Ricky Lee, kinumbinsi si Nora Aunor maging bahagi ng Isang Himala
Ricky Lee, “hihilahin” si Nora Aunor na um-attend ng MMFF 2024 awars night.
National Artist Ricky Lee on what he told National Artist Nora Aunor: “Aminin na natin, Guy, mula noon hanggang ngayon, bahagi ka ng Himala the film. Hindi na iyan mababago at hindi matatanggal. ‘Kung yung pelikula, patuloy na nabubuhay up to now, maski na iba-ibang reincarnation, bahagi ka nun. Dala-dala ka nun. Dala-dala tayong tatlo nina Ishma, e. So, let’s well take part.Natuwa si National Artist Nora Aunor nang mabalitaang isasapelikula ang Himala The Musical, kung saan bida si Aicelle Santos bilang Elsa.
Ang rock musical na Isang Himala ay hango sa MMFF 1982 official entry na Himala na pinagbidahan ni Nora, sa direksiyon ni National Artist Ishmael Bernal.
Noong 2019, dinala ko siya [Nora] sa preview ng musical,” kuwento ng scriptwriter na si National Artist Ricky Lee sa mediacon ng MMFF 2024 entry na Isang Himala noong Disyembre 4, Miyerkules, sa VS Hotel sa EDSA, Quezon City.
“Tuwang-tuwa siya, e. Humanga siya noon kay Aicelle. Sabi niya, ang husay-husay ni Aicelle.
“And then, yun, lumipas ang mga taon. And then nung ginagawa na namin ito, nilapitan namin siya.
“Kinausap ko siya, ‘Puwede ka bang mag-participate dito sa pelikulang ito?’ Hindi kami nagdalawang-salita, e.
“Nag-yes siya agad. Sabi niya, ‘Oo, Kuya. Mahalaga yan, e. Legacy yan.’
“Sabi ko, ‘Hindi ka nag-alangan na parang uulitin, gagawin yung una?’ ‘Hindi, Kuya. Intact na yun, e. Yun na ang pelikula noon. Ito ngayon, bago.’”
NORA AUNOR WILL ALWAYS BE PART OF HIMALA
Iyong huling linya sa trailer ng rock Isang Himala ay tinig ni Ate Guy (palayaw ng Superstar na si Nora).
Dagdag ni Sir Ricky, “Kasi, sabi ko kay Guy, ‘Aminin na natin, Guy, mula noon hanggang ngayon, bahagi ka ng Himala the film. Hindi na iyan mababago at hindi matatanggal.
“‘Kung yung pelikula, patuloy na nabubuhay up to now, maski na iba-ibang reincarnation, bahagi ka nun. Dala-dala ka nun. Dala-dala tayong tatlo nina Ishma, e. So, let’s well take part.’”
Si Sir Ricky lang ba ang humikayat kay Ate Guy upang mag-participate ito sa Isang Himala?
“Kinausap ko siya, kinausap siya ni Madonna [Tarrayo, producer], pero talagang tinutukan ko siya at nag-usap kami kung ano ang gagawin, kung ano nga ba et cetera,” lahad ni Sir Ricky.
“Kung ganito kaya? Kung ganito kaya? Kaya lang parang hindi maganda kung ganun, huwag na lang kaya. Kung ganito kaya?
So, prinoseso naman namin. Pinag-usapang mabuti kung ano ba talaga ang pinakamagandang participation mo na hindi naman mamamaliit ka.
“But on the other hand, hindi naman parang nakikisingit ka.”
Ang Isang Himala ay idinirek ni Pepe Diokno, na best director sa MMFF 2023 para sa GomBurZa.
Maliban kay Aicelle Santos, nasa cast din ng Isang Himala sina David Ezra bilang Orly, Kakki Teodoro bilang Nimia, Bituin Escalante bilang Aling Saling, Sweet Tiongson bilang Mrs. Alba Floyd Tena bilang pari, Neomi Gonzales bilang Chayong, Vic Robinson bilang Pilo, at Joann Co bilang Sepa.
Nang mapabalitang isasapelikula ang Himala The Musical, naitanong agad kung magka-cameo ba rito si Nora Aunor.
Saad ni Sir Ricky Lee, “Unang-una, andaming mga Noranians ang nagtatanong, ‘May participation ba si Guy? Sana, may participation si Guy.’
“Ine-expect nila na laging kakabit si Guy pag may Himala. So, andaming nagtatanong.
“And then ikalawa, naniniwala ako dun sa sinabi ko kanina, na saan man magpunta ang Himala, hindi na kaming tatlo nina Ishma maihihiwalay doon.
“So sinabi ko sa kanya, ‘Participate na tayo, Guy.’ Nahihiya si Guy, e, typical Guy, nahihiya, ‘Naku, Kuya, baka kung ano ang sabihin ng mga tao. Nakikisingit. Ganito, et cetera, et cetera.’
“Sabi ko, ‘Hindi, Guy. Karapatan mo. Pag sinabing Himala, ikaw yon. Hindi ka mapapantayan.’”
Ako, naniniwala akong may Himala. May Ate Guy iyan!!!

Magre-reunion ang mga artista ng MMFF sa awards night ng 50th MMFF sa Disyembre 27, Biyernes, sa Solaire Resort sa Parañaque.
Sa kasaysayan ng MMFF, bukod-tanging si Nora ang nagkamit ng award bilang best performer para sa Atsay (1978).
Si Nora rin ang may pinakamaraming best actress trophy sa MMFF… pito.
Ito ay para sa mga sumusunod na pelikula:
Ina Ka Ng Anak Mo (1979), katabla ang co-star na si Lolita Rodriguez
Himala (1982)
Bulaklak sa City Jail (1984)
Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina (1990)
Ang Totoong Buhay ni Pacita M. (1991)
Muling Umawit Ang Puso (1995)
Thy Womb (2012)
Ang tanong, a-attend kaya si Ate Guy sa 50th MMFF Gabi ng Parangal?
Sabi, nagtatampo raw si Ate Guy dahil hindi nakapasok ang kanyang Pieta sa MMFF 2023, at this year ay ligwak din ang kanyang Mananambal?
“Hilahin ko siya…”
Si Sir Ricky lang daw ang may powers na hilahin si Ate Guy para dumalo sa 50th MMFF Gabi ng Parangal.
“Ito [Isang Himala] naman, alam niyang MMFF entry ito. And yet, nag-participate siya, e,” sabi ni Sir Ricky.
“Hindi siya nagdalawang-isip nung kinausap ko. Hindi na siya nagsabing… kasi, si Guy, magpaprangka yan, ‘Kuya, huwag na.’ Maggaganun siya.
“Hindi naman siya nagganun, e. So, malakas ang loob ko na siguro naman. “Pag hindi ko nagawa, huwag niyo akong sisihin. Try ko siyang i-convince.”
News
Inampon ng guro na hindi kailanman ikinasal ang kanyang inabandunang estudyante na naputol ang binti. Pagkalipas ng dalawampung taon, naantig ng bata ang milyun-milyong tao…
Si Propesor Don Ernesto Ramírez ay nagturo ng panitikan sa isang pampublikong hayskul sa labas ng Mexico City, malapit sa Iztapalapa. Kilala siya…
Ako ay 65 taong gulang. Nagdiborsyo ako limang taon na ang nakararaan. Iniwan sa akin ng ex husband ko ang bank card na may 3,000 pesos. Hindi ko ito hinawakan. Pagkalipas ng limang taon, nang i-withdraw ko ang pera… Ako ay paralisado.
Ako ay 65 taong gulang. At pagkatapos ng 37 taon ng pagsasama, iniwan ako ng lalaking halos buong buhay ko…
Siyam na taon matapos silang mawala sa kabundukan… Tanging ang aso lamang ang bumabalik
Isang Golden Retriever ang Bumalik Pagkatapos ng 9 na Taon – at Humantong sa Kanila Pabalik sa Katotohanan Ang Golden…
Kinaladkad ako ng aking asawa sa gitna ng bakuran, pinahiya sa harap ng dalawang pamilya at saka inahit ang ulo at pinahiran ng apog para lamang “mapasaya” ang kanyang kabit na buntis ng kambal na dalawang lalaki. Ngunit sa gabing iyon, tahimik kong pinirmahan ang isang papel—hindi iyon divorce paper, kundi…
Noong araw na iyon, kinaladkad ako ng aking asawa palabas sa bakuran, sa harap ng kanyang mga kamag-anak, ng aking…
Ibinuhos ng asawa ang bagoong sa ulo ng kanyang asawa para lang pasayahin ang buntis niyang kabit na may dinadalang anak na lalaki. Ngunit hindi niya inakalang makalipas lamang ang sampung minuto, ang paghihiganti ng buong pamilya ng babae ay magpapatumba sa “third party” nang hindi man lang ito makakilos…
Ang lalaking minsan kong tinawag na asawa—sa harap ko at sa babaeng karelasyon niya—ay diretsong ibinuhos ang isang mangkok ng…
Nang malaman ng aking biyenan na kumikita ako ng ₱100,000 kada buwan, mariin niyang iginiit na dalhin ang tatlo niyang kapatid na lalaki mula sa bukid upang tumira kasama namin, at inutusan pa akong pagsilbihan sila araw-araw. Tahimik akong nagplano sa aking isipan, at makalipas lamang ang isang araw, may isang bagay na lubos na hindi inaasahan ang biglang nangyari…
Nang malaman ng biyenan kong babae na kumikita ako ng ₱100,000 kada buwan, bigla siyang nagbago.Hindi na siya mapanlait, hindi…
End of content
No more pages to load






