
Sa isang maliit na baryo sa gilid ng kabundukan, nakatira si Danilo, isang binatang 22 taong gulang. Bata pa lamang siya ay sanay na siya sa hirap. Ang kanyang mga palad ay batak sa araro. Ang kanyang balat ay sunog sa araw. At ang kanyang mga matay tila laging pagod ngunit may nagnining na pag-asa. Anak siya ninaang Lino at Aling Sonya.
Parehong magsasakan halos buong buhay ay nagbuwis ng pawis para lamang may taguyod ang kanilang pamilya. Sa bawat araw na dumarating, lagi nilang iniisip kung saan kukunin ang susunod na pagkain. Ngunit kailan man ay hindi nagkulang sa kanila ang pagmamahal at malasakit sa isa’t isa. Madalas ay pinagtatawanan si Danilo ng mga kabataan sa baryo.
Pinakamapangapi sa lahat ay si Brandon, anak ng isang mayamang may-ari ng lupain. Kapag nakikita siya nitong nagbubuhat ng sako ng palay, lagi siya nitong tinutukso. Danilo, hanggang diyan ka na lang habang buhay kang magsasaka. Habang kami naman ay may pera’t nag-e-enjoy sa buhay. Ngunit imbes na magalit, pinipili na lamang ni Danilo na manahimik.
Merroon siyang tanging kaibigan na laging nagtatanggol sa kanya. Ito ay si Larry,” isang payat ngunit masiaheng binata. “Tol, huwag mo ng pansinin yun si Brandon.” sambit ni Larry. “Darating ang araw. Makakakita rin tayo ng magandang kapalaran.” Isang hapon, matapos mag-araro sa bukid, naupo si Danilo sa lilim ng isang puno.
Doon niya napansin ang isang matandang marungis, nakadamit ng kupas at punit-punit. Nakatitig ito sa mga taong dumaraan. Tila gutom na gutom at nanghihina. Ang iba ay umiwas na lamang. Ang iba’y tinitingnan ito na para bang wala lang. Lumapit si Danilo at maingat na nagtanong, “Tatay, kamusta po kayo? Kumain na po ba kayo?” Mahina ang tinig ng matanda.
Apo! Tatlong araw na akong walang maayos na kain.” Agad namang naglabas si Danilo ng baon niyang tinapay at nilagang kamote. Alam niyang iyon lamang ang hapunan nila ng kanyang pamilya. Ngunit hindi nagdalawang isip, iniabot niya iyon sa matanda. “Kumain po muna kayo tatay. Kaya ko naman pong magtiis. Mas importante po na malamanan ang inyong tiyan.
” Napaluha ang matanda habang ito ay kumakain. Ang hindi alam ni Danilo, ang matandang ito ay hindi ordinaryong pulubi. Siya ay si Don Artemio, isang dating kilalang negosyante na ngayon ay namumuhay ng mag-isa. Nakasuot ng maruming damit upang makita kung sino pa ang may pusong tumulong nang walang hinihing kapalit.
Habang si Danilo ay nakatingin sa langit at nananalangin ang simpleng pasasalamat, mahinang nagsalita si Don Artemio. Anak, ang kabutihan mo ay hindi ko malilimutan. Darating rin ang araw na pagpapalain ka. Ngunit sa oras na yon, wala pang ideya si Danilo sa kapalarang nakalaan para sa kanya. Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na si Danilo.
Nakayapak siyang naglakad papunta sa bukid. Dala ang lumang bayong napuno ng butil ng palay. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng responsibilidad. Hindi lamang para sa kanyang mga magulang, kung hindi pati na rin sa kinabukasan nilang pamilya. Habang abala siya sa pagbubungkal ng lupa, biglang sumilip sa hindi kalayuan ng matandang nakita niya kahapon.
Nakaupo ito sa lilim ng isang punong mangga. Nakayuko at tila mas nanghihina pa kesa sa daddy. “Teka, si tatay yun ah.” bulong ni Danilo. Naiwan sa isip niya ang mga salitang binitawan ng matanda kagabi. Tatlong araw itong walang maayos na kain. Hindi na nakatiis si Danilo at agad siyang lumapit. “Magandang umaga po, tatay.” Bati niya.
Pawisan man at pagod pero hindi siya nagdalawang isip na lumapit. Tumingala ang matanda. May bayid ng luha sa mata. Ikaw pala yan iho. Maraming salamat sa ibinigay mong pagkain kahapon ha. Kung hindi dahil doon eh baka hindi ko na kinaya kagabi. Nahabag si Danilo. Dali-dali niyang inilabas ang kanyang baon. Isang pirasong tuyo at pati na rin kaning lamig na nakabalot sa dahon ng saging.
Kahit gutom na rin siya, walang alin lang ang iniabot niya ‘yon sa matanda. Tay, o po muna. Huwag na kayong mag-alala sa akin. Sanay na po ako sa kutom pero kayo po, mahina po kayo. Kailangan niyo po ng lakas. Natahimik ang matanda sandali. Ang hindi alam ni Danilo, lihim siyang pinagmamasda ni Don Artemio. Sa bawat galaw ng binata, dama niya ang katapatan at busilak nitong puso.
Bigla namang dumating si Brandon. Nakasakay sa bisikleta kasama ang dalawang barkada. Nakita nilang pinapakain ni Danilo ang maruming matanda. Agad silang nagtawanan. “Hala tignan niyo si Danilo oh.” sigaw ni Brandon. Akala mo naman mayaman nagpapakain pa ng pulube. Ikaw nga ay mahirap sa buhay. Nakaramdam ng init ng dugo si Larry na noon ay kakarating pa lamang.
Hoy Brandon, tama nga yan. Kung wala kang magandang sasabihin, umalis na lang kayo. Ngunit lalo lamang lumakas ang tawanan ng mga kasama ni Brandon. Danilo, baka pulubi na rin ang maging pamilya mo niyan ha. Sino ba namang matinong tao ang magkakagusto sayo? Pinilit na lamang ni Danilo ng manatiling kalmado.
Tumikim siya at marahang nagsalita. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo. Kung may nangangailangan at kaya ko namang tumulong, bakit hindi ko gagawin? Napatahimik si Brandon sa sagot na yon. Ngunit bago siya umalis, binitiwan pa niya ang mga salitang tila si Bat. “Makikita natin kung saan ka dadalhin ng kabaitan mo, Danilo.
Baka sa huli ikaw rin ang magsisi. Diyan ka na nga.” Hinayaan na lamang ni Danilo ang sinabi ni Brandon. Binalikan niya ang matanda at maingat na iniabot ang tubig mula sa kanyang lumang bote. “Tay, uminom po muna kayo. Mainit po ang araw.” Nanginginig ang kamay ng matanda habang tinatanggap ang tubig. Lumunok ito ng marahan at pagkatapos ay nagsalita ng may tinig na halos pabulong.
Iho, sa isang baso ng tubig at pirasong pagkain, binigyan mo ako ng higit pa sa ginto. Sana’y dumating ang araw na maibalik ko sayo ang kabutihan mo.” Napangiti lang si Danilo. Walang ideya sa bigat ng mga salitang iyon. Sa isip niya, simpleng pagtulong lamang ang ginawa niya. Ngunit sa mata ng matanda, yon ay ikit pa sa lahat ng kayamanan.
Habang naglalakad paalis, muling nagtanong si Danilo sa sarili. Bakit kaya narito ang matandang ito? Wala ba siyang pamilya? Wala bang nagmamalasakit sa kanya? Ang hindi niya alam ay malapit na siyang humarap sa isang kapalarang hindi niya inaasahan. Isang kapalarang makapagpapabago ng kanyang buhay magpakailan man.
Makalipas ang ilang araw, naging parang nakasanayan na ni Danilo na makita ang matanda sa may gilid ng bukirin. Tuwing tanghali o hapon, tumaraan siya upang abutan ito ng kung ano mangon siya. Minsan nilagang kamote. Minsan ay kaning baha minsan naman ay simpleng tubig lamang. “Pasensya na po kayo tatay ah.
” wika ni Danilo minsan habang iniaabot ang kamoteng nilaga. Ito lang po muna ang meron ako. Wala na po kasi kaming ibang pagkain eh. Ngunit sa ginagawa niya’y nagugulat ang matanda. Hindi ito makapaniwala sa kabutihang ipinapakita ni Danilo. Naku, kahit simpleng pagkain lamang yon eh napakalaking tulong na sa akin non.
Kaya buong puso ko ang tinatanggap at nilalasap na para bang isang handa sa piyesta. Iho, sabi nito. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ang ginagawa mo. Sa tuwing pinagmamasda ni Danilo ang matanda, hindi niya maiwasang isipin kung bakit ito napadpad sa ganoong kalagayan. Maputi na ang buhok nito, kulubot ang balat at marumi ang kasuotan.
Ngunit sa kabila ng lahat may kakaibang ning sa mga mata nito. Parang merroong itinatagong kwento na hindi basta-bastang mababaka sa panlabas na anyo. Isang gabi habang nakaupo sila nina Mang Lino at Aling Sonya sa hapag, nabanggit ni Danilo ang patungkol sa matanda. Nay, tay panimula niya. May matandang mukhang pulubi sa bukid.
Halos araw-araw ko po siyang nakikita doon. Tila wala siyang pamilya. Kaya binibigyan ko po siya ng kaunting pagkain kapag meron ako. Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Anak, wika ni Aling Sonya. Mabuti ang ginagawa mo. Huwag mong isiping sayang ang ibinibigay mo ha. Ang pagpapala ay laging bumabalik. Tumango naman si Mang Lino sabay tapik sa balikat ng anaka.
Tandaan mo Danilo, ang kabutihan ay hindi mawawalan ng saysay. Kahit walang nakakakita eh may Diyos naman na nakakaalam. Nang gabing iyon hindi mapakalis si Danilo. Habang nakahiga sa banig, nag-iisip siya. Paano kung totooang wala ng nagmamal saakit sa matanda? Paano kung ako na lamang ang natitirang handang tumulong sa kanya? Kawawa naman siya.
Kinabukasan, muli niyang nakita ang matanda. Napayuko ito. Hawak-hawak ang kanyang tiyan tila giniginaw kahit tirik ang araw. Agad siyang lumapit. “Tatay, ayos lang po ba kayo? Ang payit niyo na po ah.” napatingin ang matanda at ngumiti ng mapait. Ikaw pala iho. Maraming salamat sa lahat-lahat ng tinutulong mo sa akin ha. Ngunit ayokong maging pabigat.
Sabihin mo lang at ako’y aalis na. Umiling si Danilo. Mariin. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po kayo pabigat. Kung may makakaya po akong ibigay ay gagawin ko po. Doon. Hindi napigilan ng matanda ang pagpatak ng kanyang luha at sa kanyang isipan ay nagpasya siya. Ang ganitong puso ang matagal ko ng hinahanap.
Ngunit bago pa man makapagsalita ang matanda, dumating muli si Brandon. Ababa, Danilo, nakita ka na naman namin na nakadikit sa pulubbi na yan. Sabi nito sabay tawa. Siguro yan ang magiging benan mo balang araw no. Nagtawanan ang mga kasama niya. Ngunit sa pagkakataong iyon tumayo si Danilo ng tuwid.
Hindi na napigilan ang kanyang sarili. Brandon! Mariin niyang sagot. Mas gugustuhin ka ng tumulong sa isang taong nangangailangan. Kaya maging mayaman nga na wala namang malasakit sa kapwa. Tumigil ang tawanan at panandaliang napatahimik sina Brandon. May bumuo sa kanyang isipan. Isang inggit na unti-unting nagbabaga. Habang papalayo na sina Brandon, marahang lumapit ang matanda kay Danilo at bumulong, “Iho! Darating ang araw eh matutuklasan mo kung bakit tayo nagtagpo.
Sa oras na ‘yon sana’y madatili kang ganoon pa rin.” Usilak ang puso at tapat.” Hindi nauunawaan ni Danilo ang ibig sabihin nito pero ramdam niya na may mas malalim pang dahilan ang pagkikita nilang dalawa. Dumating ang isang linggong puno ng unos hindi na lang sa panahon kung hindi pati na rin sa buhay ni Danilo.
Mula umaga hanggang gabi, halos walang tigil ang malakas na ulan. Binaha ang ilang bahagi ng bukirin at natabunan ng putik ang mga tanim. Ang ilan sa kanilang palay ay inaanod ng agos habang pinagmamasdan iyon ni Danilo. Halos mapaiyak siya. Paano na kami nito? Paano na ang susunod na anihan? Kinagabihan, nagsiksikan sila nila Mang Lino at Aling Sonya sa maliit nilang kubo. Malakas ang hanginuhan.
Tumutulo ang tubig sa bubong at wala silang makain kung hindi kanin na may kaunting asin. Pero kahit ganoon, pinilit nilang maging matatag. “Anak!” wika ni Aling Sonya. “Manalangin ka ha. Ang bagyo ay lilipas din.” Tumango si Danilo, ngunit hindi niya maalis ang pag-aalala sa matanda. Nasan na kaya siya? May matutuluyan ba siya ngayong gabi? Kinabukasan, maagang bumangon si Danilo at agad na hinanap ang matanda.
Sa kanyang pangamba, nakita niya itong nakasandal sa ilalim ng isang lumang kubo sa tabi ng bukirin. Basang-basa ito. Nanginginig at tila wala ng lakas. “Tatay!” sigaw ni Danilo habang mabilis na lumapit. Bakit po nandito lang kayo? Halika po, sumama kayo sa amin. Tinulungan niya itong tumayo at tinala sa kanilang kubo.
Doon ay agad na pinainom ng mainit na salabat ni Aling Sonya at pinunasan ng tuyong tela. “Ay, kawawa naman kayo tatay.” Al ni Aling Sonya. “Dito na lang muna kayo ha. Habang hindi pa maayos ang panahon.” Sa unang pagkakataon, nakaramdam ang matanda ng init ng isang pamilya. Tahimik lang siyang nakatingin kay Danilo, kay Mang Lino at kay Aling Sonya.
Pero sa kanyang puso, unti-unti ng nabobuo ang matibay na desisyon hanggang din palaan ng pusong tunay na busilak. Subalit hindi lahat ay natuwa. Nang mabalitaan ni Brandon na sa bahay nina Danilo nakatira ang maruming matanda. Lalong uminit ang ulo nito. Ang kapal talaga ng mukha ng Danilo na yon. bulalas ni Brandon sa kanyang mga barkada.
Una, ginagawang palabas ang pagtulong sa pulubi. Ngayon naman, pati bahay nila pinatira na ang matanda. Aba, hindi ako papayag na siya ang mas kilalanin dito sa baro no. Masyado siyang pasikat. Dahil dito, nagplano si Brandon ng isang bagay na makakasira kay Danilo. Isang hapon, habang abala si Danilo sa bukid, bigla niyang napansin na may nagkalat na mga chism sa baryo.
Si Danilo raw ginagamit lang ang pulube para sa awa ng tao. Naku, masyadong pasikat ‘yun. Sinasabi naman ng iba na baka may masamang binabalak ‘yung matanda kung anu-ano ng kwento ang nagagawa nila. binibigyan nila ng ibang kahulugan ang pagmamalasakit ni Danilo. Halos hindi makapaniwala si Danilo dahil bakit bigla na lamang nagbago ang tingin ng mga tao.
Maging ilang mga kapitbahay nila ay nagsimula ng umiwas sa kanya at pati na rin sa kanyang pamilya. Uuwi na sana siya ngunit biglang lumapit si Larry. Hinihingal ito tol. Si Brandon nakita kong siya ang nagpapakalat ng mga maling kismis. Gusto ka niyang sirain sa mga tao para siya na naman ang maging bida. Akala siguro n eh nakikipagkompetensya ka sa kanya.
Ang yabang talaga ng taong yon. Ala mo kung sino. Napahinto si Danilo. Hindi makapaniwala. Ngunit bago pa siya makapagsalita, dumating si Don Artemio na kayuko ngunit malinaw ang tinig. Iho, huwag kang mag-alala ha. Ang katotohanan laging lumilitaw. Ang mabuting puso hindi matatalo ng kasinunghalingan. Napatingin si Danilo sa matanda at sa loob-loob niya’y may naalalang sinabi nito daddy.
Darating ang araw. Matutuklasan mo kung bakit tayo nagtagpo. Ngayon lalo niyang naramdaman na may mas malalim pang dahilan sa kanilang pagkikitang dalawa. Lumipas ang ilang araw matapos ang bagyo. Unti-unti ng bumabalik sa normal ang baryo. Ngunit hindi pa rin maaalis ang mga kismis na kumakalat patungkol kay Danilo at sa matandang kanyang tinutulungan.
Minsang naglalakad si Danilo sa palengke. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Ang iba’y nakasimangot, ang iba naman nagbubulung-bulungan. Ayung binatang nagpatira ng pulobi sa kanilang bahay, hindi ba? Baka ginagamit lang sila non. pulong ng isang ale. “Naku, baka nagbabait-baitan lang ‘yan at gusto may kapalit na makuha sa naman ng isang lalaki.
” Nahihirapan si Danilo ngunit pinili niyang manahimig. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang ginagawang masama. Ang kanyang tanging hangarin lamang ay walang iba kung hindi ang makatulong. Habang naglalakad, biglang lumapit si Larry. Tol, huwag mong dadamdamin ang sinasabi ng mga tao ha. Kilala kita.
Kung ano ang nasa puso mo, yun ang mahalaga. Ngumiti si Danilo. Bagamat bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Salamat, Larry. Minsan pakiramdam ko ang hirap maging mabuti sa mundong ito. Ikaw na nga ang tumutulong, ikaw pa ang nahuhusgahan. Pero kung titigil ako, para na rin akong sumuko sa tama. At saka kawawa naman yung matanda.
Sa hindi kalayuan, tahimik na nakikinig si Don Artemio. Nakadamit pa rin siya ng kupas at madungis. Ngunit sa kanyang mga matay, may lalim na hindi matutumbasan ang salita. Kinagabihan habang magkasamang nag-aayos ng mga gamit sa kubo, lumapit ang matanda kay Danilo. Iho, anak. Naayos ko lang magpasalamat. Kung hindi dahil sa inyo ng pamilya mo, baka wala na ako ngayon.
Ngumiti si Danilo. Wala po yun, tay. Kung ano man po ang meron kami, handa naming ibahagi po yon. Napuntong hininga si Don Artemio. Naku iho, may mga bagay na hindi ko pa naikukwento sao ngayon. Pero tandaan mo, ang bawat kabutiang ginagawa mo ay hindi mawawalan ng halaga at hindi mawawalan ng saysay.
Darating ang araw magbubounga yon ng higit pa sa inaakala mo. Bago pa makapagtanong si Danilo, biglang dumating si Brandon kasama ang ilang kabataang lasing. “Ah, o pala yung paboritong kasama ng pulube.” Sabi ni Brandon. “Hoy Danilo, baka naman pati ang bahay niyo ipamana mo na rin sa kanya.” Nagulat ang mga tao sa baryo at nagsimulang mag-ipon sa paligid.
Sa harap ng lahat, tinulak ni Brandon si Danilo. Wala kang kwenta. Puro kahirapan lang ang dala mo. At yan pulubin na iniingatan mo pa. Sigurado ako wala kayong kinabukasang dalawa. Napatigil ang lahat ng biglang magsalita si Don Artemio. Bagaman mahina ang tinig, dama ang bigat sa bawat salita. Sandali lang io.
Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Huwag mong maliitin ang isang taong may mabuting puso sapagkat darating ang panahon ang inaapi ang siyang magtatagumpay. Natawa si Brandon sa sinabi ng matanda. At ikaw naman tanda, ano bang meron ka? Eh wala ka namang silbi. Pulubi ka lang no. Ngunit sa mga sandaling iyon, may kakaibang ning sa mga mata ni Don Artemio.
Parang liwanag na matagal ng itinatago. Napansin na iyon ni Danilo ngunit hindi pa niya mawari kung ano ang ibig sabihin. Habang humuho pa ang ingay ng mga tao, tumalikot si Danilo at inalalayan ng matanda pauwi. Sa kanyang isipan, paulit-ulit ang mga salitang binitawan nito. Darating ang araw, magbubunga yon ang higit pa sa inaakala mo. Sa gabing iyon, nagsimulang magtanong si Danilo sa sarili.
Sino ba talaga si tatay Artemio at bakit parang may malalim na sikreto sa kanyang mga salita? Mula ng mangyari ang eskandalo sa baryo, mas naging mapanuri si Danilo kay Don Artemio. Bagaman patuloy pa rin niya itong tinutulungan, napapansin niyang may mga kakaibang bagay patungkol sa matanda. Isang umaga habang natutulangan silang mag-ayos ng kubo, napansin ni Danilo ang mga kamay ni Don Artemio.
Bagamat’t marumi at kulubot, halata ang mga bakas ng dating magagarang alahas. May marka sa daliri na tila ay laging may suot na singsing. Hindi ordinaryo kung hindi parang mamahalin. Tay, parang hindi po kayo sanay sa mabibigat na gawain. Ano po ba ang trabaho niyo dati? Hindi po ba kayo dati nagbubukid? Ngumiti lamang si Don Artemio at umiling.
Hindi anak. Iba ang pinapasukan ko noon pero hindi lahat ng kayamanan ay nagdadala ng kapayapaan. Napaisip si Danilo sa sagot na yon. May lalim, may bigat pero hindi niya lubos na nauunawaan. Kinahapunan, dumating si Larry dala ang balitang ikinagulat ni Danilo. “Tol, may mga taga lungsod na nagtatanong-tanong dito.
Hinahanap daw ang isang matandang lalaki. Sabi nila posibleng may kayamanan itong iniwan at hindi alam kung nasaan.” Nanlaki ang mga mata ni Danilo. Tagalungsod, matandang lalaki. Napatingin siya kay Don Artemio na noon ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. [Musika] Sa unang pagkakataon, nakita ni Danilo ang pag-aalala sa mukha ng matanda.
Ngunit agad rin itong napalitan ng mahinaong ngiti. “Iho!” mahinang wika ni Don Artemio. “Huwag mong alalahanin yun ha. Ang mahalaga ay magpatuloy kang gumawa ng tama.” Ngunit lalong tumibay ang hinala ni Danilo. Sino ba talaga si tatay Artemio? Makalipas ang ilang araw, muling nagpunta sa baryo ang mga taga lungsod.
May dalang sasakyang mamahalin at mga taong nakaitim na Amerikana. Nagtanong-tanong sila sa mga residente at mabilis na kumalat ang usap-usapan. May nawawala raw mayamang negosyante. Bulong ng isang mama. Sabi naglakbay daw ng mag-isa. Nag-eksperimento kung paanong makikitungo ang tao sa kanya. Naku, hindi kaya siya yung pulube na naroon sa bahay nina Danilo? Sambit ng isa sabay tawa.
Narinig iyon ni Brandon at agad niyang ginamit para lalong kutyain si Danilo. Oh ayan na. Danilo, siguro akala mo magiging milyonaryo ka kapag inalagaan mo ‘yung matandang yan. Ha? Eh pulubi lang naman yan. Ngunit sa loob-loob ni Brandon, unti-unti na ring sumisiksik ang takot. Paano kung totoo nga ang kismis? Paano kung may kayamanan ang matanda at mapunta iyon kay Danilo? Kinagabihan, hindi mapakalis si Danilo.
Nakaupo siya sa labas ng kanilang kubo. Nakatingala sa mga bituin. Dumating si Don Artemio at marahang naupo sa tabi niya. “Iho anak!” sabi ng matanda. May mga bagay na hindi ko pa nasasabi ngunit malapit na ang panahon na malalaman mo na ang lahat. Sa likod ng aking maruming damit, may kwento akong itinatago.
At kapag dumating ang tamang oras, magbabago ang lahat. Napatingin si Danilo sa kanya. Naguguluhan ngunit puno ng pag-asa. Hindi pa niya alam nasa pintuan na siya ng kapalarang matagal na niyang inaasam-asam. Isang umaga, muling dumating sa baryo ang sasakyang mamahalin. Dalawang itim na SUV. Sinabayan pa ng mga taong nakabarong at nakaitim na Amerikana.
Lahat ng tao ay nagtataka at nag-ipon-ipon sa kalsada. “Naku, mga taga lungsod na naman yan.” bulong ng isang ale. “Ang gaganda ng sasakyan. Parang pangjor, dagdag naman ng isa. Lumapit ang isang lalaki na may dalang larawan. Malinaw ang boses habang nagtatanong sa mga tao. Meron ba kayong nakitang matandang lalaki? Maputi ang buhok, marungis ang suot.
Pero siya ay si Don Artemio Vergara. Ang pinakamayamang negosyante sa lungsod. Nawala siya isang linggo ngang nakakalipas. Nlaki ang mga mata ng mga tao. Don Artemio, naku siya ata yung pulubin na nasa bahay nina Danilo. Sigaw ng isang kapitbahay. Nagkagulo ang lahat mabilis na kumalat ang balita. “Naku, hindi totoo yan.” sigaw ni Brandon. Halos hindi makapaniwala.
Imposibleng siya yun. Pulubi lang yun. Basura ang amoy, madungis. Kaya naman paano magiging bilyonaryo yon. Ngunit bago pa sila makapag-usap, lumabas na mula sa kubo nina Danilo ang matanda. Nakasuot pa rin siya ng kupas na damit. Ngunit sa presensya pa lamang niya ay biglang natahimik ang lahat. Oo, ako nga. May naong sagot ng matanda.
Ako si Don Artemio Vergara. Nanginig ang tinig ng mga tao at unti-unting bumalot ang katahimikan sa baryo. Ang dating minamaliit at tinitingnang pulubi ay siya palang isa sa pinakamakapangyarihang tao doon sa kanilang lungsod. Pero bakit po? Tanong ng isang residente. Pumuntong hininga si Don Artemio. Pinili kong iwan ang aking kayamanan at suotin ang maring damit upang makita kung sino pa ang may pusong tumutulong kahit walang hinihintay na kapalit.
Sa mga lungsod, marami ang lumalapit dahil sa aking pera. Pero dito, nakita ko kung sino ang tunay na may malasakit. Napatingin siya kay Danilo. Ikaw iho. Ikaw yon. Ikaw ang pumili na magbahagi ng pagkain. Kahit iyun na lamang ang natitira para sa’yo. Ikaw ang nagpakita na higit pa sa ginto ang kabutihan ng puso.
Hindi nakapagsalita si Danilo. Para bang nanigas ang kanyang katawan sa gulat. Ah ako po bulong niya. Tumango si Don Artemio sabay lingon sa mga taong kasama niya. Agad silang naglabas ng mga papeles at pati na rin mapa ng lupain. Wala sa araw na ito iho. Ibinibigay ko na sao ang ilang ektaryang ang lupain ko doon sa kabilang bayan.
Ang lupaing iyon ay sayo na at pati na rin sa pamilya mo. Ipagkakaloob ko rin sayo ang aking gantim pala. Palaguhin mo iho at gamitin mo sa tama. Inabutan siya ni Don Artemio ng napakalaking halaga kasama na ang mga titulo ng ilang ektaryang lupain. Isang gantimpala ito para sa iyong kabutihan at sa pagigi mong tapat.
Nagulat ang lahat may mga napasingap, may mga napaluha. Samantala, halos hindi makapaniwala si Brandon. Hindi, hindi maaari to. Sigaw niya. Dapat ako ‘yun. Mas karapat dapat ako. Ngunit mahigpit ang tinig ni Don Artemio. Io, hindi kayamanan ang batayan ng pagkatao. Ang tunay na yaman ay nasa puso at yan ang wala sayo.
Lumapit siyang muli kay Danilo at maraang hinawakan ang kanyang balikat. Anak, lagi mong tatandaan ha. Hindi lahat ng marumi ang damit ay marumi rin ang puso. Sa likod ng aking maduming kasuotan, naroon ng yaman at sa likod ng iyong kahirapan ay naroon ng ginto ng kabutihan. Yun ang tunay na kayamanan iho na hindi mananakaw ng kahit sino man.
Tuluyan na ngang nag-iba ang tinig ng buong baryo patungkol kay Danilo. Mula sa pagiging simpleng magsasaka. Ngayon ay kinikilala na siya bilang may-ari ng lupaing higit pa sa inaasaha niya. At sa sandaling iyon, nagsimula ng magbago ang kanyang kapalaran. Lumipas ang ilang araw mula ng nabunyag ang tunay na pagkatao ni Don Artemio.
Nag-iba ang takbo ng buhay nina Danilo. Ang dating kubo na halos bumibigay na sa kalumaan ay napalitan ng maayos at napakalaking bahay. Itinayo ito sa lupang ibinigay sa kanila ni Don Artemio. Ngunit higit pa sa materyal na biyaya ang pinakaamdaman ni Danilo ay ang paggalang at pagkilala mula sa mga tao. Si Mang Lino at Aling Sonya na dati laging nag-aalala kung paanong itatawid ang bawat araw ay ngayon lumuluwag na ang dibdib.
Hindi na nila kailangang pang mangutang o magbenta ng ani para lamang may makain. Salamat sa’yo anak ha. Sabi ni Aling Sonya. habang pinagmamasdan ang kanilang bagong tahanan. Kung hindi dahil sa kabutihan ng puso mo anak, hindi natin mararanasan to. Hindi rin makapaniwala si Mang Lino. Anak, proud na proud ako say’yo. Tinulungan mo ang taong walang-wala at hindi mo akalain na ang gantimala pala ay higit pa sa inaasahan natin.
Samantala, si Larry, ang matalik na kaibigan ni Danilo, ay laging nakangiti tuwing nakikita ang kanyang kaibigan. Sabi ko na eh biro niya. Basta’t mabuti ang puso. Balang araw talaga gagantihan ko rin ng langit. Hindi paron nagtatapos ang lahat. Si Brando na laging nangaapi noon ay halos hindi makatingin kay Danilo.
Minsan ay sinubukan niyang lapitan ito, dala ng kahian at inggit. “Danilo,” mahina niyang sabi. Nakatungo ang ulo. Pasensya na sa lahat ng ginawa ko sayo noon ha. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Napakabuti talaga ng puso mo. Tinitigan siya ni Danilo at salip na galit. Isang payapang it isagot niya.
Brandon, hindi ko ginawang tumulong para gantihan ng yaman. Ginawa ko yon kasi yun ang tama. Sana matutunan mo rin na hindi lahat ng bagay ay nakikita sa panlabas. Ang tunay na yaman ay nasa puso. Napayuko si Brandon at doon niya naramdaman ang bigat ng kanyang mga pagkakamali. Samantala, si Don Artemio ay hindi na umalis agad sa baryo.
Madalas pa rin siyang dumadalaw kina Danilo. Hindi bilang isang mayamang don, kung hindi bilang isang matandang nakatagpo ng bagong pamilya. Sa bawat pag-uusap nila laging inuulit ng Don. Danilo, hindi ko lang ibinigay sao ang lupa, ibinigay ko rin sao ang aking tiwala. Ingatan mo ito ha. At higit sa lahat, manatili kang mapagpakumbaba.
Lumipas ang mga buwan at sa lupang natanggap nila, nagsimula si Danilo ng sariling sakahan. Hindi lamang para sa kanila kung hindi para matulungan rin ang ibang magsasaka. Tinuruan niya ang mga kabataan sa baryo kung papaanong magtanim at mag-alaga ng lupa. Lumipas ang mga taon. Nanatiling huwaran si Danilo hindi lamang sa kanilang baryo, kung hindi pati na rin sa mga karatigar.
Sa huling taon ni Don Artemio, siya’y namahinga sa piling ng pamilya ni Danilo. Hindi na siya bumalik sa marangyang mansyon. Pagkos ay pinili niyang manatili sa baryo. Simple, ngunit puno ng tunay na pagmamahal at respeto. Doon niya naranasan ng buhay na hindi kayang bilhin ng pera ang pagiging bahagi ng isang pamilyang totoo.
At nang siya ay pumanaw, iniwan niya kay Danilo hindi lamang ang lahat ng kanyang ari-arian, kung hindi pati na rin ang pangalan na tiwala. Ngunit higit pa roon, iniwan niya ang ala-ala ng isang matandang minsang tinawag na pulubi na naging instrumento upang matuklasan ng lahat ang kahulugan ng tunay na kayamanan.
Naging katuwang ni Danilo ang kanyang kaibigan na si Larry. Samantala, si Brando naman na dating mapanghamak at mapagmataas ay tuluyan na ngang nagbago. Nakita niya kung paanong bumangon si Danilo. Hindi dahil sa galit o paghihiganti kung hindi dahil sa kabutihang loob. Unti-unting natutunan niyang magpakumbaba at kalaunan ay naging katuwang rin ni Danilo sa pagpapatakbo ng mga sakahan.
Dito na po nagtatapos ang ating maigsing kwento sa araw na ito. Sana po ay nagustuhan niyo at kinapulutan niyo ng maraming aral. Kayo mga kabarangay, ano ang masasabi niyo sa ating kwento? I-comment niyo naman sa baba ang inyong mga reaksyon at babasahin natin ang lahat ng yan. I-comment niyo na rin kung taga saan kayo para naman malaman ko kung hanggang saan nakaabot ang video na ito.
Paki-like and share na rin ang ating kwento para mapakinggan rin ang iba. At kung bago ka pa lamang sa ating channel, baka naman pwedeng paki-hit ang subscribe button at bell notification button para palagi kang updated sa mga bago nating upload na katulad nito. So paano mga kabarangay? Hanggang sa muli.
News
TH-Nagbenta ng Lupa ang Biyenan sa Halagang 4 Bilyong VND, Binahaginan ang Anak na Lalaki ng 2 Bilyon at Anak na Babae ng 1.9 Bilyon. Hindi Inasahan, Sinigawan Siya ng Manugang na Babae: “Kapag Hindi Mo Ibinigay ang Buong 4 Bilyon, sa Kulungan ng Baboy Ka Tumira!”
Nakuhanan ng Camera ang Emosyonal na Sandali ng Hayop na Nagligtas sa Kanyang Amo Ang hangin sa loob ng marangyang…
TH-UPDATE 29-Taong-Gulang na Pinay sa Amerika, Nasawi sa Brutal na Krimen — Nasilo sa Pangakong Pera, Nauwi sa Trahedya
Isang masayang pangarap ang nagtulak sa kanya palabas ng bansa—ngunit isang bangungot ang sumalubong sa dulo ng landas. Ito ang…
TH-Napatay ang Aking Asawa, Hatinggabi Nang Marinig Ko ang Walang Tigil na Katok sa Pinto, ‘Labis Akong Nagulantang’ Nang May Isang Lalaking…
Ang maluwang na silid-tulugan ay napakalamig kaya’t dinig ko ang bawat ihip ng hangin na dumadaan sa siwang ng bintana….
TH- Sa Sahod na 50 Milyon, Walang Maibigay sa Asawa; Nang Magkasakit ang Anak, Sabi Niya: “Ikaw ang Nagluwal, Ikaw ang Mag-alaga”
Walang “Hourglass Figure,” Pero Ang Mga Plus-Size Models ay Nakakaakit Pa Rin Alas-onse na ng gabi. Nanginginig ako sa malamig…
TH-Nang kumatok ang kapitbahay ko sa pinto ko bandang alas-5 ng umaga at dali-daling sinabing, “Huwag kang pumasok sa trabaho ngayon. Magtiwala ka lang sa akin,” nalito ako at medyo natakot. Bakit niya ako bibigyan ng ganoong babala? Pagdating ng tanghali, lumabas ang nakagugulat na katotohanan sa likod ng kanyang mga salita, at binago nito ang lahat.
Nang kumatok ang kapitbahay ko sa pinto ko bandang alas-5 ng umaga at dali-daling sinabing, “Huwag kang pumasok sa trabaho…
TH-Ang aking asawa ay ang bunso. Mayroon siyang isang nakatatandang kapatid na babae – si Ate Hanh – na nag-asawa sa malayo. Sa loob ng mahigit sampung taon, tuwing Tet lang siya umuuwi.
Ako ay dalawampu’t anim na taong gulang nang maging manugang sa bahay ng aking asawa. Ang bahay ay nasa probinsya,…
End of content
No more pages to load






