Chavit Singson hindi binili ang ari-arian na ibinenta ni Nora Aunor, anyare?!

BAGO pumanaw noong Miyerkules Santo, April 16, nakipag-usap pa ang Superstar na si Nora Aunor kay dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
May napakaganda at nakaaantig palang kuwento sa likod ng pagkakasakit at pagkakaospital ni Ate Guy bago siya sumakabilang-buhay.
Balitang humingi pala ng tulong ang namayapang National Artist for Film and Broadcast Arts sa beteranang aktres na si Daisy Romualdez.
Ito’y para makausap daw si Manong Chavit dahil may idudulog si Ate Guy na problema na may kinalaman sa kanyang pagkakasakit.
Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na” YouTube channel ay napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa naging pag-uusap nina Nora at Chavit.
Kinumpirma nga nila na tumawag si Nora kay Daisy Romualdez para magpatulong na makausap si Manong Chavit para maibenta raw ang mga property niya sa Iriga sa Bicol.
Agad naman daw tinawagan ni Daisy ang dating gobernador para ipaalam ang request ni Ate Guy na magkausap sila.
Pero ang chika, tinanggihan daw ni Manong Chavit na bilhin ang mga ari-arian ni Nora sa Iriga dahil hindi raw siya bumibili ngayon ng properties.
Kasunod nito, nang malaman ng negosyante at dating public servant na gagamitin sana ng Superstar ang mapagbibilhan ng properties sa kanyang heart surgery ay agad niyang tinulungan si Ate Guy.
Mismong si Chavit daw ang nagsabing sasagutin na lamang niya ang hospital bills ng namayapang Superstar.
Ayon kay Nanay Cristy, ayaw na sanang ipaalam ito ni Manong Chavit sa publiko pero para sa kanya dapat lang daw banggitin nila ito para malaman ng publiko ang ginawa niyang pagtulong noong nangangailangan si Nora.
Base naman sa mga nabasa naming comments ng netizens, totoong-totoo raw ang mga naging pahayag nina Nanay Cristy at hindi totoo na kaya lumapit si Ate Guy kay Chavit ay dahil walang-wala na ito.
By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.
May pera pa naman daw ang Superstar mula sa natatanggap niyang pensyon at iba pang benefits bilang National Artist, bukod pa sa kinikita niya mula sa ani ng mga lupain niya sa Iriga.
Naihatid na sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang labi ni Nora Aunor noong Martes, April 22 pagkatapos ng iginawad sa kanyang state necrological service sa Metropolitan Theater sa Maynila.
News
“Huwag ninyo siyang ilibing! Buhay pa ang anak ninyo!”/th
“Huwag ninyo siyang ilibing! Buhay pa ang anak ninyo!” — Isang batang walang tirahang Itim ang tumakbo patungo sa kabaong…
Bumagsak sa sahig ang milyonaryo habang sinusubok ang kanyang kasintahan… at isang katotohanang ibinunyag ng tagalinis ang tuluyang nagbago sa lahat/th
Hinampas ng malakas na ulan ang malalawak na bintana ng Beaumont Mansion sa hilagang bahagi ng New Orleans, Louisiana—isang lugar…
“Huwag po ninyo akong sipain… masakit na po,” iyak ng buntis na katulong. Pagkatapos nito, ginawa ng bilyonaryo ang isang bagay na ikinagulat ng lahat./th
ISANG PAGSUBOK SA PAGKATAO Minsan, ang tunay na pagsubok ng pagkatao ng isang tao ay hindi nangyayari sa harap ng…
Bumalik siyang milyonaryo matapos 12 taon upang hiyain ang dating asawa—ngunit nang makita niya ang kanyang mga anak at ang bahay na wasak, gumuho ang kanyang mundo/th
Nang ihinto ni Wesley Pratt ang inuupahang SUV sa Juniper Lane sa Redwood Springs, Colorado, pakiramdam niya ay parang pinipisil…
BABAE INILAMPASO SA PUTIK NG MATAPOBRENG INA NG NOBYO NIYA, PERO HALOS MAGMAKAAWA ANG INA NANG…/th
Sa isang liblib na bahagi ng Barangay Bunga sa Batangas, may isang bahay na yari sa lumang kahoy at pawid…
Pagkatapos ng pagkahulog sa hagdan, nagpanggap na walang malay ang amo—ang ginawa ng yaya pagkatapos ay nagpaiyak sa kanya/th
Noong gabing bumagsak si Víctor Almeida sa marmol na hagdan, naniniwala pa rin siyang kontrolado niya ang lahat. Ilang minuto…
End of content
No more pages to load






