Chapter 1

“Pag-isipan mong mabuti, Xanthe. Walang trabaho ang nag-aalok ng million ang sweldo gaya ng trabaho mo ngayon. Dito sa Shadow Thieves organization ay Ikaw Ang nangunguna at pinakamagaling sa lahat. Sasayangin mo ba ang oportunidad na puwede mong kitain kapalit ng pag-aalaga mo sa mga kapatid mo? Kung puwede mo naman silang ihanap ng limang Yaya para alagaan sila. Hindi ba?” disappointed na sabi ni Mr. Lima nang magpasa siya ng resignation letter.

Mula sa pagkakasandal sa upuan na nasa kanyang harapan ay tumayo si Xanthe.

“Mr. Lima, I was 15 years old nang mag-umpisa ako dito sa organization natin. Marami akong bigatin na taong pinagnakawan. Sampung taon na rin ang nakalipas. Marami na rin naman akong nagawa para sa organization niyo at naturuan ko na rin ang mga bago. Sapat na siguro yun para palayain niyo ako. I just want a peaceful life with my siblings. Kaya please…accept my resignation letter.” Ani ni Xanthe bago tuluyang umalis.

Nanghihinayang man siya sa puwede pa niyang kitain kapag patuloy pa rin siya sa pag-anib sa organization. Nag-alala siya na baka makulit yung last mission niya na muntik na siyang mahuli at makulong dahil hindi basta-basta ang tinrabaho niya nang gabing yun. Natakot siya sa puwedeng mangyari sa kanya ulit yun at baka hindi lang buhay niya ang maging kapalit kapag nagkataon.

“Anong sabi ni Mr. Lima?” Ani ni Banjo, partner niya sa Organization nang magkita sila sa coffee shop.

“Ayaw niya akong mag-resign.” Simangot na sagot niya Kay Banjo.

“Sabi na eh, hindi ka talaga papayagan niya. You’re his top thieves agent. Malaki ang naipapasok mong pera sa organization natin.” wika ni Banjo at humiwa ng tiramisu cake.

“I decided already to let go of my position. Kapag patuloy niyang hinasa ang mga bago niyang shadow thief agent for sure na mas magiging magaling pa sila kaysa sa akin.”

“No, Wala kang katulad Xanthe. Bukod sa skills, napakagaling mo din maglanse ng biktima nang hindi gumag@mit ng d@has. Malinis Kang magtrabaho kaya kapag umalis ka. Malaki ang mawawalan sa organization.” paliwanag nito.

“Banjo, illegal ang ginagawa natin. Nagnan@k@w tayo ng mga bagay na hindi biro ang halaga sa ibang tao para pagkakitaan at may mga cliente pa tayong nag-uutos sa atin na magnakaw. Sa tingin mo ba walang kapalit ang lahat ng yun?”

“Alam ko, pero hindi naman tayo nagn@n@kaw ng mga bagay mula sa mga mabubuting tao diba? Karamihan pa nga sa mga nin@n@kawan natin gumagawa din ng masama. Kaya hindi ako natatakot na mak@rma. Mas takot akong magutom ang pamilya ko.” Ani ni Banjo. Naintindihan naman niya ito dahil pareho silang lumaki sa hirap at nagbago lang ang buhay nang mapasama sa organization. Pero buo na ang kanyang pasya na talikuran ang Shadow Thieves Organization para mabuhay ng normal.

Kinabukasan ay ipinatawag ulit siya ni Mr. Lima. Kaya nagreport ulit siya sa opisina nito. Pagpasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang isang matabang babae na puno ng makakapal na ginto sa leeg at kamay. Naka-eyeglasses halos puputok na ang damit nito sa katabaan.

“Maupo ka, Xanthe.” Ani ni Mr. Lima. At ngumiti pa siya sa babaeng sumuyod din ng tingin sa kanya.

“Ano po yun?” usisa niya.

“Siya si Miss Fushia Lim, bago nating cliente. May gusto siyang ipatrabaho sayo.” imporma niya.

“Miss Fishia, siya naman si Xan, top agent namin dito. Don’t worry magaling yan.”

Inabot ng matabang babae ang pulang sobre at sinilip niya ang laman nito.

Malaking bahay, malawak na garden at address ang bumungad sa kanya.

“Diyan nakatira ang soulmate ko, dalhin mo sa akin ang brief niya.” Utos nito na ikinalaglag ng tuka ni Xanthe.

“Tama ba ang dinig ko? Brief?”

“Yes, Und3rw3ar. Yun lang ang gusto kong makuha.” Wika nito sa kanya. Naisip ni Xanthe na magaan lang ito at kayang-kaya niyang trabahuhin ng mabilis.

Ngunit nang masilip niya ang limang milyon na nakasulat sa cheke na kasama nito ay nagulat siya ng husto.

“Limang milyon, kapalit ng Underwear ni Westley my love…” kinikilig na Sabi ni Madam Fushia.

“Ma’am, puwede po bang malaman kung bakit ganito kalaki ang bayad niyo?” nagtatakang tanong ni Xanthe sa kanya.

“Mahal na mahal ko ang may-ari ng underw3ar na pinapakuha ko sayo. Ngunit hindi niya ako gusto kaya gagayumnahin ko na lang! HAHHAHHA!”


Nagkatinginan si Xanthe at si Mr. Lima. At tumango ito sa kanya na parang sinasabing gawin na niya dahil mukhang baliw ito sa pag-ibig.

“Okay, bukas na bukas din ay dadalhin ko sa inyo ang und3rw3ear niya.” Mabilis na sagot ni Xanthe.

“Ingatan mo ha? Saka huwag kang pahuhuli, kung hindi tege ka.” nakangiti nitong sabi sa kanya.

“Bakit naman ako matetege?” Nagtatakang tanong ni Xanthe sa kanya.

“Kasi yung my love ko Isa siyang dangerous man at gal8 sa mga babae. Kaya mag-iingat ka okay? At huwag mo akong isusumbong! Kung hindi, lagot ka sa akin.” wika pa nito at tuluyan nang nagpaalam.

“Sir, puwedeng sa iba niyo na lang–”

“Kapag pumayag ka, papayag na rin akong magresign ka sa organization.” Ani ni Mr. Lim na ikinagulat niya.

“Mukhang mahalaga ang misyon na ito ah? Malaki ba ang binigay sa inyo ng babaeng yun?”

“Lolo niya ang founder ng shadow thieves organization kaya hindi mo siya puwedeng tangihan. She’s obsessed with Westley ngunit Wala akong nakalap na information tungkol sa lalaking yun. Ang sabi lang ni Miss Fushia. Wala daw papantay ka kaguwapohan nito.”

“Sus, baliw lang siya. Imposible naman yun.”

“Baka marinig ka, ika’y umalis na para matapos mo na Ang mission mo.” Taboy sa kanya ni Mr. Lim.

“Dito na tayo.” Ani ni Banjo malayo sa gate ng bahay na kailangan niyang pasukin.

Kaagad na bumaba si Xanthe at naglagay ng masked at cap.

“Stay here, wait for my signal.” Ani ni Xanthe. Kumuha siya ng pocket knife at siniksik sa kanyang likuran. Pagkatapos ay mabilis na umalis. Naging alerto siya sa paligid at mabilis na nakatawid sa mataas na pader. Pinabantayan na niya Kay Banjo kanina ang paligid nito at wala nang treat kaya mabilis siyang nakapasok at gumamit ng lubid para maka-akyat sa terrace nito. Sinundot niya ang naka-locked na doorknob ng glass door at mabilis na pumasok sa loob.

Bumungad agad sa kanya ang mabangong amoy at malinis na kuwarto nito. Napatingin din siya sa collection nito ng samvrai. Pati na rin ang mga mamahaling alak sa may estante na nakadisplay.

“Ang daming mamahalin na gamit sana ang puwede kong makuha, kaya lamang baka lalo akong mabulilyaso kapag kumuha pa ako ng iba.”bulong ni Xanthe sa sarili. Hangang sa makalapit na siya sa cabinet nito na puno ng mamahaling relo.

“D@mn! Mukhang mayaman talaga ang taong yun. Na-curious na tuloy akong makita ang kanyang mukha dahil sa pagiging baliw ni Madam Fushia.”

Ilang sandali pa ay natagpuan niya ang kanyang hinahanap at mabilis na inilagay sa dala niyang itim na bag.

“Xanthe! May paparating na kotse!!!” rinig niyang Sabi ni Banjo.

“I’m done, palabas na ako.”

Walang ingay siyang humakbang ngunit bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang malaking lalaki. Akmang tatalon na siya ngunit sumabit ang bag niya sa pinto at Nakita niya ang mukha nito.

“Sino ka?” Ani ni Westley sa kanya. Kinindatan niya ito at kaagad na hinila ang kanyang bag na ikinahulog ng palawit nito sa bag. Pagkatapos ay agad na siyang tumalon sa Terrace.

“HOY!!! Tigil!!!” Ani ng kanyang mga tauhan. Akmang hahabulin na siya ng mga ito ngunit nag-hand signal si Westley.

“Magpahinga na kayo.” Ani ni Westley at hinayaan na makatakas Ang babae.

Dinampot niya ang nahulog nitong keychain

“S.T.O?” sambit ni Westley.

Kinabukasan ay personal na hinatid ni Xanthe ang und3rw3ear sa kanyang cliente sa bahay nito.

“Kaya naman pala ang laki ng binayad niya sa’yo. Mukhang mayaman nga ito. Ang swerte na sana ng Westley na yun.” Ani ni Banjo sa kanya.

“Sana kaya lang sa hilatsa ng mukha ng Westley na yun, mukhang mahilig din pumitas ng Eva. Mas, mainam kung nagbayad na lang si Miss Fishia ng fitness trainer kung talagang gusto niyang mapansin siya ng lalaking yun kasya gayumahin mukha namang hindi yun tatalab.”

“Oh my goooddd!!!”

Mabilis na hinagis ni Banjo ang paper bag kung saan nakalagay ang item na ninak@w ni Xanthe kay Miss Fushia dahil baka madambahan pa siya nito.

At nagulat sila nang amuy-amuyin nito ang und3rw3ear. Napangiwi si Xanthe at napataas naman ang kilay ni Banjo sa ginawa nito.

“Good! Very Good! Napasakin din! Sa wakas!”

Itinaas nito ang isang kamay na may hawak pang crispy PATA na ngayon lang nila napansin.

“Ngayon, mapapasaakin na si Westley! At magsasama na kami habang buhay!!!”

“Tara na baka mahawa pa tayo.” Bulong ni Xanthe kay Banjo.

“Oo nga, nakakatakot. Baka ma-inlove pa sa akin ito, isang gabi pa lang di na ako sisikatan ng araw.” mahinang litanya ni Banjo at akmang tatalikod na sila ay tinawag si Xanthe ni Miss Fushia.

“Ano po yun madam?” Magulang na tanong niya dito.

“Kapag hindi gumawa ang spell, at hindi siya na-inlab sa akin. For your last mission. Ikaw Ang tutulong sa akin para magustuhan ako ni Westley.”

“Ha? Bakit ako?” bulalas ni Xanthe.

“Oo nga! Bakit siya?” Ani naman ni Banjo.

“Eh yun ang gusto ko, ituro mo sa akin ang lahat ng alam mo para makuha ang isang lalaki. Na-sesense kong may skills ka din doon hindi ba?”

“Trabaho lang yun, Miss Fushia. Pero Wala pa akong nagiging boyfriend—”

“I don’t care, kapalit ng kalayaan mo at tahimik na buhay. Kapag hindi gumana ang gayuma…you will make him fall in love with me.” pinal na sabi ni Miss Fushia.


 

CHAPTER 2

“Susundin mo ba talaga ang utos ng baliw na yun?” Pangungulit ni Banjo nang makasakay na sila sa kotse.

“Ewan ko, baka kapag hindi ko siya sinunod magkaroon ako ng malaking problema. Alam naman natin pareho na hindi uubra ang gayuma ni Miss Fushia na yun para magustuhan ng lalaking yun. Lalo pa nang sabihin mismo ni Miss Fushia na allergic ito sa babae. Kung puwede ko nga lang sampigahin na lamang para magising sa katotohanan ay ginawa ko na kanina.” namomoblemang sabi ni Xanthe sa kapartner niya.

“Goodluck partner, kung kailangan mo ng back-up tawagan mo ako anytime.” Ani ni Banjo.

Hangang sa pag-uwi niya sa kaniyang condo ay iniisip niya pa rin ang malaking problema niya. Minabuti niyang tumawag na lang muna sa probinsya upang kamustahin ang kanyang mga kapatid na halos isang buwan na niyang hindi nakikita.

“Tita, kumusta po ang mga bata?” Usisa ni Xanthe nang sagutin ang kanyang tawag.

“Tulog na sila, okay naman kami dito huwag mo kaming alalahanin. By the way matutuloy pa ba ang operasyon sa mata?”

Naupo sa tabi ng kama si Xanthe.

“Opo, next month ay dadalhin ko na siya dito para ma-schedule na agad ang operasyon. Busy lang po ako ngayong month.” sagot ni Xanthe.

“Oh sige, balitaan mo ako para mahanda ko na ang mga gamit ng mga bata papunta diyan.” Ani ng kanyang Tita Melba.

Nagpasalamat siya dahil sa pagkalinga nito sa kanyang mga kapatid. At kapalit naman ay pinapaaral din niya ang dalawang dalaga nito sa college kaya kahit paano ay kampante pa rin siya sa mapagiiwanan niya.

“Sir, may dumating po kayong regalo.” Ani ng secretary ni Westley nang papasukin niya ito.

“Dalhin mo dito.”

“Eh sir…mabigat po eh.” Kamot ulo na sabi ng kanyang secretaryang si Therese.

“Mas mabigat pa ba sayo?” Nakataas ang makapal na kilay nitong tanong.

“Ang sungit mo sa sekretarya mo.” Sabat ni Thirdy na kakapasok lang sa loob.

“Ano ba kasi yun?” Nauubusan na pasensyang tanong ni Westley.

“Sports car sir.” Nabitawan ni Westley ang hawak niyang tablet sa sinabi nito.

“Don’t tell me sa secret admirer na naman niya galing yun?” hula ni Thirdy dahil alam nilang may masugid itong babaeng manliligaw.

“Opo, Kay Miss F po.”

“May address ba?” Seryosong tanong ni Westley.

“Wala nga po eh.” sagot nito pagkatapos ay pinalabas na niya ito.

“Noong una house and lot, tapos private beach resort contract. Ngayon sports car naman. Hindi ka ba nahihiwagaan kung sino ang Miss F na yun? Kung tutuusin kayang-kaya mo siyang ipahanap Westley.” wika ni Thirdy pagkaupo nito sa kanyang harapan.

“Hindi ako interesado sa kung sino mang babae, Thirdy at hindi ako magsasayang ng pera para lamang magpa-imbestiga at alamin ang katauhan niya. Sa pagbibigay pa lamang niya ng mga expensive gift sa akin I already know na Patay na Patay siya sa akin. At alam mong doon ako unang na-ooffend.” paliwanag ni Westley sa kanya.

“Really? Eh si Brandon mismo ang nagsabi na may pinapahanap kang babae. Ito ba yung kinukwento mo noong isang araw? Ayaw mo sa nagbibigay ng gift at mas interesado ka sa magnanakaw ng brief? Kakaiba ka talaga Westley.” Naiiling at nangingiti nitong Sabi sa kanya.

“Hindi ako interesado sa babaeng yun, gusto ko lang siyang makilala at gusto ko ding malaman kung anong ginawa niya sa bri3f ko.” seryosong Sabi ni Westley sa kanya.

“Hindi kaya isa yun sa mga obsess mong suitor? Bakit hindi ka na lang kasi manligaw o maghanap ng girlfriend para tigilan ka na ng mga babaeng nangangarap pa rin na mapansin mo?”

Napabuntong hininga si Westley at bumaling sa kaibigan na kanina pa kumakausap sa kanya.

“Sa tingin mo effective kaya ang maghanap ng fake girlfriend para tantanan na ko ng mga babaeng yun?”

”Oo naman!”

“Sige, pag-isipan ko. Pero ano pala ang ginagawa mo dito?” kunot noo na tanong ni Westley sa kanya.

“Wala lang, marami ka naman oras hindi ba? Tara sa Night club. Ihahanap kita ng babae.” Aya ni Thirdy sa kanya.

“Hindi pa ako puwede tonight. Alam mo naman tinutulungan ko pa si Drake na hanapin si Eliazar. Kayo na lamang muna, kapag nakahanap ka ng maayos na babae tawagan mo ako.” wika ni Westley pagkatapos ay nagpaalam na rin ang kaibigan.

Samantala, kinakabahan na naman si Xanthe dahil ipinatawag na naman siya ni Miss Fushia nang mag-isa kaya patungo siya sa malaking bahay nito.

Napakamot siya sa kanyang batok nang makita niyang nakasuot ito ng leggings at sando. Pauwis na pawis na parang galing sa yoga or Zumba session.

“Maupo ka.” Nakangiting Sabi nito.

“Anong gusto mong inumin? Juice or coffee?” tanong nito sa kanya.

“Coffee na lang, walang sugar.” Sagot ni Xanthe.

Inutusan niya ang kanyang kasambahay na kumuha ng meryenda para kay Xanthe.

“Miss Xan, mabuti at nagpunta ka dito. Ibig sabihin ay pumapayag Kang tulungan ako hindi ba?”

“Ha? Hindi yun sa ganun, ipinatawag niyo ako kaya ako nandito.” Depensa ni Xanthe. Kahit anong isip niya Hindi niya alam kung paano tutulungan si Miss Fushia Lalo pa sa kalagayan nito.

“Ganun na rin yun, alam mo ba? Sa totoo lang nahihiya akong humarap Kay Westley ng ganitong itsura. Kaya hindi niya alam na ang babaeng nagbibigay sa kanya ng mga regalo ay ako. Baka kasi matulad ako sa ibang babae na binasted niya. At hindi ako sanay na natatalo Lalo na sa mga bagay na gusto ko kaya gagawin ko lahat para magustuhan niya ako. Hindi ko na itutuloy ang gayuma. Gusto kong magustuhan niya ako sa natural na paraan.”

Awang ang labi ni Xanthe sa kanyang narinig. Kahapon lang para itong baliw na inaamoy ang und3rw3ar ng lalaking yun. Tapos ngayon, mukhang nasa tamang katinuan ito kausap.

“M-mabuti yan Miss Fushia, pero…paano niyo po gagawin yun?” Usisa ni Xanthe. Inilapag ng kasambahay ang coffee sa kanyang harapan at sinimsim niya agad ito dahil mas gusto niya yung umuusok na kape ang inumin.

“Through his heart.”

“Ha?” nagtatakang tanong niya.

“Kung hindi ko siya makukuha sa gayuma, at mamahaling regalo. Gusto kong tulungan mo ako para magustuhan niya ako. I want you to write a love letter for him.”

“HA?!” Bulalas ni Xanthe na ikinagulat nito. Mariing napapikit si Xanthe. Dapat pala nagdahilan na lamang siyang may sakit siya para hindi na siya nagpunta dito.

“Madam, maunawaan ko kayo. Pero hindi ako poetic na tao. Hindi ako marunong sumulat ng love letter. Simpleng essay nga hindi ko kayang gawin eh.” katwiran niya. Sumeryoso ang mukha nito kaya napalunok siya.

“Your sister needs an eye operation hindi ba? Sagot ko na Ang lahat ng expenses niya. Magaling na doctor ang kukunin kong mag-opera sa kanya para makakita siyang muli. Just help me this time please. May tiwala akong kaya mong gawin yun and that’s your assignment. Makakaalis ka na, may schedule pa ako ngayon sa derma.” wika nito sa kanya pagkatapos ay nauna na itong tumayo.

Inubos ni Xanthe ang kape niya at umalis na rin.

“Anyare sa nguso mo? Mahaba pa sa yosi ng tikbalang.”

“Huwag ngayon Banjo, mainit ang ulo ko.” Inis na Sabi ni Xanthe nang magkita sila sa opisina.

“Diba galing ka Kay Miss Fushia? Siya ba nagpa-init ng ulo mo?” Usisa nito na ikinabuntong hininga niya.

“Gusto niyang igawa ko siya ng love letter para sa lalaking yun– haist! Ano ba? Magdahan-dahan ka nga!” ang!l niya kay Banjo nang mabuga nito ang ininom na tubig.

“Sorry–paano kasi hindi ko inaasahan yung narinig ko.” Pagdadahilan nito at inabutan pa siya ng panyo.

“Malinis yan.” wika nito at tinangap naman ni Xanthe para ipunas sa braso niyang natalsikan ng tubig.

“Malakas talaga ang tama ng tabachingching na yun sa lalaking yun. Hindi na uso ang old school ngayon ng panliligaw.” Naiiling na sabi ni Banjo.

“Yun nga eh, habang tumatagal lalong nagiging komplikado ang buhay ko. At isa pa sa kinakatakot ko, nalaman niya ang tungkol sa kundisyon ng kapatid ko at willing siyang tulungan ako. Pero hindi ko kaya ang pinapagawa niya sa akin.”

“What if subukan mo? Siguro naman kapag ginawa mo na yung best mo. Tapos wala pa rin baka sukuan ka din ni Madam Fushia.”

“Subukan ang alin? Ang gumawa ng love letter? Paano ko gagawin yun hindi ko naman alam kung paano ma-inlove? At isa pa, hindi ako magaling doon. Mas gusto ko pang pagnakaw!n niya ako ng sampung inahing baboy kaysa magsulat ng nakakadiring love letter.” katwiran niya.

“Kadiri agad? Maraming paraan, puwede kang gumamit ng internet. Magsearch at manuod ng mga romantic love stories. Malay mo naman hindi ba? Pero wait, diba Sabi ni Miss Fushia allergic din siya sa mga babae? Hindi kaya–never pa din na-inlove yung lalaking yun?”

“Imposible, baka allergic sa pork kamo.” Ani ni Xanthe. Hindi naman sa nilalait niya si Miss Fushia. Pero naiinis siya kapag iniisip niya kung gaano kahirap ang pinapagawa nito sa kanya.

“Oh! Saan ka pupunta?”

“Ano pa ba? Bibili ng panulat at papel! Diyan ka na!” sagot niya sabay kaway Kay Banjo. Pagkatapos ay dumerecho siya sa mall para bumili ng bond paper, ball pen at mga sulatan.

Pagkatapos ay umuwi na siya sa condo. Inilatag niya ang lahat ng binili niya sa ibabaw ng mesa at nagsimula siyang magsulat. Ngunit panay lang tapon sa sahig ang ginawa niya dahil hindi niya alam kung paano gagawa ng love letter para sa lalaking yun.

“Hello, Miss Fushia. Nakagawa na ako ng love letter.” wika niya nang sagutin nito ang tawag niya.

“Good, isesend ko sayo ang address ng pagdadalhan mo–”

“Ha? Hindi niyo muna babasahin?” Kunot noo na tanong niya.

“Hindi na, may tiwala ako sayo.” wika nito pagkatapos ay ini-off na ang tawag napakamot siya sa kanyang ulo. Inabot pa siya ng gabi para ma-finalize ang love letter na pinaghirapan niya tapos hindi man lang babasahin nito.

Maya-maya pa ay nakuha na niya ang address kaya ipinadala na niya agad sa delivery rider.

“Boss, natagpuan na namin ang lokasyon ni Eliazar!” wika ng impormante niyang pinapahanap niya sa kinaroroonan ni Eliazar.

“Okay, maghanda kayo pupunta na tayo doon.” Ani ni Westley. Kailangan niyang tulungan ang kaibigan niyang si Drake para matapos na ang problema nito Kay Eliazar ang babaeng dumukot sa asawa ni Drake na si Eliza na iniligtas nila mula sa mga chinese cult. At alam niyang hindi titigil si Drake hanga’t hindi nito napagbayad si Eliazar for harming his pregnant wife.

“Sir! May nagpapabigay.” Habol sa kanya ng kanyang secretary nang akmang aalis na siya.

Inabot nito ang pulang sobre na may heart na sticker pang naka-sealed.

Tinanggal niya ang heart at binuksan ang letter.

~~~~~~
To my Sunlight,
Sana nasa mabuti Kang kalagayan. Nais ko lang ipabatid ang tunay kong nararamdaman. Iniibig kita ng labis. Handa kong tawirin ang ulap sa langit, sungkitin ang lahat ng bunga ng mangga ng kapitbahay namin. Languyin ang amazon river. Makuha ko lang ang mailap mong puso.

Nagmamahal Miss Moonlight ♥️😘
~~~~~~~

Hindi alam ni Westley kung matutuwa siya o maiinis. Ito ang unang beses na nakatangap siya ng love letter sa babaeng hindi niya kilala. At hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam.

Inilagay niya ito sa loob ng kanyang coat at pagkatapos ay umalis na rin upang puntahan si Drake at ipaalam sa kanya ang balita.


Chapter 3

“Ano naman ito?” Wala sa mood na tanong ni Westley sa kanyang secretary nang mag-abot na naman ito ng panibagong sobre sa kanya kinabukasan.

“Sir, may nagpadala po ulit wala na naman pong address kung saan galing.” Sagot ni Fatima.

Kinuha niya ang love letter at pumasok na siya sa kanyang opisina. Inilapag niya ang sulat sa ibabaw ng mesa at naghubad siya ng coat dahil nainitan siya. Wala siya sa mood dahil natakasan na naman sila ni Eliazar ang buong akala nila ay matatapos na rin ang problema nila ni Drake sa lalaking yun.

Naupo siya swivel chair at sumandal. Napatingin siya sa love letter at binuksan niya ito.

~~~~~~~~~

My Dearest Sunlight,

Itong sulat kong pangit, ingatan mong pilit.
Kapag ito ay napunit. Puwede bang Ikaw Ang kapalit?”

Nagmamahal, your Moonlight ♥️

~~~~~~~~~

Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley habang paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa love letter. Pero nabura ang ngiti sa kanyang labi nang maisip niyang hindi tama yung reaction niya sa sulat na pinadala sa kanya.

Kinuha niya sa kabinet ang unang sulat ang pinagtabi niya ito. Nangalong baba siya na para bang may malalim na iniisip.

“Aalamin ko kung sino ka, kapag tapos na kami kay Eliazar.” seryosong Sabi ni Westley at itinago ulit ang mga love letter.

Sa sumunod na araw ay inabutan na naman siya ng love letter ng kanyang secretarya. Sa pintuan pa lamang ay binuksan na niya ito at binasa.

~~~~~~~~

To my Dearest Sunlight

Kung ako ang ‘yong pipiliin,
mundo mo’y hindi didilim.
Puso mo’y hindi lalamigin.
Basta’t ako’y sayong il@lim,
Ika’y aking palil!gayahin,
at mata mo’y p@titirik!n.

Nagmamahal, your Moonlight ♥️

~~~~~~~~

“Interesting.” Nakangiting ani ni Westley at niluwagan ang kanyang kurbata pagkatapos ay binasa niya ulit ang sulat bago itabi pa sa mga kasama nito.

“Fatima, alamin mo sa dilivery kung saan galing ang mga sulat.” Bilin niya sa kanyang secretarya bago siya umalis.

Samantala, halos hindi na makatulog si Xanthe kakaisip ng panibago niyang isusulat dahil hindi naman niya alam kung ano ang kanyang dapat isulat kaya dinadaan na lamang niya sa patula-tula.

Tumunog ang phone niya at sinagot niya ito.

“Miss Xan. Kumusta? Pasensya ka na at busy ako. Nagpa-lippo kasi ako. Kaya Ikaw na muna ang bahala ituloy mo lang ang pagpapadala sa kanya ng sulat habang nagpapaganda ako. Kapag gusto na niyang magmeet kaming dalawa sasabihin ko sayo para mailagay mo sa last letter. Okay?”

“Yes, Madam.” sagot ni Xanthe at binagsak ang sarili sa malambot na kama.

“Hmmm…ano kaya ang reaksyon ng lalaking yun sa mga sulat ko? Walang lalaking tatangi kapag inalok mo na ang sarili, gawa kaya ako ng something sexy? Baka sakaling mas manabik siyang makilala si Madam Fushia?” bulong ni Xanthe sa sarili. Naglalarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

Pagkatapos ay bumangon siya at dumampot ng ballpen at papel. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inimagine niya ang lalaking Nakita niya sa room. Ang lalaking muntik nang makahuli sa kanya sa madilim na kuwarto.

Pagkatapos ay dumilat siya at nagsimulang magsulat sa papel.

~~~~~~~~~~~
My Sunlight 💛

Alam mo bang nasasabik na akong magkita tayo? Palagi na lamang akong nakatingin mula sa malayo. Palaging umaasa na sana kapag dumating na ang oras na magkakilala tayong dalawa. Ay bigyan mo ng pagkakataon na buksan ang puso mo sa isang kagaya ko. Hindi man perpekto gaya ng ibang babaeng humahabol sayo. May malaki naman akong puso na para lamang sayo. At sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi. Ibibigay ko ang sarili ko ng buong-buo. Bubusugin kita ng mga yak@p at hal!k ko. At pangakong sa’yo ko lang ilalaan ang buhay ko. Ang sarap mo 🤤.

Nagmamahal Moonlight 🖤

~~~~~~~~

Pagkatapos niyang tupiin ang sulat at ipasok sa sobre ay pinadala niya ulit ito.

Kinabukasan ay inaantok pa siyang nag-unat. Bumaba siya sa kama dahil pupunta siya ngayon sa opisina. May kakatagpuin kasi silang client. Napahikab siya at napasilip sa ibabang salamin mula sa kanyang condo unit. At nanlaki ang mata niya nang makita niyang nakatingala sa kanya ang lalaking pinagnakawan niya ang brief may mga kasama pa itong goons.

“Hindi naman siguro ako ang pakay noon.”

Kinalma ni Xanthe ang sarili ngunit naisip niyang paano kung inalam ng lalaking yun kung saan galing ang sulat?

“YARE!!!”

Kaagad siyang kumuha ng pamalit na damit sa pantulog na suot niya at mabilis na lumabas mula sa kanyang kuwarto. Kaagad siyang umakyat sa rooftop dahil napapaligiran na ng mga tauhan nito ang baba kaya paniguradong kapag bumaba siya ay mahuhuli siya ngunit sa rooftop may puwedeng pagtaguan doon!

“Naloko na!!!” nagmamadaling pinindot ni Xanthe ang elevator at pagkatapos ay sumakay siya papunta sa rooftop ng building at naghanap siya ng matataguan. Mabuti na lamang at bitbit niya ang wallet at phone niya. Malalaman niya ang sitwasyon sa loob ng condo niya dahil Meron siyang access sa cctv ng condo niya. Pinanuod niya ito at Nakita niyang kumakatok na ang mga goons sa pintuan niya. At nang walang nagbukas ng pinto ay nagulat si Xanthe nang sipain ng isang lalaki ang pinto at bumukas ito. Pumasok si Westley at ang mga tauhan nito. Inilipat niya ang CCTV at pinanuod naman ang sa sala. Nakita niya kung paano halug-hugin ang buong condo niya.

Pati si Westley ay kalmado lang din na nagmasid. Nakita niya ang bukas na pinto ng banyo at lumapit siya doon dahil baka doon ito nagtatago. Ngunit pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang mga itim na t-b@ck na nakahanger pati na rin ang itim na bra. Napansin niyang may kalakihan ang size nito kaya paniguradong biniyayaan din ito ng malusog na papaya.

“Boss! Walang tao dito!” Ani ng tauhan niya. Wala man lang kahit picture frame siyang nakita or puwedeng pagkakilalanlan ng babaeng sumusulat sa kanya. Hangang sa makita niya sa mga basurahan ang mga scratch paper ng mga sulat ni Xanthe.

Nanlaki ang mata ni Xanthe nang kalkalin ng lalaki ang basurahan at pinagbabasa ang mga sinulat niya.

“Jusko lord, malalagot ako kay Madam!” Bulalas ni Xanthe. Habang si Westley naman ay hindi na mabura ang ngiti sa labi sa kanyang mga nababasa.

“Dalhin niyo lahat yan, aalis na tayo.” Ani ni Westley at binitbit ng isang tauhan niya ang trashbin. Pagkatapos ay lumabas na sila sa condo. Nakahinga si Xanthe ng maluwag nang lumabas na ang mga ito.

Samantala, lumapit si Westley sa front desk ng building.

“Hi Miss, puwede ko bang malaman ang pangalan ng nakatira sa unit 143?”

“Sir pasensya na pero bawal po eh–”

Nanlaki ang mata ng babae nang ilapag nito ang isang kapal na lilibuhin sa harapan niya.

“Sayo na yan kung ibibigay mo sa akin ang pangalan niya. Huwag kang mag-alala Wala akong balak na saktan siya. Gusto ko lang malaman ang pangalan ng babaeng nagpapadala sa akin ng love letter.” Ani ni Westley.

“Talaga po? Sige po, sandali lang.” wika ng babae at kaagad na sinulat ang pangalan ng nakatira sa nasabing unit. Pagkatapos ay binigay Kay Westley ang papel.

“Axanthe Velasquez?” Sambit ni Westley habang binabasa ang pangalan nito.

Pagkatapos ay inabot niya sa tauhan niya ang papel.

“Alamin mo ang lahat sa kanya.” seryosong Sabi ni Westley.

“Yes Boss!” Sagot nito. Pagkatapos ay lumabas na sila sa building.

“Boss!” Napalingon siya sa tawag ng isa niyang tauhan.

“Anong gagawin ko po dito?” Turo nito sa basurahan na hawak niya.

Nilapitan siya ni Westley at kinuha mula sa kanya ang basurahan. Pagkatapos ay sumakay na ito sa kanyang kotse.




“Ano? Wala kang mahanap tungkol sa pagkatao ng babaeng yun?” Ulit na tanong ni Westley kay Arwin.

“Sorry boss, pero sa isang linggo na pag-iimbestiga ko. Wala kahit kaunting impormasyon akong nakuha. Kahit doon sa babaeng nagnakaw ng brep niyo.” Kamot ulo niyang sagot.

Napabuntong hininga si Westley at tumayo mula sa kanyang swivel chair at humarap sa salamin na wall ng opisina niya.

“Arwin, gusto kitang tanungin. Sa tingin mo? Ano kaya ang dahilan kaya hindi mo mahanap ang pagkakakilanlan ng taong pinapahanap ko sa’yo? Sa lahat ng inutos ko sa’yo. Ngayon ka lang sumablay hindi kaya?”

Lumingon siya kay Arwin at mariin niya itong tinignan. Napa-angat ng tingin si Arwin sa kanya.

“Boss, kung iniisip niyo na hindi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko. Kahit magtanong kayo kay Brayan. Halos napupuyat na nga kami sa pag-iisip at pagkalap ng impormasyon tungkol sa babaeng nagnakaw ng brep niyo–”

“Can you please, huwag mo nang ulit-ulitin?”

“Alin po? Yung magnanakaw or Yung brep niyo?”

“Both!” nauubusang pasensya na Sabi niya.

“Sorry boss, kahit doon sa Axanthe Velasquez Wala rin kaming makalap. Yung CCTV ng building Wala rin akong makuha na kopya.” Katwiran niya.

Malalim na napaisip si Westley, alam niyang magaling si Arwin sa paghahanap ng tao. Kaya hindi niya pinagdududahan ang kakayahan nito. Ngunit kung wala itong makalap na impormasyon. Mabuti pang ipatigil na lang muna niya ang paghahanap. At mag-focus muna siya kay Eliazar.

“Okay, sa ngayon, huminto ka muna sa paghahanap sa dalawang yun. For sure naman kung talagang interesado sila sa akin. Hindi sila titigil at gagawa sila ng paraan upang malapitan ulit ako. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Ipapatawag ko na lang kayo ni Brayan kapag nagparamdam na ulit sila.” Ani ni Westley sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito.

Paglabas ni Arwin ay nasalubong nito si Brandon.

“Anong nangyari sayo? Bakit ang daming basura sa desk mo?” Nagtatakang tanong ni Brandon at akmang dadampot ng isang lukot na papel ngunit mabilis na iniwas ito ni Westley.

“This is mine!”

“Ha? Hindi ko naman inaangkin kung maka-agaw ka parang may mababasa akong love letter diyan ah?”

Patay malisya na binaba ni Westley ang trash bin sa ilalim ng mesa.

“Nahihiwagaan na talaga ako sayo Westley. Okay ka pa ba? Simula noong ninakawan ka ng brep–”

“Okay lang ako!” Nauubusan na pasensya niyang sabi kay Brandon.

“Relax, ang bilis mo naman mainis. Alam mo bang nakakatakot ka kapag nagagalit?”

Kinalma ni Westley ang sarili. Hindi niya talaga mapigilan ang mainis dahil hindi niya mahanap ang dalawang babaeng gumugulo sa kanyang isip.

“Huwag na natin pag-usapan yun. Ano ba ang sadya mo?”

“May pool party sa bahay nila Angel mamaya, gusto mong sumama? Maraming chicks doon.” Ani ni Brandon.

“Okay, kailangan ko din mag-unwind at stress na ako.” Pagpayag niya.

“Yun! Mabuti naman. Antayin ka namin mamaya. Pero bago ako umalis. Pasilip muna ng tinatago mo diyan.” Nakangising sabi nito.

“Fatima, magpapasok ka ng security.” utos ni Westley sa voice receiver na nasa ibabaw ng kanyang table.

“Aalis na nga! You’re really scary.” reklamo ni Brandon pagkatapos ay kumaway pa ito bago umalis.

Napabuntong hininga siya at naupo sa swivel chair. Kumuha siya ng isang lukot na papel at isa-isa na naman niyang binasa ang nakasulat dito. Hangang sa natagpuan na lamang niya ang sariling tumatawa.

“Fatima, okay lang ba si sir?” Nagtatakang tanong ng kanyang staff na papasok sana sa opisina nito ngunit narinig siya nitong tumatawa.

“Actually isang linggo na siyang ganyan. Nasanay na lang ako. Minsan nga sinasabayan ko na siya para may kasamang tumawa.” Naiiling na sabi ni Fatima.

“Nakakatakot naman baka sinasapian na si Sir. Pagpatawas kaya tayo?”

“Anong meron? sinong magpapatawas?”

Nanlaki ang mata ng dalawa nang marinig nila si Westley.

“Y-yung kapitbahay namin sir! Para kasing sinasapian!” katwiran ni Fatima.

“Naniniwala naman kayo sa ganun? Ipatingin niyo sa totoong doctor.” Seryosong Sabi nito at pagkatapos ay pumasok na ulit sa loob ng opisina.

“Nagawan ko na nang paraan para hindi ka mahanap ni Westley. Kaya dumito ka muna. Hindi ka niya matutunton kung nasa puder kita.” Ani ni Ms. Fushia. Sinabi kasi ni Xanthe na titigil na siyang magsulat ng love letter dahil muntikan na siyang mahuli nito kaya kinailangan din niyang maghanap ng bagong matutuluyan at naging maagap naman si Ms. Fushia na ipasundo siya.

“Malaki naman ang bahay ko kaya puwedeng-puwede ka dito. Mas mabuti na rin yun para mabasa ko ang gawa mong love letters. Siguro napaka-sweet ng pagkakasulat mo kaya pinahanap ka na niya agad.” Nakangiting sabi ni Ms. Fushia.

Sa ilang linggo ay nakikita na niya ang unti-unting pagbabago ng pangangatawan at itsura nito. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Pero para sa kanya, mas mabuti na rin talaga na dumito siya nang sa ganun ay hindi na siya mangamba na baka mapuntahan siya ulit ng lalaking yun.

“Gagawa ba ulit ako ng love letter?” usisa ni Xanthe sa kanya.

“Sa ngayon huwag muna, samahan mo muna akong pumarty.”

“Miss, Fushia. Hindi ako sanay pumarty. Dito na lamang ako–”

“Pinsan ko ang pupuntahan natin, ipapakilala din kita sa kanya. Tamang-tama marami akong two piece na bagong bili. Baka magkasya sayo. At isa pa, may ipapanakaw ako sa’yo.” Nakangiti nitong sabi na ikinakunot ng noo niya.

“Pinsan niyo? Pagnanakawan natin?” nagtatakang tanong niya.

“Si Angel ay may gusto din Kay Westley noon pang highschool sila. Nauna din silang nagkakilala at gaya ko. Hinahabol pa rin niya ito. Gusto kong kunin mo ang basketball jersey shirt na niregalo ni Westley sa kanya.” paliwanag ni Miss Fushia.

“Paano ko naman malalaman kung anong itsura ng jersey na pinapakuha niyo?”

“Madali lang, nakasabit yun sa wall at nakalagay sa picture frame gaya ng mga collections ko.”

Napasinghap si Xanthe. Hindi na pagkagusto sa isang lalaki ang tingin niyang nararamdaman ni Ms. Fushia kundi obsessi0n na at hindi maganda ito para sa isang tao.

“Madam, puwede bang s3xy short na lang suotin ko? Kaunting kib0t ko lang dine parang sisilip na ang tahong ko eh.” reklamo ni Xanthe nang ibigay nito ang two piece bikini na kulay red wine.

“Hindi yan, ang s3xy mo nga kapag sinuot mo yan. Saka pool party ang pupuntahan natin. Natural lang na yan ang suotin mo. Kung naiilang ka puwede kang magtapis nito.”

Inabot sa kanya ang see through na pangtapos ng beywang.

Napabuntong hininga si Xanthe.

“Madam, para naman akong lalaban nito sa calendar girl. Rushguard na lang kaya?”

“Okay na yan! Sige na suotin mo na at patungan mo na lang ng t-shirt at short. Huwag ka nang maarte!” Litanya nito.

Wala siyang nagawa kundi bitbitin ang bikini na binigay nito. Pagkatapos ay sinuot na rin niya ito. Upang patungan ng short at t-shirt.

Nang mahanda na niya ang sarili ay tinawag na siya ni Ms. Fushia dahil aalis na sila.

Wala pang 20 minutes ay narating na nila ang bahay ni Angel. Gaya ni Miss Fushia ay super yaman din nito. Malawak ang parking space at dinig na dinig niya ang malakas na music na nagaganap sa party.

“Siguradong magugulat si Angel kapag Nakita niyang pumapayat na ako. Ilang session pa, diet at exercise magiging sexy na ako!” Bulalas ni Ms. Fushia kay Xanthe.

Maganda naman ito parang meztiza kaya hindi malabong mas maganda ito kung payat. At di malabong magustuhan ito ni Westley kapag pumayat na ito ng husto pero buwan pa ang bibilangin at himala para mangyari yun. Ang kinatutuwa lang ni Xanthe. Kahit mataba ito ay confident parin itong magsuot ng two piece dahil may korte naman ito kahit paano at makinis din.

“Angel!!!” Salubong niya sa kanyang pinsan.

“Fushia? Ikaw na ba yan?!” Bulalas nito. Gaya ni Miss Fushia ay maganda din ang genes nitong si Angel. Hindi na nakakapagtaka kung maganda rin ito.

“Yes, this is me! Nagbabagong buhay na ako dahil malapit na akong ikasal kaya kailangan ko nang magpaseksi!” Ani ni Ms. Fushia.

“Ikasal? Kanino? Naka-move on ka na pala Kay Westley?” Ani ni Angel sa kanya.

“Secret for now…ipapakilala ko pala sayo si Xan, bff ko. At ihahanap ko ng boyfriend dito okay lang ba?”

“Ahhh siya yung kinukwento mong isasama mo? Ani ni Angel.

“Oo.”

Ngumiti si Xanthe sa kanya at ganun din si Angel at nagkamay pa silang dalawa.

“By the way yung regalo ko nasa compartment ipapadala ko na lang sa driver ko.”

“Okay lang, enjoy kayong dalawa. Punta na lang kayo sa guest room para makapagbihis na rin kayo.” nakangiting Sabi ni Angel sa kanila at nagpaalam na rin sila para umakyat sa guest room.

“Mabait din pala Ang pinsan mo miss Fushia.” Ani ni Xanthe habang pa-akyat sila sa room nila.

“Oo naman, mabait naman kaming lahat. At kahit na iisang lalaki lang gusto namin. Hindi kami nag-aaway. We do it professionally. Still we know how to stand. But, sa akin naman talaga ang jersey na yun mapupunta kaya lang naagaw niya sa akin dahil nahiya akong makipag-agawan sa kanya that time dahil nakatingin si Wrestley nang ihagis niya sa amin ang Jersey na yun at ako ang unang nakahawak. Mataba rin ako noong time na yun at mababa ang self esteem ko.” Paliwanag ni Miss Fushia sa kanya. Pagkarating nila sa kuwarto ay nagbihis na silang dalawa at sumali sa party.

“Oh my god! Westley?!” Irit ni Angel nang makita niyang parating si Westley at mga kaibigan nito.

“Hi Angel, pasensya na kung ginabi na kami. Hinintay pa kasi namin si Westley.” Ani ni Brandon.

“Okay lang, hangang madaling araw pa naman ang party ko. Kakaunti na rin ang mga bisita ko kaya hindi na gaanong crowded. Halikayo sa loob!” Masayang aya ni Angel sa kanila at pinapasok niya ito sa loob ng bahay.

“Napansin agad ng mga bisita ang presensiya nilang tatlo dahil sa lakas ng dating nila. Black pants at long sleeve polo dark royal blue na tiniklop sa siko ang suot ni Westley samantalang summer polo naman sa dalawa.

“Ang daming sexy.” Bulong ni Brandon sa kanilang dalawa habang naglalakad.

“Kalma ka lang Brandon, masyado kang halata.” Saway ni Thirdy sa kanya.

“Anong gusto niyong inumin? Puwede kayong magrequest sa bartender namin. Or gusto niyo bang magbihis at sumali sa bubble pool party? Masaya yun!” Ani ni Angel na sinang-ayunan ng mga kasama niyang babae.

“Okay na ako dito.” Seryosong Sabi ni Westley at tumunga ng wh!sky.

“Kami na lang doon! Maiwan ka na namin Kay Angel.” Ani ni Brandon at nagmadaling umalis kasama si Thirdy pati ng ibang girls.

“Single ka pa rin diba?” Nakangiting tanong ni Angel habang naka-upo sa mataas na upuan katabi niya.

“Oo.” Tipid na sagot ni Westley sa kanya.

“Really? Mabuti naman, ako din. Hindi kaya Tayo talaga ang para sa isa’t-isa?”

Bumaling ng tingin sa kanya si Westley. Alam niyang matagal na itong may gusto sa kanya. Pero hindi naman ganito ang tipo niyang babae. Kung hindi lang sa pamimilit ng dalawa ay matutulog na lamang siya sa bahay niya.

“Aloof ka pa rin hangang ngayon, hindi ka ba nalulungkot? Parang ang boring ng love life natin ano? Mataas kasi ang standard ko kaya ang hirap magkaroon ng boyfriend. Eh ikaw ba?” tanong ni Angel sa kanya.

“Baog ako kaya ayokong mag-asawa–”

“What–ahhh!!! Oh my god!”

Nabitawan niya ang hawak niyang ladies drink at dumerecho sa suot niyang two piece dahil nagulat siya sa sinabi nito.

“Sorry, mamaya na ulit tayo mag-usap. Magpapalit lang ako.” Ani ni Angel at pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan siya.

Tangan ang isang baso ng wh!sky ay tumayo si Westley upang silipin sa terrace ang dalawa. Panigurado niyang kaliwa’t-kanan na naman ang babae ng dalawang yun.

Naiiling niyang tinignan ang dalawa niyang kaibigan na aliw na aliw sa mga babaeng nakapaligid sa kanila.

Akmang babalik na siya sa upuan nang mahagip ng tingin niya ang babaeng nakadi-kwatro at nakaupo sa tabi ng pool. Naka-straight body at tahimik na sumisimsim ng alak habang nilalaro ng isang kamay niya ang bubbles mula sa pool.

Napansin niya ang nakatali at itim na buhok nito.

“Westley, kung ano-ano na lamang ang naiimagine mo.” Usal ni Westley sa sarili.

Uminom ulit Ang babae at inubos ang laman ng baso niya kaya napa-angat ito ng mukha at natigilan siya nang makita niya ang mukha nito. Tumayo ito at mabining lumakad palayo sa pool. Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley.

“Nakita din kita.”

 



Hindi na nag-aksaya ng oras si Westley kaagad siyang bumaba sa hagdan upang magpunta sa malaking pool. Nagpalinga-linga siya ngunit hindi niya mahagilap ang kanyang hinahanap.

“Hi.” harang sa kanya ng isang babaeng naka-two piece bikini. Hinawakan pa siya nito sa balikat ngunit mabilis niyang tinangal ang kamay nito.

“Hindi ako interesado sayo.” kunot ang noo na Sabi ni Westley at nilagpasan ang babaeng humarang sa kanya.

“Nasaan na kaya yun? Ang bilis naman niyang mawala!” Inis na Sabi ni Westley.

Imposible na nagkamali lang siya dahil malakas ang kutob niyang ang nangnakaw ng brep niya at ang babae kanina ay iisa! Kailangan na lamang niyang makausap at malapitan ang babaeng yun!

“Geraff ka ba sa past life mo? Sino bang hanap mo?” salubong sa kanya ni Thirdy may naka-angkla pang babae sa bisig nito.

“May napansin ka bang naka-red bikini na babae?”

“What? Totoo ba itong naririnig ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thirdy sa kanya.

“Never mind.”

Nilagpasan niya ito at halos lahat ng sulok ng bahay at pool area ay hinahanap na niya ngunit hindi niya nakita.

Hangang sa mapunta ang mga mata niya sa babaeng nagsasahod ng hawak nitong grapes sa chocolate fountain. Lalapitan na sana niya ito ngunit nagpalinga-linga pa ito sa paligid na parang nagmamasid bago tuluyang lumakad at pumasok sa maliit na pintuan sa dulo.

Mabilis siyang humakbang upang habulin Ang babae. Ngunit nagulat siya nang bumulaga sa kanya ang malaking balyena—este! Malaking babae. Mabilis niyang nasalo ang nadulas na babae ngunit dahil sa bigat nito ay kasama siyang bumagsak sa lupa.

“Ahhhh! Sh!t” impit na ung000l niya nang tuluyan siyang madaganan nito. Pakiramdam ni Westley limang tao ang dumaan sa kanya.

Pero nang napadilat siya ay nanlaki ang mata niya nang mapansin kung saan nakahawak ang kanyang isang kamay.

Mabilis ang naging pagkilos niya at malakas na itinulak ang babae.

“W-Wal@ng h!ya ka! Many@k!”

Napangiwi siya nang hampasin siya nito ng mabigat nitong kamay.

“Sandali! Hindi ko sinasadya!”

Kumalma Ang babae at nahulasan siya nang makita ang mukha ng lalaking napahawak sa kanyang isang d3d3.

“Westley? Babe?”

Kunot ang noo na napatingin si Westley sa matabang babae na munt!k nang dvmvrog sa kanya.

“You know me?”

“Oh my god!!! Sorry!!! Sorry!!!”

Tinangka siyang hawakan ni Ms. Fushia ngunit mabilis na umiwas si Westley. Nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan na Sina Brandon at Thirdy nang makita ang pangyayari. Pati ang ibang bisita na naroon ay Nakitawa na rin. Pakiramdam ni Ms. Fushia ay napahiya siya kaya pinilit niya ang sariling bumangon at umalis sa pool area patungo sa parking lot dahil sa kahihiyan.

Habang abala ang mga bisita sa paghabol ng tingin Kay Ms. Fushia ay nagmadali naman si Westley na pumuslit patungo sa pinto na pinasukan ng babaeng kanina pa niya hinahanap.

Pagpasok niya sa loob ay may nakita siyang dalawang banyo doon. Naglakad siya ng derecho hangang makalabas naman siya sa Isa pang pinto. At bumungad sa kanya ang sala ni Angel. May mga iilan din na bisita sa loob kaya hindi akward ang ginagawa niyang pagpasok pero nagpalinga-linga na siya sa paligid wala siyang makita hangang sa mapatingin siya sa mataas na hagdan. Umakyat siya sa itaas. Patay malisya siyang naglakad upang hindi siya mahalata ng mga makakakita sa kanya. Ilang kuwarto din ang nilagpasan niya hangang mapansin niya ang dulo ng kuwarto na may nakalagay na guest room. Hindi na siya nag-aksaya ng sandali at tinungo niya ito. Ngunit Pagbukas niya ay Patay ang ilaw sa loob. Pumasok siya sa loob at akmang bubuksan ang ilaw ngunit may kumilos sa tabi niya at sinara ang pinto. Naramdaman niya Ang pagbalya niya sa likuran ng pinto at may tal!m siyang naramdaman sa kanyang tiyan. Habang ang braso nito ay nasa kanyang dibdib.

“Bakit mo ako sinusundan?” Pabulong na tanong niya.

Nang masanay siya sa dilim ay saka niya Nakita ang mga mata nito dahil tumagos ang ilaw mula sa salamin ng veranda. May nakatali din na pulang panyo sa bibig nito at hindi na ito nakasuot ng bik!ni.

“Magnanakaw ka hindi ba?” tanong niya na parang pamilyar sa pandinig ni Xanthe.

“Oo, bakit? Isusumbong mo ako?”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Westley.

“Hindi, pero kapag hindi mo binaba yang hawak mo. Mapipilitan ako.”

“Mapipilitang ano?”

Nalaki ang mata ni Xanthe nang sa isang iglap siya naman ang nakapinid sa pinto at nabitawan pa niya ang hawak niyang pat@lim.

“Bitawan mo ako!”

“No, say please muna.” Utos ni Westley.

“Kapag hindi mo ako binitawan magsisisi ka!” b@nta ni Xanthe.

Inilapit ni Westley ang labi niya sa likod ng tenga nito.

“Sino ka? Bakit ka nagnanakaw? At bakit mo ninakaw ang underw3ar ko?” bulong ni Westley na nagpatayo ng balahibo sa batok ni Xanthe.

“Underw3ar? Anong sinasabi mo?” mahinang giit ni Xanthe. Gustuhin man niyang makawala. Malakas ang pagkakawak nito sa kanya at sobrang dikit pa na dibd!b nito sa kanyang likuran.

“Nakalimutan mo na ba? Para Kang itim na pusa na pagkatapos mong tangayin ang und3rwear ko ay Basta ka na lamang tumalon sa terrace ng bahay ko.”

Napaisip si Xanthe at malakas na tumibok ang kanyang puso sa kanyang narinig.

“W-Westley?” Sambit ni Xanthe.

“Kilala mo pala ako, good. Now explain to me. Bakit mo ninakaw ang brep ko?” Seryosong tanong ni Westley. Hindi niya naintindihan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng kanyang puso. Mas malakas pa ang tibok ng puso niya kaysa kapag nakikipaglaban siya. At hindi lang yun, ang amoy nito na parang inuudyukan siyang halikan ito. Ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili.

Hindi inasahan ni Xanthe na magkukrus ang landas nila ni Westley. Naalala niya tuloy kung ilang beses siyang napuyat, at tumawa sa pagsusulat niya ng love letter para dito kaya napangiti siya nang hindi niya inaasahan.

“Kung may plano Kang takasan ako. Hindi mo yun magagawa. Now, sagutin mo ang tanong ko? Bakit kilala mo ako? Anong ginawa mo sa brep ko? At bakit nandito ka?” Bulong ulit ni Westley sa kanya.

“Nasas@ktan ako, puwede bang bitawan mo muna ako?” Malambing na tanong ni Xanthe sa kanya na ikinabigla ni Westley kaya mabilis siyang binitawan nito.

“Sorry.” Ani ni Westley sa kanya.

Humarap siya dito at napangiwi siyang hinaplos ang pulsuhan niyang mahigpit na hawak nito.

“I didn’t mean to hvrt you.” naguguilty na Sabi ni Westley dahil alam niyang nas@ktan niya talaga ito.

Itinaas niya ang kamay niya upang tangalin ang nakatakip sa kalahati ng mukha nito. Kaya mabilis na kumilos si Xanthe. Humawak siya sa magkabilang balikat nito at malakas na tinvhod ang kanyang balot

 

“Kanina ka pa namin hinahanap, anong nangyari sa’yo?” usisa ni Thirdy nang maabutan siya nito sa Terrace ng guest room.

“Do you think, kaya mong talunin mula dito hangang baba?”

Sumilip si Thirdy sa ibaba at sunod-sunod na umiling.

“Bro, sa taas nito. Hindi naman ako mam@tay. Kaya lang, paniguradong hospital ang bagsak ko, swerte na lang kung makalakad pa ako.” Ani ni Thirdy sa kanya.

Lumingon siya kay Westley at napansin niya ang namumula nitong noo.

“What happened to you?” Usisa ni Thirdy.

“That thief woman, she’s her. Pero natakasan niya ulit ako.”

“Ano? Ikaw? Matatakasan? Malabong mangyari yun. Baka naman pinatakas mo? Maniniwala pa ako.”

“Because she cracked my precious egg.” sambit ni Westley na ikinabuga ng iniinom na alak ni Thirdy mula sa hawak nitong bote.

“She did that?!” bulalas ni Thirdy na seryosong ikinatango ni Westley.

“I need to get check my test!cles, I’m worried, baka karmahin ako sa pagsabi kay Angel na ba0g ako.”
“’Holy cow! Bro? Bakit naman yun pa ang dinahilan mo kay Angel? Paano kung maniwala yun? Paano kung ipagkalat niyang ba0g ka nga?”

“I don’t care, mabuti na rin yun para tantanan na ako ng mga babaeng yun.” paliwanag ni Westley.

“Bro!!! Nandito lang pala kayo. Meron akong ipapakilala sa’yo. Siguradong magugustuhan mo.”

May hinila itong babae na naka red bikini, at long hair. Nilapitan niya ito ngunit nilagpasan lang niya ito at hindi man lang tinapunan ng tingin.

“Westley!” Tawag sa kanya ni Brandon ngunit nagpatuloy lang siya sa paglakad kaya hinabol na siya nito.

“Ano bang problema mo? Pati ako pinapahiya mo. Paano ka magkaka-girlfriend kung lahat ng magagandang babae tatangihan mo? Hindi mo ba alam kung sino si Maricar?”

“I’m not interested, kung gusto mo siya. Ikaw ang makipagdate.” seryosong sabi ni Westley.

“Ang sungit pala ng kaibigan mo, pero ganyan ang tipo ko. Yung hindi madaling makuha.” Nakangiting sabi ng babaeng kasama ni Brandon.

Nabaling ang tingin sa kanya ni Westley kaya mas lalong lumaki ang ngiti nito sa labi.

“Too bad, may girlfriend na ako.” Sagot ni Westley na ikina-awang ng labi ng dalawa.

Napairap si Maricar at nauna pa itong umalis.

“Ang sabi mo kay Angel, baog ka para tigilan ka na niya. Ngayon sasabihin mong may girlfriend ka na para umiwas kay Maricar. Baka naman sa susunod sasabihin mo ng bakla ka kaya ayaw mo sa babae?” Litanya ni Thirdy sa kaibigan.

“Westley, maiksi lang ang buhay. Anong plano mo diyan sa malaking kargada mo? Gusto mo bang kalawangin na yan? Oh antayin mong maging senior ka bago mo gamitin yan? Lantutay na yan hindi na yan tatayo. Lagpas ka na sa kalendaryo pero hindi mo pa rin nagagamit yan.” litanya ni Brandon sa kanya.

“What do you think of me? Inosente sa ganung bagay? Alam mo naman ang pinakaayaw ko Brandon yung babaeng tinatapon ang sarili sa lalaki–”

“Yun na nga eh–kaya hindi ka makahanap dahil sa standard mo. Wala nang santa ngayon Bro! Lalo na kung isang kagaya mo na isang titig at ngiti pa lamang no woman can resist.”

“Meron.” giit ni Westley.

“Meron? Bakit hindi mo ipakilala sa amin?” Ani ni Thirdy.

“Malapit na, malapit ko na siyang makilala.” Naglalarong ngiti ang sumilay sa labi ni westley. Kahit pa anong iwas at tago ng babaeng yun sa kanya. Kapag na-corner niya ito ulit hindi na niya ito pakakawalan pa.

Kinabukasan ay sinamahan ni Thirdy si Westley sa isang Urologist upang masiguro nito na hindi naapektuhan Ang kanyang egglot sa babaeng tumuhod nito.

“Sige, pakibaba ng pants mo.” Utos sa kanya ng babaeng doctor.

“Why?” Kunot noo na tanong ni Westley.

“Titignan ko yung testicl3s mo, huwag ka nang mahiya sanay na akong makakita ng ganyan.” Ani pa ng doctor sa kanya. Nilingon niya si Thirdy sa likuran niya.

“Wala bang lalaking doctor? Ikaw na lang kaya magcheck up sa akin?” nagdadalawang isip na Sabi ni Westley. Maganda ang babae na nasa harapan niya at sa tingin niya ay dalaga pa ito kaya hindi niya maiwasan ang mahiya.

“Bro, surgeon ako hindi urologist. Ilabas mo na yang pototoy mo, para masuri ni Doc. Alva.” Ani ni Thirdy.

“Pagkatapos mong maghub@d ay humiga ka sa bed para mas comfortable ka.” Ani pa ni Doc habang nasa loob siya ng clinic nito.

Napabuntong hininga si Westley. Kung hindi dahil sa pagtuhod ng babaeng yun sa kanyang egglot ay hindi sana siya malalagay sa ganitong sitwasyon.

Walang nagawa si Westley kundi sundin ang doctor. Naghvbad siya sa harapan nito at sinara ng assistant nito ang kurtina upang mas maging pribado Ang pagche-check up ng doctor.

“Masakit ba?”

Tumango siya.

“Bearable naman.” Ani ni Westley. Nagulat siya nang hawakan ng babae ang kanyang b@y@g.

“Anong ginagawa mo?” Pigil niya sa kamay nito.

“Hindi ko mache-check yan ng maayos kapag hindi ko hinawakan.”

“Ipahawak mo na kasi–”

“Shut up!” angil ni Westley narinig pa niya ang impit na tawa ng kaibigan niya.

Pumikit si Westley at kinalma ang sarili.

“Wala naman siyang sugat outside. But you have swollen t3sticles. May I know what happened to you?”

“Gagaling pa ba ito? Ilang buwan? Possible ba na maging ba0g na ako?” sunod-sunod na tanong ni Westley.

“Relax, mawawala din ang pain. Bibigyan kita ng gamot para sa pamamaga ng 3ggs mo. Sa ngayon iwasan mo muna ang s3x. Baka mas lalong mamaga.”

“Doc, don’t worry single at v!rg!n pa ang kaibigan ko–”

“Thirdy!” saway ni Westley. Kung abot lang niya ito baka nahablot na niya ito.

“Ganun ba? Kaya pala nahihiya ka. But I’m a doctor and we do it professionally kaya don’t worry” nakangiting Sabi ni Doc. Alva.

Nag-init ang tenga ni Westley sa narinig. Hanggang sa paglabas nila sa clinic ay tulala si Westley sa nangyari sa kanya.

“Hoy! Anong nangyari sa’yo? Na-estatwa ka na.”

“I felt vi!0lated.”

Natawa si Thirdy sa sinabi niya.

Bumalik lang siya sa wisyo nang tumunog ang phone niya. Tumigil sila sa paglakad palabas ng clinic.

“What?”

“Boss, Sabi ni Miss Angel wala daw siyang maalala na nagkaroon siya ng bisitang babae sa discription mo. Kahit ang CCTV wala rin kaming nakita.” Imporma nito sa kanya.

“Really? Okay, send me the raw copy of the CTTV from 8pm to 1am” utos ni Westley.

“Yess boss!” sagot ni Arwin.

Pagkatapos patay!n ang call ay sabay na silang sumakay sa car.

“Bakit ba pinag-aaksayahan mo ng oras ang paghahanap sa babaeng yun? Huwag mong sabihin na tinamaan na yang pihikan mong puso sa babaeng nagnakaw ng brep mo?”
Usisa ni Thirdy sa kaibigan.

“I don’t know, may isang babae pang gumugulo sa isip ko. Si Moonlight na hindi ko pa rin alam ang pagkakakilalanlan hangang ngayon at patuloy na nagpapabaliw sa akin.” naguguluhan na sabi ni Westley.

“Kung pareho mo silang hindi matagpuan, what if iisa lang sila ng katauhan?”

Napabaling ang tingin niya kay Thirdy.

“Malabo yan, si Moonlight. Dinadaan niya ako sa imbento at makatang tula sa kanyang sulat. Samantalang ang babaeng magnanakaw na yun. Mailap siya sa akin at inunt00g niya ako
Nang halikan ko siya.”

“Really? So siya pala ang dahilan ng bukol mo? Hmmm…pero sa tingin mo? Sino ang gusto mo sa dalawa na makilala?” usisa ni Thirdy.

Napasinghap si Westly, sino nga ba ang gusto niyang makilala? Yung nagnakaw ng brep niya at babaeng nahalikan niya? Or yung babaeng sa sulat pa lamang nanabik na siya na makilala?

“Saka na ako magde-decide, kapag nakilala ko na si Axanthe Velazquez a.k.a MOONLIGHT. Kapag nagpadala siya ng sulat ay aalamin ko agad kung saan siya nagtatago. Kapag natapos na Ang problema ni Drake Kay Eliazar. Saka ako kikilos para mahanap ang dalawang babaeng gumugulo sa aking isip.

 

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang hindi inaasahan ni Xanthe. Ang halikan siya ng lalaking kinababaliwan ng kanyang cliente. Ngunit kahit anong gawin niya Hindi pa rin siya makalimutan ang gabing yun. Isang linggo na rin siyang hindi pinapalabas ng mansyon ni Ms. Fushia. Kahit ang pagsusulat niya ng love letter ay hindi na rin pinapagawa sa kanya. Nalaman din niya mula mismo kay Ms. Fushia ang nangyari noong gabing yun. Kung saan hiyang-hiya siya sa first encounter nilang dalawa ni Westley. Sa ngayon ay continues parin ang session nito para pumayat na ito ng tuluyan at kailangan din nitong nagpatangal ng mga excess skin na nabawas sa kanya.

Pagbababa niya galing sa kanyang kuwarto ay naabutan niya sa sala ang may edad na babaeng laging bisita ni Ms. Fushia.

“Akala ko ayaw mo nang ituloy ang gayuma? Bakit ngayon hinihiling mo ulit na gayumahin ang lalaking yun?” Ani ng may edad na babaeng sa pagkakaalam niya ay marunong manghula, mangamot at gumamit ng mga dasal.

“Nakita na niya ako, Nakita ko sa mukha niya ang pandidiri dahil sa itsura ko. Sa tingin ko, kahit pumayat pa ako. Hindi niya ako magugustuhan.” Ani ni Ms. Fushia.

Naglatag ito ng mga special na baraha sa kanyang harapan. Habang si Xanthe naman ay nakatayo sa likuran ni Ms. Fushia. Pinakuha siya nito ng tatlong baraha at iniharap ang Isa.

“Babae.”

“Babae?” kunot noo na sambit ni Ms. Fushia sa narinig niyang sinambit nito.

“Oo, may babae nang minamahal ang lalaking iniibig mo.”

Napaisip si Xanthe sa sinabi nito.

“Nasa baraha din ba ang sagot kung sinong babae ang magiging hadlang sa pagmamahalan namin?”

Pumikit ito at hinawakan ang kanyang isang kamay. Pagkatapos ay binuksan ang isang baraha.

“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.”

“Tama na! Ayoko nang marinig yan!”

Bumitaw siya dito.

“Ms. Fushia, ayaw mo bang makita kung ano ang ikatlong baraha?” seryosong tanong nito.

Napabuntong hininga si Ms. Fushia ngunit sa huli ay pumayag itong basahin ang huling baraha. At pumikit ang manghuhula.

“Pighati…” sambit nito

“Pighati?” ulit ni Ms. Fushia.

Napahawak ito sa kanyang ulo.

“Ang pagmamahalang nilang dalawa ay magbabangon ng galit sa isa’t-isa. Hangang sa Isa na lamang ang matira.” makahulugan na sabi ng manghuhula.

“Hindi ko naintindihan, eh kami? Wala ba kaming pag-asa? Hindi ba siya ang makakatuluyan ko? Kahit sinong humadlang sa aming dalawa aalisin ko sa landas niya–”

“Ms. Fushia, ikinalulungkot ko ngunit hindi mo kailanman mararanasan ang mahalin ng lalaking iniibig mo.”

“Hindi!!! Hindi totoo yan!!! Umalis ka na!!! Ang mahal ng bayad ko sayo tapos hindi ka naman pala totoong magaling manghula!!!” Singh@l ni Ms. Fushia sa kanya.

“Xan! Ihatid mo na siya sa labas! At huwag na siyang babalik pa!” mabigat ang mga paa na umalis si Ms. Fushia at umakyat sa kanyang kuwarto.

Habang sinamahan naman ni Xanthe ang manghuhula sa papunta sa parking lot.

“Pasensya na po kayo kay Ms. Fushia. Frustrated lang siya sa sinabi niyo.” Ani ni Xanthe sa kanya.

Bumaling ang manghuhula at natigilan habang sinusuri ang maganda niyang mukha.

“Maari ko ang makita ang palad mo?” Ani ng manghuhula sa kanya.

“Pasensya na pero hindi kasi ako naniniwala sa—”

Kinuha ng manghuhula ang kamay niya at hinawakan na ikinagulat ni Xanthe.

Napapikit ito at pagkatapos ay dumilat. Nag-angat ito ng tingin sa kanyang mukha.

“Hija, ang tunay mong katauhan ang magdadala sayo at sa mga mahal mo sa buhay ng panganib. Ano man ang mangyari magtiwala ka sa lalaking mamahalin mo. Dahil marami ang mapanlinglang, kapag nagpadala ka sa bugso ng iyong damdamin. Buhay ng lalaking mahal mo ang magiging kapalit.”

Naramdaman ni Xanthe ang kilabot sa sinabi nito sa kanya. Ngunit malabong mangyari ang sinasabi nito dahil wala naman siyang lalaking iniibig at kilala niya ang kanyang sarili.

“Ganun po ba? Salamat po sa libre hula. Mag-iingat po kayo.” nakangiting paalam ni Xanthe sa kanya. Pero nang akmang tatalikuran na niya ito ay muling hinila ang kanyang braso kaya nilingon niya ito.

“Huwag mo siyang mahalin, yun lang ang tanging paraan upang hindi kayo masaktan, makinig ka sa akin, Genesis.” wika nito na ikinatigil niya.

“Genesis?” bulong ng isip ni Xanthe. Pagkatapos ay binitawan na siya nito at pumasok sa kanyang kotse.

Suminghap si Xanthe at bumuntong hininga. Pakiramdam niya may ipinasan ang manghuhula na yun sa kanyang balikat.

“Anong Sabi ng fake fortune teller na yun? Bakit ang tagal ka niyang kinausap?” nagtatakang tanong ni Ms. Fushia pag-akyat niya sana sa kuwarto ay nasalubong niya ito.

“Nagbilin lang siya na huwag kayong susuko sa pagmamahal niyo. Dahil tayo naman ang my hawak ng kapalaran natin at nandyan lang sila upang maging gabay.”

“Ganun ba?”

Hinawakan ni Ms. Fushia ang dalawa niyang kamay.

“Xan, salamat. Malaki ang naging tulong mo sa akin. Kaya gagawin ko ang ipinangako ko. Sasamahan pa kitang makauwi sa probinsya nang sa ganun ay madala na natin sa doctor ang bunso mong kapatid.” nakangiting Sabi ni Miss Fushia sa kanya.

“Eh paano si Westley? Isang linggo na tayong walang ginagawa. Susukuan mo na ba siya?” Usisa ni Xanthe.

“Hindi, magpapalamig muna tayo ng isang buwan. Puwede kang tumangap ng klyente Kay Mr. Lima. Ngunit gusto ko na dito ka pa rin uuwi. Mas kaya kitang protektahan dito.” Ani ni Miss Fushia sa kanya.

Kahit paano ay nasasanay na rin siya sa ugali nitong paminsan-minsan ay may toyo. Ngunit madalas naman ay mabait ito sa kanya.

Kinagabihan ay hindi siya madalaw ng antok. Naalala niya kasi ang sinabi ng manghuhula kanina. Kahit saang parte ng hula ng babaeng yun ay walang tumama sa kanya. Ngunit ang hula niya tungkol kay Miss Fushia at Kay Westley ang nasa kanyang isip.

“Isang babae na kababaliwan ng lalaking iyong iniibig, hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit malalim ang pag-ibig nito para sa babae.” Ani ng matandang manghuhula.

Napasinghap si Xanthe at dumungaw sa veranda. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil naramdaman niya Ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Manipis lang ang suot niyang pantulog kaya tiniis na lamang niya ang malamig na hangin.

“Sino kaya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula kanina? Kaya ba mailap sa babae ang lalaking yun dahil may ibang babae na itong mahal?” Bulong ni Xanthe sa sarili.

“Teka? Ano naman pake ko?” kinaltukan niya ang sarili dahil hindi niya dapat iniisip ang bagay na yun. Wala naman siyang pagtingin sa lalaking yun at para sa kanya ang ginawa nitong paghalik sa kanyang labi ay natukso lamang ito sa kanya.

Napatingin si Xanthe sa itim na kotseng biglang umilaw ang front light. Inaninag niya ito ngunit hindi niya makita ang nasa loob. Malalim na ang gabi at nakatigil lang ito sa tapat ng steel gate nila.

Na-curious si Xanthe kaya bumaba siya at lumabas ng mansyon. Tulog na din ang mga bantay. Dahan-dahan siyang lumapit sa gate hangang sa makita niya ang lalaking nasa driver seat.

Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos ay umalis na. Ang detalye lang na kanyang naaninag ay ang tattoo nito na parang galamay ng isang lamang dagat sa leeg nito.

Kinabahan siya ngunit minabuti niyang pumasok na ulit sa loob ng bahay dahil baka magising pa ang mga bantay at makita pa siyang pagala-gala.

Bumalik siya sa itaas ng kuwarto at nahiga sa kama. Pagpikit niya ay naalala na naman niya ang pagdampi ng labi ni Westley sa kanya.

“Hindi maaari ito…kailangan alisin ko siya sa isip ko. Hindi ko puwedeng isipin ang lalaking kinababaliwan ng kleyente ko.” Ani ni Xanthe habang nakahawak sa kanyang labi.

“Miss Fushia? Bakit hindi pa kayo nagpapahinga?” Usisa ni Xanthe pagkauwi niya sa bahay galing sa opisina. May nakausap kasi siyang cliente at kailangan niyang magpunta sa wedding reception upang kunin ang diamond necklace ni Mrs. Gutierrez mula sa kabit ng asawa nito.

“May lakad ka ba bukas? Puwede mo ba akong samahan?”

Naupo si Xanthe sa harapan niya at tumunga ng al@k.

“May problema ba? Kung gusto mong sabihin okay lang. Puwede mo naman akong ituring na kaibigan.” Ani ni Xanthe.

“Alam mo? That’s why I really like you. Pakiramdam ko kasi napaka-genuine mong tao. Kahit Isa kang magnanakaw…”

“Aray, okay na sana eh.” Kamot ulo na reaksyon ni Xanthe na ikinangiti ni Miss Fushia.

“I’m going abroad.”

“Ha? Kailan?” gulat na tanong ni Xanthe sa kanya.

“I don’t know, but I’m tired. Nakakapagod pala na baguhin ang sarili para sa taong mahal mo. Para lang magustuhan niya ako. Bukod sa napakamahal, na-realize ko. Hindi ko dapat ini-aasa ang kaligayahan ko sa ibang tao. I just want to be myself, I want to smile, feel loved genuinely and eat all the food that I wanted to eat. Namimiss ko na kasi ang crispy pata….” Hagulgol na parang bata ni Ms. Fushia.

“I’m proud of you…” nakangiting sabi ni Xanthe sa kanya.

“Yeah, kasi kahit matagal mo nang mahal ang lalaking yun, willing Kang kalimutan siya at mag-start ulit.”

Tumayo si Ms. Fushia at humarap sa veranda.

“Because he is not meant for me. Malay mo, mas guwapo pa Kay Westley ang maging jowa ko sa abroad diba? At mas yummy! Yung hindi ko kailangan na gutumin ang sarili ko para pumayat at magustuhan niya ako. Yung hindi kasing pihikan ng lalaking yun! Kaya basted na siya sa akin! Westley!!! Narinig mo yun?! Bahala ka na sa buhay mo!!! Simula ngayon break na tayo!!!” sig@w ni Ms. Fushia na ikinagulat ni Xanthe.

Pagkatapos ay humarap sa kanya si Ms. Fushia.

“Makakalimutan ko din siya hindi ba? Makakalimutan ko din ang lalaking crush ko simula highschool…” nangingilid ang luhang Sabi ni Ms. Fushia. Tumayo si Xanthe at humarap din sa veranda.

“Makakalimutan mo din si Mr. Brief!!! Magkakalimutan mo din siya Ms. Fushia!!!” sigaw din ni Xanthe pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.

“Yare na, nahawa na ata si Ms. Xanthe kay Madam Fushia.” Naiiling na sabi ng kasambahay nila sa Isa pang kasambahay na nakatingin sa dalawa habang nag-iinuman nagtatawanan at nagsasayan pa.

“Kaya nga eh, minsan na nga lang magkaroon ng kaibigan si Madam. Kapareho pa niya.” pagsang-ayon naman ng isa.

“Totoo kasi ang kasabihan na ‘friends with the same feathers,are the same birds’.” Ani naman ng isa.

“Hoy! Kayo diyan? Anong bulong-bulong niyo? Lumapit kayo dito magparty-party tayo!” Tawag ni Ms. Fushia at nakisalo naman ang kanilang kasambahay.

Ilang oras din silang nagkasayahan bago tuluyan na malasing si Ms. Fushia. Kinuhanan niya ito ng kumot at kinumotan habang nakahiga sa malaking sofa. Pagkatapos ay umakyat na rin siya. Kahit paano ay nakahinga na rin ng maluwag si Xanthe. Dahil hindi na niya kailangan pang gumawa ng love letter upang ipadala sa lalaking yun. At hindi na rin nila kailangan pang magkita.

Dalawang araw ang nakalipas ay hinatid na niya agad ito sa airport.

“Kailan ka babalik?” Usisa ni Xanthe.

“I don’t know, puwede kang magstay sa mansion for free hanga’t kailan mo gusto. Wala ka naman ibang matutuluyan hindi ba? Saka nagdeposit na rin ako sa bank account mo para sa gagastusin mo sa operasyon.

“Baliw ka talaga, dapat hindi mo na ginawa yun. Hindi naman tayo nagtagumpay eh.”

“I know I’m crazy, hindi nga tayo nagtagumpay na mapasa-akin si Westley pero nagkaroon naman ako ng kaibigan.” Wika ni Ms. Fushia.

Ang buong Akala ni Xanthe ay may tama talaga si Fushia. Ngunit napatunayan niyang may mabuti talaga itong puso sadyang brat lang minsan at sanay na nakukuha ang gusto.

“Mag-ingat ka doon, balitaan mo ako.” Paalam ni Xanthe. Parang batang yumakap ito sa kanya.

“Ms–Fushia–hindi ako makahinga!”

“Aw! Sorry!” bulalas nito pagkatapos siyang bitawan. Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa loob dahil malapit na ang oras ng flight nito.

Kumaway pa sila sa isa’t-isa at ngumiti. Kinuha ni Xanthe ang eyeglass niya at sinuot sa kanyang mata. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse dahil may mission pa siyang kailangan na tapusin.

“Sigurado ka bang kaya mo na?” Ani ni Banjo pagkababa ni Xanthe sa kotse. Suot ang mahabang dress na may hati sa hita ay kinailangan niyang magpangap na imbitado sa isang kasal. Dahil doon niya gagawin ang pagnanakaw ng diamond necklace na suot ni Mrs. Garcia.

“I found the target, stand by ka lang.” mahinang bulong ni Xanthe habang nakadiin sa earpiece na suot niya.

“Okay, ingat ka. Mukhang heavenly guarded ang hotel.” paalala ni Banjo.

Dinampot ni Xanthe ang redwine na dala ng waiter at dumerecho sa target niya. Sakto naman na papasok na sa reception ang bride at groom kaya nagkakagulo na ang mga bisita sa pagkuha ng pictures ng mag-asawa.

“Ay! Ano ba yan!” Ang!l ni Mrs. Gracia nang bangain siya ni Xanthe mula sa harapan.

“Sorry po! Sorry po!”

Binaba niya ang glass wine pagkatapos ay kinuha ang table cloth at ipinunas sa damit nito. Mabilis na inangat ni Xanthe ang kamay niya sa likuran nito at segundo lang ay nahila na niya ang diamond necklace nito.

“Babayaran ko na lang po ang damit niyo.”

Kumuha siya ng isang kapal na lilibuhin at inilagay sa kamay niya.

“Okay na ito, Sige na! Lumayo ka na sa akin!” Ani ng Ginang at mabilis na sinilid ang binigay niyang pera sa bag nito.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Xanthe nang talikuran niya ang Ginang at mabilis na umalis sa nagkukumpulan na tao. Akmang dadaan na sana siya sa entrance ngunit napatago siya sa tabi ng pinto.

“Baby, ang bilin ko sayo ha? Huwag Kang makikipag-usap sa mga lalaki okay?” Narinig niyang sabi ni Westley sa magandang babae na naka-abreciete pa sa braso nito. Mabilis siyang lumakad pabalik at nakihalo sa mga bisita dahil baka makita siya nito.

Mula sa malayo ay pinagmasdan niya ang kilos ni Westley ang pakikipag-usap nito sa bride at groom at talaga namang nagsusumigaw sa kaguwapuhan dahil sa suot nitong tuxedo. Pati na rin ang babaeng kasama nito ay maraming napapalingon dahil sa kagandahan. Naalala ni Xanthe ang manghuhula. Ang sinasabi nitong pinakamamahal nitong babae. Kahit na hindi niya tanungin paniguradong yun ang babaeng yun.

Napasinghap siya at ngumiti.

“Bakit parang disappointed ako? Diba dapat matuwa ako? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? No, hindi ito maaari Xanthe. Hindi tama ang nararamdaman mo.” kumbinsi ni Xanthe sa sarili ngunit nang tignan niya ulit ito ay nagtama na ang mata nilang dalawa.

Para siyang naitulos sa kinatatayuan niya.

“Hindi puwede, kailangan ko nang maka-alis!”

Nginisihan niya ito at mabilis siyang humakbang upang magtungo sa terrace ng event hall.

“Banjo, get ready palabas na ako. Nakilala ako ni Mr. Brief. Ang pinagnakawan ko ng underw3ar.” ani ni Xanthe habang hawak ang earpiece niya at kausap sa kanyang driver.

“What? At sinong client yun?” kamot ulo na sabi ni Banjo at hinanda na ang sasakyan.

“That fat crazy woman who paid me millions just to get his underw3ar!” bulalas ni Xanthe dahil baka nalimutan nito matapos na tumalon sa terrace ng event hall nang walang kahirap-hirap.

“Hey!” Tawag ni Westley sa kanya.

“Lagot.” ani ni Xanthe at nilingon si Westley.

“Hindi nga ako ang nagnakaw ng brief mo!” s!gaw ni Xanthe sabay mabilis na tumakbo.