“Let’s get divorce.” sambit ni Drake sa kanyang asawang si Eliza.
“What? Hindi mo man lang pinagpabukas bago mo ako alukin ng hiwalayan? Alam mo ba kung anong araw ngayon?”
“Bakit? Ano bang meron ngayon?” kunot ang noo na tanong nito sa kanya.
“Nagbake ako ng cake dahil 1st year anniversary natin ngayon, Drake. But instead na batiin mo ako. Ngayon mo gustong tapusin ang pagsasama nating dalawa?” Hindi makapaniwala at nangingilid ang luhang tanong ni Eliza sa kanya.
Napabuntong hininga ito at nilapitan siya.

Không có mô tả ảnh.

“Eliza, we both know na arrange marriage lang ang nangyari sa pagitan nating dalawa. Hindi naman natin mahal ang isa’t-isa kaya mas mainam na maghiwalay na lamang tayo. Gawin mo ang lahat ng gusto mo same as mine. Besides, Ikaw na rin naman ang nagsabi noon bago tayo ikasal na hindi mo ako mamahalin kaya tama na ang pagpapangap. Pirmahan mo na ang annulment natin at puwede ka nang lumipat after 1 month. Ihahanap kita ng malilipatan mong condo.”

Lumakad si Drake patungo sa kabinet at siya na mismo ang kumuha ng papers.

“Here, pirmahan mo na.” Ani nito sabay abot ng ballpen kay Eliza. Napatingin siya sa mukha ni Drake at mapait na ngumiti.

“Is this because of Nadia? I heard na bumalik na ito mula Japan. Kaya ba inalok mo agad ako para magbalikan na kayo ng ex mo?”

Ipinatong ni Drake ang ballpen sa ibabaw ng table at tumalikod.

“Walang kinalaman–”

“Lair! Kaya mo ako hinihiwalayan ay dahil umaasa ka pa rin na babalik siya sayo hindi ba? Dahil kung mali ako dapat sinubukan mo man lang na mahalin ako. I’m your wife Drake. Inilaan ko ang isang taon ng buhay ko para pagsilbihan ka–”

“Alam kong napipilitan ka lang Nadia. Pareho nating hindi gusto ang isa’t-isa kaya wala nang rason to stay in this marriage.” Giit ni Drake sa kanya.

Kinuha nito ang wallet at ipinatong sa ibabaw ng table ang isang black card.

“Gamitin mo, walang limit yan. Gawin mo ang lahat ng gusto mo. Bumili ka ng mga bagong damit bag sapatos at make-up nang sa ganun kahit nasa bahay ka hindi mukhang katulong ang tingin ko sa’yo.”

Pagkatapos niyang Sabihin yun Kay Eliza ay tinalikuran na siya nito at humakbang papunta sa pinto.

Yumuko si Eliza at kaagad na pinirmahan ang annulment papers nilang dalawa. Nang gabi ding yun ay ibinuhos niya ang kanyang luha.

Naalala niya ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Narinig niya mismo mula Kay Drake habang kausap nito ang kaibigan nito na hindi siya ang tipo nitong babae at hinihintay niya ang pagbabalik ni Nadia. Nasaktan siya kaya pinamukha niya Kay Drake na kahit kailan ay hindi niya ito mamahalin. Ngunit habang magkasama sila sa iisang bubong ang pagiging serious, nochalant and cold husband nito ang nagpagising sa kanyang natutulog na puso. Kaya ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa hanga’t dumating ang araw na mahalin din siya nito. Ngunit hindi akalain ni Eliza na mukhang katulong pala ang tingin nito sa kanya dahil lang sa simple niyang ayos kapag nasa bahay at siya din ang gumagawa ng lahat upang pagsilbihan ito.

Magdamag na hindi umuwi si Drake at nakitulog sa kaibigan pagkatapos ay tumuloy na agad sa kompanya upang doon na magbihis at maligo.

Kasalukuyan siyang nasa meeting nang panay ang tunog ng kanyang phone. Sa tuwing bubuksan niya ito ay puro notification sa banko ang bumubungad sa kanya.

Tinawagan niya si Eliza na busy sa pagpapagupit, pedicure, manicure at massage niya.

“Hindi mo naman siguro binili ang buong department store ano?” Akusa nito sa kanya.

“Akala ko ba walang limit ang card mo bakit nagrereklamo ka?” Nakangusong tanong ni Eliza habang tinitignan ang bagong nail polish niyang kuko.

“Namamaga ang mata mo, don’t tell me–”

“Nakagat lang ako ng ipis, huwag Kang assuming Mr. Almonte.” nakairap na Ani nito sa kanya. Ito ang unang beses na sinagot siya nito kaya nagtataka siya pinatayan pa siya nito ng phone.

Napatingin si Eliza sa kanyang mga pinamili na ipinatong pa niya sa ibabaw ng kama Kulang na lamang magtayo siya ng sarili niyang boutique sa dami ng designers bags, shoes, clothes na binili niya. Bumili din siya ng make-up,cream at iba pang gamit ng babae. Satisfy naman siya sa kanyang pagshoshoping ng buong araw ngunit nang mapatingin siya sa picture nilang mag-asawa na nasa wall. Masakit pa rin sa kanya ang ginawa nitong desisyon ngunit kung yun wala talaga siyang puwang sa puso nito ay kailangan niyang tangapin yun.

“After one month, kailangan ko nang umalis sa buhay mo Drake. Nakakatuwa lang dahil binago ko ang nakasanayan kong para lamang bumagay ako sayo. Ngayon na hiniwalayan mo na ako. I can be myself again…” may ngiti sa labi niyang bulong sa sarili habang iniikot ang kanyang mga mata sa loob ng kuwarto nila.

Pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang mga gamit sa guest room dahil Wala nang rason pa para magtabi sila sa pagtulog.

“Balita ko last day ngayon ni Ms. Sheena, nakahanap na ba ang HR department ng kapalit niya?” tanong ni Drake sa kanyang secretary na si Mike.

“Ang balita ko sir is ngayong araw pa lamang magsisimula ang kapalit ni Ms. Sheena.”

“Ah ganun ba? Okay, magset ka ng meeting mamayang 2pm. I need to talk to them about the upcoming project ng mga bago nating artist at online marketing strategy.”

“Yes, Sir.”

Nang sumapit ang 2 pm ay nagtipon-tipon na Ang lahat ng kasali sa meeting sa isang malaking conference room. Maya-maya pa ay pumasok na si Drake.

“Sit down.” Ani niya at naupo ang mga tauhan niya. Ngunit bumukas ang pinto at bumungad si Ms. Sheena.

“Sorry we’re late.” Ani nito sabay pasok. Ngunit awang ang labi ni Drake nang makita ang kasama nitong pumasok.

His wife is here…

Looking gorgeous wearing casual office attire paired with high heels and red shoes.

“What are you doing here?” Kunot ang noo na tanong ni Drake sa asawa. Lumingon ang lahat ng mata kay Eliza.

“Sir, let me introduce you to our new marketing manager. Ms. Eliza Dizon.” Ani ni Ms. Sheena.

“What? Marketing manager?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

“Nice meeting you Sir Drake Almonte.” Nakangiting bati ni Eliza sa kanya. Kahit nagtataka ay ipinagpatuloy nila ang meeting ngunit panaka-naka ang pagtitig niya kay Eliza dahil mukhang hindi ito naglalaro at seryoso sa kanyang trabaho. Wala naman siyang alam sa educational background nito at higit sa lahat hindi man lang nito pinakilala ang sarili na asawa niya dahil hindi pa naman sila annulled.

“That’s it for today. Go back to your office except Ms. Eliza Dizon.”

Napatigil sa pag-aayos si Eliza ng mga folders niya nang marinig ang sinabi ni Drake. Pagkalabas nila ay sinara ni Mike ang pinto.

“Still what are you doing here?” Seryosong tanong nito.”

Bumaling sa kanya si Eliza at ngumiti.

“Mr. Almonte, dumaan ako sa proseso ng pag-aaply sa kompanya mo. Hindi ko ginamit Ang pangalan mo. Huwag kang mag-alala trabaho ang pinunta ko dito—”

“Trabaho or gusto mo lang ipamukha sa akin what are your capable of? Gusto mo bang manghinayang ako dahil hiniwalayan kita kaya pati ang pananamit at ayos mo binago mo na rin?”

Hindi makapaniwala si Eliza sa sinabi nito sa kanya.

“Tama ako hindi ba?” Dagdag pa ni Drake sa kanya.

“Mr. Almonte–”

“Call me Drake, asawa mo pa rin ako at hindi pa tayo hiwalay di mo kailangan maging pormal kapag tayong dalawa lang.”

Napasinghap si Eliza upang pigilan ang sarili.

“Mr. Almonte, Ikaw Ang nagsabi na gawin ko ang gusto ko hindi ba? Kaya kaysa masayang ang skills ko sa ibang kompany dito na lamang ako nag-apply dahil mas maganda ang kompany mo. Wala naman masama dahil maghihiwalay na rin naman tayo. Kunwari na lang hindi natin kilala ang isa’t-isa. Tumayo si Eliza at humakbang palapit sa kanyang swivel chair at yumuko.

“Are you bothered because I’m still your wife? Don’t worry husband. Wala akong interest na makipagbalikan pa sayo. One year of losing myself is enough reason to let go.” Inirapan niya ito at pagkatapos ay lumabas na din sa conference room.

“Walang interest? I knew it. Kaya pala madali lang para sa kanya ang pirmahan ang annulment namin. Dahil pinagtitiisan lang namin ang isa’t-isa.” Bulong ni Drake sa sarili.

Hangang pagbalik ni Drake sa opisina ay hindi siya mapakali. Iniisip pa lamang niya na nandito ang kanyang asawa imbis na nasa bahay ay gusto na niyang pauwiin ito. Ngunit kung talagang nakapasok siya sa kompanya sa tamang proseso baka nga kaya niyang i-handle ang marketing department.

“Sayang may asawa na pala si Ms. Dizon.” Narinig niyang bulong ni Mike sa tabi niya habang naghihintay ng paglabas ng kotse nila pauwi.

“Paano mo nalaman?” kunot noo na tanong ni Drake sa kanya.

“Ha? Si Ms. Dizon po?”

Tumango ito kaya inginuso ni Mike si Eliza na nakangiti sa tabi ng mamahaling sasakyan. At pinagbuksan pa ito ng lalaking naka-business attire.

Dumaan pa ito sa harapan nila at Nakita siya nito ngunit bumaling din ito sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan.

“Hindi niya asawa yun, huwag Kang magkalat ng chismiss.” Seryosong Sabi ni Drake sabay sakay din sa kanyang kotse at kamot Ang ulo na nagpaalam si Mike sa kanya.

Pagdating niya sa bahay ay agad niyang hinanap si Eliza ngunit Wala pa ito. Nagugutom na siya at hindi niya alam kung anong oras ito uuwi kaya tinawagan niya ito.

“Kanina ka pa umuwi hindi ba? Bakit wala ka pa dito sa bahay? Bumalik ka na, nagugutom na ako.”
Reklamo ni Drake sa kanya.

“Magluto ka na lang para sayo. Marami naman diyan stock sa ref. Dito na ako sa restaurant magdidinner.”

“What? Hindi ka pa uuwi? At Anong oras mo balak? Hindi pa tayo hiwalay ng bahay nakikipagdate ka na sa ibang lalaki. Hindi ka ba makapaghintay?” salubong ang kilay nitong tanong sa kanya.

“Look drake, diba maghihiwalay na tayo? Kung hindi mo kayang magluto kumuha ka ng magluluto at maglilinis sa bahay natin. Hindi mo na ako katulong ngayon. At wala ka ding paki-alam kung makipagdate ako sa kung sinong lalaki. I’m now single–”

“Really? So you’re fired.”

“What? Drake Almonte. Kung Akala mo ay kaya mo akong diktahan sa kung ano ang Hindi at dapat kung gawin. Hindi ako natatakot sayo. Hiwalay na tayo kaya Wala na akong obligasyon pa sa’yo. Kung ayaw mong kumain eh di magutom ka! Bye!” inis na Sabi ni Eliza sa kabilang linya at agad na ini-off ang phone niya.

“May problema ba?” Tanong ni Luther na kasama ni Eliza sa restaurant.

“Wala kuya, yung asawa ko kasi pinapauwi na ako at nagugutom na daw siya.” Sumbong ni Eliza sa kapatid niya.

“Bukas ka na umuwi, sa bahay muna tayo tutuloy sigurado akong matutuwa si Mom at dad kapag nakita tayong dalawa.”

“Sabagay ilang taon ka ba naman Hindi umuwi sa atin eh. Busy ka masyado, kaya lang hindi kasi kumakain lutong restaurant si Drake.”

“Are you worried? Akala ko ba hiwalay na kayo? Huwag mo na siyang isipin lets eat.”

Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dumarating si Eliza kaya mas lalong nagdugtong ang kilay ni Drake sa paghihintay. Mabuti na lamang at may garlic bread sa ref kaya ininit na lamang niya sa oven para kainin.

“Bakit ngayon ka lang? Uwi ba yan ng matinong babae?” bungad sa kanya ni Drake nang buksan niya ang pinto ng condo.

“Wala akong ginagawang—aray! Ano ba?” inis na hila niya sa braso niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Drake sa kanya.

“Wala kang ginagawang masama? Sinong matinong babaeng may asawa na uuwi ng madaling araw kasama ang lalaking sumundo sa kanya? Do you think I’m stupid?!”

“Bakit ka ba nagagalit? Diba hiwalay na tayo–”

“You’re still my wife! Maghintay ka ng isang buwan bago mo ako palitan!” Singhal nito sa kanya.

“Kuya ko ang kasama ko! Kakabalik lang niya mula US for vacation at umuwi kami kina mommy kagabi kaya hindi ako nakauwi!” Singhal din ni Eliza sa kanya. Napatda si Drake at niluwagan niya ang pagkakahawak niya sa braso ni Eliza.

“Make sure you’re not lying to me or else–”

“Or else what? What will you do Drake?” Paghahamon ni Eliza sa kanya.

Nagulat si Eliza nang ipinid siya sa likod ng pinto.

“You will wait for another year to finally annul our marriage. You’re still Mrs. Almonte. Don’t forget that hon.” bulong nito sa kanya habang halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nilang dalawa. Pagkatapos ay binitawan na siya nito.

Napahawak si Eliza sa kanyang dibdib. Akala niya ang hahalikan na siya nito ngunit mabuti na lamang at umalis na ito at pumasok sa kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Drake. Pero hangang ngayon ay malaki pa rin ang epekto ng pagtitig nito sa kanya.

Pagkagising kinabukasan, mabigat pa rin ang pakiramdam ni Eliza. Kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na wala na siyang pakialam kay Drake, hindi niya maitago ang kaba at inis na iniwan nito sa kanya kagabi.

Paglabas niya ng kwarto para magtimpla sana ng kape, nagulat siya nang makita si Drake sa kusina—nakasando, basa pa ang buhok, at may hawak na frying pan.

“Don’t look at me like that,” sabi nito nang mahuli niyang nakatitig siya. “Hindi ako marunong magluto ng matinong pagkain pero at least I tried.”

Tumikhim si Eliza. “Kung alam kong magluluto ka pala, hindi ko na sana inalala kung kumain ka kagabi.”

Umismid si Drake. “Sino bang nagsabi na inalala kita?” Pero ramdam ni Eliza ang pagiging defensive nito.

Lumapit si Drake habang pinupunasan ang kamay sa kitchen towel. “May gagawin tayo mamaya. Isusukat mo ‘yung mga damit na binili mo kahapon. Tingnan natin kung bagay sa’yo.”

Napakunot noo si Eliza. “Hindi mo na trabaho kung bagay sa’kin o hindi. Hindi mo na ako asawa—”

“ONE MONTH. Hindi pa tapos.” putol ni Drake, malalim ang tinig. “You’re still mine. For now.”

Nairita si Eliza. “Kung kelan hiniwalayan mo na ako, saka ka nag-aangas? Drake naman, make it make sense!”

Hindi sumagot si Drake. Tinalikuran siya nito at tumungo sa pintuan.
“May meeting tayo mamaya. Wag kang papasok na mukhang… ikaw.”

“Wow,” sarcastic niyang sagot. “Salamat sa insulto bago mag-almusal.”


Pagdating nila sa opisina, iba ang sigawan at bulung-bulungan ng mga empleyado. Hindi sanay ang lahat na magkasama ang mga ito sa elevator.

Paglabas nila, biglang lumapit si Luther—ang kuya ni Eliza.
“Hey sis!” masayang bati nito.
Ngumiti si Eliza. “Kuya, bakit ka nandito?”

“May meeting ako sa board. I’m one of the new investors,” sagot ni Luther.
Nanlaki ang mata ni Drake. “Investors?”

Tumango si Luther. “Yeah. Didn’t your board tell you?”

Napatingin si Drake kay Eliza, saka kay Luther.
“You should’ve told me na kapatid mo si Eliza,” sabi nito kay Luther.

Napailing si Luther. “Why? Para hindi mo siya awayin? Too late, bro. Alam ko lahat ng ginawa mo sa kapatid ko.”

Nag-init ang tenga ni Drake. “That’s between us.”

“Now it’s between ME and you,” malamig na sagot ni Luther. “If you hurt her again… you’ll deal with me next.”

Umamba si Drake na sasagot ngunit biglang humakbang si Eliza at hinawakan ang braso ng kuya niya.
“Kuya, please. Andito ako para magtrabaho. Ayokong maging issue ‘to.”

Huminga nang malalim si Luther at tumango saka umalis.

Pagkaalis nito, binalingan ni Drake si Eliza.
“So, pati investors inagaw mo na sa akin?”

Napataas kilay ni Eliza. “Talaga lang? Ako pa ngayon ang nang-aagaw? Drake, ikaw ang naghiwalay sa’kin—ako lang ang natutong mabuhay nang wala ka.”

Hindi nakapagsalita si Drake. Ramdam niya ang bigat ng mga salitang iyon.


Sa meeting room, habang nagp-ppresent si Eliza ng marketing plan, tahimik lang si Drake at nakatitig sa kanya. Nakita niya ang confidence nito, ang galing magsalita, ang husay magplano.

“She’s… different,” bulong ng isa sa directors.

At doon lang napagtanto ni Drake kung gaano kalaki ang ipinagbago ng asawa niya sa loob ng ilang araw.
At hindi niya maintindihan kung bakit naguguluhan siya.
Bakit parang… ayaw niya na siyang mawala?


Pagkatapos ng meeting, lumapit siya kay Eliza.
“We need to talk.”

Hindi tumingin si Eliza. “Wala tayong dapat pag-usapan.”

Hinawakan ni Drake ang pulso niya, bahagyang mahigpit.
“Eliza. Don’t ignore me.”

“Let me go,” madiin niyang sabi.

Pero imbes na bitawan siya, hinila siya ni Drake papasok sa kanyang opisina.
Sinara niya ang pinto, nagtagpo ang kanilang mata.

“Eliza… bakit ang dali mong magbago?” mahina pero mapanuring tanong ni Drake.

“Dahil kailangan,” sagot niya, diretso sa mata nito.
“Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. Hindi para sa’yo.”

Napalunok si Drake.
“At kung sabihin kong… ayokong mawala ka?”

Napalakas ang tibok ng puso ni Eliza.
“Hindi mo pwede sabihin ‘yan, Drake. Hindi mo na ako mahal.”

Lumapit si Drake—isang hakbang lang ang pagitan nila.
“Pero bakit parang… nagsisimula na akong matakot na mawala ka?”

Tumigil ang mundo ni Eliza.
Hindi niya alam kung ano ang sagot.
Hindi rin niya alam kung oras na para umalis…

…o oras na para maniwala ulit.