Disyembre 24. Oras: 11:30 PM.
Bumubuhos ang ulan. Basang-basa ang raincoat ng delivery rider na si Dante.
Nakatigil siya sa gilid ng kalsada, nakayuko sa manibela ng kanyang motor. Sa loob ng helmet niya, umaagos ang luha na humahalo sa pawis.
Tumunog ang cellphone niya. Video call galing sa asawa niyang si Sheila.
“Pa? Nasaan ka na? Malapit na mag-Pasko oh,” tanong ng asawa niya. Sa background, kita niya ang mga anak niyang natutulog na sa banig, walang Noche Buena sa mesa kundi tinapay at kape.
“Sorry Ma…” garalgal na sagot ni Dante. “May pumasok na huling booking eh. Malaki ang tip. Sayang naman. Pang-bili natin ng ulam bukas. Mauna na kayong kumain ng tinapay… di ako aabot sa Noche Buena.”
Pinatay ni Dante ang tawag dahil hindi niya kayang makita ang lungkot sa mata ng asawa niya.
Ang drop-off point niya ay sa isang eksklusibong subdivision. Isang malaking mansyon.
Oras: 11:50 PM.
Nakarating si Dante sa tapat ng napakalaking gate. Ang bigat ng loob niya. Habang ang lahat ay nagsasaya, siya ay parang basang sisiw na nagtatrabaho.
“Delivery po!” sigaw ni Dante.
Bumukas ang gate. Lumabas ang isang lalaking naka-polo shirt, mukhang mayaman at seryoso. Si Sir Gabby.
“Good evening Sir, heto na po ang pagkain niyo,” inabot ni Dante ang paper bag. Nanginginig ang kamay niya sa lamig.
Tinignan lang ni Sir Gabby ang pagkain. Hindi niya ito kinuha.
“Sir?” tanong ni Dante. “Order niyo po ito diba?”
Biglang hinawakan ni Sir Gabby ang braso ni Dante. Mahigpit.
“Iwan mo ‘yang motor mo dyan. Pasok!” utos ni Sir Gabby.
Kinabahan si Dante. “S-Sir? Bawal po pumasok ang rider… at saka nagmamadali po ako, uuwi pa ako sa pamilya ko—”
“Wala kang pamilyang uuwiuan doon!” sigaw ni Sir Gabby sabay hila kay Dante papasok ng gate.
Natakot si Dante. “Sir! Maawa kayo! Wala akong ginawang masama! Huwag niyo po akong saktan!”

Pagpasok nila sa Main Door ng mansyon, napapikit si Dante. Akala niya bubugbugin siya

“SURPRISE!!!”

Nanlaki ang mata ni Dante.


Sa gitna ng napakalawak na Dining Hall, may mahabang mesa na puno ng pagkain. Lechon, Hamon, Spaghetti, Fried Chicken, atmarami pang iba.

Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người


At nakaupo sa mesa… ang asawa niyang si Sheila at ang tatlo niyang anak! Nakabihis sila ng maganda at masayang-masaya.

“Papa!!!” takbo ng mga anak niya.

Nabitawan ni Dante ang helmet niya. “M-Ma? Mga anak? Anong ginagawa niyo dito?!”

Lumapit si Sir Gabby at tinapik ang balikat ni Dante. Ngumiti ito—wala na ang seryosong mukha kanina.

“Kuya Dante, huwag ka nang umiyak. Kasabwat ko ang misis mo.”

Paliwanag ni Sir Gabby:

“Naaalala mo ba noong isang buwan? May naiwan akong envelope sa motor mo noong nag-book ako? May laman ‘yung P50,000. Pambayad ko ‘yun sa ospital ng Nanay ko.”

Natulala si Dante. “Opo Sir… hinabol ko po kayo para isauli ‘yun.”

“Oo,” sagot ni Sir Gabby. “Pwede mo sanang itakbo ‘yun. Pwede mong angkinin. Pero sinauli mo. Dahil sa katapatan mo, naoperahan ang Nanay ko at gumaling siya.”

Tinuro ni Sir Gabby ang pamilya ni Dante.

“Kaya ngayong Pasko, ako naman ang babawi. Sinundo ko sila kanina pa gamit ang van ko. Binilhan ko sila ng damit. At itong Noche Buena na ‘to? Para sa inyo ‘to.”

Napaluhod si Dante sa sahig. Humagulgol siya nang malakas.

“Sir… salamat po… akala ko po malungkot ang Pasko namin… akala ko po hanggang tinapay lang kami…”

“Tumayo ka dyan, Pare,” itinayo siya ni Sir Gabby. “Kayo ang VIP ko ngayong gabi. Kainan na! 12:00 AM na oh! Merry Christmas!”

Niyakap ni Dante ang asawa at mga anak niya.

Sa gabing iyon, sa loob ng isang mansyon, hindi delivery rider ang turing kay Dante, kundi isang Dangal ng Tahanan—isang amang tapat na pinarangalan ng tadhana sa paraang hindi niya inaasahan.