Anak ni Ricky Davao may pakiusap sa mga dumalaw sa ama sa ospital

Rikki Mae Davao: “Do not post photos of him…”

ricky davao rikki me

Rikki Mae Davao (right photo, with eyeglasses) posts a message after a a friend of the late actor posted a photo of Ricky showing him at the hospital.
PHOTO/S: Instagram

Burado na ang social media post ng isang kaibigan ni Ricky Davao na dumalaw noong nabubuhay pa at habang nakaratay sa isang ospital sa Taguig City ang aktor.

Pumanaw si Ricky dahil sa cancer noong Huwebes, May, 1, 2025.

Ibinahagi ng kaibigan ang ilang detalye at larawan ng kanyang pagbisita kay Ricky ngayong Sabado, Mayo 3, 2025.

Pero makalipas lamang ang ilang oras, binura niya ang social media post.

Maaaring nakita ng kaibigan ni Ricky ang apela ng anak nitong si Rikki Mae Davao kaya inalis na niya ang larawan ng aktor.

Magalang ang pakiusap ni Rikki Mae sa mga kinauukulan.

Panawagan niya: “For those that were trusted to visit my dad in the hospital, please do not post photos of him during this time out of respect for his privacy. Thank you.”

RICKY DAVAO KEPT HIS HEALTH CONDITION PRIVATE

Matagal naratay sa ospital si Ricky sa ospital, pero hindi ito nalaman ng publiko dahil iginalang ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ang desisyon ng aktor na ilihim ang kalagayan niya.

Marami sa mga kaibigang artista ni Ricky ang alam naming dumalaw sa kanya, pero tikom ang kanilang bibig bilang respeto sa aktor na kilalang mahusay makisama at isang mabuting kaibigan.

Ikinagulat ng mga tao ang balita tungkol sa pagpanaw ni Ricky dahil hindi nila alam na may karamdaman siya.

Napatunayan ni Ricky na kahit itinuturing na public property ang mga artista, may kakayahan silang gawing pribado ang kanilang mga personal na buhay, kung gugustuhin nila.