John Rendez, kasama ni Nora Aunor nang ma-confine ito sa ospital
John Rendez, lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Nora Aunor.

John Rendez, longtime friend ng National Artist na si Nora Aunor, sinasabing umuwi ng Angeles City, Pampanga. Pero kasama siya sa ospital nang ma-confine si Nora. Matapos ng pitong araw, binawian ng buhay ang legendary actress-singer, Abril 16, 2025.
PHOTO/S: John Rendez Facebook / PEP File
Ang reaksyon ng rapper-actor na si John Rendez sa pagpanaw ni National Artist for Film and Broadcast Arts at multi-awarded actress Nora Aunor ang nais malaman ng publiko.
Si John ang isa sa mga pinakamalapit kay Nora, dahil mahigit sa tatlong dekada na ang kanilang pagkakaibigan. Siya ang kasama ng superstar noong ito’y nasa U.S. at ngayong siya ay nasa Pilipinas.
Noong Martes Santos, Abril 15, kasama si John sa mga dumamay sa Superstar sa The Medical City.
Nang bawian nang buhay si Nora noong Miyerkules Santo ng gabi, April 16, sinabi ni John sa Facebook Live nito na sana ay mamatay na rin siya.
Ang pag-uwi ni John sa Angeles City, Pampanga, ang latest na balitang nakarating sa Cabinet Files.
Nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na, noong mismong oras na pumanaw si Nora noong gabi ng Miyerkules Santo, ang tanging nasa loob ng hospital room ay ang mga anak niyang sina Ian, Lotlot, Matet, at Kenneth. Ang wala lang doon at nasa Bataan pa ay ang anak na si Kiko.
Nasa hospital room din ang misis ni Ian, misis ni Kenneth, at National Artist Ricky Lee, na hindi lang basta malapit na kaibigan at katrabaho ni Nora kundi tatay-tatayan na rin ng mga anak ni Nora.
Wala sa loob ng hospital room si John noong mismong oras na binawian ng buhay ang Superstar.
JOHN RENDEZ ACCEPTS NORA AUNOR’S AWARD IN JAPAN
Sa kabilang banda, ang huling public appearance ni John ay nang dumalo siya sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA), na ginanap noong Abril 10, 2025.
Si John ang tumanggap ng parangal na World Class Global Icon of Philippine Cinema 2025 para kay Nora.
Ang official Facebook page na may account name na “Nora Aunor National Artist” ang nagbahagi ng larawan ng pagdalo ni John sa gabi ng parangal ng WCEJA.

On behalf of Nora Aunor, John Rendez accepts World Class Global Icon of Philippine Cinema trophy for the National Artist.
Photo/s: Nora Aunor National Artist Facebook
Dumaan sa maraming pagsubok ang pagkakaibigan nina Nora at John, pero tila nalampasan nila lahat ito.
At hanggang sa huling sandali ng buhay ng premyadong aktres, nanatili silang magkasama.
NORA AUNOR ON JOHN RENDEZ
Halos dalawang taon na ang nakararaan nang magbigay ng mensahe si Nora tungkol kay John.
Sa ulat ng PEP Troika noong Mayo 21, 2023, ang mahalin si John ng kanyang mga anak ang pakiusap ni Nora nang magdiwang ito ng ika-70 na taon ng kaarawan.
Ito ang bahagi ng pahayag ni Nora sa pagdiriwang ng kanyang 70th birthday noong Mayo 20, 2023 sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.
“Si John, alam niyo kung ano yung nangyari sa kanya. Huwag na natin palalakihin kung ano ang mga sinasabi ng ibang tao.
“Ang isipin natin, ang nanay niyo, hindi iniwanan ng tao nang ilang taon.”
Sinabi pa nito sa natural na pangyayaring magkakaroon ng sariling buhay ang mga anak: “Nawala kayong lahat, nagkaroon ng pamilya, ang nariyan, si John.”
Sabay dugtong nito, “Kaya hindi puwedeng hindi ko ipagtanggol yung tao, e. At gusto kong malaman niyo yun.”
Nakiusap din noon si Nora na “mahalin” ng mga anak si John.
“Mahalin natin. Mahalin natin yung tao. Kagaya niyan, nandito siya kanina, pero hindi siya nagpakita nang husto, dahil alam niyang nandito yung pamilya ko. Ayaw niyang may masabi na naman ang tao sa kanya.
“Kaya hindi siya nagpakita nang matagal, umalis siya. Pero alam ko, nasa puso niya, gusto niya kayong makausap, kahit isa man lang sa inyo.
“Gusto ko lang magmahalan tayo,” hiling ng Superstar.
May paglilinaw din noon si Nora sa ugnayan niya kay John.
Patuloy ni Nora: “Kung ano yung relasyon ni John… wala naman kaming relasyon, di ba? Yun lang ang… nagkaroon lang ng… gusto ko lang malaman ng lahat na ipinagtatanggol ko yung tao, hindi sa kung ano pa man diyan.
“Sana makita ko na magmahalan kayo. Kasi ako naman, matanda na ako, e.
“Magpasalamat tayo sa kanya na mula noon hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya.
“So, yun lang. Gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, unawain natin siya.
“Bigyan natin siya ng pagkakataon na maipakita naman niya yung talento na ibinigay ng Diyos sa kanya.
“Hindi niya maipakita, e. Kasi, mag-recording, lumabas, may nasasabi ang tao, e.
“Ganun katagal na hindi ako iniwan ni John. Wala kaming relasyon, kasi sasabihin ng mga tao na may relasyon, parang sinabi ko na siya ba yung pumapatol sa bata, di ba? Meron naman akong kunsensya.”
News
Bilyonaryo Dinala ang Kanyang Nobya sa Bahay, Hanggang sa Nakita Niya ang Kanyang Ex na Naglalakad sa Pedestrian na may Dalawang Kambal/th
Inaayos ni Alejandro Cruz ang kanyang kurbatang may awtomatikong galaw at bahagyang tumingin sa repleksyon ng kanyang Rolex sa madilim…
Anim na buwan pagkatapos ng diborsyo, bigla akong tinawagan ng aking dating asawa para imbitahan ako sa kanyang kasal. Miraragit ko siyang sinagot nang kalmado: —Kakapanganak ko lang. Hindi ako pupunta kahit saan./th
Anim na buwan pagkatapos ng diborsyo, bigla akong tinawagan ng aking dating asawa para imbitahan ako sa kanyang kasal. Miraragit…
Nang marinig ng aking manugang ang sinabi ng doktor na tatlong araw na lamang ang itinatagal ng buhay ko, hinawakan niya ang kamay ko na may pekeng luha at bumulong: “Sa wakas. Mapupunta na sa amin ang pera mo.” Ngumiti siya na parang nanalo na siya. Pagkaalis niya sa silid, agad kong isinagawa ang planong matagal ko nang inihahanda./th
Maingat na isinara ng doktor ang pinto at nagsalita nang mahina, para bang kayang pagaanin ng katahimikan ang hatol: ayon…
NATIGILAN ANG BILYONARYO NANG MAKITA ANG SUOT NA KWINTAS NG KATULONG/th
NATIGILAN ANG BILYONARYO NANG MAKITA ANG SUOT NA KWINTAS NG KATULONG NA NAGSESERBISYO SA KANYA — ANAK PALA NIYA ITO…
Nabuntis ako noong Grade 10 pa lang ako. Tiningnan ako ng aking mga magulang nang malamig at sinabing, “Ikaw ang nagdala ng kahihiyan sa pamilyang ito. Simula ngayon, hindi na kami ang anak namin.”/th
Nabuntis ako noong Grade 10 ako. Nang makita ko ang dalawang linya, natakot ako nang husto kaya nanginig ako at…
Natutulog pa rin ang manugang sa bahay ng kanyang asawa hanggang alas-onse ng umaga. Ang kanyang biyenan ay kumuha ng tungkod, handang parusahan siya—ngunit ang nakita niya sa kama ay nag-iwan sa kanya ng lubos na pagkabigla…/th
Pagkatapos ng kasal, pagod na pagod si Mrs. Reyes sa paglilinis ng bahay at kalaunan ay nakatulog. Samantala, matagal nang…
End of content
No more pages to load






