Mainit ang tanghali nang mapansin ni Mara ang isang lalaking nakatayo sa labas ng sari-sari store. Payat, maputla, halos lulubog ang pisngi sa sobrang kapayatan. Mukhang mas matanda siya sa tunay niyang edad—pero halata sa mata ang kabataang nawala dahil sa pagod.

Nakahawak siya sa kartong may nakasulat na:
“Kahit anong trabaho po. Hindi humihingi, handang magbanat ng buto.”
Napahinto si Mara. May kakaibang kirot sa dibdib. Parang may pamilyar sa mukha ng lalaki.
Lumapit siya. “Kuya… ilang araw ka na dito?”
Nagulat ang lalaki, pero ngumiti nang mahina. “Tatlong araw na ho, Miss. Kahit anong trabaho tatanggapin ko. Hindi ako humihingi ng limos… gutom lang po talaga ako.”
May pagod sa boses nito, ngunit mabait. At mas lalo siyang napatitig—dahil kahit payat, kahit gusgusin, may bakas ng chipinong mukha na parang nakita niya na dati.
“Kung pwede,” sabi ni Mara, “sumama ka muna sa akin. May pagkain sa bahay.”
Nanlaki ang mata niya. “H-ha? Hindi niyo naman ako kilala, Miss.”
Ngumiti si Mara. “Hindi kita dadalhin doon para magtrabaho. Basta… sumama ka lang.”

Pagdating sa bahay, agad niyang hinainan ang lalaki. Hindi na ito nagpakipot—kumain agad, nanginginig ang kamay, parang matagal nang hindi nakakain ng disente.
Tahimik lang si Mara habang pinagmamasdan siya. May alaala sa isip niya na pilit humahabol.
“Anong pangalan mo?” tanong niya.
Tumigil ito sandali, parang nahihiya. “Rico… Rico Salazar.”
Para siyang biglang kinabahan.
“Rico… Salazar?” bulong niya.
“Rico na… laging nasa likod ng classroom? Rico na editor ng school paper? Rico na lagi kong pinakokopyahan ng Science homework?”
Natigilan ang lalaki. Dahan-dahan siyang tumingin kay Mara, at para bang doon niya lang napansin ang mukha nito.
“M-Mara? Mara Lim?”
Ngumiti si Mara, may namumuong luha. “Diyos ko… ikaw nga! Kaklase kita noon! Ba’t ka… ba’t ka nagkaganito?”
Napayuko si Rico, labis na nahihiya. “Mara… ang dami kong pinagdaanan. Nawalan ng trabaho, nalubog sa utang, nagkasakit si Mama… tapos naaksidente ako sa construction. Hindi na ako tinanggap kahit saan.”
Tumaas ang balikat niya sa paghinga. “Ayokong manghingi… pero wala na talaga.”
Hindi nakatiis si Mara. Tumayo siya at niyakap ang payat na katawan ng dating kaklase.
“Rico… hindi kita hahayaang mahulog pa,” bulong niya. “Hindi trabaho ang ibibigay ko sa ’yo. Tulong. Long-term na tulong.”
—
Kinabukasan, habang nagkakape sila, may kausap si Mara sa telepono.
“Oo, Manager Leo. May i-rerekomenda ako. Maaasahan ’to, mabait at may experience sa warehouse at admin work.”
Ilang sandali pa, tumango si Mara. “Sige, po. Papuntahin ko siya sa interview bukas.”
Napatingin si Rico, kabado. “Mara… sobra ’to. Hindi ako sanay na tinutulungan.”
“Sanayin mo na sarili mo,” sagot ni Mara sabay ngiti. “Buhay mo ’to. Hindi ko hahayaan na mawala ka.”
Napaupo si Rico, namumula ang mata.
“Mara… bakit mo ginagawa ’to?”
“Tinutulungan mo ako noon nung wala akong kaibigan,” sagot niya. “Ikaw ’yung humaharang sa mga bully. Ikaw ’yung nagpapatawa sa akin noon kahit may problema ako sa bahay. Hindi ko nakalimutan ’yon… kahit 14 years na.”
Humigpit ang hawak ni Rico sa mesa. Kasabay ng pagluha, huminga siya nang malalim.
“Salamat, Mara… hindi mo alam kung ilang beses kong hinangad na may mag-abot ng kahit kaunting pag-asa.”

Lumipas ang ilang linggo, at tuluyang gumanda ang buhay ni Rico. May trabaho na siya, may inuupahang maliit na kwarto, at nakikita na sa mukha niya ang lakas na nawala noon.
Isang hapon, sabay silang naglakad papunta sa community center. May batang nag-aalok ng basahan. Umikot agad si Rico at binilhan ang bata ng lima, sabay abot ng dagdag na barya.
“Hindi dahil kailangan ko,” sabi niya habang lumalakad sila ulit, “kundi dahil may isang Mara ring dumating sa buhay ko.”
Natawa si Mara pero may luha ng tuwa sa mata.
“Rico… ang gusto ko lang ay mabawi mo ang sarili mo. Ang pangako mo lang—”
“Tumulong din ako sa iba,” putol ni Rico. “Oo. Pangako. Dahil may nagligtas sa akin na hindi ko inasahan.”
Nagpatuloy silang naglakad, magkatabi, magaan ang puso.
At para bang nakangiti rin ang langit sa kanilang ibabaw.
Minsan pala… ang taong minsang nagligtas sa ’yo noon nang hindi niya alam, siya ring ililigtas mo ngayon. At ang kabutihang minsang binhing maliit, kapag itinanim mo sa puso ng iba… bumabalik nang sampung ulit na mas maganda.
News
NAPANSIN NG INA NA ANG KANYANG ISANG-TAONG GULANG NA ANAK AY LAGING NAKIKINIG SA PADER TUWING GABI—NANG PAKINGGAN NIYA ITO, AGAD SIYANG TUMAWAG NG PULIS
Tahimik ang buong bahay tuwing alas-diyes ng gabi—maliban sa isang bagay. Si Althea, isang 24-anyos na ina, ay napansin na…
NALAMAN KONG SINIRA NG AKING ANAK ANG PRENO NG SASAKYAN DAHIL GUSTO NIYANG MAWALA ANG KANYANG STEP-DAD SA BUHAY NAMIN—NANG NALAMAN KO ANG KATOTOHANAN, LAHAT NG TAO SA OSPITAL AY NATIGILAN SA AKING REAKSYON
Hindi ko malilimutan ang tunog ng teleponong tumawag sa akin nang gabing iyon—isang mahabang, malamig, at gutom na tunog…
AKALA NIYA PAGBISITA LANG NG NANAY NIYA SA KULUNGAN — PERO ANG SINABI NG PULIS AY NAGPAWALIS NG DUGO SA MUKHA NIYA
Malamig ang hangin sa loob ng Visitation Area ng Batangas City Jail, kahit pa siksikan ang mga taong naghihintay ng…
Araw-araw, ang isang 3-taong-gulang na batang lalaki ay gumugugol ng 8 oras sa parehong bench. Iniisip ng mga tao na naglalaro lang siya—hanggang sa ang isang jogger ay tumingin nang mas malapit at matuklasan ang isang bagay na hindi inaasahan ng sinuman…
Ang ulan ay tumigil ilang oras bago bukang-liwayway, na nag-iiwan ng mga kalye ng Portland madulas at sumasalamin, hawak ang…
Kinuha ng manugang ko ang bill sa hapunan, na nanunuya, “Kinansela ko ang iyong mga card. Pinamamahalaan ko ang pamilyang ito ngayon.” Tumingin lang ang anak ko, nahihiya. Hindi ako sumigaw. Ngumiti lang ako, lumabas, at nag-dial ng numero na may label na ‘Protocol Zero.’
Sa gabi na sinubukan ng aking manugang na patalsikin ako, ang mga kutsilyo ng steak ay kumikinang pa rin sa…
Ang kabit ng asawa ay nagpunta mismo sa bahay para piliting ahitin ang ulo ng buntis na asawa, ngunit hindi pala basta-basta ang legal na asawa. Pagkalipas lamang ng 10 minuto, ang ginawa ng babae ay nagpatigil at nagpahanga sa buong baryo…
Dumating ang asawa ng asawa sa bahay para magtanong sa unang pagkakataon, ngunit hindi tama ang pangunahing bahay Ang buong…
End of content
No more pages to load






