
Sa isang mundong puno ng lihim at pagkukunwari, may mga pangyayaring biglang nagpapakita ng tunay na anyo ng isang tao. May mga lihim na pilit mang ikubli ngunit darating ang panahon na kusa itong lilitaw. Ganito ang eksaktong nangyari sa kaso ni Denise Montalbaan. Isang 26 na taong gulang na call center agent sa Ortigas.
Kilala sa trabaho bilang desenteng babae at hindi kailan man nasangkot sa anumang away o iskandalo. Kung kaya’t ang mangyayari sa kanya sa hinaharap ay magpapabago ng tingin ng mga tao sa kanya lalo na ng kanyang kasintahang. Si Clyde Imperial, 28 anyos. February 6, 2017. 2 ng madaling araw ng huling nag-chat si Denise kay Clyde.
Galing siya sa night shift, pagod at pauwi na sa kanyang tinutuluyang apartment. Para kay Clyde. Ordinaryong usapan lang yon bago sila magpahinga. Hindi niya alam na yun na pala ang huling oras na makakausap niya ang kasintahan. Pagdating ng February 7, napansin agad ni Clyde ang hindi pangkaraniwang katahimikan. Walang update si Denise.
Wala ring mensahe mula sa trabaho nito. Kapag hindi ito nagre-reply, madalas may paliwanag agad. Pero ngayon, tahimik ang lahat. Tinawagan niya ang kaibigan nitong si April. Ngunit hindi rin ito pumasok sa nightship kagabi. Sa boarding house, sinabi ng land lady na hindi rin ito umuwi. Kaya naman sa puntong yon, nagsimulang mabuo ang pangamba.
Alam ni Clyde ang routine ni Denise sa trabaho. Boarding House minsan ay nagtutungo sa mall o mga kainan kasama ng kaibigan. Pero hindi ito kailan man lumabas ng mag-isa. Iyun ang pagkakaalam niya. Hindi siya taong basta-basta mawawala ng hindi nagpapaalam. Ngunit dahil ayaw niyang maging praning, kumapit muna siya sa posibilidad na may biglaang lakad o personal na dahilan ang kasintahan.
Lumipas ang tatlong araw at nanatiling walang paramdam ang dalaga. Walang mensahe. Naka-off ang cellphone. Maging ang kanyang pamilya ay nagsimula ng kabahan. Ipinagtanong sa mga kakilala ngunit isa sa kanila ay walang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan. February 10, nag-file ng missing person report ang pamilya kasama si Clyde.
Sa Presinto, nagkaroon ng interrogation kay Clyde lalo pa’t siya ang itinuturing na huling nakakausap ni Denise. Pilit na ipinagtatanggol ni Clyde ang sarili at sinabing walang kasalanan ngunit may ilan sa mga kaanak ni Denise ang duda. Hindi naging maganda ang pakiramdam ni Clyde sa hinala lalo pa’t maging siya ay labis ding nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan niya.
Habang mabagal ang pag-aksyon ng pulisya, gumawa ng sariling hakbang si Clyde. Nagpunta siya sa mga kaibigan ni Denise sa boarding house maging sa kapitbahay nito. Doon lumabas ang isang kahin-hinalang impormasyon. May ilang beses pa lang nakitang sumakay si Denise sa isang itim na SUV kasama ang isang lalaking hindi kilala ng mga kaibigan nito.
Hindi ito alam ni Clyde kaya lalo pang naging matindi ang kanyang hangarin na malaman ang buong katotohanan. Habang sinusuri ni Clyde ang mga kwento, tumigil ang tingin niya sa isang importanteng bagay na naiwan ni Denise sa kanyang kwarto, ang kanyang laptop. Sinubukan niya itong i-access gamit ang kanilang anniversary bilang password at naging matagumpay siya sa pagbukas nito.
Pagbukas ni Clyde ng laptop, napansin niyang halos walang kakaiba. Ngunit habang mas sinisiyasat niya ang laman nito ay dito na niya napansin ang mga bagay na kahinah-hinala. Sa browser, tinunt ni Clyde ang mga huling website na pinuntahan ni Denise gamit ang web history. Dito nakita niyang madalas buksan ng kasintahan ng kanyang email kung kaya’t nagkaroon ng interest si Clyde upang alamin ang nilalaman nito.
Sa pagbukas sa kanyang email, napansin niya ang username na Jay Stalon na madalas kausap ni Denis sa mga huling bahagi. Nang sinimulan niyang basahin ang bawat email, unti-unting lumabas ang hindi inaasahan. May mga mensaheng halatang hindi pangkaraniwang pag-uusap. May halong pang-aakit, kasunduan at mga pahiwatig sa isang adventure na hindi bahagi ng buhay na kilala ni Clyde.
Maingat niyang binasa ang mga thread at dito niya nakita ang unang konkretong pahiwatig ng ibang mundong ginagalawan ni Denise. Mga bayad, schedule at tagpong may kinalaman sa pagtatalik. Kasunod nito, may nakita siyang ilang attachments, screenshots ng bank receipts mula sa isang online transfer app.
Magkakaibang petsa, magkakaibang halaga ngunit iisang sender ang parehong username. Umabot sa kabuuang 22,500 ang naitalang tinanggap ni Denise sa loob ng ilang linggo bago siya nawala. Mabigat yun para kay Clyde. Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga nakita. Imbes na sagutin ang tanong kung nasaan si Denise, mas lalo nitong binuksan ng posibilidad na may buhay pala itong hindi ipinapakita sa kanya.
Ngunit sa halip na umatras, pinili niyang sundan ang bakas na iyon dahil maaaring ito ang tanging direksyon tungo sa katotohanan. Sa puntong yon, lumapit siya sa kanyang kaibigan na isang techy upang tulungan siyang i-trace ang IP address at online footprint ng email sender. Sa ilang oras na paggagalugad sa internet, nagawa nilang makakuha ng impormasyon ukol sa kinaroroonan ng tao sa likod ng username na Chase Talon.
Nakatira ito sa isang high school and subdivision sa Alabang. Isang lugar na malayo sa karaniwang buhay ni Danise. Hindi yun karaniwang apartment o condo ng isang middle class na empleyado. Ito ay isang village na tinitirhan ng mga eggpat, negosyante at matataas ang estado sa lipunan. at ang ideyang konektado ang kasintahan niya sa lugar na iyon ay lalo pang nagpalalim sa misteryo.
Sa puntong yon, nagpasya si Clyde na dalhin ng impormasyong ito sa pulisya upang mabigyang linaw ang lahat at malinis na rin ang mga agam-agam na konektado siya sa pagkawala ng kasintahan. Sa kaso ni Denise, ang address sa Alabang unang matibay na direksyong hawak ng pulisya. Nagsimulang lumalim ang imbestigasyon dahil sa bagong lead.
Ayon sa record ng Home Owners Association, nakarehistro sa naturang address ang mag-asawang James at Alona Yatko. Parehong nasa edad 50, eggspot mula America. Matagal ng umuwi sa Pilipinas noong 2012. at kilalang may maliliit na negosyo. Tahimik ang reputasyon, maganda ang buhay at wala ni isang reklamo mula sa komunidad.
Nang i-report ni Clyde sa pulisya ang mga ebidensyang nakuha sa laptop, ang email exchanges, bank transfers at koneksyon sa address agad itong naging pangunahing lead. Lumitaw sa talaan na ang email na J Stalon ay naka-log sa mismong WiFi network ng mag-asawa. Dahil dito, idineklara ng pulisya sina James at Alona bilang persons of interest.
Abril 2017. Halos dalawang buwan mula ng mawala si Danise. Nagpasa ang imbestigador ng request para sa search warrant. hindi naging madali dahil kailangan ng malakas na basehan sa isang gated community. Ngunit ang digital trail at testimonya ni Clyde ay sapat upang maaprubahan ito. Sa araw ng operasyon, maaga pa lang ay nagtipo na ang mga tauhan ng pulisya sa labas ng malaking bahay sa Alabang.
Tahimik ang paligid nang ipakita ang warrant, halatang nagulat ang mag-asawa. Si James seryoso at kumpyansang tindig. Si Alona, maingat ang kilos at tila hindi handa sa anumang uri ng pagbisita. Mula sa mga tagapagpatupad ng batas, sinubukan nilang kwestonin ang operasyon ngunit hindi sila pinakinggan. Legal ang mga papeles at kailangang silang sumunod.
Mula sa ala hanggang kwarto, walang lumitaw na anumang ebidensya. Maaliwalas ang loob ng bahay, malinis, walang kahin-hinalang gamit. Walang bakas ng gulo. Hanggang sa matatuon ang pansin sa kanilang bakuran. Nang buksan ng mga pulis ang likuran, kapansin-pansin ang maliit na bahagi ng lupa na tila hindi akma sa malagong damuhan.
Hindi halata sa unang tingin. Ngunit para sa mga sanay na mata ng forensic theme isang indikasyon na may tinangkang itago sa ilalim. Sinimula ng paghukay, tahimik ang lahat, ang pulsya at maging ang forensic team. Maging ang mag-asawa na nakatayo sa gilid halatang kinakabahan. Ilang minuto pa lang ang lumipas nang lumitaw ang unang piraso ng tela.
Sunod ang buto. At nang lumalim ang hukay, lumabas ang halos buo ng labi ng isang babae. Ang damit ay kinilalang pagmamay-ari ni Denise Montalban. Labis ang naging pagluluksa ng pamilya ng babae at maging si Clyde ay hindi mapigilan ang luha. Bagam’t sigurado ang pamilya ay isinailalim pa rin sa DNA testing ang labi upang makasigurado at tulad ng inaasahan.
Kinumpirma ng laboratoryo na si Denis nga ang natagpuan. Sa gitna ng pagluluka, hindi nawala ang katanungan. Ano ang totoong nangyari? Ano ang motibo ng mag-asawa para gawin ang bagay na yon? Kay Denis, sa pagsisiyasat, unti-unting lumabas ang larawan ng buhay nina James at Alona Yatko.
Isang larawang malayo sa unang impresyon ng tahimik na mag-asawa sa loob ng isang marang buhay sa Alabang. Noong 2012. Matapos mamuhay ng higit dalawang dekada sa America, nagpasya ang mag-asawa na bumalik sa Pilipinas para mag-FG. Ang dalawang anak nila ay nasa Amerika at may sariling pamilya. Kaya silang dalawa na lang ang nanirahan sa bagong bahay.
Sa labas. Tila isang normal na mag-asawa, may maliit na negosyo, may komportableng pamumuhay at may ilang social gatherings na dinadaluhan. Ngunit ayon sa ilang lumang kakilala, may kakaibang ugali si James. Mahilig sa thrill, laging naghahanap ng bagong karanasan. Ayon sa recovered email at bank receipts, lumitaw na ang mag-asawa ay matagal ng may kakaibang arrangement.
Sumusubok sila ng mga third party sa kanilang intimacy kung minsan ay bayad. At kung minsan naman ay ka-chat lang na pumapayag sa kasunduan, hindi ito isang beses na pangyayari. May pattern, may sistema at malinaw na sinadya nilang humanap ng mga taong papasok sa ganitong setup. Mga taong naghahanap ng parehong thrill, iba’t ibang edad, iba’t ibang karanasan ngunit iisang lugar.
Doon pumasok si Denise. Nakilala umano nila ang dalaga sa isang dating platform. Maingat ang unang palitan ng mensahe. Hindi agad lumilitaw ang tunay na intensyon. Pero habang tumatagal, lumitaw ang direksyon ng kanilang pakikipag-ugnayan. Tinanggap ni Denise ang Alok kapalit ng pera.
Tatlong beses silang nagkita base sa nakuhang bank transfers at email schedules. Ayon sa forensic timeline, ang huling session ang naging pinakamapanganib. Sa testimonyo ng mag-asawa noong una silang hinarap ng imbestigador, pareho nilang sinabi na aksidente ang nangyari kay Denise. Ayon sa kanila, sa pangatlong beses na pagpunta nito sa bahay, naging rough ang aktibidad.
Hindi umano napansin ni James na sobra ang paghawak niya sa leeg ni Denise hanggang sa mawalan ito ng malay. Sa puntong yon hindi na siya nailabas pa ng bahay. Hindi na siya nadala sa ospital at hindi na rin sila humingi ng tulong. Sa halip, nagpanic ang mag-asawa. Natakot silang mabunyag ang kanilang lihim na buhay.
Isang lihim na maaaring makasira sa pangalan nila sa negosyo nila at sa imaheng binuon nila sa komunidad. At para maitago ‘yon, gumawa sila ng desisyon. para itago si Denise sa kanilang bakuran. Hindi nila inaasahang may maghahanap. Hindi nila inaasahang matutunton ang kanilang trail online. Habang lumalabas ang mga detalye, unti-unting lumulubog si Clyde sa halo-halong emosyon.
Galit dahil niloko siya ni Danise tungkol sa buhay nito at lungkot sa nangyayaring trahedya. Sa korte, malinaw ang ebidensya na nagtuturo sa mag-asawa bilang pangunahing suspect sa nangyari kay Denise. Sinubukan pa nilang idahilan na aksidente ang lahat ngunit hindi yon nakalusot sa hukom. Ang bigat ng desisyon nilang hindi humingi ng saklolo, hindi mag-report at sa halip ay magtago ng ebidensya ang nagpatibay ng hatol.
Idineklara silang guilty at nahatulan ng tig l taong pagkakakulong. Habang tumatakbo ang kaso, tuluyang nabahiran ng putik ang reputasyon ni Denise. Marami ang nagsabing deserve nito ang nangyari sa kanya. Ngunit may mga nagtanggol din at sinabing walang karapatan ang sinuman para husgahan ang isang tao lalo pa’t hindi na madedepensahan ni Denise ang kanyang sarili dahil wala na ito.
Sa gitna ng lahat ay si Cride na hindi pa rin malinaw ang direksyong tatahakin sa lahat ng natuklasan. Dalawang taon ang lumipas. Unti-unting bumalik sa normal si Clyde Imperial. Kahit may mga gabing hindi pa rin malinaw sa kanya kung saan siya nagkamali at kung paano niya hindi napansin ang mga pahiwatig ni Danise. Dito pumasok sa buhay niya si Anna Jane Manalo, isang 24 years old na grade school teacher na nakilala niya sa isang outreach event na sinalihan niya.
Isang maliit na hakbang para maibalik ang sarili sa normal na buhay. Tahimik, mabait at marunong makinig si Anna at hindi nito kailan man pinilit si Clyde na magkwento tungkol sa nakaraan. Natural na nagbukas ang loob niya para sa dalaga. Sa paglipas ng mga buwan, lumalim ang kanilang ugnayan hanggang sa dumating ang araw na muling nakaramdam si Clyde ng kapayapaan na matagal ng nawala sa kanya.
Hindi nagtagal at tuluyang nakabangon si Clyde mula sa mapait na karanasan. Taong 2023 nang ikasal sina Clyde at Anna hindi marangya ngunit puno ng saya. Paglipas lang ng ilang buwan ay isinilang ni Anna ang kanilang unang anak na lalong nagbigay ng kulay sa kanilang mundo. Sa ngayon, tuluyan ng tumahik ang mga sugat na minsang nagpabigat sa buhay ni Clyde.
Sa likod ng lahat ng trahedya, unti-unti niyang natutunan na may mga taong darating upang ipaalala na hindi nagtatapos ang mundo sa isang pagkakamali at hindi rin kailangang manatili ang buhay sa dilim ng nakaraan. Ang kwento ni Denise ay nanatiling aral. Ngunit sa paglipas ng panahon, mas nanaigang katotohanan na ang pagbangon ay posible at ang kapayapaan ay dumarating sa mga handang magpatawad at magsimulang muli.
Sa dulo, hindi trahedya ang nagtakda ng kapalaran ni Clyde kundi ang desisyong piliin ang liwanag sa kabila ng lahat.
News
Buwan-buwan ay nagpapadala ako ng 10,000 piso sa mga biyenan ko para alagaan ang anak kong babae. Pero nang hindi inaasahan ay umuwi ako habang nagbabakasyon, nakita ko ang nanay at 2 anak ng hipag ko na kumakain ng ulang habang ang anak ko naman ay kumakain ng lugaw na puti./th
I. Ang Ulan ng Hulyo Ang ulan ng Hulyo ay walang tigil, parang isang malalim na kalungkutang bumabalot sa bayan…
Vumuwi ako at nadatnan si yaya na suot ang isang silk na damit-pambabae, litaw ang mahahaba at makikinis niyang binti. Hindi na ako nakapag-isip pa—tumalon ako lao diretso…/th
Alas-11 na ng gabi. Paika-ika akong bumaba mula sa taxi, bumabalot sa bawat hinga ko ang amoy ng alak. Naging…
Ang Tagapagbantay at ang Himala ng Buhay/th
Sa marangyang crematorium ng St. Michael’s Medical Center, isang nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa seremonya ng pamamaalam kay Marco Alcantara,…
“Sir, Hindi Umuwi si Mama Kagabi…”—Sinundan ng CEO ang Batang Babae sa Gitna ng Niyebe at Natuklasan ang Isang Katotohanang Nagpabago ng Lahat/th
Sa isang umagang balot ng makapal na niyebe, papasok na ang mga empleyado sa main entrance ng isang malaking kompanya….
Pumayag akong ibigay sa asawa ko ang 10 bilyon para ibili ng bahay ang kalaguyo niya—ngunit hindi niya inakalang may “pagbaliktad” ako sa huling segundo./th
“Pirmahan mo na, tapos ilipat mo sa account ko ang 10 bilyon. Kailangan kong bumili ng condo sa Ruby Garden…
Ang Kwarto 304.Pupuntahan ko sana ang aking asawa at ang kanyang kabit sa kuwarto 304 ng hotel, ngunit pagkakita ko sa mukha ng ‘third party,’ nagpasya akong gumawa ng isang bagay na hindi inaasahan ng sinuman…/th
Ang malakas na buhos ng ulan ay tila naghuhugas sa alikabok ng isang mainit na araw, ngunit hindi nito kayang…
End of content
No more pages to load






