Nanay na sumunog sa 3 anak may problema sa mister, ‘pakialamerang’ biyenan?

Photo courtesy: via LIFE Inspiration (FB)
Ibahagi
TRIGGER WARNING: Pagbanggit sa salitang depresyon
Patuloy na usap-usapan at nagbukas ng iba’t ibang diskusyon kaugnay ng usaping mental health ang malagim na balitang isang ina sa Sta. Maria, Bulacan ang sumunog sa kaniyang tatlong maliliit na anak, at pagkatapos, saka naman niya ito ginawa sa kaniyang sarili, dahil umano sa depresyon at marital problems.
Ayon sa mga ulat, nadatnang sunod na sunog ang mga bata sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay San Vicente. Kuwento ng isang kapitbahay, naisalaysay pa raw ng animna taong gulang na anak ng namatay na suspek, na siyang panganay, na binuhusan sila ng kanilang sariling ina ng gaas.
Itinakbo sa ospital ang mga bata subalit dead on the spot ang bunso habang namatay naman ang dalawa pa, kasama ang ina na siya umanong gumawa ng panununog.
Human-Interest

68-anyos na senior citizen sa Lapu-Lapu City sumakses; tuli na, may ₱20k pa!
Base umano sa inisyal na imbestigasyon, ang nabanggit na nanay ang sumunog sa kaniyang mga anak, at pagkatapos, siya naman ang gumawa nito sa kaniyang sarili, sa pamamagitan ng paint thinner.
Bago raw maganap ang insidente ay nagpa-blotter pa sa barangay ang ina para ireklamo ang mister at umano’y pakialamerang biyenan, na pinag-aaway umano silang mag-asawa. Pagkatapos daw magpa-blotter, saka raw isinakatuparan ng ina ang trahedya.
“Ayon doon sa blotter, pinag-aaway sila no’ng biyenan,” panayam ng Frontline Pilipinas ng TV5 kay Potenciano Lorenzo, kapitan ng Barangay Vicente.
“Kumbaga, galit siya sa biyenan niya.”
Narekober naman ng mga awtoridad ang basyo ng paint thinner at posporo na pawang ginamit sa krimen.
Sa Batangas daw nagtatrabaho ang mister at tatay ng mga bata, na tumangging magbigay ng pahayag at humiling ng privacy.
Naging paksa naman sa social media ang nangyari. May mga nagsabing sana raw ay hindi na dinamay ng ina ang mga anak niya. May mga nagsabi namang huwag agad husgahan ang ina at baka may malalim siyang pinagdaraanan.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
“Ang bigat sa dibdib. I know how it feels to be in that situation, been there I’m just thankful to God we’ve made it through the worst and hardest part. Sana ate kumapit ka pa din para sa mga anak mo. Can’t blame you tho. Fly high angels.. Mama must have chosen the easiest way for her.”
“People won’t really understand her—lalo na ‘yung mga taong hindi pa naranasan ang sitwasyon niya. I’m also a mom na nagsu-suffer sa mental health ko… Don’t be harsh to all the moms out there. Don’t be the reason that some children will lose their mother. Sa mga asawa din dyan wag nyong bigyan ng rason ang mga asawa nyo para sukuan ang buhay. Please don’t misinterpret this post. I am not justifying the mother’s actions or excusing her for killing her children. My point is to explain a possible reason why she may have ended up doing it.”
“Need talaga ng mga nanay ng matibay at solid sa support pag ganito eh. I’m so sorry she did not get the support she needed. Sana ako ung nachat nya para kahit paano napadalhan ko sya (hindi kami magkakilala pero i think magkapitbahay kami sa bahay sa bulacan same brgy kasi sabi sa news) baka sakali kahit paano naramdaman nya na may nakakaintindi.”
“Sa mga Nanay na mga may pinag dadaanan , hwag po tayo panghinaan ng loob. Isipin po natin lagi ang mga anak natin na sa atin umaasa at patuloy na magtiwala sa ating Poong Maykapal”
“Tatlong inosenteng anghel ang nawala sa mundo—sinunog ng sariling ina, at pagkatapos ay ang sarili niya. Isang trahedyang mahirap arukin. Pero sa likod ng lahat ng ito, isang napakatinding sakit ang dahilan: depresyon… Depresyon ay totoo. Hindi ito dapat binabalewala. At minsan, ang panloloko, kapabayaan, at kakulangan sa pagmamahal ang nagtutulak sa isang taong sumuko. Kung may kilala kang may pinagdadaanan, kamustahin mo. Baka isang simpleng ‘kamusta ka?’ ang makapagligtas ng buhay.”
KAUGNAY NA BALITA: Nanay sinilaban 3 anak bago sinunog sarili; netizens, nanimbang
Samantala, ipinayo naman ng mental health advocates na kung may mga pinagdaraanan daw ay huwag mahiyang makipag-ugnayan sa mga espesyalista, awtoridad, o kahit sa malalapit na tao upang maiwasang gumawa ng mga hakbang at aksyong pagsisisihan sa bandang huli.
Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nagsasalita o naglalabas ng pahayag ang mister at tatay ng mga biktima gayundin ang sinasabing biyenan. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
News
Inampon ng guro na hindi kailanman ikinasal ang kanyang inabandunang estudyante na naputol ang binti. Pagkalipas ng dalawampung taon, naantig ng bata ang milyun-milyong tao…
Si Propesor Don Ernesto Ramírez ay nagturo ng panitikan sa isang pampublikong hayskul sa labas ng Mexico City, malapit sa Iztapalapa. Kilala siya…
Ako ay 65 taong gulang. Nagdiborsyo ako limang taon na ang nakararaan. Iniwan sa akin ng ex husband ko ang bank card na may 3,000 pesos. Hindi ko ito hinawakan. Pagkalipas ng limang taon, nang i-withdraw ko ang pera… Ako ay paralisado.
Ako ay 65 taong gulang. At pagkatapos ng 37 taon ng pagsasama, iniwan ako ng lalaking halos buong buhay ko…
Siyam na taon matapos silang mawala sa kabundukan… Tanging ang aso lamang ang bumabalik
Isang Golden Retriever ang Bumalik Pagkatapos ng 9 na Taon – at Humantong sa Kanila Pabalik sa Katotohanan Ang Golden…
Kinaladkad ako ng aking asawa sa gitna ng bakuran, pinahiya sa harap ng dalawang pamilya at saka inahit ang ulo at pinahiran ng apog para lamang “mapasaya” ang kanyang kabit na buntis ng kambal na dalawang lalaki. Ngunit sa gabing iyon, tahimik kong pinirmahan ang isang papel—hindi iyon divorce paper, kundi…
Noong araw na iyon, kinaladkad ako ng aking asawa palabas sa bakuran, sa harap ng kanyang mga kamag-anak, ng aking…
Ibinuhos ng asawa ang bagoong sa ulo ng kanyang asawa para lang pasayahin ang buntis niyang kabit na may dinadalang anak na lalaki. Ngunit hindi niya inakalang makalipas lamang ang sampung minuto, ang paghihiganti ng buong pamilya ng babae ay magpapatumba sa “third party” nang hindi man lang ito makakilos…
Ang lalaking minsan kong tinawag na asawa—sa harap ko at sa babaeng karelasyon niya—ay diretsong ibinuhos ang isang mangkok ng…
Nang malaman ng aking biyenan na kumikita ako ng ₱100,000 kada buwan, mariin niyang iginiit na dalhin ang tatlo niyang kapatid na lalaki mula sa bukid upang tumira kasama namin, at inutusan pa akong pagsilbihan sila araw-araw. Tahimik akong nagplano sa aking isipan, at makalipas lamang ang isang araw, may isang bagay na lubos na hindi inaasahan ang biglang nangyari…
Nang malaman ng biyenan kong babae na kumikita ako ng ₱100,000 kada buwan, bigla siyang nagbago.Hindi na siya mapanlait, hindi…
End of content
No more pages to load






