Multi-awarded TV and radio broadcaster Arnold ‘Igan’ Clavio reacted to the recent post of Pasig Mayor Vico Sotto alleging that members of the media are receiving cash in exchange for interviews.

Mayor Vico did not name names in his post but posted photos of broadcasters Korina Sanchez-Roxas and Julius Babao during their interview with the Discayas.

Both camps of Korina and Julius already denied the accusations.

On Instagram, Arnold posted the following:

“TILAMSIK NI IGAN

“When someone accuses you of doing something you’re not doing, it’s usually because they’re the ones doing it.”

– anonymous

Nag-post si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang FB account , “ Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, “Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin?? “

Kasama sa post ang mga larawan ng panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang Discaya bago pa ang election noong Mayo. Bahagi ito ng pagpapakilala ng mag-asawang Discaya sa publiko dahil tatakbong alkalde ng Pasig City si Sarah Discaya .

Sa huli , sabi ni Sotto , “*not an exact figure pero alam nyo na.”

Mayor , kung mayroon kang matibay na ebidensiya laban kina Babao at Sanchez , na nagpabayad sa mag-asawang Discaya para sila ay makapanayam , ilantad mo .

Kung hindi ka sigurado sa p10 milyong piso , magkano ba ? O mayroon ba ? Dahil sabi mo , “ alam ninyo na .” Hindi ko ito inaasahan na manggagaling sa iyo ang napaka-iresponsableng pahayag na ito ? Gusto kong malaman . Tulungan mo kami .

Huwag kang magtago sa mga pasaring , parinig o haka-haka , dahil sa industriya namin mahalaga ang terminong ‘verification’ ng facts sa pagbabalita . Maraming pinagdadaanan ang isang balita bago ito umere .

Sa amin sa GMA Network , Inc. at Super Radyo DZBB , sinasala ang bawat panayam at kailangan na may approval ng mga news manager.

Ang akusasyong ito laban kina Babao at Sanchez ay tila di makatarungan hindi lamang sa dalawa kundi sa buong industriya .

Hindi ito para ipagtanggol ko ang dalawang mamamahayag sa paninira ni Sotto kundi ang ma-proteksyunan ang buong industriya ng pamamahayag – na kinukuhanan ng impormasyon ng publiko .

Nahaharap kami ngayon sa malaking hamon pagdating sa kredibilidad . Nandyan ang ‘social media’ na pilit sinisiraan ang ‘mainstream media’ at mas pinaniniwalaan pa ng marami . (may karugtong sa comment section)

(karugtong) Mayor , huwag ka nang makisawsaw sa mapanganib na panahon dahil sa sarili mong interes na politikal . Nasa demokrasya tayo at may karapatan ang sinuman na marinig ang kanilang panig.

Ang kuwestyunin mo ang makapanayam ang kalaban mo sa politika ay pagsikil sa karapatan ng publiko sa impormasyon .

Parehas tayo ng layunin – magkaroon ng malinis na gobyerno . Pero huwag mo namang isingit sa kamalayan ng mga pilipino na ikaw lang ang malinis at matuwid .

Binanggit mo pa na “Puwede silang magtago sa grey areas: “hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…” pero ’wag na tayong maglokohan.”

Ano ang alam mo sa propesyon namin Mayor ? Ano ang ‘grey areas’ na binabanggit mo ? Gusto kong malaman .

Balik ko sa iyo ito Mayor , “wag na tayong maglokohan .” Talaga ?

Wala ka bang District Engineer sa ang Pasig City ? Wala ka bang kongresista ? Wala ba siyang insertions ? Wala ka bang flood control projects ? Wala ka bang Bids and Awards Committee ?

May trabaho ka . May trabaho rin kami . Respeto .

Walang Personalan .