Si Marco ay isang simpleng construction worker na sanay sa araw-araw na init ng araw at bigat ng trabaho. Tuwing tanghali, mahilig siyang pumwesto sa maliit na karenderya sa tapat ng ospital para magpahinga at kumain. niya unang napansin si Nurse Li maganda, maaliwalas ang mukha at palaging nakangiti sa mga pasyente.

PINAHIYA AT BINASTED NG NURSE ANG MANLILIGAW DAHIL ISA LAMANG ITONG CONSTRUCTION WORKER, NAMUTLA SYA

Sa tuwing dumaraan ito, napapatingin si Marco at tila humihinto ang oras sa kanya. Matagal niya itong minamasdan mula sa malayo. Ngunit isang araw, nagpasya siyang lumapit. Pinag-ipunan pa niya ang maliit na bukay ng bulaklak mula sa naglalako sa kanto. Mahigpit ang kapit niya dito habang naghihintay sa labas ng ospital matapos mag-off duty si Li nang makita niya itong lumabas, agad siyang lumapit.

nanginginigma ng kamay at boses. Hay ako nga pala si Marco. Pwede ba kitang makilala? Ngunit imbes na ngumiti, sinipat siya ni Lian mula ulo hanggang paa. Napansin ang pawis, alikabok at gusot na damit ni Marco. “Construction worker ka lang pala.” Malamig na sagot nito. Pasensya na. Hindi ko type ang ganyang klase ng lalaki. Napahinto si Marco.

Ramdam ang init sa kanyang pisngi habang may ilang kasamahan ni Lian na nakatingin at nagtatawanan sa gilid. Hindi pa doon natapos ang sakit ng sinabi ni Lian. Hindi ako nakikipag-date sa taong walang malinaw na kinabukasan. Dagdag nito bago siya iniwan. Para bang tinuhog ang puso ni Marco sa sobrang sakit at hiya? Hindi niya alam kung paano siya lalakad palayo.

Nang hindi kita ang bigat ng kanyang damdamin. Pero pinilit niyang tumalikod na lang at hindi na lumingon. Habang naglalakad, mas hinigpitan ni Marco ang hawak sa kanyang lumang helmet. Sa gitna ng kahihian, isang bagay lang ang pumasok sa kanyang isipan. Balang araw, magbabagong takbo ng buhay niya at patutunayan niyang mali ang tingin sa kanya ng mga mapangusga.

Pag-uwi ni Marco sa kanilang maliit na inuupahang kwarto, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Lian. Paulit-ulit itong tumutunog sa kanyang pandinig. Construction worker ka lang pala. At walang malinaw na kinabukasan. Ngunit imbes na tuluyang sumuko, lalo lamang niyang naramdaman ang apoy ng determinasyon sa kanyang dibdib, alam niyang hindi niya kayang mabuhay habang buhay sa ganitong kalagayan.

May mas malaki siyang pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya. Simula pagkabata, pangarap na niyang maging isang engineer. Tuwing nasa site siya, humahanga siya sa mga gumuguhit ng plano at nagdidikta kung paano itatayo ang gusali. Ngunit dahil sa kahirapan, napilitan siyang huminto sa kolehiyo at magtrabaho kaagad.

Ngayon, muling bumalik ang pangarap na iyon at mas malinaw ito kaysa dati. Para kay Marco, ang paungutya ni Lian ay hindi pagtatapos kundi simula ng kanyang laban. Isang gabi habang nagkakape sa labas ng barong-barong nilang inuupahan, kinausap siya ng matalik niyang kaibigan na si Tonyo.

Kung gusto mo talagang magbago ang buhay mo, tol, kailangan mong magpursige. Mag-aral ka ulit kahit kabilang. Napaisip si Marco. Mahirap. Oo. Lalo na’t kulang ang pera. Pero mas mahirap ang mabuhay na walang direksyon. Ipinangako ni Marco sa sarili na sisimulan na niya ang unang hakbang. Kinabukasan, matapos ang trabaho, dumiretso siya sa isang night school para magtanong kung paano makakapag-enroll sa kursong civil engineering.

Nang makita niya ang presyo ng tuition, medyo kinabahan siya ngunit hindi iyun sapat para tumigil siya. “Kaya ko ‘.” Mahina niyang bulong sa sarili habang hawak ang enrollment form. Sa gabing iyon, bago matulog, tiningnan niya ang kanyang lumang helmet na nakapatong sa gilid ng kama. Para sa kanya, iyon ang simbolo ng kanyang pinagmulan at magiging paalala na kahit sino pa siya ngayon may kakayahan siyang magbago at umasenso.

Nakatulog siyang mayingiti, dala ang panibagong pag-asa at pangarap. Pagsapit ng pasukan, opisyal n naging estudyante si Marco sa kursong civil engineering sa night school. Sa araw, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho sa construction site at sa gabi, pumapasok sa klase. Halos wala na siyang oras para sa sarili.

Minsan direkta siyang dumarating sa oskwelahan na amoy alikabok at pawis pa mula sa site. Ngunit para kay Barco, ang bawat pagod at puyat ay hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan. Hindi naging madali ang lahat. Madalas siyang antukin habang nakikinig sa lecture at may mga araw na gusto na niyang sumuko.

May ilan ding kaklase na nagtatawanan kapag nalalaman nilang isa siyang construction worker. Pero binabaliwala niya ang lahat ng iyon. Sa halip, mas pinagigihan niya ang pagbabasa at pag-aaral tuwing may libreng oras. Isang gabi pagkatapos ng klase, kinausap siya ng kanyang guro na si Engos. Nakikita ko ang pagsisikap mo, Marco. Sabi nito, “Hindi madali ang sitwasyon mo pero nakikita kong may potensyal ka.

Huwag mong sayangin.” Napangiti si Marco at mas lalong tumatag ang loob niya upang makatipid, nagbawas siya ng gastusin. Wala ng labis na gimik o luho. Tanging pagkain at bayad sa upa lang ang inuuna. Lahat ng natitirang pera ay iniipon para sa tuwisyon at mga libro. Kahit minsan ay kumakalamang sikmura, tinatanggap niya ito bilang bahagi ng kanyang sakripisyo.

Bawat araw na lumilipas, nararamdaman ni Marco na unti-unti siyang umuusad mula sa isang taong pinagtawanan at minamaliit. Nagsimula na siyang mabuo bilang isang tao na may direksyon at matibay na layunin. Sa kanyang puso, alam niyang nagsimula na ang tunay na pagbabago. Habang lumilipas ang mga buwan, mas lalo pang bumigat ang sitwasyon ni Marco.

Dumating ang isang malaking proyekto sa kanilang construction site na nangangailangan ng mas mahabang oras ng trabaho. Madalas siyang umuuwi ng hating gabi. Pagod na pagod at halos walang lakas para pumasok sa klase. Minsan nakakatulog siya sa bangko bago magsimula ang lecture ngunit pilit pa rin siyang bumabangon para hindi mahuli.

Isang araw, nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na babae. Naospital ang kanilang ina dahil sa matinding pulmon niya. Agad siyang umuwi sa probinsya, dalaang halos lahat ng naipon para sa tuwisyon at libro. Nang makita niyang mahina at nakaratay sa kama ang kanyang ina, bila gumuho ang mundo niya, “Marco, anak, huwag mong ititigil ang pag-aaral mo ha.” Mahina nitong sabi.

Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo, iniisip na niyang mag-stop muna sa pag-aaral. Sa pagbabalik niya sa Maynila, bumigat lalo ang pasanit. Halos wala na siyang pambayad sa tuition at iniisip ng mag-drop. Ngunit isang gabi, pinatawag siya ni Engineer Santos. Narinig ko ang sitwasyon mo. Magaling ang performance mo sa klase kaya ire-recommend kita para sa partial scholarship.

Para bang naibsan ang bigat ng dibdib ni Marco sa narinig ang scholarship na iyon ang naging sagot para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral kahit limitado pa rin ang pera sapat na para makatulong sa gastusin at matustusan ang mga libro lalong tumindi ang determinasyon ni Marco. Alam niyang hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi nawala ang pag-asa ni Marco. Alam niyang ang bawat hirap na kanyang pinagdaraan ay magbubunga ng tagumpay balang araw. Pinanghawakan niya ang pangako sa kanyang ina at sa kanyang sarili. Walang makakapigil sa kanya sa pagtupad ng kanyang pangarap. Matapos ang apat na taong walang tigil na pagsusumikap, dumating din ang araw ng pagtatapos ni Marco. Suot ang kanyang itim na toga.

Nakatayo siya sa entablado, bitbitang medalya at diploma sa kursong civil engineering. Hindi man kumpleto ang kanyang pamilya sa okasyon, ramdam niya ang suporta ng kanyang ina mula sa probinsya at ng kanyang kaibigang si Tonyo na sumama sa kanya sa araw na iyon. Sa gitna ng palakpakan, naalala ni Marco ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya.

Ang puyat, gutom at pangungutya ng iba. Lalong tumibay ang loob niya na ipagpatuloy ang laban. Hindi pa ito ang huling yugto ng kanyang paglalakbay. Simula pa lamang ito, alam niyang may mas malaki pa siyang tatahakin sa mundo ng propesyon. Pagkatapos ng graduation, nakapasok si Marco bilang trainy sa isang kilalang engineering firm.

Sa ilalim ng kanyang mentor na si Enger Ramirez, natutunan niya ang mas komplikadong aspeto ng trabaho mula sa paggawa ng blueprint hanggang sa pamamahalaan ng buong proyekto. Bagam’t bago sa kanya ang maraming bagay, mabilis siyang natuto at nakilala bilang masipag at maaasahan. Hindi nagtagal ipinagkatiwala sa kanya ang isang maliit na proyekto ng kumpanya ang pag-oversee ng renovation ng isang commercial building.

Maingat niyang tinutukan ang bawat detalye. Siniguro na maayos ang trabaho at natapos ito ng mas maaga sa deadline. Dahil dito lalo siyang napansin ng management. Sa pagtatapos ng unang malaking proyekto niya bilang engineer, naramdaman ni Marco na unti-unti ng bumubukas ang pinto para sa mas malalaking oportunidad. Sa kanyang puso, may tiwala siyang mas malayo pa ang kanyang mararating.

Limang taon ang lumipas mula ng magtapos si Marco at malaki na ang pinagbago ng kanyang buhay. Hindi na siya ang payat at sunog sa araw na construction worker noon. Ngayon palaging malinis ang suot niyang long slips at slocks. May dalang leather rip case at may kumpyansang lumalakad sa bawat proyekto na pinapangasiwaan niya.

Lisensyado na siyang civil engineer at may sarili ng maliit ngunit kilalang construction company. Mula sa pagiging empleyado, nagsikap si Marco na mag-ipon at mag-invest sa sariling negosyo. Nakakuha siya ng ilang malalaking kontrata mula sa mga kilalang kliyente. Salamat sa kanyang reputasyon bilang tapat at mahusay sa trabaho.

Marami na ring tao ang ngasa sa kanya mula sa mga empleyado hanggang sa mga laborer na tinutulungan niyang magkaroon ng mas maayos na kita at benepisyo. Sa kabila ng kanyang tagumpay, nanatiling simple at mapagkumbaba si Marco. Hindi siya nakalimot sa kanyang pinagmulan at madalas pa rin siyang bumibisita sa dating construction site kung saan siya nagsimula upang magbigay ng tulong at payo sa mga trabahador.

Sa bawat pagbabalik niya roon, naaalala niya ang kanyang mga pinagdaanan at ang pangakong ginawa niya sa sarili noon. Isang umaga habang nasa opisina, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang ospital na humihingi ng proposal para sa pagpapagawa ng bagong building wing. Malaki ang proyekto at isa sa pinakamahalaga para sa kumpanya niya.

Walang pag-aalinglangan, tinanggap niya ang pulong para pag-usapan ng detalye. Hindi niya alam na ang proyektong ito ang magdadala muli sa kanya sa isang taong matagal na niyang hindi nakikita. Habang inihanda niya ang mga plano at dokumento para sa meeting, may kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag pero parang may pahiwatig ang tadahana na may espesyal na mangyayari sa ospital na iyon.

Dumating si Marcos sa ospital na may bitbit na proposal at blueprint para sa bagong building wing. Suot niya ang paborito niyang navy blue suit. Malinis ang ayos ng buhok at may dalang kumpyansa sa bawat hakbang. Habang papunta siya sa conference room, napansin ng ilang stop ang kanyang presensya.

Tila ba may karisma at respeto siyang dala. Pagpasok niya sa silid, sinalubong siya ng ilang administrator at doktor. Ngunit sa isang sulok, may isang mukha siyang agad na nakilala. Nakatayo doon si Lian. Nakasuot ng puting uniporme ng nurse, ngunit mas halata na ngayon ang bahagyang pagod sa kanyang mga mata. Hindi agad siya nakapagsalita.

Marahil ay hindi niya inaasahan ang taong makikita. Magandang umaga po. Ako po si Enger Marco Dela Cruz, representative ng MDC Construction. Magalang nabati ni Marco habang iniabot ang kanyang mga dokumento. Tila nanigas sian sa kinatatayuan niya. Namutla at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Parang bumalik sa ala-ala niya ang mga araw na tinanggihan at pinahiya niya si Marco sa harap ng maraming tao. Habang nagpapaliwanag si Marco tungkol sa plano ng ospital, halos hindi makatingin si Lian. Pakiramdam niya ay bumigat ang hangin sa silid. Nakita niya ang malaking pagbabago. Mula sa dating pawisang trabahador na may bitbit na bulaklak.

Ngayon ay isang respetadong engineer na pinapakinggan ng lahat. Pagkatapos ng meeting, lumapit si Lian kay Marco. Marco, ikaw na ba talaga yan? Mahina nitong tanong. Ngumiti lamang si Marco. Ngunit sa likod ngiting iyon ay mababakas ang isang taong malayo nasa kahapon. Matapos ang meeting, nag-alok si Liya na samahan si Marco palabas ng ospital.

Tahimik silang naglakad sa pasilyo at ramdam ni Liya ng kakaibang bigat ng sitwasyon. Noon siya ang nakatingin ng may pangmamaliit. Ngayon kabaliktaran na. Siya ang nakatingin sa isang taong malayo na ang naratig habang siya ay nanatili sa parehong lugar. Ang laki na ng pinagbago mo, Marco. Mahina niyang sabi. Pilit na ngumiti. Engineer ka na pala.

May sarili pang kumpanya. Nakakabilib. Hindi nagpakita ng yabang si Marco. Bagkos ay simpleng ngumiti at sinabing, “Salamat! Pinaghirapan ko ang lahat ng ito. May diin sa huling salita na parang paalala sa nakaraan.” Sinubukan ni Lian na buksan muli ang koneksyon. “Alam mo marami na ring nangyari sa akin. Hindi rin naging madali.

Pero masaya ako na nakita ulit kita.” May bahid ng pangungulila sa kanyang tinig. Tila umasa na mas mahabang usapan. Ngunit ramdam niya na hindi na katulad noon ang turing ni Marco sa kanya. Nagpaalam si Marco ng magalang. May ibang meeting pa ako Lian. Sana ay maging maayos ang lahat para sa’yo. Walang galit sa kanyang tinig pero malinaw na hindi na siya interesado sa anumang personal na ugnayan.

Habang pinagmamasda ni Lian ang papalayong si Marco, naramdaman niya ang kirot sa dibdib. Hindi dahil sa hindi niya nakuha ang atensyon nito kundi dahil napagtanto niyang minsan pinakawalan niya ang isang taong may tunay na halaga. Kinabukasan, huling nagkita sina Marco at Lian nang gumalik siya sa ospital para sa site inspection.

Sa pagkakataong iyon, mas naglakas loob si Liya na lapitan siya. Marco, pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?” tanong nito. Halatang may bigat sa puso. Tumango si Marco at sinamahan siya sa isang tahimik na bahagi ng ospital. Huminga ng malalim si Lian bago nagsalita. “Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nasabi ko sao noon.

Alam kong mali na hinusgahan kita dahil lang sa trabaho mo. Hindi ko naisip na ang isang tao ay pwedeng magbago at magsikap para sa pangarap niya. Kita sa kanyang mga mata ang tunay na pagsisisi. Ngumiti si Marco, walang bakas ng sama ng loob. Matagal na yun, Lian. Hindi ko na iniisip ang nangyari. Kung tutuusin, malaking parte ka ng dahilan kung bakit nagsikap ako ng ganito.

Gusto kong patunayan hindi lang sa’yo kundi sa sarili ko na kaya kong lampasan ng limitasyon na ibinigay sa akin ng buhay. Tumingin si Lian sa kanya. Halatang humaha natutuwa na sa kabila ng lahat. Mabuti pa rin ang puso ni Marco. Salamat at napatawad mo ako. Mahina niyang sabi. Sana balang araw matuto akong maging katulad mo.

Hindi mapanghuska at handang magpatawad. Ang importante. Sagot ni Marco, matuto tayo sa pagkakamali at huwag na itong ulitin sa iba. Ang halaga ng tao ay hindi nasusukat sa trabaho o estado niya kundi sa ugali at puso niya. Sa mga salitang iyon, alam nilang pareho na tapos na ang bigat ng nakaraan.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ni Marco. Habang naglalakad palabas ng ospital, ramdam niya ang kasiyahang dala ng pagpapatawad at pagbitaw sa nakaraan. Alam niyang wala ng dahilan para magdala ng galit. Mas mahalagang ituon ang oras at lakas ang mga bagay na magdadala ng kabutihan sa hinaharap. Mula sa ospital, dumiretso siya sa opisina ng kanyang kumpanya.

Doon siya sinalubong ng mga empleyado na tinitingala siya hindi lamang bilang kanilang boss kundi bilang isang taong inspirasyon. Para kay Marco, iyon ang pinakamahalagang tagumpay. ang makapagbigay ng pag-asa at halimbawa sa iba. Samantala, naiwan si Lian sa ospital nakatingin mula sa bintana habang pinagmamasda ng papalayong sasakyan ni Marco.

Sa kanyang isipan, malinaw ang aral na natutunan niya. Huwag maliitin ang isang tao batay sa kasalukuyan niyang kalagayan sapagkat walang makakapagsabi kung gaano kalayo ang mararating nito sa hinaharap. Lumipas ang mga araw. Mas naging masigasig si Marco sa pagtulong sa mga kabataang nangangarap maging engineer. Nagbigay siya ng scholarship sa ilang estudyante mula sa mahihirap na pamilya upang hindi nila maranasan ang hirap na pinagdaanan niya.

Para sa kanya, ito ang paraan para suklian ang mga biyayang natanggap niya. Sa pagtatapos ng kwento, makikita si Marco sa gitna ng isang bagong construction site. Nakatingin sa mga trabahador na puno ng sigla at pag-asa. Ngumiti siya dala ang paniniwalang ano man ang pinagmulan mo sa buhay. May kakayahan kang abutin ang iyong pangarap.

Basta may tiyaga, sipag at mananalig. Paghusgahan ang tao ayon sa trabaho o estado niya ngayon dahil hindi natin alam ang kanyang tatahaking bukas. Ang sipag at determinasyon ay kayang magbago sa kapalaran. Sa huli, mas mahalaga ang pagkatao kaysa sa panlabas na anyo oposisyon.