
Mainit ang araw sa labas ng St. Martin General Hospital. Sa lilim ng isang puno ng akasya. Tahimik na naghihiwa ng buko si Elvin, isang masipag na vendor na kilala sa lugar. Araw-araw siyang nandoon. Bitbit ang kanyang kariton, maliit na yellow chest at walang palyangiti. Mula 7 ng umaga hanggang hapon, masigasig siyang nagbebenta sa mga dumaraang pasyente, bisita at mga staff ng ospital.
Hindi man marangya ang hanapbuhay, marangal at malinis ang kanyang pagkatao. Sa dami ng taong dumaraan sa ospital, isang babae ang lagi niyang inaabangan, si Doktora Lea Angeles. Bihis na bihis sa kanyang puting coat. Laging nakaayos at may matalas na tindi. Hindi lang siya maganda kundi kilala ring mahusay sa kanyang larangan. Pagamat’t abala ito palagi, hindi maiwasan ni Elvin na mapatitik.
Sa puso niya tila ito na ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Matalino, maganda at mabait. Ilang linggo ang lumipas at hindi na niya kayang ito ang damdamin. Habang bitbit ang isang pulang rosas na binili pa niya mula sa isang tindera pa sa kanto. Nilapitan niya si doktora habang ito’y palabas ng ospital.
Doktora Leya, pwede po ba kitang makausap sandali? Nanginginig ang kanyang boses ngunit sinubukang maging magalang. Alam kong wala po akong karapatan pero gusto ko lang pong sabihin na matagal na po akong humahanga sa inyo. Lumingon si Doktora Leya at sa halip na mapangiti ay napataas ang kilay.
Umikot ang mga mata niya. Saka niya tiningnan si Elvin mula ulo hanggang paa. Ikaw buko vendor ka lang. Anong karapatan mong ligawan ng isang tulad ko? Malakas ang kanyang tinig sapat para marinig ng mga nurse na napahinto sa likuran. Napuno ng tawa at bulungan ng paligid. Tumahimik si Alvin. Pilit ngumiti kahit na nabasag na ang puso niya. Hindi siya sumagot.
Bagkos ay tahimik na naglakad palayo. Dala ang pulang rosas na ngayo’y tila wala ng saysay. Hindi na muling nakita si Elvin kinabukasan. Bakante ang dating may siglang pwesto ng buko. Sa kabila ng kanyang sikmurang sakit, isang pangungutya ang bumalot sa ala-ala niya. Pero sa puso ni Elvin, ang sakit na iyon ay hindi dahilan para sumuko kundi isang apoy na magsisimula ng kanyang pagbangon.
Gabi na nang makauwi si Alvin sa kanyang maliit na inuupahang silid sa may Eskinita ng Tondo. Walang ibang laman ang kanyang kwarto kundi isang bani, isang lumang bentilador at isang mesa na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy. Naupo siya sa gilid ng bani, hawak pa rin ng nalantang rosas na kaninay.
Buong tapang niyang inialay. Hindi niya inakalang ang simpleng pagtatapat ay magiging dahilan ng kahihian at sakit na hindi niya kayang ikwento kahit kanino. Sa katahimikan ng gabi, muling pumatak ang luha mula sa mga mata ni Elvin. Hindi dahil sa pagkaka-basted, sanay siya sa pagkatalo sa buhay kundi sa paraan ng pagtanggi, papanlait, walang pakundangan at sa harap ng madlak.
Para bang pinaramdam sa kanyang wala siyang karapatang umibig sa kahit isang taong mas mataas kaysa sa kanya. Ngunit habang pinapahid ang luha, may bumulong sa kanyang isip kung hindi niya kayang tanggapin ang pagkatao ko ngayon. Marahil panahon na para baguhin ko ang kapalaran ko. Kinabukasan, isinara niya ang kariton bago pa man itanong ng mga tao kung bakit, lumuwas na siya patungong Nueva Ecija.
kung saan naroon ang kanyang tiyuhin na may maliit na lupaing sinasaka. Tinanggap siya nito ng buong puso at binigyan ng trabaho bilang tagapangalaga ng gulayan. Doon nagsimula ang tahimik ngunit makabuluhang pagbabago sa kanyang buhay. Malayo sa lungsod, malayo sa ala-ala ng pangbabastos, pero malapit sa pangarap na bumangon.
Habang nagpapahinga sa gabi, nagsimulang magbasa si Elvin ng mga librong iniwan ng kanyang pinsang dating IT student. Naengganyo siya sa mundo ng teknolohiya, e-commerce at online business. Dahan-dahan siyang natutong gumamit ng laptop na inargalo ng kanyang tiyuhin at nagbukas ng maliit na online page para magbenta ng prutas at gulay mula sa kanilang taaniman.
Simpleng hakbang pero may malinaw na direksyon. Hindi na siya ang dating Elvin na naghintay ng awa. Siya na ngayon ang lalaking handang lumaban. Hindi madali ang daan. Ilang beses siyang nabigo sa orders, na-scam ng buyers o nawala ng koneksyon ng internet. Pero sa bawat pagsubok, mas tumitibay ang kanyang pasya.
Hindi na niya layunin ang mapansino doktora Leya kundi ang patunayan sa sarili na kaya niyang tumayo kahit ilang ulit siyang ilugmok ng mundo. Lumipas ang anim na buwan at unti-unting nakilala sa online ang munting negosyo ni Elvin na pinangalanan niyang buuko Vida. Nagsimula lamang ito sa mga order ng niyo, saging at gulay sa mga karatig bayan.
Ngunit lumawak ang abot sa mga restaurant at maliliit na tindahan sa lungsod. Hindi man ganap na eksperto, nagsikap siyang matuto ng tamang inventory, delivery system at marketing sa bawat matagumpay na order. Nadaraman niya ang kaunting tagumpay, tahimik ngunit totoo. Isang araw, nakilala niya sa isang online webinar si Mr.
Greg Alvarez, isang investor na advocate ng mga startup na may sustainable na local impact. Napansin nito ang sistema ni Elvin at sinabing bukas siyang tumulong kung mapapakita ni Elvin ang tamang business model. Sa loob ng tatlong buwan, nagsumikap si Elvin gumawa ng proposal, inaral ng logistics at bumuo ng court team na binubuo ng mga kabataang mula rin sa probinsya.
Hindi nagtagal, tinanggap ang proposal ni Alvin sa tulong ng puhunan mula kay Mr. Alvarez. naisilang ang bagong pangalan ng negosyo. Green drop, isang ecofriendy logistic and supply platform na konektado sa mga lokal na magsasaka. Si Elvin ang naging CEO hindi dahil sa diploma kundi sa kanyang malasakit, sipag at kungkretong resulta.
Mula sa pagiging simpleng vendor, isa na siyang kilalang social entrepreneure. Ngunit hindi niya kinalimutan ang pinanggalingan. Sa bawat pagpupulong, bitbit pa rin niya ang kababaang loob. Hindi niya ipinagmalaki ang tagumpay at lalong hindi niya ginamit ito para ipamukha sa iba. Ngunit sa puso niya may bahagyang pag-asang sana balang araw makita siya ni doktora Leya hindi bilang buko vendor na itinapoy kundi bilang lalaking pinanday ng sariling pawis.
Hanggang sa isang araw, isang imbitasyon ang dumating. Isang medical conference sa Maynila ang naghahanap ng mga local logistic partners para sa supply chain ng medical goods. Isa sa mga keynote speakers, si Dora Leya Angeles. Hindi sinasadya ngunit tila ang tadhana ay muling gumuhit ng pagkakataon. Muling tumapak sa Maynila si Alvin makalipas ang mahigit apat na taon.
Hindi na siya ang dating binatang may suot na luma at amoy paaraw na polo. Ngayon, maayos ang kanyang bihis, dark slocks, long slips at eleganteng rela, regalo ng isang business partner. Pero higit sa lahat, dala niya ang bagong pagkatao. May kumpyansa, may direksyon at may tahimik na dignidad. Sa loob-loob niya, hindi siya bumalik para magyabang kundi upang tupatin ang isang adhikaing mas malaki pa sa personal na sugat.
Ang medical conference ay ginanap sa isang hotel na dati dinadaanan lang niya noon habang naglalako ng buko. Sa likod ng stage makikita ang logo ng Green Drop. Opisyal na logistics partner ng event. Habang iniikot niya ang venue kasama ang operations team, naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya.
May ilan sa mga dating nurse ng ospital ang tila hindi makapaniwala sa pagbabagong anyo niya. Ngunit wala siyang sinabi. Tahimik lamang siyang ngumiti. Pagkatapos ng opening remarks, isang malakas na palakpakan ang bumungad nang ipakilala ang susunod na speaker. Dora Lea Angeles, head cardiologist and community health advocate. Tumayo si Alvin sa isang gilid ng hall at sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon.
Muling nasilayan ang babaeng minsang dahilan ng kanyang luhang naging apoy. Eleganteng elegante pa rin si Leya ngunit may napansin siyang kaibahan. Mas maputla, mas payat at tila may lungkot sa likod ng matatalim nitong mata. Nang matapos ang talumpati ni Leya, lumapit sa kanya ang event host. Ma’am, ang partner natin sa Green Drop ay narito rin.
Gusto niyo po bang makilala si Mr. Elvin Dela Cruz, CEO? Saglit na napahinto si Leya para bang may kilalang tunog ang pangalan. Ngunit hindi niya agad makonekta. Nang humarap sa kanya si Elvin at mag-abot ng kamay, doon siya tuluyang napatda. Bumukas ang bibig niya ngunit walang lumabas na salita. Nice to meet you again doctora.
Mahinang bati ni Elvin. Maying ngiting mahirap basahin. Sa sandaling iyon, tila bumalik ang lahat ng ala-ala kay Leya, ang Book of Vendor, ang Rosas at ang mga salitang hindi na niya mababawi. Pagkatapos ng conference, matagal pang nakatayo si Doktora Leya sa likod ng stage. Hawak ang papel ng kanyang speech na ngayon ay gusot nasa higit na pagkakapisil.
Patuloy na umaalingawngaw sa tenga niya ang mga salitang nice to meet you again doktora. Hindi siya makapaniwalang taong minsan niyang ipinahiya. Ay siya na ang CEO ngayon ng isa sa pinaka pinagkakatiwalaang logistic provider sa bansa. Parang suntok sa sikmura ang katotohanang iyon at hindi niya matanggap na wala siyang alam sa naging kwento nito.
Pagbalik niya sa condo ay tumambad ang katahimikan. Dati puno ng tawanan at halakhakan ang bahay na iyon tuwing kasama niya ang nobyo niyang si Dr. Merquez. Ngunit ngayon ay bakanteng espasyo na lang ito ng mga ala-ala. Iniwan siya ni Marquez isang taon na ang nakalipas matapos mawalan siya ng tiwala sa sarili at mawalan ng direksyon ang kanyang buhay.
Ang mga investment na sinubukan niyang pasukin bilang sideline, isang health spa at isang cosmetic clinic ay parehong nalugi. Sa ospital, unti-unti na rin siyang nawalan ng respeto mula sa mga kasamahan. Noong araw na iyon, tumingin siya sa salamin at halos hindi niya makilala ang sarili. Hindi na siya ang doktora na may kinang sa mata at kumpyansa sa bawat hakbag.
Sa halip, isa na siyang babaeng pagod, emosyonal at tila nawala ng saysay ang mga tagumpay. Napaisip siya paano kung hindi niya pinagsarahan ang puso noon ang tulad ni Elvin? Paano kung mas pinairal niya ang kababaang loob kaysa sa pride? Ang tanong ay tila Martilyo sa kanyang konsyensya. Hindi niya alam kung paano siya titingin sa mata ng taong minsan niyang hinamak.
At sa kabila ng tagumpay ni Elvin, ang mas matindi pang sakit ay hindi dahil sa magtagumpay ito kundi dahil sa mata nito, nakita niya ang isang lalaking mas totoo, mas buo at mas mabuting tao kaysa sa sarili niya ngayon. Nakatulala si Leya habang hawak ang lumang cellphone. Sa isang iglap, binuksan niya ang search bar at tina-type ang pangalan ni Elvin.
Kasunod nito ang sunod-sunod na balita, articles at panayang. Habang binabasa ang mga kwento ng tagumpay nito, hindi niya mapigilan ang luhang muling bumalong sa kanyang mga mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, tinanggap niya sa puso na baka hindi lang siya ang nawalan, baka siya rin ang tunay na talunan. Lumipas ang ilang linggo matapos ang medical conference, ngunit hindi pa rin matahimik si Doktora Leya.
Tuwing isinasara niya ang mata, si Elvin ang naaalala niya. Hindi na lang ang buko vendor kundi ang mahinahong CEO na may panatag na ngiti at mga matang tila nagsasabing kaya ko kahit iniwan mo ako. Sa kabila ng kanyang pride may bahagi sa puso niyang gustong itama ang pagkakamali. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero parang kailangan niyang humingi ng tawad kahit pa huli na ang lahat.
Isang hapon habang naglalakad sa Lavi ng isang bagong bukas na health center, napahinto siya sa isang bulletin board, GreenDrock Health Outreach Caravan. Partner Dr. Lea Angeles ang nakasulat n laki ang mata niya. Hindi siya inabisuhan na ang bagong outreach program ay kasama pala sa logistic team ni Elvin.
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang batok. Hindi niya alam kung matutuwa siya o mas lalo siyang mabaon sa hiya. Dumating ang araw ng outreach mission sa barangay cover. Maraming pasyente ang pumila. Bitbit ang kanilang reseta at pag-asang mabigyan ng libreng gamot at konsultasyon. Abala si Leya sa pagtanggap ng mga pasyente pero hindi maiwasang maapalingon-lingon.
Hanggang sa dumating si Alvin suot ang simpleng polo at ID Lanard ng green drop. Tahimik lang itong nag-aasikaso sa logistic team. Hindi siya pinansin. Sa ilang pagkakataong nagkakasalubong ang kanilang mga mata, si Leya ang unang yumuyuko. Hindi na ito ang kumpyansang doktora na sanay lumaban ng tingin. Sa bawat niti ni Alvin sa ibang tao, tila tinutusok ang puso niya.
Hindi niya alam kung mas masakit ba ang panlalamig nito o ang katotohanang tila hindi na siya nito iniisip. Natapos ang araw na halos hindi sila nag-uusap. Ngunit habang papauwi si Leya, bitbit ang pagod at bigat ng loob. May isang bagay siyang naunawaan. Mas masakit pala ang hindi pinapansin kaysa sa pinagsabihan. At ngayon siya na ang lumalapit si Elvin naman ang hindi handang bumalik.
Ngunit sa puso niyang punong-puno ng pagsisisi, buo ang desisyon niya. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya muling nakukuha ang respeto ng lalaking minsan niyang itinulak paalis. Lumipas ang ilang araw mula ng magkasama sila sa outreach mission. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Leya ang presensya ni Alvin. Sa tuwing isinasara niya ang mata, naalala niya ang paraan ng pagsulyap nito.
Hindi galit ngunit malamig. Hindi na siya sanay sa ganoong pakiramdam. Noon siya ang nilalapitan. Siya ang sinusuyo pero ngayon siya ang tila gustong mapansin. At sa bawat sandaling hindi siya pinapansin ni Elvin lalong lumalalim ang kirot sa kanyang dibdib. Sinubukan niyang magpadala ng mensahe kay Elvin sa pamamagitan ng email.
Pormal, diretso at may pasasalamat sa matagumpay na event. Ngunit walang tugon. Sinundan niya ito ng isang maikling chat sa social media. Hi Elvin, salamat muli sa support ng Green Drop. Sana makapagkape tayo minsan. Ilang oras, ilang araw ang lumipas? Nabasa ang mensahe pero hindi sinagot. Doon na siya tuluyang napalisa hindi dahil sa pride kundi dahil ngayon lang siya nakaramdam ng tunay na pagtanggi.
Sa kalagitdaan ng kanyang pag-iisa, muning bumalik ang ala-ala ng araw na pinahiya niya si Elvin sa harap ng mga norse at stop. Inakala niyang wala na iyon sa kanya pero ngayon siya na ang tila kinakaligtaan. Doon niya lubos na naintindihan ang sakit. Parang unti-unting binabalikan ng tadhana ang kanyang mga salita at ibinalik ito sa kanya bilang paniningil.
Hindi niya inakala na isang buhok of vendor noon ang magpapaikot sa damdamin niya ngayon. Habang sinusubukang maging abala sa trabaho, ramdam pa rin ni Leya ang bigat sa dibdib. Sa mga pasyente, pinipilit niyang ngumiti. Sa mga kaibigan, nagpapanggap siyang masaya. Ngunit sa bawat katahimikan, bumabalik ang tanong na hindi niya kayang sagutin.
Paano kung hindi na niya ako mapatawad? Mas mahirap pa itong dalhin kaysa sa alinmang pagkatalo sa career o relasyon. Isang gabi habang naglalakad pauwi mula sa clinic, bigla siyang napahinto sa harap ng isang maliit na kaupishya. Sa loob nakita niya si Elvin nakaupo nakangiti habang kausap ang ilang kabataang empleyado ng green drop.
Sa kabila ng salamin, nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Ngunit tulad ng dati, isang maliit na tangulang ang ibinigay nito. Saka muling bumaling sa iba. Hindi na nakatiis si Leya. Isang umaga, matapos ang mahabang gabi ng pag-iisip, nagtungo siya sa main office ng Green Drop. Wala siyang dalang appointment. Wala ring kasamang pride.
Ang tanging dala niya ay tapang. Ang tapang na harapin ang isang taong minsan niyang itinulak palayo. Pagpasok sa building, hindi niya maipaliwanag ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi dahil sa kaba ng rejection kundi dahil alam niyang karapatdapat lang siya sa anumang tanggapin niya mula rito kahit ito’y katahimikan. Maya-maya inalalayan siya ng reception is patungo sa opisina ni Alvin.
Tahimik lang si Leya habang hinihintay itong lumabas mula sa meeting room. Nang bumukas ang pinto, isang tahimik na saglit ang lumipas. Nagtagpo ang kanilang mga mata at hindi na niya kayang umiwas. Pwede ka bang makausap, Elvin?” pahinang tanong ni Leya. Tumango lang ito at itinuro ang maliit na conference room sa gilid.
Sa wakas, ito na ang sandaling matagal niyang kinatatakutan at inaasa. Umupo si Leya, inilapag ang kanyang bag at h ininga ng diretso si Elvin. “Gusto ko lang humingi ng tawad.” Panimula niya. Halos boses ay nanginginig. Alam kong hindi mo ito kailangang pakinggan pero matagal ko na ong dinadala. Mali ako. Maling mali ako.
Natahimik ang silid. Walang sagot mula kay Alvin. Pero hindi siya tumigil. Hindi ko dapat sinabi sayo yun noon. Hindi ko dapat ipinahiya ka. Lalo na’t hindi ko alam ang laman ng puso mo. Tumango si Elvin saka tumingin sa bintana. Leya, hindi kita kinanuhian. Nasaktan lang talaga ako noon. Pero sa totoo lang, kung hindi mo ako itinulak, baka hindi ako narito ngayon.
Tahimik, mabigat pero hindi galit ang tono ni Elvin. Bagkos may halong pasasalamat at pang-unawa. Hindi inaasahan ni Leya ang ganong sagot. Kaya mo pala akong patawarin? Tanong niya. Matagal na. Sagot ni Elvin. Pero ngayon lang kita muling nakita bilang totoong tao. Hindi bilang doktora. Napaiyak si Leya hindi dahil sa awa sa sarili kundi sa paggaan ng kalooban.
Matapos ang mahabang panahong binigatan ng pride. Sa wakas nailabas niya ang matagal ng pasaning at sa kabila ng lahat sa gitna ng katahimikan, naroon si Elvin hindi bilang lalaking may galit kundi bilang lalaking natutong magpatawad. Isang bagong yugto ang tila nagbubukas ngunit hindi pa malinaw kung saan ito patutungo.
Mula ng magkausap sila ni Elvin, tila ba may nabunot na tinik sa puso ni Leya? Hindi man bumalik agad ang dati nilang samahan, naramdaman niyang may pintuan ng unti-unting bumubukas. Mas magaan ang bawat araw, mas malinaw ang paghinga. Sa unang pagkakataon, matapos ang apat na taon, tumingin siya sa salamin at nakita ang isang babaeng hindi perpekto pero marunong nang umamin sa pagkukulang.
Nagkita silang muli sa isang conference tungkol sa nutrition at health care access sa mga rural areas. Hindi na siya ang nag-imbita kundi si Alvin mismo. Doktora, baka gusto mong magbigay ng lecture tungkol sa epekto ng food insecurity sa kalusugan. Anito, bitbit ang magaan ngi. Hindi na siya tinawag sa kanyang first name pero ngayon ang respeto ay halatang may halong paghanga.
Ngumiti pabalik si Leya. Oo naman. Salamat sa tiwala. Habang nagtutulungan sila sa proyekto, unti-unting bumabalik ang kulitan, ang mga kwentuhan sa lunch break at ang simpleng mga tinginan na puno ng pag-unawa. Hindi na sila nagmamadali. Hindi rin sila naghahanap ng eksaktong label. Sapat na ang prensya. Sapat na ang katahimikan na hindi awkward.
Sa bawat pag-uusap, naroon ang katahimikan ng dalawang pusong parehong sugatan noon. Pero ngayo’y marunong makinig sa tibok ng isa’t isa. Isang gabi, matapos ang isang matagumpay na community outreach, inimbitahan ni Elvin Cileya sa isang tahimik na karindirya. “Dito ako madalas kumain noon. Naalala mo pa ba ‘to? Tanong niya habang nagbubuhos ng sabaw sa bulalo.
Tumango si Leya napangiti. Naalala ko, dito rin kita tinanggihan dati. Humigop siya ng sabaw saka nagbiro. Masarap pa rin pala kahit puro ala-ala. Pareho silang natawa. Hindi masakit kundi puno ng pag-asa. Habang naglalakad sila pauwi sa ilalim ng buwan, walang direktang pangakong binitawan. Ngunit sa paraan ng paglalakad nila, magkatabi, dahan-dahan, magaan, alam nilang may bagong simula na silang pinapanday.
Hindi man tiya kung saan hahantong, sigurado silang handa na silang harapin ito kasama ang isa’t isa. Lumipas ang mga buwan at mas lalong naging malapit sina Leya at Elvin. Mula sa pagkakabali ng nakaraan, unti-unti nilang binuo ang bagong kasaysayan. Wala ng galit, wala ng hinalakit. Tanging respeto, tiwala at dahan-dahang pagmamahal.
Hindi man nila sinabi agad ngunit bawat sulyap at galaw ay may sinserong damdamin. Ang dati nilang agwat ng propesyon, estado at nakaraan ay wala ng saysay ngayon. Isang gabi habang nasa ilalim sila ng mga ilaw ng kampanya ng isa sa mga barangay outreach program, humawak si Elvin sa kamay ni Leya. Kung noon ay hindi pa tamang panahon, siguro ngayon ay oras na.
Anya, tahimik si Leya. Pero nang makita niya ang mga mata nitong puno ng sinceridad, dahan-dahan siyang tumango. Oo, Elvin. Ngayon, ngayon nahanda na ako dahil ngayon nakikita na kita hindi bilang tagabenta ng buko kundi bilang taong higit pa roon. Makaraan ang anim na buwan, isang simple pero taospusong proposal ang ginawa ni Elvin sa lugar kung saan sila unang nagkita sa ilalim ng puno ng akasya sa labas ng ospital.
Walang mamahaling singsing. Isang maliit na kahon lamang na may simpleng band. Pero ang kahulugan ay napakalalim. Si Leya na dating tumalikod sa kanya ngayon nakangiting lumuluha habang nagsasabing oo. Hindi dahil sa pressure, hindi dahil sa yaman, kundi dahil sa pagmamahal. Ang kanilang kasal ay ginanap sa isang maliit na chapel sa probinsya.
Dinalha ng mga taong minsang naging bahagi ng kanilang magkaibang mundo. Mga doktor, may vendor, may volunteer, may magsasaka. Wala ng class divide, wala ng kahihian. Tanging pagmamahalan ang nangingibabaw. Sa bawat panatang binitiwan nila, naroon ng mga aral ng nakaraan na minsang lumaban ng pride ngunit nanaigang puso.
At sa huli pinatunayan ng tadhan na kahit gaano kalayo ang agwat ng mga bituwin, kapag itinakda nitong magtagpo ang dalawang kaluluwa. Wala itong pakialam sa propesyon o yaman o sa nakaraan. Ang mahalaga, pareho silang natutong magmahal muli ng totoo, ng puo at ng may pagpapakumbaba. Sapagkat sa tunay na pag-ibig, dadhana ang nagsimula, ang dalawang puso pa rin ang siyang magtatapos.
Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa estado sa buhay kundi sa kabutihan ng puso. Matutong huwag husgahan ang isang tao batay sa kanyang panlabas na anyo sapagkat maaaring siya ang taong itinadhana para sao. At diyan nagtatapos ang isa na namang kwento ng buhay na puno ng aral, damdamin at pag-asa. Sa dulo ng bawat pagsubok.
News
TH-“TRYCICLE DRIVER ka LANG!” LUMUBOG Na Lamang Sila sa KAHIHIYAN!!
Ako nga pala si Marcos at ito ang istorya ng buhay ko. Ang amoy ng tambutso ng lumang tricycle ni…
TH-ANAK NG MAYAMANG AMO, SINUNDAN SA PROBINSYA ANG YAYA NA NAGPALAKI SA KANYA!! Bakit???
Ako si Jolina. Ang aking buhay ay isang mahabang magulong kalye. Puno ng alikabok at ng mga pilat ng gulong…
TH- Ang Hindi Inaasahang Delivery Rider
Lumaki si Carla sa isang barong-barong na nababalutan ng kalawang at tuyong putik. Ang kanyang kabataan ay puno ng bulungan,…
TH-DALAWANG PUSO – DALAWANG DAKILANG PAG-SAKRIPISYO
TH-DALAWANG PUSO – DALAWANG DAKILANG PAG-SAKRIPISYO Ang kuwentong ito ay tungkol kay Doktor Gabriel Reyz, isang mahusay na cardiac surgeon,…
TH- Ang Pulubi at ang Sikreto ng Ospital
Kabanata 1: Ang Arogansya at ang Kabutihan Ang St. Jude Medical Center, na dapat ay isang santuwaryo ng pagpapagaling, ay…
TH-TUMAKAS ANG DALAGA SA BINTANA PARA MAKIPAG-DATE NANG HINDI ALAM NG PARENTS NIYA, PERO GUSTO NIYANG HIMATAYIN NANG ANG NA-BOOK NIYANG DRIVER SA APP AY ANG SARILI NIYANG TATAY
Alas-onse na ng gabi. Sigurado si Trina na tulog na ang kanyang mga magulang. Mahigpit kasi ang tatay niyang si…
End of content
No more pages to load






