Kabadong iniabot ni Mang Dante ang kanyang NBI Clearance sa HR Manager na si Ms. Karen.

Naka-long sleeves si Dante para takpan ang mga tattoo sa braso, at pilit niyang inayos ang buhok niyang medyo puti na.

Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người, bộ vét và phòng tin tức

Sa edad na 50, ito na ang huling pag-asa niyang makahanap ng marangal na trabaho bilang Maintenance Staff.

Binasa ni Ms. Karen ang papel.

Biglang kumunot ang noo nito at tumingin kay Dante nang may pandidiri.

“Homicide?” basa ni Ms. Karen nang malakas. “Nakulong ka dahil pumatay ka ng tao?”

“Ma’am, depensa lang po sa sarili ‘yun noon. Napagbayaran ko na po. Sampung taon na po akong laya. Gusto ko lang po magbagong-buhay,” magalang na paliwanag ni Dante.

“Magbagong-buhay?” tawa ni Ms. Karen. “Manong, ito ay Prime Tower Corporation. Reputasyon ang puhunan namin dito. Hindi kami tumatanggap ng mga kriminal! Baka nakawan mo pa kami o patayin mo pa ang mga empleyado dito!”

“Ma’am, parang awa niyo na. Kahit tagawalis lang o tagahugas ng CR. Kailangan ko lang po ng pambili ng gamot ng asawa ko,” pagmamakaawa ni Dante.

“NO!” sigaw ni Ms. Karen. “Guards! Palabasin niyo ang lalakeng ‘to! Ngayon din!”

Lumapit ang dalawang security guard. Hinawakan nila si Dante sa braso para kaladkarin palabas.

“Ma’am, please po…” mangiyak-ngiyak na sabi ni Dante.

Biglang bumukas ang main door ng opisina.

“Good morning, Sir Alfred!” bati ng lahat ng empleyado. Yumuko sila at tumabi.

Dumating ang CEO ng kumpanya, si Sir Alfred. Bata pa ito, nasa 35 years old, gwapo, at laging mabango.

Napansin ni Sir Alfred ang gulo sa may HR Department. Nakita niya ang isang matandang lalaki na kinakaladkad ng mga guard.

“What’s happening here?” tanong ni Sir Alfred.

Lumapit agad si Ms. Karen, nagpapa-bida. “Sir Alfred! Sorry po sa abala. May ex-convict po kasing nag-aapply. Kriminal po, Sir! Pumatay ng tao! Pinaalis ko na po bago pa madumihan ang pangalan ng kumpanya natin.”

 

Tinignan ni Sir Alfred ang aplikante.

Natigilan ang CEO. Nanlaki ang kanyang mga mata.

“D-Dante?” bulong ni Sir Alfred.

Napatingin si Mang Dante sa CEO. “A-Alfred? Ikaw ba ‘yan? Totoy?”

Biglang tumakbo si Sir Alfred palapit kay Dante.

“Sir! Wag! Baka saktan kayo!” tili ni Ms. Karen.

Pero sa gulat ng lahat, niyakap ni Sir Alfred si Mang Dante nang napakahigpit. Walang arte. Walang hiya-hiya.

Niyakap ng bilyonaryong CEO ang ex-convict na aplikante.

 

 

Có thể là hình ảnh về một hoặc nhiều người, bộ vét và phòng tin tức

“Kuya Dante!” iyak ni Sir Alfred. “Buhay ka pa! Ang tagal kitang hinanap!”

Namutla si Ms. Karen. Nalaglag ang ballpen na hawak niya. “S-Sir? Kilala niyo po siya?”

Kumalas si Sir Alfred sa yakap at hinarap ang HR Manager at ang buong opisina.

“Oo, kilala ko siya,” seryosong sabi ni Alfred. “Noong bente anyos ako, nakulong ako dahil sa frame-up sa negosyo ng tatay ko. Inosente ako, pero nabulok ako sa Bilibid ng tatlong taon bago napatunayang wala akong sala.”

Hinawakan ni Alfred ang balikat ni Dante.

“Sa loob ng kulungan, ako ang pinakamhina. Totoy ako noon. Binubugbog ako, inaagawan ng pagkain, at muntik na akong patayin ng gang sa loob.”
Itinaas ni Alfred ang kamay ni Dante.

“Ang lalakeng ito… si Kuya Dante… siya ang Bastonero ng selda namin. Siya ang tumayo para ipagtanggol ako. Ilang beses siyang nasaksak para lang hindi ako galawin ng iba. Ibinibigay niya ang rasyon ng pagkain niya para hindi ako magutom. Siya ang nagligtas ng buhay ko sa kulungan.”

Napaluha si Mang Dante. “Totoy… Alfred… ang laki mo na. Boss ka na pala.”

Humarap si Alfred kay Ms. Karen na ngayon ay kulay abo na sa takot.

“Ms. Karen, tinatawag mo siyang kriminal at dumi ng kumpanya? Kung wala ang lalakeng ‘to, wala ang CEO niyo ngayon.”

“S-Sorry Sir… h-hindi ko po alam…” nanginginig na sagot ni Karen.

“Ngayon alam mo na,” sagot ni Alfred. “Dante, hindi ka Maintenance Staff dito.”

“Po?” tanong ni Dante. “Wala po akong trabaho?”

“Meron,” ngiti ni Alfred. “You are hired as my Head of Security and Personal Advisor. Gusto ko, ikaw ulit ang magbabantay sa likod ko, gaya ng dati. Doble ang sweldo ng Manager.”

“Salamat, Totoy… Salamat!” iyak ni Dante.

“At ikaw, Ms. Karen,” baling ni Alfred. “Dahil masyado kang mapanghusga sa nakaraan ng tao… you are suspended indefinitely. Pag-isipan mo muna kung anong klaseng tao ka habang wala kang trabaho.”

Umalis si Sir Alfred kasama si Mang Dante papunta sa Executive Office, habang si Ms. Karen ay naiwang nakatayo, hiyang-hiya at nagsisisi kung bakit niya minaliit ang taong may pinakamalaking utang na loob pala ang kanyang amo.