Kasong ‘parricide’ iniatras ng pulis vs yumaong misis
BINAWI na ng padre de familia ng mag-iinang nasawi sa sunog sa Sta. Maria, Bulacan, ang kasong Parricide laban sa ina ng kanyang mga anak makaraang bawian ng buhay sa isang ospital sa Quezon City nitong 17 Mayo.
Sinabi ng mga awtoridad nag-execute ng “Affidavit of Desistance” ang padre de familia, kinilalang si Kim Aspero, isang pulis na sinabing nakatalaga sa Batangas.
Si Aspero ang tatay ng tatlong batang lalaki na sinabing sinunog ng sariling ina sa Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang Huwebes, 15 Mayo.
Sa naantalang ulat mula sa Santa Maria Municipal Police Station, kinilala ang mga biktima na sina Joycie Aspero y Rodrigo, 31 anyos, ina; mga anak na sina Kairo Aspero, 1 anyos; Kyle Andres Aspero, 3 anyos; at Kimuel Zeian Aspero, 6 anyos, pawang naninirahan sa B24 L26 Joshua St., San Vicente Homes, San Vicente, Santa Maria.
Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktimang si Joycie at mister niya na humantong sa usaping pambarangay.
Ayon kay Brgy. Captain Tootsie Lorenzo, nagreklamo sa kanilang tanggapan ang nasawing ginang at naghain ng reklamo laban sa kanyang mister kaya nagtakda sila ng araw para i-settle ang problema ng mag-asawa.
Pero bago naganap ang takdang araw ng paghaharap ay naganap na nga ang sunog na ikinasawi ng mag-iina habang ang ama ng tahanan ay nasa Batangas at nagtatrabaho.
Sa ulat mula sa Santa Maria MPS, sa kanilang imbestigasyon, nabatid na sinadyang sinunog ng ina ang kanyang sarili pati ang tatlong anak at lumilitaw na ito ay dahil sa depresyon.
Ang mga batang biktima ay naisugod pa sa pagamutan ng mga rescuers pero nalagutan na rin ng mga hininga samantala ang inang si Joycie na isinugod sa East Avenue Medical Center, ay nagawa pang sampahan ng kasong “Parricide” sa Office of the Provincial Prosecutor, City of Malolos, Bulacan ng asawang si Kim.
Kinalaunan ay namatay rin si Joycie at ang nagreklamong si Kim Aspero ay nag-execute ng “Affidavit of Desistance” na sinumpaan sa harap ng duty prosecutor.
Viral sa social media ang nasabing malagim na insidente, habang marami ang nagsasabing si Joycie ay dumaranas ng depresyon dulot ng postpartum syndrome.
Sinisi ng ibang netizens ang kawalan ng suporta ng asawang lalaki sa kanyang misis ganoon din umano ang in-laws na inireklamong pinagmumulan ng hindi pagkakasundo ng mag-asawa.
Humiling at nakiusap ang pamilya ng babae na tantanan na ang pagbibigay ng opinyon sa social media ng netizens dahil hindi umano nakatutulong sa dinaranas nilang pagdadalamhati.
News
PINALAKI KO ANG AKING ANAK-ANAKAN MULA NOONG 3 TAONG GULANG PA LAMANG SIYA. SA KANYANG KASAL, DINIS-INVITE NIYA AKO PARA IBIGAY ANG PWESTO KO SA KANYANG ‘BIOLOGICAL MOTHER’ NA NAG-ABANDONA SA KANYA. KINUHA KO ANG REGALO KO SA KANYA: ANG SUSI NG KANYANG BAHAY/th
Ang Presyo ng Dugo: Isang Aral ng Dignidad Sinasabi sa ating kultura na “ang dugo ay laging tumatawag.” Pinanghawakan ko…
Isang bilyonaryo ang umuwi at natagpuan ang kanyang itim na katulong na natutulog sa sahig kasama ang kanyang 1-taong-gulang na kambal na anak — at ang nakakagulat na katapusan…/th
Si Ethan Blackwood ay dating may kontrol. Sa edad na tatlumpu’t walo, siya ay isang bilyonaryong mamumuhunan na kilala sa…
Ang hardin ng hotel ay nagbago mula sa pagiging “mala-engkanto” tungo sa isang “crime scene” sa mabagal na paraan…/th
Ang mga puting rosas ay gumagapang sa arko na tila ba sinusubukang magtago. Ang mga kristal na baso ay nagtatagisan…
Dinala niya ang kanyang kalaguyo sa isang 5-star hotel — ngunit nabigla siya nang pumasok ang kanyang asawa bilang BAGONG may-ari./th
Kumikinang ang marmol na sahig ng Belmont Reforma Hotel sa ilalim ng mga kristal na chandelier habang iniabot ni Tomás Briones ang kanyang…
“Habang sinusubukan akong wasakin ng asawa ko at ipinagdiriwang iyon ng kanyang kerida, dumating ang aking ama. At iyon ay hindi isang pagsagip—iyon ang simula ng kanyang paghuhukom.”/th
Ako si Claire Whitman, at ang gabing tuluyang nagwakas ang aking kasal ay nagsimula sa mga sigawan at nagtapos sa isang…
Pagkatapos ng pagkahulog sa hagdan, nagpanggap na walang malay ang amo—ang ginawa ng yaya pagkatapos ay nagpaiyak sa kanya/th
Noong gabing bumagsak si Víctor Almeida sa marmol na hagdan, naniniwala pa rin siyang kontrolado niya ang lahat. Ilang minuto bago iyon,…
End of content
No more pages to load






