Christopher de Leon admits ex-wife and Superstar Nora Aunor still “excites” him

Christopher de Leon talks about doing a scene again with Nora Aunor: “Pitik… yun na yun. Nasagot na ni Mama Guy. Siyempre may kaba, hindi mo maintindihan. Madali yung koneksiyon. Pag nagtrabaho na, yung rapport nandun na. Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. It’s a nice feeling to see her again. I am so happy that she is doing very, very well, especially sa project na ito. This is a very good vehicle, very good project for Mama Guy and for all of us. So, mero’n din [pitik
Puno pa rin ng paghanga ang King of Drama na si Christopher de Leon sa dati niyang asawa at ka-tandem sa showbiz na si Superstar Nora Aunor.
Kagabi, September 22, sa SM The Block Cinema 2, pagkatapos ng red-carpet premiere ng kauna-unahang mini-serye ng TV5, ang Sa Ngalan Ng Ina, na pinagbibidahan nilang dalawa, ay nagpahayag pa rin ng pagkabilib si Boyet kay Ate Guy.
“I’m very proud to be in this project. And I’m so happy to be working again with director Mario O’ Hara.
“And, of course, director Jon Red and the one and only Superstar. Magaling pa rin.
“After eight years [ng pamamahinga niya sa showbiz], she’s still the one… number one,” sabi ni Christopher, referring to Ate Guy.
Ikinatuwa rin ng aktor ang napanood niyang pilot episode ng kanilang mini-serye.
“Maganda ang nakita kong product and there’s more to come,” sabi niya.
Ginagampanan ni Christopher ang role ni Pepe Ilustre sa Sa Ngalan Ng Ina. Asawa siya rito ni Rosanna Roces as Lucia Ilustre at may nakaraan naman sila ni Nora as Elena Deogracias.
Kasama rin nila sa cast sina Ian de Leon, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, Karel Marquez, Joross Gamboa, Jay Aquitania, at may special participation naman sina Eugene Domingo at Bembol Roco.
Mapapanood ang Sa Ngalan Ng Ina simula sa October 3 pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.
BRINGS BACK MEMORIES. Dahil ang characters nina Christopher at Nora sa mini-serye ay may nakaraan, inamin din ng dalawa na naka-relate sila rito dahil maging sila ay may nakaraan din sa totoong buhay, na nagbunga pa nga ng isang anak—si Ian de Leon.
Nang matanong nga si Ate Guy ng press kung may memories bang nagbalik ngayong magkatrabaho sila sa series na ito, sinabi niya: “Alam n’yo kung ang dalawang tao ay may pinagsamahan at ito nga ang bunga [Ian], so para sa akin hindi mo maiaalis.
“Siyempre yung pakiramdam na unang-una, isang magaling na aktor si Papa Boyet.
“Idolo ko po iyan, e. Pag nagkakaeksena po kami, kinakabahan ako.
“Yung relasyon, nandun na yun, e. Hindi na natin maiaalis yun.
“Pero, tapos na iyon.”
Dagdag pa ni Ate Guy, bilang dating magkarelasyon hindi maiwasan na magkaroon pa rin ng “pitik sa puso” ang muli nilang pagkikita.
Sinegundahan naman ito ni Christopher.
Sabi ng aktor, “Pitik… yun na yun. Nasagot na ni Mama Guy.
“Siyempre may kaba, hindi mo maintindihan. Madali yung koneksiyon.
“Pag nagtrabaho na, yung rapport, nandun na.
“Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. It’s a nice feeling to see her again.
“I am so happy that she is doing very, very well, especially sa project na ito.
“This is a very good vehicle, very good project for Mama Guy and for all of us.
“So, mero’n din [pitik sa puso]. It’s always there. Nandun din lagi si Ian.
“It’s fun, nag-enjoy lang kami sa set. It’s nice working with her again.”
News
Araw-araw, ang isang 3-taong-gulang na batang lalaki ay gumugugol ng 8 oras sa parehong bench. Iniisip ng mga tao na naglalaro lang siya—hanggang sa ang isang jogger ay tumingin nang mas malapit at matuklasan ang isang bagay na hindi inaasahan ng sinuman…
Ang ulan ay tumigil ilang oras bago bukang-liwayway, na nag-iiwan ng mga kalye ng Portland madulas at sumasalamin, hawak ang…
Kinuha ng manugang ko ang bill sa hapunan, na nanunuya, “Kinansela ko ang iyong mga card. Pinamamahalaan ko ang pamilyang ito ngayon.” Tumingin lang ang anak ko, nahihiya. Hindi ako sumigaw. Ngumiti lang ako, lumabas, at nag-dial ng numero na may label na ‘Protocol Zero.’
Sa gabi na sinubukan ng aking manugang na patalsikin ako, ang mga kutsilyo ng steak ay kumikinang pa rin sa…
Ang kabit ng asawa ay nagpunta mismo sa bahay para piliting ahitin ang ulo ng buntis na asawa, ngunit hindi pala basta-basta ang legal na asawa. Pagkalipas lamang ng 10 minuto, ang ginawa ng babae ay nagpatigil at nagpahanga sa buong baryo…
Dumating ang asawa ng asawa sa bahay para magtanong sa unang pagkakataon, ngunit hindi tama ang pangunahing bahay Ang buong…
“Sir… nasa BASURA na sila,” sabi ng kawawang bata sa milyonaryo… at kung ano ang natagpuan niya roon ay nagbago ng kanyang buhay magpakailanman…
Akala niya ay umiiyak siya sa libingan ng kanyang mga anak na babae, ngunit isang mahirap na batang lalaki ang…
Nawala sa isang paglalakbay sa paaralan noong 2004 … At ang katotohanan ay lumabas lamang makalipas ang dalawampung taon.
Noong 14 Abril 2004, ang Class VIII ng Saraswati Vidya Niketan School sa New Delhi ay nagplano na pumunta sa…
Sabi sa akin ng manugang ko: “Akin ang ref na iyon. Bumili ng Iyong Sariling Pagkain … pero ang SURPRISE na inihanda ko para sa kanya pagkatapos…
Umuwi ako pagkatapos ng 26 na oras na nursing shift at nakakita ako ng pangalawang refrigerator sa kusina. Sabi ng…
End of content
No more pages to load






