
Tahimik ang gabi sa Riyadh. Ang buong palasyo ay balot ng gintong ilaw at nag-aalab na chandeliera. Ngunit sa kabila ng marang kapaligiran, hindi mapakali ang hari ng Saudi. Si King Hassan Almotire. Matagal na siyang naghahari, iginagalang, kinatatakutan at tinitingala ng kanyang bayan. Subalit sa kabila ng kapangyarihan, may kulang pa rin sa kanyang puso.
Isang misteryo na bumabagabag sa kanya mula pagkabata. Sa kanyang murang edad, naalala niya ang isang lumang larawan. Larawan ng kanyang sarili na nakuhanan sa isang maliit na nayon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa tuwing maisip iyon tila may hinahanap siyang koneksyon. Isang tanong na hindi kayang sagutin ng kahit sinong tagapayo o ministro.
Isang araw, nakarating sa kanyang pandinig ang kwento tungkol sa isang Filipina maid na naglilingkod sa kanyang kaibigan, isang prinsipe. Tahimik lang daw ito, masipag at halos walang bakas ng reklamo sa buhay. Ngunit higit sa lahat, may kakaiba. Lagi nitong suot sa kanyang kwarto ang lumang rosaryo at mga larawan ng pamilyang matagal n iniwan.
Padala siya sa akin. Wika ng hari. Malamig ngunit may bigat ang tinig. Nagulat ang prinsipe. Mahal na hari. Isa lamang siyang simpleng katulong. Wala kang dapat itanong. Ipadala siya rito. Gusto ko siyang makilala. Kinabukasan, dinala ang babae sa palasyo. Siya si Maria Elena Cruz, isang probinsyana ng galing Pilipinas na napilitang magtrabaho sa gitnang silangan upang maiahon sa kahirapan ng kanyang pamilya.
Ang kanyang ina ay nagngangalang Elain samantalang ang kanyang ama naman ay nagngangalang Duran Cruz. Naiwan din ang kanyang lola sa Pilipinas na nagngangalang Pelicidad. Maputla ang kanyang mukha. Halatang pagod ngunit may ningning sa kanyang mga mata. Isang ningning na parang matagal ng pamilyar sa hari. Habang naglalakad siya papalapit, parang may malamig na hangin na dumampi sa dibdib ni Hassan.
May naramdaman siyang kakaibang pagkabog ng puso. “Anong pangalan mo?” tanong ng hari. Maria Elena po pero Elena na lang po ang tawag niyo sa akin. Sa unang tingin pa lang hindi maikakailang ang kakaibang koneksyon. Hindi malaman ni Elena kung bakit titig na titig sa kanya ang hari na para bang hinuhukay ang kanyang kaluluwa. Pagkaraan ng ilang linggo, nagpasyaang hari na samahan si Elena pauwi ng Pilipinas.
Ang dahilan na sinabi niya sa lahat ay gusto niyang makita ang kultura ng Pilipinas ng hindi bilang hari kundi bilang isang simpleng tao lamang. Ngunit sa loob niya alam niyang iba ang rason. May kailangang sagutin, may dapat tuklasin. Sa paglapag ng kanilang eroplano sa Maynila, ramdam ni Elena ang pagkabalisa.
Mahal na hari. Sigurado po ba kayo rito? Hindi po ba delikado na sumama kayo sa bahay namin? Wala pong yaman doon. Puro kahirapan lang ang makikita ninyo. Ngunit ngumiti lamang si Hasan. Kung mayong mas mahalaga pa sa lahat ng kayamanan, yun ay ang katotohanan. Makalipas ang ilang oras, nakarating sila sa probinsya.
Isang maliit na baryo na puno ng pawid na bahay, tanim na niyog at mga batang nagtatakbuhan. Habang papasok sa loob ng lumang bahay nina Elena, napansin ng hari ang kalumaan ng mga dingding. Amoy alikabok, halong ala-ala ng kahapon. At doon sa isang sulok ng dingding may nakasabit na lumang kahon ng mga litrato.
Napahinto si Hassan. parang may kumurot sa kanyang puso. Nilapitan niya ito at isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan hanggang sa biglang natigilan siya. Nakahawak siya ngayon sa isang lumang larawan ng isang batang lalaki. Nakasuot ng simpleng damit, may matalim na mga mata at pamilyar na pamilyar ang mukha.
Siya iyon. Siya noong bata pa dahil doon ay namutla ang hari. Elena, bakit? Bakit nandito ang litrato ko? Natigilan naman si Elena pati ang kanyang pamilya. Halos mabitawan niya ang hawak na Rosario. “Hindi po, posible yan. Paanong tahimik ang lahat? Ngunit sa kanilang mga puso, alam nilang isang lihim na matagal ng itinago ang mabubunyag ngayong gabi.
” Nanginginig ang kamay ni King Hassan. habang hawak ang lumang litrato. Ang bawat guhit ng larawan ay parang tinik na sumasaksak sa kaniang dibdib. Hindi siya makapaniwala paano magiging posible na makita niya ang kanyang larawan sa isang kubong malayo sa Saudi. “Hindi. Imposible ito.” bulong niya sa sarili. Napatingin siya kay Elena na halatang takot at naguguluhan.
“Mahal na hari. Baka po nagkakamali lang kayo. Maraming bata non magkakamukha. Baka po hindi talaga kayo yan. Ngunit umiling si Hasan. Kilala ko ang batang ito. Ako ito. Ito ang litrato ko. Pero paano napunta dito? Sa gilid ng lumang bahay, pumasok ang isang matandang babae na nakayukod at may dalang baston.
Ito ang lola ni Elena. Si Lola Pelisidad na halos hindi na makalakad din. Nang makita niya ang hawak ng hari, napahinto ito at namutla. Diyos ko. Mahina niyang bulong. Lumapit siya at tiningnan ng larawan. Pila isang lihim na ayaw ng mabuksan ay muling bumangon sa kanyang ala-ala. Ang kaniyang mga mata ay napuno ng luha.
Lola, bakit nandito ang larawan ni ni mahal na ari? Tanong ni Elena. Nanginginig ang kanyang tinig. Huminga ng malalim si Pilisidad. Matagal ko ng inilihim ito pero mukhang panahon na para sabihin ang totoo. Umupo silang lahat sa lumang kahoy na bangko. Sa labas rinig ang huni ng kuliglig at tampas ng hangin sa pawid.
Ang gabi ay tila nagbabadyan ng isang rebelasyon. Bago ka ipinanganak, Elena. Panimula ni Lola Pelisidad. May isang banyagang babae ang dumating dito sa ating baryo. Maganda siya, maputi, at may kasamang gwardya. Hindi siya taga rito pero ilang linggo siyang nanirahan dito. Tahimik. Parang may tinataguan. [Musika] Tumango si Hasan.
Pilit na pinapakalma ang sarili. Sa panahong iyon, patuloy ni Lola. Lagi niyang dala-dala ang isang batang lalaki. Maputi, matalim ang mga mata at mahiyain. Sabi niya anak niya raw yon. Pero ayaw niyang ipaalam kung sino ang ama sa takot na baka makilala siya ng mga tao. Lumapit siya sa simbahan at nakiusap sa pare na huwag ng itanong ang kanyang pagkakakilanlan.
Napahawak si Elena sa kanyang dibdib. Lola, ibig mong sabihin? Tumulo ang luha ng matanda. Anak, ang batang iyon siya ang hari ngayon. Nanlaki ang mata ni Hassan. Para siyang binagsakan ng mundo. Ang mga ala-ala ng kanyang kabataan, mga naglalaro sa mga kalsadang hindi niya maipaliwanag. Ang mga tanong kung bakit wala siyang ama noong una.
Lahat iyon ay biglang bumalik. Kung totoo ang sinasabi mo Lola. Sino ang babaeng iyon? Sino ang nagdala sa akin dito? Tanong niya sa nanginginig ang boses. Saglit na tumahimik si Felicidad. Ang pangalan niya ay Amira. Isa siyang babae mula sa Saudi. Dumating siya rito ng palihim dala ang batang anak niya. Ilang linggo lang siyang nagtagal at isang araw bigla siyang nawala.
Naiwan ang litrato. Walang nakakaalam kung saan siya pumunta. Nakatitig si Hasan sa lumang larawan. Sa isipan niya, bumalik ang mga kwento ng kanyang yumahong ama na hari noon. Lagi nitong sinasabi na may mga sikreto ang palasyo na hindi kailan man dapat na mabunyag. Ah ah Amira. Bulong niya. Kung gayon siya ang aking ina.
Tahimik ang paligid at si Elena ay hindi makatingin ng diretso sa hari. Mahal na hari mahina niyang wika. Kung totoo nga ang lahat ng ito, ibig sabihin matagal ng konektado ang pamilya natin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa unang pagkakataon, parehong hindi nila alam kung ano ang mararamdaman. Takot ba o tuwa o pangamba sa mga susunod na mangyayari? Kinagabihan, hindi nakatulog si Yasan.
Nakaupo siya sa harap ng maliit na altar ng pamilya katabi ng mga lumang larawan. Sa kanyang kamay, hawak pa rin niya ang litrato ng kanyang kabataan. “Bakit ako dinala rito? Ano ang dahilan?” tanong niya sa sarili. Lumapit si Elena. dala ang isang tasa ng kape. Tahimik lang siyang umupo sa tabi ng hari at ilang saglit ng katahimikan bago siya nagsalita.
Alam niyo po mahal na hari, minsan ang mga litrato, hindi lang basta ala-ala, para silang piraso ng palaisipan na magbubukas ng mas malaking katotohanan. Napatingin si Hassan sa kanya. At sa tingin mo handa ba ako sa katotohanan? Ngumiti naman si Elena bagaman halata ang kaba sa kanyang mga mata. Kung hindi po kayo handa, hindi kayo dinala ng Diyos dito, Anya.
Ngunit bago pa man sila muling makapagsalita, biglang may kumatok ng malakas sa pintuan. Tatlong beses mariin tila may dalang pangamba. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking hindi nila inaasahan. Mataas, matikas at pamilyar ang anyo. Nakasuot ng maayos na barong at may dala-dalang envelof. “Pasensya na kung gabing-gabi na.
” Wika ng lalaki. “Pero kailangan niyong malaman ang lahat.” Napakunot ng noo si Hasan. “At sino ka naman?” tanong niya. Ngumiti ang lalaki ngunit may lungkot sa kanyang mukha. Ako ang matagal ng inuutusan ng iyong ina. Ang tagapag-ingat ng kanyang lihim. At mula sa Envilov, inilabas niya ang isa pang larawan.
Higit na malinaw at hindi maitatanggi. Larawan na iyon ang batang Si Hasan kasama ang isang babae. At ang babaeng iyon ay kahawig na kahawig ni Elena. Hindi makahinga si Elena ng makita ang larawan. Ang babae sa tabi ng batang si Hassan ay para bang refleksyon niya sa salamin. Pareho ang hugis ng mata, ang ilong, pati ang porma ng labi.
Mahal na hari. Mahina niyang bulong. Parang ako. Tahimik lang si Hassan. Nakatitig sa larawan na para bang unti-unti siyang hinihigop ng nakaraan. Ang puso niya’y kumakabog. Ang kamay niya ay nanginginig. Lumapit ang lalaking nagpakilala bilang tagapag-ingat ng lihim. Malinaw ang tinig niya ngunit may bigat ng kasaysayan.
Ang pangalan ko’y Ismael. U kanya. Bata pa lang si Amira. Matapang at matigas na ang loob. Siya ang anak ng isang prinsipe sa Saudi. Ngunit nagkamali siya ng pagmamahal. Umibig siya sa isang simpleng sundalo, isang Pilipinong nagngangalang Ricardo Cruz na ipinadala noon para magtrabaho bilang gwardya ng embahada.
Lihim ang kanilang relasyon ngunit nang mabuntis si Amira, isang iskandalo ang maaaring sumabog. Namilog ang mata ni Elena. Ricardo Cruz. Ibig sabihin Pilipino ang ama ni Napatingin siya kay Hasan. Ang ama mo Hasan. Tumango naman si Ismael. Oo. At para maitago ang kahihian, ipinadala si Amira sa Pilipinas.
Dito siya nanirahan ng ilang buwan kasama ang batang Siasan. Ngunit alam niyang hahanapin siya ng palasyo. Kaya’t bago siya bumalik, iniwan niya ang ilang larawan at pinagkatiwala kay Padre Antonio. Ang pari noon sa baryo. Ang sikreto. Napalanok si Hasan. Kung totoo ang sinasabi mo, ibig sabihin kalahating Pilipino ako.
Hindi lamang iyon. Dagdag ni Ismael. Ang babaeng kahawig ni Elena sa larawan ay walang iba kundi si Amira mismo. At kaya magkahawig kayo. Tumitig siya kay Elena. Dahil dikot laman. Magkaugnay ang inyong lahi. May kasabihan ng mga matatanda kapag may dayuhang nag-iwan ng kabutihan sa lupaing ito. Minsan sa susunod na saling lahi babalik ang kanyang mukha hindi sa dugo kundi sa taong nagmanan ng kanyang kabutihan.
Kaya magkamukha sina Elena at Amira. Dahil ang puso ni Elena ay kopya ng kabutihan ni Amira. Ang mukha ay tapat sa puso. Ang tadhana, kapaglabis ang pagmamahal ng isang tao, minsan hinahanap niyang paraan para bumalik. At kadalasan sa mukha ng isa pang nilalang na marangal, si Amira ay nagmahal at nagsakripisyo ng tapat.
Kaya bumalik ang kanyang mukha kay Elena hindi bilang dugo kundi bilang ala-ala ng kabutihan. Sa kanilang pag-uusap ay biglang sumingit si Lola Pelicidad. Anak, sabi ng mga matatanda rito, may mga mukha raw na hindi nililikha ng dugo kundi ng tadhana. Kapag may pusong malinis at may ginintuong puso, kahit wala kayong kaugnayan, magmumukha kayong magkapatid sa tingin ng lahat.
Napaiyak si Elena. Kung ganon, baka may kaugnayan palang pamilya namin sa inyo mahal na hari. Ngunit hindi agad nagsalita si Hasan. Nakatitig siya sa sahig. Pinipigilan ang bagyong gumugulo sa kanyang damdamin. Ang buhay niya. Naniniwala siyang purong dugo ng maharlika ang nananalaytay sa kanya.
Ngayon biglang bumaliktad ang lahat. Kung kalahating Pilipino ako, bakit itinago ng aking ina ang lahat ng ito? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Tanong ni Hassan. Umiling naman si Ismael dahil takot siya sa palasyo. Ang kahit anong dugong hindi mula sa hari ay tinitingnang kahinaan. Pinili niyang manahimik para maprotektahan ka. Napahawak si Hassan sa kanyang ulo.
Ngunit ngayon, paano ko haharapin ang aking kaharian kung malaman nilang kalahating Pilipino ako? Magagalit sila. Maaari nilang pagdudahan ang aking karapatan bilang hari. Dahil doon ay napatahimik sila. Samantala, si Elena naman ay nakadama ng kakaibang bigat. Habang nakatingin siya kay Hassan, naramdaman niyang mas lumalalim ang koneksyon nila.
Ngunit sa parehong oras, unti-unti ring tumatagos sa kanya ang takot. Paano kung lumabas ng katotohanang magkaugnay nga ang kanilang pamilya? Samantala, kinabukasan, naglakad si Elena papunta sa lumang simbahan ng baryo. Tahimik siyang nagdasal. Diyos ko, bakit ako? Bakit siya? Bakit ang hari mismo ang nagdala ng lihim na ito sa aming tahanan? Hindi niya namalayang nakasunod pala si Yasan.
Tahimik itong lumapit at naupo sa tabi niya. Elena, malumanay na wika ng hari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Galit ba? Saya, takot. Pero isang bagay ang sigurado. Napatingin si Elena. Ano po iyon? Tanong niya. Nag-init ang pisngi ni Elena. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin noon. Bilang hari ba nakagpo ng kasangga o bilang isang lalaki nagsisimulang makaramdam ng kakaiba? Ngunit bag pa man tuluyang lumalim ang kanilang pag-uusap, dumating ang masamang balita.
Mabilis na dumating ang isang mensahero mula Maynila. Hingal na hingal. “Mahal na hari!” sigaw niya. Nalaman na ng palasyo sa Saudi ang inyong paglalakbay dito. May mga galit na konseyal at prinsipe na nagsasabing nilalapastangan ninyo ang trono. Ipinakalat nilang balitang kayo’y may dugong hindi dalisay na kayo’y milahing Pilipino.
Dahil doon ay nanlamig si Yasan. Hindi. Paano nila nalaman? Nagkatinginan silang lahat kay Ismael ngunit mabilis itong umiling. Hindi ako kung may nakakaalam. Malamang ay isa sa mga prinsipe na matagal ng naiinggit sa inyo. Humigpit ang hawak ni Hassan sa litrato. Kung ganon, hindi lang ito simpleng lihim ng pamilya.
Ito’y magiging banta sa aking pamumuno. Napatingin siya kay Elena na ngayon ay kabado at nag-aalala. Elena, kung totoo ang lahat, ibig sabihin ikaw at ang pamilya mo ang susi. Ngunit kapag nalaman nilang kasama kita, malalagay kayo sa panganib. Kinagabihan, nagtipon silang lahat sa bahay nina Elena.
Ramdam ang tensyon at kaba. Mahal na hari.” Wika ni Lola Pelisidad. “Anoang mangyari? Hindi namin ikakaila ang katotohanan. Kung kalahating Pilipino ka nga, karangalan naming maging bahagi niyon.” Ngunit umiling si Hasan. Hindi ganon kasimple. Ang mga kaawi ko sa palasyo ay gagamitin nito laban sa akin.
Maaari nilang sabihing wala akong karapatang maggari. At kapag nalaman nilang kayo ang may hawak ng ebidensya, buhay ninyo ang kapalit.” Lumapit si Elena. Sa unang pagkakataon, matapang niyang hinawakan ang kamay ng hari. “Kung ano man ang mangyari, hindi ko kayo iiwan. Ang litrato at ang katotohanan, kasama ninyo ako sa pagarap sa kanila.” Napatitig siasan sa kanya at sa mga mata ni Elena.
Nakita niya ang tapang at katapatan na matagal na niyang hinahanap. Kung ganoon, bulong niya. Simula ngayon, hindi na ako hari lamang ng Saudi. Ako rin ay anak ng dalawang mundo at gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Ngunit hindi nila alam sa labas ng kanilang bahay may dalawang lalaking nakamasid, nakasuot ng itim at may hawak na radyo.
Siguraduhin natin na bukas madadala natin ang babaeng pilipina ang matandang may hawak ng litrato. Malamig na wika ng isa. Kailangan ng palaso ang ebidensya at kung lalaban sila alam mo na ang gagawin natin. Nagniningning ang kutsilyong hawak ng kasama niya. Mawawala sila Anito. Tahimik ang gabi ngunit mabigat ang hangin.
Sa loob ng maliit na bahay nina Elena, nakahiga si Lola Pelisidad. Maimbing na natutulog matapos mapagod sa mga rebelasyon. Si Ismael ay tahimik na nakabantay. Hawak ang kanyang lumang baril na parang bantay sa isang lihim na kayagal niyang pinapasan. Ngunit hindi nila alam sa labas nag-uumpukan ang dalawang lalaking galing Saudi na may dalang misyon.
Kailangang makuha ang litrato at patahimikin ang sinumang hahadlang. Bandang hating gabi, may marahang kaluskos na narinig si Elena. Nakasalampak siya sa bangko habang nagkakape. Nang bumukas ang bintana, mabilis niyang napansin ang anino ng dalawang lalaking pumasok. “Kingan, bulalas niya. Agad nagising ang hari at walang pag-aalinlangan na hinila si Elena patungo sa likod ng bahay.
Ngunit huli na, nakaharang na ang dalawang lalaki. May hawak silang kutsilyo at baril at malamig ang mga tingin. Bitawan ng litrato. Malamig na sabi ng isa. O lahat kayo mawawala ngayong gabi. Tumindig si Hassan. Tuwid ang likod at walang bakas ng takot. Kung gusto niyo ng litrato, akong harapin ninyo.
Ako si Hassan, ang hari ng Saudi at hindi ako tatakbo mula sa katotohanan. Mabilis ang pangyayari. Sinugod ni Hasan ng isa sa mga lalaki gamit ang baril niya bilang pangharang nagkainitan sila sa loob ng maliit na sala. Nabasag ang mga pinggan. Bumagsak ang mesa samantala, ang isa pang lalaki ay tinutukan ng baril si Elena. Isa pang galaw at babarilin ko siya.
Sigaw nito. Napahinto si Hassan. Nanginginig ang kamao. Ngunit si Elena mismo ang nagpakita ng tapang. Salip na matakot, mabilis niyang sinampal ang kamay ng lalaki. Dahilan upang bumitaw ito sa baril. Sa isang iglap, nagkahabulan sila at nahulog ang baril sa sahig. Takbo Lena! Sigaw ni Hassan. Ngunit hindi siya tumakbo.
Salip, dinampot niya ang baril at itinutok sa mga kalaban. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit matatag ang kanyang tinig. Wala kayong makukuha dito, sabi ni Elena. Nang marinig ang putok ng baril mula sa labas, nagsidatingan ng mga kapitbahay, may dalang mga itak, kahoy at kung anu-ano pang mga armas. Ang buong baryo ay kumilos para ipagtanggol si Elena at ang kanilang panauhin.
“Lumayas kayo!” sigaw ng mga tao. “Hindi namin ipapahamak ang bisita ng aming bayan.” Napaligiran ang dalawang lalaki. Wala silang nagawa kundi tumakbo palayo. Iniwan ang kanilang misyon. Huminga ng malalim si Hassan at bumalik ang kulay sa kanyang mukha. Napatingin siya kay Elena na nanginginig pa rin habang hawak ang baril.
“Niligtas mo ako,” bulong ni Azan. Ngumiti naman si Elena. Bagaman may luas sa kanyang mata. Hindi ko hahayaang mawala ka. Mahal na hari. Hindi na. Kinabukasan, nagpasya si Hassan na humarap sa kanyang konseho sa Saudi. Sa tulong nina Ismael at Elena, ipinadala niya ang ebidensya. Ang litrato pati na ang kwento ni Lola Pelicidad.
Ngunit hindi siya humingi ng tawad o nagtagong muli. Sa harap ng buong konseho, matapang niyang inamin ang lahat. Hindi ako isang hari na ipinanganak mula sa perpektong dugo ng maharlika lamang. Ako’y anak ng dalawang mundo, Saudi at Pilipino. Kung sa inyo ito ay kainaan, sa akin ito’y lakas.
Ang dugo ng aking inaay nagbigay sa akin ng dangal. At ang dugo ng Ama ay nagbigay sa akin ng puso. Nagkagulo ang konseho. May mga nagalit, may mga tumutol. Ngunit higit sa lahat may mga naluha. Ang mga tao sa kaharian ng malaman ng balita ay hindi tinalikuran ng hari bagkos mas minahal lalo siya. Kung siya’y may pusong Pilipino, sigaw ng ilan.
Ibig sabihin may puso rin siya para sa lahat ng tao. Hindi lamang para sa Marlika. Pagbalik ni Hassan sa Pilipinas, sinalubong siya ni Elena sa baryo. Hindi siya nagsalita agad. Bagkos ay inabot niya ang kamay nito. Elena, marahan niyang sabi. Dahil sa’yo, natuklasan ko ang katotohanan. Dahil sa’yo, natutunan kong ang tunay na lakas ng isang hari ay hindi nakasalalay sa dugo kundi sa pag-ibig at katapatan.
Natulala lang si Elena hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. Mahal na hari. Anito. Ngumiti naman si Hasan. Hindi na ako hari lamang. Ako si Hasan. Isang lalaking natutong magmahal. Kung papayagan mo, nais kong manatili ka sa aking tabi hindi bilang alipin kundi bilang kasama ko habang buhay. Tumulo ang luha ni Elena.
Ngunit ito’y luha ng tuwa. Kung yun ang kagustuhan ng Diyos, hindi ko kayo iiwan. Anya. Makalipas ang ilang buwan muling nagbalik si Hasan sa kanyang trono. Ngunit ngayon dala na niya ang buong katotohanan. Hindi na siya hari ng takot o lihim kundi hari ng dalawang mundo. At sa tabi niya, nakatayo si Elena, isang simpleng dalagang Pilipina na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.
Sa harap ng kanyang mga tao, marahan niyang winika. Ang pagiging hari ay hindi tungkol sa dugong dalisay. Ito ay tungkol sa pusong handang magmahal at maglingkod. At dito natutunan ko yun sa maliit na baryo sa Pilipinas sa piling ng isang babaeng nagpaalala sa akin kung sino ako. At sa oras na iyon hindi lang siya hari ng Saudi.
Siya ay naging hari rin ng puso ni Elena.
News
MATANDANG NAGDEPOSITO NG BARYA PINAGTAWANAN SA BANGKO DI NILA ALAM NA MILYON-MILYON NA PALA ANG IPON/th
Ang Lihim ni Mang Simon: Kwento ng Baryang May Yaman I. Ang Matanda sa Bangko Mainit ang sikat ng araw…
Nag-asawa ng matandang lalaki ang batang babae, natakot siya kaya natulog nang maaga, at pagkagising niya sa umaga, nagulat siya sa ginawa ng lalaki sa kanya noong gabi…/th
Lumaki si Nga sa isang mahirap na pamilya sa gilid ng lungsod sa Luzon. Maagang namatay ang kanyang mga magulang,…
PIA GUANIO NAGSALITA NA! TOTOO NGA BA ANG INTRIGA KAY TITO SOTTO? LALONG NAGALIT ANG SHOWBIZ!/th
Since the time that I left 24 oras, uh we’ve been meaning to get together and we never got to….
NAIYAK ANG MGA MANONOOD! EMAN BACOSA – ANAK NI MANNY PACQUIAO – NAKATIRA SA ISANG SIMPLENG BAHAY SA PROBINSIYA, KASAMA SA ISANG MALIIT NA KWARTO ANG KANYANG INA AT AMA-AMA. ANG SIMPLENG LARAWAN NG KANYANG BAHAY AY NAGING SIMBOLO NG PAGPAKUMBABA AT NAGPAMUNI-MUNI SA MARAMI TUNGKOL SA TUNAY NA KAHULUGAN NG KASAYAHAN!/th
Balita Isang Simpleng Buhay, Isang Makapangyarihang Aral: Si Eman Bacosa at ang Kahulugan ng Tunay na Kaligayahan Sa isang mundo…
JOPAY NG SEXBOMB, NAGLABAS NG EBIDENSYA! INABUSO KAY TITO VIC AT JOEY—HANDANG MAGSAMPA NG KASO!/th
“Binubully po. Wala po. Galing po ako sa ibang group.” Iyan ang sinabi ng SexBomb dancer na naglabas ng ebidensya…
HELEN GAMBOA BREAKS HER SILENCE! ANGERED BY ANJO YLLANA’S ALLEGED ATTACKS ON TITO SOTTO /th
 HELEN GAMBOA BREAKS HER SILENCE! ANGERED BY ANJO YLLANA’S ALLEGED ATTACKS ON TITO SOTTO 🔴 Published: November 9, 2025 Introduction…
End of content
No more pages to load






