Mainit at maalinsangan ng hapon nang tumayo si Aliana sa gilid ng maliit na hardin ng munting munisipyo kung saan magaganap ang civil wedding ng kanyang ina. Pinupunasan niya ang pawis sa noo habang pinapanood ang mga taong abalang naghahanda. Hindi niya inaasahan na ganoon kabilis. Isang buwan lang ang lumipas mula ng ipakilala ng mama niya ang lalaking nagngangalang Rodolfo o si Rudy Vergara at ngayong araw na mismo ay ikakasal ang mga ito.

Hindi pa man kumbinsido si Alyana sa ideyang may bagong ama na siya ngunit pinilit niyang huminga ng malalim at ngumiti habang nakaupo sa upuan. Anak, ayusin mo naman ang buhok mo.” bulong ng mama niya sabay kabig sa ilang hibla na humuhulagpos sa buhok ni Aliana. “Espesyal ang araw na ito ngayon. Huwag ka ng mukhang pagod.” Hindi nagreklamo si Aliana. Opo, ma.

Pero sa loob-loob niya, medyo mabigat ang nangyaring kasalan. Hindi niya masabi sa kanyang ina ang mga iniisip niya at mga saloobin. May kutob siyang magbabago ang lahat pagkatapos ng araw na yon at hindi siya siguradong gusto niya ang pagbabagong yon. Maya-maya pa ay dumating si Rudy sa may pintuan.

Matangkad ito, medyo maputi at naka-long sleeves. Tumitig ito kay Alyana Saglit ng malamig na para bang isa siyang bagay na sinusuri. “Magandang hapon po,” bati ni Aliana. Magalang ngunit hindi sigurado kung dapat bang ngumiti. Tumango lang si Rudy ng walang emosyon. Wala man lang pagbati, parang hangin lang siya. Sumunod naman kay Rudy ang dalawang batang babae na sina Crystal at Macy.

Halos magkasing edad, mga ling at 13 anyos siguro. Parehong maputi, nakapalda na may kulot-kulot sa dulo, at parehong nakakunot ang ilong [musika] habang tinitingnan si Aliana. Ah, sabi ni Crystal. Bumulong pero sapat na para marinig niya. Siya ba yan? Siyang anak ng mapapangasawa ni papa. Umismid naman si Mayy.

Parang hindi siya kamukha ni tita. Doon pa lang ay ramdam ni Aliana ang pinaghalong irap at pangungutya sa mga mata ng dalawang magkapatid. Mas matanda siya sa mga ito. 18 years old na siya kaya hindi niya papatulan ang mga batang yon. Tumayo na lang si Alyana ng tuwid at bahagyang yumuko bilang pagbati. Hello, halatang maldita sina at Crystal.

Tiningnan pa ang suot niya na parang nakakadiri iyon. Hindi na lang niya ginawang big deal. Alam niya na may mga ganoong bata. Tiningnan ni Aliana ang suot niya. Isang simpleng bestida ‘yon na bulaklakin. Alam niyang yon ang pinakasosyal niyang damit kahit medyo luma na. Wala naman siyang nakikitang maloon. Lumapit ang kanyang mama at gumaway sa pamilya ni Rudy. Ayan na pala kayo.

Ito nga pala ang ate Alana ninyo. Mabait yan. Sure akong magkakasundo kayo pero parang hindi niya kayang maging ate kina at Crystal. Parang ayaw naman din sa kanya ng dalawang bata. Mukhang hindi niya makakasundo ang mga ito. Plastic pangumiti sa kanya na para bang hindi nagmaldita nang nakatalikod kanina ang kanyang nanay.

Ngumiti ang mama ni Aliana na hindi namamalayan ang tensyon. Oh Rudy! O si Aliana anak ko. Tumango si Rudy. Oo nakita ko na anak. Sabi ng kanyang ina at hinawakan ang braso niya. Simula ngayon kumpleto na tayo. May buo na tayong pamilya. Kailan niya ba hinangad ang buong pamilya? Okay na naman sa kanya ang mama niya.

Nabuhay naman siya kahit ito lang ang kasama sa buhay. Gusto nito ng pamilya pero hindi niya ‘yun makita sa mga mukha nina Rudy at ng mga anak nito. Nagsimula ang maikling seremonya. Ang officiant ang nagbasa ng ilang linya. Nagpalitan ng mga idol ang mga ito habang pinapanood yon ni Aliana, hindi niya mapigilang mapaisip pamilya nga ba talaga ang mabubuo sa kanila.

Pilit siyang ngumiti at pumalakpak. Pero ‘yun kasi ang gusto ng mama niya. kung saan masaya ang kaniyang ina, susubukan niyang maging masaya rin sa pinili nitong buhay. Pagkatapos ng seremonya, may simpleng salo-salo sa bahay nila. Habang kumakain ang lahat, naupo si Alyana sa dulo ng mesa at nag-iisa. [musika] Hindi siya sinama sa pag-uusap.

Wala rin siyang imbitasyon mula kina Crystal at Macy. Habang nilalaro niya ang tinidor, may biglang tumapik sa balikat niya. Anak, hali ka dito. Usap ka naman sa mga step sisters mo. Kilalanin mo sila. Napilitan siyang sumunod nang makaupo siya sa tabi nina Crystal at Macy. Agad siyang sinuri ng dalawa mula ulo hanggang paa.

Yun na naman na para bang hindi siya mas matanda sa mga ito. So sabi ni Crystal, “Il taon ka na nga ulit?” “18.” Sagot ni Aliana. “Mmm.” Sagot ni May at napangisi. Akala ko mas matanda kasi parang parang mas mukha ka pang nanay kaysa kay tita. Umigting ang panga ni Aliana. Ano yon? Wala naman. Sagot ni Crystal at sumubo ng pagkain. Hindi alam ni Aliana kung matatawa ba o maiinis. Hindi siya pala ayos.

Buhaghag din ang kanyang buhok at medyo wala siyang style sa pananamit. May hulma rin ang katawan niya kaya kapag malaman siya napagkakamalan siyang may anak na. [musika] Pero hindi yun dahilan para pagtawanan. Makalipas ang ilang linggo mula ng ikasal ang mama niya at si Rudy. Unti-unti ng naramdaman ni Aliana ang bigat ng bagong pamumuhay.

Ibang-iba na talaga sa pakiramdam niya lalo na at lumipat sila sa bahay ng asawa ng kanyang ina. Mas malaki yon kaysa sa dating apartment nila ng mama niya at may sarili siyang kwarto. Hindi pa man sumisikat ng husto ang araw, nagising siya sa ingay sa kusina. May nagtatawanan at may nag-uusap ng malakas.

Bumangon siya at nag-ayos ng buhok saka lumabas. Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang boses ni Crystal. “Tita, bakit ba niya ginagamit yung baso ko? Kadiri kaya?” Napahinto si Alyana sa paghakbang. May reklamo na naman yata ang anak ni Rudy tungkol sa kanya. [musika] Nang bumaba siya, nagkatinginan sila ng kanyang ina.

Napailing ang mama niya na tila hindi alam kung paano aayusin ang sitwasyon. Aliana anak, next time gamitin mo na lang ang lumang baso sa cabinet ha para walang gulo. Naramdaman agad ni Aliana ang unfairness sa tono ng kanyang ina. Alam niyang mas matanda siya pero para makuha ang loob ng mga anak ni Rudy, [musika] parang siya lagi ang kailangang mag-giveaway.

Masyadong pinaluluguran ang mga stepdaughters nito na halatang [musika] mga spoil brat, maarte at maldita. Opo, sagot na lang ni Aliana. Hindi ko na po gagalawin ang mga gamit nila. Pasensya na. Hindi ko naman po alam na may kanya-kanya silang baso rito. Bumulong-bulong si Macy na nag-aayos ng cereals nito.

Baka maitim pa ang labi mo. Kumapit na rin sa amin. Narinig yun ni Aliana at kahit pilit niyang itago, kumirot ang dibdib niya. Nakakainsulto talaga ang dalawa niyang step sister. [musika] Naiini siya lalo kapag nai-insulto ng mga ito ang kulay niya. Morena kasi siya samantalang mapuputi ang mga ito [musika] kahit ang mama niya ay maputi rin.

Namana niya kasi ang kulay niya sa kanyang ama. Pero sa halip na supalpalin ang mga ito, ngumiti siya ng mahina. Diyan ka sa dulo, Aliana. Utos ni Rudy. Masikip dito sa malapit eh. Napatingin si Alyana sa bakanteng upuan sa tabi ng kanyang ina. Bakante naman yon pero tumayo siya. Dinala ang pinggan sa dulo at umupo.

Wala siyang karapatang magreklamo sa bahay na hindi naman sa kanya. Tiningnan niya ang mama niya pero parang hindi naman yun big deal dito. Napabuntong hininga na lang si Alyana. Habang kumakain sila, sina at Krista lang ang maingay. >> [musika] >> Nag-uusap tungkol sa bagong sapatos, bagong bag at gustong bilhin. Hanggang sa napatingin sa kanya si Crystal.

May skin care ka ba? Kasi parang kailangan mo na. Mahal [musika] ang skin care niya no? Dagdag ni Mayy. Tapos hindi naman gumagana. Maitim pa rin [musika] na patigil ang kanyang ina. Hindi siya gumagamit ng skin care saka namana niya ang kulay niya sa kanyang tunay na ama. Hindi na lang nagsalita si Aliana. [musika] Wala na siyang pakialam sa komento ng mga ito.

Hindi na rin siya umaasa sa nanay niya na maging kakampi niya sa lahat ng oras. Nanay niya ito at alam niyang hindi ito perpekto. May mga pagkukulang sa kanya pero tinatanggap niya pa rin kasi mahal niya ito at ito pa rin ang nagluwal sa kanya. Pagkatapos kumain, nagligpit siya ng mesa kahit hindi siya inuutusan. Nakaugalian niya na yon mula pagkabata.

Sinusubukan niya ang best niya na makisama sa bagong pamilya na kasama nila. ‘Yun nga lang minsan [musika] ay nakakapikon ang mga ito. Katulad ng kapag maglalabas siya, gusto pa nina at Crystal na isabay ang mga damit nito. Mga wala namang ginagawa. [musika] Makalat din sa bahay at walang kusa. Mama niya pa ang naglilinis at ang pagiging basto sa kanya mas lalo lang lumalabas.

Aliana, sabi ng kanyang ina isang beses. Huwag mo n dibdibin ang mga bata. Nagbibiro lang naman sila. Mama, mahina niyang sagot. Hindi po biro ang ginagawa nila. Saka aminin mo ma, may mga ugali talaga silang hindi magaganda. Pinapakisamahan ko lang talaga sila dahil dito tayo nakatira sa bahay ni Tito Rudy at siyang nagpapakain sa atin ngayon kasi wala kang trabaho.

Pero kung ako lang mama, mas maiging bumalik ka sa work para may sarili kang pera. Ayaw nga ni Rudy na mag-work ako. Mas gusto niya na nandito ako at inaalagaan kayo napahawak ang kanyang inasabwang. Sensitive ka lang din sa mga ginagawa nina at Crystal. Saka bago pa lang tayo dito. Pakisamahan mo muna. Pakikisama.

Pero sa pakikisamang yon, ramdam niyang unti-unti ng lumalayo ang kanyang ina sa kanya. Baka isang araw ay magising na lang siya na wala na siyang kwenta para sa nanay niya. “Ma, sambit ni Aliana. Minsan ginagamit nila ang gamit ko ng walang paalam. Kapag ako naman ang gumagamit ng kanila, ang dali nilang magalit.

Tinatawag pa akong maitim at mukhang nanay. Pinagtatawanan nila ako, ma. Mas matanda ako pero wala silang respeto. Eh ano, hayaan mo na. Mas bata sila kaya intindihin mo na lang. Saka mag-diet at mag-ayos ka kasi para hindi ka napupula ang mukhang nanay. Sakayang buhok mo. Ayaw mong ipa-reband. Sabi mo ayaw mo kasi aksiya sa pera at mas gusto mong mag-ipit.

Sabi ng kanyang ina na mas lalo pang nagpababa ng tingin niya sa kanyang sarili. Umiwas ng tingin si Aliana. Para sa kanya okay naman ang buhok niyang buhaghag. >> [musika] >> Nanghihinayang siya sa pera na gagastusin sa parlor. Kung magpapa-reband siya, siguro ay kapag may trabaho na lang siya.

Ine-embrace niya rin ang kanyang skin color. Pero sa bahay na yon, palaging may discrimination. [musika] “Hindi mo man lang ako dinedepensahan, mama.” bulong niya. Hindi mo man lang ako kinampihan. Tumikim ang kanyang ina. “Anak, hindi ito tungkol sa kampihan. Kailangan natin makisama kay Rudy. Hindi siya sanay sa mga reklamo na ganito.

At itong dalawang bata anak niya. Syempre kasama sila sa pakikisamahan natin. Wala nang maisagot si Aliana. Tumalikod na lang siya at humiga. May gustong sabihin ang puso niya pero wala siyang lakas na ipaglaban pa ‘yon. [musika] Kung hindi magiging tahanan ang bahay na ‘yon para sa kanya, gagawa siya ng tahanan. para sa sarili niya.

Hindi sa ngayon, hindi bukas. Pero balang araw makakaalis siya roon at wala ng sinoang makakapigil. Tahimik ang buong bahay ng umagang yon. Nakaupo si Alyana sa lumang mesa sa kusina. [musika] Hawak ang isang susulpot-sulpot na signal sa cellphone. Naghahanap na kasi siya ng scholarship para makapag-college siya.

Walang trabaho ang kanyang ina at hinding-hindi siya hihingi kay Rudy kaya kailangan niyang dumiskarte sa sarili niya. Habang nagta-type siya ng details sa application, narinig niya ang pababa na yabag ni Rudy mula sa hagdan. Mabigat at parang laging galit. Sumunod ang yabag ng magkapatid na sina Crystal at Macy. “Ma, anong ginagawa niyan?” tanong ni May at nakapamewang.

Hindi na kumibo si Aliana. Pumasok si Rudy sa kusina na parang yun ang hari ng [musika] bahay. “Ano yon?” Malamig nitong tanong at itinuturo ang papel na nakakalat sa harap niya. Inangat ni Aliana ang tingin. Sinusubukang maging mahinahon. Forms po pero sa scholarship. Nag-apply po ako for college.

Umangat ang kilay ni Rudy. Scholarship. Para saan pa? Hindi mo naman kailangan ng college. Marami namang trabaho kahit high school graduate ka lang. Huwag mong sabihing ako ang aasahan mong magpapaaral sa’yo. Sinagot niya naman ito agad. Hindi naman po ako umaasa sa inyo. Huwag po kayong mag-alala. Matanda na po ako at kaya ko ang sarili ko. Gusto ko pong mag-aral.

Plano ko pong kumuha ng entrance exam sa State University. Alam ko pong walang trabaho si mama. Huwag po kayong mag-alala. Mahihiya naman po ako. Hindi po ako aasa sa hindi ko naman magulang. Anak. mahinang saway ng kanyang ina. Pero hindi niya na ito pinansin. Bakit hindi ang asawa nito ang sawin? Bakit nangingialam pa sa kanyang mga desisyon? Hindi naman niya ito inubobligang pag-aralin [musika] siya.

Kahit sarili niyang ina na walang trabaho, hindi niya na inuobliga na magsustento sa pagpapaaral sa kanya. Hindi niya hahayaang si Rudy ang gumastos para sa kanya. Hindi niya naman ito tatay at hindi rin kailan man naging ganoon. Pagpasok niya sa kwarto, isinara niya ng marahan ang pinto.

Kwarto niya lang ang lugar na may kaunting kapayapaan. Pero nangangarap talaga siya na balang araw ay makakabukod na siya. Huminga siya ng malalim. Inilabas ang envelope na naglalaman ng mga naipon niyang maliit na pera galing sa mga sideline niya. 3,000 lang ‘yun pero para sa kanya napakalaki na non. ‘Yun kasi ang mga ginagamit niyang panggastos sa mga pag-aasikaso sa scholarship application.

Kinuha niya ang lumang laptop na halos mabali na ang hinge. Nag-search siya sa review materials for college entrance exam. Doon na lang siya magfo-focus kaysa isipin ang stepfather na halata namang ayaw sa kanya. at ang mga maldita niyang step sisters. Kinabukasan, maaga siyang umalis ng bahay.

Bitbit [musika] ang plastic envelope ng requirements. Hindi na siya nagpaalam. Sanay na rin naman siyang walang pumapansin. Pumunta siya sa unibersidad na gusto niyang pasukan. Habang nakapila roon, medyo nakaramdam siya ng gutom. ‘Yun nga lang, hindi niya alam kung paanong aalis sa pila. Wala siyang kasama kaya napatingin siya sa kanyang katabing lalaki.

Hi. Mahina niyang bati rito na hindi niya maintindihan kung bakit pamilyar sa kanya. Para kasing nakita niya na ito. Nanlaki ang mga mata ng binata at agad na inayos ang salamin. Hello. Tipid siyang ngumiti rito. [musika] Pwede bang pabantay ng pila ko? Nagugutom na kasi ako. Gusto ko sanang bumili ng pagkain.

Napalunok ang binata at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Um, sige iwan mo na lang ang mga gamit mo. O, pwede namang ako ang bumili para sa’yo. Umiling agad si Aliana. Ah, hindi. Nakakahiya. Ako na. Para naman makapamili ako ng pagkain ko. Ikaw may ipapabili ka? Naglabas agad ito ng 500 sa wallet. Um kahit ano kung anong sayo yun na lang din ang sa akin napangiti siya at tinanggap yon nang makarating sa cantin naghanap siya ng rice meal hindi niya alam kung ano ang gusto ng binata kaya pinili niya na lang ang tipikal na fried

chicken at rice. Bumili na rin siya ng dalawang bottled water. Nang makabalik agad niyang binigay ang para rito. Ah oo nga pala fried chicken ang binili kong ulam sa’yo. Napasinghap ito. Ah aha. Fried chicken. Napalingon si Aliana. Mmm. Bakit? May problema ba? Marahang umiling ang binata. Wala naman. Okay ako sa fried chicken press.

Doon siya natigilan sa tinawag nito. Press. Bahagya itong ngumiti. Ah ako si Ivan. Sim school tayo. Hindi mo siguro ako kilala. Suminghap si Aliana. M kaya pala pakiramdam ko parang pamilyar ka. Pamilyar ang mukha mo. Same school lang pala tayo ng pinanggalingan. May pigil na ngiti si Ivan at nagsimula ng kumain. Natawan na lang siya.

Hindi siya makapaniwala na nakasabay niya pa ito sa pila. Habang kumakain sila, napansin niyang kanin at gravy lang ang kinakain nito. Kahit kaunting kurot sa fried chicken, [musika] wala itong ginawa. “Bakit hindi mo kinakain ang ulam mo?” tanong ni Aliana. [musika] “Nagtiyaga ka lang sa Gravy.” Napalunok si Ivan at tumingin sa [musika] kanya.

“Um, allergic ako sa chicken.” Nanlaki ang mga mata ni Aliana. Ano? Bakit hindi mo sinabi agad? Nakakahiya ah. O palit na lang tayo. Burger steak ong sa akin. Bayaran na lang kita kasi mas mahal ang chicken eh. Dapat sinabi mo, “Makahiya, Aliana.” Malumanay nasaad ni Ivan. Nagpasabay ako say’yo hindi ko rin nasabi na allergic ako sa chicken.

Huwag mo ng bayaran. Napabuntong hininga siya. Akin na yung chicken mo. Burger steak na sa’yo. Sa araw na yon, naging body niya si Ivan sa pag-a-apply ng scholarship at pag-e-enroll. Sabay na rin silang kumuha ng entrance exam. Magkaiba sila ng gustong kunin na kurso pero pakiramdam niya kung makakapasok siya roon magiging kaibigan niya ito.

Pagkatapos ng araw umuwi na silang pareho. Hinatid pa siya nito hanggang sa bahay at labis niyang na-appreciate iyon. Gabi na rin kasi at medyo nakakatakot ng umuwi. Sa mga lumipas na araw, naghihintay lang siya ng paglabas ng results ng mga scholarship kung saan siya nag-apply. [musika] Halos nanginginig ang daliri niya habang naglo-load ang page.

Mabagal ang internet, mabagal ang oras. Pakiramdam niya ay mabagal din ang mundo [musika] hanggang biglang lumabas ang nakasulat at nakita niya ang listahan kung nasaan ang pangalan niya. May nag-send na rin sa kanya ng email. Congratulations, you passed the entrance examination. Natulala siya at napangiti, natawa at napaiyak. Thank you Lord.

Gusto niyang tumakbo, palabas at sumigaw. Pero alam niyang walang makikinig. Kaya tinakpan niya ang bibig habang umiiyak sa unan. Hindi niya alam kung paano niya babayaran ang tuition. [musika] Wala siyang alam paano magiging estudyante ng walang tulong. Pero may isang bagay siyang siguradong-sigurado. Yon ang simula ng buhay na pinangarap niya.

“Mag-aaral po ako mama!” sabi ni Alyana sa kanyang ina. Natigilan ito sa paghuhugas. Anak, hindi na kita kayang pag-aralin sa college mo. Mama, hindi naman po kita inuubliga. Ipinapaalam ko lang po. Mag-aaral po ako kasi nakapasa po ako sa scholarship. May kasama pong allowance yon. Bukod doon, may mga sideline naman po ako sa mga academic commission ko kaya ako na po ang bahala sa sarili kong pag-aaral. Napabuntong hininga ito.

Sige, ikaw na ang bahala. Basta dilinaw ko na sa’yo ha. Hindi ko kayang suportahan ang pag-aaral mo. Alam mo namang umaasa lang ako kay Rudy. [musika] Marahan na lang siyang tumango. Kaya nga nagkusa na siya. Siya na ang kumilos para sa kanyang sarili. Alam niyang wala ng aasahan sa mama niya at mas lalong wala kay Rudy.

Lumipas ang mga buwan, nagsimula na nga siya sa pag-aaral. Wala pa mang liwanag ay gising na si Alyana. Hindi na siya kumain ng almusal doon. Ewan niya ba. Hindi niya lang feel kumain ng pagkain sa bahay. Lalo na kapag galing [musika] sa asawa ng kanyang mama. Parang ang kahit pagtira niya roon sinusumbat na. Pagkain pa kayang kakainin niya.

Kaya kapag may extra siyang pera, [musika] sa labas na lang talaga siya kumakain. Hindi rin siya umuuwi agad. Mas madalas siyang magpagabi at sa labas mag-aral. Para kapag pupunta sa bahay, tutulog na lang siya. Naiinis din kasi siya sa magkapatid na sina Ma at Crystal. Punuan ang bus, kumapit siya sa handrill habang pinagpapawisan ng palad.

Ang bintana ay puno ng hamog pero kita niya ang araw na tila hindi rin excited magsimula. Habang nagbabasa ng lecture notes, ramdam niya ang sakit ng katawan dahil sa kulang na tulog. Bukod kasi sa trabaho niya sa printing shop na [musika] taga-sort ng papers ay nagle-layout ng IDs at nag-aabot ng resibo na gumagawa pa siya ng academic commission.

Isinasabay niya rin ang pag-aaral. As in kahit isang minuto ay wala siyang sinasayang. Kumukuha siya ng pagkakataon para makapag-aral. Pagdating niya sa unibersidad, huminga siya ng malalim. Medyo pangmayaman rin kasi talaga ang school na yon. Pero swerte siya kasi nakakuha siya ng scholarship at allowance. Nakapasa kaya si Ivan dito? Mahina niyang tanong sa sarili.

Sana [musika] nakapasa siya. Pero iniisip niyang kung hindi ito nakapasa, baka nasa ibang school na ito. Napagkwentuhan kasi nila na katulad niya ay marami rin itong school na sinubukan. Pagpasok pa lang niya sa room, nginitian siya agad ni Beya, ang una niyang naging kaibigan. Eliana, good morning. Late ka? Tanong ni Beya habang inaayos ang mga notes. Hindi naman sakto lang.

[musika] Umupo siya sa tabi nito. Nag-duty kasi ako kagabi sa printing shop. Hanggang 11 p.m. Napataas ang kilay ni Bea. Ha? Hala girl, kailangan mo pa ba talagang magtrabaho ng ganyan kadami? Humugot ng mahabang hininga si Aliana. Kailangan eh. [musika] Kahit naman scholarship at allowance ko, kailangan ko pa rin ng pera para sa panggastos ko.

Lahat ako ang sasagot sa pag-aaral ko. Tumango si Beya at may lungkot sa mata. [musika] Ang galing mo Alyana. Hindi ko kaya yung ginagawa mo. Ngumiti siya rito. Wala akong choice. Hindi rin naman kasi ako kayang suportahan ni mama sa pag-aaral. Yung sa bahay, stepfather ko ang may trabaho at hindi naman kami close non.

Para ngang wala siyang pakialam sa akin. Pero sa totoo lang, may choice naman si Alyana. Pwede niyang maging choice ang sumuko na lang o tumigil. Pero hindi niya gagawin ‘yon dahil walang mangyayari sa kanyang buhay kapag ginawa niya ‘yon. Pagkalabas ng campus, halos tumakbo siya papunta sa jeep. Kailangan niyang makarating sa printing shop kung saan siya nagpa-part time.

Pagkadating niya, sinalubong siya ni ate Lorna. Oh, Aliana, late ka ng 5 minutes ha. Pasensya na po, ate galing school. sagot ni Aliana at agad na nag-asikaso ng mga nagpapa-print. Ay naku, ewan ko ba sa’yo. Paano ba nagagawa yan kung ako yan matagal ng sumuko? Sabi ni ate Lorna habang nililinis ang counter. Napangiti si Aliana. Kailangan po eh. Masipag ka.

Sayang ka kung hindi ka makakapagtapos. Sabi pa nito. At doon sa simpleng salita, ramdam niya na mas may pamilya siya sa workplace, sa school kaysa sa mismong bahay na tinutuluyan niya. Kahit nakakapagod, inayos niya pa rin ang kanyang trabaho. Nang makauwi, pagod na pagod na siya. Nakatulog pa nga siya sa jeep pero sa halip na makapagpahinga, ‘yung dalawang malditang stop sister niya pa ang sumalubong sa kanya.

Ayan na siya. Late ka na namang umuwi. Siguro nagpa-party ka no? Sabi ni Crystal at nakataas ang paa sa sofa. Napahirap siya. Ayaw niya na lang magkomento. Nagmamadali na lang siyang umakyat at mabilis na pumunta sa kwarto. Pagpasok niya, isinandal niya ang likod sa pinto. Kung may ibang choice lang talaga siya, hindi na siya uuwi sa bahay na ‘yon.

Pero alam niyang mas mahihirapan siyang mag-aral kung pati bahay na matutuluyan ay poproblemahin niya pa. Kaya titiisin niya na lamang. Nang sumapit ang ikalawang taon niya sa kolehiyo, mas lalo niyang nararamdaman ang pressure. Parang wala siyang sandali para huminga. [musika] Hindi sa bahay, hindi sa eskwela, at lalo na hindi sa sarili.

At sa gitna ng mabigat na araw-araw parang mas lumulubog ang mundo para sa kanya. Kis ulit bukas. Napabulalas niyang bulong. Nasa library siya na kayuko sa table na puno ng yellow pad, [musika] photocopies at highlighter na halos wala ng tinta. Medyo nagulat siya dahil hindi niya pa nare-review ang scope ng quiz. Wala na kasi siya sa printing shop at inabala na muna ang pag-a-apply sa coffee shop na malapit sa campus.

Pero habang nakatingin siya sa mga pahina, lumalabo ang mga letra, sumikip ang dibdib niya, parang paulit-ulit na sinasakalang isip niya [musika] ng salitang pagod. Isang gabing maulan traffic sa Espanya. Nasa jeep si Aliana. Basang-basa ang bag na nakaplastic pero [musika] hindi niya ininda.

May hawak siyang reviewer at kahit umaalugang sasakyan binabasa niya pa rin. “Day, baka mahilo ka niyan.” sabi ng isang Ale na katabi niya. Ngumiti naman si Aliana. “Ayos lang po. Sanay na po ako mag-aral sa biyahe.” “Abay ang sipag mo naman.” Ani ng Ali. Sana ganyan din kasipag ang anak ko na mag-aral. Napangiti si Aliana pero hindi na nagsalita pa.

Ayaw niyang ikwento ang totoong dahilan [musika] kung bakit kailangan niyang magsumikap dahil walang ibang gagawa non para sa kanya. Bawat saglit na tigil ng gipne, nagbabasa siya. Bawat arangkada, sinusulat niya ang notes sa gilid ng reviewer. Para siyang sundalong nasa gyera na walang pahinga. Ganoon naman palagi, basta nag-aaral siya, hindi na nga siya tinatanong ng kanyang ina kung ano bang nararamdaman niya.

Kung okay pa ba siya o kung kinakaya niya pa ba. Mas naging nanay na ito kina Missy at Crystal. [musika] Inindi niya na lang. Palagi niyang inuunawa dahil siya ang mas nakakatanda. Marami na siyang ginagawa sa buhay para makipagkpetensya sa mga stop sister niya. Isang araw habang pauwi galing sa school, bahagya siyang natigilan nang makita si May.

Alam niyang may pasok ito dahil magkakasabay pa nga silang umalis kanina ng bahay kaya nagulat siyang makita ito na hindi na nakasuot ng uniform. May kasamang lalaki at ang mas nakakagulat sa lahat mukhang papasok sa in ang mga ito. Pasakay na sana si Alyana ng gipne pero nagbago ang isip niya. Maaaring maldita sa kanya si Macy pero hindi kaya ng konsensya niya na pabayaan ito.

Macy tawag niya rito at agad na hinawakan ang braso. Anong ginagawa mo rito? Sa in? Papasok ka sa in? Sino yang kasama mo? Ano? May pasok ka sa esela? Nag-skip ka ng classes mo? Umismid naman si Macy at agad na tinanggal ang kamay niya sa braso nito. Sino mayabing pwede mo akong hawakan ng basta-basta? Huwag ka ng mangialam. Napailing si Alyana.

Macy, ano [musika] ba? Umayos ka nga. Sino ong lalaking to? Boyfriend mo? Sinamaan siya ng tingin [musika] ni Macy. Pakialam mo ba? Umalis ka nga rito. Wala kang paki. Hindi naman talaga kita kapatid. Hindi mo ako kapatid pero nasa iisang bahay tayo at concern pa rin ako sayo. Ang bata mo pa 14 ka pa lang. Bakit papasok ka sa inamang lalaki? Naiinis niyang tanong dito bago lumingon sa kasama nitong binata.

At ikaw naman, ang bata-bata pa niyan, hinihikayit mo ng pumunta sa ganitong klase ng lugar? Hindi na nakapagsalita ang lalaki. [musika] Itinaas nito ang mga kamay at umatras. Mukhang ayaw yata ng gulo kaya umalis na agad. Tinawag pa ito ni May pero pinigilan na ni Aliana. Ano ba? Bahagya siyang nasampal ni Mayy. Bakit ka ba pakialamera? Hindi kita kapatid kaya huwag kang mangialam na para bang ate kita.

Umawang ang bibig ni Alyana. Hindi mo ako ate pero hindi mo ako mapipigilan na maging concern sa’yo. Saan mo na-meet ang lalaking yon? Ha? Mukhang mas matanda pa sa akin. Alam ba ni Tito Rudy to? Ang bata mo pa pero ang mga ganito ng inaatupag mo. Nagawa mo pang sampalin ako? Nagmamalasakit lang naman ako. Sao bata ka pa at mukhang hindi mo alam ang ginagawa mo.

[musika] Malakas siyang itinulak ni May. Bakit? Magsusumbong ka? Huwag kang pakialamera. Hayaan mo ako sa gusto kong gawin. Huwag kang epal dahil hindi naman ako makikinig sa’yo. Hindi kita ate. Bago pa makapagsalita si Aliana, nilampasan na siya nito. [musika] Wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang. Wala naman nga dapat siyang pakialam pero hindi niya maaatim na hindi maging concern kay Macy.

Pero habang pauwi, nadadaman niya ang sampal nito sa kanya. Doon niya napatunayan na parang wala lang talaga siya sa bagong pamilya ng kanyang ina. Wala siyang halaga sa mga ito kaya bakit niya pa ba pahahalagahan ang mga ito? Pagkauwi, nadatnan niya sa labas si May. [musika] Agad siya nitong hinarangan. Huwag kang magsusumbong, maliwanag.

Pagod niya itong tiningnan. [musika] Wala akong balak magsumbong. Na-realize ko na hindi rin pala worth it na mag-alaga at magbigay ng malasakit sa’yo. Bahala ka na sa gusto mong gawin sa buhay mo. Hindi na ako mangialam pa’t hindi na ako mag-aalala. Pumasok na siya sa bahay at hindi na ito pinansin pa.

Basta para kay Aliana, hindi siya nagkulang ng paalala rito. Hindi na siya mamimilit kung ayaw talaga nito. Lumipas ang mga taon, dumating ang graduation ni Aliana. ang araw na ilang taon niyang hinintay, pinagpuyatan at ipinaglaban. Ngunit habang inaayos niya ang modern Filipiniana sa harap ng salamin, walang saya na makikita sa mukha niya.

Hindi dahil hindi siya masaya kundi dahil wala siyang umaasang darating. Si Aling Lorna na nga ngang inaya niyang sumama sa kanya. Mas inuna kasi ng kanyang ina ang bakasyon kasama ang pamilya nito. Tahimik ang bahay. Walang nagtanong kung may kailangan ba siya. Walang nagsabing congrats.

Walang nag-abang ng sasabay sa kanya. Pagdating niya sa venue, medyo marami ng tao. May mga magulang na abalang mag-ayos ng sablay sa mga anak. Mga tito at tita na panayang selfie. Mga kapatid na mas excited pa sa graduates. Masayang ingay, tawanan, yakapan, si Aliana naglalakad mag-isa. [musika] Mabuti na lang at nakaabot si Aling Lorna.

Aliana, pasensya ka na nahuli ako. Wow naman ang ganda-ganda mo. Sa wakas ay graduate ka na. Ngumiti siya rito. Kaya nga po, salamat po ulit sa pagsama sa akin. Pasensya na po sa abala. Ano ka ba naman? Wala ‘yun. Masaya akong maihatid ka. [musika] Isa ako sa mga naging saksi kung paano mo pinaghirapan ang lahat ng ito. Sa akin ka pa nga umuutang ng pangpa-print sa thesis mo, ‘di ba? Nasira ang laptop mo kaya sa amin ka nakiki-computer.

Muntik na siyang maluha. Gann nga ang kanyang gawain. [musika] Mas naging takbuhan niya pa yata si Aling Lorna kaysa sa kanyang ina. [musika] At nagpapasalamat siya na kahit paano ay may mababait na taong nasa paligid niya. Pagpasok ng batch nila sa auditoryum, malakas ang palakpakan. May mga sumisigaw ng pangalan ng mga kaibigan at anak.

Si Aliana naglakad na lang ng tahimik pero hindi siya yumuko. Hindi niya itinago ang mukha. Pinagmasda niya ang buong paligid hindi para hanapin ang pamilya niya kundi para tanggapin ang katotohanan na wala ang nanay niya roon. At okay lang yun dahil nandoon naman si Aling Lorna. Bachelor of Science and Business Administration. Tinutukan ng spotlight ang hanay nila.

One by one, please approach the stage. Nang matanggap niya ang diploma, nakangiti siya ng malawak. Pero nang makababa at makabalik sa upuan, doon niya hindi napigilang umiyak dahil sa wakas, sulit ang lahat ng pagod niya. Sa wakas, nahawakan niya na ang bunga ng kanyang paghihirap at pagsisikap. Aling Lorena, libre ko na lang po kayo.

Nakangiting sabi niya rito. Tumawa naman ito. Huwag na. Sa bahay na lang tayo mag-celebrate. [musika] Pinaghanda ka namin ang mga anak ko. Nag-order kami ng mga bilao. Nan laki ang mga mata ni Aliana. Ano po? Nakakahiya po Aling Lorna. Asus. Batang ito. Nahiya ka pa. Halika na. I-celebrate na natin ‘y graduation mo.

May magandang bagay na nangyari sa buhay mo pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan mo. Kaya kahit papaano’y sine-celebrate ‘yan, hindi na niya napigilan umiyak sa harap nito. Masayang-masaya ang kanyang puso na may nakaka-appreciate sa kanya ng ganoon. May saysay ang tagumpay kapag nagkaroon ng recognition mula sa ibang tao.

Nang makalabas ng venue, nagulat siya nang nakita si Ivan. May dala itong isang bukaklak. Alam niyang may pinsan itong nag-aaral doon. Nang second year kasi siya, nalaman niyang hindi ito nakapasa kaya sa ibang school nag-enroll. Nasa middle class naman ang pamilya nito kaya marami pa rin itong option.

Gayun pa man, nakausap niya pa rin ito sa social media at medyo naging friends din sila. “Hi, nandito ka para sa pinsan mo?” tanong ni Aliana. [musika] “M! Napakagatlabi si Ivan at nanginginig ang mga kamay.” [musika] “Congratulations, napangiti si Aliana. Salamat. Sige, alis na ako.” Pasakay na sila sa bus ni Aling Lorna nang biglang humabol sa kanya si Ivan.

Nasa may pinto na siya at nagmamadali na ang lahat. Doon pa talaga nag-timing ang binata. Nasa loob na si Aling Lorna at nakakahiya kung hindi pa siya umakyat. Aalis din ang bus dahil hindi naman pwedeng magtagal doon. Ha? Ano yun? Bilis aalis na kami. Sa chat mo na lang sabihin kung may sasabihin ka.

Saad ni Aliana at agad ng umakyat sa bus. Nang makaupo siya sa tabi ni Aling Lorna. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ivan na sumusunod. Hawak pa rin nito ang mga bulaklak at halatang kinakabahan. Sa laki ng buk, nakatayo pa ito sa gitna habang umaandar ang bus. Talagang napapalingon dito ang lahat.

“Bakit ka sumunod?” tanong ni Aliana. Nanginginig ang isang kamay na inabot nito ang bukid ng mga bulaklak. Palagi kang abala sa buhay mo. Ayaw kitang abalahin dahil mas gusto mong gugulin ang oras mo sa pag-aaral. Kaya naghintayin na lang ako hanggang sa maka-graduate ka. Kumunot ang noon niya. Ha? Naghihintay ka? Bakit ka naman naghintay? Muling napalunok si Ivan.

Naghihintay ako kasi matagal na akong may nararamdaman sao Aliana. Pwede ba akong manligaw? Medyo napatili ang mga nakarinig n sa bus. Si Aling Lorna na nasa tabi niya ay kilig na kilig din. [musika] Si Aliana hindi makapaniwala sa binatang nasa harap niya. Matagal na pala siya nitong gusto.

Hindi naman [musika] siya kagandahan. Kung may naayos man sa kanya, medyo nabawasan ang kanyang timbang [musika] at nakapagpa-straight na siya ng buhok. Pero kung sinasabi nitong simula high school pa lang na gusto siya nito, parang ang hirap yatang maniwala. Tinanggap ni Aliana ang mga bulaklak para hindi mapahiya si Ivan.

Ah salamat sa mga bulaklak. Nagsalita si Aling Lorna. Sama ka sa amin. Kakain kami sa bahay. Pinaghanda namin ong si Aliana. Akala namin wala itong love life. May lakad ka ba iho? May pinipigil na ngiti si Ivan. Ah wala po. Balak ko rin po kasi talagang makausap ng ng mas matagal si Aliana. Pagdating nila sa bahay ni Aling Lorna, bumungad agad ang maliwanag na ilaw mula sa loob.

Hindi niya inaasahan na may ganoong paghahanda para sa kanya. May mga taong nag-effort kaya hindi niya ‘yun kayang balewalain. Pasok, pasok. Masayang sabi ni Aling Lorna habang binubuksan ng pinto. Pagpasok nila, sumalubong ang dalawang anak ni Aling Lorna na sina ate Nika at si Dodong. Ateo, congrats po. Sabi ni Dodong na may hawak pang maliit na kartolina na may nakasulat na congratulations.

Napahagikhik si Aliana. Salamat sa inyo Dodong. Ate [musika] Nika. Si Ivan nakatayo lang. Medyo stiffe at parang hindi alam kung saan lulugar. Napansin niyo ni Dodong at siniko si Ivan. Kuya, boyfriend ka po ni ate Aliana. Ah hindi hindi [musika] pa. Sagot ni Ivan. Nagtawanan ang pamilya ni Aling Lorna. Si Alyana naman napahawak sa ulo at napapikit.

Bakit ba kailangan ng ganong eksena ngayong gabi? Lumapit si Aling Lorna at ngumisi. [musika] Oh ihho hali ka na rito. Huwag kang mahiya. Kumain ka lang. Kain lang ng kain. Sumunod si Ivan na parang robot. Oh. Opo. Sige po. Pagkaupo nila sa mesa, binuksan ni Aling Lorna ang takip ng bila sumabog sa hangin ang amoy ng pansit, lumpia, fried chicken at puto.

“Kumain ka ng marami, Alyana.” Sabi ni Aling Lorna kay Alyana. Ang hirap ng pinagdaanan mo. Deserve mo ito. Hindi maiwasang mapaluha ulit ni Aliana. Hindi niya talaga mapaniwalaan na may mga taong nagmamahal ng ganito kahit hindi niya kadugo. Habang kumakain sila, napatingin siya kay Ivan. Tahimik lang ito at paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya. Parang may gusto pang sabihin.

Um. Napangiti ito habang tinitingnan ang plato. Aliana. Mm. Pwede ka bang makausap mamaya? Yung tayo lang. Napatigil ang kutsara ni Aliana. Ivan, [musika] bakit ako ang gusto mo? Hindi ko rin alam. Basta gusto kita. May dahilan ba dapat yun? Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit ikaw. Bakit ikaw ang gusto ko noon pa man at hindi nagbabago ‘yun? [musika] Hindi kita pipilitin.

Mabilis na sabi ng binata at halatang kinakabahan. Hindi kita hahabulin kung ayaw mo talaga. Pero gusto ko lang sabihin ang diretso ng buong respeto na matagal na akong humahanga sa’yo. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi pa niya ramdam ang magkaroon ng love life. Hindi pa kaya [musika] ng utak niya. Hindi pa handa ang puso niya.

Nasa face pa siya ng pagbuo ng future. Pagkatapos kumain, lumabas na siya ng bahay. Sumunod naman agad si Ivan. Huminga siya ng malalim ng harapin ito. Ivan, salamat. Hindi ko ine-expectto pero okay lang kung hindi mo ako gusto. Mabilis nitong sabi. Hindi ko naman hinihingi na sagutin mo ako ngayon. Nagtama ang kanilang mga mata.

[musika] Gusto ko lang malaman mo na na hindi kita ginustong ligawan nung may problema ka pa. Hindi ako ang tipo ng lalaking susunggab sa mga taong mahina. [musika] Gusto ko kapag naligawan kita eh hindi ka takot. Hindi ka nasasaktan at hindi ka naghihirap. Gusto kong manligaw sa panahong napoprotektahan mo na ang sarili mo.

Panahong kaya mo ng pumili ng malaya at walang [musika] bigat na iniisip. Marahan siyang napalunok. Ivan, [musika] hindi ko pa alam ang sagot. Hindi pa ako ready. Ngumiti ang binata. Hindi kita minamadali. Hindi naman ako mawawala. Kaya kong maghintay, Aliana. Kaya ko pa. Umihip ang hangin sa pagitan nila. Mataman niya itong tiningnan.

[musika] Masaya siyang may taong nakakakita ng kanyang halaga. “Salamat,” tanging sabi ni Alyana. Sa pagalang sa paghihintay at sa pagiging tapat mo sa akin, Ivan. Napakamot ang binata at nahihiyang yumuko. “Gusto mo ihatid na kita pauwi mamaya?” Marahang tumango si Alyana at napangiti na lang. Sige.

Pakiramdam ni Aliana ang ganda-ganda niya. Hindi niya pala kailangan ng lahat ng tao para i-appreciate siya. Kailangan lang niya ng isa na titingin sa kanya ng sobra na siya lang ang maganda, magaling at kaaya-aya para rito. Pagkatapos ng graduation, nagsimula na siyang maghanap ng trabaho. Maaga pa lang ay nasa harap na si Alyana ng malaking gusali sa Ayala Avenue.

Kita niya ang salamin na nagre-reflect sa araw. Ang mga empleyadong naka-corporate attire, ang tunog ng jeep, bus at mga taong nagmamadali. Nasa kamay niya ang maliit na folder na may resume at requirements. Kinakabahan man, hinawakan niya yon ng mahigpit. Pag-akyat niya sa 14th floor, sinalubong siya ng malamig na aircon at amoy ng bagong photocopy ng mga papel.

May receptionist na ngumiti sa kanya. Good morning ma’am. Interview? Yes. Sagot ni Aliana. Second door to the left po. Tumango siya at naglakad. Tahimik ang hallway. Pagpasok niya may apat pang appliants. Nakaupo ang mga ito at bukhang kinakabahan din. Nang tinawag na ang pangalan niya, bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa maliit na conference room. May dalawang HR officers at isang supervisor doon. Tell us about yourself, sabi ng HR. Huminga ng malalim si Aliana. [musika] I am Aliana Lopez. I just graduated from my course which is business administration. I work part-time during college, mostly clerical jobs.

I’m proficient in MS office and I’m a quick learner. Nagtaas ng kilay ang supervisor. Why do you want to work here? I want to grow and I also need a job to start my own life. Pagkatapos ng series of questions, tinawag siya ng HR. Miss Lopez, congratulations. You get the position. Halos mabingi siya sa sarili niyong puso. Talaga po? Yes.

Please start on Monday. Paglabas niya ng room, dahan-dahan siyang napangiti. O na may trabaho na ako. Pag-uwi niya sa bahay, nadatnan niyang kumakain ang kanyang ina at ang pamilya nito. Inaya siyang kumain pero ayaw niyang sumabay. Kumain na naman siya sa labas. Ang anak mo naka-graduate lang. Nagmamalaki na.

Rinig niyang sabi ni Rudy habang papaakyat siya. Napahirap na lang siya. Nang makarating sa kwarto, naligo siya agad at nagbihis. Kaka-blow dry niya lang ng buhok nang tumawag si Ivan sa kanya. Napangiti siya rito. “May work na ako. Sa Monday na ako mag-start.” Nahimigan niya ang tuwa sa mukha nito. Mabuti naman. Ihatid na kita. Susunduin kita sa inyo.

[musika] Sige. Napakagat labi siya dahil doon. Sige na, pahinga ka na. Alam kong galing ka pa sa work mo. Bye. Nang sumapit ang umaga ng Monday, 5 a.m. pa lang. Gising na si Aliana. Naghanda siya ng baon, kanin at dalawang pirasong longganisa. Nag-makeup ng kaunti, nagsuklay at sinuot ang blazer na binili sa ukay. May trabaho ka na anak? Tanong ng kanyang ina na kabababa lang mula sa hagdan. Marahan siyang tumango. Opo.

Sa isang company lang po sa Makati. Napalunok ang kanyang ina. Anak, nagtatampo ka ba sa akin? Hindi mo na ako masyadong kinakausap. Anak, sorry hindi ako nakapunta sa graduation mo. Alam mo namang hindi ko kayang tanggihan si Rudy. [musika] Mga inlaws ko ang pinuntahan namin ng araw na yon. Umiwa si Alyana ng tingin.

Okay lang ma. [musika] Sanay na po akong binabalwala ninyo. Simula ng magpakasal kayo. Para bang hindi mo na ako anak? Kapag si Crystal at Mayy ang may kailangan sa’yo, present ka. Pero pag ako hindi mo man lang magawa ng paraan. Alam ko ‘yun at naiintindihan ko. Iisipin ko na lang na mas bata sila at mas kailangan nila ng atensyon mo.

Mas matanda ako at mas kaya ko ng sarili ko. Anak, hindi na siya sumagot pa. Umalis na lang siya roon at hindi na lumingon. Ayaw niyang ipahalata kay Ivan na bad mood siya kaya pinili niyang ngumiti ng makasakay sa kotse nito. “Coffee, binili kita.” Nakangiting sabi ni Ivan. Salamat. Habang nasa biyahe, madaldal si Ivan sa kanya.

Kaya kahit papaano nawawala na ang pagiging mahiyain nila sa isa’t isa. Nang maihatid siya sa building, hindi niya alam kung paano magpapaalam dito. Hindi niya pa naman ito boyfriend kaya kumaway na lang siya ng maliit at tinawa na naman ito. Pag-akyat sa opisina, sinalubong siya ng team leader nila na si Miss V. Good morning, Aliana.

Welcome to Logistics Data Group. Good morning po. Pinakilala siya sa apat na ka-team niya. Si Erin na tahimik, si Ron na maingay, si Lisa na palaging stressed pero mabait at si Ivan na kalmado, seryoso pero mukhang approachable. [musika] Pinakita ng mga ito system, ang reports at ang flow ng daily tasks.

Tumagal ang orientation pero determinado si Aliana na matutunan ang lahat. Guys, overtime tayo. Sabi ni Miss V. Merant ang shipment. Need natin i-update lahat ng records. Napaawang ang bibig ni [musika] Aliana. Um, ganun po ba? Tinapik siya ni Lisa. Hindi ka kasali. Umuna [musika] ka na. First day mo kaya sulitin mo na.

Next week puro overtime na tayo. Napangiti siya rito. Salamat po. Sinundo siya ulit ni Ivan. Araw-araw na yung nangyari. Magkalapit lang naman kasi ang office nilang dalawa ng binata. Bago umuwi, inaaya na rin siya nitong mag-dinner. Kaya kapag umuuwi, hindi niya na kailangang sumabay sa pagkain. Sa unang sweldo niya, nabawasan agad ang kalahati para sa pamasahe at sa pagkain.

Pero sinunod niya ang pangako sa sarili na mag-iipon siya. Sobrang tipid niya na minsan kaya namamangha na lamang ang kanyang mga katrabaho. Lifaver din si Ivan dahil nakakakain pa rin siya ng masarap at nakakalibre ng pamasahe dahil dito. Nag-iipon ako. Hindi ako mabubuhay ng walang ipon.

Kahit pa may mga gabi na dilata lang ang kinakain niya kapag hindi sila nakakapag-dinner ni Ivan. Kahit kaunti lang ang blous na pangasok niya. >> [musika] >> Kahit hindi siya sumasama sa gala ng office mates dahil ayaw niyang gumastos. Okay lang sa kanya. Nanatili siyang disiplinado kasi may malaking pangarap siya.

Gusto niyang makabili ng sariling bahay. Kung hindi pa kaya, kahit makabukod lang muna. Pili ka ng gusto mo, Aliana. Sabi sa kanya ni Ivan nang pumunta sila sa isang department store sa mall. Nanlaki ang mga mata niya. Aha. Ayoko. Wala pa akong pera. Ako ang magbabayad. Matamang tumingin sa kanya si Ivan. Tuwing nagday tayo, napapansin ko na paulit-ulit lang ang suot mo.

Bukod doon kapag napapadaan tayo sa mga butik, alam kong may mga gusto kong bilhin pero tinitipid mo ang sarili mo. Umiling si Aliana. [musika] Huwag na. Nakakahiya na gumastos ka pa sa akin. Hindi mo naman ako girlfriend. Pero nanliligaw ako. Umaasa ako na maging girlfriend kita. Bakit? Wala ba akong pag-asa? Aliana bahagya siyang napahirap.

Ano to? [musika] Strategy mo para malaman kung may pag-asa ka o wala? Tumawa ang binata. Of course not. Gusto ko lang talagang bilhan ka ng mga damit. Huwag mo sanang tanggihan. Please. Mataman niya itong tiningnan. Ilang buwan ang nanliligaw sa kanya si Ivan. nakita niya naman ang effort nito sa kanya. Hindi pa rin ito nagkakaroon ng girlfriend.

Ayaw niyang maniwala noong una pero talagang gusto siya nito simula high school pa lang sila. Wala siyang choice kundi mamili ng mga damit. Hindi sa pagiging oportunista pero napansin niya talagang mas love language ni Ivan ang pagbibigay sa kanya ng mga regalo. Nang magsusukat na siya, nakaabang lang sa labas si Ivan.

Umupo ito sa couch habang tinitingala siya. Magsusukat na muna ako. Wait ka lang diyan, love. Mahina niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ni Ivan at agad napaayos ng upo. Oh love. Oo love. Mabilis niya itong hinalikan sa mga labi bago pumunta sa fitting room. Natatawa siyang isinara ang pinto at nagsukat na ng mga damit. Noong nakaraang linggo niya pa talaga balak na sagutin si Ivan.

Hindi niya lang talaga alam kung paano sisimulan. Nang makalabas si Aliana, nakaabang agad si Ivan. Malalim ang titig nito at parang may pinipigil na ngiti. Ano ‘yun? Tumaas ang mga kilay ni Aliana. Ha? Ano ‘yun? Okay na. Tapos na ako magsukat. Bayaran mo na ‘to. Barahang hinawakan ng binata ang braso niya at isinandal siya sa haligi ng fitting room.

Sinasagot mo na ako. Boyfriend mo na ako. Hindi naman ako humahalik ng hindi ko boyfriend. Ivan sagot niya na rito. Gustong magseryoso ng binata pero hindi na nito napigilan ang ngiti. Hinawakan ni Ivan ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. Ang lakas ng tibok. Ano bang ginawa mo sa akin? Gusto lang ba talaga ‘to? Sa tagal kitang minamata, parang mahal na mahal na yata talaga kita Aliana.

Siya naman ang natawa sa sinabi nito. Simula noon, maraming magagandang bagay ang nangyari sa buhay niya. >> [musika] >> malaki na ang pera niya sa kanyang savings. Nakakapag-ipon na siya kahit papaano. Napangiti siya ng makitang may kalahating milyon na siya sa kanyang savings. Pero kabaliktaran naman ang nangyayari sa asawa ng mama niya na si Rudy.

Nabalitaan niyang nawalan ito ng trabaho. Ewan niya kung anong nangyari. [musika] Hindi na siya nagtanong pa. Wala rin namang pakialam ang mga ito sa kanya. Pagkauwi niya, nagulat siya ng makitang inaabangan pala siya ng pamilya ng kanyang mama. “Mabuti at dumating ka na!” malamig na bungad ni Rudy.

Kumunot ang noon niya para bang hinintay talaga siya ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang meron. “Anong meron?” tanong niya sa mga ito. Sumingit ang mama niya na halatang kinakabahan at may kailangan. Anak, eh gusto ka sana naming makausap. Alam kong may ipon ka na, may trabaho ka na. Baka naman pwedeng tulungan mo kami. Bayaran mo sana ang tuition fee ng mga kapatid mo.

Alam mo namang walang trabaho si Rudy ngayon. Agad siyang umiling. [musika] Ayoko. Inipon ko ‘yon. Bakit ko gagastusin sa inyo? Nagsalubong ang kilay ni Rudy. Yan na nga bang sinasabi ko. Madamot at nagmamalaki ang anak mo. Kaya namang tumulong hindi pa gawin. Nagtaas ng kilay si Crystal. Ate ano ba naman yung mag-share ka? Pamilya tayo ‘ ba? Humigpit ang kapit ni Alyana sa kanyang bag. Kayong dalawa.

Kailan ba ninyo ako tinuring na pamilya? Tawagin niyo na akong nagmamalaki at padamot. Wala akong pakialam. Pinaghirapan ko ‘to. Nakiusap pa ang kanyang ina. Pero kailan mo rin iintindihin na may problema tayo? Kinagat ni Alyana ang loob ng pisgi niya [musika] at pinipigil ang sarili. Anong problema? Tuiso ng magkapatid na ‘to na hindi naman ako nerespo.

Mama, hindi ko sila pamilya. Ikaw lang ang may pamilya sa kanila. Kung mag-give back man ako, ikaw lang ang gusto kong makinabang dahil kahit na may pagkukulang ka sa akin, hindi naman ako lalaki ng ganito kung wala ka. [musika] Pero ang mga to, hindi ko sila tutulungan, ma. Wala silang maaasahan sa akin. Sorry.

Hindi kami makakapag-enroll. Dagdag ni Crystal at may paghikbi pa talaga. Ate tulungan mo naman kami. Parang umikot ang sikmura ni Alyana. Hindi ko kayo responsibilidad. Huwag niyo akong iyakan na para bang may ginawa kayong mabuti sa akin. Simula ng magpakasal ang mga magulang natin, palagi niyong pinaparamdam sa akin na hindi na ako parte ng pamilya.

Ngayong namomroblema, biglang ate niyo na ako. Biglang pamilya na tayo. Nag-iba ang mukha ng kanyang ina. Paano ka nakakapagsalita ng ganyan? Tinuring ka rin namang anak ni Rudy. Dito ka tumira. Dito ako tumira kasi nandito ka ma. Pero kung nabigyan lang ako ng choice ng mas maaga, aalis ako rito. Alam mo pong hindi ako tinuturing na anak ng asawa mo. Sagot ni Aliana.

Puno ng sakit pero hindi niya pinapakita. Hindi ko responsibilidad ang pag-aaral ng dalawang yan. Bakit ba kasi ang damot mo? Sigaw ng kanyang ina. Hindi mo ba naiisip ang mga kapatid mo? Tama. Dagdag ni Rudy. Kung kami nga gumagastos sa pagkain mo, tirahan mo non. Bakit hindi mo kami matulungan ngayon? Para siyang sinaksak sa sinabi nito ngunit hindi siya umatras.

Hindi ko ibibigay ang savings ko para diyan sa dalawang yan. Wala kayong ambag sa pag-aaral ko. Kung anong meron ako ngayon, ako ang naghirap do. Kaya ako dapat ang may desisyon. Hindi ko ibibigay ang pera ko. Umusok na ang ilong ni Rudy. Lumayas ka rito sa bahay ko. Napakadamot mo. Lumayas ka. Hindi mo na kailangan sabihin dahil kating-kati na akong umalis dito sa pamamahay ninyo.

Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang silid. Hindi na niya narinig ang bawat sigaw, bawat mura, bawat pangungutya. Para bang lumalabo ang lahat habang pinipilit niyang isuksok ang mga damit niya. Pagbaba niya mula sa kwarto, [musika] halos iyakapin niya ang bag niya roon. Ayan, umalis ka. sigaw niyapamewang at nakataas pa ang kilay. Ang damot mo.

Wala kang puso. Kakarmahin ka rin. Akala mo maging successful ka pa. [musika] Hindi kasi ang pangit mo. Hindi na tumingin si Aliana. Ayaw niyang patulan ang magkapatid. Masyado na siyang nasasaktan at napapagod. Mama mahina niyang sabi habang papunta sa pinto. Aalis na ako. Hindi ko na kaya.

Nagkaroon ka lang ng ibang pamilya. Nakalimutan mo ng anak mo ako. Sumugod ang mama niya habang nanginginig ang boses. Aliana, huwag ka na kasing sumagot. Huwag kang umalis. Itigil mo na ong drama na to. Magbigay ka na lang kasi. Pamilya tayo para sa future nila yon. Huminto si Aliana sa paglalakad. Huminga siya ng malalim.

Ma, future nila yon. Hindi sa akin. Bakit? Nang sinabi ko ba sa’yo ang gusto kong future, nakinig ka ba? Nagkaroon ka ba ng pakialam? Hindi naman ‘ ba, ma? Ang kapal ng mukha mo. Singit ni Rudy. Nakatira ka rito. Pero akala mo kung sino ka, dapat lang na tumulong ka. Napapikit si Aliana. Ilang taon niyang tiniisang lahat.

Hindi lang ang pang-iinsulto kundi ang presensya ng mga ito araw-araw na dumudurog ng halaga niya sa sarili. Dahan-dahan walang panghihinayang na binubuksan niya ang pinto. “Umalis ka nga.” “Sige!” sigaw ni Rudy. “Huwag ka ng bumalik. Magpakasaya ka sa kawalan mo.” Naglakad si Alyana palabas. >> [musika] >> Hindi man lang lumingon dahil kung lilingon siya, alam niyang masasaktan lang siyang muli at ayaw niya ng hayaan ‘yon.

Pagkalabas ni Aliana, halos manghina ang tuhod niya. Malamig ang hangin pero mainit ang pisngi niya. Hindi niya alam kung dahil sa iyak o dahil sa galit. “Okay lang, Alyana? Kaya mo ‘to?” bulong niya sa sarili habang naglalakad papunta sa sakayan. Pero noong makalayo na siya, doon bumuhos ang kanyang mga luha. Tahimik lang yon at walang higdi.

Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang pinakamalapit na hotel. Nakatayo si Aliana sa harap ng maliit na counter. Magkano po ang cheapest room ninyo for one night? Mahina niyang tanong. Tiningnan siya ng receptionist saka ngumiti. 700 po ma’am. Pagpasok niya sa room, isang kama, maliit na mesa at isang TV lang ang nandoon.

Napaupo siya sa gilid ng kama. Parang biglang tumahimik ang mundo at doon niya naramdaman ang bigat ng lahat. Nag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag sa kanya si Ivan kaya agad niyang sinagot. “Hello, love Aliana.” Agad nitong tanong. Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba? May nangyari? Hindi siya nakapagsalita agad.

Aliana! ulit ni Ivan. Ngayon ay may halong kaba. [musika] Dahan-dahan siyang huminga. Ivan, umalis na ako sa bahay. Ah bakit? No alam ko kung bakit. Nasaan ka? Pupuntahan kita. Huminga siya ng malalim. Nasa hotel ako. Hindi. Hindi mo kailangan. Aliana, nasan ka? Putol pa nito. Nagpaubaya na siya. Pagod na siyang magtago. Nasa sa Kore Hotel.

Yung maliit lang. Malapit sa terminal, malapit sa amin. Sige 15 minutes. Hintayin mo ako. Pagdating ni Ivan, kumatok ito at pagpasok agad na lumapit kay Alyana para yakapin. “Love! Anong ginawa nila sa’yo?” tanong ni Ivan. Malumanay pero may galit na [musika] pilit nitong itinatago. Umiling si Aliana.

Gusto nilang gamitin ang savings ko. Gusto nilang kunin para sa mga anak ng step father ko, Ivan, hindi ko binigay. [musika] Sumigaw sila. Sinabihan nila akong madamot at walang puso. Umupo si Ivan sa tabi niya. Eh hindi mo kasalanan yon. Hindi ikaw ang masama. Hindi ko na kaya, Ivan. Hindi ko na kaya.

Napalugmok siya sa balikat nito. Hinawakan siya ni Ivan. Makinig ka. May extra room ako sa condo. Safe doon. Tahimik. Pwede ka tumira doon habang nag-aayos ka ng plano mo. Napatingin si Aliana at nagulat. Ivan, hindi naman tayo mag-asawa. Baka isipin ang ibang tao. Ano ngayon? Ikaw ang iniisip ko at hindi naman sila. Girlfriend kita.

Sagot nito ng diretso sa kanya. At hindi kita hahawakan. Hindi kita pipilitin sa kahit ano. Alam kong hindi ka pa ready. May sariling lock ang room. Wala akong gagawin na ikakasira ng tiwala mo. Gusto ko lang na na may matirahan ka. Tumulo ang luha ni Aliana. Salamat pero gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Magsisimula ako ulit.

Kaya ko ‘to. Sandaling natahimik si Ivan. Halatang ayaw pumayag pero tinanggap pa rin ang desisyon niya. Okay pero Aliana, [musika] kahit piliin mong mag-isa, hindi ibig sabihin na mag-isa ka talaga. Tatawag ka sa akin kapag kailangan mo. Kapag gusto mo lang na may makausap kahit anong oras.

Napangiti si Alianaan ng bahagya. Oo, pangako. Tumayo si Ivan at inayos ang suot nitong jacket. [musika] Bibili ako ng pagkain. Dito muna ako hanggang makatulog ka. Hindi kita iiwan ngayong gabi. Ivan [musika] inayos ng binata ang kanyang buhok. Huwag mo na akong pigilan. Nagpapaka-boyfriend ako rito. Hayaan mo na akong maging maasikaso para sa babaeng mahal ko.

Namula si Aliana pero nakahinga siya ng mas maluwag. Salamat Ivan. Salamat talaga. Pag-alis ni Ivan upang bumili ng pagkain. Tumingin si Alyana sa mga gamit niya. ‘Yun lang ang mayroon siya pero ‘yun din ang patunay na kaya niyang magsimula muli. [musika] Pinunasan niya ang luha, huminga ng malalim at tumingala sa kisame. Sa wakas, nakaalis na rin siya sa bahay na yon.

Unti-unting nasanay si Alyana sa pagiging independent. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagigising ng walang tumatrato sa kanya na parang pabigat sa bahay. Nagsimula na muna siyang mangupahan sa isang maliit na kwarto. Natuto siyang mamuhay ulit ng simple. Sa bawat linggo na lumilipas, dahan-dahan ding nabubuo ang kapayapaan niya. Nag-aayos siya ng kwarto tuwing linggo.

Nagsisindi ng mumurahing vanilla candle nabili niya sa sale. Nae-enjoy niya ang kanyang freedom. At sa lahat ng yon si Ivan ang tahimik ngunit matibay na sandalan niya. Sa condo ka na lang please. Nag-aalala ako kapag mag-isa ka rito. Bulong nito sa kanya habang nakaupo siya sa kandungan nito. Mahina siyang tumawa.

Huwag kang oa lang ako rito. Mas humigpit ang yakap ni Ivan. Kung gann, ako ang hindi okay sa condo ko. Dito na lang ako. Titira ako rito kahit diyan na lang ako sa sofa. Hinampas niya na ito. Hindi ka kasya. Ikaw talaga. Sige dito ka matulog ngayong gabi pero uuwi ka pa rin. Umungol ang boyfriend niya. Magpakasal na nga lang tayo.

Nakakabaliw kapag wala ka sa tabi ko. Malakas na lang silang tumawa. Napag-usapan nila yon pero syempre may mga career pa sila. Kaya bibigyan muna nila yon ng panahon bago mag-settle down. Sobrang na-appreciate niya ang mga bagay na ginagawa ng kanyang boyfriend. Inaaya nito si Alyanang kumain tuwing weekend nagkukwento ng mga nakakatuwang pangyayari sa trabaho para lang mapatawa siya.

Mas madali ang pagngiti kapag si Iva ang kaharap at hindi ito kailan man humingi ng kapalit. [musika] Hindi nito minamadali ang paghilom ni Aliana. Hindi siya nito pinipilit na mag-move on agad. Tahimik lang itong nananatilip ng may pagalang. Sa presensya ng kanyang boyfriend, unti-unting naalala ni Aliana na karapatdapat siya sa kabutihan, karapatdapat siyang tumawa, karapatdapat siyang pahalagahan.

Unti-unti natuto siyang huminga ulit. Unti-unti nakikita niyang hinaharap na sa wakas kanya na talaga. Congratulations, Aliana sa ad [musika] ni ma’am Jess. You deserve this promotion. Ngumiti siya kahit nanginginig ang labi. Maraming salamat po ma’am. Sobrang salamat po. Paglabas niya sa office halos mabingi siya sa sarili niyang kaba at saya.

May pumalakpak na mga office mate niya at binati siya. Gusto pang mag-treat siya kaya napasubo na lang. Sige sa Friday. Sweldo. Promise libre ko kayong lahat. Nang sumapit ang uwian, agad niyang niyakap si Ivan na sundo niya. Natatawan naman ito dahil akala ay naglalambing lang siya. Nagtama ang kanilang mga mata.

Ang lambing mo, anong meron? Malumanay na tanong ng binata. Labis ang kagalakan sa puso ni Aliana. Na-promote ako, Ivan. Nan laki ang mga mata nito. Wait talaga. Tumango siya. At bago pa niya maawat si Ivan, bigla siyang niyakap ulit ng binata. [musika] Walang pakialam kung may nakatingin. Mahigpit, halos buhati na siya at ramdam na ramdam ang saya. Proud na proud ako sa’yo.

Bulong nito sa tuktok ng ulo niya. Sobra. Hoy, nakakahiya. Natatawang sabi ni Alyana habang lumilinga sa paligid. Huwag mo akong buhatin. Nakatingin na sa atin yung mga guard at at lumalabas sa building. Pero tawa lang ang narinig niya mula rito. Nang makapag-ipon, nakabili na siya ng bahay.

Installment niyang binayaran yon at okay naman sa kanya. Tinulungan pa siyang maglipat ng kanyang boyfriend. Bakit bumili ka pa ng bahay? Kapag kinasal tayo, huwag kang mag-alala. May bahay ako para sa magiging pamilya natin, sabi ni Ivan. Napangiti siya rito. Syempre iba naman ang may sariling bahay. Gusto ko ng something na masasabi kong sariling acquired ko.

Gusto ko rin na tirahan ko ‘to habang single pa ako. Kung hindi na makatira, at least may bahay ako. Pwede kong paupahin sa iba. [musika] Investment na din. Paman na rin sa mga magiging anak natin. Lumapit si Ivan at hinalikan siya sa sentido. [musika] Ilan ang gusto mong anak? Ako kasi 10. Nan laki ang mga mata niya. Bali ka. Anong 10? Ang liit-liit ko. Tatlo lang.

Humalakhak ang kanyang boyfriend. Binibiro lang kita. Ikaw naman ang magbubuntis kaya nasao ang desisyon. Aliana tahimik ang Sabado ng hapon ni Aliana. Nakaupo siya sa tapat ng maliit na mesa. Kapag wala siyang trabaho, mga sideline niya ang kanyang inaatupag. Huminto lang siya ng biglang mag-vivrate ang kanyang cellphone.

Napakunot ang noon niya. Pagbukas niya, sunod-sunod ang post na naka-tag sa mga friend niya na friends din ng kanyang mga step sister. Hindi niya inaasahan ang makikita. May mga posts mula kina Crystal at Macy. Kay Crystal, [musika] binasa niyang caption. Finally, officially enrolled at Fairfield International College, New Journey Unlock, kasama ang tatlong pictures.

Naka-all white na damit, hawak kang Starbucks cut, tapos selfie sa harap ng malaking gate ng campus. Tumaas ang kilay ni Aliana. Sumunod naman niyang binasa ang caption ni Ma. [musika] Blessed and grateful, Fairfield International, Here I come. Kasama ang pictures ng bagong iPad, bagong laptop at bagong tobag na branded. [musika] Tumigil si Aliana. Napailing siya bigla.

Fairfield. Prestigious private school ‘to ah. Akala ko ba wala ng trabaho si Tito Rudy at maraming utang? Saan kaya nila kinuha ang pang-enroll? Hay, pero hindi ko na naman problema ‘yon. Pero kahit paano hindi niya maiwasang ma-curious kasi kilala niya ang pamilya ng mga ito. Kilala niya kung gaano kahirap ang sitwasyon sa bahay nang umali siya roon.

[musika] At mas kilala niya kung gaano kadali magsinungaling ang dalawang stop sisters niya. lalo na kapag tungkol sa pera at pagyayabang. Hinayaan niya na lang at hindi niya na masyadong inisip. Pero isang gabi may magbabalik sa buhay niya [musika] na hindi niya inaasahan. Kauuwi lang niya mula sa trabaho. Nagulat na lang siya ng makitang nag-aabang sa labas ng bahay ang kanyang ina.

“Anak!” bulong ng kanyang nanay bago tuluyang humagulgol. Hindi alam ni Aliana kung ano ang mararamdaman. [musika] Gulat, awa, galit. Hindi niya talaga alam. Pasok po. Mahina niyang sagot kahit kinakabahan pa rin ang dibdib. Pumasok ang kanyang ina na parang nahihiya pa. Umupo ito sa sofa at hindi makatingin ng diretso.

“Gusto mo po ng tubig?” tanong ni Aliana. Wala po akong sinaing. Magsasaing pa po ako. Ma, may ulam naman ako na pwedeng i-reheat. Umiling ang kanyang ina. Hindi na anak. Nandito ako kasi kailangan kong makausap ka. Umupo siya sa tapat nito ng marahan. Kalmado pero may distansya. Ano pong nangyari? Huminga ng malalim ang kanyang ina saka napahawak sa dibdib.

>> [musika] >> Aliana, yung school ng mga kapatid mo may financial audit daw. Tinitingnan na nila ang mga estudyanteng may mga balance. At ngayong midsem na anak eh baka ma-drop sina Crystal at Macy. [musika] Hindi umiimik si Aliana. Pinigilan niya ang sarili na mag-react. Anak, ikaw na lang ang pag-asa ko. Nagsusumamo ang kanyang ina.

Hindi ko sila matitiis. Ayokong masira ang pag-aaral nila. Hindi sila sanay sa ganitong problema. Hindi katulad mo na na matibay. Sa huling salita, [musika] napangiti si Alyana ng mapait. Hindi naman siya matibay. Naging matibay lang kasi wala siyang choice. Umiling si Alyana. Ma, kaya niyo po ba talagang pag-aralin sila sa school na yon? Hindi. Pero humikbi ang kanyang ina.

[musika] Kinailangan namin. Gusto naming ibigay sa kanila kasi yun ang gusto nila. Doon napapikit si Aliana. At ako dati [musika] hindi ba may mga bagay na ginusto rin naman ako non? Hindi ba ako nasaktan? Kung gusto nila silang gumawa ng paraan. Malalaki na sila. Kaya na nila ‘yon anak. Tuloy ng kanyang ina.

May utang na rin kami. Malaki-laki. May mga naniningil. Si Rudy ay ginugulo na nila. Ma. Mariin siyang umiling. Hindi ako maglalabas ng pera sa mag-aamang yon. Parang tinamaan ng kidlat ang kanyang ina. Ana, kahit pang-enroll lang nila at kahit panghulog man lang. kahit kalahati [musika] hindi po humigpit ang hawak ni Alyana sa tropillow hindi dahil galit siya kundi dahil kinailangan niyang gawin yon kasi kung tutulong ako ngayon uulit at uulit ito hindi matatapos Aliana anak naman ito na lang ang isa kong hiling kapag nakatapos sil hindi ka

na namin lalapitan pero ngayon kailangan ka nila pero sa halip na maantig Mas lalo lang tumatag ang puso ni Aliana. Ma, hindi ko responsibilidad ang mga desisyon at pagkakamali niyo. Hindi po pamilya ang turing nila sa akin non. Parang kinalimutan mo na ako para sa kanila. Bakit ma? Ni minsan ba tinanong mo ako kung okay pa ba ako habang nag-aaral at nagtatrabaho? Kung kinakaya ko pa ba kahit walang suporta mo? Yung graduation ko, college graduation na pinakamahalagang milestone para sa akin.

[musika] Hindi ka dumalo. Nag-celebrate ako kasamang ibang tao. Hindi ko kaano-ano. Hindi ko kadugo. Pero bakit sa dalawang yon na hindi mo naman mga anak? Ang galing mong gumawa ng effort? Ma kasi ano mga anak sila ng lalaking mahal mo. Paano ko ma? Anak mo ako. Sao ako nanggaling pero nakalimutan mo na akong pahalagahan.

Natigilan ang kanyang ina. [musika] Humigpit ang hawak nito sa laylayan ng sarili nitong blause. Pero kahit ganon, [musika] huminga ng malalim si Aliana. Hindi ko kayo kinamuhian. na nga kung kapag nakaluwag ako tutulong ako [musika] pero sa’yo lang at hindi sa kanila. Pero ma iba ng sitwasyon ngayon nabuo ko ng buhay ko at hindi ko hahayaang gibain ulit [musika] dahil ang kailangan nila ng tulong.

Kasi ng mga panahong kailangan ko ng tulong, wala kayo para sa akin. Wala. Humagulgol ang kanyang ina. Aliana, paano sila? Paano ang mga kapatid mo? Wala silang ibang aasahan ma. Hindi ko sila kapatid. Wala akong pakialam at hindi ko responsibilidad ang buhay na pinili niyong ibigay sa kanila. Pero pamilya mo kami.

Napailing si Alyana. Ma, pwede ko kayong payuhan. Pwede ko kayong samahan. Pwede ko kayong tulungan maghanap ng trabaho o magplano kung paano masusolusyunan yan. Pero pera, hindi po. Kung hindi niyo na kayang buhay na yan, pwede kayong umalis. Pwede kayong tumira sa akin. Tatanggapin pa rin kita kasi nanay kita. Pwede tayong magsimula ulit.

Pwede kang humiwalay kay Tito Rudy kung kailangan. Nilingon siya ng kanyang ina. Gulat at namumugto ang mata. Anak, hindi ko kayang iwanan sila. Asawa ko si Rudy. Nagtagal ang katahimikan. Yun ang sagot na inaasahan ni Alyana. Yun ang sagot na lagi namang pipiliin ng kanyang ina. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko ang mga anak niya.

Patuloy ng kanyang ina na para bang hindi siya anak. Hindi ko sila kayang bitawan lalo na ngayong may problema sila. At naroon ng sagot. Laging pipiliin ng mama niya ang pamilya na ‘yon. Hindi siya. Hindi kailan man siya. Tumango si Aliana dahil sa wakas tinanggap niya na ang matagal ng totoo. Sige po ma. Kung yan ang choice ninyo, rerespetuhin ko.

Huwag na po kayong umasa ng tulong sa akin. Wala po kayong mapapala. Alis na ma. Mas lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko. Walang nagawa ang kanyang ina kundi ang umalis. Nang siya na lang mag-isa, hindi niya na napigilan ang mga luha. [musika] Ni hindi man lang ito nag-sorry. Yun lang naman ang kanyang hinihintay.

[musika] Pero walang binigay ang kanyang ina. Iniisip niyang paano kung wala siyang pera, wala siyang narating sa buhay. Duda siyang balikan pa nito o hanapin pa ng sariling ina. Isang gabi, bumisita ang kanyang boyfriend na pakunot ang noon niya. Ivan, akala ko may meeting ka pa. Natapos na ng maaga,” sagot nito pero may kakaiba sa ngiti.

“Gusto sana kitang surpresahin.” Napahalakhak si Aliana. [musika] “Grabe ka! Kinabahan tuloy ako. Ano yung dala mo?” Cake? Napalunok ito. Aliana. Mmm. Bakit ganyan ka? Naiilang ako. An Aliana. Habang naglalakad papalapit, tumaas ang mga kilay niya nang bigla siyang hawakan ni Ivan [musika] sa magkabilang kamay.

‘Yon ang hawak na puno ng panginginig. [musika] Aliana, mahal na mahal kita. Napangiti naman siya. Alam ko at mahal din kita. Nakakagulat ka? Pumunta ka rito para sabihin yan. Umiling si Ivan. Nanlaki na lang ang kanyang mga mata nang lumuhod ang binata. Doon na halos sumabog ang puso niya. Hai, [musika] halos hindi makahinga si Aliana.

Kinuha nito mula sa bulsa ang maliit na itim na box. Sorry kung biglaan pero hindi talaga ako makatulog. Pagkatapos kong makuha itong singsing, “Will you marry me?” Tumulo ang luha ni Aliana bago pa siya nakasagot. Oo naman, Ivan. May usapan na tayong ikakasal. Hindi ko inaasahang magpo-propose ka pa talaga ng ganito. Tumayo si Ivan.

Mabilis siyang niyakap, mahigpit at parang ayaw ng pakawalan. Thank you. Thank you. Huwag mo akong pasalamatan. Mahal kita. Minahal mo ako nung panahon na hindi pa ako naniniwala na may magmamahal sa akin. Simula ng araw na yon, mas naging sigurado siya sa future kasama si Ivan. Mas naging planado sila pareho sa mga bagay na gusto nila.

Isang gabi, tumawag ang kanyang fiance. Bigla itong nag-aya na mag-dinner sila sa labas. [musika] Kaya yun at nag-asikaso na siya. Habang nagpapalit ng blouse si Aliana, [musika] nakatitig pa rin siya sa singsing. Magpapakasal ako. Magkakaroon ako ng pamilya, ng tahanan na hindi ko kailangan hingin o pagtiisan.

[musika] Pagkalabas niya sa pinto, bitbit ang bag. Wala pa roon si Ivan kaya tinawagan niya na. Kailangan ko muna i-lock. Sabi ni Aliana [musika] baka may makapasok. Sige love. Malapit na rin ako sa tapat ng bahay mo.” Ngiti-ngiti si Aliana habang nilalakang pinto. Pagkatapos, tumayo siya sa gilid ng driveway ng bahay.

Malamig ang simoy ng hangin, walang masyadong tao. Ilang streetlights na lang ang nagbibigay liwanag. Nang makita niyang lumiko ang sasakyan nito sa kanto ay agad siyang kumaway. [musika] Pero biglang may dumaan na isang itim na kotse. Sobrang bilis mula sa kanyang likuran. At sa isang iglap, malakas na humampas ang katawan niya roon. Aliana! Sigaw yon ni Ivan.

Pero huli na, tumilapon ang katawan niya. Tumama ang ulo niya sa sementadong kalsada. [musika] Ang bag niya ay lumipad. Gumulong ang cellphone niya. Ang singsing sa daliri niya na nabahiran ng dugo ay kumikislap [musika] sa ilaw ng poste. Hindi man lang huminto ang itim na kotse, humagibis na palayo at parang walang pakialam sa kanya.

Ivan mahinang bulog ni Aliana pero hindi niya alam kung lumabas ba ‘yon mula sa bibig niya o iniisip lang niya. [musika] Tumakbo si Ivan na parang mababaliw. Alyana. Alyana. No. Huwag. Diyos ko. Lumuhod ito agad sa tabi niya. Hinawakan ang mukha niya na duguan ng gilid. Love, love, tingnan mo ako. Please.

Tingnan mo ako. Please. Ah, Ivan, bulong niya rito. Masakit. Walang awat ang pagtulo ng mga luha ni Ivan. Nandito ako. Hindi kita iiwan. Huwag mong ipikit ang mga mata mo, love. Please. Napapikit si Aliana. Huwag. sigaw ni Ivan halos pumutok ang ugat sa leeg. “Huwag kang pipikit, mahal kita.

Naririnig mo, Aliana!” Humigpit ang hawak nito sa katawan ni Aliana. “Ambulance! Tulungan niyo kami. Tumawag kayo ng tulong.” Lumapit na ang ilang kapitbahay niya at may tumawag na ng ambulansya. Pero parang lahat ng ingay ay lumalayo kay Alyana. Nauupos ang pandinig niya, nauupos ang liwanag pero ramdam niya ang isang huling bagay. Ang kamay ni Ivan sa kamay niya.

Nanginginig ang kanyang mapapangasawa. Hindi. Huwag mo akong iwan. Hindi ka mawawala sa akin. Lalaban ka. Naririnig mo? Lalaban ka. Napangiti si Aliana pero unti-unting bumigay ang katawan niya. Aliana. Sigaw yon ni Ivan na tumagos hanggang sa pinakamadalim na bahagi ng gabi. At habang papalapit ang ambulansya, hawak pa rin ni Ivan ang kanyang kamay na malamig at unti-unting kumakawala sa kamalayang mayroon siya.

Hindi niya na alam kung ano ang nangyari pagkatapos non. Ang alam lang niya, para siyang naglalakad sa kawalan. Wala siyang ibang makita. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero may mga naririnig siyang boses. Boses ni Ivan at boses ng kanyang ina. At nang magising si Aliana, para siyang uhaw na uhaw. Aliana! Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Ivan. Doc, doc, gising na siya.

Hindi niya lubos maintindihan ang nangyayari. [musika] Hindi siya makapagsalita. Doon niya na-realize na may mga tubong nakadikit sa kanya. Napapikit siya habang inaasikaso ng mga nurse at doktor. Nang ilipat na siya sa mas maayos na room, parang bangag pa ang pakiramdam niya. Maraming masakit sa katawan ni Aliana.

Gayun pa man, kahit nahihirapan hindi siya iniwan ni Ivan. Palagi itong nakatingin sa kanya at hindi mawala ang pag-aalala sa mga mata. Ivan tubig mahina niyang sabi rito. Agad naman itong kumilos at pinainom siya. Nang makainom, hinayaan siya ulit nito na makahiga. Ilang araw akong walang malay? Tanong ni Aliana.

[musika] Hinawakan ni Ivan ang kamay niya. Dalawang linggo. Hinaplus niya ang eyebags nito. Nagpapahinga ka ba? Magpahinga ka na. Nag-alala ka siguro ng sobra. Tumulo na naman ang mga luha nito. Paanong hindi ako mag-aalala? Mahal kita, Alyana. Kapag nawala ka, hindi ko alam ang gagawin ko. Baka sumunod agad ako sa’yo. Sh. Huminga siya ng malalim. Huwag mong sabihin yan.

Hindi niya kakayanin ‘yon. Kapag nawala siya. Gusto niyang mangarap pa si Ivan. Gusto niyang magpatuloy pa rin ito sa buhay. Sinadya ong ginawa sa’yo. Marieng sabi ni Ivan. Ang stepfather mo siyang bumangga sa’yo nung gabing yon. Nanlaki ang mga mata niya. Ano? Hinawakan ni Ivan ng mahigpit ang kamay niya at ramdam ang galit nito.

Sinuplong siya ng mama mo kaya nasa bilangguan ng Rudy na yon. Inaasikaso ng pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Mabibilanggo siya kasi umamin din naman siya sa kasalanan niya. Hindi niya napigilan ang pagluha. Hindi siya makapaniwala na magagawa ‘yun ng asawa ng kanyang ina. Alam niyang naging matigas siya sa mga ito.

Hindi siya tumulong pero sapat ba ‘yon para saktan siya ng ganoon? Nandito ang mama mo kanina. Mahinang [musika] sabi ni Ivan. Nandito siya at nagbabantay din sa’yo. Pinauwi ko nga muna kasi hindi na nakakapagpahinga. Pero alam niya na gising ka na kaya pupunta na raw siya rito. Marahan na lang siyang tumango.

Maya-maya ay dumating na ang kanyang mama. Agad siya nitong niyakap at umiyak na ng umiyak. [tawanan] Sorry anak. Sorry anak ko. Napahagulgol siya. Okay lang ma. Okay lang. Okay lang kasi nabuhay naman siya. Okay lang dahil nag-sorry na naman ito. Okay lang kasi kahit sa kabila ng lahat, mahal niya pa rin ang kanyang mama.

Nagpagaling siya kasama sina Ivan at ang mama niya. Hindi na bumalik ang kanyang ina sa bahay ng asawa nito. Para kasing simulan ng aksidente, doon lang ito nagising na napabayaan talaga siya. Nakita niya rin ang pagsisisi nito lalo na nangamang si Rudy ang bumangga sa kanya. “Ano na po palang nangyari kina at Crystal?” tanong ni Aliana.

Napabuntong hininga ang kanyang ina. Nasa lola nila. Hindi ko na rin kasi talaga kayang harapin pagkatapos ng mga ginawa ko para sa kanila. Tapos nagawan ka pa ng masama ni Rudy. At least doon sa lola nila eh kahit papaano madidisiplina sila. Mahigpit yon kaya sana maging okay ang buhay nila Ron.

Marahan na lang siyang tumango. Alam niyang matigas ang ulo nina May at Crystal. Sana nga magkaroon ng realization ng mga ito sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ng mga ito. Makalipas ng ilang buwang recovery, natuloy na ang kasal nilang dalawa ni Ivan. Masaya siya dahil nandoon ang kanyang mama. Sa huli, katulad ng dati, sila pa rin ang magkasama hanggang dulo.

Marami itong pagkukulang at nagkaroon pa sila ng samaan ng loob. Pero hindi niya naman maitatanggi na kalahati ng buhay niya ang mama niya ang kanyang nakasama. Kaya hindi niya ito magawang talikuran kahit gaano pa kasakit ang ibinigay sa kanya. Sa kwentong ito ni Aliana, ipinapaalala sa atin na hindi masama ang magmahal.

Pero kailangan may hangganan ang pagbibigay lalo na kung paulit-ulit tayong sinasaktan at ginagamit. Sa bawat pagsubok, sa bawat luha, may liwanag na naghihintay kung handa tayong kumawala mula sa nakaraan at yakapin ang sarili nating kinabukasan. At higit sa lahat, paalala ang buhay ni Alyana na karapatan ng bawat tao ang maging masaya, mahalin ng tunay at makalaya.

Maaari tayong bumagsak, masaktan o masubok ng paulit-ulit [musika] ngunit hindi kailan man mawawala ang pag-asa. Sapagkat ang buhay, gaano man kabigat ay laging nagbibigay ng panibagong pagkakataon para ayusin ang sarili. Piliin ang kapayapaan at hanapin ang pag-ibig na hindi kailan man magtataksil o mananakit sa atin.

Muli, ako po si Skyler Guro at sana may bago na naman kayong natutunan sa kwento natin ngayon. Maraming maraming salamat po. [musika]