang taon.”
Sinabi pa nito sa natural na pangyayaring magkakaroon ng sariling buhay ang mga anak: “Nawala kayong lahat, nagkaroon ng pamilya, ang nariyan, si John.”
Sabay dugtong nito, “Kaya hindi puwedeng hindi ko ipagtanggol yung tao, e. At gusto kong malaman niyo yun.”
Nakiusap din noon si Nora na “mahalin” ng mga anak si John.
“Mahalin natin. Mahalin natin yung tao. Kagaya niyan, nandito siya kanina, pero hindi siya nagpakita nang husto, dahil alam niyang nandito yung pamilya ko. Ayaw niyang may masabi na naman ang tao sa kanya.
“Kaya hindi siya nagpakita nang matagal, umalis siya. Pero alam ko, nasa puso niya, gusto niya kayong makausap, kahit isa man lang sa inyo.
“Gusto ko lang magmahalan tayo,” hiling ng Superstar.
May paglilinaw din noon si Nora sa ugnayan niya kay John.
Patuloy ni Nora: “Kung ano yung relasyon ni John… wala naman kaming relasyon, di ba? Yun lang ang… nagkaroon lang ng… gusto ko lang malaman ng lahat na ipinagtatanggol ko yung tao, hindi sa kung ano pa man diyan.
“Sana makita ko na magmahalan kayo. Kasi ako naman, matanda na ako, e.
“Magpasalamat tayo sa kanya na mula noon hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya.
“So, yun lang. Gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, unawain natin siya.
“Bigyan natin siya ng pagkakataon na maipakita naman niya yung talento na ibinigay ng Diyos sa kanya.
“Hindi niya maipakita, e. Kasi, mag-recording, lumabas, may nasasabi ang tao, e.
“Ganun katagal na hindi ako iniwan ni John. Wala kaming relasyon, kasi sasabihin ng mga tao na may relasyon, parang sinabi ko na siya ba yung pumapatol sa bata, di ba? Meron naman akong kunsensya.”
News
The son threw his adoptive mother’s belongings out the front door and boldly declared, “Get out! You’re annoying and a burden to me!”/TH
TITLE: Kicked Out by Her Adopted Son… She Had No Idea She Was Hiding $9.5 Million In a quiet yet…
NAMUTLA ANG BATANG MAYAMAN NG MAKITA ANG PULUBI NA KAMUKHA NIYA, DI NYA AKALAIN NA MAY KAPATID SIYA!/TH
The Boy Who Looked Just Like Me — A Shocking Family Secret One day in the busy streets of Mumbai,…
FULL SCANDAL CONVERSATION ni Maris Racal at Anthony Jennings! Lumalabas ang shocking na private conversation nina Maris Racal at Anthony Jennings na naglalaman ng mga hindi inaasahang revelations! Isang malaking iskandalo ang kumakalat online—nagbunyag ba sila ng lihim na relasyon o may mas malalim na isyu sa likod ng mga mensahe? Alamin ang buong detalye ng kontrobersyal na pag-uusap na nagpatindi ng usap-usapan sa social media!/TH
FULL SCANDAL CONVERSATION ni Maris Racal at Anthony Jennings! Lumalabas ang shocking na private conversation nina Maris Racal at Anthony…
May isang lihim ang mag tito may milagro silang ginagawa sa kubo Tagalog Crime Story/TH
In a remote village in Pampanga where the fields stretch endlessly and the air smells of plants and sun, lived…
“WIFE KEPT GOING OUT AT NIGHT AND TURNING INTO A DARK ALLEY — THE HUSBAND GREW SUSPICIOUS AND DECIDED TO FOLLOW HER. WHAT HE SAW: HIS WIFE HOLDING THE HAND OF AN OLD MAN, AND THE TRUTH BEHIND IT BROUGHT HIM TO TEARS OF REGRET…”/TH
“I didn’t want to tell you until you were ready,” said Andrea while wiping the tears of her father-in-law. Last…
ANAK NA PINAGKAKAITAN NG PAGKAIN NG INA, MAY NAKUHA SA DRAWER NA NAKAPAGPABAGO SA LAHAT!/TH
Inside a room no bigger than two adjoining shanty huts, the stink of mold and old wood clung to every…
End of content
No more pages to load